Share

CWD - 5

Author: vampiremims
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Kanina pa pinagmamasdan ni Adelaide ang sarili sa salamin. Maaga siyang nagising kanina dahil hindi siya makatulog dahil sa nangyari kagabi. Hindi naman niya sinasadya ang nangyari, inisip niya lang na hindi naman siya lalabas ng kwarto kaya maayos lang kahit na hubarin niya na lang ang suot na boxers. 

Hindi naman niya rin lubos-akalain na gising pa pala ang lalaki, o tamang sabihing nakauwi na pala ito. All the lights were still off, ano ba namang malay niya kung naroon na ito, pero nangyari na ang nangyari. Wala naman na siyang magagawa sa bagay na iyon. 

Kung nakita nito ang parteng iyon ng katawan niya ay hindi niya matiyak pero gayun pa man, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang kahihiyan. Paano kung iniisip ni Daniel na inaakit niya ito?

Bakit, hindi nga ba? Ani ng isip niya.

Napabuga na lamang siya ng malalim na hininga at muling tinignan ang sarili. Bahagyang masikip sa kanya ang damit, marahil ay mas payat sa kanya ang may-ari ng damit na iyon. May kaiksian din iyon sa kanya dahil halos kalahati lamang ng mga hita niya ang natatakpan niyon. Hindi naman pangit tignan sa kanya ngunit sadyang maiksi lamang. Iniisip niya lang ang posibleng isipin ni Daniel sa kanya. 

Napatingin siya sa pinto nang muling kumatok si Daniel. “Done?” tanong nito sa kanya. Muli niyang hinagod ang sarili ng tingin bago nagpunta sa pinto at buksan iyon. 

“Yes…” mahinang sabi niya habang nakayuko.

Hindi naman kaagad nagsalita si Daniel kaya nag-angat ng tingin si Adelaide rito. Nakatingin ito sa kanya at tila pinagmamasdan siya. May tila amusement sa mga mata nito na nawala rin kaagad nang ikaway niya ang kamay sa harap nito. “Daniel? Are you okay?” tanong niya sa lalaki. Mukhang hindi nito nagustuhan ang ayos niya. 

He cleared his throat. 

“Okay lang ba? Hindi ba masyadong maiksi para sa akin at—“

“It’s okay,” putol ni Daniel sa sasabihin niya. Napatango na lamang siya sa lalaki at sumunod dito nang magsimula na itong maglakad. Hindi naman nagsalita si Adelaide hanggang sa makasakay na sila sa sasakyan nito. Gusto niyang tanungin ang lalaki kung ayos lang ba talaga ang suot niya dahil parang hindi naman nito nagustuhan. 

Hindi man lang nga nito siya muling sinulyapan habang nasa biyahe silang dalawa.

Kanino kaya ‘tong damit? Ani ng isip ni Adelaide habang nilalaro-laro ang laylayan ng suot na bestida. She was wearing Daniel’s boxers as her underwear. Naiisip na niya ang mga dapat niyang bilhin habang nasa daan sila.

“Do you want to eat first before we buy your clothes?” si Daniel ang nagsalita. Nilingon niya ito at ang mga mata ng lalaki ay nananatili sa daan. Parang iwas na iwas itong makita siya…

Maybe he’s mad because of what happened last night. Sa naisip ay pinamulahan ng pisngi si Adelaide at wala sa loob na hinilang pababa ang laylayan ng suot na damit. Dahil nakaupo siya, mas hantad ang mga hita niya kaysa kapag nakatayo. 

Wala naman sigurong nakita si Daniel maliban sa hita niya, pero alam ni Adelaide na posible ring mayroon dahil sa pagkakatanda niya, nakayuko siya at naghahanap ng makakain sa fridge nang nakita siya nito. 

“Hey, I’m asking you,” sabi nito nang huminto pansamantala dahil pula pa ang nasa ilaw-trapiko. 

“Ha? Ano… i-ikaw na lang ang bahala. Gutom ka na ba?” tanong niya sa lalaki. Nilingon niya ito at napansin niyang ang mga mata nito ay nakapokus sa bandang hita niya. Hindi naman malaman ni Adelaide kung bakit ba tila may maliit na tinig sa loob niya ang nagsasabing hayaan lang ang lalaki at mayroon namang tinig na nagsasabing hilahin niya pang muli ang damit upang maalis ang tingin ni Daniel doon. 

Bakit parang mas gusto kong tignan niya ako?

Si Daniel naman ang unang nagbawi ng tingin mula sa pagtingin nito sa hita niya, nagtaas ito ng tingin at sinalubong ang mga mata niya. “I’m not that hungry. We should buy you clothes first,” sabi nito sa kanya bago muling pinaandar ang sasakyan. 

Tanging tango lamang ang nasagot niya rito. Gusto niyang sumimangot dahil tila balewala sa lalaki ang nakikita nito sa kanya. Modesty aside, Adelaide knew she’s pretty. Iyon naman ang laging sinasabi sa kanya ng mga kaklase noon. Ilang beses na rin siyang pinapasali sa mga pageant sa school nila noon pero sadyang wala lang siyang hilig sa gano’n. Masyado siyang abala sa pag-aaral para salihan pa ang mga gano’ng bagay. 

Maganda rin ang hubog ng katawan niya dahil na rin sa hilig niya talagang gawing ehersisyo ang paglangoy. 

Pero mas mabuti naman yata kung wala akong epekto sa kanya. Eventually, maghihiwalay naman din kami ng landas…

She sighed heavily as she looked outside. Parang may mabigat sa dibdib niya sa naisip na kapag maayos na ang problema niya, maghihiwalay na rin silang dalawa ni Daniel… pero iyon naman ang totoo. He’s just helping her, no more and no less. 

Muli niyang nilingon ang lalaking ang buong atensyon ay nasa pagmamaneho. Sa palagay ni Adelaide ay hindi naman gano’n kalaki ang agwat ng edad nilang dalawa. Mukha namang bata pa rin ang lalaki sa kabila ng pagiging matured nito. Maybe he’s in his late 20’s? Wala siyang ideya. 

Walang-wala ang mga naging kaklase ni Adelaide kung ikukumpara sa lalaki. He looks like a real man. Hindi tulad ng mga nakakasalamuha niya noon sa unibersidad na pinapasukan maging ang anak ng kaibigan ng daddy niya na si Wesley. 

But Wesley’s a nice guy, and he loves me…

Huminga siya ng malalim bago muling tumingin sa labas ng sasakyan. Oo, mabait si Wesley. He’s too good to be true, kaya nga mas lalong ginusto ng daddy niya na magkaigihan sila ng lalaki pero wala siyang kahit na anong nararamdaman para rito maliban sa pagiging magkaibigan. Hanggang doon lamang ang kaya niyang ibigay rito. Hindi niya nakikita ang sarili na kasama ito hanggang sa pagtanda, kasamang bumuo ng pamilya.

At si Daniel, nakikita mong kasama mo?

She let out another sigh. Di yata’t hindi na nagiging maganda ang epekto sa kanya ng lalaki. Aminin man niya o hindi, there’s something about Daniel that attracts her. 

“Are you okay? Kanina ka pa bumubuntong-hininga diyan,” puna ni Daniel sa kanya bago siya nito nilingon. Sinulyapan naman ito ni Adelaide at tinanguan. “Okay lang ako. Naninibago lang siguro ako…” pagdadahilan niya sa lalaki na halata namang hindi pinaniwalaan ang sinabi niya ngunit tumango na rin upang hindi siya mapahiya 

Pinilit niyang huwag na muling lingunin si Daniel at abalahin na lang ang sarili sa pagtingin sa labas.

Ilang sandali pa ang lumipas at dumating na sila sa isang sikat na mall. Matapos iparada ni Daniel ang sasakyan ay lumabas na ito at nagpunta sa pwesto niya at pinagbuksan siya ng pinto. Ayaw man ni Adelaide ay hindi niya napigilan na pamulahan ng pisngi dahil sa ginawa ng lalaki. 

“Let’s go,” ani Daniel bago hinawakan ang siko niya at inakay na siya papasok sa loob ng mall. Hindi nito binibitiwan ang braso niya habang naglalakad sila patungo sa isang boutique na pambabae. 

Nilingon niya si Daniel na seryoso ang mukha habang naglalakad. He’s really hard to read. Tila ba marami itong iniisip at kahit na hulaan niya ang nasa isip nito, malaki ang tsansa na hindi pa rin tatama ang sagot niya. 

“Good afternoon, Sir, Ma’am,” nakangiting bati sa kanilang dalawa ng saleslady sa isang tindahang pinuntahan nilang dalawa. Tinanguan ito ni Daniel habang inililibot ang mata sa paligid. 

“Good afternoon, din,” bati niya sa babaeng nasa harap nila ngunit na kay Daniel lamang ang tingin. Tila yata’t napako ang atensyon nito kay Daniel. 

“Can you help her get all the things she needs?” sabi ni Daniel sa babae bago lumingon sa kanya. “Pick anything you want, don’t worry about the price, okay?” sabi nito bago siya iginiya papasok sa loob. “I’ll wait for you here,” muling sabi nito bago naupo sa isang upuan malapit sa fitting room. 

Is he serious? Pwede niyang kunin ang kahit na anong gusto niya? Pero hindi ba mukhang ang kapal naman ng mukha niya kung aabusuhin niya ang tulong na binibigay nito sa kanya?

“Ma’am, let’s go po?” aya ng babae sa kanya na halata namang ayaw umalis sa kinaroroonan ni Daniel. Nilingon niyang muli ang lalaki at tinanguan siya nito. “Go now,” sabi nito bago nag-dekwatro pa ng upo. 

Tumango na lamang siya at sumama sa babae at tumingin sa mga damit na naroon. 

Gaya ng nasa isip niya kanina, una siyang nagpunta sa underwear section ng tindahan na iyon. Nagtingin siya ng bra at panty na sukat sa kanya at kumuha ng magkakapares. Nilingon niya si Daniel na nakaupo pa rin at may kung anong binabasa sa cellphone nito, tila hindi nito napapansin ang ilang customers na tumitingin dito. 

“Ma’am, ang swerte niyo naman po sa boyfriend niyo,” ani ng sales lady na nakasunod sa kanya. May kung ano sa loob niya ang nagalak sa sinabi ng babae. Ibig sabihin ay napagkamalan nitong boyfriend si Daniel. Kung siya ang papapiliin ay tila ayaw na niyang itama ang sinabi nito pero hindi naman niya maaaring hayaan na gano’n ang isipin nito. 

Nakakahiya pa rin para kay Daniel. 

“Hindi ko siya boyfriend,” sagot niya sa babae bago muling naglakad at nagtingin sa iba pang naroon. She tried her best to be as quick as possible. Hindi na rin niya isinukat ang mga piniling mga damit dahil naiisip niyang baka naiinip na ang lalaki sa paghihintay sa kanya. 

Kagat ang labi siyang lumapit kay Daniel nang matapos na siyang makapamili ng mga damit na bibilhin. “Daniel…”

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “You’re done?” tanong nito sa kanya. Tumango naman siya at napatungo. Tumayo na ang lalaki at hinawakan ang braso niya. “Bayaran na natin. Nagugutom na ako,” sabi nito bago sila naglakad papunta sa cashier. Sumunod na lamang siya sa lalaki. 

Nakatingin lang siya kay Daniel habang nagbabayad ito sa pinamili niya. Akmang kukunin niya ang paper bags matapos itong magbayad nang tinignan siya ni Daniel. “Ako na. Let’s go,” sabi nito bago nagpatinunang maglakad. 

Wala naman siyang nagawa kundi sundan na lamang ang lalaki. Naiisip ni Adelaide na baka galit ito dahil lagpas treinta mil ang binayaran nito para sa mga damit niya. Hindi naman niya akalain na aabot ng gano’n, may kamahalan naman din kasi sa pinuntahan nilang shop. Pwede naman na sa department store na lang, hindi naman siya mapili.

“Daniel…” untag niya sa lalaki habang naglalakad ito. Nilingon naman siya nito. “Yeah?” tanong nito bago muling tumingin sa dinaraanan. 

“I’m sorry…” nakayukong sabi niya sa lalaki. Naiisip niya naman talagang bayaran ang mga gagastusin nito para sa kanya, maging ang pagkain, ang pagpapatira sa kanya sa bahay nito, lahat iyon ay babayaran ni Adelaide kapag naging maayos na ang lahat sa kanya. 

She heard him chuckle. “Why are you saying sorry? Wala namang kaso sa akin na naghintay ako.”

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. “Hindi… b-bukod doon. Iyong gastos mo kasi…” muli siyang nagyuko ng tingin. “Papalitan ko na lang at—“

“Forget about it. It’s okay,” he smiled at her. “I’m famished. Do you want pasta or rice? Parang mas gusto kong kumain ng kanin, e,” sabi nito sa kanya bago siya inakay papunta sa isang Filipino restaurant. 

Inilapag nito ang mga pinamili sa isang upuan bago siya ipinaghila ng sariling upuan. Umusal na lamang siya ng pasasalamat sa lalaki. 

Si Daniel na ang umorder ng pagkain nilang dalawa at wala namang naging problema ang bagay na iyon kay Adelaide. Hinayaan na lamang niya ang lalaki. 

“Here,” sabi nito sa kanya na ikinalingon niya. He was handing her a paper bag. Kumunot naman ang noo niya rito. 

“Change your clothes,” utos nito sa kanya. Inabot naman niya ang paper bag at tinignan ang laman niyon. Isang dress at underwear ang laman ng paper bag na iyon. Di yata’t ipinabukod iyon ng lalaki ng hindi niya napapansin. 

“Ngayon na?” tanong niya rito na sinagot nito ng tango. She just nods a little before getting up. Nagtanong siya sa isang waiter kung nasaan ang CR at agad naman niyang tinungo ang direksyon nito. 

She checked the dress and creases her forehead. Hindi niya maalalang pinili ang damit na iyon, maging ang underwear na naroon ay alam niyang hindi niya pinili habang namimili siya ng damit. 

She smiled a little before changing her clothes, there’s something about the gesture that made her heart flutter. He picked that dress for her, for what reason, Adelaide remains clueless and that is okay. 

Somehow, she feels like Daniel is becoming her happy pill. 

Related chapters

  • Crazed with Desire   CWD - 6

    Hacienda Hernandez, Davao City.“Wala pa rin ba kayong balita kay Adelaide?” tanong ni Maricar kay Fernando. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng ginang nang makibalita ito tungkol sa anak. She left their home almost a month ago already. “Maricar, huwag ka ng masyadong mag-alala at ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko upang mahanap na kaagad si Adelaide. Kilala mo naman ang anak mong iyon, talaga namang suwail at matigas ang ulo, palagay ko ay gusto lamang ng anak mo ng atensyon,” ani ng lalaki na yumakap sa asawa mula sa likuran. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nagtanong ang babae tungkol sa nawawalang anak nito. Hindi naman din kinukunsidera ni Fernando na nawawala si Adelaide dahil naglayas ito, at ginagawa niya ang makakaya niya upang mahanap at maibalik sa lugar nila ang babae. Simula nang mamatay ang ama ni Adelaide, ang buong atensyon ng ina na si Maricar ay nakatuon sa anak at sa hacienda na iniwan sa kanila ng namayapang si Edmundo. May mga negosyo rin sa bayan

  • Crazed with Desire   CWD - 7

    “I thought we’re going to Summer’s?” nilingon ni Adelaide si Daniel na nagmamaneho pabalik sa bahay nito. Seryoso pa rin ang mukha nito. Magmula nang bigla siyang kabigin nito hanggang sa mga sandaling iyon, wala siyang makitang ibang reaksyon mula rito. “What’s wrong? Ano bang nakita mo sa mall?” lakas-loob niyang tanong sa lalaki nang hindi ito magsalita. “Nothing,” he replied dryly. Hindi napigilan ni Adelaide ang mapasimangot kaya naman tumingin na lang siya sa labas ng sasakyan ni Daniel at pinagmasdan ang mga kasabay nilang sasakyan sa daan. Maaga pa naman kung tutuusin pero kailan ba hindi naging problema ng Maynila ang trapiko? She just sighed heavily. Hawak niya ang cellphone na hindi naman niya alam kung saan niya gagamitin. Naiisip niyang tawagan ang ina pero nangangamba rin siya na baka ang amahin ang makasagot sa tawag niya at may mangyari pang hindi niya gusto.“Magpapadeliver na lang ako ng pagkain mo ngayong gabi. May kailangan akong puntahan mamaya,” sabi nito sa k

  • Crazed with Desire   CWD - 8

    Nakatigin lang siya sa lalaki habang hawak nito ang ibinigay niyang ice pack dito. He was also holding a glass and drinking. Sumulyap ito sa kanya kaya naman nag-iwas siya ng tingin. Mukhang totoo nga ang sinabi nito na pinsan ito ni Daniel. He has the same aura like Daniel, iyon nga lang ay mas nakakakaba ang aura ni Daniel para sa kanya kaysa sa lalaking nakaupo ngayon.Kaninang pinagmamasdan niya ito, nakikita niya rin na may pagkakatulad ito at ang lalaki pero mas malaki ang katawan ni Daniel kumpara rito. Mukhang magkasing-tangkad lang naman ang dalawa. “You haven’t told me why you’re here, Adelaide,” sabi ni Hunter sa kanya. “I’m sure you’re not here to guard the house and hit someone with an umbrella whenever you want to. You can’t possibly make someone invalid with that,” may amusement sa boses ni Hunter habang nakangiti sa kanya. Inirapan niya ito. “I thought you’re an intruder.” Totoo naman din na iyon ang naisip niya kaya pinaghahahampas niya ito. Hindi niya malaman sa la

  • Crazed with Desire   CWD - 9

    Hindi napigilan ni Adelaide ang mapakunot ang noo nang bumaba siya at may makitang mga babaeng naroon na naglilinis sa may sala. Nabanggit sa kanya ni Daniel noon na may nagpupunta sa bahay nito tuwing Sabado at Linggo para maglinis at kung ano-ano pa.Bahagya siyang tinanghali ng gising kaya naman noon lamang siya nakababa. Nakakaramdam na rin siya ng gutom at naisip niyang magluto ng almusal, medyo umasa rin siya na nakapagluto na si Daniel. Simula kagabi ay hindi pa sila muling nagkakausap ng lalaki. Hindi niya malaman kung bakit parang nawala na naman iyon sa mood. Sabay silang kumain ng hapunan dahil pinuntahan niya ang lalaki matapos siyang magluto pero hindi naman ito masyadong kumikibo. Sapantaha ni Adelaide ay may kinalaman marahil iyon sa pagpunta ni Hunter sa bahay nito, pero naisip niya rin naman na sobrang close siguro ng dalawa para makapasok si Hunter sa bahay nito nang gano'n na lamang. Akmang aakyat na lamang siya pabalik sa kwarto nang tawagin ng matandang babae

  • Crazed with Desire   CWD - 10

    She had dinner alone that night. Naghanda sila Tinang ng makakain nila ni Daniel at gustuhin man niyang hintayin ang lalaki para sabay sana silang kumain na dalawa ay malamang na malipasan na lamang siya ng gutom, hindi pa ito dumarating. Hindi naman din niya alam kung nasaan ba ito at sa palagay niya ay wala naman din siya sa posisyon para usisain ang personal na buhay ng lalaki.Sabi nila Manang Ester sa kanya ay babalik ang mga ito bukas para ipagpatuloy ang paglilinis. Dalawang araw naman talaga ang schedule ng mga ito sa paglilinis doon dahil may kalakihan ang bahay ni Daniel. Gusto ni Adelaide na muling tumulong sa mga ito sapagkat wala naman din siyang ginagawa. She’s trying to entertain herself there but she’s getting bored.Kaya tumulong na lang siya sa mga ito. Isa pa ay hindi niya mapigilan ang sariling isipin kung sino ba talaga si Bea. Ano bang klase ng babae ito, kung ano ba ang nangyaring aksidente… Her father died in an accident, too. Siguro nga ay mas maswerte pa si

  • Crazed with Desire   CWD - 11

    Nang magising si Adelaide ay nasa loob na siya ng kwarto na inookupa niya. Napalingon siya sa orasan sa gilid ng kama at nakita niya na halos alas otso na ng umaga. Madilim pa sa loob ng kwarto ng dalaga dahil na rin nakasara pa ang mga bintana roon. Nang maglinis sina Nanay Ester sa bahay ni Daniel, pinalitan ng mga ito ang kurtina kaya naman ang dating puti na kurtina sa kwartong iyon ay naging asul. Nag-inat siya matapos bumangon habang inaalala ang sinabi niya kay Daniel kagabi. Napailing si Adelaide nang maalala ang pagyakap na ginawa niya sa lalaki. For her defense, she thinks Daniel needed that hug.Alam naman niya na hindi siya dapat makialam o makisali sa kung ano man ang pinagdaraanan ni Daniel dahil alam ni Adelaide na hindi magtatagal, aalis naman din siya sa bahay ng lalaki. Tila naman siya nakaramdam ng lungkot nang maisip niya ang bagay na iyon. Napalingon siya sa paligid ng inookupang kwarto niya. Alam niya naman na hindi rin magtatagal at kakailanganin niyang umali

  • Crazed with Desire   CWD - 12

    She wasn’t able to close her eyes when she felt his lips on her. Mabilis ang tibok ng puso ni Adelaide patuloy si Daniel sa paghalik sa kanya. She had her first kiss before but it was just a peck. Itong paghalik na ginagawa ni Daniel sa kanya ngayon ay malayong-malayo sa halik na naranasan niya noon. Daniel moved his head a little and looked at Adelaide. Alam ng dalaga na namumula ang kanyang pisngi dahil nararamdaman niya ang pag-iinit ng mga iyon. Napakagat siya ng ibabang labi niya at napaiwas ng tingin. Hindi niya alam kung bakit ba bigla na lang siyang hinila ni Daniel para halikan. Wala naman itong kahit na anong sinabi, basta na lang siyang hinila ng lalaki papunta sa library. She cleared her throat. Tila kahit na malaki ang kwarto ay kulang ang hangin na nalalanghap niya. Daniel chuckled while looking at her. He cornered her on the side of the table. Inilagay nito ang magkabilang kamay sa may lamesang nasa likuran at sinasandalan ni Adelaide. “What… Why are you laughing

  • Crazed with Desire   CWD - 13

    She was left all alone in the car while she waited for Daniel. Nakatingin lang siya sa labas habang namimili ang lalaki sa convenience store na nadaanan nila habang pauwi na sila sa bahay ng lalaki.It was already 2 in the morning and they’re still out. Hindi pa rin sila nakakauwi dahil nahinto sila sa daan dahil na rin sa nangyari. Pigil ang ngiti na sinapo ni Adelaide ang magkabilang pisngi nang maramdaman ang pag-iinit ng mga ito. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili dahil hindi niya naman gustong maabutan siya ni Daniel na tila teenager na kinikilig. She touched her lips and smiled a little.He kissed her again. She’s not an expert when it comes to kissing but she knows that Daniel is good at it. Wala naman siyang experience sa paghalik pero sa paraan ng paghalik ni Daniel, sa palagay ni Adelaide ay hindi lang iilang babae ang nahumaling dito. Pero… bakit ba niya ako hinalikan? Does that mean that… he likes me?She bit her lower lip while looking at Daniel who’s

Latest chapter

  • Crazed with Desire   CWD - EPILOGUE

    “Everything’s ready!”Parang mas kinabahan si Adelaide nang marinig ang boses ni Zyline nang sabihin iyon. Natapos na ang photoshoot nila para sa kasal at aayusan naman na sila ngayon dahil alas diyes ng umaga ang seremonya ng kasal nila ni Daniel. Halos hindi nakatulog si Adelaide kagabi sa pag-iisip ng mga mangyayari. Alam niya naman na wala na si Fernando sa buhay nila, si Julianna ay kasalukuyang nakakulong pero hindi niya maiwasan na kabahan. May takot sa dibdib niya na namumuhay na paano kung may hindi magandang mangyari sa araw na iyon? Ano ang gagawin nilang dalawa ni Daniel?“Are you okay?” hinawakan ni Rain ang balikat niya at nginitian siya nito. Ang buong pamilya ng Dela Cruz ang nagpunta sa Davao para roon sila ikasal ni Daniel. Noong una ay hindi siya makapaniwala nang sabihin ni Daniel sa kanya na walang problema sa mga ito na roon na lamang sila ikasal, akala niya ay maiinis sa kanya ang mga ito dahil sa perwisyo na dala niya dahil lahat ng ito ay sa Maynila naninira

  • Crazed with Desire   CWD - 45

    Nagising si Adelaide nang nakarinig ng ingay sa labas ng mansion at nang silipin niya ang orasan sa lamesa sa tabi ng kama ay nalaman niyang pasado alas nueve na rin ng umaga. She frowned a little and hugged the pillow tight. Simula nang malaman na buntis siya at tila mas naging antukin siya kaysa noong hindi niya pa alam ang bagay na iyon. Mas gusto niyang matulog sa kwarto kaysa lumabas at makipag-usap sa mga tao. It has been a week already since they were discharged from the hospital. Sa mansion sila bumalik at habang nasa ospital silang dalawa ng Mommy niya ay si Daniel ang nag-asikaso ng lahat sa bahay nila. Ipinaayos nito ang lahat ng kailangan na ipaayos. Ipinalinis nito ang lahat at siniguradong walang naiwan na bakas ni Fernando roon. Kung paanong nagawa lahat ni Daniel ang lahat ng iyon ay hindi niya rin mawari. Ang sapantaha niya ay kumuha ito ng maraming tao upang mapagtulungan ang lahat ng iyon. Lahat naman din ng tauhan nila ay masaya sa pagdating ni Daniel at ang mga

  • Crazed with Desire   CWD - 44

    “Why… why are you doing this to me…?” nangingilid ang luha sa mga mata ni Adelaide habang nakatingin kay Fernando. Nakatutok pa rin ang baril sa ulo niya at hindi nawawala ang takot na nararamdaman niya na anumang segundo, maaari nitong iputok ang baril sa kanya.Maaaring iyon na ang katapusan ng buhay niya. Akala niya ay magiging ayos na ang lahat… akala niya ay kahit papaano, makakahinga na sila ng mommy niya ng maluwag dahil wala na si Fernando sa buhay nila…Hindi pa rin pala…He’s still here, and he’s here to kill her.“Why?” Fernando chuckled. Nakakakilabot ang tawang pinakawalan nito habang nakatingin sa kanya. Mahigpit na hinawakan nito ang baba niya at pinisil iyon. Sinubukan niyang iiwas ang mukha ngunit pilit siyang pinahaharap ng lalaki rito. “Your money should be mine! I took care of your fucking mother when your dad died and–”“You killed my dad!” malakas na sabi niya na dahilan bakit muling dumapo ang palad nito sa mukha niya.Nakaramdam siya ng kirot mula sa pagkakasa

  • Crazed with Desire   CWD - 43

    She could feel Daniel’s tight hug on her while the gunshot continued. He was covering her and protecting her. Ang dalawang lalaking humila sa kanya kanina ay nakahandusay na ngayon at hindi niya malaman kung wala na bang buhay ang mga iyon o mayroon pa. “Daniel…” tawag niya sa lalaki na pilit niyang nililingon. “I’m here, baby. I’m here…” sabi nito sa kanya bago siya inalalayan na tumayo at hinila upang tumakbo para muling magtago. Sa tuwina ng makakarinig siya putok ng baril ay napapapitlag siya sa takot. She didn’t grow up in that environment, ngunit simula nang dumating si Fernando sa buhay nilang mag-ina, sa buhay nila noong naroon pa ang daddy niya, nagkaroon na siya ng ideya sa karahasan. “Hurry up, baby. You need to hide,” sabi ni Daniel sa kanya at pilit na binuksan ang isang pinto na nasa dulo ng mansion. Nabuksan nito ang pinto ng walang kahirap-hirap at hinila siyang papasok doon. “Just stay here, okay? I need to help them,” hinawakan ni Daniel ang magkabilang pisngi n

  • Crazed with Desire   CWD - 42

    “Adelaide, there’s no time, baby. You have to come with me…” hinawakan ni Daniel ang magkabilang pisngi niya habang pilit siyang hinihila nito mula sa pagkakaupo. He’s stronger than her, that's why it was so easy for him to carry her. “Daniel, no…” humihikbi pa rin na sabi niya sa lalaki. Bakas ang pagtataka sa mukha nito kung bakit siya tumatanggi sa pagsama rito. Kung siya lang ang masusunod, sasama siya… sasama siya sa lalaki kahit saan pa sila magpunta. Aalis siya roon, hindi siya magdadalawang-isip… pero hindi maaari. “Baby… what’s going on?” Daniel asked her before looking at the door. Hindi niya rin alam kung ilang minuto pa ang mayroon siya para maitakas si Adelaide sa lugar na iyon. Natitiyak niyang babalik ang isang lalaki at malalaman nito na naroon siya sa loob ng kwarto ni Adelaide. Humihikbi si Adelaide habang nakatingin sa lalaki. Kanina ay iniisip niyang panaginip lang ang lahat nang makita niya ito. Iniisip niyang panaginip lang na muli niyang nahawakan ang lalaki

  • Crazed with Desire   CWD - 41

    Nagmamadali siyang nagpunta sa banyo nang maramdaman ulit ang pangangasim ng sikmura niya. Pakiramdam ni Adelaide ay lahat ng kaunting kinain niya ay isinusuka niya rin. Halos wala na siyang kinakain dahil sa kawalan niya ng gana ngunit hindi pa rin nawawala ang pagsusuka niya sa umaga, kung minsan ay kahit sa gabi. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.She feels tired all the time, she’s dizzy and she feels like she’s getting heavy, too. Hindi niya rin sinasabi ang nangyayari sa kanya sa kahit na sinong pumapasok sa kwarto niya. Ayaw niyang malaman ni Fernando kung ano ang nangyayari sa kanya at alam niyang ikatutuwa lang ng lalaking iyon na makita siyang nahihirapan. Naupo siya sa malamig na tiles habang nakahawak sa may toilet bowl at pinapakiramdaman ang sarili. Hindi niya maalala na nangyari ang ganito sa kanya kahit noon pa. Kung nagkakasakit naman siya ay kahit na walang gamot ay gumagaling siya… pero iba ngayon. She looked down and sighed heavily. Marahan siyang tum

  • Crazed with Desire   CWD - 40

    He could smell the familiar scent of alcohol all over the room. He tried moving his hand but he instantly felt the pain from it. Iminulat niya ang mga mata at hindi siya nagkamali nang iniisip. He’s in the hospital room, and he’s probably sedated with drugs since he’s still feeling groggy. Sumasakit din ang ulo niya at mas gusto niyang ipikit ang mga iyon. “Daniel?” He heard his cousin’s voice. Iminulat niyang muli ang mga mata at bumaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita niyang naroon si Hunter habang nakatingin sa kanya. Nasa may likuran naman nito si Thunder na nakatingin sa labas at may kausap sa telepono nito. “Why are you here?” he asked them, his voice was rough and hoarse. Inabot naman ni Hunter ang tubig na nasa may gilid na lamesa bago inalalayan siya na makaupo para makainom. “Akala namin patay ka na, e. Tatlong araw ka ng hindi gumagalaw,” sabi ni Hunter sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil doon. He was out for that long?Damn. Thunder looked at him and shov

  • Crazed with Desire   CWD - 39

    Hindi masikmura ni Adelaide na kumain kahit pa noong isang gabi pa siya huling kumain. Hindi pa rin siya hinahayaan na makalabas ng kwarto niya kahit anong pakiusap niya kay Fernando, he locked her up and the only person she sees is the maid who’s bringing her food. Pilit siyang humihingi ng tulong dito pero bakas din ang takot sa mukha nito kaya wala rin itong nagagawa para sa kanya. She felt like her head was being hammered. Masakit iyon na makirot kaya naman nananatili lang siya sa kama. Kaninang umaga pa rin siya nagsusuka na akala niya noon ay natapos na noong nasa Maynila pa siya. She often feels bad the past weeks. Hindi naman siya umiinom ng gamot dahil hindi niya rin tiyak kung ano ba ang dapat na inumin niya. Isang katok ang nagpamulat sa mga mata niya. Lumingon siya sa pinto at naghintay ng pagbukas nito at ilang sandali lamang, bumukas iyon at bumungad sa kanya ang ina. That was the second time she saw her… nagkakausap lang sila ng ina sa pagitan ng pinto niya hindi n

  • Crazed with Desire   CWD - 38

    Nanakit ang ulo na nagmulat ng mga mata si Adelaide. Sobrang sakit ng ulo niya na tila ba’y may pumupukpok roon kaya naman sapo niya ang noo nang bumangon siya. Halos ayaw niya ring imulat ang mga mata dahil sa nararamdamang sakit ng ulo. She stayed still for a moment and immediately opened her eyes. Agad siyang natigilan nang naalala ang nangyari kaya mabilis niyang inilibot ang paningin sa kwartong kinaroroon niya. “No… no… no…” she’s in her room… in their house!Tinignan niya ang damit niya at nakita niyang napalitan na iyon ng isa sa mga damit niyang alam niyang iniwan niya sa bahay nilang iyon. Mabilis siyang nagtungo sa pinto at binuksan iyon pero bigo siya nang mapagtanto na nakakandado iyon mula sa labas. Bumibilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot na nararamdaman habang pilit na binubuksan iyon. Malakas niyang kinatok ang pinto habang pilit na binubuksan ito at itinutulak. “Hello? May tao ba diyan? Palabasin niyo ako rito!” malakas na sigaw niya, umaasang may tao sa

DMCA.com Protection Status