Nagising si Adelaide nang nakarinig ng ingay sa labas ng mansion at nang silipin niya ang orasan sa lamesa sa tabi ng kama ay nalaman niyang pasado alas nueve na rin ng umaga. She frowned a little and hugged the pillow tight. Simula nang malaman na buntis siya at tila mas naging antukin siya kaysa noong hindi niya pa alam ang bagay na iyon. Mas gusto niyang matulog sa kwarto kaysa lumabas at makipag-usap sa mga tao. It has been a week already since they were discharged from the hospital. Sa mansion sila bumalik at habang nasa ospital silang dalawa ng Mommy niya ay si Daniel ang nag-asikaso ng lahat sa bahay nila. Ipinaayos nito ang lahat ng kailangan na ipaayos. Ipinalinis nito ang lahat at siniguradong walang naiwan na bakas ni Fernando roon. Kung paanong nagawa lahat ni Daniel ang lahat ng iyon ay hindi niya rin mawari. Ang sapantaha niya ay kumuha ito ng maraming tao upang mapagtulungan ang lahat ng iyon. Lahat naman din ng tauhan nila ay masaya sa pagdating ni Daniel at ang mga
“Everything’s ready!”Parang mas kinabahan si Adelaide nang marinig ang boses ni Zyline nang sabihin iyon. Natapos na ang photoshoot nila para sa kasal at aayusan naman na sila ngayon dahil alas diyes ng umaga ang seremonya ng kasal nila ni Daniel. Halos hindi nakatulog si Adelaide kagabi sa pag-iisip ng mga mangyayari. Alam niya naman na wala na si Fernando sa buhay nila, si Julianna ay kasalukuyang nakakulong pero hindi niya maiwasan na kabahan. May takot sa dibdib niya na namumuhay na paano kung may hindi magandang mangyari sa araw na iyon? Ano ang gagawin nilang dalawa ni Daniel?“Are you okay?” hinawakan ni Rain ang balikat niya at nginitian siya nito. Ang buong pamilya ng Dela Cruz ang nagpunta sa Davao para roon sila ikasal ni Daniel. Noong una ay hindi siya makapaniwala nang sabihin ni Daniel sa kanya na walang problema sa mga ito na roon na lamang sila ikasal, akala niya ay maiinis sa kanya ang mga ito dahil sa perwisyo na dala niya dahil lahat ng ito ay sa Maynila naninira
“Daniel, wala ka bang balak magbakasyon man lang?” tanong ni Hunter sa kanya habang nakaupo ito sa may couch sa bahay niya. He was working on something on his laptop when his cousin invaded his house. He just finished a case involving a private plane crash, just like what happened to his family. Gustuhin man niyang magreklamo na mga gano’ng kaso ang ibinibigay sa kanya, hindi naman siya pwedeng tumanggi. They’re helping hand in hand with the authorities to help those victims get the justice they need. Some tasks were dangerous, but it was fine with him. He actually finds happiness whenever he’s doing his job. Also, it pays well. “Magkaaway ba kayo ng asawa mo kaya nandito ka?” tanong niya sa pinsan na hindi ito nililingon. “Nah, I actually scored last night…” humahalakhak na sagot nito sa kanya. Napailing na lang siya rito. Hunter will be blunt as always. Sanay naman na rin siya roon dahil mas ito ang nakakausap niya kumpara sa kapatid nitong si Thunder. “Mukha kang tanga,” saad
Madilim.Masikip. Hindi niya alam kung paano ba siyang makakatakas sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung may magagawa ba siya para ipagtanggol ang sarili niya sa oras na iyon. Hindi niya alam kung may kahihinatnan pa ba siya o ano, kung mabubuhay pa ba siya o iyon na rin ang magiging katapusan niya. Tila gusto na niyang panghinaan ng loob dahil sa kalagayan niya. Sinubukan niyang kumilos pero sadyang nananakit ang katawan niya. Nararamdaman niya rin ang kirot ng mga sugat niya. Isa lang ang alam niyang dapat niyang gawin–ang makatakas… wala siyang balak mamatay sa lugar na iyon. Lalo pa sa kamay ng lalaking iyon.Idinilat niya ang mga mata at pinagmasdang maigi ang kwartong kinalalagyan niya. Napakaliit lamang no’n. Para siyang nasa kulungan. Nahihirapan siyang huminga. Doon siya inilagay ng mga kumuha sa kanya nang magtangka siyang tumakas. Hindi niya mapigilang mapapikit at mapamura ng paulit-ulit sa isipan. How could she be so blind? Dapat ay hindi niya hinayaan na mangyari an
Daniel was busy scanning the papers on the table when the woman’s face popped in inside his mind. Hindi niya pa rin alam ang pangalan nito at tila wala naman itong planong sabihin sa kanya. Hindi naman niya rin pwedeng pilitin ito dahil sa palagay niya ay may kung anong takot ang nararamdaman ang babae. Para sa kung saan ay hindi niya alam. Isinandal niya ang likod sa upuan at saka huminga ng malalim. Hunter said he should have a vacation, but this thing happened in very untimely matter. Iniabot na lamang niya ang basong may laman na alak at nilagok ang laman nito. Wala pa naman siyang bagong kasong hinahawakan ngayon. Kahit naman na siya ang nagmamay-ari ng ahensya na tumutulong sa mga kapulisan at mga pribadong tao para sa seguridad ng mga ito, hindi tumitigil si Daniel sa pagtanggap ng mga kaso na makakatulong siyang masolusyunan. He’s acting like a normal employee, too. Ilang malalaking drug lords na rin ang nahuli nila at naipakulong. Simula nang nangyari ang trahedya sa b
Pinagmamasdan ni Adelaide ang mga halaman sa may pool area ni Daniel habang nakaupo siya sa mga upuang pampahingahan doon. It’s been 3 days since she met Daniel. Naghihilom na rin paunti-unti ang mga sugat niya. Tulad noong unang araw niya roon, damit pa rin ni Daniel ang suot niya dahil wala naman siyang ibang dala maliban sa kutsilyo at baril niya. Ang damit na suot niya noong dumating siya ay hindi naman na rin niya nakita, naisip niyang baka itinapon na iyon ng lalaki. Nasa kwartong inookupa niya ang mga iyon at hindi kinukuha ni Daniel dahil ani ng lalaki ay tanda iyon na maaari niya itong pagkatiwalaan. Trusting him isn’t that hard to do. Sa loob ng tatlong araw niyang pamamalagi sa bahay nito, wala naman itong ibang ginawa kundi siguraduhin na kumportable siya at maayos ang lagay niya. How she wished she can do the same with her mom. Gusto niyang malaman ang lagay nito, kung kamusta na ba ito subalit alam naman niya na kapag tumawag siya rito, sasabihin lamang iyon ng ina
He went out after staying inside his office for a couple of hours. Matapos silang kumaing dalawa ni Adelaide ay nagsabi siya sa babae na mananatili na muna sa opisina niya pero makalipas lang ng halos dalawang oras, lumabas na rin siya at umalis sa bahay niya dahil pakiramdam niya ay may kung anong mabigat na naman ang nasa dibdib niya. Wala namang masama sa itinanong ni Adelaide sa kanya. Kung tutuusin, alam ni Daniel na maaari itong magtanong sa kanya ng mga gano’ng bagay dahil nakakapagtaka naman talaga na sa laki ng bahay niya, silang dalawa lamang ang naroon at may larawan ni Bea at Alexandra ang bahay niya.Natural na magtataka ang babae kung sino ang mga nasa larawan, pero hindi pa kayang magsabi ni Daniel sa ibang tao ng tungkol sa nangyari sa pamilya niya. Maliban sa pamilya nila Thunder at mga malalapit na kaibigan nito na naging kaibigan na rin niya, wala naman siyang ibang napapagsabihan ng nangyari. It’s been years already but he would be lying if he’ll say it’s not hurt
Kanina pa pinagmamasdan ni Adelaide ang sarili sa salamin. Maaga siyang nagising kanina dahil hindi siya makatulog dahil sa nangyari kagabi. Hindi naman niya sinasadya ang nangyari, inisip niya lang na hindi naman siya lalabas ng kwarto kaya maayos lang kahit na hubarin niya na lang ang suot na boxers. Hindi naman niya rin lubos-akalain na gising pa pala ang lalaki, o tamang sabihing nakauwi na pala ito. All the lights were still off, ano ba namang malay niya kung naroon na ito, pero nangyari na ang nangyari. Wala naman na siyang magagawa sa bagay na iyon. Kung nakita nito ang parteng iyon ng katawan niya ay hindi niya matiyak pero gayun pa man, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang kahihiyan. Paano kung iniisip ni Daniel na inaakit niya ito?Bakit, hindi nga ba? Ani ng isip niya.Napabuga na lamang siya ng malalim na hininga at muling tinignan ang sarili. Bahagyang masikip sa kanya ang damit, marahil ay mas payat sa kanya ang may-ari ng damit na iyon. May kaiksian din iyon sa kany
“Everything’s ready!”Parang mas kinabahan si Adelaide nang marinig ang boses ni Zyline nang sabihin iyon. Natapos na ang photoshoot nila para sa kasal at aayusan naman na sila ngayon dahil alas diyes ng umaga ang seremonya ng kasal nila ni Daniel. Halos hindi nakatulog si Adelaide kagabi sa pag-iisip ng mga mangyayari. Alam niya naman na wala na si Fernando sa buhay nila, si Julianna ay kasalukuyang nakakulong pero hindi niya maiwasan na kabahan. May takot sa dibdib niya na namumuhay na paano kung may hindi magandang mangyari sa araw na iyon? Ano ang gagawin nilang dalawa ni Daniel?“Are you okay?” hinawakan ni Rain ang balikat niya at nginitian siya nito. Ang buong pamilya ng Dela Cruz ang nagpunta sa Davao para roon sila ikasal ni Daniel. Noong una ay hindi siya makapaniwala nang sabihin ni Daniel sa kanya na walang problema sa mga ito na roon na lamang sila ikasal, akala niya ay maiinis sa kanya ang mga ito dahil sa perwisyo na dala niya dahil lahat ng ito ay sa Maynila naninira
Nagising si Adelaide nang nakarinig ng ingay sa labas ng mansion at nang silipin niya ang orasan sa lamesa sa tabi ng kama ay nalaman niyang pasado alas nueve na rin ng umaga. She frowned a little and hugged the pillow tight. Simula nang malaman na buntis siya at tila mas naging antukin siya kaysa noong hindi niya pa alam ang bagay na iyon. Mas gusto niyang matulog sa kwarto kaysa lumabas at makipag-usap sa mga tao. It has been a week already since they were discharged from the hospital. Sa mansion sila bumalik at habang nasa ospital silang dalawa ng Mommy niya ay si Daniel ang nag-asikaso ng lahat sa bahay nila. Ipinaayos nito ang lahat ng kailangan na ipaayos. Ipinalinis nito ang lahat at siniguradong walang naiwan na bakas ni Fernando roon. Kung paanong nagawa lahat ni Daniel ang lahat ng iyon ay hindi niya rin mawari. Ang sapantaha niya ay kumuha ito ng maraming tao upang mapagtulungan ang lahat ng iyon. Lahat naman din ng tauhan nila ay masaya sa pagdating ni Daniel at ang mga
“Why… why are you doing this to me…?” nangingilid ang luha sa mga mata ni Adelaide habang nakatingin kay Fernando. Nakatutok pa rin ang baril sa ulo niya at hindi nawawala ang takot na nararamdaman niya na anumang segundo, maaari nitong iputok ang baril sa kanya.Maaaring iyon na ang katapusan ng buhay niya. Akala niya ay magiging ayos na ang lahat… akala niya ay kahit papaano, makakahinga na sila ng mommy niya ng maluwag dahil wala na si Fernando sa buhay nila…Hindi pa rin pala…He’s still here, and he’s here to kill her.“Why?” Fernando chuckled. Nakakakilabot ang tawang pinakawalan nito habang nakatingin sa kanya. Mahigpit na hinawakan nito ang baba niya at pinisil iyon. Sinubukan niyang iiwas ang mukha ngunit pilit siyang pinahaharap ng lalaki rito. “Your money should be mine! I took care of your fucking mother when your dad died and–”“You killed my dad!” malakas na sabi niya na dahilan bakit muling dumapo ang palad nito sa mukha niya.Nakaramdam siya ng kirot mula sa pagkakasa
She could feel Daniel’s tight hug on her while the gunshot continued. He was covering her and protecting her. Ang dalawang lalaking humila sa kanya kanina ay nakahandusay na ngayon at hindi niya malaman kung wala na bang buhay ang mga iyon o mayroon pa. “Daniel…” tawag niya sa lalaki na pilit niyang nililingon. “I’m here, baby. I’m here…” sabi nito sa kanya bago siya inalalayan na tumayo at hinila upang tumakbo para muling magtago. Sa tuwina ng makakarinig siya putok ng baril ay napapapitlag siya sa takot. She didn’t grow up in that environment, ngunit simula nang dumating si Fernando sa buhay nilang mag-ina, sa buhay nila noong naroon pa ang daddy niya, nagkaroon na siya ng ideya sa karahasan. “Hurry up, baby. You need to hide,” sabi ni Daniel sa kanya at pilit na binuksan ang isang pinto na nasa dulo ng mansion. Nabuksan nito ang pinto ng walang kahirap-hirap at hinila siyang papasok doon. “Just stay here, okay? I need to help them,” hinawakan ni Daniel ang magkabilang pisngi n
“Adelaide, there’s no time, baby. You have to come with me…” hinawakan ni Daniel ang magkabilang pisngi niya habang pilit siyang hinihila nito mula sa pagkakaupo. He’s stronger than her, that's why it was so easy for him to carry her. “Daniel, no…” humihikbi pa rin na sabi niya sa lalaki. Bakas ang pagtataka sa mukha nito kung bakit siya tumatanggi sa pagsama rito. Kung siya lang ang masusunod, sasama siya… sasama siya sa lalaki kahit saan pa sila magpunta. Aalis siya roon, hindi siya magdadalawang-isip… pero hindi maaari. “Baby… what’s going on?” Daniel asked her before looking at the door. Hindi niya rin alam kung ilang minuto pa ang mayroon siya para maitakas si Adelaide sa lugar na iyon. Natitiyak niyang babalik ang isang lalaki at malalaman nito na naroon siya sa loob ng kwarto ni Adelaide. Humihikbi si Adelaide habang nakatingin sa lalaki. Kanina ay iniisip niyang panaginip lang ang lahat nang makita niya ito. Iniisip niyang panaginip lang na muli niyang nahawakan ang lalaki
Nagmamadali siyang nagpunta sa banyo nang maramdaman ulit ang pangangasim ng sikmura niya. Pakiramdam ni Adelaide ay lahat ng kaunting kinain niya ay isinusuka niya rin. Halos wala na siyang kinakain dahil sa kawalan niya ng gana ngunit hindi pa rin nawawala ang pagsusuka niya sa umaga, kung minsan ay kahit sa gabi. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.She feels tired all the time, she’s dizzy and she feels like she’s getting heavy, too. Hindi niya rin sinasabi ang nangyayari sa kanya sa kahit na sinong pumapasok sa kwarto niya. Ayaw niyang malaman ni Fernando kung ano ang nangyayari sa kanya at alam niyang ikatutuwa lang ng lalaking iyon na makita siyang nahihirapan. Naupo siya sa malamig na tiles habang nakahawak sa may toilet bowl at pinapakiramdaman ang sarili. Hindi niya maalala na nangyari ang ganito sa kanya kahit noon pa. Kung nagkakasakit naman siya ay kahit na walang gamot ay gumagaling siya… pero iba ngayon. She looked down and sighed heavily. Marahan siyang tum
He could smell the familiar scent of alcohol all over the room. He tried moving his hand but he instantly felt the pain from it. Iminulat niya ang mga mata at hindi siya nagkamali nang iniisip. He’s in the hospital room, and he’s probably sedated with drugs since he’s still feeling groggy. Sumasakit din ang ulo niya at mas gusto niyang ipikit ang mga iyon. “Daniel?” He heard his cousin’s voice. Iminulat niyang muli ang mga mata at bumaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita niyang naroon si Hunter habang nakatingin sa kanya. Nasa may likuran naman nito si Thunder na nakatingin sa labas at may kausap sa telepono nito. “Why are you here?” he asked them, his voice was rough and hoarse. Inabot naman ni Hunter ang tubig na nasa may gilid na lamesa bago inalalayan siya na makaupo para makainom. “Akala namin patay ka na, e. Tatlong araw ka ng hindi gumagalaw,” sabi ni Hunter sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil doon. He was out for that long?Damn. Thunder looked at him and shov
Hindi masikmura ni Adelaide na kumain kahit pa noong isang gabi pa siya huling kumain. Hindi pa rin siya hinahayaan na makalabas ng kwarto niya kahit anong pakiusap niya kay Fernando, he locked her up and the only person she sees is the maid who’s bringing her food. Pilit siyang humihingi ng tulong dito pero bakas din ang takot sa mukha nito kaya wala rin itong nagagawa para sa kanya. She felt like her head was being hammered. Masakit iyon na makirot kaya naman nananatili lang siya sa kama. Kaninang umaga pa rin siya nagsusuka na akala niya noon ay natapos na noong nasa Maynila pa siya. She often feels bad the past weeks. Hindi naman siya umiinom ng gamot dahil hindi niya rin tiyak kung ano ba ang dapat na inumin niya. Isang katok ang nagpamulat sa mga mata niya. Lumingon siya sa pinto at naghintay ng pagbukas nito at ilang sandali lamang, bumukas iyon at bumungad sa kanya ang ina. That was the second time she saw her… nagkakausap lang sila ng ina sa pagitan ng pinto niya hindi n
Nanakit ang ulo na nagmulat ng mga mata si Adelaide. Sobrang sakit ng ulo niya na tila ba’y may pumupukpok roon kaya naman sapo niya ang noo nang bumangon siya. Halos ayaw niya ring imulat ang mga mata dahil sa nararamdamang sakit ng ulo. She stayed still for a moment and immediately opened her eyes. Agad siyang natigilan nang naalala ang nangyari kaya mabilis niyang inilibot ang paningin sa kwartong kinaroroon niya. “No… no… no…” she’s in her room… in their house!Tinignan niya ang damit niya at nakita niyang napalitan na iyon ng isa sa mga damit niyang alam niyang iniwan niya sa bahay nilang iyon. Mabilis siyang nagtungo sa pinto at binuksan iyon pero bigo siya nang mapagtanto na nakakandado iyon mula sa labas. Bumibilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot na nararamdaman habang pilit na binubuksan iyon. Malakas niyang kinatok ang pinto habang pilit na binubuksan ito at itinutulak. “Hello? May tao ba diyan? Palabasin niyo ako rito!” malakas na sigaw niya, umaasang may tao sa