Share

CWD - 1

Author: vampiremims
last update Huling Na-update: 2023-07-08 16:25:54

Madilim.

Masikip. 

Hindi niya alam kung paano ba siyang makakatakas sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung may magagawa ba siya para ipagtanggol ang sarili niya sa oras na iyon. Hindi niya alam kung may kahihinatnan pa ba siya o ano, kung mabubuhay pa ba siya o iyon na rin ang magiging katapusan niya. 

Tila gusto na niyang panghinaan ng loob dahil sa kalagayan niya. 

Sinubukan niyang kumilos pero sadyang nananakit ang katawan niya. Nararamdaman niya rin ang kirot ng mga sugat niya. Isa lang ang alam niyang dapat niyang gawin–ang makatakas… wala siyang balak mamatay sa lugar na iyon. Lalo pa sa kamay ng lalaking iyon.

Idinilat niya ang mga mata at pinagmasdang maigi ang kwartong kinalalagyan niya. Napakaliit lamang no’n. Para siyang nasa kulungan. Nahihirapan siyang huminga. Doon siya inilagay ng mga kumuha sa kanya nang magtangka siyang tumakas. 

Hindi niya mapigilang mapapikit at mapamura ng paulit-ulit sa isipan. How could she be so blind? Dapat ay hindi niya hinayaan na mangyari ang lahat ng ito. Hindi niya dapat hinayaan na magkaganito ang lahat ngunit alam niyang wala na siyang magagawa ngayon kung hindi ang umisip ng paraan kung paano makakatakas… kung paano makakaligtas. Kung paano mabubuhay.

Naging alisto ang kanyang pandinig nang may marinig siyang mga yapak papalapit sa kanya. Pigil ang paghinga ng bumukas ang pinto. Nasilaw siya sa liwanag na tumambad sa mukha niya.

“Mabuti naman at gising ka na…” ani ng nakakakilabot na tinig. Hindi niya napigilang taasan ng balahibo nang marinig iyon. Akala niya noon ay masasanay siya sa mga gano'ng klaseng tinig na nakapaligid naman sa bahay nila ngunit hindi… nakakaramdam siya ng takot. 

Nag-angat siya ng tingin ngunit nanlalabo pa ang paningin niya kaya hindi niya makita ang itsura ng lalaki. Malaking tao ang lalaki at hindi niya ito mamukhaan.

Lumapit ito at pilit niyang iginalaw ang katawan upang lumayo. Napapiksi siya nang tumama ang sugat niya sa kung saan at nakaramdam siya ng hapdi. 

“Huwag mo ng tangkain pang tumakas muli. Kahit na kailangan kang ingatan, tatamaan ka sa akin sa susunod na subukan mo na namang pumuslit,” ani ng lalaki sa kanya. 

Hindi niya alam kung kaninong tinig iyon pero tiyak niyang isa iyon sa mga tauhan ng amain niya sa bahay nila.“Pakawalan niyo na kasi ako…” sagot naman niya. Alam niyang mistula siyang tanga sa sinabi pero wala siyang pakialam.

They took her. Not because she said they should let her go, they will do so. Inutusan ang mga ito para dakpin siya. Inutusan para ilayo siya o di kaya ay ibalik siya sa kanila. Alinman sa dalawa ay hindi siya makakapayag na basta na lamang mangyari iyon. 

“Wala pang abiso si Boss. Mamaya ay padadalhan ka ng pagkain dito. ‘Wag ka ng maging pahirap dahil malilintikan ka sa akin!” pagbabanta nitong muli sa kanya.

She looked at him.“You’ll hurt me?” naglakas-loob niyang sinabi.“Anong sasabihin mo kapag nakita niya ang mga pasa ko? Ang mga sugat ko? Sa tingin mo ba ay matutuwa siya sa inyo?” tanong niya sa lalaki. Alam niyang wala siyang laban sa mga baril at maging sa laki ng katawan ng mga ito, pero alam niya rin na takot ang mga ito sa Boss na sinasabi nito at alam na alam niya kung ano ang kailangan ng Boss ng mga ito

Hindi sumagot ang lalaki sa kanya kaya nagpatuloy siya. 

“I won’t run away. Pero ayoko rito. Napakasikip. Nasasakal ako. Hindi na ako tatakas, pangako. Pero ialis niyo ako rito…” pinalambot niya ang tinig upang makuha ang gusto. Kailangan niyang mag-isip ng paraan kung paano unti-unting makakawala roon. Kailangan niyang paganahin ang isip niya. Hindi siya pwedeng maging mahina.

Nakita niya ang pagkuha ng lalaki sa cellphone nito sa bulsa ng suot na pantalon at may tinawagan. 

“Magpapunta ka ng dalawang tao rito…” iyon lamang at ibinaba na nito ang tawag at tinitigan siya. Ilang sandali lamang ay may dalawang lalaki na dumating at agad na inutusan ang mga ito na ialis siya roon kaya naman kahit papaano ay nakaramdam siya ng kaunting ginhawa at pag-asa. 

Kahit na nanghihina pa ang mga tuhod ay tumayo siya habang akay-akay ng dalawang lalaki. Inilibot niya ang mata sa paligid, nanlalabo ang mga iyon pero pilit niyang inaalam kung nasaan siya. Nasa isang bahay sila na hindi niya alam kung saan. Mahigpit ang hawak sa kanyang dalawang lalaki. 

Napansin niya rin na bukod sa dalawang lalaking naroon ay mayroon pang tatlo na nasa paligid at tila nakabantay sa bawat gagawin niya. Mistulang takot na takot ang mga ito na makatakas siya. 

“Ikulong niyo siya sa kwartong iyan at bantayan niyo. Siguraduhin niyong hindi siya makakatakas. Papadalhan ko ng pagkain at gamot dahil malilintikan tayo kay Boss kapag nakita ang mga sugat niyan,” matigas na sabi ng lalaki bago naglakad papalayo sa kanila. 

Ipinasok naman siya ng dalawang lalaki sa isang kwarto. 

Maliit lang ang kwartong pinagdalhan sa kanya ngunit kumpara sa kaninang kinalalagyan niya ay mas maayos na iyon ngunit kulong na kulong pa rin siya roon. May ibinigay rin sa kanya na damit na maari niyang isuot kasabay ng pagkain at gamot. Habang kumakain ay nag-iisip na siya ng paraan na pwede niyang gawin. 

May higit sa lima ang mga lalaking naroon. Lahat ay may baril… sigurado siyang kung tatakas siyang muli, malaki ang tsansa na babarilin na lang siya ng mga ito at baka palabasin pa na aksidente ang lahat. Kailangan niyang mag-isip ng maayos na paraan kung paanong makakaalis doon.

Matapos kumain ay nilinis niya ang katawan niya. Alam niyang anumang sandali o oras ay may magsasabi sa kanya na aalis na sila. Naghihintay lamang ang mga ito ng utos mula sa sinasabi nitong Boss. 

Hindi nga siya nagkamali dahil ilang oras lamang ang lumipas ay bumalik na ang lalaking malaki ang katawan at iginapos siyang muli. 

“Saan tayo pupunta? Kailangan ba talagang itali mo pa ako ulit?” tanong niya sa lalaki.

“Sa palagay mo ay saan?” tanong nito sa kanya bago ngumisi. Sinalakay ng kaba ang dibdib niya. Alam niyang hindi siya dapat bumalik sa lugar na iyon. Mas mapapahamak siya at kung babalik siya, hindi na siya makakatakas pa.

“No, please. Wag niyo akong ibalik doon…” pagmamakaawa niya sa lalaki ngunit tila bingi ito at walang pakialam sa kanya. Inakay siya nito papalabas at pinapasok sa sasakyan nito. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Nakarating sila sa pier kung saan narinig niya na roon sila sasakay.

Iyon na lamang ang pagkakataon niya na makaalis. Iyon na lamang ang tanging tsansa niyang makawala sa mga lalaking iyon. 

“K-kailangan kong magbanyo…” sabi niya sa lalaki nang lumabas siya ng sasakyan. 

“Sa loob ka na magbanyo at--”

“Hindi ko na mapipigilan, e…” pamimilit niya sa mga ito. “Mabilis lang naman ako…” dagdag pa niya sa mga ito. Napailing na lang ang lalaki sa kanya. “Sige na. Bilisan mo,” sagot nito bago bumaling sa isang lalaki na nasa tabi niya. “Samahan mo ‘yan at bantayan mong maigi,” bilin nito. Tumango naman ang lalaki at inakay na siya papunta sa CR na naroon. 

“Pwede bang pakitanggal ang tali ko? Hindi ako makakapag banyo ng maayos…” ani niya sa lalaki. Tinatakpan ng tela ang kamay niya na nakatali upang hindi mapuna ng ibang tao ang kalagayan niya. 

Hindi ito kumikilos at tila iniisip kung ano ang gagawin. 

“Please? Lalabas na talaga, e…” sabi niyang muli rito. 

Nagpakawala ang lalaki ng malalim na buntong-hininga bago kinalagan ang tali sa kamay niya. 

“Bilisan mo,” utos nito sa kanya. Tumango naman siya at pumasok sa loob ng banyo. Naghanap siya ng kahit na anong magagamit niya upang makatakas ngunit wala siyang nakita na makakatulong sa kanya upang makalaban.  

“God, help me. Kailangan kong makatakas…” huminga siya ng malalim bago niya nakita ang hawak na lubid. Mabilis ang pagtibok ng puso niya. 

Gaano kataas ang tsansa niya na makatakas sa lalaking iyon gamit ang lubid? Maliit lang… 

Pero susugal siya. 

Mas gugustuhin niyang sumugal kaysa manatili at sumama sa mga ito. 

Hinintay niyang kumatok ang lalaki. Nagtago siya sa likod ng ng pinto at nang buksan nito iyon, agad niyang itinulak ang pinto upang tumama rito. Ipinulupot niya ang lubid na ginamit nito sa pagtatali ng kamay niya sa leeg nito at sinakal ang lalaki. 

“Sorry… I’m so sorry… I’m sorry…” paulit-ulit na sabi niya habang nagpupumiglas ang lalaki sa kanya. Pumapalag ito at alam niyang maaari siya nitong barilin ngunit laking pasasalamat niya nang tila hindi na ito makahinga at bumagsak. 

Agad niya itong nilapitan at kinapa ang pulso nito. Hindi ito patay, nawalan lamang ng malay dahil siguro sa kakapusan ng hininga kanina. 

Agad siyang tumayo para umalis nang may maisipang kunin.

Kinuha niya ang baril ng lalaki at agad na itinago sa suot na damit at mabilis na tumakbo papalayo. 

Hindi niya alam kung nasaan siya pero kailangan niyang makalayo. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon. 

“Hindi naman ako magnanakaw pero kailangan ko lang…” ani niya nang kunin niya ang bag na nakita niya roon. Kailangan niya ng ibang damit kung hindi ay mahuhuli siya ng mga lalaking iyon. 

Laking pasasalamat niya na damit ang laman ng bag at may laman ding wallet na may pera. Itinago niya iyon at sinabi sa sarili na babayaran niya ang mga iyon kapag maayos na ang lahat. 

Suot ang jacket at cap, nagtanong siya sa mga naroon kung saan ang sakayan papunta sa Maynila. Tsaka lamang niya nalaman na nasa Cebu pala sila. Mabuti na lamang at may pera ang bag at nakabili siya ng ticket sa barko. Naging mahirap pa sa kanya ang pagsakay roon dahil nakikita niya ang limang lalaki na hinahanap siya. Ngunit tila may plano ang Panginoon sa kanya at hindi siya pinabayaan Nito. 

Nang makarating sa Maynila ay binalak niyang puntahan ang Tiyuhin niya na roon nakatira, kapatid ito ng ina niya at alam niyang tutulungan siya nito ngunit kahit saan nga yata ay may halang ang kaluluwa. Kamuntik na siyang pagsamantalahan ng driver ng taxi na sinakyan niya at nang tutukan niya ito ng baril ay basta na lamang siya nitong ibinaba sa isang kalye na hindi niya alam kung saan. 

“Ano na bang gagawin ko?” nanghihinang pagmamaktol niya. Hindi na niya malaman kung ano ba ang dapat niyang gawin dahil tila lagi na lamang may sasalubong sa kanyang panibagong problema. 

Nagugutom na siya at pagod na rin. Makirot pa rin ang mga sugat niya at gusto na niyang magpahinga pero wala na siyang sapat na pera… wala na rin siyang mapupuntahan pa. Alam niya rin na pinaghahahanap pa siya ng mga lalaking iyon.

“Saan ba aabot ang 30 pesos ko?” tanong niya habang nakatingin sa isang bente at dalawang limang piso na nasa palad niya. Iyon na lamang ang natira sa kanya dahil naiwan sa sinakyang taxi ang bag na dala niya kung saan naroon ang wallet na kinuha niya.

Naglakad-lakad lang muna siya, siguro naman ay may murang makakainan katulad noon sa labas ng eskwelahan niya na gustong-gusto niyang subukan ngunit hindi na niya nagawa. 

Nang may makitang karinderya ay kumain siya at laking pasasalamat niya na may nagkasya sa treinta pesos na pera niya.

Papaalis na siya nang napatingin siya sa kutsilyong naroon. 

Kailangan niya ng mga gamit pamproteksyon sa sarili niya dahil alam niyang kung gagamitin niya ang baril ay mauubos din ang bala nito.

Luminga-linga siya bago ipinuslit ang kutsilyo na naroon at matapos magbayad ay umalis na ng mabilis. 

Nagpatuloy siya sa paglalakad para maghanap ng masisilungan. Walang direksyon kung saan ba siya pupunta. Kailangan niyang makaisip ng mapupuntahan. Habang kumakain ay naisipan na niyang baka tinawagan ng Mama niya ang Tiyuhin niya at kung gano'n ang mangyayari, mahahanap siya ng mga lalaking iyon. 

“Ah, bahala na!” nagpakawala siya ng buntong-hininga bago lakas loob na humarang sa harap ng isang sasakyan na nakita niyang umaandar.

She was hoping the car would stop before it hit her. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang magtuloy-tuloy ang sasakyan ngunit sakto naman ang paghinto nito. Halos isang dangkal marahil ang layo mula sa kanya.

Hindi pa man nakakabawi sa pagkabigla ay agad na siyang pumasok sa sasakyan ng kung sino mang tao iyon. Bahala na kung masabihan siya na makapal ang mukha o ano. 

“What the fuck?”

“Drive,” she told him while looking at him. Her hands trembled as she looked at the man beside her.

“Miss, what are you–”

“I said drive! Paandarin mo ‘yung sasakyan kung ayaw mong patayin kita!”

Tinignan lang siya nito na para bang inaalam nito kung seryoso siya. She clenched her fist and looked at him again. 

“Bingi ka ba? Sabi ko paandarin mo ang sasakyan. Bilisan mo!” utos niyang muli sa lalaki. 

“What?” he  asked her again, a smile was visible on his face. 

“Paandarin mo na sabi, e! Gusto mo bang i*****k ko sa’yo ‘to?” inilabas niya ang hawak na kutsilyo at inilapit ito sa binata. Bakas ang pagpipigil ng ngiti ng binata sa kanya.

Iyon ang unang pagkakataon na nagawa niyang magbanta ng gano'n sa isang tao kaya naman hindi niya mapigilang hindi kabahan at manginig ng kamay. Subalit hindi siya maaaring magpatalo sa mga ito. 

“Fine. Don’t kill me.”

“Saan tayo pupunta?” tanong nito sa kanya. 

“Kahit saan! Basta! Basta umalis na tayo dito, please… papatayin kita kapag tumanggi ka!” malakas na sabi niya dito. Nanginginig ang kamay niyang may hawak na kutsilyo at pilit na pinapatapang ang sarili. 

“Alright…” tumango ang lalaki sa kanya.  Hindi ito kumibo habang patuloy sa pagmamaneho. Iniisip niya kung saan ba siya pupunta para roon siya magpapababa sa lalaki. Wala naman siyang tiyak na pupuntahan. Gusto lamang niyang makalayo na sa mga iyon. 

“What’s your name?” tanong nito sa kanya habang nagmamaneho. Nakasandal siya habang nakatingin sa labas. Namimigat na ang talukap ng mga mata niya at pilit na nilalabanan ang antok na nararamdaman. 

“Wala kang pakialam,” asik niya sa lalaki. Wala siyang planong makipagkaibigan dito kahit pa napansin niya kanina na gwapo ito. Hindi niya nga dapat naiisip ang mga gano'ng bagay sa ngayon.

“Fine, I’ll call you baby, then.” 

It wasn’t clear but she heard it… and the way he said baby… something in her stomach moved and she fell asleep while the butterflies in her stomach danced. 

Mas magaan ang pakiramdam niya nang magising siya mula sa pagkakatulog. Ilang araw na rin siyang hirap sa pagtulog at hindi komportable ang hinihigaan at ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay nakabalik siya sa malambot na higaan niya sa kwarto niya sa bahay nila. 

Natigilan siya nang maisip ang kinaroroonan. 

Komportable ang higaan niya, nakabalik na siya sa bahay nila?

Napabalikwas siya ng bangon at pinagmasdan ang paligid. Malaki ang kwartong kinaroroonan niya ngunit hindi katulad sa kwarto niya, mas simple ang disenyo ng kwartong iyon. 

Hindi pamilyar sa kanya ang kwartong kinaroroonan niya. Hindi iyon ang kwarto niyang kulay asul ang karamihan ng gamit. Puting-puti ang kwarto at tila iniiwasan ng dumi. 

“Nasaan ako?” takang tanong niya sa sarili. Napatingin din siya sa mga sugat niya na nalapatan na ng gamot, may benda rin ang ilan sa mga iyon. Mas kumunot naman ang noo niya dahil doon at pilit iniisip kung nasaan nga ba siya. Tinignan niya rin ang kasuotan niya. Isang puting t-shirt na malaki sa kanya, at boxers ang tanging suot niya.

Nakita niya ang baril niya sa gilid ng kama at agad na kinuha iyon at naglakad papalabas ng kwarto habang hawak ng mahigpit ang baril. 

Dahan-dahan siyang naglalakad sa malaking bahay. Wala siyang makitang kahit na sino. Napakatahimik ng paligid, tila gusto na niyang magduda kung may kasama ba siya roon o wala. 

Nakuha na ba nila ako ulit?

“Kailangan kong makaalis dito…” mahinang sabi niya sa sarili habang naglalakad ng nakayapak. 

Napalingon siya nang may marinig sa bandang likod ng bahay kaya agad siyang nagpunta roon. Nang makalapit ay mas pinag-ingat niya ang bawat hakbang, ayaw niyang makagawa ng kahit na anong ingay. 

Marahan siyang sumilip doon para alamin kung may tao ba roon. Halos mapaluwa ang mga mata niya nang makita niya ang lalaki sa sasakyan na naroon sa swimming pool. Kakaahon lamang nito at basang-basa ang katawan. 

Oh, my God!

Napalunok siya sa nakita habang nakatingin sa lalaki. 

“Dinala niya ako sa bahay niya?” mahinang usal niya, ang mga mata ay napako sa lalaking kakaahon lang mula sa pool. Muli niyang tinignan ang lalaki at gano’n na lamang ang panlalaki ng mata niya nang makita niyang nakatingin ito sa kanya. Napatuwid siya ng tayo at mabilis na naglakad pabalik sa loob ng bahay ngunit sinundan naman siya ng lalaki at maagap na hinawakan upang pigilan. 

“Let go of me!” pagpupumiglas niya habang hawak siya nito. 

“Wait,” ani ng lalaki habang hawak pa rin siya at hindi siya binibitawan. Nararamdaman niya ang init ng katawan nito at hindi naman din nakaligtas sa pandinig niya ang mababang tinig nito. 

“Bitawan mo ako!” humarap siya sa lalaki at itinutok ang hawak na baril dito. Hindi pa kailanman siya nakagamit ng baril kaya naman gano’n na lang ang bilis ng tibok ng puso niya habang tinututukan ang lalaki.

Hindi niya alam kung paano iyon gamitin… kung gagamitin ba niya laban sa lalaki. Was he that stupid to leave the gun near her?  

Hindi naman kinakikitaan ng kahit na anong takot ang mukha ng lalaki habang nakatingin sa kanya. Tila hindi nito alintana ang baril na nakatutok rito. 

“Huwag mo akong lalapitan. Sino ka?” tanong niya habang hawak ng mahigpit ang baril. Kung tutuusin ay wala siyang laban sa lalaki. Malaki ang katawan nito at halatang malakas din, pero kung uunahan niya ito ng pagbaril, sigurado siyang magkakaroon siya ng sapat na oras para tumakas.

Napatingin siya sa katawan nito na basa pa rin ng tubig. Nakikita niya pa ang mumunting butil na gumugulong pababa sa tiyan nito na hindi man lang niya mabakasan ng kahit na anong taba.

Mukhang alagang-alaga rin nito ang katawan. 

Tumikhim ang lalaki na nagpabalik sa paningin niya sa mukha nito. May mapaglarong ngiti sa labi nito habang nakatingin sa kanya. 

Damn it! Huwag ka ngang magpaapekto sa ganda ng katawan niya!

“Sino ka?” malakas na tanong niya sa lalaki, upang mapagtakpan na rin ang pagkapahiyang nararamdaman. “I won’t hesitate to shoot you!” pagbabanta niyang muli habang hawak ng mahigpit ang baril. 

“I’m Daniel Dela Cruz.” pakilala ng lalaki sa kanya. 

“A-anong ginawa mo sa akin? Bakit ako nandito?” tanong niyang muli sa lalaking Daniel pala ang pangalan. 

 “Baby, you were the one who—“

“Baby?” kumunot ang noo niya sa itinawag nito sa kanya.

“I asked for your name yesterday but you refused to give it to me so I decided to call you baby and—“

“Don’t call me baby!” asik niya sa lalaki. Anong kalokohan ang naiisip nito at tinatawag siya nitong baby? 

Natawa si Daniel sa kanya. Nagsimula na siyang mairita sa lalaki dahil palagi na lamang itong parang tinatawanan siya. Akala ba nito’y biro lang ang lahat sa kanya?

“Huwag mo akong pagtawanan, babarilin talaga kita, hindi ako nagbibiro!” iritang sabi niya sa lalaki. Sumeryoso naman ang mukha ni Daniel bago ito humakbang papalapit sa kanya. 

Nanlaki naman ang mga mata niya at mas hinigpitan ang hawak sa baril. 

“Huwag kang lalapit, babarilin kita talaga!” sabi niya rito ngunit nagpatuloy ito sa paglapit kaya naman humahakbang siyang paatras. 

“Hindi ako nagbibiro! Babarilin talaga kita kapag—“

“Here…” napasinghap siya nang abutin nito ang dulo ng baril at itutok iyon sa dibdib nito. Hindi niya maialis ang pagkakatitig sa lalaki dahil sa ginawa nito. 

Seryoso ito habang nakatingin sa kanya. 

“W-what?” nanginginig ang mga labi niya habang nakatingin dito. 

“If you’re going to shoot me, shoot me here…” seryoso pa rin ang mukha at ang boses ng lalaki. Walang bakas na nagbibiro ito habang nakatingin sa kanya. 

Is he serious?

“A-are you serious?” she asked him again and he nodded his head. “If you shoot me here, there’s a little chance I will survive, you will go out and leave. So, if you want to shoot me, shoot me here…” sabi nitong muli habang mahigpit ang hawak sa baril.

Napaawang naman ang mga labi niya habang nakatingin sa lalaki. Why is he saying those words to her?

Ngumiti ang lalaki sa kanya makalipas ang ilang sandali at kinuha ang baril mula sa kamay niya. 

 “You can’t,” ani Daniel sa kanya.  

Nagpaubaya naman siya sa lalaki at hinayaang makuha nito ang baril sa kanya. 

“If you’re going to threaten someone that you’re going to shoot them, at least make sure your gun is loaded,” sabi nito sa kanya bago ipakita na wala ang lalagyan ng bala sa baril na hawak nito. 

Napakuyom siya ng kamay sa sinabi nito. Hindi niya alam iyon dahil hindi naman siya humahawak ng baril. “S-sino ka ba?” tanong niyang muli sa lalaki.

“Daniel Dela Cruz.”

Tinignan niya ito. “You said that already. I want to know why I’m here…” saad niya sa lalaki. Naglakad ito kaya naman sumunod siya sa lalaki. “Anong ginagawa ko rito?” tanong niyang muli sa lalaki. 

“Nakatulog ka sa sasakyan ko,” nagkibit balikat ang lalaki at inalis ang takip na naroon sa may lamesa. Biglang nakaramdam siya ng gutom nang makita ang pagkain na nakahain doon.

“T-tapos…” tanong niya habang nakatingin sa pagkain. Nagugutom na talaga siya at kahit na simpleng sinangag, itlog, hotdog at ham ang nakahain ay parang natakam na siya ng sobra. 

Daniel smiled while looking at her. “Kumain ka na muna, then we will talk about it,” sabi nito sa kanya. Hindi naman na siya tumanggi pa at umupo na siya upang makakain. Naupo na rin si Daniel at ito pa ang naglagay ng pagkain sa plato niya. 

Nakakaramdam siya ng pagkailang sa pagtitig sa kanyang lalaki ngunit ayaw niyang magpadarang sa init ng titig ng lalaki sa kanya. 

Matapos kumain ay sinabihan na siya ni Daniel na umakyat na muna sa kwartong inookupa niya at ito na lamang ang magpupunta sa kanya, maliligo at magbibihis lamang ito. 

Nakaupo siya sa kamang naroon habang naghihintay sa lalaki. Inililibot niya ang paningin sa loob ng silid at hindi tulad sa pinaglagyan sa kanya ng mga tauhan ng amahin niya, hindi niya nararamdaman na nakakulong siya roon. 

Iniisip niya pa rin kung saan ba siya magpupunta at kung ano na ang gagawin niya upang makatakas. Alam niyang ligtas ang mommy niya at walang gagawing masama ang amahin dito. Marahil nga ay galit pa ang kanyang ina sa kanya dahil baka nakagawa na ng kwento ang amahin niya rito. 

Nasa malalim na pag-iisip siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Daniel na nakasuot ng puting plain na shirt at jeans. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ba hindi nakakaligtas sa paningin niya ang kagwapuhan ng lalaki.

Pumasok ito sa loob ng silid. Hindi ito nagsasalita at nakatingin lang sa kanya. Siya ang unang nagbaba ng tingin dahil hindi niya magawang tagalan ang pagtitig nito sa kanya. 

“Kailangan kong umalis dito at—“

“What’s your name?” putol ni Daniel sa sinasabi niya. Nakatayo lang ito habang nakatuon ang paningin sa kanya. 

“It doesn’t matter. Hindi mo naman kailangan malaman ang pangalan ko. Ang kailangan ko, makaalis dito at—“

“I need to know your name, Sweets,” putol nitong muli sa kanya.

Sweets?

She looked at him and creased her forehead. “Bakit ba?” Ano bang kailangan nito sa kanya at gusto nitong alamin ang pangalan niya? Irereport ba siya nito sa mga pulis dahil sa mga pagbabantang ginawa niya?

Tumiim ang tingin nito sa kanya bago nagsalita. “Para alam ko ang pangalan ng babaeng papatayin ko.”

Nanlaki ang mga mata niya at napatayo dahil sa sinabi nito sa kanya. 

She knew it! He’s one of them! 

Sinasabi na nga ba’t hindi siya ligtas sa lalaking ito! 

“Tauhan ka ba niya?” malakas na sabi niya sa lalaki. Kahit saan ay hindi siya ligtas. Kahit saan siya magpunta ay wala siyang kawala. 

“What?” tanong nito sa kanya, nagbago ang ekspresyon ni Daniel.  

“Kung ibabalik mo lang ako sa kanya, mas mainam pa na patayin mo na lang talaga ako! Huwag mo akong ibalik doon. Patayin mo na lang ako kaagad para naman tapos na…” hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata na agad niyang pinalis. 

“What are you talking about?” tanong nito sa kanya. Lumapit ito kaya naman umatras siyang muli dahilan upang mapaupo siya sa kama. 

Tinignan niya ang lalaki. “Please, patayin mo na lang ako kaysa ibalik mo ako sa kanya…” hindi niya na napigilang mapahagulgol. 

Wala na siyang pag-asang makaligtas. 

Naramdaman niya ang paghawak ni Daniel sa kamay niya at alisin ito sa pagkakatakip sa mukha niya. 

“Sino ang tinutukoy mo?” tanong ni Daniel sa kanya. Hindi siya sumagot. “Tell me. Sino ang kinatatakutan mo?” tanong nitong muli sa kanya.

“Patayin mo na lang ako, please… para matapos na…” humahagulgol na sabi niya.

“No, Sweets…” masuyong bulong ni Daniel sa babae. Parang gusto nitong sapakin ang sarili dahil nais lamang naman niyang biruin ang babae ngunit tila mali ang bagay na iyon. 

She looked at him and stared at his face.

“I won’t kill you. I will never do that. I’m sorry…” he cupped her face and looked at her. “I was just…” he sighed. “I’m sorry.”

“H-hindi ka niya tauhan?” tanong niya kay Daniel. Umiling ito sa kanya habang hawak pa rin ang magkabilang pisngi niya. 

Walang ideya si Daniel kung ano ba ang problema ng babae pero natitiyak niyang hindi isang simpleng bagay ang kinatatakutan nito na mas ninanais na lang nitong mamatay. 

“I need to go… kailangan kong umalis…” aniya kay Daniel. 

Ngumiti ito sa kanya bago umiling. “No. You can stay here. You have nothing to worry about. You’re safe here. You’re safe with me.”

She stared at him and she couldn’t explain why she felt safe with him. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Merceliena Motol Britania
an interesting novel
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Crazed with Desire   CWD - 2

    Daniel was busy scanning the papers on the table when the woman’s face popped in inside his mind. Hindi niya pa rin alam ang pangalan nito at tila wala naman itong planong sabihin sa kanya. Hindi naman niya rin pwedeng pilitin ito dahil sa palagay niya ay may kung anong takot ang nararamdaman ang babae. Para sa kung saan ay hindi niya alam. Isinandal niya ang likod sa upuan at saka huminga ng malalim. Hunter said he should have a vacation, but this thing happened in very untimely matter. Iniabot na lamang niya ang basong may laman na alak at nilagok ang laman nito. Wala pa naman siyang bagong kasong hinahawakan ngayon. Kahit naman na siya ang nagmamay-ari ng ahensya na tumutulong sa mga kapulisan at mga pribadong tao para sa seguridad ng mga ito, hindi tumitigil si Daniel sa pagtanggap ng mga kaso na makakatulong siyang masolusyunan. He’s acting like a normal employee, too. Ilang malalaking drug lords na rin ang nahuli nila at naipakulong. Simula nang nangyari ang trahedya sa b

    Huling Na-update : 2023-07-09
  • Crazed with Desire   CWD - 3

    Pinagmamasdan ni Adelaide ang mga halaman sa may pool area ni Daniel habang nakaupo siya sa mga upuang pampahingahan doon. It’s been 3 days since she met Daniel. Naghihilom na rin paunti-unti ang mga sugat niya. Tulad noong unang araw niya roon, damit pa rin ni Daniel ang suot niya dahil wala naman siyang ibang dala maliban sa kutsilyo at baril niya. Ang damit na suot niya noong dumating siya ay hindi naman na rin niya nakita, naisip niyang baka itinapon na iyon ng lalaki. Nasa kwartong inookupa niya ang mga iyon at hindi kinukuha ni Daniel dahil ani ng lalaki ay tanda iyon na maaari niya itong pagkatiwalaan. Trusting him isn’t that hard to do. Sa loob ng tatlong araw niyang pamamalagi sa bahay nito, wala naman itong ibang ginawa kundi siguraduhin na kumportable siya at maayos ang lagay niya. How she wished she can do the same with her mom. Gusto niyang malaman ang lagay nito, kung kamusta na ba ito subalit alam naman niya na kapag tumawag siya rito, sasabihin lamang iyon ng ina

    Huling Na-update : 2023-07-10
  • Crazed with Desire   CWD - 4

    He went out after staying inside his office for a couple of hours. Matapos silang kumaing dalawa ni Adelaide ay nagsabi siya sa babae na mananatili na muna sa opisina niya pero makalipas lang ng halos dalawang oras, lumabas na rin siya at umalis sa bahay niya dahil pakiramdam niya ay may kung anong mabigat na naman ang nasa dibdib niya. Wala namang masama sa itinanong ni Adelaide sa kanya. Kung tutuusin, alam ni Daniel na maaari itong magtanong sa kanya ng mga gano’ng bagay dahil nakakapagtaka naman talaga na sa laki ng bahay niya, silang dalawa lamang ang naroon at may larawan ni Bea at Alexandra ang bahay niya.Natural na magtataka ang babae kung sino ang mga nasa larawan, pero hindi pa kayang magsabi ni Daniel sa ibang tao ng tungkol sa nangyari sa pamilya niya. Maliban sa pamilya nila Thunder at mga malalapit na kaibigan nito na naging kaibigan na rin niya, wala naman siyang ibang napapagsabihan ng nangyari. It’s been years already but he would be lying if he’ll say it’s not hurt

    Huling Na-update : 2023-07-11
  • Crazed with Desire   CWD - 5

    Kanina pa pinagmamasdan ni Adelaide ang sarili sa salamin. Maaga siyang nagising kanina dahil hindi siya makatulog dahil sa nangyari kagabi. Hindi naman niya sinasadya ang nangyari, inisip niya lang na hindi naman siya lalabas ng kwarto kaya maayos lang kahit na hubarin niya na lang ang suot na boxers. Hindi naman niya rin lubos-akalain na gising pa pala ang lalaki, o tamang sabihing nakauwi na pala ito. All the lights were still off, ano ba namang malay niya kung naroon na ito, pero nangyari na ang nangyari. Wala naman na siyang magagawa sa bagay na iyon. Kung nakita nito ang parteng iyon ng katawan niya ay hindi niya matiyak pero gayun pa man, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang kahihiyan. Paano kung iniisip ni Daniel na inaakit niya ito?Bakit, hindi nga ba? Ani ng isip niya.Napabuga na lamang siya ng malalim na hininga at muling tinignan ang sarili. Bahagyang masikip sa kanya ang damit, marahil ay mas payat sa kanya ang may-ari ng damit na iyon. May kaiksian din iyon sa kany

    Huling Na-update : 2023-07-13
  • Crazed with Desire   CWD - 6

    Hacienda Hernandez, Davao City.“Wala pa rin ba kayong balita kay Adelaide?” tanong ni Maricar kay Fernando. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng ginang nang makibalita ito tungkol sa anak. She left their home almost a month ago already. “Maricar, huwag ka ng masyadong mag-alala at ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko upang mahanap na kaagad si Adelaide. Kilala mo naman ang anak mong iyon, talaga namang suwail at matigas ang ulo, palagay ko ay gusto lamang ng anak mo ng atensyon,” ani ng lalaki na yumakap sa asawa mula sa likuran. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nagtanong ang babae tungkol sa nawawalang anak nito. Hindi naman din kinukunsidera ni Fernando na nawawala si Adelaide dahil naglayas ito, at ginagawa niya ang makakaya niya upang mahanap at maibalik sa lugar nila ang babae. Simula nang mamatay ang ama ni Adelaide, ang buong atensyon ng ina na si Maricar ay nakatuon sa anak at sa hacienda na iniwan sa kanila ng namayapang si Edmundo. May mga negosyo rin sa bayan

    Huling Na-update : 2023-07-13
  • Crazed with Desire   CWD - 7

    “I thought we’re going to Summer’s?” nilingon ni Adelaide si Daniel na nagmamaneho pabalik sa bahay nito. Seryoso pa rin ang mukha nito. Magmula nang bigla siyang kabigin nito hanggang sa mga sandaling iyon, wala siyang makitang ibang reaksyon mula rito. “What’s wrong? Ano bang nakita mo sa mall?” lakas-loob niyang tanong sa lalaki nang hindi ito magsalita. “Nothing,” he replied dryly. Hindi napigilan ni Adelaide ang mapasimangot kaya naman tumingin na lang siya sa labas ng sasakyan ni Daniel at pinagmasdan ang mga kasabay nilang sasakyan sa daan. Maaga pa naman kung tutuusin pero kailan ba hindi naging problema ng Maynila ang trapiko? She just sighed heavily. Hawak niya ang cellphone na hindi naman niya alam kung saan niya gagamitin. Naiisip niyang tawagan ang ina pero nangangamba rin siya na baka ang amahin ang makasagot sa tawag niya at may mangyari pang hindi niya gusto.“Magpapadeliver na lang ako ng pagkain mo ngayong gabi. May kailangan akong puntahan mamaya,” sabi nito sa k

    Huling Na-update : 2023-07-13
  • Crazed with Desire   CWD - 8

    Nakatigin lang siya sa lalaki habang hawak nito ang ibinigay niyang ice pack dito. He was also holding a glass and drinking. Sumulyap ito sa kanya kaya naman nag-iwas siya ng tingin. Mukhang totoo nga ang sinabi nito na pinsan ito ni Daniel. He has the same aura like Daniel, iyon nga lang ay mas nakakakaba ang aura ni Daniel para sa kanya kaysa sa lalaking nakaupo ngayon.Kaninang pinagmamasdan niya ito, nakikita niya rin na may pagkakatulad ito at ang lalaki pero mas malaki ang katawan ni Daniel kumpara rito. Mukhang magkasing-tangkad lang naman ang dalawa. “You haven’t told me why you’re here, Adelaide,” sabi ni Hunter sa kanya. “I’m sure you’re not here to guard the house and hit someone with an umbrella whenever you want to. You can’t possibly make someone invalid with that,” may amusement sa boses ni Hunter habang nakangiti sa kanya. Inirapan niya ito. “I thought you’re an intruder.” Totoo naman din na iyon ang naisip niya kaya pinaghahahampas niya ito. Hindi niya malaman sa la

    Huling Na-update : 2023-07-13
  • Crazed with Desire   CWD - 9

    Hindi napigilan ni Adelaide ang mapakunot ang noo nang bumaba siya at may makitang mga babaeng naroon na naglilinis sa may sala. Nabanggit sa kanya ni Daniel noon na may nagpupunta sa bahay nito tuwing Sabado at Linggo para maglinis at kung ano-ano pa.Bahagya siyang tinanghali ng gising kaya naman noon lamang siya nakababa. Nakakaramdam na rin siya ng gutom at naisip niyang magluto ng almusal, medyo umasa rin siya na nakapagluto na si Daniel. Simula kagabi ay hindi pa sila muling nagkakausap ng lalaki. Hindi niya malaman kung bakit parang nawala na naman iyon sa mood. Sabay silang kumain ng hapunan dahil pinuntahan niya ang lalaki matapos siyang magluto pero hindi naman ito masyadong kumikibo. Sapantaha ni Adelaide ay may kinalaman marahil iyon sa pagpunta ni Hunter sa bahay nito, pero naisip niya rin naman na sobrang close siguro ng dalawa para makapasok si Hunter sa bahay nito nang gano'n na lamang. Akmang aakyat na lamang siya pabalik sa kwarto nang tawagin ng matandang babae

    Huling Na-update : 2023-07-13

Pinakabagong kabanata

  • Crazed with Desire   CWD - EPILOGUE

    “Everything’s ready!”Parang mas kinabahan si Adelaide nang marinig ang boses ni Zyline nang sabihin iyon. Natapos na ang photoshoot nila para sa kasal at aayusan naman na sila ngayon dahil alas diyes ng umaga ang seremonya ng kasal nila ni Daniel. Halos hindi nakatulog si Adelaide kagabi sa pag-iisip ng mga mangyayari. Alam niya naman na wala na si Fernando sa buhay nila, si Julianna ay kasalukuyang nakakulong pero hindi niya maiwasan na kabahan. May takot sa dibdib niya na namumuhay na paano kung may hindi magandang mangyari sa araw na iyon? Ano ang gagawin nilang dalawa ni Daniel?“Are you okay?” hinawakan ni Rain ang balikat niya at nginitian siya nito. Ang buong pamilya ng Dela Cruz ang nagpunta sa Davao para roon sila ikasal ni Daniel. Noong una ay hindi siya makapaniwala nang sabihin ni Daniel sa kanya na walang problema sa mga ito na roon na lamang sila ikasal, akala niya ay maiinis sa kanya ang mga ito dahil sa perwisyo na dala niya dahil lahat ng ito ay sa Maynila naninira

  • Crazed with Desire   CWD - 45

    Nagising si Adelaide nang nakarinig ng ingay sa labas ng mansion at nang silipin niya ang orasan sa lamesa sa tabi ng kama ay nalaman niyang pasado alas nueve na rin ng umaga. She frowned a little and hugged the pillow tight. Simula nang malaman na buntis siya at tila mas naging antukin siya kaysa noong hindi niya pa alam ang bagay na iyon. Mas gusto niyang matulog sa kwarto kaysa lumabas at makipag-usap sa mga tao. It has been a week already since they were discharged from the hospital. Sa mansion sila bumalik at habang nasa ospital silang dalawa ng Mommy niya ay si Daniel ang nag-asikaso ng lahat sa bahay nila. Ipinaayos nito ang lahat ng kailangan na ipaayos. Ipinalinis nito ang lahat at siniguradong walang naiwan na bakas ni Fernando roon. Kung paanong nagawa lahat ni Daniel ang lahat ng iyon ay hindi niya rin mawari. Ang sapantaha niya ay kumuha ito ng maraming tao upang mapagtulungan ang lahat ng iyon. Lahat naman din ng tauhan nila ay masaya sa pagdating ni Daniel at ang mga

  • Crazed with Desire   CWD - 44

    “Why… why are you doing this to me…?” nangingilid ang luha sa mga mata ni Adelaide habang nakatingin kay Fernando. Nakatutok pa rin ang baril sa ulo niya at hindi nawawala ang takot na nararamdaman niya na anumang segundo, maaari nitong iputok ang baril sa kanya.Maaaring iyon na ang katapusan ng buhay niya. Akala niya ay magiging ayos na ang lahat… akala niya ay kahit papaano, makakahinga na sila ng mommy niya ng maluwag dahil wala na si Fernando sa buhay nila…Hindi pa rin pala…He’s still here, and he’s here to kill her.“Why?” Fernando chuckled. Nakakakilabot ang tawang pinakawalan nito habang nakatingin sa kanya. Mahigpit na hinawakan nito ang baba niya at pinisil iyon. Sinubukan niyang iiwas ang mukha ngunit pilit siyang pinahaharap ng lalaki rito. “Your money should be mine! I took care of your fucking mother when your dad died and–”“You killed my dad!” malakas na sabi niya na dahilan bakit muling dumapo ang palad nito sa mukha niya.Nakaramdam siya ng kirot mula sa pagkakasa

  • Crazed with Desire   CWD - 43

    She could feel Daniel’s tight hug on her while the gunshot continued. He was covering her and protecting her. Ang dalawang lalaking humila sa kanya kanina ay nakahandusay na ngayon at hindi niya malaman kung wala na bang buhay ang mga iyon o mayroon pa. “Daniel…” tawag niya sa lalaki na pilit niyang nililingon. “I’m here, baby. I’m here…” sabi nito sa kanya bago siya inalalayan na tumayo at hinila upang tumakbo para muling magtago. Sa tuwina ng makakarinig siya putok ng baril ay napapapitlag siya sa takot. She didn’t grow up in that environment, ngunit simula nang dumating si Fernando sa buhay nilang mag-ina, sa buhay nila noong naroon pa ang daddy niya, nagkaroon na siya ng ideya sa karahasan. “Hurry up, baby. You need to hide,” sabi ni Daniel sa kanya at pilit na binuksan ang isang pinto na nasa dulo ng mansion. Nabuksan nito ang pinto ng walang kahirap-hirap at hinila siyang papasok doon. “Just stay here, okay? I need to help them,” hinawakan ni Daniel ang magkabilang pisngi n

  • Crazed with Desire   CWD - 42

    “Adelaide, there’s no time, baby. You have to come with me…” hinawakan ni Daniel ang magkabilang pisngi niya habang pilit siyang hinihila nito mula sa pagkakaupo. He’s stronger than her, that's why it was so easy for him to carry her. “Daniel, no…” humihikbi pa rin na sabi niya sa lalaki. Bakas ang pagtataka sa mukha nito kung bakit siya tumatanggi sa pagsama rito. Kung siya lang ang masusunod, sasama siya… sasama siya sa lalaki kahit saan pa sila magpunta. Aalis siya roon, hindi siya magdadalawang-isip… pero hindi maaari. “Baby… what’s going on?” Daniel asked her before looking at the door. Hindi niya rin alam kung ilang minuto pa ang mayroon siya para maitakas si Adelaide sa lugar na iyon. Natitiyak niyang babalik ang isang lalaki at malalaman nito na naroon siya sa loob ng kwarto ni Adelaide. Humihikbi si Adelaide habang nakatingin sa lalaki. Kanina ay iniisip niyang panaginip lang ang lahat nang makita niya ito. Iniisip niyang panaginip lang na muli niyang nahawakan ang lalaki

  • Crazed with Desire   CWD - 41

    Nagmamadali siyang nagpunta sa banyo nang maramdaman ulit ang pangangasim ng sikmura niya. Pakiramdam ni Adelaide ay lahat ng kaunting kinain niya ay isinusuka niya rin. Halos wala na siyang kinakain dahil sa kawalan niya ng gana ngunit hindi pa rin nawawala ang pagsusuka niya sa umaga, kung minsan ay kahit sa gabi. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.She feels tired all the time, she’s dizzy and she feels like she’s getting heavy, too. Hindi niya rin sinasabi ang nangyayari sa kanya sa kahit na sinong pumapasok sa kwarto niya. Ayaw niyang malaman ni Fernando kung ano ang nangyayari sa kanya at alam niyang ikatutuwa lang ng lalaking iyon na makita siyang nahihirapan. Naupo siya sa malamig na tiles habang nakahawak sa may toilet bowl at pinapakiramdaman ang sarili. Hindi niya maalala na nangyari ang ganito sa kanya kahit noon pa. Kung nagkakasakit naman siya ay kahit na walang gamot ay gumagaling siya… pero iba ngayon. She looked down and sighed heavily. Marahan siyang tum

  • Crazed with Desire   CWD - 40

    He could smell the familiar scent of alcohol all over the room. He tried moving his hand but he instantly felt the pain from it. Iminulat niya ang mga mata at hindi siya nagkamali nang iniisip. He’s in the hospital room, and he’s probably sedated with drugs since he’s still feeling groggy. Sumasakit din ang ulo niya at mas gusto niyang ipikit ang mga iyon. “Daniel?” He heard his cousin’s voice. Iminulat niyang muli ang mga mata at bumaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita niyang naroon si Hunter habang nakatingin sa kanya. Nasa may likuran naman nito si Thunder na nakatingin sa labas at may kausap sa telepono nito. “Why are you here?” he asked them, his voice was rough and hoarse. Inabot naman ni Hunter ang tubig na nasa may gilid na lamesa bago inalalayan siya na makaupo para makainom. “Akala namin patay ka na, e. Tatlong araw ka ng hindi gumagalaw,” sabi ni Hunter sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil doon. He was out for that long?Damn. Thunder looked at him and shov

  • Crazed with Desire   CWD - 39

    Hindi masikmura ni Adelaide na kumain kahit pa noong isang gabi pa siya huling kumain. Hindi pa rin siya hinahayaan na makalabas ng kwarto niya kahit anong pakiusap niya kay Fernando, he locked her up and the only person she sees is the maid who’s bringing her food. Pilit siyang humihingi ng tulong dito pero bakas din ang takot sa mukha nito kaya wala rin itong nagagawa para sa kanya. She felt like her head was being hammered. Masakit iyon na makirot kaya naman nananatili lang siya sa kama. Kaninang umaga pa rin siya nagsusuka na akala niya noon ay natapos na noong nasa Maynila pa siya. She often feels bad the past weeks. Hindi naman siya umiinom ng gamot dahil hindi niya rin tiyak kung ano ba ang dapat na inumin niya. Isang katok ang nagpamulat sa mga mata niya. Lumingon siya sa pinto at naghintay ng pagbukas nito at ilang sandali lamang, bumukas iyon at bumungad sa kanya ang ina. That was the second time she saw her… nagkakausap lang sila ng ina sa pagitan ng pinto niya hindi n

  • Crazed with Desire   CWD - 38

    Nanakit ang ulo na nagmulat ng mga mata si Adelaide. Sobrang sakit ng ulo niya na tila ba’y may pumupukpok roon kaya naman sapo niya ang noo nang bumangon siya. Halos ayaw niya ring imulat ang mga mata dahil sa nararamdamang sakit ng ulo. She stayed still for a moment and immediately opened her eyes. Agad siyang natigilan nang naalala ang nangyari kaya mabilis niyang inilibot ang paningin sa kwartong kinaroroon niya. “No… no… no…” she’s in her room… in their house!Tinignan niya ang damit niya at nakita niyang napalitan na iyon ng isa sa mga damit niyang alam niyang iniwan niya sa bahay nilang iyon. Mabilis siyang nagtungo sa pinto at binuksan iyon pero bigo siya nang mapagtanto na nakakandado iyon mula sa labas. Bumibilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot na nararamdaman habang pilit na binubuksan iyon. Malakas niyang kinatok ang pinto habang pilit na binubuksan ito at itinutulak. “Hello? May tao ba diyan? Palabasin niyo ako rito!” malakas na sigaw niya, umaasang may tao sa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status