SAMARA POV “LET'S GET READY TO PARTY!” shouted the DJ, making the crowd dance even wilder. The midterm exam has just ended, and it wouldn't be complete for a Northford University student without getting wasted on a party. We gathered at 'The Red Velvet,' isang high-end bar sa BGC. "Another vodka, Ara," my friend Candice offered, na 'di ko naman tinanggihan. I’m wearing a revealing skirt and a tube top. Feeling the beat, I danced like crazy after downing five shots of vodka, not caring what I looked like. All that matters was having fun until my body can no longer keep up. "Look at that guy wearing red shirt, he's cute," Mandy whispered then giggled. Sa tingin ko ay tinutukoy niya 'yong lalaking may kahalikang blonde girl. I sipped another vodka bago lumapit sa kanila. "Hey," pigil ni Mandy na bahagya pang natawa. "I just said he's cute, hindi ko naman sinabing puntahan mo. Kitang may jowa, oh. You're unbelievable." I giggled. "So what? Mas challenging ngang mang-ag
SARAMA POV "Carbon emissions contribute to climate change by trapping heat in the atmosphere and causing global warming..." the guy on the board continued reporting kahit wala namang nakikinig. He's Marco Villaflor, a scholar. He transferred here out of nowhere with his not so awesome fashion style. Mas catchy pa nga ata ang baduy at mumurahin niyang damit kaysa sa pinagsasabi niya sa reporting niya. Dagdag mo pa ang tingin niyang diretso lang kasi bulag. Kung minsan ay napagtitripan pa naming iwan siya habang nagdi-discuss. Nagpangalumbaba ako habang bagot siyang tinititigan. I must admit it. May itsura naman si Marco. His face is chiseled with a strong jawline and high cheekbones. Kaakit-akit din ang mga mata niyang may mahahabang pilik-mata. He looks like a Hollywood American celebrity. Maganda ang postura, matipuno ang dibdib at may katangkaran. Kapag naglakad nga siya hallway ay mala-modelo at malakas ang dating. Matalino rin siya at madiskarte. Ikaw ba naman ang
SAMARA POV "AAAHHH!!!" I screamed out of fear. Madali ko ring tinakpan ang pang-itaas ko. Nang mapagtanto ng misteryosong taong nakatayo na napansin ko siya ay mabilis siyang tumakbo. "Why?" Agad na nilingon ni Aldric ang tinititigan ko at isinara ang mga butones niya. "P-Parang may tao ro'n kanina?" nanginginig na tinuro ko 'yong direksyon kung saan ko nakita 'yong taong nag-video sa amin. Naalarma si Aldric sa naging reaksyon ko kaya lumabas siya ng kotse kahit hindi niya pa maayos na naisasara ang lahat ng butones niya. Pinuntahan niya 'yong lugar na tinuro ko at sinubukang maghanap sa paligid. Yakap-yakap ko pa rin ang sarili ko at takot na takot nang makabalik si Aldric sa loob ng kotse. He kissed my forehead at pinakalma ako. "Relax, baka tambay lang na nanti-trip. I'll ask the security for cctv footage para mahanap natin kung sino 'yon." "Pero kinunan niya tayo ng video. I can't afford another scandal now, magagalit na naman si daddy. Ni hindi pa nga ako nakakapag-sorry s
SAMARA POV Ilang oras akong nakatulala habang tinititigan si Marco mula sa malayo. He's studying using braille and audio books. Hindi pa rin ako nahihimasmasan sa nalaman ko kagabi. Ni sa panaginip ay hindi sumagi sa isip ko na tatay na siya. Wala sa sariling paulit-ulit na tinutusok ko yung hotdog sa pasta na kinakain ko. "Sis, maawa ka naman d'yan sa hotdog mo, durog-durog na, oh. Kainin mo na 'yan," biro ni Candice. Natigil pa siya sa pagsi-cp niya para lang sabihin 'yon sa 'kin. Kasabay kong kumakain dito sa cafeteria ang dalawang kaibigan ko. Well, palagi naman talaga kaming magkasama. Nagtatawanan sila Candice at Mandy pero hindi ko magawang makisali sa kanilang dalawa. Masyadong occupied 'yong utak ko. "Sa tingin niyo posible 'yon?" wala sa sariling tanong ko. "What?" kaswal na tanong ni Mandy tapos uminom siya ng milktea. "Na may anak na si Marco," diretso kong sabi. Sabay silang nabilaukan. "Uho, uho," ubo ni Candice tapos natawa siya. "Joke ba 'yan? Kita mong bul
THIRD PERSON POV "Luchi, tell CFO Ferrer na sumunod sa meeting room as soon as possible. We will be having an urgent meeting," utos ni Mr. Licaforte sa sekretarya niya. "Right away, Sir," mabilis na tugon ni Luchi at naglakad paalis. Nagkatinginan ang mga empleyado. The meeting must be so important para ipatawag ni Mr. Licaforte ang lahat ng high ranking officials ng kompanya. Nang makapasok sa meeting room ay isa-isa silang umupo. Kanya-kanya silang binigyan ng maiinom ng personnel na naka-assign sa meeting room. "Mr. Licaforte, what seems to be the problem?" agad na bungad ni CFO Ferrer pagkabukas pa lang niya ng pinto. Dumiretso ito sa nakareserved niyang silya. "I should be the one asking you that, CFO Ferrer," sinenyasan ni Mr. Licaforte ang sekretarya niyang si Luchi na kakapasok lang na ibigay sa board members ang kani-kanilang folders na kulay pula. In every Licaforte Corp's meeting, red folders signify bad news so everyone scanned it immediately. Mababakas mo ang pangu
Samara POV "Daddy," pangiti kong sabi nang madatnan ko si dad sa main office. Abala ito sa pagbabasa ng mga papeles pero hininto niya 'yon nang makita ako. "Ara, have a seat," saad niya. Ang kani-kanina lang na seryosong mukha ay agad na umaliwalas. "Good evening, Sir," bati rin ni Atty. Santivañez. "Oh," natawa si dad nang makita itong maraming dala at bumaling sa akin. "This kid is a lawyer and a CPA at the same time tapos pinagbitbit mo lang ng gamit?" "Ahh," magpapaliwanag sana ako pero si Atty. Santivañez ang sumagot para sa 'kin. "It's fine, Sir. I offered the help. Hindi niya naman ako pinahirapan," matapos sabihin 'yon ni Atty. Santivañez ay sabay silang natawa ni dad. "I need to go, Sir. May aasikasuhin pa akong documents," paalam nito bago lumabas ng main office. Umupo ako. "He's quite too kind," saad ko. "Yeah, dito rin siya nag-intern. Matulungin talaga at mabait ang batang 'yan. Masipag pa, matalino at maaasahan. Ni minsan ay hindi pa niya ako binigyan ng p
SAMARA POV "Cheers," nagtoss kami nina Candice at Mandy bago ininom ang kanya-kanya naming baso ng tequila. Sa 'Tipsy Tavern' naman namin naisipang gumala ngayon. Banned na kasi ako sa 'The Red Velvet' dahil sa ginawa kong eskandalo. Nagpangalumbaba ako at nilaro ang yelo sa loob ng basong hawak sa kanang kamay. 'Hay, pinasikat ko na nga ang bar nila, galit pa sila.' Kinalabit ako ni Candice. "Another cute guy, oh. Baka gusto mong gawan ng Part 2 yung scandal mo. Miss ka na ng haters mo sa social media," biro niya habang nakatitig sa bartender na nagfi-flair mixing. Pinapalibutan ito ng maraming babae. I shook my head sa bagot na mukha. "I'm not anymore interested. Ayoko nang pasakitin ulit ang ulo ni daddy. And besides, malapit ko nang ipakilala si Aldric sa kanya, iiwas na muna ako sa kalokohan." Sabay silang napasinghap. "Wow, Ara? Ikaw ba 'yan?" hirit ni Mandy. Kita mo pa rin ang pagkagulat sa mukha niya. Muling lumagok ng isang baso ng tequila si Candice. "Ang nag
SAMARA POV Halos madurog na 'yong steak sa plato ko habang nakatitig ako sa pangiti-ngiting si Tita Olivia. Ang kapal ng mukha niyang maging masaya sa kabila ng panloloko niya kay daddy. "Olivia, sabi ni Manang Letty, madaling araw ka na raw nakauwi kagabi. Saan ka galing?" tanong ni daddy sa kanya. Pasimpleng umirap si Tita Olivia kay Manang Letty bago pangiting sumagot kay daddy. "Nagkayayaan lang with my amigas. Napasarap 'yong kwentuhan namin kaya 'di ko na napansin ang oras. Kilala mo naman ang friends ko, 'di ba?" kampante nitong sabi. I glared at her. 'Friends' talaga, ah? Wow, big word. Kahit hindi ko namukhaan ang kasama niyang lalaki kagabi dahil sa suot nitong fedora ay klaro pa sa memorya ko kung gaano kahigpit ang hawak ni Tita Olivia sa braso niya. Nakahiga pa ang ulo ng madrasta ko sa balikat ng lalaking 'yon habang magkasama silang pumasok sa hotel na para bang bagong kasal. Napatingin ako kay daddy. Mapayapa lang siyang kumakain na mukhang kumbinsido sa i