Home / Romance / Craving For Love / CHAPTER 6: Happy days

Share

CHAPTER 6: Happy days

Author: Love Reinn
last update Last Updated: 2023-11-30 13:20:46

Samara POV

"Daddy," pangiti kong sabi nang madatnan ko si dad sa main office. Abala ito sa pagbabasa ng mga papeles pero hininto niya 'yon nang makita ako.

"Ara, have a seat," saad niya. Ang kani-kanina lang na seryosong mukha ay agad na umaliwalas.

"Good evening, Sir," bati rin ni Atty. Santivañez.

"Oh," natawa si dad nang makita itong maraming dala at bumaling sa akin. "This kid is a lawyer and a CPA at the same time tapos pinagbitbit mo lang ng gamit?"

"Ahh," magpapaliwanag sana ako pero si Atty. Santivañez ang sumagot para sa 'kin.

"It's fine, Sir. I offered the help. Hindi niya naman ako pinahirapan," matapos sabihin 'yon ni Atty. Santivañez ay sabay silang natawa ni dad. "I need to go, Sir. May aasikasuhin pa akong documents," paalam nito bago lumabas ng main office.

Umupo ako. "He's quite too kind," saad ko.

"Yeah, dito rin siya nag-intern. Matulungin talaga at mabait ang batang 'yan. Masipag pa, matalino at maaasahan. Ni minsan ay hindi pa niya ako binigyan ng problema," pagbibida ni dad.

Sumang-ayon ako. Base nga sa karanasan ko kasama si Atty. Santivañez kanina ay masasabi kong tama siya.

"Dad," inilabas ko ang dala kong bouquet ng carnation flowers. Agad 'yong nagpangiti kay daddy.

"You need a new car?" biro niya at tinanggap ito.

"No," malambing kong sabi. "Nagkasagutan tayo no'ng isang araw, 'di ba? Hindi pa ako nakakapag-sorry."

Huminga ito nang malalim. "Come here."

Tumayo ako at niyakap si dad mula sa likuran niya. "Galit ka pa rin ba?" malungkot kong tanong.

"Hmm, nagtatampo, pero alam mo namang hindi kayang tiisin ng magulang ang anak niya." Lumingon siya sa 'kin at hinalikan ang noo ko. "I promised to your mom na aalagaan kita. I know you love me, pero minsan nakakalimutan mong iparamdam sa akin 'yon. You've been a headache lately, honestly," pag-amin niya.

Naningkit ang mga mata ko at nahihiyang ngumiti. "Sorry na, dad," ako naman ang humalik sa noo niya saka siya tinitigan. "Sorry kung sa ganoong paraan ko dinadaan ang pangungulila ko kay mommy."

Napabuntong-hininga siya at hinawi ang buhok ko. "You were too young nang mawala ang mom mo, Ara. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo kasi nag-iwan din siya ng puwang sa puso ko. H'wag mo sanang iisipin na hindi mo ako pwedeng takbuhan kapag nalulungkot ka. You can tell me anything."

Napakurap ako. "Anything?"

Tumango si dad. "Are you thinking of something right now?"

Bahagya akong napangiti. Mukhang good mood naman na si daddy. Sabihin ko na kaya ang tungkol sa amin ni Aldric? Pagod na rin akong itago ang relasyon namin.

"Hmm," nag-aalinlangang panimula ko. "Kasi dad... hindi ka ba magagalit kung may boyfriend na ako?"

Agad na kumunot ang noo nito. "What? I knew it, kaya may suhol kang dala," iniangat niya ang niregalo ko sa kanyang bouquet ng carnation flowers. "You're still a student, Ara. Magtapos ka muna ng college," nagsimula siyang ibalik ang atensyon niya sa mga papeles sa mesa.

"Dad, mabait naman siya. Hindi rin siya abala sa pag-aaral ko," muli ko siyang nilambing. "Sa katunayan, mas nai-inspire pa nga akong magtapos dahil sa kanya. Ni minsan ay hindi pa siya nagloko. Perfect boyfriend siya, dad," pagyayabang ko.

Lumingon siya sa akin. "Gaano na kayo katagal?"

"Uhm, almost 3 years?" sabi ko sa pilit na ngiti.

Napailing si daddy. Parang gusto pa niyang magprotesta pero napagtanto niya ata na wala na siyang magagawa. "I want to meet him," sambit niya.

Halos tumalon ang puso ko sa tuwa. "Really?"

Tumango siya. "Pero kung hindi ko siya magustuhan, iwan mo agad, ah?" pagbabanta nito na nakaturo pa sa akin.

"Dad naman," nakasimangot na saway ko sa kanya. Natawa ito sa naging reaksyon ko.

"But seriously, I want to meet him. Gusto kong makilala ang lalaking nakatiis sa ugali ng anak ko. He must be an extraordinary man," biro nito.

"Wow dad, ah? Grabe," natatawa kong sabi.

Sumandal si dad sa swivel chair niya. "How about your birthday? I already told Luchi to plan for your party. It's your special day so I'll give you a chance to ask me anything," pag-iiba nito ng usapan.

"Hmm," bahagya akong tumingala para mag-isip saka ako muling tumingin kay daddy. "I want to spend 3 days at Balesin."

"That's good, I'll let you use our private jet so you can invite your friends," suhesyon nito.

Umiling ako. "I don't want them. Gusto ko tayong dalawa 'yong magbakasyon. Kelan ba no'ng huling nagbeach tayo? Hindi ko na maalala," kunwari ay nagtatampo kong sabi.

Naningkit ang mga mata niya. Sa tingin ko ay may naka-schedule na siya sa araw na 'yon.

"Ara..." Magpapaliwanag pa sana siya.

"Just 3 days dad, sige na," pangungumbinse ko.

"Fine, let's go there together," pagsuko niya.

Naiiyak ko siyang niyakap. "I love you, dad."

Sa maraming pagkakataon na hindi kami nagkakaintindihan, gusto kong mapunan lahat 'yon kahit tatlong araw lang. Gusto kong makabawi sa kanya.

Kinuha ni daddy 'yong sticky notes sa stationary tray ng table niya. 'Will spend three days at Balesin with my lovely daughter,' sulat niya rito.

Nagmukha pa 'yong kontrata kasi naglagay siya ng dalawang blangko para sa pirma naming dalawa.

"If hindi ka tumuloy, it would be considered a breach of contract," pagbabanta ko sa kanya at dinikit 'yong sticky note sa ledger niya.

He smiled na mukhang proud sa narinig. "You know legal things now, isa ka ngang Licaforte."

"Oo naman," confident kong sabi. "I am Samara Licaforte and I'm good at everything."

Ngumiti si dad. "Really?"

Sasagot pa sana ako sa kanya nang makarinig kami ng tatlong katok sa pinto.

"Hmm, come in," saad ni dad.

Pumasok ang sekretarya niyang si Luchi. "Kakarating lang po ni Mr. Perez for your business collaboration meeting. Pinadiretso ko na po siya sa conference room."

Kinuha ni dad ang isang folder mula sa drawer. "Tell him I'm coming," sambit ni dad sa sekretarya niya na agad namang sumunod. Nilingon ako ni dad at hinalikan sa noo. "I need to go now, let's talk again some other day."

Tipid na ngiti lang ang iginanti ko bago tuluyang lumabas si dad ng main office.

Napabuntong-hininga ako.

Isasara ko na sana ang drawer na naiwan ni dad na nakabukas nang mapansin ko ang news article about a factory na nasunog 15 years ago. Kinuha ko ang dyaryo at binasa.

Naging malaking issue pala 'to dati kasi kasamang nasunog sa loob ang may-ari ng factory na naging dahilan ng pagkalugi ng kompanya nito. The factory was also operating 24/7 kaya may mga trabahanteng nadamay.

Isa ito sa pinakamalaki at pinakamalalang sunog na nangyari sa buong bansa. Ang anggulong nakikita ng mga awtoridad ay ang kakulangan sa safety protocols.

Naningkit ang mga mata ko. 'Ba't may ganitong article sa office ni daddy?'

"Ms. Samara," tawag sa akin ni Atty. Santivañez. Nagtataka siyang tumingin sa d'yaryong hawak ko. "What's that?" tanong niya.

"Ahh," agad ko 'yong binalik sa drawer ni daddy. "Wala, random article lang," tugon ko sa kanya.

"Pinapa-check lang ni Mr. Licaforte kung nakauwi ka na," pangiti niyang sabi sa 'kin.

Kinuha ko ang mga gamit ko. "Pauwi na rin ako, pakisabi na lang kay daddy," sambit ko bago lumabas ng main office.

***

"On your march, ready, get set, GO!"

Naghiyawan ang lahat matapos i-announce 'yon ng referee. Mabilis na nag-unahan ang kani-kanyang representatives ng College Departments sa running race na siyang grand opening ng sportsfest.

"Woooah! Go Business Department!" cheer ng mga kaklase ko sa representative namin.

Iginala ko ang paningin sa paligid.

Napuno ng maraming kulay ang stadium ng Nortford University dahil sa flaglets na binabandera ng bawat estudyante.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko kasi mahanap si Aldric sa Architecture Department.

'Hey.'

Agad na lumapad ang ngiti ko nang makita ang notification sa phone ko.

Speaking of...

Binuksan ko ang messenger ko para mabasa pa ang ibang sinend ng boyfriend ko.

'It's quite loud here. Let's walk around?'

Sinubukan ko siyang hanapin. 'Where are you?'

Beep.

'In your heart?'

I giggled. Naisip niya pa talagang mag-pick up line?

'Korni mo,' biro ko.

Patuloy pa rin ako sa pagbabasa ng messages niya nang kalabitin ako ni Mandy. "Boyfriend mo, oh," turo niya kay Aldric na nakasandal lang pala sa railing. May dala itong teddy bear at isang heart-shaped balloon.

Tinukso ako ni Candice na katabi ko lang din. "Wow, ah? Valentines?"

Inirapan ko siya bago tuluyang lumapit kay Aldric. Saglit pang naghiyawan ang mga nakakita sa amin.

"Anong pakulo 'to?" pagtataray ko kunwari sa kanya saka kinuha yung regalo niya.

"Sabi mo ok na sa daddy mo na ipakilala mo ako sa kanya. A little celebration?" pangiting tugon nito.

Napuyat nga kami kagabi dahil ang haba ng naging pag-uusap namin sa phone no'ng ipinaalam ko 'yon sa kanya.

"Let's go to a certain place, may inihanda ako," yaya niya sa akin.

Hinawakan ko ang braso niya. "Tara."

***

"Hey, slowly," nakatakip sa mga mata ko ang dalawang kamay ni Aldric. Ginagabayan niya akong maglakad.

"Ano ba 'to? Baka ipa-hazing mo 'ko, ah?" Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

"No, trust me, konteng hakbang na lang," malambing niyang sabi. "Here, open your eyes."

Sinunod ko ang sinabi niya at bumungad sa akin ang isang napakagandang garden na puno ng carnation flowers. May nakapalamuti pang fairy lights sa paligid. Agad akong napangiti dahil sa pagkamangha.

"Mas maganda 'to kung gabi, kaso hindi na kasi ako makapaghintay kaya pinakita ko na agad. Did it ruin my surprise?" nahihiya niyang sabi.

Nilingon ko siya at ipinulupot ang braso ko sa leeg niya. "Don't worry, I like it," kinintalan ko siya ng halik sa labi.

"Here's your menu, Ma'am," inabutan kami ng menu ng isang waitress.

Nakangiti akong tumingin kay Aldric. "May food rin?"

"Sabi mo dati gusto mo ng dinner sa gitna ng garden, diba? I hope you don't mind if we'll have an early lunch instead," dinala niya ako sa isang romantic na dining table. May naka-decorate pa ritong bulaklak. May dalawang musikero rin sa tabi na nag-aabang na may hawak na cielo at violin. They immediately played nang makaupo kami.

Nakangiti kong tinitigan si Aldric. "Masyado mo akong ini-spoil, baka masanay ako nito," babala ko sa kanya.

"Edi, masanay ka, wala naman akong balak na itigil 'to," malambing nitong tugon. "Plano kong ligawan ka kahit na kasal na tayo o kahit matanda na at kulubot na ang balat nating dalawa." Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa 'kin. "Sayang naman yung romantic music, shall we dance first?"

Tinanggap ko ang kamay niya at sumayaw kaming dalawa sa gitna ng garden. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at matamis na ngumiti.

Kay sarap sa pakiramdam na makahanap ng isang taong bibigyan ka ng assurance na hindi ka niya iiwan.

***

THIRD PERSON POV

Static noises...

Isang misteryosong tao ang sumandal sa swivel chair at inayos ang mga datus na nakalap ng kanyang laptop.

Halos alam na niya ang araw-araw na nangyayari sa buhay ni Samara.

Ang mga lugar na pinupuntahan nito, maging ang mga taong nakakasalamuha ng dalaga. Sunod-sunod na recorded voices ang nag-play.

'Sorry na, dad.'

'Sorry kung sa ganoong paraan ko dinadaan ang pangungulila ko kay mommy.'

'It's your special day so I'll give you a chance to ask me anything.'

'I want to spend 3 days at Balesin.'

'If hindi ka tumuloy, it would be considered a breach of contract.'

'Hey, slowly.'

'Masyado mo akong ini-spoil, baka masanay ako nito.'

Napataas ang gilid ng labi ng misteryosong tao. Nilaro niya ang daliri sa mesa.

Konteng panahon na lang...

Makakahanap din siya ng pagkakataong sirain ang buong pagkatao ni Samara at sisiguraduhin niyang magiging miserable ang buhay ng dalaga.

Related chapters

  • Craving For Love   CHAPTER 7: Bar Encounter

    SAMARA POV "Cheers," nagtoss kami nina Candice at Mandy bago ininom ang kanya-kanya naming baso ng tequila. Sa 'Tipsy Tavern' naman namin naisipang gumala ngayon. Banned na kasi ako sa 'The Red Velvet' dahil sa ginawa kong eskandalo. Nagpangalumbaba ako at nilaro ang yelo sa loob ng basong hawak sa kanang kamay. 'Hay, pinasikat ko na nga ang bar nila, galit pa sila.' Kinalabit ako ni Candice. "Another cute guy, oh. Baka gusto mong gawan ng Part 2 yung scandal mo. Miss ka na ng haters mo sa social media," biro niya habang nakatitig sa bartender na nagfi-flair mixing. Pinapalibutan ito ng maraming babae. I shook my head sa bagot na mukha. "I'm not anymore interested. Ayoko nang pasakitin ulit ang ulo ni daddy. And besides, malapit ko nang ipakilala si Aldric sa kanya, iiwas na muna ako sa kalokohan." Sabay silang napasinghap. "Wow, Ara? Ikaw ba 'yan?" hirit ni Mandy. Kita mo pa rin ang pagkagulat sa mukha niya. Muling lumagok ng isang baso ng tequila si Candice. "Ang nag

    Last Updated : 2023-12-01
  • Craving For Love   CHAPTER 8: Family Picture

    SAMARA POV Halos madurog na 'yong steak sa plato ko habang nakatitig ako sa pangiti-ngiting si Tita Olivia. Ang kapal ng mukha niyang maging masaya sa kabila ng panloloko niya kay daddy. "Olivia, sabi ni Manang Letty, madaling araw ka na raw nakauwi kagabi. Saan ka galing?" tanong ni daddy sa kanya. Pasimpleng umirap si Tita Olivia kay Manang Letty bago pangiting sumagot kay daddy. "Nagkayayaan lang with my amigas. Napasarap 'yong kwentuhan namin kaya 'di ko na napansin ang oras. Kilala mo naman ang friends ko, 'di ba?" kampante nitong sabi. I glared at her. 'Friends' talaga, ah? Wow, big word. Kahit hindi ko namukhaan ang kasama niyang lalaki kagabi dahil sa suot nitong fedora ay klaro pa sa memorya ko kung gaano kahigpit ang hawak ni Tita Olivia sa braso niya. Nakahiga pa ang ulo ng madrasta ko sa balikat ng lalaking 'yon habang magkasama silang pumasok sa hotel na para bang bagong kasal. Napatingin ako kay daddy. Mapayapa lang siyang kumakain na mukhang kumbinsido sa i

    Last Updated : 2023-12-03
  • Craving For Love   CHAPTER 9: Unexpected Partner

    SAMARA POV "I'll ask you something to repay me," sumeryoso ang mukha niya. "Hindi libre ang pagtulong ko sa 'yo, Ara," diretsahan niyang sabi sa akin. Natigilan ako at napawi ang ngiti sa labi ko. "A-Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Mas lumakas pa ang pintig ng puso ko nang tumaas ang gilid ng labi niya. 'Anong kapalit ang hihingin niya?' Inilapit niya nang konte ang mukha niya sa 'kin. Naaamoy ko na ang panglalaki niyang pabango. Ilang beses akong napakurap. Maraming naglaro sa isipan ko. 'What he'll gonna say? What's on his mind?' "Smile," nakangiti niyang sabi. "Smi—ha?" nagtataka kong tanong. "I said smile, 'yan ang hinihingi kong kapalit sa mga naitulong ko," pag-uulit niya. Natigilan ako. Ilang saglit bago ko nakuha. "Ahh," napatango ako at natawa. Saka lang ako nakahinga nang maluwag. Pangingitiin niya lang pala ako, akala ko naman kung ano na. Napapunas tuloy ako ng pawis nang wala sa oras. "'Yan, mas maaliwalas. Hindi bagay

    Last Updated : 2023-12-04
  • Craving For Love   CHAPTER 10: Pupuntahan Ko Siya!

    SAMARA POV Umalingawngaw ang ingay ng tambol sa buong gymnasium. Ngayong araw ang start ng ensayo ng cheerleading squad kung saan kami kasali ni Candice. "ROAR LIKE A TIGER! MOVE WITH GRACE! WE'RE UNSTOPPABLE! ALWAYS ON THE CHASE!" we shouted in unison. Practice pa lang ay todo bigay na kami. "Woooah! Panalo na ang Northford University! Sure na sure na 'yan!" hiyaw ng mga estudyanteng nanonood sa amin. Limang universities ang makakaharap namin ngayong Sportsfest. Last year, ang team namin ang nanalo kaya hindi na kami gaanong kinakabahan. We always give our best to provide a satisfying show, and I know this year will still be our spotlight. "Well done, that's all for today," anunsyo ng cheer instructor namin habang pumapalakpak. "Bukas ulit, same time. We'll perform some stunts on next meeting so prepare guys, ok? Dismiss," saad niya bago tuluyang umalis ng gymnasium. Agad kaming humiga sa inilatag na sleeping mat ni Candice sa sahig. Nakapikit akong huminga. Ang sara

    Last Updated : 2023-12-05
  • Craving For Love   CHAPTER 11: Salamat

    SAMARA POV Nadatnan kong mag-isa si Marco sa isa sa mga picnic tables ng mini-park ng Northford University. May earbud siya sa isang tenga at nagsusulat gamit ang braille. Sa tingin ko ay nag-aaral na naman siya. Iginala ko ang paningin sa paligid, walang tao. Dahil na rin siguro ang karamihan ng mga estudyante ay nag-eensayo para sa Sportsfest. Naglakad ako palapit kay Marco. Agad na nasagi ng mga mata ko ang pang-mascot na costume sa loob ng nakabukas na sako sa tabi niya. Gawa ito sa makapal na fabric na matatansya kong mainit suotin. Mabigat akong huminga. Nasa harap niya na ako pero hindi niya pa rin ako napapansin kaya malakas na ibinagsak ko ang dala kong bag sa mesa. Nagulat at napahinto siya sa pagbi-braille niya. "Ba't nagpresenta kang maging mascot at maging kengkoy lang sa Sportsfest? Nag-e-enjoy ang lahat ng estudyanteng salihan ang mga gusto nilang events so dapat ikaw rin. Sa tingin mo ba kapag nagmascot ka, tatayo ka lang no'n? Sasayaw ka ng ilang araw sa mga

    Last Updated : 2023-12-05
  • Craving For Love   CHAPTER 12: Good Luck

    SAMARA POV "Teka lang, h-hindi ka bulag?" gulat na gulat na tanong ko sa kanya. Napakunot ang noo niya. "Ano?" natatawa niyang sabi. Hinarap ko ang worksheets sa kanya. "Ang ayos-ayos ng pagkakasulat nitong mga sagot sa worksheets. Imposibleng magawa 'to ng hindi nakakakita," mariing pagpapaamin ko sa kanya. "Worksheets? Hindi naman kasi talaga bulag ang nagsulat niyan," sagot niya. "So nakakakita ka nga?" pag-uulit ko. Napahinga siya nang malalim. "Hindi ako ang nagsulat n'yan, Ara. May braille transcribers ang Northford University. Sa kanila lumalapit ang mga bulag na estudyanteng katulad ko. Programa 'yon ng school at may sarili silang office sa tabi ng library. Magbabayad ka lang depende sa dami ng ipapagawa mo. Hindi mo ba alam 'yon?" mahaba niyang paliwanag. Naibagsak ko ang sarili ko sa upuan. "T-Talaga?" paninigurado ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti. "Pinanganak akong bulag. Kung nakakakita man ako, ba't ko pa pahihirapan ang sarili ko, 'di ba?" pagkaklaro niya

    Last Updated : 2023-12-06
  • Craving For Love   CHAPTER 13: Hinala

    SAMARA POV Mabilis akong nagmaneho sa kahabaan ng Taft Avenue. Nakatuon lang ang mga mata ko sa BMW kung saan lulan sina Tita Olivia at ang lover niya na sa tansya ko ay matagal na niyang kalampungan. Mahigit kalahating oras ko na silang sinusundan at sisiguraduhin kong mahuhuli ko na sila this time. Pinipigil ko pa rin ang inis ko nang biglang tumunog ang phone ko. Pagkasilip ko ay rumehistro ang pangalan ni Mandy sa screen. Nag-aalala ata siya dahil basta ko na lang silang iniwan ni Candice kanina nang hindi ko man lang sinabi kung saan ako papunta. Ikinonekta ko ang bluetooth headset sa phone ko para sagutin ang tawag niya. “Hello? Ara? Sa'n ka ba? Ang init ng ulo mong umalis ng café kanina. Baka kung anong mangyari sa 'yong masama,” sunod-sunod na sabi ni Mandy mula sa kabilang linya. Chineck ko ang GPS ng kotse ko. “Sinusundan ko sina Tita Olivia. Mukhang bababa sila sa Evanns Hotel. Kapag nalaman ko talagang may kabit siya ay sasampalin ko siya hanggang mayupi ang p

    Last Updated : 2023-12-07
  • Craving For Love   CHAPTER 14: Polo Shirt

    SAMARA POV Nakahinga ako nang maluwag nang makaalis na sina Candice at Mandy. Muntik na kasing makapagsabi ng hindi maganda si Candice kanina. Baka kung ano pang sumagi sa utak ni Marco at masaktan ang damdamin niya. Malay ko ba na maiisip niyang gawin din 'yong parte ko sa worksheets. Edi, sana hindi ko na nabanggit kina Mandy 'yon, …na ok lang sa ‘kin na bumagsak kasi kaya ko namang magbayad at wala akong pakialam sa grades niya. Napalingon ako kay Marco. Ordinaryong polo lang ang suot niya at kupas pa. Hay, mag-organize kaya ako ng pa-raffle ng mga damit tapos puro pangalan niya lang 'yong ilalagay ko sa entries? Masyadong busabos ang itsura niya. Sayang naman ang awrahan niya na mala-Hollywood American celebrity. Dagdag mo pa ang katawan niyang parang bidang lalaki sa novels na possessive series. Nilapit ko ang ilong ko sa damit niya para singhutin kung anong amoy niya at napanganga ako. ‘In fairness, ah? Hindi siya amoy araw kundi amoy mayaman. Ano kayang perfume

    Last Updated : 2023-12-08

Latest chapter

  • Craving For Love   CHAPTER 98: Playground

    MARCO POV“Ito na ang pinabili niyong Korean food, Sir Mar—”Mariin kong tinitigan si Dos na may halong pagbabanta. Mukhang madudulas pa ata. “I-I mean… Marco, haha, bro,” paglilihis niya at ngumisi sa akin. Mabuti naman at nakuha niya agad.Tumikhim siya at umupo para sumalo sa mesa. Si Jack naman ay inayos ang paper plates at kubyertos.Matamis na ngumiti si Ara at nilabas ang wallet. Maglalabas sana siya ng pera pero hindi niya napansing magkasabay pala sila ni Jill. “Ako na ang magbaba—” Natigilan ang dalawa at napasipat sa isa't isa. Sa pagkakasabay nilang magsalita ay parang may kuryenteng dumaloy sa pagitan nila.Lihim na natawa sina Dos at Jack sa nagbabadyang pagkokompetens’ya. Parang gusto pa nga nila akong tuksuhin ng, ‘Ang gwapo mo naman, Sir Marius, ikaw na.’Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa. “Ako na, binigyan naman ako ng paunang bayad ni Sir kanina,” nakangiti kong saad para ‘di na sila mag-alitan pa. Kumalma sila. Mabuti naman.Tahimik kaming kuma

  • Craving For Love   CHAPTER 97: Karibal

    THIRD PERSON POVNais kaltukan ni Marco ang sarili. Oo, sinabihan niyang pakakasalan niya si Jill pero mga bata pa sila no'n. Akala niya ay nabaon na sa limot ang mga katagang ‘yon at klaro na sa dalaga na hanggang magkaibigan lang sila.Pamartsang lumapit si Samara sa kanila. Mabibigat ang paghakbang. Hindi naman umawat at sumunod lang ang dalawang kaibigan.Napalunok si Marco. Ano ba ang dapat niyang gawin? Para sa kanya ay mas nakakatakot pa ang hagupit ng galit ng fiancée niya kaysa sa talim ng sampung katana.“Bee? Gusto mo beeg-wasan kita?” sarkastikong dugtong ng dalaga sa tawagan ng dalawa. Nakadilat pa ang dalawang mga mata. Nanggigigil itong i-landing ang palad sa mukha ng babaeng humalik sa lalaking pakakasalan niya.“Excuse me? Sino ka?” Kahit mahinhin ay bakas sa boses ng huli ang pagiging palaban. Sa paniniwala niya ay kanya si Marco at hindi siya welcome sa ideya na may aagaw rito.Napansin ni Samara ang katana sa likuran ni Jill at ang suot niyang itim. Doon rumehistro

  • Craving For Love   CHAPTER 96: Bee

    THIRD PERSON POVAlistong sinundan ng mga mata ng binata ang direksyong pinuntahan ng taong ‘yon. Saka niya ito nakita sa itaas ng puno. Kumislap ang hawak nitong katana. Sa kuro-kuro niya ay isang ninja.Ilang beses pang nagpalipat-lipat ng posisyon ang taong ‘yon na parang pinag-aaralan ang lokasyon nila. Napabaling na rin ang tatlo sa pagkilos ng mga sanga sa ibabaw ng puno. Nakaramdam sila kaba at napatayo.“A-Ano ‘yon?” nauutal na tanong ni Jack dahil bahagyang nakadama ng takot. Nakatingalang sinuyod ng tingin ang paligid. Sina Dos at Vien ay hindi rin mapakali.Mariin lang na nagmasid si Marco. Pamilyar sa kanya ang kilos ng taong nakaitim pero nais niya munang makasiguro.“Labas!” mariing utos ng binata na tila nagbabanta.Bahagyang tumahimik ang paligid. Tanging mga ibon lang ang maririnig. Tila huminto ang oras sa pagpipigil nila ng paghinga. Tinatansya ang kasunod na mangyayari ano mang oras.Mabilis na napalingon si Marco sa bandang kanan nang may kumilos roon. Isang papar

  • Craving For Love   CHAPTER 95: Kalaban

    THIRD PERSON POV Nakasuot ang tatlo ng school ID ng Northford University. Napangiti na lang sabay iling si Marco nang maalala ang pinagbilin ni Mr. Sanchez sa mga ito na bantayan siya. Parang batang paslit pa rin ang turing ng ginoo sa kanya. “Hala, bumibilis ang pagtaas-baba ng mga linya rito sa tracker. Ibig sabihin, nasa malapit lang si Sir Marius!” manghang sabi ni Vien sa dalawang kasama. May hawak itong gadget na nakakonekta sa satellite para madaling ma-locate ang kinaroroonan ng binata. Isa ito sa bagong teknolohiya na dini-develop ang mga Veilers. Mabilis na sumilip sina Dos at Jack sa hawak ng dalaga at nilibot ang paningin sa paligid. Lihim na natawa si Marco dahil wala silang kamalay-malay na kay lapit lang ng distansya nila. Tinanggal niya ang suot na relo na iniregalo ni Mr. Sanchez. Sa ospital pa lang ay malakas na ang kutob niya na may kasama itong locator. Binalot niya ‘yon ng makapal na aluminum foil at isinilid sa isang Faraday bag bago ito inilagay sa loob ng

  • Craving For Love   CHAPTER 94: Sobre

    SAMARA POVNapakunot ang noo ko at ibinaba ang phone para suriin ang taong nakaitim. Kinalabit ko si Candice. “Kasali ba sa show ang isang ‘yan?” tanong ko sa kanya.“Saan?” pagdungaw niya pero humalo na sa audience area ang taong ‘yon kaya hindi niya nakita.“‘Yong nakasuot ng nin—”“Samara, Candice, nandito lang pala kayo. Nagtawag ng practice si Sir para sa performance natin mamaya. Biglang kinabahan kasi mukhang magagaling daw ang kalaban,” natatawang saad ni Adelle sabay irap. Isa siya sa kasamahan namin sa cheerleading squad. Sinapo niya ang noo at mukhang kanina pa kami hinahanap.“As in, now na? Nanonood pa kami, oh,” maarteng tugon ni Candice. Mukhang nabibitin pa sa dance showdown.Mabigat na nagbuntong-hininga si Adelle. “Yes, now na, urgent,” pagdidiin nito sa huling salita. “Tara na, tara na, baka umusok na naman ang ilong ni Sir,” pag-aapura niya sa amin ni Candice. Nagliwanag naman ang mukha niya nang mapansin na kasama namin si Mandy. “Hey, girl! ‘Di ba nasa Photograph

  • Craving For Love   CHAPTER 93: Parada

    SAMARA POV‘Oh, that's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huhThat's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huh’Napuno ng matitingkad na kulay ng banners, light sticks at flaglets ang kabuuan ng open field. Nagkanya-kanyang hiwayan at indakan ang mga estudyante mula sa anim na naglalakihang universities sa opisyal na pagbubukas ng pagtatagisan ng mga kalahok sa iba't ibang larangan ng sports at events. "Welcome, everyone, to the grand opening of this year's Inter-University Sportsfest! Palakpakan naman d'yan!” anunsyo ng emcee na siyang mas nagpaingay sa paligid. “Dito ba banda ang taga-Northford University? Kaway-kaway!” pang-eengganyo nito sa amin. Syempre, hindi kami nagpatalo. Kami kaya ang champion last year. Kinalampag namin ang buong open field.“Dito naman tayo sa Saint Therese University, gusto ko mas maingay!” pagtawag niya sa kabilang side na nagpahiyaw rin sa mga ito. Kasunod niyang tinawag ang Harrison University, Golden East University, Valoria Univ

  • Craving For Love   CHAPTER 92: Maskara

    MARCO POV “Oh, Marco. Ba't parang nakakita ka ng multo?” kaswal na tanong ni Mandy sa akin pero halata mong may ibig sabihin. Tila nang-aasar ang mga mata niya. “Girl, bulag si Marco. Ni ‘di nga ata alam n'yan ang itsura ng multo,” natatawang bara ni Candice. Napailing na lang din si Ara sa mamimilosopo ng kaibigan. Nanatili akong nakatayo. Ramdam ko ang tensyon sa paraan ng pagtitig sa akin ni Mandy. Palihim—pero parang inuudyukan niya ako na sugurin siya. Kung walang mga tao sa paligid ay baka nagsalpukan na rin kami na gaya ng ginawa namin sa fire exit no'ng isang araw. Tumaas ang sulok ng labi nito na wari'y nagbabanta. Sa kabila ng ginawa niya sa akin ay hindi man lang siya kababakasan ng pagkailang o pangamba. Parang mas ginaganahan pa nga siya sa ideyang kilala ko na kung sino man ang babaeng nasa likod ng maskara. Ikinuyom ko ang palad ko. Ayokong magkagulo kaya pinigil ko ang sarili ko. Isa pa, kaibigan siya ni Ara. Walang ideya ang nobya ko na muntik na akong map

  • Craving For Love   CHAPTER 91: Mata

    MARCO POV Kahit nasa dressing room ay rinig na rinig ko pa rin ang malakas na musika ng banda at hiyawan ng mga estudyante. Ngayon ang unang araw ng sportsfest dito sa Northford University. Ngayon din ang unang araw ko bilang mascot na unang beses kong masusubukan sa buong buhay ko. Medyo excited ako. ‘Sir, ano ba kasing ginagawa mo r'yan at kailangan pa talagang naka-off cam?’ tanong ni Jack sa kabilang linya. Kahit kasi nakalabas na ako sa ospital ay pursigido pa rin sila na bantayan ako na gaya ng bilin ni Mr. Sanchez. Napailing na lang ako dahil masyado nilang siniseryoso ang tungkulin nila. ‘Jack, ano ka ba. Nagbibihis si Sir. ‘Di ba, sportsfest nila ngayon? Privacy,’ saway ni Dos sa kanya. ‘Oh? Sportsfest? Anong sinalihan mo, Sir? Basketball? Soccer? Tennis?’ panghuhula ni Jack, bigla itong nanabik. ‘O baka golf? Kasi, ‘di ba? Pangyaman ‘yon? Pwede ring car racing. Bagay na bagay ‘yong mamahaling kotse sa nag-iisang Shadow Raven,’ buong pagmamalaking sambit ni Dos. ‘A

  • Craving For Love   CHAPTER 90: Jill

    THIRD PERSON POV Nakakunot ang noo ni Jill habang tinitipa ang telepono niya. She's been dialing Marius’ number consecutively. At ni isa, ay hindi man lang sinagot ng binata. “He's so rude,” nakanguso niyang sabi at inilagay na lang sa bag niya ang telepono saka niya iginala ang paningin sa paligid. Napatitig sa kanya ang iilang bisita na tila ba namamangha sa presensya niya. Her full name is Mary Jill Costova. Nag-iisang tagapagmana ng tanyag na angkan ng mga Costova na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya ng mga alahas sa buong Asia at America. Nakasuot siya ng mamahaling pink dress na pinapalamutian ng mga lehitimong dyamante. Sa fashion pa lang niya at postura ay agad mo nang kababakasan ng pagiging anak mayaman. “Oh, Jill, hija. Kanina ka pa?” bati sa kanya ni Ms. Grace na siyang nag-held ng party para sa kaarawan ni Marius. Nagbeso-beso ang dalawa. Parang anak na ang turing nito sa kanya. “Kararating ko lang, Tita. Hindi lang ako nakalapit sa ‘yo agad kasi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status