SAMARA POV‘Oh, that's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huhThat's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huh’Napuno ng matitingkad na kulay ng banners, light sticks at flaglets ang kabuuan ng open field. Nagkanya-kanyang hiwayan at indakan ang mga estudyante mula sa anim na naglalakihang universities sa opisyal na pagbubukas ng pagtatagisan ng mga kalahok sa iba't ibang larangan ng sports at events. "Welcome, everyone, to the grand opening of this year's Inter-University Sportsfest! Palakpakan naman d'yan!” anunsyo ng emcee na siyang mas nagpaingay sa paligid. “Dito ba banda ang taga-Northford University? Kaway-kaway!” pang-eengganyo nito sa amin. Syempre, hindi kami nagpatalo. Kami kaya ang champion last year. Kinalampag namin ang buong open field.“Dito naman tayo sa Saint Therese University, gusto ko mas maingay!” pagtawag niya sa kabilang side na nagpahiyaw rin sa mga ito. Kasunod niyang tinawag ang Harrison University, Golden East University, Valoria Univ
SAMARA POVNapakunot ang noo ko at ibinaba ang phone para suriin ang taong nakaitim. Kinalabit ko si Candice. “Kasali ba sa show ang isang ‘yan?” tanong ko sa kanya.“Saan?” pagdungaw niya pero humalo na sa audience area ang taong ‘yon kaya hindi niya nakita.“‘Yong nakasuot ng nin—”“Samara, Candice, nandito lang pala kayo. Nagtawag ng practice si Sir para sa performance natin mamaya. Biglang kinabahan kasi mukhang magagaling daw ang kalaban,” natatawang saad ni Adelle sabay irap. Isa siya sa kasamahan namin sa cheerleading squad. Sinapo niya ang noo at mukhang kanina pa kami hinahanap.“As in, now na? Nanonood pa kami, oh,” maarteng tugon ni Candice. Mukhang nabibitin pa sa dance showdown.Mabigat na nagbuntong-hininga si Adelle. “Yes, now na, urgent,” pagdidiin nito sa huling salita. “Tara na, tara na, baka umusok na naman ang ilong ni Sir,” pag-aapura niya sa amin ni Candice. Nagliwanag naman ang mukha niya nang mapansin na kasama namin si Mandy. “Hey, girl! ‘Di ba nasa Photograph
THIRD PERSON POVNakasuot ang tatlo ng school ID ng Northford University. Napangiti na lang sabay iling si Marco nang maalala ang pinagbilin ni Mr. Sanchez sa mga ito na bantayan siya. Parang batang paslit pa rin ang turing ng ginoo sa kanya.“Hala, bumibilis ang pagtaas-baba ng mga linya rito sa tracker. Ibig sabihin, nasa malapit lang si Sir Marius!” manghang sabi ni Vien sa dalawang kasama. May hawak itong gadget na nakakonekta sa satellite para madaling ma-locate ang kinaroroonan ng binata. Isa ito sa bagong teknolohiya na dini-develop ang mga Veilers. Mabilis na sumilip sina Dos at Jack sa hawak ng dalaga at nilibot ang paningin sa paligid.Lihim na natawa si Marco dahil wala silang kamalay-malay na kay lapit lang ng distansya nila. Tinanggal niya ang suot na relo na iniregalo ni Mr. Sanchez. Sa ospital pa lang ay malakas na ang kutob niya na may kasama itong locator. Binalot niya ‘yon ng makapal na aluminum foil at isinilid sa isang Faraday bag bago ito inilagay sa loob ng backp
THIRD PERSON POVAlistong sinundan ng mga mata ng binata ang direksyong pinuntahan ng taong ‘yon. Saka niya ito nakita sa itaas ng puno. Kumislap ang hawak nitong katana. Sa kuro-kuro niya ay isang ninja.Ilang beses pang nagpalipat-lipat ng posisyon ang taong ‘yon na parang pinag-aaralan ang lokasyon nila. Napabaling na rin ang tatlo sa pagkilos ng mga sanga sa ibabaw ng puno. Nakaramdam sila kaba at napatayo.“A-Ano ‘yon?” nauutal na tanong ni Jack dahil bahagyang nakadama ng takot. Nakatingalang sinuyod ng tingin ang paligid. Sina Dos at Vien ay hindi rin mapakali.Mariin lang na nagmasid si Marco. Pamilyar sa kanya ang kilos ng taong nakaitim pero nais niya munang makasiguro.“Labas!” mariing utos ng binata na tila nagbabanta.Bahagyang tumahimik ang paligid. Tanging mga ibon lang ang maririnig. Tila huminto ang oras sa pagpipigil nila ng paghinga. Tinatansya ang kasunod na mangyayari ano mang oras.Mabilis na napalingon si Marco sa bandang kanan nang may kumilos roon. Isang papar
THIRD PERSON POVNais kaltukan ni Marco ang sarili. Oo, sinabihan niyang pakakasalan niya si Jill pero mga bata pa sila no'n. Akala niya ay nabaon na sa limot ang mga katagang ‘yon at klaro na sa dalaga na hanggang magkaibigan lang sila.Pamartsang lumapit si Samara sa kanila. Mabibigat ang paghakbang. Hindi naman umawat at sumunod lang ang dalawang kaibigan.Napalunok si Marco. Ano ba ang dapat niyang gawin? Para sa kanya ay mas nakakatakot pa ang hagupit ng galit ng fiancée niya kaysa sa talim ng sampung katana.“Bee? Gusto mo beeg-wasan kita?” sarkastikong dugtong ng dalaga sa tawagan ng dalawa. Nakadilat pa ang dalawang mga mata. Nanggigigil itong i-landing ang palad sa mukha ng babaeng humalik sa lalaking pakakasalan niya.“Excuse me? Sino ka?” Kahit mahinhin ay bakas sa boses ng huli ang pagiging palaban. Sa paniniwala niya ay kanya si Marco at hindi siya welcome sa ideya na may aagaw rito.Napansin ni Samara ang katana sa likuran ni Jill at ang suot niyang itim. Doon rumehistro
SAMARA POV “LET'S GET READY TO PARTY!” shouted the DJ, making the crowd dance even wilder. The midterm exam has just ended, and it wouldn't be complete for a Northford University student without getting wasted on a party. We gathered at 'The Red Velvet,' isang high-end bar sa BGC. "Another vodka, Ara," my friend Candice offered, na 'di ko naman tinanggihan. I’m wearing a revealing skirt and a tube top. Feeling the beat, I danced like crazy after downing five shots of vodka, not caring what I looked like. All that matters was having fun until my body can no longer keep up. "Look at that guy wearing red shirt, he's cute," Mandy whispered then giggled. Sa tingin ko ay tinutukoy niya 'yong lalaking may kahalikang blonde girl. I sipped another vodka bago lumapit sa kanila. "Hey," pigil ni Mandy na bahagya pang natawa. "I just said he's cute, hindi ko naman sinabing puntahan mo. Kitang may jowa, oh. You're unbelievable." I giggled. "So what? Mas challenging ngang mang-ag
SARAMA POV "Carbon emissions contribute to climate change by trapping heat in the atmosphere and causing global warming..." the guy on the board continued reporting kahit wala namang nakikinig. He's Marco Villaflor, a scholar. He transferred here out of nowhere with his not so awesome fashion style. Mas catchy pa nga ata ang baduy at mumurahin niyang damit kaysa sa pinagsasabi niya sa reporting niya. Dagdag mo pa ang tingin niyang diretso lang kasi bulag. Kung minsan ay napagtitripan pa naming iwan siya habang nagdi-discuss. Nagpangalumbaba ako habang bagot siyang tinititigan. I must admit it. May itsura naman si Marco. His face is chiseled with a strong jawline and high cheekbones. Kaakit-akit din ang mga mata niyang may mahahabang pilik-mata. He looks like a Hollywood American celebrity. Maganda ang postura, matipuno ang dibdib at may katangkaran. Kapag naglakad nga siya hallway ay mala-modelo at malakas ang dating. Matalino rin siya at madiskarte. Ikaw ba naman ang
SAMARA POV "AAAHHH!!!" I screamed out of fear. Madali ko ring tinakpan ang pang-itaas ko. Nang mapagtanto ng misteryosong taong nakatayo na napansin ko siya ay mabilis siyang tumakbo. "Why?" Agad na nilingon ni Aldric ang tinititigan ko at isinara ang mga butones niya. "P-Parang may tao ro'n kanina?" nanginginig na tinuro ko 'yong direksyon kung saan ko nakita 'yong taong nag-video sa amin. Naalarma si Aldric sa naging reaksyon ko kaya lumabas siya ng kotse kahit hindi niya pa maayos na naisasara ang lahat ng butones niya. Pinuntahan niya 'yong lugar na tinuro ko at sinubukang maghanap sa paligid. Yakap-yakap ko pa rin ang sarili ko at takot na takot nang makabalik si Aldric sa loob ng kotse. He kissed my forehead at pinakalma ako. "Relax, baka tambay lang na nanti-trip. I'll ask the security for cctv footage para mahanap natin kung sino 'yon." "Pero kinunan niya tayo ng video. I can't afford another scandal now, magagalit na naman si daddy. Ni hindi pa nga ako nakakapag-sorry s