SAMARA POV “Mandy,” naiiyak na sabi ni Candice sa paggising ng kaibigan namin. Inulan niya ito ng halik sa pisngi. “T-Teka lang,” pagpigil ni Mandy sa nguso niya. “I miss you, girl. I miss you,” parang bata na hagulgol ni Candice na ayaw pa rin paawat sa paghalik at pagyakap. “Aray, ano ba,” saway ni Mandy sa kanya na panay ang ilag. “Come here, mwaaaah,” maarteng paghalik ni Candice sa kanya. Napangiwi si Mandy sa ginawa niya. “Ehhh,” nandidiri niyang sabi. Nagkatawanan silang dalawa. Nanatili akong nakaupo at nakatulala sa kawalan. ‘Grabe ang laki talaga no'ng dragon ni Marco. Legit ba talaga 'yon?’ Parang tutulo 'yong laway ko na hindi ko maintindihan. Nararamdaman ko pa rin kung paano bumangga-bangga 'yong nangangalit niyang alaga sa panty ko. Sobrang tigas no'n na parang bato. Parang mas malaki pa nga sa kamao ko. “Shìt, nag-e-exist pala talaga 'yong gano'n,” napamura pa ako sa hangin. “Ara,” tinawag ako ni Mandy na nagpabalik sa huwisyo ko. “Oh?” nakatanga akong tumi
SAMARA POV “Teka lang,” agad 'yong napagtanto ni Candice. “M-May gusto ka ba kay Marco?” gulat na tanong niya kay Mandy. Naalarma ako sa sinabi niyang 'yon kaya itinuon ko ang buong atensyon ko kay Mandy para abangan ang isasagot niya. Tama ba ang nasa isip ko? Na may gusto siya kay Marco na gaya ng kuro-kuro ko? Napakurap si Mandy. “A-Ano?” “Ang sabi ko, may gusto ka ba kay Marco?” pag-uulit ni Candice sa tanong niya. Bahagyang natawa si Mandy. “Wala, ‘no. Ano ka ba?” pagtanggi niya. “Nababaitan lang talaga ako kay Marco kaya gusto ko sanang makipag-close sa kanya, kung… ok lang?” tumingin siya kay Marco. “Hmm, ok lang naman,” nakangiting tugon nito. Nagngitian sila pagkatapos. Umiwas ako ng tingin sa kanila. ‘Ba't gano'n? Kahit sinabi ni Mandy na wala namang malisya 'yong mga ginagawa niya ay hindi pa rin ako komportable sa pangiti-ngiti nila?’ Bumaling si Marco sa akin. “Ikaw, Ara? May marerekomenda ka bang gamot?” “Gamot saan?” pagtataray ko. “Dito sa mga pasa ko,” tug
SAMARA POV ‘We got new friends.’ Caption ni Candice sa post niya sa fàcebook na ang tinutukoy ay sina Marco at Lolly. 'Yong mga pictures namin 'yon sa ospital. Ilang araw na ang lumipas no'ng makalabas sina Mandy, Marco at Lolly. Sa tingin ko ay magaling na sila. Mahuhusay rin kasi ang mga doktor sa ospital kung saan namin sila pinagamot kaya hindi nakakapagtakang mabilis ang recovery nila. ‘Guys, ang ganda talaga ng boses ni Marco, ‘no? Ilang beses ko ‘tong plinay.’ Sinend ni Mandy sa GC naming tatlo ang video ni Marco na naggigitara. ‘Hala, ba't natagalan 'yong pag-send mo n’yan dito?’ tanong ni Candice. ‘Inayos ko pa kasi para magaganda 'yong angles,’ reply naman ni Mandy. ‘Effort na effort, ah. May gusto ka talaga kay Marco, ‘no?’ panunukso ni Candice sa kanya. ‘Wala nga, ano ka ba?’ pagtanggi ni Mandy. ‘Nagpahampas ka ng upuan para sa kanya, Mandy. Kilala kita, hindi ka gano'n. May feelings ka talaga sa kanya. ‘Wag kang ano r'yan,’ ayaw pa ring sumuko ni Candice. ‘'Di
SAMARA POV “Marco, ano ang gusto mong unahin?” tanong ni Candice sa kanya. “Hmm, may kimchi ba?” tanong niya kaya agad kong iniabot sa kanya 'yong kimchi ko. “Here,” pangiti kong sabi pero natigilan ako nang makitang sabay pala kaming nag-abot ni Mandy. Napangiwi si Candice sa amin. “Ok, akin na,” kinuha niya 'yong platito naming dalawa at inilapag sa harap ni Marco. Nagtatagisan kami ng tingin ni Mandy. Wala namang ideya si Marco sa nangyayari at panay lang ang kain. “Ang sarap,” puri niya. “May lettuce ba?” “Ito,” agad kong abot ng lettuce sa kanya. “Here,” nag-abot din ng lettuce si Mandy at sinadya niyang itapat sa taas ng bowl ko 'yong bowl niya para sapawan ako. Hindi naman ako nagpatalo at nilipat ko sa itaas 'yong akin. Sinamaan niya ako ng tingin tapos nilipat ulit niya sa itaas 'yong kanya. Mariin ko siyang tinitigan tapos nilipat ko sa itaas 'yong akin. Nagpatuloy 'yong sapawan namin hanggang napatayo na kaming dalawa. “Teka lang!” awat ni Candice sa amin. Pare
THIRD PERSON POV “Ok, that's it, perfect,” puri ng photographer sa isang modelo na kasalukuyan niyang kinukunan ng litrato. “Look to the side, ayan, nice one, hold that position, make it more fierce, there.” Nakaupo si Monica sa couch habang inoobserbahan ang kasamahan niyang modelo na nakasalang sa stage. Kakatapos lang siyang ayusan ng glam team at siya na ang kasunod na kukunan ng litrato. Ilang araw na niyang ginagawa 'yon pero nakakaramdam pa rin siya ng kaba. Napahinga siya nang malalim. Ni-review niya ang mga tinuro ng pose coach niya at ang mga naka-save na pictures sa phone niya kung paano ang tamang anggulo at postura para sa tema nila. “So, it's real talaga? Kapatid niya 'yong laging trending na si Samara?” Natigilan si Monica nang marinig 'yon. Nakita niya sa reflection ng salamin ang tatlo niyang kasamahang modelo na nag-uusap sa bandang likuran niya pero hindi siya nagpahalata na napansin niya ang mga ito. “Narinig ko lang din sa iba no'ng nag-inuman tayo sa bar.
THIRD PERSON POV “Ano ba, let me go, pagod na ako, gusto ko nang magpatiwakal,” sigaw ni Monica. “Grabe sila sa ‘kin, ‘di ko naman sila inaano. Ba’t ‘di nila makita ang worth ko? Ba’t mas napapansin nila 'yong mga imperfections ko?” hagulgol niya. Parang gustong mapakamot ni Aldric sa ulo. Gusto niya lang namang uminom pero nadawit pa siya sa ganitong kadramahan. “Kalmahan mo lang Miss, ok? Lahat ng tao ay may problema. Kung wala ka no'n, hindi ka tao, ah, I mean—” maging ang pag-iisip niya ay na-disorganize na dahil sa pagwawala ng dalaga. “Lagi namang may masasabi ang ibang tao kahit magpakasanto ka pa kaya hayaan mo na lang sila. Hindi rin naman perpekto ang mga 'yan.” “Oh…” patuloy pa rin sa pag-iyak si Monica. “Talaga?” Lumingon siya sa lalaking nakahawak sa kanya “Salama—” nagulat siya nang ma-recognize ang mukha nito. “A-Aldric?” Naningkit ang mga mata ng binata. Sa dami ng naka-one night stand niya ay hindi na niya maalala kung isa ang dalaga sa kanila. “Do I know y—” naput
SAMARA POV Splash! Napairap ako sa lalaking pa-tumbling na tumalon sa pool. Napanganga ang mga nakakita sa kanya. “Ang oa naman ni kuya, parang ngayon lang nakakita ng tubig,” natatawa kong sabi tapos inayos ko ang suot na sunglasses. I'm feeling sexy with my tiger-printed bikini. Mula pa ‘to sa swimwear collection ng sikat na brand na Khelsy. Nasa isang country club ako ngayon para mag-unwind. Hinihintay ko sina Candice at Mandy na niyaya ko rito. Medyo stress na kasi kami sa sunod-sunod na practices namin para sa Sportsfest. Makapag-chill man lang kami kahit konte. Lumapit ang isang server sa akin para ibigay ang in-order kong drink na daiquiri. I took a few sip. Bagay na bagay ang refreshing na lasa nito sa magandang ambiance ng paligid. “Woah, she's so hot,” napako ang paningin sa akin ng tatlong lalaking napadaan. Halos tumulo ang mga laway nila sa ganda ng hubog ng katawan ko. “Grabe, si Samara 'yan, 'di ba?” “Artistahin ‘no?” “Sulit naman pala ang 6 digits na binabayad
SAMARA POV “Wake up, Ara,” isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya naimulat ko ang mga mata ko. Naka-bikini pa rin ako kaya sa tingin ko ay nakatulog ako rito sa country club. “How's your sleep?” nang-aakit na sabi ng lalaking gumising sa ‘kin kaya napalingon ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino siya. “M-Marco?” He's kinda wet at mukhang kakaahon lang sa pool. Napalunok ako sa matipuno niyang dibdib at six-pack abs. Naka-underwear lang siya at umbok na umbok ang malaki niyang alaga. ‘Ulalam…’ naibulalas ko sa isipan. Kumuha siya ng skipping rope at tumalon-talon gamit 'yon. Tumalbog-talbog tuloy ang maumbok niyang dragon na sinusundan ko ng tingin kaya nagmukha akong tumatangong chihuahua. It's really catchy. Malaki talaga. Kapag binangga ka ng alaga niya at paniguradong iika-ika ka nang maglalakad kinabukasan. “Ah, it's really hot,” kinuha niya ang isang bottled water at pinaligo 'yon sa sarili niya. Dumaloy ang tubig sa matitigas niyang pa