SAMARA POV “Tell me, sino ka bang talaga?” pagpapaamin ko sa kanya. Kumunot ang noo ni Marco at bumaling siya sa ‘kin. “Ara? Nag-aadik ka ba?” Napakurap ako. “Ano?” Tawa lang ang iginanti niya. “Ang wirdo mo talaga,” napailing siya. “Hey,” saway ko sa kanya. Hindi ako gumastos ng 50,000 para lang pagtawanan, ah. “Dito ka,” hinila ko siya paupo. “Makinig ka sa ‘kin.” Tumango siya. Hindi dahil sang-ayon siya sa sinasabi ko pero sinasabayan niya na lang ata 'yong sa tingin niya ay trip ko. Hinawakan ko ang magkabilaan niyang balikat. “Just tell me, ok? Marco, bistado na kita. Ba't kasi nagde-deny ka pa?” “Sige,” pagsang-ayon niya habang nagpipigil tumawa. Hinampas ko ang balikat niya. “Magseryoso ka nga! Tawa ka nang tawa!” asik ko sa kanya. “Hahaha, sige,” at tumawa na nga siya. “Umayos ka,” naiinis kong saway sa kanya. Umayos naman siya gaya ng sinabi ko. Itinuon niya ang atensyon niya sa ‘kin. “So sinasabi mong mayaman ako?” pag-uulit niya. “Oo,” confident kong sabi. “
SAMARA POV “Mandy,” naiiyak na sabi ni Candice sa paggising ng kaibigan namin. Inulan niya ito ng halik sa pisngi. “T-Teka lang,” pagpigil ni Mandy sa nguso niya. “I miss you, girl. I miss you,” parang bata na hagulgol ni Candice na ayaw pa rin paawat sa paghalik at pagyakap. “Aray, ano ba,” saway ni Mandy sa kanya na panay ang ilag. “Come here, mwaaaah,” maarteng paghalik ni Candice sa kanya. Napangiwi si Mandy sa ginawa niya. “Ehhh,” nandidiri niyang sabi. Nagkatawanan silang dalawa. Nanatili akong nakaupo at nakatulala sa kawalan. ‘Grabe ang laki talaga no'ng dragon ni Marco. Legit ba talaga 'yon?’ Parang tutulo 'yong laway ko na hindi ko maintindihan. Nararamdaman ko pa rin kung paano bumangga-bangga 'yong nangangalit niyang alaga sa panty ko. Sobrang tigas no'n na parang bato. Parang mas malaki pa nga sa kamao ko. “Shìt, nag-e-exist pala talaga 'yong gano'n,” napamura pa ako sa hangin. “Ara,” tinawag ako ni Mandy na nagpabalik sa huwisyo ko. “Oh?” nakatanga akong tumi
SAMARA POV “Teka lang,” agad 'yong napagtanto ni Candice. “M-May gusto ka ba kay Marco?” gulat na tanong niya kay Mandy. Naalarma ako sa sinabi niyang 'yon kaya itinuon ko ang buong atensyon ko kay Mandy para abangan ang isasagot niya. Tama ba ang nasa isip ko? Na may gusto siya kay Marco na gaya ng kuro-kuro ko? Napakurap si Mandy. “A-Ano?” “Ang sabi ko, may gusto ka ba kay Marco?” pag-uulit ni Candice sa tanong niya. Bahagyang natawa si Mandy. “Wala, ‘no. Ano ka ba?” pagtanggi niya. “Nababaitan lang talaga ako kay Marco kaya gusto ko sanang makipag-close sa kanya, kung… ok lang?” tumingin siya kay Marco. “Hmm, ok lang naman,” nakangiting tugon nito. Nagngitian sila pagkatapos. Umiwas ako ng tingin sa kanila. ‘Ba't gano'n? Kahit sinabi ni Mandy na wala namang malisya 'yong mga ginagawa niya ay hindi pa rin ako komportable sa pangiti-ngiti nila?’ Bumaling si Marco sa akin. “Ikaw, Ara? May marerekomenda ka bang gamot?” “Gamot saan?” pagtataray ko. “Dito sa mga pasa ko,” tug
SAMARA POV ‘We got new friends.’ Caption ni Candice sa post niya sa fàcebook na ang tinutukoy ay sina Marco at Lolly. 'Yong mga pictures namin 'yon sa ospital. Ilang araw na ang lumipas no'ng makalabas sina Mandy, Marco at Lolly. Sa tingin ko ay magaling na sila. Mahuhusay rin kasi ang mga doktor sa ospital kung saan namin sila pinagamot kaya hindi nakakapagtakang mabilis ang recovery nila. ‘Guys, ang ganda talaga ng boses ni Marco, ‘no? Ilang beses ko ‘tong plinay.’ Sinend ni Mandy sa GC naming tatlo ang video ni Marco na naggigitara. ‘Hala, ba't natagalan 'yong pag-send mo n’yan dito?’ tanong ni Candice. ‘Inayos ko pa kasi para magaganda 'yong angles,’ reply naman ni Mandy. ‘Effort na effort, ah. May gusto ka talaga kay Marco, ‘no?’ panunukso ni Candice sa kanya. ‘Wala nga, ano ka ba?’ pagtanggi ni Mandy. ‘Nagpahampas ka ng upuan para sa kanya, Mandy. Kilala kita, hindi ka gano'n. May feelings ka talaga sa kanya. ‘Wag kang ano r'yan,’ ayaw pa ring sumuko ni Candice. ‘'Di
SAMARA POV “Marco, ano ang gusto mong unahin?” tanong ni Candice sa kanya. “Hmm, may kimchi ba?” tanong niya kaya agad kong iniabot sa kanya 'yong kimchi ko. “Here,” pangiti kong sabi pero natigilan ako nang makitang sabay pala kaming nag-abot ni Mandy. Napangiwi si Candice sa amin. “Ok, akin na,” kinuha niya 'yong platito naming dalawa at inilapag sa harap ni Marco. Nagtatagisan kami ng tingin ni Mandy. Wala namang ideya si Marco sa nangyayari at panay lang ang kain. “Ang sarap,” puri niya. “May lettuce ba?” “Ito,” agad kong abot ng lettuce sa kanya. “Here,” nag-abot din ng lettuce si Mandy at sinadya niyang itapat sa taas ng bowl ko 'yong bowl niya para sapawan ako. Hindi naman ako nagpatalo at nilipat ko sa itaas 'yong akin. Sinamaan niya ako ng tingin tapos nilipat ulit niya sa itaas 'yong kanya. Mariin ko siyang tinitigan tapos nilipat ko sa itaas 'yong akin. Nagpatuloy 'yong sapawan namin hanggang napatayo na kaming dalawa. “Teka lang!” awat ni Candice sa amin. Pare
THIRD PERSON POV “Ok, that's it, perfect,” puri ng photographer sa isang modelo na kasalukuyan niyang kinukunan ng litrato. “Look to the side, ayan, nice one, hold that position, make it more fierce, there.” Nakaupo si Monica sa couch habang inoobserbahan ang kasamahan niyang modelo na nakasalang sa stage. Kakatapos lang siyang ayusan ng glam team at siya na ang kasunod na kukunan ng litrato. Ilang araw na niyang ginagawa 'yon pero nakakaramdam pa rin siya ng kaba. Napahinga siya nang malalim. Ni-review niya ang mga tinuro ng pose coach niya at ang mga naka-save na pictures sa phone niya kung paano ang tamang anggulo at postura para sa tema nila. “So, it's real talaga? Kapatid niya 'yong laging trending na si Samara?” Natigilan si Monica nang marinig 'yon. Nakita niya sa reflection ng salamin ang tatlo niyang kasamahang modelo na nag-uusap sa bandang likuran niya pero hindi siya nagpahalata na napansin niya ang mga ito. “Narinig ko lang din sa iba no'ng nag-inuman tayo sa bar.
THIRD PERSON POV “Ano ba, let me go, pagod na ako, gusto ko nang magpatiwakal,” sigaw ni Monica. “Grabe sila sa ‘kin, ‘di ko naman sila inaano. Ba’t ‘di nila makita ang worth ko? Ba’t mas napapansin nila 'yong mga imperfections ko?” hagulgol niya. Parang gustong mapakamot ni Aldric sa ulo. Gusto niya lang namang uminom pero nadawit pa siya sa ganitong kadramahan. “Kalmahan mo lang Miss, ok? Lahat ng tao ay may problema. Kung wala ka no'n, hindi ka tao, ah, I mean—” maging ang pag-iisip niya ay na-disorganize na dahil sa pagwawala ng dalaga. “Lagi namang may masasabi ang ibang tao kahit magpakasanto ka pa kaya hayaan mo na lang sila. Hindi rin naman perpekto ang mga 'yan.” “Oh…” patuloy pa rin sa pag-iyak si Monica. “Talaga?” Lumingon siya sa lalaking nakahawak sa kanya “Salama—” nagulat siya nang ma-recognize ang mukha nito. “A-Aldric?” Naningkit ang mga mata ng binata. Sa dami ng naka-one night stand niya ay hindi na niya maalala kung isa ang dalaga sa kanila. “Do I know y—” naput
SAMARA POV Splash! Napairap ako sa lalaking pa-tumbling na tumalon sa pool. Napanganga ang mga nakakita sa kanya. “Ang oa naman ni kuya, parang ngayon lang nakakita ng tubig,” natatawa kong sabi tapos inayos ko ang suot na sunglasses. I'm feeling sexy with my tiger-printed bikini. Mula pa ‘to sa swimwear collection ng sikat na brand na Khelsy. Nasa isang country club ako ngayon para mag-unwind. Hinihintay ko sina Candice at Mandy na niyaya ko rito. Medyo stress na kasi kami sa sunod-sunod na practices namin para sa Sportsfest. Makapag-chill man lang kami kahit konte. Lumapit ang isang server sa akin para ibigay ang in-order kong drink na daiquiri. I took a few sip. Bagay na bagay ang refreshing na lasa nito sa magandang ambiance ng paligid. “Woah, she's so hot,” napako ang paningin sa akin ng tatlong lalaking napadaan. Halos tumulo ang mga laway nila sa ganda ng hubog ng katawan ko. “Grabe, si Samara 'yan, 'di ba?” “Artistahin ‘no?” “Sulit naman pala ang 6 digits na binabayad
MARCO POV“Ito na ang pinabili niyong Korean food, Sir Mar—”Mariin kong tinitigan si Dos na may halong pagbabanta. Mukhang madudulas pa ata. “I-I mean… Marco, haha, bro,” paglilihis niya at ngumisi sa akin. Mabuti naman at nakuha niya agad.Tumikhim siya at umupo para sumalo sa mesa. Si Jack naman ay inayos ang paper plates at kubyertos.Matamis na ngumiti si Ara at nilabas ang wallet. Maglalabas sana siya ng pera pero hindi niya napansing magkasabay pala sila ni Jill. “Ako na ang magbaba—” Natigilan ang dalawa at napasipat sa isa't isa. Sa pagkakasabay nilang magsalita ay parang may kuryenteng dumaloy sa pagitan nila.Lihim na natawa sina Dos at Jack sa nagbabadyang pagkokompetens’ya. Parang gusto pa nga nila akong tuksuhin ng, ‘Ang gwapo mo naman, Sir Marius, ikaw na.’Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa. “Ako na, binigyan naman ako ng paunang bayad ni Sir kanina,” nakangiti kong saad para ‘di na sila mag-alitan pa. Kumalma sila. Mabuti naman.Tahimik kaming kuma
THIRD PERSON POVNais kaltukan ni Marco ang sarili. Oo, sinabihan niyang pakakasalan niya si Jill pero mga bata pa sila no'n. Akala niya ay nabaon na sa limot ang mga katagang ‘yon at klaro na sa dalaga na hanggang magkaibigan lang sila.Pamartsang lumapit si Samara sa kanila. Mabibigat ang paghakbang. Hindi naman umawat at sumunod lang ang dalawang kaibigan.Napalunok si Marco. Ano ba ang dapat niyang gawin? Para sa kanya ay mas nakakatakot pa ang hagupit ng galit ng fiancée niya kaysa sa talim ng sampung katana.“Bee? Gusto mo beeg-wasan kita?” sarkastikong dugtong ng dalaga sa tawagan ng dalawa. Nakadilat pa ang dalawang mga mata. Nanggigigil itong i-landing ang palad sa mukha ng babaeng humalik sa lalaking pakakasalan niya.“Excuse me? Sino ka?” Kahit mahinhin ay bakas sa boses ng huli ang pagiging palaban. Sa paniniwala niya ay kanya si Marco at hindi siya welcome sa ideya na may aagaw rito.Napansin ni Samara ang katana sa likuran ni Jill at ang suot niyang itim. Doon rumehistro
THIRD PERSON POVAlistong sinundan ng mga mata ng binata ang direksyong pinuntahan ng taong ‘yon. Saka niya ito nakita sa itaas ng puno. Kumislap ang hawak nitong katana. Sa kuro-kuro niya ay isang ninja.Ilang beses pang nagpalipat-lipat ng posisyon ang taong ‘yon na parang pinag-aaralan ang lokasyon nila. Napabaling na rin ang tatlo sa pagkilos ng mga sanga sa ibabaw ng puno. Nakaramdam sila kaba at napatayo.“A-Ano ‘yon?” nauutal na tanong ni Jack dahil bahagyang nakadama ng takot. Nakatingalang sinuyod ng tingin ang paligid. Sina Dos at Vien ay hindi rin mapakali.Mariin lang na nagmasid si Marco. Pamilyar sa kanya ang kilos ng taong nakaitim pero nais niya munang makasiguro.“Labas!” mariing utos ng binata na tila nagbabanta.Bahagyang tumahimik ang paligid. Tanging mga ibon lang ang maririnig. Tila huminto ang oras sa pagpipigil nila ng paghinga. Tinatansya ang kasunod na mangyayari ano mang oras.Mabilis na napalingon si Marco sa bandang kanan nang may kumilos roon. Isang papar
THIRD PERSON POV Nakasuot ang tatlo ng school ID ng Northford University. Napangiti na lang sabay iling si Marco nang maalala ang pinagbilin ni Mr. Sanchez sa mga ito na bantayan siya. Parang batang paslit pa rin ang turing ng ginoo sa kanya. “Hala, bumibilis ang pagtaas-baba ng mga linya rito sa tracker. Ibig sabihin, nasa malapit lang si Sir Marius!” manghang sabi ni Vien sa dalawang kasama. May hawak itong gadget na nakakonekta sa satellite para madaling ma-locate ang kinaroroonan ng binata. Isa ito sa bagong teknolohiya na dini-develop ang mga Veilers. Mabilis na sumilip sina Dos at Jack sa hawak ng dalaga at nilibot ang paningin sa paligid. Lihim na natawa si Marco dahil wala silang kamalay-malay na kay lapit lang ng distansya nila. Tinanggal niya ang suot na relo na iniregalo ni Mr. Sanchez. Sa ospital pa lang ay malakas na ang kutob niya na may kasama itong locator. Binalot niya ‘yon ng makapal na aluminum foil at isinilid sa isang Faraday bag bago ito inilagay sa loob ng
SAMARA POVNapakunot ang noo ko at ibinaba ang phone para suriin ang taong nakaitim. Kinalabit ko si Candice. “Kasali ba sa show ang isang ‘yan?” tanong ko sa kanya.“Saan?” pagdungaw niya pero humalo na sa audience area ang taong ‘yon kaya hindi niya nakita.“‘Yong nakasuot ng nin—”“Samara, Candice, nandito lang pala kayo. Nagtawag ng practice si Sir para sa performance natin mamaya. Biglang kinabahan kasi mukhang magagaling daw ang kalaban,” natatawang saad ni Adelle sabay irap. Isa siya sa kasamahan namin sa cheerleading squad. Sinapo niya ang noo at mukhang kanina pa kami hinahanap.“As in, now na? Nanonood pa kami, oh,” maarteng tugon ni Candice. Mukhang nabibitin pa sa dance showdown.Mabigat na nagbuntong-hininga si Adelle. “Yes, now na, urgent,” pagdidiin nito sa huling salita. “Tara na, tara na, baka umusok na naman ang ilong ni Sir,” pag-aapura niya sa amin ni Candice. Nagliwanag naman ang mukha niya nang mapansin na kasama namin si Mandy. “Hey, girl! ‘Di ba nasa Photograph
SAMARA POV‘Oh, that's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huhThat's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huh’Napuno ng matitingkad na kulay ng banners, light sticks at flaglets ang kabuuan ng open field. Nagkanya-kanyang hiwayan at indakan ang mga estudyante mula sa anim na naglalakihang universities sa opisyal na pagbubukas ng pagtatagisan ng mga kalahok sa iba't ibang larangan ng sports at events. "Welcome, everyone, to the grand opening of this year's Inter-University Sportsfest! Palakpakan naman d'yan!” anunsyo ng emcee na siyang mas nagpaingay sa paligid. “Dito ba banda ang taga-Northford University? Kaway-kaway!” pang-eengganyo nito sa amin. Syempre, hindi kami nagpatalo. Kami kaya ang champion last year. Kinalampag namin ang buong open field.“Dito naman tayo sa Saint Therese University, gusto ko mas maingay!” pagtawag niya sa kabilang side na nagpahiyaw rin sa mga ito. Kasunod niyang tinawag ang Harrison University, Golden East University, Valoria Univ
MARCO POV “Oh, Marco. Ba't parang nakakita ka ng multo?” kaswal na tanong ni Mandy sa akin pero halata mong may ibig sabihin. Tila nang-aasar ang mga mata niya. “Girl, bulag si Marco. Ni ‘di nga ata alam n'yan ang itsura ng multo,” natatawang bara ni Candice. Napailing na lang din si Ara sa mamimilosopo ng kaibigan. Nanatili akong nakatayo. Ramdam ko ang tensyon sa paraan ng pagtitig sa akin ni Mandy. Palihim—pero parang inuudyukan niya ako na sugurin siya. Kung walang mga tao sa paligid ay baka nagsalpukan na rin kami na gaya ng ginawa namin sa fire exit no'ng isang araw. Tumaas ang sulok ng labi nito na wari'y nagbabanta. Sa kabila ng ginawa niya sa akin ay hindi man lang siya kababakasan ng pagkailang o pangamba. Parang mas ginaganahan pa nga siya sa ideyang kilala ko na kung sino man ang babaeng nasa likod ng maskara. Ikinuyom ko ang palad ko. Ayokong magkagulo kaya pinigil ko ang sarili ko. Isa pa, kaibigan siya ni Ara. Walang ideya ang nobya ko na muntik na akong map
MARCO POV Kahit nasa dressing room ay rinig na rinig ko pa rin ang malakas na musika ng banda at hiyawan ng mga estudyante. Ngayon ang unang araw ng sportsfest dito sa Northford University. Ngayon din ang unang araw ko bilang mascot na unang beses kong masusubukan sa buong buhay ko. Medyo excited ako. ‘Sir, ano ba kasing ginagawa mo r'yan at kailangan pa talagang naka-off cam?’ tanong ni Jack sa kabilang linya. Kahit kasi nakalabas na ako sa ospital ay pursigido pa rin sila na bantayan ako na gaya ng bilin ni Mr. Sanchez. Napailing na lang ako dahil masyado nilang siniseryoso ang tungkulin nila. ‘Jack, ano ka ba. Nagbibihis si Sir. ‘Di ba, sportsfest nila ngayon? Privacy,’ saway ni Dos sa kanya. ‘Oh? Sportsfest? Anong sinalihan mo, Sir? Basketball? Soccer? Tennis?’ panghuhula ni Jack, bigla itong nanabik. ‘O baka golf? Kasi, ‘di ba? Pangyaman ‘yon? Pwede ring car racing. Bagay na bagay ‘yong mamahaling kotse sa nag-iisang Shadow Raven,’ buong pagmamalaking sambit ni Dos. ‘A
THIRD PERSON POV Nakakunot ang noo ni Jill habang tinitipa ang telepono niya. She's been dialing Marius’ number consecutively. At ni isa, ay hindi man lang sinagot ng binata. “He's so rude,” nakanguso niyang sabi at inilagay na lang sa bag niya ang telepono saka niya iginala ang paningin sa paligid. Napatitig sa kanya ang iilang bisita na tila ba namamangha sa presensya niya. Her full name is Mary Jill Costova. Nag-iisang tagapagmana ng tanyag na angkan ng mga Costova na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya ng mga alahas sa buong Asia at America. Nakasuot siya ng mamahaling pink dress na pinapalamutian ng mga lehitimong dyamante. Sa fashion pa lang niya at postura ay agad mo nang kababakasan ng pagiging anak mayaman. “Oh, Jill, hija. Kanina ka pa?” bati sa kanya ni Ms. Grace na siyang nag-held ng party para sa kaarawan ni Marius. Nagbeso-beso ang dalawa. Parang anak na ang turing nito sa kanya. “Kararating ko lang, Tita. Hindi lang ako nakalapit sa ‘yo agad kasi