Share

CHAPTER 35: Harana

SAMARA POV

“Teka lang,” agad yung napagtanto ni Candice. “M-May gusto ka ba kay Marco?” gulat na tanong niya kay Mandy.

Naalarma ako sa sinabi niyang yun kaya itinuon ko ang buong atensyon ko kay Mandy para abangan ang isasagot niya.

Tama ba ang nasa isip ko? Na may gusto siya kay Marco na gaya ng kuro-kuro ko kanina?

Napakurap si Mandy. “A-Ano?”

“Ang sabi ko, may gusto ka ba kay Marco?” pag-uulit ni Candice sa tanong niya.

Bahagyang natawa si Mandy. “Wala ‘no, ano ka ba?” pagtanggi niya. “Nababaitan lang talaga ako kay Marco kaya gusto ko sanang makipag-close sa kanya, kung… ok lang?” tumingin siya kay Marco.

“Hmm, ok lang naman,” nakangiting tugon nito. Nagngitian sila pagkatapos.

Umiwas ako ng tingin sa kanila.

‘Ba't ganun? Kahit sinabi ni Mandy na wala namang malisya yung mga ginagawa niya ay hindi pa rin ako komportable sa pangiti-ngiti nila?’

Bumaling si Marco sa akin. “Ikaw, Ara? May marerekomenda ka bang gamot?”

“Gamot saan?” pagtataray ko.

“Dito sa mga pasa ko,” tugon niya n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status