Maraming salamat po sa inyong lahat đ„°
Audrey's POVSa condo ako ni Kuya umuwi dahil gusto kong makita ulit si Ate Emerald. Ngunit pagdating ko doon ay wala akong naabutan na tao. Nasabi na sa akin ni Kuya na male-late siyang makauwi. Si Ate Emerald naman ay hindi ko ma-contact. Kaya si Kuya na lang ang tinawagan ko."Audrey, nasa condo ka na ba?" bungad niya sa akin."Yes, Kuya. Pero wala pa si Ate Emerald," sagot ko naman habang tumitingin sa relo ko.Alas siyete na ng gabi. Ayoko mang mag-isip ng kahit ano ngunit nag-aalala na ako kay Ate Emerald. Nabanggit kasi niya sa akin na halos pagtangkaan na ni Brenna ang buhay niya. Kaya hindi ko maiwasan ang mag-isip at mag-alala ngayon."Pauwi na ako."Iyon lang ang sinabi ni Kuya bago niya ibaba ang tawag. Napabuntong hininga naman ako at saka pabagsak na naupo sa sofa. Maraming pinagdadaanan ngayon sina Kuya lalo na si Ate Emerald. Kaya nga gusto kong maramdaman nila na kakampi nila ako sa ganitong sitwasyon. At gusto ko ring maramdaman ni Ate Emerald kung paano magkaroon ng
Emerald's POVMarahan kong iminulat ang mga mata ko. Puting kisame ang bumungad sa akin kaya inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko. Nakita ko pa si Audrey na nag-aayos ng mga pagkain sa table sa hindi kalayuan."Audrey," pagtawag ko sa kaniya."Ate Emerald, kumusta ang pakiramdam mo? May gusto ka ba? Tatawagan ko ba ang doctor?" sunod sunod niyang tanong sa akin.Marahan akong umiling. Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil bigla niya akong niyakap. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon."Ate, huwag mo na akong tatakutin ng ganoon. Sobra kaming nag-alala sa 'yo ni Kuya," malambing niyang sambit sa akin.Hindi ko na napigilan ang mapaiyak ulit. Naalala ko na naman ang mga pinagdaanan ko kanina at laking pasasalamat ko na nandoon ang magkapatid upang tulungan ako. Kung hindi sila dumating ay baka pinaglalamayan na ako ngayon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko.Buong buhay ko, pinaniwala nila ako na aksidente lang ang nangyari kay Mama. Tapos ngayon ay gi
Brenna's POV Naitapon ko ang cellphone ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Tumama sa pader ang cellphone at nagkadurog-durog ito. Malakas akong sumigaw habang pinagsusuntok ko ang mga unan ko. "Brenna, ano na naman ito?" bungad sa akin ni Mama na mabilis na nakarating sa kwarto ko. "We need to kill that woman," galit kong sagot kay Mama. Sukdulan na ang galit na nararamdaman ko sa babaeng iyon. Paniguradong sa oras na makita ko siya ay hindi ako magdadalawang isip na kitilin ang buhay niya. Masyado na siyang humaharang sa mga gusto ko. Siya ang malaking tinik sa buhay ko ngayon. "Huminahon ka nga, Brenna. Mabuti na lamang na wala pa rito ang papa mo. Baka marinig niya ang mga sinasabi mo," pagsaway sa akin ni Mama. Napaiyak na lamang ako sa galit. Nanginginig ang buong katawan ko at wala akong ibang maramdaman kundi galit lang. "Ibang iba na siya, Mama. Hindi na siya ang Emerald na umaayon lamang sa mga sinasabi ni Papa. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya. Imposibleng
Emerald's POV "Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Trevor na hindi ko na namalayang nakapasok na pala sa kwarto. Tipid akong ngumiti sa kaniya. Matapos ang nangyari kanina ay pinili ni Audrey na sumama sa mga magulang nila at umuwi sa kanila. Si Trevor naman ay nagpaiwan dito sa condo niya upang samahan ako. Matapos kasing magsalita ni Trevor kanina ay walang salitang umalis ang kaniyang papa. Sina Papa ay ganoon din. Lahat yata sila ay hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Trevor. "Nakauwi na raw sina Audrey. And tahimik naman daw sa bahay," dugtong na sabi pa ni Trevor sa akin. Huminga ako ng malalim habang iniisip ang mga nangyari kanina. Masyado nang nagiging kumplikado ang lahat. Noong makita ko nga si Tita Haidee kanina ay nanginig ako sa galit. Gustong gusto ko na siyang sumbatan ngunit hindi maaaring malaman niya na alam ko na ang ginawa niya. Wala pa akong nabubuong konkretong plano kung paano ako makakaganti sa kaniya. Alam ko namang sinadya nila na ipakita sa mga magulang n
THIRD POV"Makukuha ko na po ba ang approval niyo para pakasalan ko si Emerald?" walang emosyong sambit ni Trevor.Nasa mansion si Trevor ngayon dahil pinatawag siya ng kaniyang ama. Naiwan niya si Emerald sa condo dahil mahimbing pa ang tulog nito. Nag-iwan na lang siya ng note upang hindi maghanap ang dalaga sa oras na magising ito.Weekend ngayon at balak niya sanang ipasyal si Emerald upang makapag-relax sila. Ngunit dahil ngayon lang ulit sila magkakausap ng ama ay pinagbigyan nito ang gusto nito."Gusto kong maintindihan kung bakit atat kang pakasalan ang babaeng iyon," seryosong sagot ng kaniyang ama.Napatawa naman ng mapakla si Trevor. "Hindi po ba't kayo itong gusto na akong magpakasal kaya nga gusto niyo akong ipagkasundo kay Brenna," sabi pa niya.Huminga ng malalim ang kaniyang ama. "Ang gusto lang namin ay ang kabutihan mo. Your Mama chose Brenna because she knows who's best for you. And it's Brenna."Hindi makapaniwalang tumingin si Trevor sa kaniyang ina. Buong akala ni
Brenna's POV "Saan ka pupunta?" bungad sa akin ni Mama nang makita niya akong lumabas ng kwarto ko. "I need some air, Mama. Gusto kong mag-relax," mabilis kong sagot. Huminga naman ng malalim si Mama. Alam na alam naman niya na kapag gusto kong umalis, ibig sabihin no'n ay stress na stress na ako sa mga nangyayari. Wala akong magawa sa ngayon dahil pinag-lie low na muna ako ni Mama. Siya na raw ang gumagawa ng paraan upang hindi matuloy ang kasal nina Trevor at Emerald kaya magpahinga na lang daw muna ako. "Ayusin mo ang sarili mo dahil tumawag sa akin ang mama ni Trevor. Gusto kang makilala ng Mrs. Mirasol, ang lola ni Trevor," seryosong sabi sa akin ni Mama. "Kailan daw po?" tanong ko naman. Magandang opportunity iyon upang kuhanin din ang loob ng lola ni Trevor. Kapag lahat ng myembro ng pamilya niya ay pabor sa akin, paniguradong si Emerald na mismo ang aatras sa kasal nila. "Mamayang gabi, doon tayo magdi-dinner sa kanila. Kaya umuwi ka ng maaga," sagot naman ni Mama. Mabi
THIRD POV"Handa na ba kayo?" seryosong tanong ni Ricky sa kaniyang mag-ina. Naghahanda na kasi sila para sa pagpunta sa mansion ng mga Carter.Bumaba ng hagdan si Brenna na may malawak na ngiti sa kaniyang labi. Naka-dress ito na kulay maroon na tinernuhan ng 4-inch heels. Naka-make up din ito at nakaayos ang buhok. Pinaghandaan niya talaga ang dinner na iyon sapagkat makikilala na niya ang lola ni Trevor."Mag-behave kayong dalawa doon ha, dahil nakakahiya kay Mrs. Carter kapag nagkataon," dugtong na sabi pa ni Ricky.Napatawa naman si Haidee. "Kailan ka ba namin ipinahiya? Ang anak mo lang namang si Emerald ang bumabahid sa pangalan mo," deretsong sabi pa nito."Last na ito. Dahil Brenna, gusto kong simulan mo nang kalimutan si Trevor. Hayaan na natin sila ng kapatid mo," walang emosyong sabi pa ni Ricky.Ilang araw din niyang pinag-isipan ang desisyon na iyon. Na-realized niyang nagiging unfair na siya sa anak na si Emerald. At isa pa, ayaw niyang ipilit ang kaniyang anak na si Bre
Emerald's POV"Lola, paano niyo nakilala si Emerald?" tanong ni Trevor habang kumakain kami.Kung kanina ay hindi ako komportable dahil nandito rin pala sina Papa, ngayon ay medyo umayos ayos na dahil ang lola ni Trevor ang babaenv tumulong sa akin noon. Sadya yatang napakaliit ng mundo."Siya lang naman kasi ang dalagang tinulungan ko noon, anim na taon na yata ang nakakaraan. Nagkaproblema kasi siya kaya ako ang nagbayad ng mga pinamili niya noon," panimulang sabi ni Lola."Naku, Mrs. Carter, noon pa man po kasi ay pasaway na itong si Emerald. Laging nauubos agad ang allowance niya," nakangiting sabi naman ni Tita Haidee na halatang sinisiraan lang naman ako.Kumunot naman ang noo ni Lola Mirasol. "Hindi iyon ang sinabi sa akin ni Emerald. Ang sabi niya ay pinutol ng papa niya ang credit card niya," nagtatakang sabi ni Lola."Op--""Naku, minsan po talaga, mahirap maniwala sa kaniya dahil ilang beses na 'yang nagsinungaling sa amin," pagputol ni Tita Haidee sa sasabihin ko sana.Napa
EMERALD'S POV Hindi na maalis-alis sa labi ko ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga gamit ni Trevor dito sa kwarto kung saan siya nag-propose sa akin. Anim na buwan na ang nakakaraan simula noon kaya anim na buwan na rin ang anak namin. Paminsan minsan ay tumatakas ako para makapuslit dito at balikan ang nakaraan namin noong high school pa lamang kami. Hindi ako makapaniwala na halos lahat ng gamit ay naitago pa niya, mula sa mga sulat na ibinigay ko sa kaniya, sa mga litratong sa studio pa namin kinuha, at pati mga resibo ng 7-11 kung saan madalas kaming mag-ice cream noon. Halos hindi na nga mabasa ang nakasulat sa mga resibo dahil nabubura na ang mga naka-imprenta dito. "Nandito ka lang pala." "Ay kabayo!" Napatawa si Trevor dahil sa naging reaksyon ko nang bigla siyang magsalita. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya mabilis siyang lumapit at hinalikan ako sa noo. "Ang cute mo talaga kapag nagugulat, Baby," sabi pa niya. "Paano mo nalaman na nandito ako?" pag-
EMERALD'S POV FLASHBACK (9 years ago) "Hoy, Emerald, sasama ka rin sa field trip natin, hindi ba? Kasi excited na ako!" Napatingin ako kay Chloe nakaupo na sa tabi ko. Lunch break namin ngayon at nakatambay lang kami sa loob ng classroom. Kakatapos lang din kasi naming kumain at mas pinili naming hindi na lumabas. Nag-aalala kasi siya na baka makasalubong namin sa labas si Brenna at maisipan na naman ng kapatid ko na bully-hin ako. "Oo. Nagsabi na ako kay Papa. Kasama si Brenna kaya kasama rin ako," seryosong sagot ko naman. "So, kapag pala hindi sumama si Brenna, hindi ka rin sasama? Hay naku, para ka namang anino ng bruha mong kapatid," nakangusong sabi naman niya sa akin. Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Huwag ka ngang maingay diyan. Baka may makarinig sa 'yo. Makakarating 'yan panigurado kay Brenna," sabi ko naman. Napairap naman sa akin si Chloe. "Ewan ko ba sa 'yo. Pumapayag ka na ganyanin ka ng kapatid mo. Masyado ka nang naaapi," dismayadong sabi pa sa akin ng
EMERALD'S POV Hindi ko na napigilan ang mga luha ko nang makita ko ang kabuuan ng kwarto. Punong puno ito ng mga stolen pictures ko simula noong highschool pa lamang ako hanggang sa nagtatrabaho na ako. Napakarami nito na halos mapuno na ang buong kwarto. Sa kisame naman ay may mga maliliit na ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. At sa sahig naman ay punong puno ito ng mga petals ng iba't ibang klase ng bulaklak. At nang mapunta ang tingin ko sa lalaking nakaluhod sa may gitna ng kwarto ay napatakip na lamang ako sa aking bibig. Lumuluha na rin siya habang may hawak siyang isang maliit na kulay pulang box at kapag tinatamaan ng ilaw ang laman niyon ay kumikinang ito. "Hi, Baby," nakangiting sambit niya kahit patuloy ang pagpatak ng luha niya. "Trev," ang tanging nasabi ko na lamang. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na itatama ko ang lahat sa oras na maging maayos na ang mga gulo. And this is the right time to do it. Emerald, please marry me again." Sasagot na sana ako n
EMERALD'S POVMabilis na lumipas ang mga buwan. Nanalo kami sa mga kasong isinampa namin kina Tita Haidee at Tita Anna at nahatulan sila ng habambuhay na pagkakabilanggo. Si Brenna naman ay tuluyan nang nawala sa tamang pag-iisip kaya nasa isang mental institution na siya upang doon ay magpagaling. Marami na ring nagbago simula nang matapos ang mga gulo.Ako na ulit ang nagma-manage ng kumpanya ni Papa. Si Papa naman ay nagpapahinga na lamang sa bahay dahil ipinamana na niya ng tuluyan sa akin ang kumpanya. Si Audrey ay bumalik na ulit sa US kasama si Lola Mirasol upang tapusin ang pag-aaral doon. Kami naman ni Trevor ay sa mansion ng mga Carter pansamantalang tumutuloy habang pinapagawa pa namin ang bahay namin. Mas malapit kasi ang bahay nila sa mga trabaho namin kaya doon na rin kami nagpasyang pansamantalang mag-stay.Si Trevor na ang namamahala sa TAC dahil nag-retired na rin si Papa Carlo. Pabalik balik na lamang siya sa US at Pilipinas upang aliwin ang sarili. Malaki na rin an
EMERALD'S POVNapaiwas ako ng tingin nang makita si Brenna na nakatayo malapit sa amin. Nakaposas pa rin ang mga kamay niya at may dalawang pulis ang nakabantay sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali ay dadalhin na siya sa isang Psychiatrist upang ipa-check up."Brenna, anak," umiiyak na sambit ni Papa habang papalapit ito sa kapatid ko."Anak? Itinuturing niyo pa po ba akong anak? Ni hindi niyo sinabi sa akin na magaling na kayo. Pinaniwala niyo ako na hindi pa kayo nakaka-recover," umiiyak na sabi naman ni Brenna.Naramdaman ko ang paghawak ni Trevor sa kamay ko. Tumingin ako sa kaniya at binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti. Alam kong pinapalakas niya lamang ang loob ko ngayon."Ginawa ko iyon para sa ikabubuti ng lahat, Brenna.""Ikabubuti ng lahat o ikabubuti ng anak niyong si Emerald? Sabagay, hindi na ako magtataka dahil siya naman ang paborito niyo.""Hindi totoo 'yan. Pareho ko kayong anak. Kung tutuusin nga ay mas binigyan kita ng pansin noon dahil ayokong maramdaman mo
EMERALD'S POV"Kuya!" Napalingon kami sa kapatid ni Gino nang dumating ito sa ospital. Siya kasi ang piniling tawagan ni Trevor upang ibalita ang mga nangyari. Ang alam din kasi ni Trevor ay nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang."Huwag kang OA. Daplis lang 'to," pagpapakalma naman ni Gino sa kapatid."Kahit na! Sabihin mo, sino sa mga tauhan ko ang bumaril sa 'yo?" natatarantang tanong pa ni Charlene."Enough, Charlene. Hindi ako ang biktima dito. It's Emerald."Dahang dahang tumingin naman sa akin si Charlene. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin at nilalaro laro pa niya ang mga daliri niya."Sorry. Ang sabi kasi sa akin ni Brenna ay ibibigay ka niya kay Kuya. Akala ko ay tama ang desisyon ko," mahinang sabi niya sa akin."No worries, Charlene. Alam kong si Kuya mo lang ang iniisip mo. But everything is fine now," seryosong sabi ko naman.Wala naman na kasi akong balak na idamay pa ang kapatid ni Gino. Oo't tauhan niya ang ginamit ni Brenna ngunit masyado nang magulo para
THIRD POVAabutin na sana ni Emerald ang kamay ni gino upang sumama rito ngunit kapwa sila natigilan nang biglang mag-ring ang cellphone ni Brenna. Sabay pa silang napalingon sa dalaga na kasalukuyan nang kinukuha ang cellphone sa bag nito. Biglang nakaramdam ng kaba si Emerald sa hindi niya malamang dahilan.âYes, Charlene?â bungad ni Brenna nang sagutin nito ang tawag.âGaga ka! Nasaan ka ngayon? Nakuha mo na ba si Emerald?â kinakabahang tanong naman sa kaniya ng kaibigan.âBakit? Anong problema?â naguguluhang tanong naman niya.âMy god, Brenna! Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko na sana pinahiram sa âyo ang mga tao ko. Baka madamay pa ako sa gulo ng pamilya mo,â naiinis na sagot pa sa kaniya ng dalaga.âTeka, teka, ano bang pinagsasabi mo?ââHindi mo pa ba alam? Nasa kustodiya na ng pulis ang mama mo. Murder ang kaso niya.âTila namutla si Brenna sa narinig. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot na naramdaman. Nagsimula na ring mamawis ang kaniyang mga kamay.âS-
THIRD POVMapait na napangiti si Brenna nang marinig niya ang boses ng lalaking paulit ulit siyang sinaktan. Nawala na ang malambing na boses nito na kailan lang ay kausap niya. Tila nagpapanggap lang talaga ang binata sa harap niya upang makakuha ng impormasyon tungkol sa kaniyang ina.âRelax. Hindi mo kailangang magalit, Trevor. Ligtas sila sa ngayon,â walang emosyong sabi niya sa binata.âHuwag na huwag mo siyang sasaktan,â tarantang sabi pa nito.Muling napangiti si Brenna at saka huminga ng malalim. âAng lakas ng loob mong sabihin âyan sa akin ngayon. Niloko mo ako at pinaasa. Kung ano-ano pang kasinungalingan ang sinabi mo sa akin para ano? Para makakuha ka ng impormasyon?ââAt bakit naman ako kukuha ng impormasyon mula sa âyo? May alam ka ba sa totoong nangyari sa sunog na nangyari sa condo ko noon?â deretsong tanong ni Trevor sa kaniya.Natigilan si Brenna habang nanggagalaiti pa rin sa galit. Napahinga siya ng malalim nang makita ang binatang tinawagan niya kani-kanina lamang
THIRD POVPunong puno ng tensyon ang opisina ni Trevor sapagkat naroon ang kaniyang ama at kapatid na si Audrey. Nakalatag sa kaniyang table ang mga ebidensya na nakalap niya upang idiin sa kasong isinampa niya laban sa kaniyang stepmother at sa karelasyon nito na si Haidee. Isa isa itong tiningnan ng kaniyang ama at silang magkapatid ay naghihintay lamang sa reaksyon nito.âPapa, Iâm sorry kung sa ganitong paraan mo pa malalaman ang lahat,â pagbasag niya sa katahimikan.Lumapit sa kaniya si Audrey at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang kapatid dahil kahit masakit para rito ang mga nangyayari, mas pinili nitong pumanig sa tama. Ang hinihiling na lamang niya ngayon ay sanaây ganoon din ang kanilang ama.Dahan dahang ibinaba ni Carlo ang mga papel at nagpakawala ng isang buntong hininga. âHindi ko alam na aabot sa ganito ang asawa ko,â dismayadong sambit nito.Nagkatinginan ang magkapatid sapagkat kalmado ang kanilang ama. Hindi rin ito mababaka