AMARA POINT OF VIEW
Tahimik ang buong penthouse habang nakatayo ako sa gitna ng malawak na sala, suot ang isang simpleng puting dress na binili lamang kahapon. Wala itong burda, walang kislap—plain na plain. Parang ako. Parang buhay ko ngayon. Walang saysay, walang kulay. Ang mga legal na saksi ay nandoon—mga abogado, assistant ni Killian na mukhang mas kabisado pa ang galaw ng lalaki kaysa sa sarili kong pamilya. Si Papa ay wala. Wala ring kahit sinong kakilala ko. Ang totoo, ni hindi ko nga kilala ang mga taong nandoon. Maliban kay Killian na nakaupo sa gilid ng mahaba at mamahaling mesa, naka-itim na suit, walang kahit anong emosyon sa mukha. Tinitigan ko siya saglit, pero hindi man lang siya lumingon. Abala siya sa pag-aayos ng mga papeles, sa pagtanggap ng mga tawag sa telepono. Para bang isang business meeting lang ito sa kanya. At siguro nga, gano’n lang talaga ito para sa kanya. “Ama—Miss Amara,” tawag ng abogado. “Please sign here.” Lumapit ako at kinagat ang labi habang nilalagdaan ang papel. Amara Ysabelle Santiago-Dela Vega. Hindi pa rin totoo sa akin ang apelyidong ’yon. Parang sinulatan ko lang ng biro ang papel. Pero ito ang realidad ko ngayon. Pagkatapos kong pumirma, pumirma na rin si Killian. Matigas ang pirma niya, parang siya. Mabilis, matalas, walang alinlangan. Hindi man lang niya ako tiningnan kahit sandali. “Congratulations,” ani ng abogado matapos ilagay ang huling pirma at iselyo ang dokumento. Tahimik lang akong tumango. Wala akong masabi. Wala rin namang dapat sabihin. Matapos ang seremonya—kung matatawag pa ngang seremonya iyon—tumayo si Killian. Tumalikod siya at tumingin sa akin saglit, sa wakas, pero malamig pa rin ang tingin niya. “Your room is down the hallway to the right,” aniya, sabay abot ng susi. “Hindi tayo magkasama sa kwarto.” Tinanggap ko iyon ng mahinahon, pilit na hindi ipinapakita ang sakit. Kahit pa alam kong wala akong karapatang masaktan. Hindi naman ako nag-asawa para sa pag-ibig, ‘di ba? At bago siya tuluyang umalis, tumigil siya sa harap ko at malamig na bumulong. “Huwag kang mai-in love sa akin, Amara,” sabi niya, diretsong nakatitig sa mga mata ko. “Hindi kita masasalo.” Napatigil ako. Para bang may tumusok sa puso ko. Kahit hindi ko pa siya mahal, kahit wala pa akong nararamdaman, parang may kung anong kirot sa dibdib ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ba’t dapat ay ako ang nagsasabi n’un? Ako dapat ang naglalagay ng linya? Pero siya, siya ang nauna. Tumalikod siya at tumuloy sa sarili niyang kwarto na tila ba tapos na ang buong araw niya. Ako naman, naiwan sa gitna ng sala, yakap ang sarili, tahimik. Ilang oras ang lumipas bago ko nilakasan ang loob kong pasukin ang kwarto na itinuro niya. Malaki ito, eleganteng disenyo, pero malamig. Wala akong makita ni isang bagay na puwedeng sabihin kong akin. Parang bisita lang ako sa sariling buhay ko. Umupo ako sa kama, pinagmamasdan ang singsing sa daliri ko. Simpleng ginto, manipis, walang bato. Pareho ng kasal namin—walang emosyon, walang seremonya. Pinilit kong huwag umiyak. Pero habang lumalalim ang gabi, habang lalong tumatahimik ang paligid, hindi ko na napigilan. Pumatak ang luha ko isa-isa, hanggang sa tuluyan na akong humikbi. “Ginusto mo ’to, Amara,” bulong ko sa sarili. “Ito ang kasunduan ninyo ni Papa. Hindi ka dapat umaangal.” Pero hindi ko mapigilang magtanong: Tama ba ‘tong ginawa ko? Tama ba ang naging desisyon ko? Pera lang ba talaga ang halaga ng lahat? Niyakap ko ang unan at isinubsob ang mukha ko rito. Kung makikita lang ako ni Killian ngayon, malamang tatawanan niya ako. O baka wala lang din sa kanya. Siguro matutulog siyang mahimbing sa kabilang kwarto habang ako rito, hindi makatulog. Hindi ko alam kung ilang oras akong nagpaiyak. Hindi ko rin alam kung kailan ako nakatulog. Pero isa lang ang alam ko—ito ang unang gabi ng kasal ko. At wala man lang kahit konting kasiyahan. Wala man lang kahit isang ngiti. Ang pangarap ng maraming babae ay mapangasawa ang lalaking mamahalin sila. Ako? Napangasawa ko ang lalaking walang pakialam sa kahit anong emosyon. Walang pakialam sa akin. At hindi kailanman magkakaroon. Kinabukasan, nagising akong magulo pa rin ang isip. Mabigat ang mata ko sa puyat at luha. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Wala si Killian. Malamang nasa opisina na. Ganoon ang klase ng lalaking pinakasalan ko—dedikado sa negosyo, pero wala kahit kaunting puwang sa puso para sa asawa niya. May nakahandang breakfast sa mesa—siguro iniutos sa housekeeper. Hindi ko alam kung inisip niya akong kakain o basta lang bahagi iyon ng routine nila sa bahay. Pero kahit papaano, kumain ako. Hindi dahil gutom ako, kundi dahil kailangan. Habang kumakain, tinignan ko ulit ang singsing sa daliri ko. Iyon ang paalala ng kasunduang ito. Na may asawa na ako. Na hindi ako puwedeng basta umatras. Na hindi ito biro. Pinilit kong itanim sa isip ko: Hindi ko kailangang mahalin siya. Hindi ko kailangang umasa. At higit sa lahat, hindi ko kailangang masaktan. Ito’y para sa negosyo. Para sa pamilya. Para sa kinabukasan. Pero sa kabila ng lahat ng iyon… hindi ko mapigilang matakot. Dahil paano kung… paano kung mahulog ako? At totoo nga ang sinabi niya—hindi niya ako masasalo.AMARA POINT OF VIEW Nagmulat ako ng mata sa isang kwarto na hindi pamilyar. Malambot ang kama, puting-puti ang mga kurtina, at ang kisame ay may chandelier na parang galing sa isang European palace. Sa loob ng ilang segundo, hindi ko alam kung saan ako naroroon—hanggang sa maalala ko.Kasal na nga pala ako. Kay Killian Dela Vega.Napabangon ako, gulo pa rin ang buhok at ang damdamin. Akala ko sa penthouse lang ako niya ilalagay. Pero iba pala ang nangyari.Hindi ito ‘yung condo na pinagdausan ng kasal namin kahapon. Malayo ito, mas tahimik, mas engrande. Nasa isang mansyon ako—mukhang ancestral house pero modernong inayos. Sa sobrang laki nito, baka kahit magtago ako ng ilang araw, hindi pa rin ako matagpuan.Isang mahinhing katok ang gumambala sa katahimikan.“Ma’am Amara?” tawag ng boses mula sa likod ng pinto. “Pasensya na po, pero pinapahatid po ito ni Sir.”Bumukas ang pinto at isang matandang housekeeper ang pumasok, maayos ang ayos, may hawak na clipboard at tray ng almusal. M
AMARA POINT OF VIEW Habang papasok ako sa unibersidad, ramdam ko na ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko pa man naaabot ang campus, naririnig ko na ang mga kwento, ang mga bulungan. Hindi ko alam kung paano nila nalaman, pero sigurado akong ang buong universidad ay alam na may nangyari sa buhay ko na hindi ko pa kayang ipaliwanag. Na ako raw ay nagpakasal sa isang matanda—isang hindi ko alam na balita. Hindi naman totoo, pero hindi ko rin alam kung paano ipaliwanag ang nangyari. Ang mga mata nila, punung-puno ng curiosity, para bang hinuhusgahan na nila ako base sa mga tsismis. "Hala, nakita mo ba siya? Si Amara, yung dating simpleng estudyante, bigla na lang mayaman! Kakasal lang daw sa isang matanda na mayaman," ang sabi ng isang babae sa likod ko. Sabi pa ng isa, "Nagbenta siya ng dignidad niya para lang sa pera!"Hindi ko maiwasang maglakad nang mabilis, kahit na hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Ang mga salita nila, bagama’t may kasamang pags
THEO MONTEMAYOR POINT OF VIEW Hindi ko talaga maintindihan kung anong tumatakbo sa utak ni Boss Killian lately.Usually, wala siyang pakialam sa babae. He’s always focused on business, power, and control. Pero mula nung dinala niya si Amara sa mansion, napansin ko 'yung kakaibang aura niya. Hindi siya yung tipo ng lalaking magpapasok ng babae sa buhay niya—lalo na kung hindi parte ng deal o diskarte niya. Pero si Amara? Bigla na lang naging tahimik na usapan. Walang paliwanag. Walang utos. Basta, andun na siya.At ngayon, ako ang inutusan niya.“Keep an eye on her. I want daily updates,” sabi niya sa malamig na tono habang nakaupo siya sa leather chair sa loob ng opisina niya. Nakataas ang paa sa mesa habang nakaayos ang pwestong parang wala siyang pakialam sa mundo. Pero alam ko, si Boss Killian 'yan—walang ginagawa na walang dahilan.“Yes, Boss,” sagot ko habang nakatayo sa gilid. "You want me to keep it discreet, right?"“No need to make her feel it. I just want to know what she d
CASSIE NAVARRO POINT OF VIEW Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bumalik pa ako dito. Ang tagal kong iniiwasan ang lugar na ‘to, pero ngayong alam kong nandito siya, parang may nagtutulak sa’kin na humarap ulit sa nakaraan.Killian.Ang lalaking minsang minahal ko. Ang lalaking minsan kong binitawan.At ngayon, ang lalaking hindi ko na maabot.Akala ko dati, sapat na ‘yung meron ako. Maganda akong babae, mayaman ang pamilya ko, sikat, may negosyo—kompleto. Pero kahit anong yaman pala, walang kwenta kapag wala na ‘yung taong totoo mong minahal.Dati, siya ‘yung lalaking lagi kong kasama tuwing gabi. Laging late, laging abala sa trabaho, pero bumabawi sa mga yakap at halik niya. Hindi siya sweet gaya ng ibang lalaki, pero ramdam ko noon kung paano niya ako minahal sa paraang alam niya. Hindi siya ma-kilig, pero pinaparamdam niya sa’kin na ako lang ang mundo niya.Hanggang sa naging madalas ang hindi niya pag-uwi. Lagi siyang nasa opisina. Laging may meeting. Laging may bagon
AMARA'S POINT OF VIEW Tahimik ang paligid nang tuluyang makaalis si Cassie sa opisina. Naiwan kaming dalawa. Ako, na parang hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. At siya, na tila walang kahit anong bahid ng emosyon sa mukha niya, habang binubuksan ang paper bag na dinala ko.“Chicken teriyaki,” mahinang sabi ko, sabay ayos ng container sa mesa niya.Hindi siya nagsalita, pero kinuha niya ang kutsara’t tinidor na kasama. Umupo siya pabalik sa swivel chair niya at nagsimulang kumain, tahimik, parang wala lang.Nanonood lang ako sa kanya habang inuubos niya ang niluto ko. Isa. Dalawa. Tatlong subo. Hindi ko na mabilang. Gutom na gutom siya. Sa totoo lang, parang ngayon lang siya nakatikim ng pagkain na may lasa.Hinila niya ang iced tea bottle sa gilid at uminom. Then balik sa kain. Hindi man lang siya lumingon sa’kin. Hindi man lang siya nagsabing, “Kain tayo.”Okay lang. Hindi ko naman ‘to ginawa para sabayan ako. Ginawa ko ‘to kasi… ewan. Gusto ko lang malaman kung kaya ko pang
AMARA'S POINT OF VIEW Mainit ang sikat ng araw habang nakaupo ako sa harap ng bahay ni Mama. Nakadamit lang ako ng simpleng daster, buhok ko nakatali sa taas, at may hawak akong pamaypay na gawa sa buri. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mga manok at huni ng mga ibon ang maririnig.Pero ang pinaka-eksena ngayon ay hindi ang kagandahan ng probinsya… kundi si Killian Alaric Dela Vega—ang bilyonaryong asawa ko—na nakayuko sa gitna ng palayan, hawak-hawak ang isang maliit na pala na parang hindi niya alam kung saan isusuksok.“O, anak,” tawag ni Mama sa akin habang papalapit, “bakit di mo samahan ang asawa mo? Kawawa naman, di alam ang ginagawa.”Napabuntong-hininga ako. “Ma, ayos lang po siya. Gusto raw niya matutunan, e. Hayaan muna natin.”Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ni Killian at pumayag siyang sumama sa probinsya. Noon pa lang nang sabihin ko sa kanya na pupunta ako sa amin para bisitahin si Mama, ay agad niyang ininsist na sasama siya. Walang tanong-tanong
AMARA POINT OF VIEW Maagang nagising si Killian kahit hindi ko naman siya ginising. Pagbaba ko mula sa kwarto, nadatnan ko siyang nakatayo sa kusina, may bitbit na maliit na balde ng tubig at tila naghahanap ng gagawin.“Good morning,” bati niya sa akin sabay ngiti.“Your mom said she’ll be in the field early, so I thought I’d join.”Nagulat ako. Kahapon lang halos hindi siya makatayo nang diretso sa pagod, pero ngayon, andito siya ulit—handa na namang magtanim kahit halata namang hindi siya sanay.“Sure ka?” tanong ko habang inaabot ang tinapay sa lamesa. “Mukha kang may body pain pa kahapon.”Tumawa siya ng mahina. “Everything hurts, but I’m still alive.”Napailing na lang ako sabay tinago ang tawa ko. Hindi ko maipaliwanag pero nakakatuwa siyang tingnan sa simpleng t-shirt at lumang shorts. Malayo sa business suit niyang palaging malinis at mamahalin. Dito sa probinsya, mukha siyang totoong tao—hindi CEO, hindi matigas ang loob, kundi isang simpleng lalaki na gustong matuto.Pagda
AMARA'S POINT OF VIEW Hindi ko alam kailan uuwi sa vity ang isang ito parang ginawa niyang home town and bukid at parang kinalimutan ang trabaho sa siyudad. “Killian, dahan-dahan lang! Madulas diyan!” sigaw ni Mang Celso mula sa likuran.“Okay lang po ako!” sagot ni Killian na may hawak pang araro.Napailing ako habang nakaupo sa gilid ng palayan, pinapanood siya. Ang pinagmamalaking CEO ng Dela Vega Corporation, ngayon ay pinagtataniman at pinagararo ng mga taga-barangay namin.“Bakit parang hindi mo siya tinutulungan?” tanong ni Aling Cora habang nag-aayos ng basket ng gulay.“Eh kasi... hindi naman niya ako pinayagang tulungan siya,” sagot ko sabay ngiti. “Sabi niya, kaya raw niya. Gusto raw niyang matutong mag-isa.”“Aba, napaka-espesyal mo pala sa asawa mo. Halatang gusto niyang mapahanga ka.”“Hindi po kami... I mean...” Naputol ang sasabihin ko nang bigla akong mapalingon sa isang malakas na sigawan mula sa palayan.“Ay! Ayun na siya!” sigaw ni Mang Celso habang halos lahat a
AMARA'S POINT OF VIEW Ang hirap pala umalis kapag natutunan mo nang mahalin ang katahimikan. Ang hirap pala lisanin ang isang lugar na sa maikling panahon lang, naging tahanan mo na. Pero mas mahirap pa pala ang iwan ‘yung taong naging dahilan kung bakit ang probinsya ay biglang nagkaroon ng kulay.Maaga pa lang ay gising na si Mama. Si Killian, gaya ng dati, tahimik lang habang tinutulungan siyang isalansan ang mga ani para iregalo sa mga kapitbahay. Ako naman, parang may mabigat na bagay sa dibdib. Ayoko umalis. Ayoko pa. Pero kailangan.Pabalik na kami sa siyudad.Habang pinapanood ko si Killian na naglalagay ng mga gulay sa likod ng sasakyan, napansin ko ang lungkot sa mga mata ni Mama. Siguro alam niya na kahit wala kaming label, may nararamdaman ako para kay Killian. At kahit hindi ko sinasabi, ramdam niyang masaya ako sa piling ng lalaking iyon.“Amara,” tawag ni Mama. “Ingat kayo sa biyahe, anak ha?”Tumango ako at niyakap siya nang mahigpit. “Babalik kami agad, Ma. Promise.”
AMARA'S POINT OF VIEW Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'kin.Dati, kaya kong sabihin sa sarili ko na lahat ng ginagawa ko ay dahil sa kontrata. Para sa ospital ni Mama. Para makaligtas kami sa problema. Para lang ito sa papel, walang halong damdamin. Pero nitong mga nakaraang araw, ang dami nang nagbabago. Hindi na lang ito basta kasunduan. Hindi na lang ako basta isang estudyante na pinasok ang isang kasinungalingan kapalit ng pera. Kasi, bakit parang totoo na ang lahat?Bakit parang... ako na 'yung nahuhulog?Kaninang umaga, nagising ako ng mas maaga kaysa dati. May naamoy akong sunog na bawang at itlog, kaya dali-dali akong bumangon, akala ko may nasusunog sa kusina. Pagbaba ko, nandoon si Killian, pawis-pawisan, may apron pa, habang pilit sinusubukang baligtarin ang tortang hindi naman tumatalab sa kawali. Napakamot ako sa ulo at hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa.“Anong ginagawa mo?” tanong ko, nakapamewang.Tumalikod siya, kita sa mukha ang pagkapahiya. “Surprise
AMARA'S POINT OF VIEW Maaga pa lang, gising na ako. Pero hindi dahil may kailangan akong gawin, kundi dahil naramdaman ko ang presensya ni Killian sa labas. Sa gilid ng bintana, kita ko siya—nakaupo sa harap ng bahay, may hawak na tabo, tila nagsasalin ng tubig sa maliit na drum. Nakasuot siya ng puting sando at lumang shorts na pinahiram ni Tito Rudy, at kung hindi ko pa siya kilala, iisipin mong tagarito na siya sa amin.“Ang aga mo naman,” bati ko habang lumabas ako, naka-jacket pa’t may muta pa sa mata.Tumingin siya sa’kin at ngumiti ng tipid. “Akala ko kasi kailangan mo ng tubig sa banyo. Naubos kahapon, ‘di ba?”Nagkibit-balikat ako, pilit pinipigilang ngumiti. “Hindi mo kailangang gawin ‘yan, Killian.”“Alam ko,” sagot niya habang itinuloy ang ginagawa. “Pero gusto ko.”Napakamot ako sa batok. Ang weird. Hindi namin napag-uusapan, pero parang may unspoken agreement na kami. Na kahit hindi malinaw ang lahat, gumagalaw kami na parang… kami.Kagabi, kasama namin ang mga kapitbah
AMARA'S POINT OF VIEW “‘Taya na si Kuya Killian!’” sigaw ni Lenlen habang naghahagikhikan sa harap ng bahay.“Ay hindi! Hindi ako marunong n’yan,” protesta ni Killian, pero natatawa rin habang hawak ang basang panyo na ginamit naming panali sa mata ng ‘taya.’“Bawal tumanggi!” singit ni Totoy, pinsan kong limang taon lang pero parang abugado kung magreklamo. “Sabi mo sa ilog, sasali ka sa susunod naming laro!”“Kasama sa package deal ng pamamalagi sa bukid,” dagdag ko, sabay ngiti ng nakakaloko.Tiningnan niya ako ng matalim—kunwari lang, pero halatang pigil ang tawa.“Ano ba ‘tong napasukan ko…” bulong niya, habang nilalagyan ng panyo ang mata niya.Tumawa kami sabay-sabay, tapos nagsitakbuhan na ang mga bata. Ako, dumiretso agad sa likod ng bahay. Kilala ko si Lenlen—madalas sa may imbakan ng kahoy ‘yun. Pero hindi ko siya ang balak kong iwasan.Ako? May sariling misyon ako: ‘wag mahuli ni Killian.Nagtago ako sa may malapit na kubo—yung maliit na pahingahan sa ilalim ng puno ng ma
AMARA'S POINT OF VIEW “Amara, tara na!” sigaw ni Lenlen mula sa may tricycle habang bitbit ang isang malaking bayong ng chichirya.“Sandali lang, nagpapalit pa ako ng damit!” sigaw ko pabalik habang sinusubukang isiksik ang sarili sa lumang shorts na ilang taon nang hindi sinususuot.“Ang tagal mo, parang may photoshoot sa river!” sigaw ulit ni Lenlen.Napasimangot ako. Grabe naman. Hindi ba pwedeng gusto ko lang magmukhang disente? Kahit konti lang?Nagkakagulo ang buong barangay ngayong araw—group outing daw sa ilog. Matagal na ‘tong tradition tuwing summer, pero dahil busy ako sa Maynila nitong mga nakaraang taon, ngayon lang ako ulit makakasama. Ang twist? Sumama si Killian.Oo. Killian Alaric Dela Vega. Yung lalaking mas madalas makita sa board room kaysa bukid, ngayon, kasama namin sa group outing na may kasamang banana cue, floaters, at pakulo ni Mang Totoy na “Best Belly Flop” contest.Hindi ko alam kung sino ang nag-imbita sa kanya—most likely si Mama Rowena na laging todo p
AMARA POINT OF VIEW Minsan mapapatanong ka talaga sa sarili mo kung anong klaseng multo ang sumapi sa asawa mong bigla na lang gigising ng alas-singko ng umaga. As in, wala pang tilaok ng manok, wala pang ingay mula sa mga kapitbahay, pero ayun siya—Killian Alaric Dela Vega—nakatayo sa harap ng kalan. Nakasando, nakashorts, at may hawak na... kawali?“Killian?” inaantok kong tanong habang nakasilip mula sa may pintuan ng kusina. Hindi ako sure kung nananaginip pa ako.Napalingon siya sandali, pero hindi ngumiti. Umirap lang. “‘Wag kang maingay. May ginagawa ako.”“Hala. Sino ka at anong ginawa mo sa supladong CEO na kilala ko?”“Amara, please,” inis niyang sagot habang may hinahalo sa kawali na amoy pa lang, medyo kaduda-duda na.Dahan-dahan akong lumapit, pilit pinipigilan ang tawa. Umuusok na ang kawali, pero parang hindi sa magandang paraan. Amoy sunog na itlog? Sunog na tinapa? O sunog na buong umaga?“Anong niluluto mo?” tanong ko, halos hindi na makapigil sa tawa.“Sinangag,” s
AMARA'S POINT OF VIEW Araw ng anihan. Mainit, pero masaya. Ang buong barangay, buhay na buhay. May mga tawa, sigawan, at kantiyawan habang ang mga tao'y nagtutulungan sa pag-aani ng palay. Pumunta kami rito ni Killian nang mas maaga pa kanina, dala ang kapreskong tubig, mga baon naming sandwich, at siyempre, ang makulit niyang presensya.Hindi ko alam kung anong sumapi kay Killian pero buong umaga siyang nakangiti habang pinapanood kami ni Mama at ng mga kapitbahay magtulungan. Tapos, bigla siyang lumapit sa akin."Pwede ba akong sumubok?" tanong niya habang hawak ang itak. Nakasuot siya ng simpleng t-shirt at maong na medyo marumi na sa dami ng nadikit na putik."Sigurado ka? Hindi 'to parang board meeting ha," natatawa kong sagot, habang pinupunasan ang pawis ko sa noo."Challenge accepted," mayabang niyang tugon, tapos tiniklop ang manggas ng damit niya, feeling macho.Tumawa lang ako, pero in fairness, sinubukan talaga niyang tumulong. Hindi man siya kasinbilis ng mga taga-rito,
AMARA'S POINT OF VIEW Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero nitong mga nakaraang araw, parang masyado akong… observant.As in, masyado.Lalo na ‘pag si Killian ang nasa paligid. Tulad ngayon, ‘tong lalaking ‘to na akala mo wala sa lugar sa bukid—pero aba’t parang kabisado na ang galawan, nakaupo sa lilim ng manggang pinutol ni Mang Tibo, suot ang simpleng t-shirt at shorts, habang kinukumpuni ang isang sirang poso gamit ang mga tools ni Tatay Gorio.“Ayusin daw ‘to ni Mayor,” reklamo ng isa sa mga kapitbahay. “Pero hanggang ngayon, drawing pa rin.”Tiningnan ko si Killian. Basa ng pawis ang noo, medyo marumi ang kamay, pero seryoso ang mukha habang kinakalikot ang lumang bakal. Hindi ko maiwasang huminto at tumitig.Ang kulit ng puso ko, bakit ba ganyan ka tumibok?“Hoy, Amara,” singit ni Aling Cora habang hawak ang tabo. “Tinititigan mo na naman ‘yang asawa mo. Mapapaso ‘yan, iha.”Nag-init ang mukha ko. “H-ha? Hindi a! Tinitingnan ko lang kung paano niya sirain ‘yang poso.
AMARA POINT OF VIEW Isa sa mga paborito kong parte ng buhay sa bukid ay ‘yung gabi—simple, tahimik, at punong-puno ng bituin ang langit. Walang ingay ng mga sasakyan, walang mga headlights na sumisilaw sa mata, at higit sa lahat, walang wifi na distraction. Kaya tuwing may bonfire gathering ang mga kapitbahay, automatic na nandun kami ni Mama. Pero ngayong gabi, may bago kaming bisita—si Mr. Big City CEO himself, Killian Dela Vega, na sa unang tingin pa lang ay hindi mo aakalain na uupo sa bangkong gawa sa kahoy habang kumakain ng inihaw na saging at nakikinig sa mga tsismis ng barangay.“Tara na, Killian,” yaya ko habang bitbit ang kumot na ilalatag sa damuhan. “Hindi ito kagaya ng mga dinner party mo sa Maynila ha. Walang violin dito, pero marami kang matututunan.”Tiningnan lang niya ako, tapos ngumiti. “G na ako. Mas okay nga ‘to kaysa mag-meeting ulit kasama ‘yung mga directors na puro reklamo lang.”Aba, natuto na siya. Iba na rin talaga pag napasama sa bukid, no?Pagdating na