Matapos tapusin ang paglilinis sa bodega, bumalik na si Mia sa kanyang kwarto. Tahimik siyang pumasok at isinara ang pinto, pakiramdam niya ay parang isang buong araw na siyang pagod kahit hindi pa lumulubog ang araw.
Umupo siya sa isang sulok ng kanyang maliit na silid, hinayaan ang sarili niyang titigan ang bag na magdadala ng kakaunti niyang gamit sa bagong buhay na naghihintay sa kanya. Isang pantulog, dalawang maid uniform, at ilang piraso ng underwear—iyon lang ang meron siya. Hindi niya alam kung paano siya magsisimula sa bagong bahay, sa piling ng lalaking hindi niya pa nakikita ni minsan.
Habang nakapako ang kanyang tingin sa bag, biglang bumukas ang pintuan. Napatingin siya at nakita si Hana, isa sa mga kasambahay sa mansyon. May dala itong isang paper bag at isang dress na maingat na nakabalot sa tela. Hindi niya matukoy kung anong klaseng tela iyon, basta alam niyang mukhang mamahalin.
“Ito ang isusuot mo bukas, Mia,” malamig na wika ni Hana habang inilalapag ang dala sa kama ni Mia.
Sandaling tumitig si Mia sa damit na nakalatag sa kama. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Alam niya kung para saan ito, ngunit iba ang kahulugan ng kanyang tanong.
“Para saan ito?” mahina niyang tanong, hindi talaga humihingi ng sagot kundi sinusubukan lang unawain ang bigat ng kanyang sitwasyon.
Hindi na siya sinagot ni Hana. Imbes, tahimik lang itong tumalikod at lumabas ng kwarto, iniwan siyang nag-iisa.
Nang tuluyang magsara ang pinto, marahan niyang dinampot ang damit at pinagmasdan ito. Isa itong knee-length beige spaghetti strap dress—simple pero elegante, isang bagay na hindi niya inaasahang isusuot niya. Binuksan niya ang paper bag at nakita ang isang pares ng white 2-inch sandals. Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa na kahit papaano ay binigyan siya ng maayos na damit, o kung mas lalo lang niyang dapat maramdaman ang lungkot dahil alam niyang hindi ito isang ordinaryong bihis—ito ay isang simbolo ng kanyang pag-alis, ng kanyang bagong buhay sa piling ng isang lalaking hindi niya pa kilala.
Napabuntong-hininga siya, hinayaang lamunin ng bigat ang kanyang dibdib. Bukas, magbabago na ang lahat.
Sa wakas, hindi na niya kailangang magtiis sa pagmamaliit ng kanyang ama, ng kanyang madrasta, at ng kanyang stepsister. Hindi na niya maririnig ang malalamig na salita ng kanyang ama na tila isang patalim na paulit-ulit siyang hinihiwa. Hindi na niya mararamdaman ang mapanirang tingin ng kanyang madrasta at ang mapang-asar na ngiti ni Kristina. Ngunit kahit na aalis siya sa impyernong ito, hindi niya pa rin alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanya bukas.
Si Mr. Montgomery.
Isang pangalan na nagdadala ng takot sa buong bayan. Isang lalaking ni hindi niya pa nakikita, ngunit may mga bulung-bulungan tungkol sa kanya—na isa itong malupit, estrikto, at walang pusong tao. Ilang beses na rin niyang narinig ang mga kasambahay na palihim na nag-uusap tungkol sa kanya, sinasabing kahit ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang negosyante sa bayan ay takot humarap kay Mr. Montgomery.
At ngayon, magiging asawa na niya ito.
Napailing na lang siya at dahan-dahang isinabit ang kanyang damit sa dingding. Walang saysay ang pag-iisip niya tungkol sa mga bagay na wala na siyang magagawa. Ang tanging magagawa niya ngayon ay harapin kung ano ang nakatakda para sa kanya.
Sa halip na magpakalunod sa kanyang iniisip, nagpasya siyang bumalik sa kusina upang maglinis at maghanda na rin ng hapunan. Habang abala sa kanyang ginagawa, narinig niya ang usapan ng ibang kasambahay—may dadating daw na bisita ngayong gabi.
Siya lang ang hindi nagulat nang marinig niyang ang kanyang lola—ang ina ng kanyang ama—ay darating upang bumisita. Sanay na siya sa ganitong pangyayari. Tuwing dumarating ang kanyang lola, pinapabihis siya ng marangyang damit, tila ipinapakita sa matanda na maayos ang kalagayan niya rito. Ngunit pagkatapos ng kanilang hapunan, agad na ipinahuhubad iyon ng kanyang madrasta at ipinamimigay sa mga kasambahay. Mas nakakahiya pa nga kapag pinapahubad iyon sa harap mismo ng mga kasambahay, kaya minsan ay iniiwasan niya ito sa pamamagitan ng pagdadahilan na hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Palihim niyang huhubarin ang damit sa kanyang kwarto bago pa siya ipahiya ng kanyang madrasta sa harapan ng lahat.
Habang nagluluto siya, lumapit sa kanya si Hana, ang isa sa mga kasambahay, may dala itong paper bag. “Mia, pupunta dito ang lola mo. Magbihis ka. Heto, suotin mo ito.”
Tahimik niyang kinuha ang paper bag at binuksan ito. Isang simpleng blouse, trouser, at flat sandals ang nasa loob. Mas maayos naman ito kumpara sa kanyang mga lumang damit, kaya wala siyang reklamo.
Pumasok siya sa kanyang kwarto at nagbihis. Mabilis lang siyang nagpalit, tiningnan ang sarili sa maliit na basag na salamin sa sulok, at napansin kung paano kahit papaano ay bumagay sa kanya ang damit. Ngunit hindi iyon nagtagal. Hindi naman ako nagpapaganda para sa sarili ko. Isa lang itong palabas.
Bumalik siya sa kusina upang tapusin ang paghahanda ng hapunan. Hindi pa man sila tapos ay dumating na ang butler ng kanyang lola—si Mira.
“Ms. Mia, hinahanap po kayo ni Ma’am.”
Tumango siya, mabilis na hinubad ang apron at iniwan ang trabaho sa kamay ni Manang Felice. “Sige, Manang Felice, alis muna ako. Malapit na po iyang matapos, pakihain na lang po.”
At saka siya sumunod kay Mira, patungo sa sala kung saan naghihintay ang kanyang lola.
Pagdating niya roon, bumungad sa kanya ang matandang babae na kahit may edad na ay hindi pa rin nawawalan ng dignidad at tikas. Eleganteng naka-upo ito sa malambot na sofa, may hawak na tasa ng tsaa habang nakangiti sa kanya.
“Oh, my dear apo!” Masayang bati nito. “Congratulations on your engagement!”
Kasabay ng mga salitang iyon, hinila siya ng kanyang lola sa isang mahigpit na yakap. Ramdam niya ang init at lambing sa yakap nito—isang bagay na bihira niyang maranasan sa loob ng bahay na ito. Ngunit sa kabila ng yakap, may kirot sa kanyang puso.
“Thank you po,” mahinang wika niya, pilit na pinipigil ang paminsang pagsikip ng kanyang lalamunan.
Napataas naman ang kilay ng matanda at bahagyang lumayo upang tingnan siya sa mukha. “You’re not happy with your engagement?” may halong pagtatakang tanong nito.
Mabilis siyang umiling. “I am, lola.” Pilit niyang inipit ang emosyon sa kanyang boses at ngumiti nang bahagya. “By the way, lola, aalis na ako here bukas—”
“What? You’re leaving?” Naputol ang kanyang sasabihin nang magtaas ng boses ang matanda. Kita sa mukha nito ang pagkagulat at pag-aalala. “Why?”
Napalunok siya, agad na naghanap ng maisasagot. “Uhmm—”
Ngunit bago pa siya makapagpaliwanag, isang malamig na boses ang pumuno sa silid.
“Oh, Mama, you're here. Bakit hindi mo kami tinawagan?”
Napatingin sila sa direksyon ng kanyang ama, na kararating lang kasama ang kanyang madrasta at ang palaging nakangising si Kristina. Sa likod ng kanyang ama, nakataas ang isang kilay ng kanyang madrasta, samantalang si Kristina naman ay may pagmamataas na ekspresyon, tila natutuwa na siya ang sentro ng atensyon ngayong gabi.
“I thought you're busy, hindi ko kayo ma-contact.” paliwanag ng kanyang lola, ngunit halata sa tono nito ang bahagyang inis.
“I see,” malamig na sagot ng kanyang ama, hindi man lang siya nilingon nito. Parang wala siyang halaga, parang isa lang siyang anino sa harapan ng kanyang sariling pamilya.
Napabuntong-hininga na lang si Mia bago niya muling nilingon ang kanyang lola. Hindi niya na gustong manatili pa roon.
“I’ll go to the kitchen muna, lola. I-prepare ko lang po ang pagkain,” wika niya, at tumango naman ang matanda.
Dali-dali siyang nagtungo sa kusina, hinayaan ang sarili na saglit na huminga nang maluwag. Nakita niyang halos tapos na ang mga kasambahay sa paghahanda ng hapunan, kaya agad siyang tumulong sa pag-aayos ng huling detalye. Sa ganitong paraan, kahit papaano ay naibaling niya ang isip sa ibang bagay—kahit saglit lang.
Nang natapos na ang lahat, bumalik siya sa dining area at tinawag ang kanyang lola upang kumain na. Sa hapag-kainan, magkatabi silang dalawa ng matanda, at habang abala ito sa pakikipag-usap tungkol sa kanyang engagement, nanatili lang siyang tahimik, kumakain nang mahinahon. Wala siyang balak makisali sa usapan, lalo pa at ang pinag-uusapan ay ang bagay na pilit niyang iniiwasan sa kanyang isipan—ang kasal niya kay Mr. Montgomery.
Nang matapos na siyang kumain, maingat siyang tumayo. “Mauna na ho ako sa kwarto, masama kasi ang aking pakiramdam,” wika niya, pilit na nilalagyan ng pagod ang kanyang boses.
Napatingin sa kanya ang kanyang lola, halata ang pag-aalala sa mukha nito. “You always feel unwell kapag nandito ako. Are you okay?”
Pinilit niyang ngumiti upang maibsan ang pag-aalala ng matanda. “Yes po, need ko lang po ng pahinga,” sagot niya, at kahit na mukhang hindi kumbinsido ang kanyang lola, tumango na lamang ito at hindi na nagtanong pa.
Pagkapasok niya sa kanyang kwarto, agad niyang hinubad ang kanyang damit at maingat na ibinalik ito sa paper bag. Ito ang nakasanayan niya—ang hubarin ang damit na ipinapasuot sa kanya kapag umalis na ang kanyang lola. Para siyang isang manikang pinapaganda para sa isang palabas, tapos ay muling ibinabalik sa pagiging ordinaryo sa sandaling matapos ang palabas.
Napabuntong-hininga siya bago tumungo sa maliit na lababo upang magsipilyo. Nang matapos siya, humiga siya sa kanyang kama at isiniksik ang sarili sa lumang kumot na nagbibigay ng kaunting init sa malamig na gabing iyon.
Ngunit bago pa siya tuluyang makatulog, bumukas ang kanyang pintuan.
Nagulat siya nang makita si Hana, nakaupo sa gilid ng kanyang kama, hawak ang paper bag na naglalaman ng kanyang damit.
“Bring that clothes with you, Mia… pinag-ipunan pa namin iyan ng mga kasamahan ko,” mahina ngunit puno ng sinseridad na wika ni Hana.
Napangiti siya, halos maluha sa ginawang kabutihan ng kasambahay. Hindi niya inaasahan ito.
Muli niyang tiningnan ang damit na ibinigay sa kanya—hindi ito marangyang kasuotan, ngunit para sa kanya, isa itong bagay na puno ng pagmamahal mula sa mga taong tunay na nagmamalasakit sa kanya.
Mahinang bumuntong-hininga si Mia at niyakap si Hana. “Thank you.”
Pagkatapos mag-usap nina Mia at Hana, tumayo na ang kasambahay at marahang lumabas ng kwarto. Isinara nito ang pinto at sinigurong patay ang ilaw, iniwang nakabalot sa kadiliman si Mia. Ngunit kahit nakahiga na siya sa kanyang kama, hindi pa rin siya dalawin ng antok.
Sa loob ng katahimikan ng gabi, nakikinig siya sa mahihinang yabag ng mga kasambahay na patuloy sa kanilang trabaho, marahil naghahanda na para sa susunod na araw. Inilagay niya ang isang braso sa kanyang noo, pilit na inaalis ang mga gumugulo sa kanyang isipan. Ang lahat ng nangyari sa araw na iyon—ang pagbisita ng kanyang lola, ang pakiramdam ng pagiging walang halaga sa harap ng kanyang pamilya, at ang regalong damit mula sa mga kasambahay—ay bumabalik sa kanya na parang isang panaginip.
Nang may marinig siyang mahinang katok sa kanyang pinto, agad siyang pumikit at nagpanggap na natutulog. Hindi siya sigurado kung sino iyon—baka ang kanyang madrasta o si Kristina, o baka isa sa mga kasambahay na may gustong sabihin. Ngunit wala siyang lakas na harapin pa ang kahit sino sa mga oras na iyon. Ilang sandali pa, hindi na muling kumatok ang tao sa labas ng kanyang kwarto.
Kinabukasan, nagising siya nang mas maaga pa sa sikat ng araw. Tahimik pa ang buong bahay, at ang tanging ingay na maririnig niya ay ang mahihinang tunog ng kanyang sariling paghinga. Tumayo siya mula sa kanyang kama, tinapakan ang malamig na sahig, at inabot ang kanyang bag na maingat niyang inihanda kagabi.
Lumabas siya ng kwarto, at tulad ng inaasahan, madilim pa ang mahabang pasilyo ng mansyon. Ang bawat yapak niya ay nag-iiwan ng mahina ngunit malinaw na tunog sa makintab na sahig. Pakiramdam niya ay para siyang multong gumagala sa isang lugar na matagal nang hindi kanya.
Sa pagdating niya sa kusina, natagpuan niya ang mga kasambahay na abala na sa kanilang mga gawain. Kahit madaling araw pa lamang, masigla ang kanilang mga kilos—tila sanay na sanay na sa ganitong klase ng umaga.
Napansin agad siya ni Hana, na nakatayo sa may kalan habang naghahalo ng sopas. “Good morning, Mia!” Masigla itong bumati, kahit halata ang pagod sa kanyang mukha.
“Good morning,” sagot niya pabalik, pilit na nginitian ang kasambahay.
Mula naman sa isang tabi, lumapit si Manang Felice, ang pinakamatandang kasambahay sa mansyon. “Hay naku, ineng, maligo ka na. Para maaga kang makaalis. Malayo-layo rin ang bahay ni Mr. Montgomery, at ayaw mo namang maglakbay nang madumi at hindi maayos, hindi ba?” may pag-aalalang sabi nito.
Tumango siya bilang tugon. “Opo, Manang.”
Alam niyang tama ang matanda. Kahit na hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa bagong bahay na pupuntahan niya, mas mabuti nang maging handa. Kaya bumalik siya sa kanyang kwarto, kinuha ang tuwalya at damit, at nagmadaling maligo. Ang tubig ay malamig, ngunit nagbigay ito ng kakaibang ginhawa sa kanya. Parang nilinis nito hindi lang ang kanyang katawan, kundi pati ang mabigat na pakiramdam sa kanyang dibdib.
Nang siya ay makatapos, nagbihis siya ng maayos at binalikan ang kanyang bag. Pagbalik niya sa kusina, inabutan siya ni Hana ng dalawang lunch bag na may lamang pagkain.
“Heto, Mia. Baon mo ‘yan sa biyahe. Hindi namin alam kung paano ang lagay mo sa bahay ni Mr. Montgomery, kaya mas mabuting may dala kang pagkain.”
Kinuha niya ito at mahigpit na niyakap si Hana. “Salamat, Hana. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo.”
Hinawakan ni Hana ang kanyang balikat at pilit na ngumiti, kahit halata sa kanyang mga mata na nalulungkot siya sa pag-alis ni Mia. “Basta tandaan mo, hindi ka nag-iisa. Kapag may problema ka, alam mo kung saan mo kami matatagpuan.”
Tumango siya, pilit na nilalabanan ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.
“Umalis ka na bago ka pa abutan ng madrasta at kapatid mo,” dagdag pa ni Hana, at mabilis siyang sumunod.
Bitbit ang kanyang bag at ang binigay na pagkain, nagsimula siyang maglakad palabas ng mansyon. Habang tinatahak niya ang mahabang daan papunta sa gate, hindi niya maiwasang mapansin kung gaano ito kakalma. Dati, tila napakalaki at napakabigat ng lugar na ito para sa kanya. Parang isang kulungan na hindi niya matakasan.
Ngunit ngayon, malaya na siyang lumalabas.
Pagdating niya sa tarangkahan, huminto siya sandali at lumingon sa mansyon.
Napabuntong-hininga siya, marahang ipinikit ang kanyang mga mata. Matapos ang labingwalong taon, sa wakas ay nakalabas din siya sa lugar na matagal nang naging kulungan niya.
Sa mahina ngunit matatag na boses, bumulong siya, “Bye for now, Mama.”
"Good evening, ho, Sir," bati ng kasambahay ni Dawson na si Mona. Siya lamang ang natatanging kasambahay sa mansyon, bukod sa isang butler na si Claude, na tahimik na nakatayo sa isang sulok."Good evening, Sir," magalang namang bati ni Claude."Good evening. Ano ang balita?" tanong ni Dawson habang tinanggal niya ang butones ng kanyang coat, marahang sumandal sa upuan, at hinintay ang sagot ng dalawa."Sir, tinanggap po ng mga Winchester ang engagement. Ang sabi po ay darating na bukas ang young miss," wika ni Claude nang walang bahid ng emosyon.Napatango na lamang si Dawson. Sa loob-loob niya, darating na bukas sa kanyang mansyon ang anak ni Deumon Winchester. Ang alam niya, dalawa ang anak ni Mr. Winchester, ngunit hindi ito naging specific kung sino ang ipapadala upang maging kanyang mapapangasawa. Ang nais lamang nito ay ipakasal ang isa sa kanila, at para kay Dawson, wala siyang pakialam kung sino man ito."Good. Nalinisan na ba ang mansyon?" tanong niya nang walang pag-aalinla
Matapos kumain ni Mia, agad siyang tumungo pabalik sa kanyang silid upang magpalit ng damit. Maingat niyang isinuot ang isang simpleng bestida bago mabilis na lumabas ng kwarto. Habang naglalakad siya sa pasilyo, ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa bahagyang nakabukas na bintana. Tahimik ang buong bahay, tila may isang uri ng bigat na bumabalot sa paligid.Pagdating niya sa kusina, saglit siyang huminto at luminga-linga, ngunit wala siyang nadatnan doon. Napakunot ang kanyang noo bago siya nagdesisyong lumabas patungo sa balkonahe. Doon, agad niyang napansin ang isang pamilyar na pigura—ang kanyang fiancé. Nakatayo ito sa tabi ng maid habang inaayos ng butler ang suot nitong coat.“Sir, ayos lang ho kayo?” tanong ng butler habang maingat na isinusuot ang amerikana sa kanyang fiancé.“I’m fine. You have nothing to worry about,” malamig na sagot ng lalaki. Bahagyang lumingon ito sa kanya, at sa sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, pakiramdam ni Mia ay nanigas
Nang matapos na sina Mia at Mona sa pag-aani ng gulay, dahan-dahan silang naglakad pabalik sa mansyon. Ang araw ay hindi pa gaanong mataas sa langit, kaya naman may kalamigan pa ang hangin. Habang naglalakad, dama ni Mia ang kakaibang kapayapaan na hatid ng umagang iyon—isang bihirang pagkakataon para sa kanya.Pagdating sa kusina, agad nilang inilapag ang basket ng mga bagong aning gulay sa countertop. Sa tingin ni Mia, marami-rami rin silang nakuha, at naisip niyang mas magiging masarap ang kanilang hapunan mamaya. Dahil maaga pa, napagdesisyunan niyang linisin muna ang mga gulay bago ito iluto.Habang abala siya sa paghuhugas, muling nagsalita si Mona. “Maaga umuuwi si Sir, kaya madalas ay maaga kong hinahanda ang pagkain. Pero, ineng, may kailangan akong bilhin sa botika. Pwede bang ikaw na lang ang magluto ng hapunan?”Nagtaas ng tingin si Mia at saglit na natigilan. Hindi siya sigurado kung anong eksaktong ihahanda niya, ngunit alam niyang hindi siya maaaring tumanggi. Isa pa, g
Umalis si Nikolai mula sa kusina, mabilis ang kanyang mga hakbang, na para bang gusto niyang makatakas sa isang bagay na hindi niya kayang harapin. Rinig na rinig niya ang pagtawag sa kanya ni Mona, ngunit sandali pa siyang nag-alinlangan bago lumingon sa kasambahay.Si Mona—ang nag-iisang taong kanyang lubos na pinagkakatiwalaan. Simula nang bumukod siya sa bahay ng kanyang mga magulang, ito na ang laging nakakasama niya. Hindi lang ito basta kasambahay; ito na rin ang nagsilbing gabay at tagapangalaga niya sa mga panahong mag-isa siya.“Sir Nikolai,” tawag ni Mona, may bahagyang pag-aalala sa tinig nito.Huminto siya at hinarap ang matanda, inantay ang sasabihin nito.“Sir, mabuting tao naman si Mia,” panimula ni Mona, bahagyang nag-aalangan ngunit diretsong tinitigan siya. “Sana pagbigyan niyo po siya.”Napatitig siya kay Mona. Alam niyang hindi ito basta-basta nagtatanggol ng kung sino lang. Kilala niya ito bilang isang prangkang tao na hindi nag-aaksaya ng salita para sa mga hind
“Ayoko lang talaga na may ibang tao na hindi ko kilala ang magluluto ng aking pagkain. Yun lang naman,” malamig na wika ni Nikolai, bahagyang ibinaba ang hawak na baso habang pinagmamasdan ang nakayukong si Mia. “Gawin mo ang gusto mong gawin, wala akong pakialam.”Hindi niya alam kung tama ba ang naging tono niya, pero huli na para bawiin iyon. Nakita niyang bahagyang nanikip ang mga balikat ng dalaga, at sa loob ng isang iglap, pakiramdam niya ay may sinabi siyang hindi nararapat.“Pasensya na po. Naiintindihan ko po,” mahina ngunit malinaw na sagot ni Mia.Napansin ni Nikolai ang bahagyang panginginig sa boses nito. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagod, sa kaba, o sa bigat ng nararamdaman ng dalaga. Sa kabila ng mga katanungan sa kanyang isipan, nanatili siyang tahimik, pinagmamasdan ang pigura ni Mia na tila pilit na pinapanatili ang tikas kahit halata sa kilos nito ang pagod.Napabuntong-hininga si Nikolai.“You can go back to your room,” wika niya sa malamig na tono, iniisip n
Kinaumagahan ay maagang nagising si Mia, dala ng pangakong binitiwan niya sa kanyang mapapangasawa—na siya mismo ang maghahanda ng agahan nito. Ayaw niyang biguin si Nikolai, kaya siniguro niyang magiging masarap at espesyal ang kanyang ihahain.Bagaman madilim pa sa labas at ramdam ang malamig na simoy ng hangin, hindi na niya iyon alintana. Kumuha siya ng flashlight at maliit na basket bago tinungo ang kanilang mini garden upang pumili ng sariwang gulay para sa kanyang lulutuin. Sa kabila ng ginaw na bumabalot sa kanyang katawan, hindi na siya nag-abala pang magsuot ng jacket—mas mahalaga sa kanya ang magawa agad ang kanyang tungkulin.Matapos niyang makapamitas ng gulay, agad siyang nagtungo sa kusina. Ang bawat kilos niya ay pulido at mabilis, iniisip niyang dapat ay nakahain na ang pagkain bago pa man magising si Nikolai. Ngunit pagpasok niya sa kusina, bumungad sa kanya si Manang Mona, ang kanilang mayordoma, na tila nagulat sa kanyang presensya.“Ihja, pasensya ka na…” anang ma
Pag-uwi ni Nikolai sa kanilang malawak at eleganteng mansyon, agad siyang sinalubong ni Mia sa may pintuan. Subalit, hindi siya nagtagal upang pansinin ito; napansin niyang nakayuko ang dalaga, tila may iniisip o may nais sabihin ngunit pinili niyang huwag itong gambalain. Sa sandaling iyon, mas nangibabaw sa kanyang isipan ang patuloy niyang pagkalito at mga tanong tungkol sa tunay na pagkatao ng kanyang mapapangasawa. May kung anong bumabagabag sa kanya, ngunit hindi niya pa matukoy kung ano iyon.Dahil sa maaga siyang nakauwi, dumiretso siya sa kanyang study room. Ang silid na ito ay isa sa mga paborito niyang lugar sa mansyon—tahimik, puno ng mahahalagang dokumento at libro, at isang perpektong lugar upang pag-isipan ang mga bagay-bagay. Naupo siya sa kanyang swivel chair at ipinikit saglit ang mga mata, ninanamnam ang katahimikan. Ngunit hindi nagtagal ay biglang bumukas ang pintuan, at sa kanyang harapan ay lumitaw ang kasambahay na si Mona. May dala itong tray ng pagkain na mai
“That’s the question, sir,” wika ni Miguel, ang kanyang boses ay may halong paggalang ngunit hindi maitatanggi ang bahagyang pagtataka na bumabalot dito. “Kasi alam naman natin na wala na talagang nag-e-exist na mga Ynez pagkatapos ng nangyari sa bayan tatlumpung taon na ang nakalipas.”Ang bigat ng kanyang sinabi ay bumalot sa hangin, tila isang aninong bumalot sa buong silid. Ang apelyidong ‘Ynez’ ay hindi na dapat marinig pa sa kasalukuyan, hindi na dapat isinusulat o binibigkas, sapagkat ang lahing ito ay tuluyan nang nawala sa kasaysayan—o iyon ang alam ng lahat.Hindi maaaring balewalain ni Nikolai ang pahayag ni Miguel. Ang mga alingawngaw ng nakaraan ay nagsimulang umalingawngaw sa kanyang isipan, mga aralin sa kasaysayan na paulit-ulit niyang narinig noon pa man. Sa bawat klase, sa bawat pahina ng aklat, hindi kailanman pinalampas ang kwento ng rebelyon ng mga Ynez—isang malagim na kabanata ng kasaysayan na nagdulot ng matinding pagbabago sa bayan. Ngunit sa dami ng ulit na n
“It’s okay, if you still want to stay here, it’s okay—” mahinahong sabi ni Nikolai, ang boses niya’y puno ng pag-unawa.Ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin, mabilis na sumingit si Mia.“Ahh... alis na po ako,” wika niya, halos pabulong, at agad siyang tumalikod, hindi na hinintay pa ang anumang sagot mula kay Nikolai.Tahimik siyang lumakad palabas ng study room. Hindi siya dumiretso sa kanyang kwarto, gaya ng inaasahan. Sa halip, pinili niyang magtungo sa greenhouse—ang tanging lugar sa bahay na nagbibigay sa kanya ng pakiramdam ng pagiging ligtas, tahimik, at malaya. Doon, sa gitna ng mga halaman at amoy ng lupa, nararamdaman niyang hindi siya sinusukat, hindi hinuhusgahan.Umupo siya sa isang sulok, kung saan ang liwanag mula sa buwan ay bahagyang tumatama sa mga dahon ng mga halamang nakapaligid sa kanya. Bitbit pa rin niya ang librong kanina ay hindi niya mabitawan, ngunit sa pagkakataong ito, hindi niya na mabuksan ang pahina.Sinubukan niyang magpatuloy sa pagbasa, pero b
Hindi na nagsalita pa si Mia hanggang sa makauwi sila sa bahay ni Nikolai. Tahimik ang buong biyahe, tila parehong abala sa kani-kanilang iniisip. Si Mia ay nakatanaw lang sa bintana ng sasakyan, pinagmamasdan ang mga dumadaang tanawin, habang si Nikolai naman ay tahimik sa manibela, hindi rin nagbukas ng kahit anong usapan.Hindi niya rin alam kung bakit siya natahimik—maaaring napagod lang siya sa araw, o baka may bagay na gumugulo sa isip niya na hindi pa niya kayang banggitin. Sa likod ng katahimikan ay naroon ang pakiramdam na iyon ang nararapat. Walang pilitang usapan, walang mga tanong na kailangang sagutin.Pagdating nila sa bahay, agad silang sinalubong ng malamig na hangin at ang pamilyar na katahimikan ng lugar. Tumigil si Nikolai sa may pintuan at muling hinarap si Mia.“May inaayos pa sa kwarto mo,” mahinahon niyang sabi. “Kung maaari, sa greenhouse ka muna pansamantala.”Tumango lang si Mia bilang tugon. Wala siyang reklamo. Sanay siyang hindi pinaprioridad, at ang magka
“Anong gusto mong gawin sa bahay, kapag may bakanteng oras ka?” tanong ni Nikolai kay Mia habang inaayos ang tasa ng kape sa harap niya. Simple lang ang tanong, pero may halong interes sa tono niya—gusto niyang malaman ang mga bagay na nagpapasaya sa dalaga, kahit sa pinakasimpleng paraan.Napatingin si Mia kay Nikolai, tila nagulat sa tanong. Sandaling natahimik, saka siya maingat na nagsalita.“Gusto kong matutong magsulat at magbasa, sa wikang Ingles,” sagot niya, diretsong wika, walang pagdadalawang-isip. Sa tono ng kanyang boses ay halatang matagal na niyang ninanais iyon, isang simpleng pangarap na para sa kanya ay tila napakalayo.Ngunit nang mapagtanto niya ang kabuuan ng sinabi niya—na sa edad niya ay hindi pa siya bihasa sa pagbabasa at pagsusulat sa Ingles—napayuko siya agad, at halos ikubli ang mukha. Nahihiya siya sa inamin, parang may malaking kahinaan siyang ibinunyag.“I’m sorry, sir… kung… kung—” nagsimula siyang magsalita, nanginginig ang tinig, tila nag-aalangan kun
“What do you want?” tanong ni Nikolai kay Mia, at napatingin naman si Mia sa lalaki, hindi alam kung ano ang isasagot. Sa halip, nakatingin lang siya sa mga dessert na nasa menu. Gusto niyang tikman lahat—lahat ng kulay, lasa, at texture na naroon—pero alam niyang hindi naman pwede iyon, kaya nanatili siyang tahimik, pinipigilang madala ng tukso.“Pa-order na lang ng isang parfait at saka isang cheesecake,” wika ni Nikolai sa waitress, na agad namang tumango at umalis upang ipasa ang order nila sa kitchen.Umupo silang dalawa sa isang bakanteng mesa na medyo nasa sulok ng café. Tahimik ang paligid, may malamig na hangin mula sa aircon, at tila nakakalamang musika ang umiikot sa background. Habang inaantay ang kanilang order, kinuha ni Nikolai ang cellphone mula sa bulsa at nagsimulang mag-scroll, samantalang si Mia naman ay patingin-tingin sa paligid. Halatang bago pa lang siya sa ganitong klase ng lugar. First time niyang makapasok sa isang café na ganito kaayos, maaliwalas, at kapre
“Halika dito, let me show you some new fabrics,” wika ng may-ari habang masiglang tinawag si Nikolai papalapit sa isang panibagong section ng shop. Sumunod naman si Nikolai, marahan ang bawat hakbang habang nakikiramdam sa paligid.“May mga bagong design kami dito,” dagdag pa ng may-ari habang inilalatag ang ilang papel na may mga sketch. “Exclusive ang mga ito—once na mapili niyo ang design, hindi na namin iyon ibebenta sa iba. Sa inyo lang talaga.”Tahimik na sinuri ni Nikolai ang bawat disenyo. Simple pero elegante ang mga linya ng mga sketch, at sa bawat guhit ay naisip niya kung paano babagay ang mga iyon sa pigura ni Mia. Isa sa mga ito ang agad na humuli sa kanyang atensyon—isang damit na may modernong hiwa pero may tradisyonal na detalye. Kinuha niya ang papel at saka iniangat para makita nang mas maayos.Kasabay nito, tumingin siya sa hanay ng mga tela, at doon ay nahagip ng kanyang paningin ang isang tela na kulay emerald green. Ang texture nito ay makinis at kumikislap sa i
Pagpasok nila sa opisina ay agad silang sinalubong ng ilang kasamahan ni Nikolai—mga empleyado at opisyal na bumati at bahagyang yumuko bilang paggalang. May ilan sa mga ito ang sumulyap kay Mia, at hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding pagkailang. Hindi siya sanay sa ganoong atensyon, lalo na't hindi niya alam kung paano siya titingnan ng mga taong nakapaligid kay Nikolai.Tahimik siyang naglakad sa tabi ng binata, pinipilit na huwag pansinin ang mga matang tila nag-uusisa. Ngunit unti-unting bumagal ang kanyang hakbang, at sa likod ng kanyang likas na tahimik na kilos, ay bahagyang yumuko si Mia—parang nais niyang itago ang sarili mula sa mga mapanuring tingin.Napansin iyon ni Nikolai. Saglit siyang tumigil sa paglalakad at tiningnan si Mia, saka bahagyang yumuko upang magsalita sa mahinahong tinig.“Saglit lang tayo dito. Maaga pa naman,” aniya, malamig ngunit may halong pagkalinga ang tinig. “Lapit ka dito para hindi ka mailang.”Nag-angat ng tingin si Mia at tumango. Sumu
Kinaumagahan ay maagang nagising si Mia. Mga alas tres pa lang ng madaling araw ay bumangon na siya mula sa kanyang kama. Tahimik pa ang buong bahay, at ang tanging naririnig ay ang mahihinang huni ng kuliglig mula sa labas.Pagkatapos ay agad siyang naligo, binilisan ang kilos ngunit sinigurong maayos ang sarili. Sanay na siya sa ganitong rutina—ang maagang paggising, ang katahimikan ng umaga, at ang pag-aasikaso sa bahay bago pa man gumising ang ibang tao.Pagkatapos maligo ay nagpunas siya ng buhok gamit ang tuwalya habang naglalakad papunta sa kusina. Madilim pa ang paligid ngunit kabisado na niya ang bawat sulok, kaya hindi na siya nagbukas ng ilaw. Sa pagdating niya sa kusina, agad siyang nagtungo sa lalagyan ng bigas at kumuha ng sapat para magsaing. Maingat niyang hinugasan ang bigas at saka inilagay sa rice cooker.Habang nagsasaing ng kanin, lumapit si Mia sa refrigerator upang silipin kung ano ang maaari niyang iluto para sa agahan. Maingat niyang binuksan ang pinto nito at
“Sir, nasa greenhouse po,” wika ng kasambahay habang magalang na tumungo. Napatingin naman si Nikolai sa direksyon ng pintuang patungo sa greenhouse, waring nag-isip saglit bago siya napabuntong-hininga.Marahang itinukod niya ang kanyang mga kamay sa gilid ng pintuan bago tuluyang naglakad papasok. Sa pagpasok niya sa greenhouse, agad niyang napansin ang malamig na simoy ng hangin na may halong samyo ng sariwang halaman. Ang mga baging na nakapulupot sa mga haligi, ang mga paso ng iba’t ibang klase ng bulaklak, at ang kaaya-ayang liwanag na pumapasok mula sa bubong na yari sa salamin ay nagbigay ng tahimik at payapang ambiance sa buong lugar. Kahit paano, may kung anong pakiramdam ng katahimikan at kalma ang dumaloy sa kanya.Sa gitna ng lahat ng ito, doon niya nakita ang dalaga—nakaupo sa isang upuan, waring payapang natutulog. Nakapikit ang kanyang mga mata, at bahagyang nakalaylay ang kanyang ulo, mistulang nalulunod sa sariling mundo ng katahimikan. Napansin ni Nikolai kung paano
“That’s the question, sir,” wika ni Miguel, ang kanyang boses ay may halong paggalang ngunit hindi maitatanggi ang bahagyang pagtataka na bumabalot dito. “Kasi alam naman natin na wala na talagang nag-e-exist na mga Ynez pagkatapos ng nangyari sa bayan tatlumpung taon na ang nakalipas.”Ang bigat ng kanyang sinabi ay bumalot sa hangin, tila isang aninong bumalot sa buong silid. Ang apelyidong ‘Ynez’ ay hindi na dapat marinig pa sa kasalukuyan, hindi na dapat isinusulat o binibigkas, sapagkat ang lahing ito ay tuluyan nang nawala sa kasaysayan—o iyon ang alam ng lahat.Hindi maaaring balewalain ni Nikolai ang pahayag ni Miguel. Ang mga alingawngaw ng nakaraan ay nagsimulang umalingawngaw sa kanyang isipan, mga aralin sa kasaysayan na paulit-ulit niyang narinig noon pa man. Sa bawat klase, sa bawat pahina ng aklat, hindi kailanman pinalampas ang kwento ng rebelyon ng mga Ynez—isang malagim na kabanata ng kasaysayan na nagdulot ng matinding pagbabago sa bayan. Ngunit sa dami ng ulit na n