Matapos kumain ni Mia, agad siyang tumungo pabalik sa kanyang silid upang magpalit ng damit. Maingat niyang isinuot ang isang simpleng bestida bago mabilis na lumabas ng kwarto. Habang naglalakad siya sa pasilyo, ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa bahagyang nakabukas na bintana. Tahimik ang buong bahay, tila may isang uri ng bigat na bumabalot sa paligid.
Pagdating niya sa kusina, saglit siyang huminto at luminga-linga, ngunit wala siyang nadatnan doon. Napakunot ang kanyang noo bago siya nagdesisyong lumabas patungo sa balkonahe. Doon, agad niyang napansin ang isang pamilyar na pigura—ang kanyang fiancé. Nakatayo ito sa tabi ng maid habang inaayos ng butler ang suot nitong coat.
“Sir, ayos lang ho kayo?” tanong ng butler habang maingat na isinusuot ang amerikana sa kanyang fiancé.
“I’m fine. You have nothing to worry about,” malamig na sagot ng lalaki. Bahagyang lumingon ito sa kanya, at sa sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, pakiramdam ni Mia ay nanigas siya sa kinatatayuan niya.
Napalunok siya ng sariling laway bago naglakas-loob na magsalita. “Good morning—”
Ngunit bago pa niya matapos ang pagbati ay agad siyang pinutol ng kanyang fiancé.
“Bumati ka na kanina. Nakakarindi nang pakinggan,” malamig nitong sambit, dahilan upang mapayuko si Mia.
Pinilit niyang pigilan ang kaba sa kanyang dibdib at mahina niyang sinabi, “Pasensya na po…” Kasabay nito, mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng kanyang palda, tila isang paraan upang pigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay.
Muling lumalim ang boses ng kanyang fiancé nang muli itong magsalita. “Wala ka na bang ibang alam na sabihin? You’re always saying sorry—it really pisses me off! Bakit ka ba ng sorry nang sorry?”
Sa biglaang tanong nito, hindi agad nakasagot si Mia. Ramdam niya ang panunuyo ng kanyang lalamunan at ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Bahagyang nanikip ang kanyang dibdib, at pakiramdam niya ay may kung anong bumara sa kanyang lalamunan.
“Ah… sorry po,” mahina niyang tugon, halos pabulong, dahil hindi niya alam kung ano pa ang dapat niyang sabihin.
Napailing ang lalaki bago muling nagsalita. “Yuyuko ka na lang ba? Raise your head,” mariing utos nito.
Mabagal niyang iniangat ang kanyang mukha, ngunit bago pa niya lubos na mailapat ang kanyang paningin sa lalaki, narinig niya ang mahinang bulong ng yaya na lumapit sa kanya.
“Ma’am, huwag kang yuyuko,” paalala nito, at muli siyang tumingin sa kanyang fiancé.
Sa sandaling iyon, hindi niya mapigilang mapaangat ang kanyang paningin at titigan ang lalaki sa kanyang harapan. Noon lang niya napagtanto kung gaano ito kagwapo—tila perpektong hinulma ng tadhana ang bawat linya at hugis ng mukha nito. Ang matangos nitong ilong, ang malalim na mata na tila laging may binabasa sa kanyang kaluluwa, at ang malamlam ngunit matikas nitong ekspresyon ay sapat na upang iwan siyang nakatulala.
Napansin ng lalaki ang kanyang pagtitig, kaya bahagya itong napakunot-noo bago nagwika, “I haven’t introduced myself to you.”
Saglit itong huminto, tila sinusukat ang kanyang magiging reaksyon. Ngunit si Mia ay nanatiling tahimik, hindi agad naunawaan ang nais nitong ipahiwatig.
“I’m Nikolai Aziel Montgomery. You can call me Nikolai,” anito, at marahang tumango si Mia bilang pagsang-ayon.
Ngunit sa kanyang gulat, nakita niyang bahagyang napailing ang kanyang fiancé, tila hindi nasiyahan sa kanyang naging tugon.
“Banggitin mo nga kung nakinig ka ba sa akin,” malamig na hiling nito.
Mabilis niyang nireplay sa kanyang isipan kung paano binigkas ng lalaki ang sariling pangalan nito. Napalunok siya bago sinubukang ulitin iyon.
“Ni… Ko… La… I…”
Ramdam niya ang kaba sa kanyang dibdib, at dahil sa hiya sa sarili niyang pagbigkas, muli siyang napayuko. Sa kanyang isipan, biglang sumagi ang alaala ng panunuyang natanggap niya noon mula sa kanyang kapatid—ang panunuya sa kanyang kahinaan pagdating sa pagsasalita ng mga banyagang pangalan.
Laking gulat na lamang niya nang marinig ang mahinang buntong-hininga ng lalaki, kasabay ng malambing ngunit matigas nitong boses.
“Just call me Niko, para hindi ka na mahirapan,” anito.
Napatitig si Mia sa kanyang fiancé, hindi makapaniwala sa narinig. Inaasahan niyang pupunahin siya nito, pagtatawanan marahil, o kukutsain gaya ng madalas gawin ng kanyang kapatid. Ngunit hindi. Imbes na ipahiya siya, pinadali pa nito ang paraan ng kanyang pagtawag sa kanya.
Sa sandaling iyon, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman—kung siya ba’y matutuwa o mas lalong mailang sa presensya ng kanyang mapapangasawa.
Bubuksan pa sana niya ang kanyang bibig upang magsalita, ngunit bigla na lamang itong tumingin sa butler na nasa tabi nito.
“Let’s go. May meeting pa ako,” seryosong wika nito, saka siya muling tiningnan.
Muling bumigat ang pakiramdam ni Mia nang marinig ang sunod na sinabi ng kanyang fiancé.
“Take care of her. You know,” anito, at saglit na nagtagal ang tingin nito sa kasambahay.
Napatingin naman si Mia sa butler na tila may nais siyang itanong, ngunit wala siyang lakas ng loob upang magsalita. May kung anong misteryo sa mga salitang iyon, na tila may mas malalim na kahulugan kaysa sa simpleng pagpapaalala.
“Okay po, Sir,” sagot naman ng kasambahay, marahang tumango bilang pagsang-ayon.
Hindi na muling nagsalita si Nikolai. Sa halip, tumalikod ito at nagsimulang maglakad palayo.
Mia, na patuloy na nakayuko, ay mahina ngunit taos-pusong bumulong, “Ingat ho kayo…”
Hindi niya alam kung narinig iyon ng lalaki, ngunit sa kabila ng lahat, iyon lang ang tanging salitang nagawa niyang sabihin. Pakiramdam niya ay may kung anong bumara sa kanyang lalamunan—isang halo ng kaba, hiya, at kung anong emosyon na hindi niya maipaliwanag.
Nang tuluyan nang makaalis ang kanyang fiancé, unti-unti niyang iniangat ang kanyang tingin at saka napatingin kay Mona, ang nag-iisang kasambahay sa pamamahay na ito. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang isang maayos na usapan, ngunit nais niyang makilala kahit papaano ang iilang taong nasa paligid niya.
Napansin niyang nasa early fifties na ang babae, halata ito sa puti-puting hibla ng buhok nito. Bagaman may bakas ng pagtanda sa mukha nito, may kakaibang sigla pa rin ang kanyang mga mata—tila ba puno ng karanasan at kaalaman sa buhay.
“Ano po, uh, matagal na ho ba kayong nagtatrabaho dito?” tanong ni Mia, may bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang tinig.
Napangiti si Mona bago sumagot. “Naah, oo, hija. Matagal-tagal na rin. Medyo pihikan din sa tao si Sir, kaya ako lang ang nandito,” paliwanag nito habang nagsimulang maglakad papunta sa isang lugar.
Sinabayan naman siya ni Mia at lihim na tinignan ang paligid. Noon lang niya napansin na tila may patagong kagandahan ang lugar na ito—hindi lang puro malamig at matigas na pader, kundi may mga bahagi ring may buhay at kulay. Sa kanilang nilalakaran, napansin niyang unti-unting lumalawak ang espasyo, hanggang sa makarating sila sa isang lugar na napapalibutan ng luntiang halaman.
“Mini garden pala ito…” napabulong na sambit ni Mia, napahanga sa simpleng ngunit maayos na taniman.
Napansin ni Mona ang kanyang pagkagiliw at napangiti ito. “Medyo pihikan si Sir sa pagkain, kaya may mini garden dito. May nag-aalaga naman nito pero hindi stay-in. Ako rin, hindi dito natutulog. Sa kabilang bahay ako, mga limampung metro ang layo.” Tinuro naman nito ang isang maliit na bahay na may pulang bubong, na bahagyang natatabunan ng mga puno.
Habang iniikot ni Mia ang kanyang paningin, may nakita siyang isang basket na nakapatong sa isang lumang bangko. Kinuha niya ito at marahang hinawakan, wari’y sinusuri kung para saan ito ginagamit.
“Tamang-tama, uuwi si Sir mamayang hapon. Magha-harvest tayo ng gulay para may mailuto sa dinner,” wika ni Mona, dahilan upang mapatingin si Mia sa kanya.
Tumango naman siya bilang pagsang-ayon, at agad nilang sinimulan ang pamimitas ng gulay. Habang si Mona ang nagtatanggal ng mga dahon at bunga, si Mia naman ang maingat na naglalagay ng mga ito sa basket. Hindi niya namalayan na unti-unting lumalambot ang kanyang pakiramdam—tila ba nagiging magaan ang kanyang loob habang abala sila sa ginagawa.
Habang nagpipitas, hindi niya maiwasang mapangiti. Matagal na rin mula noong huli siyang nakaramdam ng ganitong kasimple ngunit taos-pusong kasiyahan.
“Tara, punta tayo sa manukan. Kukuha tayo ng itlog para makapagluto ng pang-meryenda,” aya ni Mona, sabay lakad patungo sa kabilang bahagi ng bakuran.
Sa pagkakataong iyon, hindi na nag-alinlangan si Mia na sumunod. Sa unang pagkakataon simula nang dumating siya sa bahay na ito, pakiramdam niya ay may isang bahagi ng lugar na kayang siyang tanggapin—isang maliit na sulok kung saan siya maaaring huminga at maramdaman na hindi siya nag-iisa.
Nang matapos na sina Mia at Mona sa pag-aani ng gulay, dahan-dahan silang naglakad pabalik sa mansyon. Ang araw ay hindi pa gaanong mataas sa langit, kaya naman may kalamigan pa ang hangin. Habang naglalakad, dama ni Mia ang kakaibang kapayapaan na hatid ng umagang iyon—isang bihirang pagkakataon para sa kanya.Pagdating sa kusina, agad nilang inilapag ang basket ng mga bagong aning gulay sa countertop. Sa tingin ni Mia, marami-rami rin silang nakuha, at naisip niyang mas magiging masarap ang kanilang hapunan mamaya. Dahil maaga pa, napagdesisyunan niyang linisin muna ang mga gulay bago ito iluto.Habang abala siya sa paghuhugas, muling nagsalita si Mona. “Maaga umuuwi si Sir, kaya madalas ay maaga kong hinahanda ang pagkain. Pero, ineng, may kailangan akong bilhin sa botika. Pwede bang ikaw na lang ang magluto ng hapunan?”Nagtaas ng tingin si Mia at saglit na natigilan. Hindi siya sigurado kung anong eksaktong ihahanda niya, ngunit alam niyang hindi siya maaaring tumanggi. Isa pa, g
Umalis si Nikolai mula sa kusina, mabilis ang kanyang mga hakbang, na para bang gusto niyang makatakas sa isang bagay na hindi niya kayang harapin. Rinig na rinig niya ang pagtawag sa kanya ni Mona, ngunit sandali pa siyang nag-alinlangan bago lumingon sa kasambahay.Si Mona—ang nag-iisang taong kanyang lubos na pinagkakatiwalaan. Simula nang bumukod siya sa bahay ng kanyang mga magulang, ito na ang laging nakakasama niya. Hindi lang ito basta kasambahay; ito na rin ang nagsilbing gabay at tagapangalaga niya sa mga panahong mag-isa siya.“Sir Nikolai,” tawag ni Mona, may bahagyang pag-aalala sa tinig nito.Huminto siya at hinarap ang matanda, inantay ang sasabihin nito.“Sir, mabuting tao naman si Mia,” panimula ni Mona, bahagyang nag-aalangan ngunit diretsong tinitigan siya. “Sana pagbigyan niyo po siya.”Napatitig siya kay Mona. Alam niyang hindi ito basta-basta nagtatanggol ng kung sino lang. Kilala niya ito bilang isang prangkang tao na hindi nag-aaksaya ng salita para sa mga hind
“Ayoko lang talaga na may ibang tao na hindi ko kilala ang magluluto ng aking pagkain. Yun lang naman,” malamig na wika ni Nikolai, bahagyang ibinaba ang hawak na baso habang pinagmamasdan ang nakayukong si Mia. “Gawin mo ang gusto mong gawin, wala akong pakialam.”Hindi niya alam kung tama ba ang naging tono niya, pero huli na para bawiin iyon. Nakita niyang bahagyang nanikip ang mga balikat ng dalaga, at sa loob ng isang iglap, pakiramdam niya ay may sinabi siyang hindi nararapat.“Pasensya na po. Naiintindihan ko po,” mahina ngunit malinaw na sagot ni Mia.Napansin ni Nikolai ang bahagyang panginginig sa boses nito. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagod, sa kaba, o sa bigat ng nararamdaman ng dalaga. Sa kabila ng mga katanungan sa kanyang isipan, nanatili siyang tahimik, pinagmamasdan ang pigura ni Mia na tila pilit na pinapanatili ang tikas kahit halata sa kilos nito ang pagod.Napabuntong-hininga si Nikolai.“You can go back to your room,” wika niya sa malamig na tono, iniisip n
Kinaumagahan ay maagang nagising si Mia, dala ng pangakong binitiwan niya sa kanyang mapapangasawa—na siya mismo ang maghahanda ng agahan nito. Ayaw niyang biguin si Nikolai, kaya siniguro niyang magiging masarap at espesyal ang kanyang ihahain.Bagaman madilim pa sa labas at ramdam ang malamig na simoy ng hangin, hindi na niya iyon alintana. Kumuha siya ng flashlight at maliit na basket bago tinungo ang kanilang mini garden upang pumili ng sariwang gulay para sa kanyang lulutuin. Sa kabila ng ginaw na bumabalot sa kanyang katawan, hindi na siya nag-abala pang magsuot ng jacket—mas mahalaga sa kanya ang magawa agad ang kanyang tungkulin.Matapos niyang makapamitas ng gulay, agad siyang nagtungo sa kusina. Ang bawat kilos niya ay pulido at mabilis, iniisip niyang dapat ay nakahain na ang pagkain bago pa man magising si Nikolai. Ngunit pagpasok niya sa kusina, bumungad sa kanya si Manang Mona, ang kanilang mayordoma, na tila nagulat sa kanyang presensya.“Ihja, pasensya ka na…” anang ma
Sa loob ng marangyang mansyon ng kanyang ama, abala si Mia sa paglalaba ng mahahabang kurtina sa malawak na likod-bahay. Kasama niya ang isa sa mga maid ng mansyon, si Hana, na masigasig ding tumutulong sa kanya. Ramdam ni Mia ang bigat ng basang tela sa kanyang mga kamay habang pinipiga ito upang maalis ang sobrang tubig. Ang init ng araw ay dumadampi sa kanyang balat, at ang kanyang pawis ay bumabagsak sa puting tela ng kurtina. Sa kabila ng hirap ng gawain, nanatili siyang tahimik at determinado.Habang nakaluhod siya sa tabi ng malaking batya, biglang bumukas ang pintuan ng terrace at pumasok ang kanyang step-sister na si Kristina. Nakasuot ito ng napakagarang damit na bumagay sa kanyang payat at matangkad na pangangatawan. Kasabay ng kanyang pagpasok ay ang malutong niyang halakhak na parang musika ng panunuya.“Oh, my dear sister, kawawa ka naman,” ani Kristina habang hinahaplos ang malambot na tela ng kanyang mamahaling damit. “Look at me—I’m wearing this beautiful dress. Pupun
Habang nagwawalis si Mia sa harapan ng kanilang bahay, abala siya sa pag-aalis ng mga dahon at alikabok na nagkalat sa lupa. Mahangin ang umagang iyon, kaya’t paminsan-minsan ay napapatigil siya upang takpan ang kanyang mukha sa dumadaang alikabok.Sa gitna ng kanyang ginagawa, natanaw niya si Kaisuz na papalapit, may bitbit itong isang paper bag. Hindi niya matukoy kung ano ang laman nito, ngunit halata sa kilos ng lalaki na may nais itong ibigay. Agad na bumilis ang tibok ng kanyang puso, kaya bago pa siya mapansin ni Kaisuz ay agad siyang tumalikod at nagmamadaling pumunta sa kusina, tila iniiwasan ang anumang posibleng pag-uusap sa pagitan nila. Ngunit bago pa siya tuluyang makatalikod, narinig niyang tinawag siya ng binata.“Mia!”Napilitan siyang huminto at dahan-dahang lumingon.“Hi, Mia…” bati ni Kaisuz, halatang may bahagyang hiya sa kanyang tinig. Mahigpit niyang hawak ang paper bag na tila nag-aalinlangan pa kung ibibigay ba o hindi.Saglit na natigilan si Mia, hindi alam k
Nanlaki ang mga mata ni Mia sa matinding pagkabigla sa sinabi ng kanyang ama. Para bang saglit na tumigil ang mundo niya, ngunit alam niyang wala siyang karapatang magreklamo. Wala siyang magagawa.“Okay po, Papa,” mahina niyang tugon.Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan, marahang yumuko bilang respeto, saka agad na naglakad palabas ng greenhouse. Wala nang silbi pang manatili siya roon—wala namang makikinig kahit subukan pa niyang ipaglaban ang sarili niya.Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas, muling nagsalita ang kanyang ama.“Bukas ng umaga ay aalis ka na dito. Nandito ang address ni Mr. Montgomery,” malamig na sabi nito habang inilapag sa mesa ang isang maliit na papel.Agad namang lumapit si Mia upang kunin ito. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang binabasa ang nakasulat na address. Hindi niya pa lubusang naiintindihan ang bigat ng desisyong ito, pero isa lang ang alam niya—mula bukas, magbabago ang kanyang buhay.Ngunit sa gitna ng katahimikan, isang mapanuyang tinig a
Matapos tapusin ang paglilinis sa bodega, bumalik na si Mia sa kanyang kwarto. Tahimik siyang pumasok at isinara ang pinto, pakiramdam niya ay parang isang buong araw na siyang pagod kahit hindi pa lumulubog ang araw.Umupo siya sa isang sulok ng kanyang maliit na silid, hinayaan ang sarili niyang titigan ang bag na magdadala ng kakaunti niyang gamit sa bagong buhay na naghihintay sa kanya. Isang pantulog, dalawang maid uniform, at ilang piraso ng underwear—iyon lang ang meron siya. Hindi niya alam kung paano siya magsisimula sa bagong bahay, sa piling ng lalaking hindi niya pa nakikita ni minsan.Habang nakapako ang kanyang tingin sa bag, biglang bumukas ang pintuan. Napatingin siya at nakita si Hana, isa sa mga kasambahay sa mansyon. May dala itong isang paper bag at isang dress na maingat na nakabalot sa tela. Hindi niya matukoy kung anong klaseng tela iyon, basta alam niyang mukhang mamahalin.“Ito ang isusuot mo bukas, Mia,” malamig na wika ni Hana habang inilalapag ang dala sa k
Kinaumagahan ay maagang nagising si Mia, dala ng pangakong binitiwan niya sa kanyang mapapangasawa—na siya mismo ang maghahanda ng agahan nito. Ayaw niyang biguin si Nikolai, kaya siniguro niyang magiging masarap at espesyal ang kanyang ihahain.Bagaman madilim pa sa labas at ramdam ang malamig na simoy ng hangin, hindi na niya iyon alintana. Kumuha siya ng flashlight at maliit na basket bago tinungo ang kanilang mini garden upang pumili ng sariwang gulay para sa kanyang lulutuin. Sa kabila ng ginaw na bumabalot sa kanyang katawan, hindi na siya nag-abala pang magsuot ng jacket—mas mahalaga sa kanya ang magawa agad ang kanyang tungkulin.Matapos niyang makapamitas ng gulay, agad siyang nagtungo sa kusina. Ang bawat kilos niya ay pulido at mabilis, iniisip niyang dapat ay nakahain na ang pagkain bago pa man magising si Nikolai. Ngunit pagpasok niya sa kusina, bumungad sa kanya si Manang Mona, ang kanilang mayordoma, na tila nagulat sa kanyang presensya.“Ihja, pasensya ka na…” anang ma
“Ayoko lang talaga na may ibang tao na hindi ko kilala ang magluluto ng aking pagkain. Yun lang naman,” malamig na wika ni Nikolai, bahagyang ibinaba ang hawak na baso habang pinagmamasdan ang nakayukong si Mia. “Gawin mo ang gusto mong gawin, wala akong pakialam.”Hindi niya alam kung tama ba ang naging tono niya, pero huli na para bawiin iyon. Nakita niyang bahagyang nanikip ang mga balikat ng dalaga, at sa loob ng isang iglap, pakiramdam niya ay may sinabi siyang hindi nararapat.“Pasensya na po. Naiintindihan ko po,” mahina ngunit malinaw na sagot ni Mia.Napansin ni Nikolai ang bahagyang panginginig sa boses nito. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagod, sa kaba, o sa bigat ng nararamdaman ng dalaga. Sa kabila ng mga katanungan sa kanyang isipan, nanatili siyang tahimik, pinagmamasdan ang pigura ni Mia na tila pilit na pinapanatili ang tikas kahit halata sa kilos nito ang pagod.Napabuntong-hininga si Nikolai.“You can go back to your room,” wika niya sa malamig na tono, iniisip n
Umalis si Nikolai mula sa kusina, mabilis ang kanyang mga hakbang, na para bang gusto niyang makatakas sa isang bagay na hindi niya kayang harapin. Rinig na rinig niya ang pagtawag sa kanya ni Mona, ngunit sandali pa siyang nag-alinlangan bago lumingon sa kasambahay.Si Mona—ang nag-iisang taong kanyang lubos na pinagkakatiwalaan. Simula nang bumukod siya sa bahay ng kanyang mga magulang, ito na ang laging nakakasama niya. Hindi lang ito basta kasambahay; ito na rin ang nagsilbing gabay at tagapangalaga niya sa mga panahong mag-isa siya.“Sir Nikolai,” tawag ni Mona, may bahagyang pag-aalala sa tinig nito.Huminto siya at hinarap ang matanda, inantay ang sasabihin nito.“Sir, mabuting tao naman si Mia,” panimula ni Mona, bahagyang nag-aalangan ngunit diretsong tinitigan siya. “Sana pagbigyan niyo po siya.”Napatitig siya kay Mona. Alam niyang hindi ito basta-basta nagtatanggol ng kung sino lang. Kilala niya ito bilang isang prangkang tao na hindi nag-aaksaya ng salita para sa mga hind
Nang matapos na sina Mia at Mona sa pag-aani ng gulay, dahan-dahan silang naglakad pabalik sa mansyon. Ang araw ay hindi pa gaanong mataas sa langit, kaya naman may kalamigan pa ang hangin. Habang naglalakad, dama ni Mia ang kakaibang kapayapaan na hatid ng umagang iyon—isang bihirang pagkakataon para sa kanya.Pagdating sa kusina, agad nilang inilapag ang basket ng mga bagong aning gulay sa countertop. Sa tingin ni Mia, marami-rami rin silang nakuha, at naisip niyang mas magiging masarap ang kanilang hapunan mamaya. Dahil maaga pa, napagdesisyunan niyang linisin muna ang mga gulay bago ito iluto.Habang abala siya sa paghuhugas, muling nagsalita si Mona. “Maaga umuuwi si Sir, kaya madalas ay maaga kong hinahanda ang pagkain. Pero, ineng, may kailangan akong bilhin sa botika. Pwede bang ikaw na lang ang magluto ng hapunan?”Nagtaas ng tingin si Mia at saglit na natigilan. Hindi siya sigurado kung anong eksaktong ihahanda niya, ngunit alam niyang hindi siya maaaring tumanggi. Isa pa, g
Matapos kumain ni Mia, agad siyang tumungo pabalik sa kanyang silid upang magpalit ng damit. Maingat niyang isinuot ang isang simpleng bestida bago mabilis na lumabas ng kwarto. Habang naglalakad siya sa pasilyo, ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa bahagyang nakabukas na bintana. Tahimik ang buong bahay, tila may isang uri ng bigat na bumabalot sa paligid.Pagdating niya sa kusina, saglit siyang huminto at luminga-linga, ngunit wala siyang nadatnan doon. Napakunot ang kanyang noo bago siya nagdesisyong lumabas patungo sa balkonahe. Doon, agad niyang napansin ang isang pamilyar na pigura—ang kanyang fiancé. Nakatayo ito sa tabi ng maid habang inaayos ng butler ang suot nitong coat.“Sir, ayos lang ho kayo?” tanong ng butler habang maingat na isinusuot ang amerikana sa kanyang fiancé.“I’m fine. You have nothing to worry about,” malamig na sagot ng lalaki. Bahagyang lumingon ito sa kanya, at sa sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, pakiramdam ni Mia ay nanigas
"Good evening, ho, Sir," bati ng kasambahay ni Dawson na si Mona. Siya lamang ang natatanging kasambahay sa mansyon, bukod sa isang butler na si Claude, na tahimik na nakatayo sa isang sulok."Good evening, Sir," magalang namang bati ni Claude."Good evening. Ano ang balita?" tanong ni Dawson habang tinanggal niya ang butones ng kanyang coat, marahang sumandal sa upuan, at hinintay ang sagot ng dalawa."Sir, tinanggap po ng mga Winchester ang engagement. Ang sabi po ay darating na bukas ang young miss," wika ni Claude nang walang bahid ng emosyon.Napatango na lamang si Dawson. Sa loob-loob niya, darating na bukas sa kanyang mansyon ang anak ni Deumon Winchester. Ang alam niya, dalawa ang anak ni Mr. Winchester, ngunit hindi ito naging specific kung sino ang ipapadala upang maging kanyang mapapangasawa. Ang nais lamang nito ay ipakasal ang isa sa kanila, at para kay Dawson, wala siyang pakialam kung sino man ito."Good. Nalinisan na ba ang mansyon?" tanong niya nang walang pag-aalinla