Share

Chapter Two

Author: FourStars
last update Huling Na-update: 2025-03-17 07:04:38

Nang halikan ni Selena si Axel, nagdilim ang mukha nito. Bago pa ito makapag-react ay nagsalita ulit si Selena. "Samahan mo ‘ko uminom at magpakalasing!" aniya, sabay hila ni Selena kay Axel sa isang mesa.

Kahit lasing na, nagpatuloy pa rin siya sa pag-inom. Tahimik lamang si Axel na pinagmamasdan siya habang naglalabas ng sama ng loob.

Kahit nauutal, hindi pa rin siya tumitigil sa pagsasalita habang diretso ang tungga mula sa bote. Samantalang si Selena ay nakaubos na ng tatlong bote ng alak, isang baso pa lang ang naiinom ni Axel.

Kalaunan, bumagsak si Selena sa matinding kalasingan. Gusto ng umalis ni Axel at iwan siya roon. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi niya magawang talikuran ang babae kahit pa hindi naman niya ito lubos na kilala.

Napabuntong-hininga na lamang siya bago tuluyang binuhat si Selena at dalhin sa isang hotel.

Nang makarating sa hotel, pumasok sila sa isang magarang silid. Akmang ibababa na ni Axel si Selena nang bigla itong humawak sa kanya nang mahigpit.

Kunot-noo siyang napabuntong hininga at hindi napigilan sabihin, “ibababa na kita, ang bigat mo kaya.”

Ngunit sa halip na bumitaw, lalo pang humigpit ang yakap ni Selena.

Umiling siya habang nagsusumamo. “Ayaw ko. Sigurado akong aalis ka na kapag iniwan mo ako rito. Dito ka lang sa tabi ko, please?”

Magpapaliwanag pa sana si Axel, ngunit bago pa siya makapagsalita ulit, biglang h******n siyang muli ni Selena. Nanigas ang buong katawan ni Axel, lalo na nang bumaba ang mga halik ng dalaga mula sa kanyang labi, patungo sa kanyang tainga at leeg.

“Huwag mo akong iwan,” malambing na bulong ni Selena. “Kaya ko rin naman ibigay ang gusto mo. Kaya mo ba ko niloko kasi hindi ko pa rin isinusuko ang sarili ko? O sige, ibibigay ko na basta huwag mo lang ako lokohin ulit.”

Sa puntong iyon, ang akala ni Selena ay si Klyde ang kasama niya. Hindi niya alam na ibang lalaki pala ang mainit niyang hinahalikan at inaakit.

“Sigurado ka na ba sa gusto mo?” tanong nito sa kanya.

Tumango siya bago sila nagsimulang magpalitan ng halik. Sa umpisa, banayad at maingat, ngunit habang tumatagal, naging mas mapusok ang kanilang pag-angkin sa isa’t isa. Unti-unting naglaho ang pagitan nila kasabay ng pagtanggal ng kanilang damit.

Hindi na rin napigilan ni Axel ang sariling maakit kay Selena. Para bang may puwersang humihila sa kanya upang magpatuloy.

Marami na siyang nakilalang babae na kasingganda niya, mga babaeng sumubok nang akitin siya saan man siya magpunta.

Ngunit may isang bagay kay Selena na iba. Isang pakiramdam na bago sa kanya, isang damdaming hindi pa niya nararanasan noon.

Parehas silang wala ng saplot, bago magpatuloy si Axel ay nilapit niya ang kanyang labi sa tainga ni Selena at bumulong.

“Tatanungin kita ulit. Sigurado ka na ba talaga?” bulong niya, mababa ang tono.

Napakagat labi siya. May kilabot siyang naramdaman nang maramdaman ng balat niya ang mainit na hininga ng binata.

Tumango siya bago mahina ngunit matatag na sumagot. “Oo… basta tulungan mo akong makalimutan ang sakit sa puso ko.”

Wala nang sinayang na sandali. Magsisimula ang isang gabi ng paglimot. Sa una, dahan-dahan ang bawat galaw ni Axel, para bang pinapakiramdaman ang bawat sulok ng katawan ni Selena. Ngunit kalaunan, nadala sila ng kapusukan, at ang init ng kanilang katawan ay nagsanib sa isang mapusok at walang habas na pagsuko sa sandali.

Sa gabing iyon, hindi mahalaga ang pangalan, hindi mahalaga ang nakaraan o ang hinaharap. Ang mahalaga lang ay ang apoy na magkasama nilang pinagsaluhan sa dilim.

Sunod na araw, nagising si Selena na masakit ang ulo at mag-isa na lamang sa kama. Magulo ang paligid at nagkalat ang mga damit sa sahig.

Napabuntong-hininga siya nang makitang wala na ang lalaking kasama niya kagabi. Pakiramdam niya ay maiilang lang siya kung kaharap niya ito matapos may mangyari sa kanila. Hindi man niya na naalala ang buong nangyari, unti-unti na niyang naalala ang iba pang detalye ng nangyari kagabi.

Bumangon siya mula sa kama. Habang isa-isang pinupulot ang kanyang mga damit sa sahig, napansin niyang may suot na siyang singsing.

Nagtataka siya, hindi siya mahilig magsuot ng kahit anong palamuti sa katawan. Saglit siyang natigilan bago sumagi sa isip ang isang posibilidad.

“Galing siguro ‘to sa lalaking ‘yon…” bulong niya habang pinagmamasdan ang singsing sa daliri niya.

Sa halip na umuwi, nagdesisyon siyang sa hotel na maligo at magbihis para pumasok sa trabaho. Naisip niyang baka mahuli siya sa trabaho.

Pagpasok niya sa opisina, dumiretso siya sa kanyang cubicle at naupo. Habang abala sa harap ng kompyuter, lumapit ang isa sa mga katrabaho niya.

“Ms. Payne, pinapatawag ka ni Mr. Palmer sa opisina niya,” anito. Sinamahan siya nito sa opisina ng kanilang amo.

Pagbukas ng pinto, nanigas siya sa kinatatayuan. “Mr. Palmer, pinatawag mo raw ako—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang bumungad sa kanya ang pares ng malinaw at asul na mga mata ng lalaki.

Hindi siya maaaring magkamali. Nasa harapan niya ngayon ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon, si Axel. Tahimik lang itong nakatitig sa kanya. Tila pinagmamasdan siya.

Nang makita siya ng kanyang boss, nagsalita ito. “Ms. Payne, pinatawag kita dahil may VIP client tayo ngayon. Sigurado akong kilala mo ang pangalang Axelius Strathmore, hindi ba?”

Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Hindi siya makapaniwala.

Nagpatuloy si Mr. Palmer. “Siya ang CEO ng Strathmore Group. May-ari rin siya ng Ascend Robotics at kilalang Cyberneticist.”

Parang gusto niyang hilingin na lamunin na siya ng sahig na kinatatayuan niya. Hindi niya sukat akalain na nagawa niyang akitin ang isang lalaking kagaya ni Axel na malayo sa ordinaryo.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three

    “Mr. Strathmore, rest assured. Si Selena ay isa sa mga top dating consultant at matchmaker namin mula nang magsimula siya sa Link Match. Lahat ng kliyente niya ay matagumpay na nakahanap ng kapareha at marami na rin ang nauwi sa kasal,” maligalig na paliwanag ng kanyang boss.Tahimik na napatango si Axel, hindi inaalis ang tingin kay Selena.Lihim na pinagpawisan si Selena kahit pa naka-aircon naman ang buong opisina. Bahagya pa siyang napatalon nang biglang tumayo ang binata at lumapit sa kanya.“Mataas ang expectations ko sa ’yo, Ms. Payne,” malamig at mababa ang tono boses nito.Ninenerbyos na tiningala niya si Axel. “M-makakaasa ka sa ’kin Mr. Strathmore,” pilit siyang ngumiti.Wala ng sinabi pa si Axel at diretsong lumabas ng opisina. Matapos ang maikling pag-uusap nila, lumabas na rin siya ng opisina ni Mr. Palmer.Hawak ang file na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Axel, agad rin niyang sinimulang hanapan ito ng babaeng tugma sa personalidad at mga hinahanap nito sa isang p

    Huling Na-update : 2025-03-17
  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Four

    Hindi sinagot ni Axel si Heather. Sa halip, sumimangot siya at lumingon sa direksyon ni Selena. Sa sandaling iyon, muling nakadama ng takot si Selena nang mapansing nakatitig sa kanya ang binata. Hindi niya kinayang salubungin ang titig nito, kaya agad niyang kinuha ang kanyang cellphone upang magpadala ng mensahe kay Abigail at humingi ng paliwanag. Habang abala si Selena sa kanyang cellphone, patuloy naman sa pangungulit si Heather kay Axel. Muling nagsalita ang dalaga. “Axel, hindi mo ba ‘ko na-miss? Dalawang tao din tayong hindi nagkita,” aniya, hindi nawawala ang ngiti sa labi. Tahimik lamang na nakatingin si Axel sa kanya, malamig at walang emosyon. Kahit nakakailang man, pinilit ni Heather na maging positibo. “Sabi sa ’kin ni Tita Abigail na sumali ka raw sa isang matchmaking agency. Hindi mo ba naisip na baka masaktan ako?” tanong niya sa malambing na tinig. Hindi pa rin sumagot si Axel sa kanya, ngunit habang tumatagal, lalong dumidilim ang ekspresyon ng mukha nit

    Huling Na-update : 2025-03-17
  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Five

    Nanlaki ang kanyang mga mata. “At ano naman idadahilan natin?”“Simple lang, hindi na natin gusto ang isa’t isa,” sagot nito, waring walang alinlangan. “Ano ang desisyon mo?” agad na tanong nito kasunod.Saglit siyang natahimik, ilang segundo bago sumagot. “Pag-iisipan ko muna.”“Sige, bibigyan kita ng tatlong araw para pag-isipan,” aniya, bago tuluyang tumahimik.Dalawang araw ang lumipas pagkatapos ng pag-uusap nila ni Axel.Tahimik siyang nagtatrabaho sa kanyang cubicle nang muling maramdaman ang pananakit ng tiyan.Ilang araw na rin niyang narararanasan ito at napapansin niyang mabilis siyang mapagod kahit na maikling distansya pa lang ang kanyang nalalakad.Sa sandaling iyon, bigla siyang nakaramdam ng matinding pagduduwal. Agad siyang tumayo at nagmamadaling tumakbo papuntang banyo.Mabuti na lang at walang tao sa banyo ng oras na iyon nang siya ay masuka. Hindi na niya alam kung gaano siya katagal doon, naubos ang kanyang lakas matapos ang lahat.Nanghihina man, nagpunta siya s

    Huling Na-update : 2025-03-17
  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Six

    Pagkatapos siyang bantaan ay umalis na ang mga ito at sinabing babalik ulit para kolektahin ang bayad mula sa kanya. Bumangon siya, nanginginig ang binti. Lumapit sa kanya si Silas at mahigpit siyang niyakap. “Ate, natatakot ako,” bulong ni Silas. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Huminga siya ng malalim at pinunasan ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. Marahan niyang hinaplos ang ulo ng kanyang kapatid. “Huwag kang mag-alala, Silas,” mahinahon siyang sabi, pilit na pinatatag ang boses. “Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa atin.” Pero sa loob niya, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ang tanging sigurado ay hindi siya papayag na may mangyari sa kanila, lalo pa at may dinadala siyang bata sa kanyang sinapupunan. “Tara, Silas. May pupuntahan tayo sandali,’ aniya, sabay buhat sa kanyang kapatid at tumawag ng taxi. Samantala, kasalukuyang nasa gitna ng isang meeting si Axel. Pagkaraan ng mahigit isang oras, tinapos niya ito at lumabas ng meeting room, saka bumalik sa

    Huling Na-update : 2025-03-17
  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Seven

    Sa matayog na skyscraper na siyang nagsisilbing punong tanggapan ng Strathmore Group, kararating lamang ni Russell mula sa Crystal Lake Mansion. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa opisina ni Axel. Lumapit siya sa mesa nito at maingat na nagsalita. “Mr. Strathmore, naihatid ko na sila Ms. Payne at Silas. May iba ka pa bang ipapagawa sa ‘kin?” tanong niya habang hinihintay ang tugon nito. Tumingala si Axel, hawak pa rin ang mga dokumentong binabasa. “Simulan mo na ang mga paghahanda para sa kasal namin bukas ng gabi,” anito sa malamig ngunit madiing tinig. “Gumawa ka ng listahan ng mga imbitado at ipasa mo sa ‘kin bago ipadala ang mga imbitasyon.” Tumango si Russel bilang pagsang-ayon, ngunit hindi niya napigilang magtanong. “Maaari ba akong magtanong, Mr. Strathmore?” Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Axel. Halatang hindi sanay sa mga personal na katanungan mula sa kanyang assistant. “Sige, ano ‘yon?” Nag-atubili si Russell bago nagpatuloy. “Sigurado na ba kayo sa desisyon niyong pak

    Huling Na-update : 2025-03-20
  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eight

    Bakit narito ka, Mom?” tanong nito, casual lang ang tono ng boses at walang bakas ng pagka-ilang, tila ba wala itong nararamdamang pressure sa sitwasyon.Nakasimangot si Abigail, halatang hindi nagustuhan ang kawalan ng emosyon ng anak. “Alam kong alam mo ang dahilan kung bakit ako narito, Axel. Kailangan ko ng paliwanag mula sa ‘yo ngayon,” madiin ang tono ng ina, rinig ang bahid ng galit.Kalmadong sumandal si Axel sa sofa at tiningnan ang ina. “Hindi ba’t sinabi ko na si Selena ang pakakasalan ko? Ipinadala na ni Russell ang imbitasyon sa kasal namin na gaganapin bukas ng gabi.” aniya, walang bakas ng pag-aalinlangan sa boses.Hindi na napigilan ni Abigail na tumaas ang boses. “Hinding-hindi ko matatanggap ang babaeng ‘yan para sa ‘yo! Hindi ka ba naaawa kay Heather? Nagbalik siya ng bansa para sa ‘yo at—”“Dahil lang sa nagbalik siya, kailangan kong sumunod sa gusto mo at pakasalan siya? Ga’non ba dapat, Mom?” putol ni Axel sa sinasabi nito. May halong panlalamig na sa tono nito.

    Huling Na-update : 2025-03-20
  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Nine

    Para kay Heather, hindi pa tapos ang lahat. Hindi siya basta papayag na mawala at masayang ang lahat ng pinaghirapan niya. Hindi siya susuko ng ganoon na lamang.Huminga siya ng malalim at humakbang papasok sa bahay. Sinalubong siya ng kanyang ina, si Julie Faulkner, halatang sabik na malaman ang nangyari.“Anak, ano na? Kamusta?” bungad ng kanyang ina, hindi maitago ang pananabik sa sagot.Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at ikinuwento ang lahat ng nangyari. Napalitan ng pagkabigla ang ekspresyon ni Julie, kasunod noon ay ang namumuong inis sa kanyang mga mata.Isang mapait ngunit matapang na ngiti ang gumihit sa labi ni Heather. “Huwag kang mag-alala, Mom. Hindi ako susuko.”Ngumiti rin si Julie, may kumpiyansa sa tinig nito. “Tama ‘yan, anak. Hindi pa huli ang lahat kaya dapat lang na ipaglaban mo ang iyo.”Muli niyang itinuwid ang kanyang likuran, dama ang pagbabalik ng kanyang tiwala sa sarili. “Mapapasaakin si Axel… sa kahit anong paraan,” bulong ni Heather sa kanyang sarili.

    Huling Na-update : 2025-03-21
  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Ten

    Isang papel ang bahagyang nakausli mula sa isang drawer sa ilalim ng mesa. Hindi dapat ito pakialaman ni Heather… pero nanaig ang kanyang kuryusidad.Lumapit siya, saglit na lumingon sa paligid upang tiyakin na walang nakakakita, saka dahan-dahang binuksan ang drawer. Kinuha niya ang papel at mariing binasa ang nilalaman.Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nabasa.Ilang segundo siyang natigilan, ngunit kalaunan, isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi, isang ngiting may masamang balak.Maingat niyang isinara ang drawer at itinago ang anumang bakas ng kanyang ginawa. Pagkatapos, kalmado siyang naglakad palabas ng opisina, animo’y walang nangyari. Ngunit sa loob niya, alam niyang may hawak siyang impormasyon na maaaring magamit sa kanyang plano.Pasado alas-dose ng tanghali nang makauwi si Selena mula sa pagsusukat ng kanyang wedding gown at pamimili ng wedding ring. Pagdating nila sa mansyon, nakita niya ang kanyang nakababatang kapatid na si S

    Huling Na-update : 2025-03-22

Pinakabagong kabanata

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eleven

    Ngunit sa halip na magpatalo, matalim niyang tinitigan si Heather, ang malamig niyang tingin ay tila isang babala.“Labas,” madiin niyang sabi.Nagulat si Heather. Akala niya ay iiyak at mawawasak si Selena, isang eksenang nais niyang makita. Pero taliwas ito sa kanyang inaasahan.“Layas!” madiin niyang ulit, mas matigas at puno ng galit ang boses.Napakurap si Heather, pero mabilis nitong binawi ang pagkabigla. Hindi na siya nagsalita pa at agad na tumalikod. Lumabas siya ng bridal suite na may lihim na ngiti sa kanyang labi, tila nasisiyahan sa epekto ng kanyang ginawa.Samantala, naiwan si Selena, mag-isa sa loob ng silid.Isang mahinang hikbi ang pumuno sa katahimikan. Hindi na niya napigilan ang kanyang luha. Tuluyan siyang bumigay.Sa loob ng ilang minuto, tahimik lang siyang nakaupo, hawak pa rin ang papel na gumulo sa kanyang mundo.Hindi niya napansin na bahagyang bumukas ang pinto at may pumasok. Natauhan lamang siya nang marinig ang isang pamilyar na tinig.“Ate?”Nakatagil

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Ten

    Isang papel ang bahagyang nakausli mula sa isang drawer sa ilalim ng mesa. Hindi dapat ito pakialaman ni Heather… pero nanaig ang kanyang kuryusidad.Lumapit siya, saglit na lumingon sa paligid upang tiyakin na walang nakakakita, saka dahan-dahang binuksan ang drawer. Kinuha niya ang papel at mariing binasa ang nilalaman.Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nabasa.Ilang segundo siyang natigilan, ngunit kalaunan, isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi, isang ngiting may masamang balak.Maingat niyang isinara ang drawer at itinago ang anumang bakas ng kanyang ginawa. Pagkatapos, kalmado siyang naglakad palabas ng opisina, animo’y walang nangyari. Ngunit sa loob niya, alam niyang may hawak siyang impormasyon na maaaring magamit sa kanyang plano.Pasado alas-dose ng tanghali nang makauwi si Selena mula sa pagsusukat ng kanyang wedding gown at pamimili ng wedding ring. Pagdating nila sa mansyon, nakita niya ang kanyang nakababatang kapatid na si S

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Nine

    Para kay Heather, hindi pa tapos ang lahat. Hindi siya basta papayag na mawala at masayang ang lahat ng pinaghirapan niya. Hindi siya susuko ng ganoon na lamang.Huminga siya ng malalim at humakbang papasok sa bahay. Sinalubong siya ng kanyang ina, si Julie Faulkner, halatang sabik na malaman ang nangyari.“Anak, ano na? Kamusta?” bungad ng kanyang ina, hindi maitago ang pananabik sa sagot.Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at ikinuwento ang lahat ng nangyari. Napalitan ng pagkabigla ang ekspresyon ni Julie, kasunod noon ay ang namumuong inis sa kanyang mga mata.Isang mapait ngunit matapang na ngiti ang gumihit sa labi ni Heather. “Huwag kang mag-alala, Mom. Hindi ako susuko.”Ngumiti rin si Julie, may kumpiyansa sa tinig nito. “Tama ‘yan, anak. Hindi pa huli ang lahat kaya dapat lang na ipaglaban mo ang iyo.”Muli niyang itinuwid ang kanyang likuran, dama ang pagbabalik ng kanyang tiwala sa sarili. “Mapapasaakin si Axel… sa kahit anong paraan,” bulong ni Heather sa kanyang sarili.

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eight

    Bakit narito ka, Mom?” tanong nito, casual lang ang tono ng boses at walang bakas ng pagka-ilang, tila ba wala itong nararamdamang pressure sa sitwasyon.Nakasimangot si Abigail, halatang hindi nagustuhan ang kawalan ng emosyon ng anak. “Alam kong alam mo ang dahilan kung bakit ako narito, Axel. Kailangan ko ng paliwanag mula sa ‘yo ngayon,” madiin ang tono ng ina, rinig ang bahid ng galit.Kalmadong sumandal si Axel sa sofa at tiningnan ang ina. “Hindi ba’t sinabi ko na si Selena ang pakakasalan ko? Ipinadala na ni Russell ang imbitasyon sa kasal namin na gaganapin bukas ng gabi.” aniya, walang bakas ng pag-aalinlangan sa boses.Hindi na napigilan ni Abigail na tumaas ang boses. “Hinding-hindi ko matatanggap ang babaeng ‘yan para sa ‘yo! Hindi ka ba naaawa kay Heather? Nagbalik siya ng bansa para sa ‘yo at—”“Dahil lang sa nagbalik siya, kailangan kong sumunod sa gusto mo at pakasalan siya? Ga’non ba dapat, Mom?” putol ni Axel sa sinasabi nito. May halong panlalamig na sa tono nito.

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Seven

    Sa matayog na skyscraper na siyang nagsisilbing punong tanggapan ng Strathmore Group, kararating lamang ni Russell mula sa Crystal Lake Mansion. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa opisina ni Axel. Lumapit siya sa mesa nito at maingat na nagsalita. “Mr. Strathmore, naihatid ko na sila Ms. Payne at Silas. May iba ka pa bang ipapagawa sa ‘kin?” tanong niya habang hinihintay ang tugon nito. Tumingala si Axel, hawak pa rin ang mga dokumentong binabasa. “Simulan mo na ang mga paghahanda para sa kasal namin bukas ng gabi,” anito sa malamig ngunit madiing tinig. “Gumawa ka ng listahan ng mga imbitado at ipasa mo sa ‘kin bago ipadala ang mga imbitasyon.” Tumango si Russel bilang pagsang-ayon, ngunit hindi niya napigilang magtanong. “Maaari ba akong magtanong, Mr. Strathmore?” Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Axel. Halatang hindi sanay sa mga personal na katanungan mula sa kanyang assistant. “Sige, ano ‘yon?” Nag-atubili si Russell bago nagpatuloy. “Sigurado na ba kayo sa desisyon niyong pak

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Six

    Pagkatapos siyang bantaan ay umalis na ang mga ito at sinabing babalik ulit para kolektahin ang bayad mula sa kanya. Bumangon siya, nanginginig ang binti. Lumapit sa kanya si Silas at mahigpit siyang niyakap. “Ate, natatakot ako,” bulong ni Silas. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Huminga siya ng malalim at pinunasan ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. Marahan niyang hinaplos ang ulo ng kanyang kapatid. “Huwag kang mag-alala, Silas,” mahinahon siyang sabi, pilit na pinatatag ang boses. “Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa atin.” Pero sa loob niya, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ang tanging sigurado ay hindi siya papayag na may mangyari sa kanila, lalo pa at may dinadala siyang bata sa kanyang sinapupunan. “Tara, Silas. May pupuntahan tayo sandali,’ aniya, sabay buhat sa kanyang kapatid at tumawag ng taxi. Samantala, kasalukuyang nasa gitna ng isang meeting si Axel. Pagkaraan ng mahigit isang oras, tinapos niya ito at lumabas ng meeting room, saka bumalik sa

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Five

    Nanlaki ang kanyang mga mata. “At ano naman idadahilan natin?”“Simple lang, hindi na natin gusto ang isa’t isa,” sagot nito, waring walang alinlangan. “Ano ang desisyon mo?” agad na tanong nito kasunod.Saglit siyang natahimik, ilang segundo bago sumagot. “Pag-iisipan ko muna.”“Sige, bibigyan kita ng tatlong araw para pag-isipan,” aniya, bago tuluyang tumahimik.Dalawang araw ang lumipas pagkatapos ng pag-uusap nila ni Axel.Tahimik siyang nagtatrabaho sa kanyang cubicle nang muling maramdaman ang pananakit ng tiyan.Ilang araw na rin niyang narararanasan ito at napapansin niyang mabilis siyang mapagod kahit na maikling distansya pa lang ang kanyang nalalakad.Sa sandaling iyon, bigla siyang nakaramdam ng matinding pagduduwal. Agad siyang tumayo at nagmamadaling tumakbo papuntang banyo.Mabuti na lang at walang tao sa banyo ng oras na iyon nang siya ay masuka. Hindi na niya alam kung gaano siya katagal doon, naubos ang kanyang lakas matapos ang lahat.Nanghihina man, nagpunta siya s

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Four

    Hindi sinagot ni Axel si Heather. Sa halip, sumimangot siya at lumingon sa direksyon ni Selena. Sa sandaling iyon, muling nakadama ng takot si Selena nang mapansing nakatitig sa kanya ang binata. Hindi niya kinayang salubungin ang titig nito, kaya agad niyang kinuha ang kanyang cellphone upang magpadala ng mensahe kay Abigail at humingi ng paliwanag. Habang abala si Selena sa kanyang cellphone, patuloy naman sa pangungulit si Heather kay Axel. Muling nagsalita ang dalaga. “Axel, hindi mo ba ‘ko na-miss? Dalawang tao din tayong hindi nagkita,” aniya, hindi nawawala ang ngiti sa labi. Tahimik lamang na nakatingin si Axel sa kanya, malamig at walang emosyon. Kahit nakakailang man, pinilit ni Heather na maging positibo. “Sabi sa ’kin ni Tita Abigail na sumali ka raw sa isang matchmaking agency. Hindi mo ba naisip na baka masaktan ako?” tanong niya sa malambing na tinig. Hindi pa rin sumagot si Axel sa kanya, ngunit habang tumatagal, lalong dumidilim ang ekspresyon ng mukha nit

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three

    “Mr. Strathmore, rest assured. Si Selena ay isa sa mga top dating consultant at matchmaker namin mula nang magsimula siya sa Link Match. Lahat ng kliyente niya ay matagumpay na nakahanap ng kapareha at marami na rin ang nauwi sa kasal,” maligalig na paliwanag ng kanyang boss.Tahimik na napatango si Axel, hindi inaalis ang tingin kay Selena.Lihim na pinagpawisan si Selena kahit pa naka-aircon naman ang buong opisina. Bahagya pa siyang napatalon nang biglang tumayo ang binata at lumapit sa kanya.“Mataas ang expectations ko sa ’yo, Ms. Payne,” malamig at mababa ang tono boses nito.Ninenerbyos na tiningala niya si Axel. “M-makakaasa ka sa ’kin Mr. Strathmore,” pilit siyang ngumiti.Wala ng sinabi pa si Axel at diretsong lumabas ng opisina. Matapos ang maikling pag-uusap nila, lumabas na rin siya ng opisina ni Mr. Palmer.Hawak ang file na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Axel, agad rin niyang sinimulang hanapan ito ng babaeng tugma sa personalidad at mga hinahanap nito sa isang p

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status