Hatinggabi na, pero nasa labas ng isang engrandeng hotel si Selena. Malamig ang simoy ng hangin sa labas pero mas malamig ang pakiramdam sa loob ng kanyang dibdib.
Hawak ang kanyang cellphone, mariing nakatingin sa mensahe mula sa hindi kilalang numero. ‘Kung gusto mo malaman ang lihim tungkol sa iyong nobyo na si Klyde, pumunta ka sa lokasyon ng hotel na ipapadala ko. Pumunta ka sa Room 127 at malalaman mo ang katotohanan.’ Sinubukan niyang tanungin kung sino ang nagmensahe sa kanya pero hindi ito nagpakilala. Ramdam niyang hindi ito isang prank. Sinubukan niyang alamin kung totoo dahil matagal na rin siyang kinutuban na may lihim na tinatago sa kanya si Klyde. Naging mailap ito sa kanya sa tuwing nais niyang makipagkita sa nobyo. Lagi itong may dahilan tuwing nais niyang makipagkita. Madalas pa ay hindi niya alam kung saan ito nagpupunta. Nagdesisyon na siyang pumasok ng hotel at huminto sa tapat ng front desk. “Miss, may nag-check-in ba rito na ang pangalan ay Klyde Strathmore?” tanong niya sa receptionist. Tumango naman ito sa kanya pagkatapos tignan ang records sa kompyuter. “Oo, Miss. Kaka-check-in lang ni Mr. Strathmore. Puwede ko ba malaman kung ano ka niya?” tanong naman nito pabalik. “Nobya niya,” direktang sagot niya. Napatakip sa bibig ang receptionist. Base sa reaksyon nito ay tama ang hinala niya na may kasamang iba si Klyde nang pumasok ito sa hotel. Pagkatapos magpasalamat ay mabilis siyang naglakad papasok ng elevator, paakyat sa ika-limang palapag. Nang makalabas ng elevator ay hinanap niya agad ang room number na nakasaad sa mensahe. Sa harap ng Room 127, nanginginig ang kamay ni Selena habang dahan-dahan na pinihit ang seradura. Marahang itinulak ang pinto at iniwang bahagyang nakabukas. Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili pero nanlamig ang katawan niya nang marinig ang boses ng dalawang tao sa loob. “Ibang-iba ka talaga sa kapatid mo,” ani ni Klyde. Bakas sa boses nito ang pagod pagkatapos ng kanilang ginawa. “Mukhang, sobra kang natuwa sa ginawa natin ngayon,” sabi ni Nessa na pigil ang tawa. Nakangisi si Klyde habang nakahiga, pinagmamasdan ang babaeng nasa tabi niya. “Nagagawa ko ang gusto ko sa ’yo, hindi kagaya sa kapatid mo.” “Bakit, hindi ka pa rin ba pinagbibigyan ni Selena? Apat na taon na kayong magnobyo,” tanong ni Nessa. Napailing si Klyde, kita sa mukha ang bahagyang inis. “Hindi. Gusto niya magpakasal muna kami bago may mangyari sa amin.” Napatawa nang mahina si Nessa saka dahan-dahang humarap kay Klyde. “Hmm… kaya ka ba lumapit sa ’kin kasi paulit-ulit ka niyang tinatanggihan?” tanong niya, may bahagyang ngiti sa labi habang hinahaplos ang dibdib ng binata. Napangisi ulit si Klyde. “Ikaw kasi, magaling kang mang-akit.” “Pero bumigay ka naman,” bulong ni Nessa bago idinikit ang labi sa leeg ng lalaki. Sumandal sa ulunan ng kama si Klyde, nagsindi ng sigarilyo. “Mabuti siguro hindi muna tayo magkita. Baka makahalata na si Selena.” Naupo sa higaan si Nessa dahil sa sinabi ni Klyde. “Kung malaman niya, ano? Iiwan ka niya?” mariin niyang tinitigan ang lalaki, ramdam ang init ng emosyon sa kanyang dibdib. “Mahigit tatlong taon mo na siyang niloloko at nakikipagkita sa ’kin. Ngayon ka pa natakot sa—” Biglang bumukas nang malakas ang pinto. Naputol ang sasabihin ni Nessa. Sabay na napalingon ang dalawa at parang naninigas ang katawan ng mga ito nang makitang nakatayo si Selena sa pintuan. Bakas sa mukha ni Selena ang halo-halong emosyon. Gulat. Galit. Sakit. “Kaya pala ang dami mong dahilan,” galit niyang sambit. Hindi agad nakakilos si Klyde. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang katawan habang mabilis ang tibok ng puso. Gusto niyang magsalita, gusto niyang magpaliwanag. Pero bago pa siya makahanap ng tamang salita, isang matunog na sampal ang dumapo sa pisngi ni Klyde. Hindi pa kuntento ay bumaling si Selena kay Nessa. Parehas may pulang marka ng kamay mula sa sampal ang makikita sa pisngi ng dalawa. Napaatras si Nessa, hawak ang pisngi. Nakatitig ito nang masama sa kanya. Nanlilisik ang kanyang mata habang tinititigan ang dalawa. “Magsama kayo sa impyerno!” sigaw niya na puno ng hinanakit at galit. Umiiyak ng lumabas ng hotel si Selena. Kaysa umuwi, napagdesisyunan niyang maglakad-lakad para maibsan ang sakit hanggang sa dalhin siya ng kanyang paa sa isang bar. Sa loob ng bar, nilunod ni Selena ang sarili sa alak para pawiin ang sakit sa kanyang puso. Ilang bote ng alak na ang kanyang nainom. Nang maramdaman niyang umiikot na ang paligid, tumayo na siya sa mesa at pasuray-suray na naglakad palabas ng bar. Malapit na siya sa pintuan nang aksidente niyang nabangga ang kasalubong niyang lalaki. “Woah!” Bago pa siya mawalan ng balanse ay hinawakan siya nito sa beywang. Nang itinaas ni Selena ang tingin, bahagya siyang natigilan. Sa kabila ng kalasingan, hindi niya maiwasang mapansin ang matangos na ilong at ang asul na mga mata ng estranghero. Nakangiti siya habang hinahaplos ang pisngi ng lalaki. “Ang gwapo mo.” Kumunot ang noo ni Axel nang maamoy ang hininga ng babae. “Sa susunod, mag-iingat ka na,” malamig at walang emosyon ang boses niya habang inaalalayan siya palayo sa kanyang katawan. Nang bitawan siya ng lalaki ay lumakad na ito palayo. Subalit hinabol niya ang lalaki at agad niyang hinawakan ang braso nito. “Sandali!” Napilitang huminto ang lalaki at lumingon sa kanya. Sa isang iglap, niyakap niya ito nang mahigpit. Ramdam niya ang paninigas ng katawan nito, at agad itong nagpumiglas. “Bitiwan mo nga ako. Ano ba ang kailangan mo?” malamig na sabi ni Axel. Kaysa sumagot ay hinalikan siya ni Selena. Nagulat si Axel. Hindi siya agad nakakilos, nanigas lang siya sa kinatatayuan niya habang nararamdaman ang malambot at mainit na labi ni Selena sa kanya. Isang iglap lang iyon, ngunit sapat para guluhin ang kanyang isip.Nang halikan ni Selena si Axel, nagdilim ang mukha nito. Bago pa ito makapag-react ay nagsalita ulit si Selena. "Samahan mo ‘ko uminom at magpakalasing!" aniya, sabay hila ni Selena kay Axel sa isang mesa.Kahit lasing na, nagpatuloy pa rin siya sa pag-inom. Tahimik lamang si Axel na pinagmamasdan siya habang naglalabas ng sama ng loob.Kahit nauutal, hindi pa rin siya tumitigil sa pagsasalita habang diretso ang tungga mula sa bote. Samantalang si Selena ay nakaubos na ng tatlong bote ng alak, isang baso pa lang ang naiinom ni Axel.Kalaunan, bumagsak si Selena sa matinding kalasingan. Gusto ng umalis ni Axel at iwan siya roon. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi niya magawang talikuran ang babae kahit pa hindi naman niya ito lubos na kilala.Napabuntong-hininga na lamang siya bago tuluyang binuhat si Selena at dalhin sa isang hotel.Nang makarating sa hotel, pumasok sila sa isang magarang silid. Akmang ibababa na ni Axel si Selena nang bigla itong humawak sa kanya nang mah
“Mr. Strathmore, rest assured. Si Selena ay isa sa mga top dating consultant at matchmaker namin mula nang magsimula siya sa Link Match. Lahat ng kliyente niya ay matagumpay na nakahanap ng kapareha at marami na rin ang nauwi sa kasal,” maligalig na paliwanag ng kanyang boss.Tahimik na napatango si Axel, hindi inaalis ang tingin kay Selena.Lihim na pinagpawisan si Selena kahit pa naka-aircon naman ang buong opisina. Bahagya pa siyang napatalon nang biglang tumayo ang binata at lumapit sa kanya.“Mataas ang expectations ko sa ’yo, Ms. Payne,” malamig at mababa ang tono boses nito.Ninenerbyos na tiningala niya si Axel. “M-makakaasa ka sa ’kin Mr. Strathmore,” pilit siyang ngumiti.Wala ng sinabi pa si Axel at diretsong lumabas ng opisina. Matapos ang maikling pag-uusap nila, lumabas na rin siya ng opisina ni Mr. Palmer.Hawak ang file na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Axel, agad rin niyang sinimulang hanapan ito ng babaeng tugma sa personalidad at mga hinahanap nito sa isang p
Hindi sinagot ni Axel si Heather. Sa halip, sumimangot siya at lumingon sa direksyon ni Selena. Sa sandaling iyon, muling nakadama ng takot si Selena nang mapansing nakatitig sa kanya ang binata. Hindi niya kinayang salubungin ang titig nito, kaya agad niyang kinuha ang kanyang cellphone upang magpadala ng mensahe kay Abigail at humingi ng paliwanag. Habang abala si Selena sa kanyang cellphone, patuloy naman sa pangungulit si Heather kay Axel. Muling nagsalita ang dalaga. “Axel, hindi mo ba ‘ko na-miss? Dalawang taon din tayong hindi nagkita,” aniya, hindi nawawala ang ngiti sa labi. Tahimik lamang na nakatingin si Axel sa kanya, malamig at walang emosyon. Kahit nakakailang man, pinilit ni Heather na maging positibo. “Sabi sa ’kin ni Tita Abigail na sumali ka raw sa isang matchmaking agency. Hindi mo ba naisip na baka masaktan ako?” tanong niya sa malambing na tinig. Hindi pa rin sumagot si Axel sa kanya, ngunit habang tumatagal, lalong dumidilim ang ekspresyon ng mukha nit
Nanlaki ang kanyang mga mata. “At ano naman idadahilan natin?” “Simple lang, hindi na natin gusto ang isa’t isa,” sagot nito, waring walang alinlangan. “Ano ang desisyon mo?” agad na tanong nito kasunod. Saglit siyang natahimik, ilang segundo bago sumagot. “Pag-iisipan ko muna.” “Sige, bibigyan kita ng tatlong araw para pag-isipan,” aniya, bago tuluyang tumahimik. Dalawang araw ang lumipas pagkatapos ng pag-uusap nila ni Axel. Tahimik siyang nagtatrabaho sa kanyang cubicle nang muling maramdaman ang pananakit ng tiyan. Ilang araw na rin niyang nararanasan ito at napapansin niyang mabilis siyang mapagod kahit na maikling distansya pa lang ang kanyang nalalakad. Sa sandaling iyon, bigla siyang nakaramdam ng matinding pagduduwal. Agad siyang tumayo at nagmamadaling tumakbo papuntang banyo. Mabuti na lang at walang tao sa banyo ng oras na iyon nang siya ay masuka. Hindi na niya alam kung gaano siya katagal doon, naubos ang kanyang lakas matapos mailabas ang lahat. Nanghih
Pagkatapos siyang bantaan ay umalis na ang mga ito at sinabing babalik ulit para kolektahin ang bayad mula sa kanya. Bumangon siya, nanginginig ang binti. Lumapit sa kanya si Silas at mahigpit siyang niyakap. “Ate, natatakot ako,” bulong ni Silas. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Huminga siya ng malalim at pinunasan ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. Marahan niyang hinaplos ang ulo ng kanyang kapatid. “Huwag kang mag-alala, Silas,” mahinahon siyang sabi, pilit na pinatatag ang boses. “Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa atin.” Pero sa loob niya, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ang tanging sigurado ay hindi siya papayag na may mangyari sa kanila, lalo pa at may dinadala siyang bata sa kanyang sinapupunan. “Tara, Silas. May pupuntahan tayo sandali,’ aniya, sabay buhat sa kanyang kapatid at tumawag ng taxi. Samantala, kasalukuyang nasa gitna ng isang meeting si Axel. Pagkaraan ng mahigit isang oras, tinapos niya ito at lumabas ng meeting room, saka buma
Sa matayog na skyscraper na siyang nagsisilbing punong tanggapan ng Strathmore Group, kararating lamang ni Russell mula sa Crystal Lake Mansion. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa opisina ni Axel. Lumapit siya sa mesa nito at maingat na nagsalita. “Mr. Strathmore, naihatid ko na sila Ms. Payne at Silas. May iba ka pa bang ipapagawa sa ‘kin?” tanong niya habang hinihintay ang tugon nito. Tumingala si Axel, hawak pa rin ang mga dokumentong binabasa. “Simulan mo na ang mga paghahanda para sa kasal namin bukas ng gabi,” anito sa malamig ngunit madiing tinig. “Gumawa ka ng listahan ng mga imbitado at ipasa mo sa ‘kin bago ipadala ang mga imbitasyon.” Tumango si Russel bilang pagsang-ayon, ngunit hindi niya napigilang magtanong. “Maaari ba akong magtanong, Mr. Strathmore?” Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Axel. Halatang hindi sanay sa mga personal na katanungan mula sa kanyang assistant. “Sige, ano ‘yon?” Nag-atubili si Russell bago nagpatuloy. “Sigurado na ba kayo sa desisyon niyong
Bakit narito ka, Mom?” tanong nito, casual lang ang tono ng boses at walang bakas ng pagka-ilang, tila ba wala itong nararamdamang pressure sa sitwasyon. Nakasimangot si Abigail, halatang hindi nagustuhan ang kawalan ng emosyon ng anak. “Alam kong alam mo ang dahilan kung bakit ako narito, Axel. Kailangan ko ng paliwanag mula sa ‘yo ngayon,” madiin ang tono ng ina, rinig ang bahid ng galit. Kalmadong sumandal si Axel sa sofa at tiningnan ang ina. “Hindi ba’t sinabi ko na si Selena ang pakakasalan ko? Ipinadala na ni Russell ang imbitasyon sa kasal namin na gaganapin bukas ng gabi.” aniya, walang bakas ng pag-aalinlangan sa boses. Hindi na napigilan ni Abigail na tumaas ang boses. “Hinding-hindi ko matatanggap ang babaeng ‘yan para sa ‘yo! Hindi ka ba naaawa kay Heather? Nagbalik siya ng bansa para sa ‘yo at—” “Dahil lang sa nagbalik siya, kailangan kong sumunod sa gusto mo at pakasalan siya? Ga’non ba dapat, Mom?” putol ni Axel sa sinasabi nito. May halong panlalamig na sa tono
Para kay Heather, hindi pa tapos ang lahat. Hindi siya basta papayag na mawala at masayang ang lahat ng pinaghirapan niya. Hindi siya susuko ng ganoon na lamang. Huminga siya ng malalim at humakbang papasok sa bahay. Sinalubong siya ng kanyang ina, si Julie Faulkner, halatang sabik na malaman ang nangyari. “Anak, ano na? Kamusta?” bungad ng kanyang ina, hindi maitago ang pananabik sa magiging sagot niya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at ikinuwento ang lahat ng nangyari. Napalitan ng pagkabigla ang ekspresyon ni Julie, kasunod noon ay ang namumuong inis sa kanyang mga mata. Isang mapait ngunit matapang na ngiti ang gumihit sa labi ni Heather. “Huwag kang mag-alala, Mom. Hindi ako susuko.” Ngumiti rin si Julie, may kumpiyansa sa tinig nito. “Tama ‘yan, anak. Hindi pa huli ang lahat kaya dapat lang na ipaglaban mo ang iyo.” Muli niyang itinuwid ang kanyang likuran, dama ang pagbabalik ng kanyang tiwala sa sarili. “Mapapasaakin si Axel… sa kahit anong paraan,” bulong ni H
Agad na nilapitan ni Chloe ang general manager at halos isumbong si Selena na parang batang nahuling nagsisinungaling.“Sir, nakuha mula sa bag ng babaeng ‘yan ang kwintas ko!” dinuru-duro pa siya nito na parang kriminal. “At kasabwat niya ‘yang kasama niya!” sabay turo kay Ophelia.Sabay na nanlumo sina Selena at Ophelia. Hindi nila inakalang aabot sa ganitong punto ang isang simpleng gabi na dapat sana’y tahimik lang. Ang mga mata sa paligid ay tila mga kutsilyong nakabaon sa kanilang balat.Sinubukan ni Selena na makipag-usap ng mahinahon, kahit pa nanginginig na sa kaba ang kanyang dibdib.“Sir, kung puwede sana, pakinggan niyo muna ang panig namin. Hindi ko talaga alam kung paano napunta sa bag ko ang kwintas niya.”“Oo nga, Sir,” sabat ni Ophelia. “Isa sa mga sikat na 4-star hotel itong hotel n’yo. Siguro naman, may CCTV kayo. Mapapatunayang inosente ang kaibigan ko kung titignan natin ang footage ng aktwal na nangyari.”Habang nagsasalita si Ophelia, lihim na napangisi si Nessa
“Selena, hindi mo ba—”Hindi na natapos ni Ophelia ang sasabihin nang itaas ni Selena ang hintuturo at itinapat sa labi nito.“Shh,” mahinang sabi niya, pero may diin.Hindi na nagsalita si Ophelia, pero halata ang kaba sa mukha niya habang nakatingin sa kaibigan.Bumaba ang tingin ni Selena sa itim na pouch na nahulog mula sa kanyang bag. Nanlalamig ang palad niya habang pinagmamasdan ito. Malakas ang kutob niyang alam na niya kung ano ang laman niyon.“Ano ‘yang itim na pouch na ‘yan na nahulog mula sa bag mo, Selena?” tanong ni Yve, punong-puno ng hinala sa boses.“Hindi ko alam,” sagot niya, diretso pero mariin.“Hindi mo alam? Eh nakita naming lahat, galing mismo sa bag mo! Akala mo ba bulag kami?!” singhal ni Yve, galit na galit.Hindi na sumagot si Selena. Tahimik lang siyang nakatayo, pinapanatili ang composure kahit pa binubulungan na siya ng inis at tensyon.Lihim na napangisi si Nessa. Sa wakas, gumagana na ang plano.Nagkunwaring nag-aalala, bahagyang namumugto ang mata at
Napatingin ang lahat. Nagkagulo ang paligid, at ang mga taong malapit sa kanila ay lumingon sa pinagmulan ng sigawan.“Baka nahulog lang,” mahinahong sabi ni Selena, bagamat ramdam niya na may mas masamang balak ang mga ito.“Hindi!” singit ni Chloe. “Siguradong nasa bag ko ‘yon bago ako mabangga. Baka… baka may kumuha!”Napakunot ang noo ni Ophelia. “Ano na naman ‘to, Chloe? Huwag mong sabihing—”“Baka kinuha ni Selena!” sabat ni Yve, mariing tinuro si Selena. “Bago kayo dumating, nakita kong sinulyapan niya ang bag ni Chloe!”Umingay lalo ang paligid. May mga pabulong na tawanan, may mga pakunwaring inosenteng nakikinig pero halatang sabik sa eskandalo. Ang ilan, tahimik na kinukunan ng video ang tensyon.Naningkit ang mata ni Selena, tinapunan ng tingin ang tatlo. “Bilib din naman ako sa inyo, pati petty theft ginagamit niyo para siraan ako?”Lumapit si Nessa, kunwari mahinahon, pero halatang may laman ang bawat salita. “Selena,” aniya, may pilit na ngiti sa labi, “Kung talagang gi
Natigilan si Nessa sa mga salitang binitawan ni Selena. Parang may malamig na hangin na dumaan sa likod niya, at sa isang iglap, nanlamig ang buo niyang katawan. Kita sa kanyang mga mata ang takot at pagkabigla.Agad pumasok sa isip niya ang posibleng kahihinatnan kung sakaling kumalat ang larawan nila ni Klyde. Isang larawan lang ang kailangan para mabura ang pinapangarap niyang reputasyon sa mundo ng mayayaman at sikat.Paano pa siya makakapasok sa mundo ng mga milyonaryo kung may bahid na siya ng eskandalo? Ang mga taong socialites na gusto niyang makasama sa mga high-end events ay baka pagtawanan lang siya at ituring na desperada.Hindi siya makakapayag kung may kahit katiting na bahid ng iskandalo tungkol sa kanya. Kaya kahit nanginginig sa inis, pinili niyang manahimik. Alam niyang hindi ngayon ang tamang oras para bumawi. Pero darating din ang araw, sigurado siya na mas daig pa niya si Selena sa lahat ng aspeto.Sa ‘di kalayuan, tumayo si Ophelia mula sa kinauupuan, tumaas ang
Agad niyang ikinalma ang sarili at pinilit kumbinsihin ang sariling wala siyang dahilan para maapektuhan sa presensya ng dalawa. Hindi niya kailangang bigyang pansin ang mga taong walang halaga sa buhay niya ngayon.Ngunit hindi niya inaasahan ang paglapit ng dalawa. Halatang-halata ang intensyon nilang guluhin ang tahimik niyang sandali, tila ba sinasadya talaga nilang subukan ang pasensya niya.Nagkunwari si Nessa na malapit sila sa isa’t isa, gaya ng nakagawian nito noon kapag may gustong palabasin. “Selena, nagkita rin tayo ulit,” ani nito sabay ng isang pilit at peke ang ngiti.Tahimik lang na uminom si Selena ng kanyang fruit juice, hindi man lang tinapunan ng tingin ang dalawa. Ginusto niyang tapusin ang eksena bago pa ito lumala. Ngunit gaya ng dati, hindi iyon papayag nang walang drama.“Babe, mukhang hindi pa rin tanggap ni Selena ang relasyon natin. Hindi pa rin ata siya maka-move on,” dagdag ni Nessa, kunwaring may lungkot sa tono ngunit may halatang pang-aasar sa mga mata
“Sinong tinatawag mong basura?!” bahagyang tumaas ang boses ni Yve sa patutsada ni Ophelia.“Subukan mong tumingin sa salamin. Baka doon mo makita,” ganting tugon ni Ophelia, kasabay ng pag-ikot ng mata.Namula sa galit si Yve. Akma na sana itong susugurin si Ophelia pero agad siyang pinigilan ni Nessa, na tumayo sa pagitan nila.“Hindi natin kailangan ibaba ang sarili natin sa level ng dalawang ‘yan,” mariing sabi ni Nessa.Napataas ang kilay ni Selena. “Tama ka. Hindi naman talaga kailangan, kasi malaki ang pinagkaiba ng tao sa basura.”Pagkasabi niya niyon ay lumingon silang dalawa ni Ophelia at tumalikod nang walang baling, iniwan ang tatlo sa init ng emosyon.Nagngitngit si Nessa sa sinabi ni Selena. Gusto niya itong lapitan at sampalin sa harap ng lahat. Pero sa halip, pinilit niyang kumalma. Mas gusto niyang sirain si Selena sa mata ng iba, at alam niyang darating din ang tamang oras.Naglakad sina Selena at Ophelia papunta sa isang bakanteng bilugang mesa at naupo. Kumuha si S
Napasinghal si Selena matapos ang pag-uusap nila ni Ophelia sa cellphone. Sakto naman, pumasok si Axel sa silid at agad itong nagtanong nang makita siyang parang may problemang dinadala.“May problema ba?” tanong ni Axel, habang tinatanggal ang necktie at coat na suot.Tumayo siya mula sa kama at tumulong sa pagtanggal ng mga iyon.“Tumawag kasi yung dati kong kaklase noong kolehiyo pa ako,” sagot niya.“Tapos?”“Uhm… may class reunion daw kami bukas ng gabi.”“‘Yun lang ba?” tila parang wala itong interes sa sinabi niya.Bahagya siyang nalungkot sa tugon nito.“Oo,” tumango siya.“Gawin mo ang gusto mo,” aniya, sagot ni Axel, hindi na siya tiningnan at dumiretso sa banyo.Kumuha siya ng pajama ni Axel mula sa walk-in closet nito at inilapag sa maliit na mesa. Nahiga siya mula sa kama at nag-send ng text message kay Ophelia. Pagkatapos ay inilapag na niya ang cellphone at agad na natulog.Wala pang kalahating oras, tapos na si Axel maligo. Nang makita ang mga damit na inilapag ni Sele
Mariin siyang tiningnan ni Selena. Isang sarkastikong ngiti ang lumitaw sa kanyang labi.“Alam mo, Nessa? Nakakasawa ka na. Wala ka na bang ibang kayang gawin kundi patunayan na mas angat ka kaysa sa ’kin?”Halos umusok ang ilong ni Nessa sa galit. Bago pa siya makapagsalita ng panibagong patutsada, isang itim na Aston Martin ang huminto sa likod ng kotse niya. Agad na napalingon ang dalawang babae. Parehas na namangha sa ganda ng kotse.Lumabas ang drayber ng Aston Martin at pinagbuksan siya ng pinto. Bago pumasok ng kotse, tumingin siya kay Nessa at marahang nagsalita.“Kung wala ka nang ibang sasabihin, uuwi na kami.”At sa mga salitang iyon, binitawan niya ang anumang natitirang interes sa drama ng kanyang stepsister.Sumakay siya sa kotse, mahigpit pa ring hawak si Silas sa kanyang mga bisig. Mahimbing pa rin ang tulog ng nakababatang kapatid, parang walang kamalay-malay sa tensyon sa paligid.Umandar na ang Aston Martin. Naiwan si Nessa sa kanyang BMW, nakatitig habang papalayo
Takot na takot ang mga staff, lalo na ang kahera. Hindi nila alam na ang babaeng pinaghihinalaan nilang magnanakaw ay ang asawa pala ng pinakamayamang tao sa Regenshire, ang totoong Mrs. Strathmore.Nagmakaawa ang kahera. “Patawarin mo kami, Mr. Vale. Hindi namin alam na siya si Mrs. Strathmore!”Sineryoso ni Russell ang kahera. “Malalaman niyo bukas kung anong mangyayari sa inyo. Nakadepende kay Mr. Strathmore kung mananatili pa kayo sa trabaho niyo.”Lumakad si Russell papalabas ng boutique, iniwan ang mga takot at naguguluhang staff.Habang nasa kotse, naghintay si Selena kay Russell at napansin ang stepsister niyang si Nessa, yakap ang isang may-edad na lalaki sa parking lot. Nagkiskisan sila ng katawan at tila inaakit ni Nessa ang lalaki.Nagkaroon ng pakiramdam si Selena na kunan ng litrato gamit ang kanyang cellphone si Nessa at ang kasama nitong may-edad na lalaki.Dumating si Russell at sinakay siya sa kotse. Habang nagmamaneho, nagtanong si Russell, “Mrs. Strathmore, matanon