Halos malalaglag naman ang mga panga nila dahil sa sinabi ko.
"Oh mga panga niyo, pakipulot," pagdugtong ko pa saka sila pinagtaasan ng kilay. "A-ate, pasensiya na. Akala po kasi namin single pa si kuya," sabi ni chinita girl na may maikling buhok sa kanilang apat. "Kaya maraming namamatay sa maling akala eh. Kahit single or taken man ang isang tao ay hindi niyo sila pwedeng kunan ng litrato lalo na kung wala namang permiso na galing sa kanila. Makakasuhan kayo." Pilit kong inisip kung anong republic act iyon pero hindi ko talaga maalala. Hindi pa nakakatulong na naghihintay sila sa sasabihin ko. Sabi na nga ba at maganda lang ako at hindi matalino, e. "Ah basta. Bawal siyang kuhanan ng litrato." Mabilis naman silang nagsipagtanguan sa sinabi ko. Good girls! "Sige na at burahin niyo na ang mga pictures ng boyfriend ko riyan sa cellphone niyo. I'm the only one who is allowed to captured his handsomeness. Kapag may iba pang gumawa neto ay pagbawalan niyo, okay?" Kaagad silang sumunod sa lahat ng sinabi ko. Ipinakita pa nila sa akin na binura na nga nila ang pictures ng honeybunch sweetypie ko. "Ate, ang ganda mo po. Bagay po kayo ni kuyang pogi." "Asus. Nambola ka pang bata ka. Kahit hindi mo iyan sabihin ay bagay naman talaga kaming dalawa ng honeybunch ko," aniko na sinabayan pa ng pagtawa. "Ate, hindi na rin po kami magtatagal. May klase na rin po kasi kami niyan," magalang na pagpapaalam ni chinita girl. Napatango naman ako. "Sige, aral kayong mabuti. Huwag kayong mag-alala at makakahanap din kayo ng kagaya ng boyfriend ko." "Sige po, ate. We're rooting for the two of you." Kumaway pa sila sa akin bago tuluyang umalis. Sakto namang pagtingin ko pabalik sa loob ng 7-eleven ay lumabas na si Jam. Nang silipin ko si Josh ay abala naman ito sa ice cream stand na dahil na rin siguro may umo-order na dalawang istudyante no'n. "Hindi ko alam na nagtatrabaho pala rito si Josh," pagkuha ni Jam sa atensyon ko. "Kaya ako na lang ang mag-apply dito, bebs, ha? Please. Ibigay mo na sa akin 'to." "Hindi pwede, Lex. Nagustuhan na kasi ako ng manager nila. Napag-usapan na rin namin ang magiging shift ko. At sakto naman na ang open shift nila ay swak sa sched ko. Siguradong hindi ka rin nila tatanggapin kung sakali man." Mas lalo lang atang humaba ang nguso ko dahil sa nabalitaan ko ngayon. "Paano na 'to? Paano na ang future namin ng asawa ko?" Sinilip ko pa ulit siya sa loob. Mukhang abala talaga siya sa ginagawa. Hindi niya nga siguro pansin na nandito kami ni bebs sa labas. "Pero huwag kang mag-alala kasi nahingi ko ang sched about sa shift niya rito." Dahil sa narinig ko ay naibaling ko ulit sa kanya ang tingin ko at kulang na lang ay mag-heart shape na talaga ang mga mata ko. Lalo na nang inabot niya sa akin ang isang papel. "Thank you so much, Jam." Hindi ko na napigilan pang yakapin siya nang mahigpit. "Oo na. Oo na. Bitawan mo na ako at nasasakal mo na ako eh." Kulang na lang ay hampasin na niya ang braso ko dahil mukhang nasobrahan talaga ako sa pagkakayakap sa kanya. Bumitaw na rin naman ako saka hinawakan nang mahigpit ang papel na ibinigay ni Jam. "Nga pala, bebs. Huwag ka nang maghanap pa ng work." Nangunot naman ang noo ko. "Ganoon ba kalaki ang pa-sweldo sa 7-eleven para hindi mo na ako paghanapin ng part time job, bebs?" "Hindi naman sa ganoon, bebs. But because someone already recommend you to his friend." Bago pa ako makahuma sa sinabi niya ay may naramdaman na akong tao sa gilid ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakumpirma ko ngang si Dwight ang bagong dating. "Hi!" bati niya sa akin. Hindi ko pa man siya iniimbitahang maupo sa tabi ko ay kusa na siyang naupo. "Dwight, ikaw na ang bahala sa pinsan ko. Siguraduhin mo na matatanggap siya, ha? Thank you." Iyon lang ang sinabi ni bebs saka na siya nagmamadaling pumasok ulit pabalik ng 7-eleven. Mukhang kakausapin pa siya no'ng manager na binabanggit niya kanina. "Shall we go?" Tumango lang naman ako. Nang patayo na ako ay inalalayan niya pa ako. Nagawa niya ring hawakan pa ako sa siko ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapasulyap sa loob. Mabuti na lang at mukhang abala pa rin ang honeybunch ko. Pakiramdam ko tuloy nagtataksil ako sa kanya. Kaya naman ay medyo inilayo ko ang sarili ko kay Dwight. Hindi naman kami close ngunit mukhang pinagkakatiwalaan naman siya ni Jam, kaya might as well to trust him, too. Inilahad niya ang kanyang kamay papunta sa kanyang sasakyan, hindi kalayuan sa pwesto namin. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto at nang masigurong nakasakay na ako ay sinarado niya na rin iyon at halos tumakbo pa siya papuntang driver seat. Ikakabit ko na sana ang seatbelt nang bigla niya iyong agawin mula sa akin. Dumukwang siya saka siya na mismo ang nagkabit ng seatbelt para sa akin. Napailing na lang ako nang bigla niya akong kindatan. Pinili ko na lang na tumingin mula sa labas ng bintana at muling sinulyapan si Josh na abala pa rin. Nakita ko pa mula sa peripheral vision ko na isinuot niya pa muna ang sunglasses niya bago niya minaobra ang kotse. Naging tahimik sa pagitan namin ng magsimula na kaming mag-biyahe. Tila mahihiya ang hangin na dumaan sa pagitan naming dalawa sa lagay na ito. Maya-maya lang ay napansin ko na ang daan na tinatahak namin ay papunta sa apartment. Hanggang sa lumagpas kami ro'n at pati ang university ay nilampasan din namin. Ilang layo lang mula sa school ay inihinto na niya rin ang sasakyan. "Nandito na tayo," anunsiyo niya. Kaagad kong tinanggal ang seatbelt ko kasi baka pati pagtanggal no'n ay pakialaman niya pa. Hindi ko na rin siya hinintay na pagbuksan pa ako ng pinto dahil nagkusa na akong lumabas. Kaagad kaming dumiretso sa loob ng isang coffee shop. Mukhang maraming customer ngayon dahil halos mapuno ang loob neto. Naglakad kaming dalawa hanggang sa mapatapat sa isang malaking pinto na kulay mahogane. Kumatok lang nang dalawang beses si Dwight bago namin marinig ang isang mahinhin na boses sa loob. "Come in!" Nginitian ako ni Dwight saka inilahad sa akin ang pinto para ako ang unang pumasok. Bumungad sa mga mata ko ang loob ng opisina na halos lahat ng gamit ay kulay puti. Mula sa kurtina, sa dalawang maliit na sofa na nakaharap sa desk ng isang babaeng prenteng nakaupo sa swivel chair. "Good morning!" nakangiting bati niya sa amin pagkapasok namin sa loob ni Dwight. "Have a seat." Naupo naman ako sa inilahad niyang mini sofa. "Good morning. I'm Euphrasia Lexus Avery," pagpapakilala ko sabay lahad ko ng aking kamay. "Nabanggit na sa akin ni Dwight ang tungkol sayo." Hindi ko ipinahalata na nagulat ako at pekeng ngumiti. "Sana lang ay maganda ang mga bagay na sinabi niya patungkol sa akin," pagbibiro ko. "I like your humor. Can you give me your sched so that I can give you, your shift?" "May I ask?" may pag-aalinlangan kong tanong. "Sure, darling." "Hired na ba ako? Dahil ba ito sa request ni Dwight?" hindi ko na napigilan pang itanong. Ramdam ko namang biglang naging tense si Dwight. Napangiti naman si Miss Chloe saka niya isinandal ang sarili sa swivel chair. "Do you want to think it that way, honey?"Mabilis naman akong napailing. "Then don't. I can see that you're beautiful and smart. So, show me what you've got." Ganoon lang kabilis natapos ang usapan namin. Sa susunod na araw ay magsisimula na akong magtrabaho as a part timer. Hanggang sa paglabas ng coffee shop ay hindi ko pa rin kinakausap si Dwight. Kahit siya ay mukhang walang gustong sabihin sa akin. Ngunit kailangan ko pa rin siyang pasalamatan. Dahil kung hindi sa kanya ay hindi naman ako makukuha. "Thank you," tipid kong pagpapasalamat sa kanya. Napakamot naman siya sa kanyang batok at mukhang nahihiya. "You're always welcome, Lex. Sabihan mo lang ako kung sakaling may kailangan ka pa. I mean kung may kailangan pa kayo ni Jam." Wala naman na siguro kaming kakailanganin pa. "Ihahatid na kita sa inyo," alok niya sa akin na mabilis kong tinanggihan. "Malapit naman na mula rito ang apartment namin, Dwight. Mas gusto ko sanang maglakad." Napatango-tango naman siya sa sinabi ko. "Goodbye, Lex." Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Bigla na lang kasi siyang dumukwang para bigyan ako ng h***k sa pisngi. Hindi ko alam kung ilang minuto akong natulala. Namalayan ko na lang na nakaalis na pala ang sasakyan niya. Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa coffee shop. Kanina ko pa ito napansin. Wala talagang hiring na nakalagay sa labas ng coffee shop. "Did she really just hired me because of Dwight's request? And why Dwight do this? Is it because of Jam's request, too?" pagtanong ko sa sarili saka napabuntong hininga na lamang.Tinanghali na ako ng gising at kung hindi pa ako magmamadali ay paniguradong mala-late na talaga ako.Mas maaga ang pasok sa akin ni bebs at ang bruha hindi man lang ako ginising o kahit man lang lutuan ako ng umagahan. Kaya ang ending, heto at nagtatakbo na ako papalabas ng apartment habang may tangay-tangay na tinapay sa bibig ko.Nang padaan na ako sa printing shop nila Kuya Al ay sandali akong tumigil. Napansin ko kasing nakatayo sa labas si Kuya Jay habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay. Saka ko lang napansin na mainit pala ngayon ang panahon. Kaya naman pala medyo tagaktak ang pawis ko sa noo kahit na kaliligo ko lang naman."Good morning, Kuya Jay."Mukha siyang nagulat sa presensiya ko. Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha, dala marahil ng init talaga ng panahon. Mestiso kasi si Kuya Jay. Habang si Kuya Al naman ay moreno."Good morning, Lexus. Late ka na ata."Naging que ko iyon
After class ay nakatambay nanaman kami ni Jam dito sa corridor na madalas daananan ni Josh. Mula kasi no'ng encounter namin kanina ay hindi niya man lang ako sinulyapan kahit na lantaran na ang pagtingin ko sa kanya.Ilang beses din akong dumaan kanina sa labas ng room nila ngunit tila wala talaga siyang pakialam sa akin. Tulad na lang nang wala akong pakialam kay Tamara kahit na binabato niya ako ng masamang tingin."Nandiyan na si Josh," bulong sa akin ni bebs.Hinigit ko talaga siya kanina papunta rito. May balak sana siyang mag-stay sa library after class pero syempre wala siyang magagawa dahil hinila, I mean hinatak ko talaga siya.Kaagad kong ibinaling ang atensiyon ko sa grupo ng mga architects na padaan na rito sa puwesto namin ni Jam. Masasabi kong walang maitatapon sa kanilang lima. Ngunit nakatutok talaga ang atensiyon ko sa lalaking nagmamay-ari ng kulay green na mga mata."Ang
Kaagad namutla ang mukha ko nang bumaba sa slacks niyang napunit ko ang tingin ko. Kaagad kong tinanggal ang kamay ko saka do'n ko pa lang nakitang nakasuot siya ng pink na boxer. Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ang tawanan at bulungan ng mga istudyante. Halos lahat sila inaasar si Josh kasi pink ang suot niyang boxer. Nakagat ko na lang ang labi ko nang maalalang pink nga pala ang favorite color niya. Ngunit bigla ay nakaramdam ako ng inis sa lalaking nasa gilid lang namin nang sabihin niya ang salitang 'bakla.' Mukhang senior namin siya pero wala na akong pakialam. "It doesn't make him less a guy just because he is wearing a pink boxer. Kaya huwag mo siyang tatawaging bakla. That's not the basis for a person to be called a real man. At hindi mo kina-cool ang pagtawa mo, kuya." Bawat salita ko ay may diin at halos isigaw ko iyon sa harapan niya. Natigilan naman lahat ng tawanan at bulungan na naririnig ko kanina. Wala na akong ibang marinig kung hind
Wala sa sariling sinipa-sipa ko ang bottled mineral water na pinag-inuman ko kanina.Katatapos lang ng part time job ko sa coffee shop ni Miss Chloe, pero magpa-hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa tamang huwisyo – kahit no'ng nagtatrabaho ako kanina. Iniisip ko pa rin kasi ang nangyari. Umuwi akong bagsak ang balikat kahapon dahil ni hindi ko man lang nakausap si Josh."Aray!"Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses na iyon. Halos manlaki ang mata ko nang mapagtanto na mukhang napalakas ata ang pagsipa ko sa bottled mineral water. Dali dali kong dinaluhan si Dwight na ngayon ay sapo sapo ang noo."Look! Mukhang nagkapasa ata ako," aniya na yumuko pa para mapantay sa mga mata ko ang noo niya.Nakagat ko na lang ang labi ko nang makitang namumula ang parteng tinamaan ko."Sorry. Hindi ko naman kasi alam na may matatamaan.""Paano pala kung ba
Taas ang noong lumabas ako ng comfort room at dumiretso sa gitna ng dance floor. Hanggang ngayon ay nagsasayaw pa rin silang dalawa. Napangisi ako at nagkunwaring naghi-head bang.Hindi pa siguro nila matukoy na ako ito dahil medyo naging dim ang ilaw ng bar. Napangisi ako nang tuluyan kong mapalayas si Tamara at ngayon nga ay ako na ang nakayakap kay Josh.Nagulat na lang kaming dalawa nang tutukan kami ng spotlight. Pero hindi na iyon mahalaga sa akin ngayon. Balak niya pa sana akong bitawan pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakakunyapit ko sa leeg niya.Ano 'yon? Pwede niyang isayaw si Tamara tapos ako hindi?"What do you need this time, Miss Avery?""Nothing. I just want to dance with you. And..." itinigil ko sa ere ang sinasabi ko saka inilapit ko ang labi ko sa tenga niya. Mabuti na lang at nakasuot ako ng heels kaya abot ko siya hangga
Napangiti ako nang makitang naglalaro ng soccer si Josh. Bawat pagsipa niya sa bola ay sumasabay ang buhok niya sa paghampas dala marahil ng hangin. Kahit pawisan na siya ay hindi ko maipagkakailang napaka-gwapo niya pa rin sa mata ko. Umupo ako sa pinakamalapit na bench kung saan mapapanuod ko siya nang malapitan. Medyo namumukhaan ko na ang mga kalaro niya. Naalala kong sila ang apat na architects din na kasama ni Josh no'ng hinihintay ko siya noon sa corridor. Nakita ko pang saglit silang tumigil para magpahinga. Maya-maya lang ay pinalibutan ng apat si Josh. May sinabi sila pero syempre hindi ko rinig dito sa puwesto ko. Kita ko na lang kung paanong kumunot ang noo ni Josh at nang bumaling siya sa gawi ko ay kaagad tumambol ang puso ko. Tila kilala neto kung sino ang totoong nagmamay-ari sa kanya. Only Josh can make my heart beat so fast. Nagsalubong ang kilay ko at sinundan ko ang paggalaw ng labi niya. Kung hindi ako nagkakamali ay ang salitang 'sige' a
Binayaran ko muna si manong driver bago ako sumilip sa loob. Abalang-abala si Josh sa pag-i-entertain ng mga nagbabayad sa counter.Pinili kong maupo sa pwesto na malabo niyang makita para magawa ko siyang pagmasdan. Tila kalkulado bawat galaw ng kamay at katawan niya. Sobrang focus niya mag-trabaho. Salubong ang kanyang kilay pero sobrang nakaka-attract talaga ang kulay berde niyang mga mata.Sabi nila napaka-rare na magkaroon ng ganoong kulay ng mga mata. Kanino niya naman kaya iyon namana?Nang makatitigan ko kasi si father-in-law ay itim na itim naman ang bilugan niyang mga mata. Hindi kaya kay mother-in-law? Pero hindi ko pa siya nakikita in person. Nagtatarabaho kaya si mommy sa abroad? Isa ba siyang OFW? Napahagikgik na lang ako nang mapagtanto na 'mommy' ang tawag ko sa mama ni Josh.Hindi bale, soon magiging mommy at daddy ko na rin sila.Maya-maya pa ay napagtanto kong w
Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumawa. This is the first time that I made him laugh. At wala namang nakakatawa sa sinabi ko."Seriously, Miss Avery? Pati ba naman bata pinagseselosan mo? I'm not yours to begin with. Kaya siguro naman wala kang karapatang magselos," panghahamon niya."Kailangan bang maging akin ka muna bago ako magselos? Hindi ba pwedeng gusto lang kita kaya nagseselos ako?"I caught him off guard. Bago niya pa maiwas ang tingin niya sa akin ay nahuli ko pang namula ang pisngi niya. Did I make him blush?Nabigla pa ako nang hawakan niya ang kamay ko at alisin iyon mula sa pagkakahawak ko sa dulo ng hoodie niya. Napayuko na lang ako kasi akala ko iiwan niya na ako nang tuluyan. Hindi ko na siya sinundan pa ng tingin nang umalis na siya. Maglalakad na sana ako pabalik ng 7-eleven habang nakayuko nang bigla akong nagulat sa pagbusina ng isang motor. Halos malaglag ang panga ko
JOSH SIDE STORYBakas ang inis sa mukha ko dahil sa ipinapagawa ni Kuya Lay."Sige na. Iaabot mo lang naman 'to kay Rosie."Si Rosie ang girlfriend ni Kuya Lay. Sa isang private school nag-aaral ang babae. Kumbaga, their relationship is between public and private school.Nag-away kasi ang dalawa kaya ako ang gustong maging tulay ng mokong na 'to. Kagaguhan ba naman kasi niya. Nalaman kasi ni Rosie na may iba siyang kasama kahapon. Kahapon pala dapat ang monthsary nila. Kaya tuloy ngayon ay ayaw makita ni Rosie maski ni anino niya.Sa huli ay wala rin naman na akong nagawa. Sakay ng sarili kong motor ay pinuntahan ko ang school ni Rosie. Maya-maya pa iyon lalabas kaya naghintay pa ako ng ilang oras. Para hindi mabagot ay inabala ko ang sarili sa paglalaro ng mobile games na kinaaadikan ng mga kaklase ko.Maya-maya lang ay tila may magnet na humihila sa mga mata ko
Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo rito sa harapan ng Singapore Flyer. Matapos kasi nang naging usapan namin ni Dwight ay lumibot ako at napadpad sa Marina Bay. Dahil nga malapit lang ang Singapore Flyer mula ro'n ay dumiretso na rin ako papunta rito.Nahawakan ko na lang ang aking leeg dahil magkaka-stiff neck yata ako, matanaw lang ang tuktok neto. Nang magsawa sa pagtingin ay binaba ko na ang mata ko at nabaling iyon sa lalaking ilang layo lang ang pagitan mula sa akin. Kinailangan ko pang paliitan ang mga mata ko para makumpirma kung siya nga ba ang nakikita ko.Ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso nang unti-unti siyang maglakad papalapit sa akin. Tumama sa mukha niya ang ilaw na nagmumula sa Singapore Flyer kaya natutop ko na lang ang aking bibig nang makumpira kong siya na nga ito. Hindi ako nanaginip lang, totoo ko na talaga siyang nakikita.Huminto siya ilang layo lang ang hakbang mula sa akin. May hawak-hawak siyang cardboard.
Hindi ko naman napigilang mapangiti. "Dwight," pagbanggit ko sa kanyang pangalan. Lumapit naman siya sa pwesto ko. Ngunit tumigil din ng ilang layo na lang ang pagitan namin para bigyang distansya ang isa't isa. Saka siya may kinuha sa bulsa ng kanyang trench coat. Nang ilabas niya iyon ay doon ko lang nakumpira na gloves pala iyon. Hindi siya nagdalawang-isip na kusa na iyong isuot sa mga kamay ko. "Thank you," aniko matapos niyang maisuot sa akin ang gloves. "Can I talk to you while we are sipping a coffee?" aniya at itinuro pa ang coffee shop na malapit lang mula sa pwesto namin. "Sure," pagtanggap ko sa imbitasyon niya. "Ladies first." Napailing-iling na lang ako nang paunahin niya ako sa paglalakad. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng staff doon saka kami binating dalawa ni Dwight. Nakaupo na kami ngayon sa loob netong coffee shop, malapit sa glass wall. Isa kasi ito sa mga spot na paborito ko dahil gustong
Matapos kong magbihis ay inabala ko naman ang aking sarili sa paglagay ng make-up sa mukha ko. Pinili ko ang kulay pulang lipstick ko na ibinigay pa sa akin ni Cecil, ang kasamahan ko sa trabaho.Nang makuntento sa aking hitsura ay ang buhok ko naman ang pinasadahan ko ng suklay. Pinag-iisipin ko pa kung anong magiging ayos ng aking buhok, pero sa huli ay hinayaan ko na lamang na nakalugay iyon.Matapos kong makapag-ayos ay sandali akong dumapa sa aking kama saka binuksan ang aking laptop. Hinanap ko sa mga files ang ginawa kong resignation letter kanina. Nang mahanap ay mabilis ko iyong sinend sa gmail ni Mrs. Samaniego. Napagbigay alam ko na kasi sa kanya ang pagbabalak kong mag-resign sa trabaho. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya na bitawan ako, but she respected my decision.I was about to shut down my laptop when suddenly my phone vibrated. Nang tingnan ko iyon ay naka-receive ako ng tawag mula kay Jam. Kahapon niya
Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay baka bigla akong magising sa isang magandang panaginip na ito. Mas lalo lang pinag-igting ng titig niya ang kagustuhan kong manatili sa ganitong posisyon. Na iyong tipong hindi namin maalis ang mata sa isa't isa. Na ngayon ay nasa iisang lugar na ulit kami. Ramdam ko ang init na hatid ng bawat tinging ibinibigay niya. Ginigising no'n ang bawat himaymay ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay binawi ko ang tingin ko sa kanya saka ako naglakad papalapit. Ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. "For the last time, I want to see you." Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa wakas ay marinig ko na ang boses niya. I miss him so bad. Kahit na nandito na siya sa harapan ko ay pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa kanya.
I was busy putting make-up and fixing my hair when someone knocked at the door. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko ipihit ang katawan ko paharap sa pinto, saktong pagpasok ni Jam. Malapad akong ngumiti sa kanya saka tumayo at niyakap siya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa likod ko. "Everything is going to be fine, bebs. Remember that I am always here for you." Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin saka sinilip ang mga mata ko. "Oh. Bawal umiyak. Baka masira ang make-up mo." Napailing-iling na lang naman ako sa sinabi niya. "You look good," komento niya saka pinasadahan ng tingin ang ayos ko. Suot ko ngayon ang biniling white dress ni Sean para sa akin.Maya-maya lang ay sabay na kaming lumabas ni bebs sa dressing room at bumaba sa ikalawang palapag ng hacienda. Kitang-kita ko ngayon ang pagiging abala ng mga maids dahil na rin sa dami ng bisita sa araw na ito. Abala sila sa dam
I'm busy looking on the couple outside. I can see their smiling faces. It feels like they are both excited for their wedding preparations. While I'm here, the last day of my pretending. I suddenly raised my hand and look at my engagement ring.Alam kong napagkasunduan na namin ito kahapon ni Sean na tanggalin. Ngunit sa huling pagkakataon ay pareho namin iyong isinuot para sa plano kong gagawin mamaya. "Miss Calderon." Kaagad akong napalingon sa babaeng nakatayo, hindi kalayuan sa akin. Sa tantiya ko ay siya ang babaeng wedding organizer na binabanggit sa akin ni Sean. "Do you want to consult about your wedding plans?" Kaagad akong napatayo saka nginitian siya at tumango. "I'm Cindy," pagpapakilala niya. I reached for her hand, then we both gave each other a handshake. "Let's talk about your wedding plans there. Come and I'll gu
Natulala naman siya sa mga sinabi ko. Ngunit bigla ay napaisip ako.. mahal pa nga kaya ako ni Josh gayong sinikreto ko mula sa kanya ang aking pagkatao? "By looking at you it seems that you are not really sure about his feelings for you. Hija, Sean is always there for you. He is your childhood friend, right? Even he does not tell us, I know that he is hurting. It pains him knowing that you love someone else, hija. Sean is a good guy. You two are suited for each other." Umiling-iling lang naman ako saka sumandal sa balikat niya. "Hindi ko kontrolado ang puso ko, dad. Hindi ko kayang diktahan ito sa kung sino ang dapat kong mahalin." Napangiti ako nang maalala ang childhood memories namin ni Sean. Ngunit nang maalala ko ang mga panahon na nakasama ko si Josh ay mas lalo akong napangiti at alam kong mas masaya ako sa mga panahon na nakasama ko siya. "At sa sitwasyon namin ni Sean, he is just my friend. Pl
Nagising ako sa aking mahimbing na pagkakatulog nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Hindi ko nga alam kung mahimbing na nga ba iyon. Baka nga ilang oras lang akong nakatulog dahil ramdam ko ang bigat ng aking ulo.Ilang araw na nga ba akong ganito?"Young lady, pinapasabi po ng inyong Lolo na kung ayaw niyo raw pong lumabas ng inyong silid ay mas mainam na kumain kayo kahit kaunti lang."Kahit mabigat ang aking pakiramdam ay mas pinili kong maupo saka sumandal sa headboard ng kama."Then tell him that I don't want to. Pakisabi na rin sa kanya na mas mainam na rin kamong mamatay ako kaysa sundin kung anong gusto niya," naghihinagpis kong sagot."B-but ma'am–""Just go! Huwag mo akong pilitin kung ayaw mong ikaw mismo ang mapagbuntungan ko ng galit."Nayakap ko na lang aking tuhod nang marinig ang yabag niyang papaalis na. Napabuntong-h