Taas ang noong lumabas ako ng comfort room at dumiretso sa gitna ng dance floor. Hanggang ngayon ay nagsasayaw pa rin silang dalawa. Napangisi ako at nagkunwaring naghi-head bang.
Hindi pa siguro nila matukoy na ako ito dahil medyo naging dim ang ilaw ng bar. Napangisi ako nang tuluyan kong mapalayas si Tamara at ngayon nga ay ako na ang nakayakap kay Josh.
Nagulat na lang kaming dalawa nang tutukan kami ng spotlight. Pero hindi na iyon mahalaga sa akin ngayon. Balak niya pa sana akong bitawan pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakakunyapit ko sa leeg niya.
Ano 'yon? Pwede niyang isayaw si Tamara tapos ako hindi?
"What do you need this time, Miss Avery?"
"Nothing. I just want to dance with you. And..." itinigil ko sa ere ang sinasabi ko saka inilapit ko ang labi ko sa tenga niya. Mabuti na lang at nakasuot ako ng heels kaya abot ko siya hanggang tenga. "... kiss you."
Rinig ko ang marahas niyang paghinga. Napangisi ako. Ganito ba ang epekto ko sa kanya?
May epekto nga ba ako sayo, Josh?
"Stop this nonsense, Miss Avery. You're already drunk."
Matapos kong umiling ay lumayo ako nang bahagya para matitigan ang magagandang pares ng kulay berde niyang mga mata.
"I'm not drunk, Mr. Gonzales. I just badly need to kiss you. Will you let me?"
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Siguro dala na rin ng instinct kaya napapungay ko ang aking mga mata. Bago pa ulit ako makapagsalita ay namalayan ko na lang na tinawid na niya ang pagitan ng labi naming dalawa. I was shocked at first but when I realized it, I started to deepen our kiss. He tasted like a mint and his scent is intoxicating. Para niya akong dinadala sa ibang dimensyon.
Naghiwalay lang ang labi naming dalawa nang maubusan na kami ng hininga. Pareho kaming gulat sa nagawa namin. Ngunit hindi maipagkakaila ng mga mata niya na nagustuhan niya kung anumang nangyari sa pagitan naming dalawa.
"What the hell?"
Napangisi ako nang marinig ang boses ni Tamara. Hindi ko alam kung saan siya napadpad kanina. At mukhang ngayon niya lang napagtanto na ako na ang nakayakap ngayon kay Josh. Hindi lang 'yon, nakalikan ko pa siya.
Binalingan ko siya at kitang-kita ang galit at sakit na nararamdaman niya. Kung siguro hindi ko lang yakap si Josh ay naghihisterikal na siya at sinabunutan na niya ako. Dahil tuloy sa nakikita ko ngayon ay mas lalo lang akong ginaganahan na hindi sumuko sa laban.
"Kung masakit, pikit. Kung inggit, pikit. Kung galit syempre, pikit pa rin," pang-aasar ko kay Tamara.
"Stop it, Miss Avery."
Tinanggal na niya ang pagkakayakap ko sa kanya. Masakit pero atleast I proved something. That we had this attraction for each other.
I was about to say something nang bigla ay may humaklit sa braso ko. Bumungad sa akin ang galit na galit na hitsura ni Dwight. Nakita ko rin ang sakit sa mga mata niya pero naglaho rin iyon. Wala siyang sinabi nang hinila niya ako paalis ng dancefloor saka niya ako dinala palabas ng bar. Bago pa namin marating ang kotse niya ay may humila rin sa isa ko pang kamay.
Nagulat ako nang mapagtantong si Josh iyon. Paanong? Bakit? Sinundan niya kami?
"Let go of her hand, Gonzales."
"Ako ang dapat ang magsabi niyan sayo, Mr. Dwight Tamayo. Let go of her hand."
Kitang-kita ko ang galit sa mga mata nilang dalawa. Kulang na lang ay gawin na nila akong lubid at magmumukha na talaga silang naglalaro ng tag of war.
"You don't deserve her, Josh. You treat her just like you treat other girls who showed interest on you. You don't even like her like I do. So, you better let go of her hand. And give her to the right man who will make her happy."
"'And you think you can make her happy, huh?" ani Josh saka ngumisi ng nakakaloko. "She likes me, Mr Tamayo."
"You knew. But you can't reciprocate her feelings. I'm here, Mr. Gonzales if you just know. I'm here waiting to open her heart for someone like me."
"You know nothing!" gigil na banat ni Josh.
"Tama na! Pwede ba bitawan niyo akong dalawa!" pagpipiglas ko.
Pareho pa silang nabigla sa pagsigaw ko kaya unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nila sa akin. Kinailangan ko pang haplusin ang palapulsuhan ko dahil napangiwi ako sa kirot na dulot nang pagkakahawak nila ro'n.
"Hindi ako bagay para pag-agawan niyo," nagdaramdam kong pahayag.
"Miss Avery."
"Shut up, Josh! You know I like you, right? And here you are, giving me false hope. One day you look like you cared for me. Then the next day, you're cold. I don't know where will I stand. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba itong nararamdaman ko. Kasi naman, Josh. Tao lang din naman ako. Oo, makulit ako. Hinahabol kita dahil iyon sa gusto kita!"
Natameme siya dahil sa sinabi ko at piniling iiwas ang tingin sa akin.
"See? Ni wala kang masabi. And you.."
Bumaling naman ako sa gawi ni Dwight. "I knew your feelings about me, okay? Hindi ko na uuliting sasabihin sayo kung sino ang taong gusto ko. Sabi mo, maghihintay ka. At hindi ko alam kung hanggang kailan. Gusto kitang pahintuin pero sabi mo hayaan kita. Pero sana huwag kang umakto na parang boyfriend kita. Kasi walang nagmamay-ari sa akin! I will let my heart who will it choose to fall in love with. I will choose who will the person I want to make me happy. And you already knew who is it and he deserve it, anyway!"
Halos mapugto ang hininga ko pagkatapos kong magsalita. Hindi ko na alam kung paano pa sila haharaping dalawa ngayon at kung paano sila kakausapin na walang masasaktan sa aming tatlo. Mabuti na lang at dumating sila Ethan at Jam. Tila hulog sila ng langit na dalawa sa oras na 'to.
"Mas mabuti pa siguro na umuwi na tayong lahat. Gabi na. Magpalamig na muna tayo ng mga ulo natin," biglang singit ni Jam. "Good bye, boys!"
Nakagat ko na lang ang labi ko saka hinayaan si bebs na hilain ako papuntang sasakyan ni Ethan. Mukhang sa kanya kami ngayon magpapahatid.
Habang nasa biyahe ay napagtanto ko na mahirap talagang magkagusto sa taong hindi naman ako gusto. Hindi rin naman maganda kung pipilitin ko ang sarili na magustuhan ang taong nagkakagusto sa akin lalo na at iba ang gusto ko.
If I'll make a choice. Who really deserve me? The one that makes me happy or the one who wants me to be happy?
Kanina ko pa hawak ang librong hiniram ko pa sa library. Nililipat-lipat ko ang bawat pahina kahit wala naman doon ang atensyon ko. Ni wala ngang pumapasok ni maski isang salita sa utak ko galing sa libro.
"Marunong ka na palang magbasa ng pabaliktad, bebs?" may tunog pagkamangha at pang-aasar sa pagkakatanong ni Jam.
Wala sa sariling tiningnan ko naman ang hawak kong libro saka ko lang napagtanto na nakabaliktad nga ito.
"Pansin kong kanina ka pa wala sa sarili. Okay ka lang ba?"
Binitawan ko naman na ang libro dahil alam ko namang hindi ko talaga iyon binabasa.
"Iniisip ko lang iyong nangyari kahapon," pag-amin ko sa kanya.
"You mean.. the tag of war between you, Dwight and Josh?" pagbibiro niya.
"Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit umakto nang gano'n kahapon si Dwight. Oo alam kong may nararamdaman siya para sa akin pero nilinaw ko naman sa kanya kung sino talaga ang gusto ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit naitanong ko sa sarili ko na kung sino ang mas deserve ko. Samantalang ilang beses ko na ngang ipinamukha kay Dwight na deserve ko si Josh," pag-amin ko kay Jam.
"Sino bang mas matimbang sa dalawa?"
"Huwag mo ng itanong. Alam mo namang si Josh."
"But I can see that you cared for Dwight," sulsol niya pa.
"Dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Pareho kaming dalawa na handang gawin ang lahat ng bagay para sa taong gusto namin."
"But don't you think that he will misinterpert you? Na baka katulad ni Josh sayo, you will give him false hope. Naiinis ka kay Josh kasi pinaparamdam niya sayo na may pag-asa ka pero ganoon din naman ang pinaparamdam mo kay Dwight. Ang labo niyong tatlo, bebs."
Then.. it hits me.
"Nilinaw ko na ang lahat kay Dwight, bebs. I just can't push him away because he is too persistent, just like me."
"Paano kaya kung bigyan mo siya ng chance? Let him court you. Challenge your feelings for Josh."
Mabilis naman akong napailing.
"Mas lalo ko lang masasaktan si Dwight, bebs. Yes, I cared for him. But I like Josh. And I think deserve ni Dwight na magustuhan din pero hindi ko iyon kayang ibigay sa kanya. He deserve someone who will make him happy."
"What if ikaw lang ang taong may kakayahang pasayahin siya?"
Naguguluhan na talaga ako sa mga tanong ni Jam at sa mga ipinapakita niya. Tila kasi itinutulak niya ako palapit kay Dwight. Habang inilalayo niya ako kay Josh.
Mukha namang nabasa niya ang iniisip ko kaya kaagad din siyang nagsalita. "Huwag mong isiping hindi ako suportado sa nararamdaman mo kay Josh, bebs. This is first time I saw you chasing a guy. At ayoko lang na sa bandang huli ay masaktan ka lang niya. Ipapaalala ko lang sayo, hindi ito ang totoong mundo nating dalawa."
Nangalumbaba naman ako saka pinagdiskitahang palipat-lipatin ang pahina ng libro. "Simula nang mapagpasyahan kong sundan siya rito sa university ay hinanda ko na ang sarili kong masaktan, Jam. Inisip ko rin naman noon ang posibilidad na hindi niya ako gusto. But I just can't slip this opportunity away. I want to know him more."
"Maging totoo ka nga sa sarili mo, bebs. Nagustuhan mo lang ba si Josh dahil iniligtas ka niya?"
Sinamaan ko naman ng tingin si Jam.
"Alam nating dalawa na hindi ako gano'n kababaw. I just can't explain it. There was a time that you can't put your feelings into words. But you can feel it by your heart."
Napangiti ako nang makitang naglalaro ng soccer si Josh. Bawat pagsipa niya sa bola ay sumasabay ang buhok niya sa paghampas dala marahil ng hangin. Kahit pawisan na siya ay hindi ko maipagkakailang napaka-gwapo niya pa rin sa mata ko. Umupo ako sa pinakamalapit na bench kung saan mapapanuod ko siya nang malapitan. Medyo namumukhaan ko na ang mga kalaro niya. Naalala kong sila ang apat na architects din na kasama ni Josh no'ng hinihintay ko siya noon sa corridor. Nakita ko pang saglit silang tumigil para magpahinga. Maya-maya lang ay pinalibutan ng apat si Josh. May sinabi sila pero syempre hindi ko rinig dito sa puwesto ko. Kita ko na lang kung paanong kumunot ang noo ni Josh at nang bumaling siya sa gawi ko ay kaagad tumambol ang puso ko. Tila kilala neto kung sino ang totoong nagmamay-ari sa kanya. Only Josh can make my heart beat so fast. Nagsalubong ang kilay ko at sinundan ko ang paggalaw ng labi niya. Kung hindi ako nagkakamali ay ang salitang 'sige' a
Binayaran ko muna si manong driver bago ako sumilip sa loob. Abalang-abala si Josh sa pag-i-entertain ng mga nagbabayad sa counter.Pinili kong maupo sa pwesto na malabo niyang makita para magawa ko siyang pagmasdan. Tila kalkulado bawat galaw ng kamay at katawan niya. Sobrang focus niya mag-trabaho. Salubong ang kanyang kilay pero sobrang nakaka-attract talaga ang kulay berde niyang mga mata.Sabi nila napaka-rare na magkaroon ng ganoong kulay ng mga mata. Kanino niya naman kaya iyon namana?Nang makatitigan ko kasi si father-in-law ay itim na itim naman ang bilugan niyang mga mata. Hindi kaya kay mother-in-law? Pero hindi ko pa siya nakikita in person. Nagtatarabaho kaya si mommy sa abroad? Isa ba siyang OFW? Napahagikgik na lang ako nang mapagtanto na 'mommy' ang tawag ko sa mama ni Josh.Hindi bale, soon magiging mommy at daddy ko na rin sila.Maya-maya pa ay napagtanto kong w
Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumawa. This is the first time that I made him laugh. At wala namang nakakatawa sa sinabi ko."Seriously, Miss Avery? Pati ba naman bata pinagseselosan mo? I'm not yours to begin with. Kaya siguro naman wala kang karapatang magselos," panghahamon niya."Kailangan bang maging akin ka muna bago ako magselos? Hindi ba pwedeng gusto lang kita kaya nagseselos ako?"I caught him off guard. Bago niya pa maiwas ang tingin niya sa akin ay nahuli ko pang namula ang pisngi niya. Did I make him blush?Nabigla pa ako nang hawakan niya ang kamay ko at alisin iyon mula sa pagkakahawak ko sa dulo ng hoodie niya. Napayuko na lang ako kasi akala ko iiwan niya na ako nang tuluyan. Hindi ko na siya sinundan pa ng tingin nang umalis na siya. Maglalakad na sana ako pabalik ng 7-eleven habang nakayuko nang bigla akong nagulat sa pagbusina ng isang motor. Halos malaglag ang panga ko
Mabilis na natapos ang klase namin kaya dumiretso na kaagad ako sa Sweet N' Tasty. Kinawayan ko lang saglit si Kuya Jerik at kaagad na akong pumasok ng staff room. Nagpalit ng uniform at nilagay ko sa locker ang mga gamit ko.Pagkalabas ko ay tila dinagsa ang coffee shop. Mukhang mapapasubo kami ngayon sa dami ng customer. Kaagad akong naglakad palapit sa counter nang tawagin ako ni Kuya Jerik para ihatid ang tray na naglalaman ng mga order ng customers namin.Akala ko matatapos ang araw na iyon kagaya ng mga naunang araw ko rito. Ngunit tila ako pinagsakluban ng langit at lupa nang tumunog ang chime senyales na may bagong dating ulit na customer. Nawala ang ngiti sa labi ko nang bumungad sa mata ko sila Tamara at Josh. Naghihintay pa ako ng dadating pero mukhang dalawa lang sila.Kaagad na nagtama ang mga mata namin ni Tamara at otomatikong tumaas kaagad ang kilay niya. Nagkunwari pa siyang may ibinubulong sa honeybunch k
"Thank you, Dwight," nakangiti kong pagpapasalamat nang marating na namin ang apartment.Marami pa kaming pinuntahan kanina. Mukhang sinulit niya talaga na kasama ako sa buong araw. Pinagbigyan ko na tutal birthday naman niya ngayon. Kaya heto, ginabi na kami sa pag-uwi.Natanggal ko na ang seatbelt ko at handa na sana akong bumaba nang bigla niya akong pigilan sa pamamagitan ng paghawak niya sa braso ko."Bakit?" pagbaling ko sa kanya.Mabilis niyang tinanggal ang seatbelt niya. Nabigla pa ako nang hawakan niya ako sa magkabila kong balikat at pinakatitigan sa mata."I really can't let you go, Lex. Sana ako na lang talaga. Sana ako na lang ang gusto mo."Iniharang ko ang dalawa kong kamay sa pagitan naming dalawa saka ko siya bahagyang tinulak. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya, pero kaagad din iyong naglaho. Saka niya ginulo-gulo ang aking buhok.
Nagmamadaling nagpalit na ako ng damit at nag-apply ng light make up and lip tint.Pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili ay tiningnan ko ang oras sa phone ko. It's already 5:50pm. I still have 10 minutes para hindi ma-late sa usapan namin ni Josh.I texted him awhile ago to remind him about the tutor thingy and he said today is our first day. Kaya kinuha ko na ang bag ko and I make sure na nakalagay doon lahat ng notes ko about math.Mabuti na lang at hindi ako tamad magsulat. Tamad mag-aral siguro, oo.Pagkalabas ko ng kuwarto ay siya namang pagpasok ni Jam. Literal na nalaglag ang panga ko dahil sa new look niya."D-did.. did you dye your hair, bebs?"Inikot-ikutan ko pa siya habang tinititigan ang kulay pula na niyang straight na buhok. Nakakagulat din na nakasuot siya ng headband na may design na bulaklak. She really looks like a real girl now. Well, okay na sana kung
Mabilis na nagdaan ang mga araw. Patuloy pa rin sa pagtutor sa akin si Josh sa mga lessons. Ngunit ganoon na lang ang pagbagsak ng balikat ko nang makuha ang results ng long quiz namin sa math."45/100," pagbasa ko sa papel na hawak.Halos lukutin ko iyon pero mas pinili kong itabi na lang sa bag ko.Ano na lang sasabihin ko kay Josh neto? Sayang ang pagod niyang turuan ako every 6pm sa library 'tho group study iyon.Nakakaiyak naman. Bakit naman kasi ganito? Kapag siya ang nagtuturo ay parang ang dali ko lang naiintindihan at nasasagutan. Pero kapag si Ma'am na ang nagtuturo ay wala man lang akong maintindihan. Hindi naman sa sinasabi kong hindi magaling magturo si Ma'am. Magaling siya, iyon nga lang ay slow ako kapag dating sa kanya.Patuloy ako sa paglalakad sa hallway nang bigla ay matanaw ko ang paparating na si Josh. Hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung saan ako magtata
Napaatras ako habang dinig ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko."Don't you miss me?"Marahas akong napailing. Ramdam kong unti-unti nang tumutulo ang luha ko. Bakit kailangan ko pang makita ang taong minsang nagtangka sa buhay ko?Napalingon ako kaagad sa paligid. Umaasang may dadaan para tulungan ako. Ngunit nawalan ako ng pag-asa nang maglakad siya papalapit sa akin habang papaatras ako. Nakalayo na ako sa university at medyo malayo pa rito sa pwesto ko kahit ang printing shop nila Kuya Al."H-huwag kang lalapit!"Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Anumang oras ay pwede na akong matumba."Ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganito. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili mo akong ipakulong kesa sa bigyan ako ng pagkakataon!"Pigil ko ang hininga ko nang ilabas niya ang isang matalim na kutsilyo. Bago pa ako tuluyang makalayo sa kanya ay nahila na niya ako sa buhok at mahigpit na hinawakan sa braso. Ramdam ko ang ha
JOSH SIDE STORYBakas ang inis sa mukha ko dahil sa ipinapagawa ni Kuya Lay."Sige na. Iaabot mo lang naman 'to kay Rosie."Si Rosie ang girlfriend ni Kuya Lay. Sa isang private school nag-aaral ang babae. Kumbaga, their relationship is between public and private school.Nag-away kasi ang dalawa kaya ako ang gustong maging tulay ng mokong na 'to. Kagaguhan ba naman kasi niya. Nalaman kasi ni Rosie na may iba siyang kasama kahapon. Kahapon pala dapat ang monthsary nila. Kaya tuloy ngayon ay ayaw makita ni Rosie maski ni anino niya.Sa huli ay wala rin naman na akong nagawa. Sakay ng sarili kong motor ay pinuntahan ko ang school ni Rosie. Maya-maya pa iyon lalabas kaya naghintay pa ako ng ilang oras. Para hindi mabagot ay inabala ko ang sarili sa paglalaro ng mobile games na kinaaadikan ng mga kaklase ko.Maya-maya lang ay tila may magnet na humihila sa mga mata ko
Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo rito sa harapan ng Singapore Flyer. Matapos kasi nang naging usapan namin ni Dwight ay lumibot ako at napadpad sa Marina Bay. Dahil nga malapit lang ang Singapore Flyer mula ro'n ay dumiretso na rin ako papunta rito.Nahawakan ko na lang ang aking leeg dahil magkaka-stiff neck yata ako, matanaw lang ang tuktok neto. Nang magsawa sa pagtingin ay binaba ko na ang mata ko at nabaling iyon sa lalaking ilang layo lang ang pagitan mula sa akin. Kinailangan ko pang paliitan ang mga mata ko para makumpirma kung siya nga ba ang nakikita ko.Ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso nang unti-unti siyang maglakad papalapit sa akin. Tumama sa mukha niya ang ilaw na nagmumula sa Singapore Flyer kaya natutop ko na lang ang aking bibig nang makumpira kong siya na nga ito. Hindi ako nanaginip lang, totoo ko na talaga siyang nakikita.Huminto siya ilang layo lang ang hakbang mula sa akin. May hawak-hawak siyang cardboard.
Hindi ko naman napigilang mapangiti. "Dwight," pagbanggit ko sa kanyang pangalan. Lumapit naman siya sa pwesto ko. Ngunit tumigil din ng ilang layo na lang ang pagitan namin para bigyang distansya ang isa't isa. Saka siya may kinuha sa bulsa ng kanyang trench coat. Nang ilabas niya iyon ay doon ko lang nakumpira na gloves pala iyon. Hindi siya nagdalawang-isip na kusa na iyong isuot sa mga kamay ko. "Thank you," aniko matapos niyang maisuot sa akin ang gloves. "Can I talk to you while we are sipping a coffee?" aniya at itinuro pa ang coffee shop na malapit lang mula sa pwesto namin. "Sure," pagtanggap ko sa imbitasyon niya. "Ladies first." Napailing-iling na lang ako nang paunahin niya ako sa paglalakad. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng staff doon saka kami binating dalawa ni Dwight. Nakaupo na kami ngayon sa loob netong coffee shop, malapit sa glass wall. Isa kasi ito sa mga spot na paborito ko dahil gustong
Matapos kong magbihis ay inabala ko naman ang aking sarili sa paglagay ng make-up sa mukha ko. Pinili ko ang kulay pulang lipstick ko na ibinigay pa sa akin ni Cecil, ang kasamahan ko sa trabaho.Nang makuntento sa aking hitsura ay ang buhok ko naman ang pinasadahan ko ng suklay. Pinag-iisipin ko pa kung anong magiging ayos ng aking buhok, pero sa huli ay hinayaan ko na lamang na nakalugay iyon.Matapos kong makapag-ayos ay sandali akong dumapa sa aking kama saka binuksan ang aking laptop. Hinanap ko sa mga files ang ginawa kong resignation letter kanina. Nang mahanap ay mabilis ko iyong sinend sa gmail ni Mrs. Samaniego. Napagbigay alam ko na kasi sa kanya ang pagbabalak kong mag-resign sa trabaho. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya na bitawan ako, but she respected my decision.I was about to shut down my laptop when suddenly my phone vibrated. Nang tingnan ko iyon ay naka-receive ako ng tawag mula kay Jam. Kahapon niya
Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay baka bigla akong magising sa isang magandang panaginip na ito. Mas lalo lang pinag-igting ng titig niya ang kagustuhan kong manatili sa ganitong posisyon. Na iyong tipong hindi namin maalis ang mata sa isa't isa. Na ngayon ay nasa iisang lugar na ulit kami. Ramdam ko ang init na hatid ng bawat tinging ibinibigay niya. Ginigising no'n ang bawat himaymay ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay binawi ko ang tingin ko sa kanya saka ako naglakad papalapit. Ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. "For the last time, I want to see you." Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa wakas ay marinig ko na ang boses niya. I miss him so bad. Kahit na nandito na siya sa harapan ko ay pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa kanya.
I was busy putting make-up and fixing my hair when someone knocked at the door. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko ipihit ang katawan ko paharap sa pinto, saktong pagpasok ni Jam. Malapad akong ngumiti sa kanya saka tumayo at niyakap siya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa likod ko. "Everything is going to be fine, bebs. Remember that I am always here for you." Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin saka sinilip ang mga mata ko. "Oh. Bawal umiyak. Baka masira ang make-up mo." Napailing-iling na lang naman ako sa sinabi niya. "You look good," komento niya saka pinasadahan ng tingin ang ayos ko. Suot ko ngayon ang biniling white dress ni Sean para sa akin.Maya-maya lang ay sabay na kaming lumabas ni bebs sa dressing room at bumaba sa ikalawang palapag ng hacienda. Kitang-kita ko ngayon ang pagiging abala ng mga maids dahil na rin sa dami ng bisita sa araw na ito. Abala sila sa dam
I'm busy looking on the couple outside. I can see their smiling faces. It feels like they are both excited for their wedding preparations. While I'm here, the last day of my pretending. I suddenly raised my hand and look at my engagement ring.Alam kong napagkasunduan na namin ito kahapon ni Sean na tanggalin. Ngunit sa huling pagkakataon ay pareho namin iyong isinuot para sa plano kong gagawin mamaya. "Miss Calderon." Kaagad akong napalingon sa babaeng nakatayo, hindi kalayuan sa akin. Sa tantiya ko ay siya ang babaeng wedding organizer na binabanggit sa akin ni Sean. "Do you want to consult about your wedding plans?" Kaagad akong napatayo saka nginitian siya at tumango. "I'm Cindy," pagpapakilala niya. I reached for her hand, then we both gave each other a handshake. "Let's talk about your wedding plans there. Come and I'll gu
Natulala naman siya sa mga sinabi ko. Ngunit bigla ay napaisip ako.. mahal pa nga kaya ako ni Josh gayong sinikreto ko mula sa kanya ang aking pagkatao? "By looking at you it seems that you are not really sure about his feelings for you. Hija, Sean is always there for you. He is your childhood friend, right? Even he does not tell us, I know that he is hurting. It pains him knowing that you love someone else, hija. Sean is a good guy. You two are suited for each other." Umiling-iling lang naman ako saka sumandal sa balikat niya. "Hindi ko kontrolado ang puso ko, dad. Hindi ko kayang diktahan ito sa kung sino ang dapat kong mahalin." Napangiti ako nang maalala ang childhood memories namin ni Sean. Ngunit nang maalala ko ang mga panahon na nakasama ko si Josh ay mas lalo akong napangiti at alam kong mas masaya ako sa mga panahon na nakasama ko siya. "At sa sitwasyon namin ni Sean, he is just my friend. Pl
Nagising ako sa aking mahimbing na pagkakatulog nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Hindi ko nga alam kung mahimbing na nga ba iyon. Baka nga ilang oras lang akong nakatulog dahil ramdam ko ang bigat ng aking ulo.Ilang araw na nga ba akong ganito?"Young lady, pinapasabi po ng inyong Lolo na kung ayaw niyo raw pong lumabas ng inyong silid ay mas mainam na kumain kayo kahit kaunti lang."Kahit mabigat ang aking pakiramdam ay mas pinili kong maupo saka sumandal sa headboard ng kama."Then tell him that I don't want to. Pakisabi na rin sa kanya na mas mainam na rin kamong mamatay ako kaysa sundin kung anong gusto niya," naghihinagpis kong sagot."B-but ma'am–""Just go! Huwag mo akong pilitin kung ayaw mong ikaw mismo ang mapagbuntungan ko ng galit."Nayakap ko na lang aking tuhod nang marinig ang yabag niyang papaalis na. Napabuntong-h