"Thank you, Dwight," nakangiti kong pagpapasalamat nang marating na namin ang apartment.
Marami pa kaming pinuntahan kanina. Mukhang sinulit niya talaga na kasama ako sa buong araw. Pinagbigyan ko na tutal birthday naman niya ngayon. Kaya heto, ginabi na kami sa pag-uwi.
Natanggal ko na ang seatbelt ko at handa na sana akong bumaba nang bigla niya akong pigilan sa pamamagitan ng paghawak niya sa braso ko.
"Bakit?" pagbaling ko sa kanya.
Mabilis niyang tinanggal ang seatbelt niya. Nabigla pa ako nang hawakan niya ako sa magkabila kong balikat at pinakatitigan sa mata.
"I really can't let you go, Lex. Sana ako na lang talaga. Sana ako na lang ang gusto mo."
Iniharang ko ang dalawa kong kamay sa pagitan naming dalawa saka ko siya bahagyang tinulak. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya, pero kaagad din iyong naglaho. Saka niya ginulo-gulo ang aking buhok.
Nagmamadaling nagpalit na ako ng damit at nag-apply ng light make up and lip tint.Pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili ay tiningnan ko ang oras sa phone ko. It's already 5:50pm. I still have 10 minutes para hindi ma-late sa usapan namin ni Josh.I texted him awhile ago to remind him about the tutor thingy and he said today is our first day. Kaya kinuha ko na ang bag ko and I make sure na nakalagay doon lahat ng notes ko about math.Mabuti na lang at hindi ako tamad magsulat. Tamad mag-aral siguro, oo.Pagkalabas ko ng kuwarto ay siya namang pagpasok ni Jam. Literal na nalaglag ang panga ko dahil sa new look niya."D-did.. did you dye your hair, bebs?"Inikot-ikutan ko pa siya habang tinititigan ang kulay pula na niyang straight na buhok. Nakakagulat din na nakasuot siya ng headband na may design na bulaklak. She really looks like a real girl now. Well, okay na sana kung
Mabilis na nagdaan ang mga araw. Patuloy pa rin sa pagtutor sa akin si Josh sa mga lessons. Ngunit ganoon na lang ang pagbagsak ng balikat ko nang makuha ang results ng long quiz namin sa math."45/100," pagbasa ko sa papel na hawak.Halos lukutin ko iyon pero mas pinili kong itabi na lang sa bag ko.Ano na lang sasabihin ko kay Josh neto? Sayang ang pagod niyang turuan ako every 6pm sa library 'tho group study iyon.Nakakaiyak naman. Bakit naman kasi ganito? Kapag siya ang nagtuturo ay parang ang dali ko lang naiintindihan at nasasagutan. Pero kapag si Ma'am na ang nagtuturo ay wala man lang akong maintindihan. Hindi naman sa sinasabi kong hindi magaling magturo si Ma'am. Magaling siya, iyon nga lang ay slow ako kapag dating sa kanya.Patuloy ako sa paglalakad sa hallway nang bigla ay matanaw ko ang paparating na si Josh. Hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung saan ako magtata
Napaatras ako habang dinig ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko."Don't you miss me?"Marahas akong napailing. Ramdam kong unti-unti nang tumutulo ang luha ko. Bakit kailangan ko pang makita ang taong minsang nagtangka sa buhay ko?Napalingon ako kaagad sa paligid. Umaasang may dadaan para tulungan ako. Ngunit nawalan ako ng pag-asa nang maglakad siya papalapit sa akin habang papaatras ako. Nakalayo na ako sa university at medyo malayo pa rito sa pwesto ko kahit ang printing shop nila Kuya Al."H-huwag kang lalapit!"Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Anumang oras ay pwede na akong matumba."Ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganito. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili mo akong ipakulong kesa sa bigyan ako ng pagkakataon!"Pigil ko ang hininga ko nang ilabas niya ang isang matalim na kutsilyo. Bago pa ako tuluyang makalayo sa kanya ay nahila na niya ako sa buhok at mahigpit na hinawakan sa braso. Ramdam ko ang ha
Nagising ako nang marinig ang galit na boses ni Jam."That son of bitch! Sisiguraduhin ko talagang hindi na siya makakalaya.""Lower down your voice, Jam. And please, watch your language."Unti-unti akong napaupo sa kama nang pati ang boses ni Ethan ay marinig ko. Tiningnan ko ang oras sa alarm clock na nasa bedside table. 11pm pa lang pala. Akala ko umaga na.Nang maalala kung anong nangyari kanina ay saglit akong natulala bago napagpasyahang lumabas ng kuwarto. Naabutan ko sa salas sila Jam, Ethan, Kuya Jay at Kuya Al. Lahat sila napatingin at napatayo nang makita ako. Ngunit si bebs ang unang lumapit sa gawi ko."Nagising ba kita, bebs? Magpahinga ka na ulit."Napailing lang naman ako sa sinabi ni Jam."K-kamusta si Josh?""He's okay. Nagpapagaling na siya ngayon sa hospital."Nakagat ko na lang ang labi ko. Kasalanan k
Ipinagsalawang-bahala ko na lamang iyon at mas piniling lumapit kay Kuya Jay. Sakto namang paglabas ng printing shop ni Kuya Al."Lex," pagtawag sa akin ni Kuya Al."Good morning, Kuya Jay. Good morning, Kuya Al," pagbati ko sa kanilang dalawa."Okay ka na ba?"Mababakas sa mukha ni Kuya Al ang pag-aalala sa akin. Marahil dahil nasaksihan nila kung gaano ako na-trauma kagabi."I guess I' m fine, Kuya Al. Thank you."Nang bumaling ako kay Kuya Jay ay maaliwalas na ang mukha niya Samantalang si Kuya Al naman ay titig na titig sa lalaking nasa likuran ko."Oh I forgot to introduce him. He is Dwight. Classmate siya ni Jam," pagpapakilala ko kay Dwight sa dalawa."I thought he is that guy..." pagtukoy ni Kuya Jay na alam kong si Josh ang binabanggit."Hindi po, Kuya. Actually, he is that guy who saved me last night."
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napabuntong-hininga. May kaba akong nararamdaman na hindi ko matukoy kung para saan.After class ay dumiretso kaagad ako sa flower shop na malapit lang sa university. Balak ko kasing dalawin ngayon si Josh. Pangalawang araw na ito na hindi siya nakapasok sa school dahil nasa hospital pa rin siya magpa-hanggang ngayon.Bigla ay napasulyap ako sa katabi ko. Nagpumilit kasi siyang sumama sa akin hanggang sa pagdalaw ko. Mukhang pinangatawanan niya talaga ang pagiging bodyguard."Huwag mo akong tingnan, Lex. Iisipin ko talagang gusto mo na ako."Gusto ko sanang ihampas kay Dwight ang hawak kong bulaklak, kaso naghihinayang ako sa perang ginastos ko rito. Kaya naman inirapan ko na lang siya."Hi, Miss. I just want to ask if ano po ang room number ni Joshua Arcel Gonzales?"Mula sa tinitingnan netong monitor ay naibaling niya sa aki
Wala naman kaming pinuntahan pagkatapos naming kumain. Nag-drive lang si Dwight sa kung saan-saan. Nagpapaubos yata ito ng gas.Wala kaming particular na pinuntahan pero ginabi pa rin kami sa pag-uwi."Thank you sa road trip at sa libre, Dwight," aniko pagkababa ko ng kotse niya.Hindi ko na siya pinayagan pang bumaba dahil ako na lang ang sumilip sa kanya mula sa labas. I wave my hand as a sign of goodbye saka na ako tumalikod. Ngunit bago pa man ako makapasok sa loob ng apartment ay narinig ko pa siyang tinawag ang pangalan ko kaya mabilis ko siyang nilingon. "Bakit?"Mukhang nagdadalawang-isip pa siya kung magsasalita, patunay no'n ang mahigpit niyang paghawak sa manibela."Dwight?"Marahas siyang humugot ng buntong-hininga. "About Josh. Alam kong may rason siya kung bakit ayaw ka niyang padalawin. Don't think of anything else."Napangiti na lang naman
"Josh?"Ilang beses ko pang kinusot ang mga mata ko kasi baka imagination ko lang na nandito ngayon si Josh. Ngunit mas lalo lang nangunot ang noo niya dahil sa ginawa ko.Rinig ko na ang mabilis na pagpintig ng puso ko nang maglakad na siya papalapit sa puwesto namin ni Dwight. Akala ko sa akin siya didiretso pero naglakad siya papunta kay Dwight at kinuha mula rito ang bag ko."Ako na ang maghahatid sa kanya," seryoso niyang wika.Kahit hindi pa rin napo-proseso ng utak ko kung bakit nandito siya ay ginawa ko pa rin ang lahat para makapag-focus sa sitwasyon naming tatlo ngayon."Ako ang naghatid sa kanya mula rito. At ako rin ang maghahatid sa kanya hanggang sa apartment nila." Si Dwight na nakikipag-sukatan pa ng tingin kay Josh.Hindi ko mabasa kung anong itinatakbo ng utak ngayon ni Josh. Ngunit mukhang apektado siya sa pang-aasar na nakalarawan sa mukha ni Dwight. Ku
JOSH SIDE STORYBakas ang inis sa mukha ko dahil sa ipinapagawa ni Kuya Lay."Sige na. Iaabot mo lang naman 'to kay Rosie."Si Rosie ang girlfriend ni Kuya Lay. Sa isang private school nag-aaral ang babae. Kumbaga, their relationship is between public and private school.Nag-away kasi ang dalawa kaya ako ang gustong maging tulay ng mokong na 'to. Kagaguhan ba naman kasi niya. Nalaman kasi ni Rosie na may iba siyang kasama kahapon. Kahapon pala dapat ang monthsary nila. Kaya tuloy ngayon ay ayaw makita ni Rosie maski ni anino niya.Sa huli ay wala rin naman na akong nagawa. Sakay ng sarili kong motor ay pinuntahan ko ang school ni Rosie. Maya-maya pa iyon lalabas kaya naghintay pa ako ng ilang oras. Para hindi mabagot ay inabala ko ang sarili sa paglalaro ng mobile games na kinaaadikan ng mga kaklase ko.Maya-maya lang ay tila may magnet na humihila sa mga mata ko
Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo rito sa harapan ng Singapore Flyer. Matapos kasi nang naging usapan namin ni Dwight ay lumibot ako at napadpad sa Marina Bay. Dahil nga malapit lang ang Singapore Flyer mula ro'n ay dumiretso na rin ako papunta rito.Nahawakan ko na lang ang aking leeg dahil magkaka-stiff neck yata ako, matanaw lang ang tuktok neto. Nang magsawa sa pagtingin ay binaba ko na ang mata ko at nabaling iyon sa lalaking ilang layo lang ang pagitan mula sa akin. Kinailangan ko pang paliitan ang mga mata ko para makumpirma kung siya nga ba ang nakikita ko.Ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso nang unti-unti siyang maglakad papalapit sa akin. Tumama sa mukha niya ang ilaw na nagmumula sa Singapore Flyer kaya natutop ko na lang ang aking bibig nang makumpira kong siya na nga ito. Hindi ako nanaginip lang, totoo ko na talaga siyang nakikita.Huminto siya ilang layo lang ang hakbang mula sa akin. May hawak-hawak siyang cardboard.
Hindi ko naman napigilang mapangiti. "Dwight," pagbanggit ko sa kanyang pangalan. Lumapit naman siya sa pwesto ko. Ngunit tumigil din ng ilang layo na lang ang pagitan namin para bigyang distansya ang isa't isa. Saka siya may kinuha sa bulsa ng kanyang trench coat. Nang ilabas niya iyon ay doon ko lang nakumpira na gloves pala iyon. Hindi siya nagdalawang-isip na kusa na iyong isuot sa mga kamay ko. "Thank you," aniko matapos niyang maisuot sa akin ang gloves. "Can I talk to you while we are sipping a coffee?" aniya at itinuro pa ang coffee shop na malapit lang mula sa pwesto namin. "Sure," pagtanggap ko sa imbitasyon niya. "Ladies first." Napailing-iling na lang ako nang paunahin niya ako sa paglalakad. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng staff doon saka kami binating dalawa ni Dwight. Nakaupo na kami ngayon sa loob netong coffee shop, malapit sa glass wall. Isa kasi ito sa mga spot na paborito ko dahil gustong
Matapos kong magbihis ay inabala ko naman ang aking sarili sa paglagay ng make-up sa mukha ko. Pinili ko ang kulay pulang lipstick ko na ibinigay pa sa akin ni Cecil, ang kasamahan ko sa trabaho.Nang makuntento sa aking hitsura ay ang buhok ko naman ang pinasadahan ko ng suklay. Pinag-iisipin ko pa kung anong magiging ayos ng aking buhok, pero sa huli ay hinayaan ko na lamang na nakalugay iyon.Matapos kong makapag-ayos ay sandali akong dumapa sa aking kama saka binuksan ang aking laptop. Hinanap ko sa mga files ang ginawa kong resignation letter kanina. Nang mahanap ay mabilis ko iyong sinend sa gmail ni Mrs. Samaniego. Napagbigay alam ko na kasi sa kanya ang pagbabalak kong mag-resign sa trabaho. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya na bitawan ako, but she respected my decision.I was about to shut down my laptop when suddenly my phone vibrated. Nang tingnan ko iyon ay naka-receive ako ng tawag mula kay Jam. Kahapon niya
Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay baka bigla akong magising sa isang magandang panaginip na ito. Mas lalo lang pinag-igting ng titig niya ang kagustuhan kong manatili sa ganitong posisyon. Na iyong tipong hindi namin maalis ang mata sa isa't isa. Na ngayon ay nasa iisang lugar na ulit kami. Ramdam ko ang init na hatid ng bawat tinging ibinibigay niya. Ginigising no'n ang bawat himaymay ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay binawi ko ang tingin ko sa kanya saka ako naglakad papalapit. Ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. "For the last time, I want to see you." Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa wakas ay marinig ko na ang boses niya. I miss him so bad. Kahit na nandito na siya sa harapan ko ay pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa kanya.
I was busy putting make-up and fixing my hair when someone knocked at the door. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko ipihit ang katawan ko paharap sa pinto, saktong pagpasok ni Jam. Malapad akong ngumiti sa kanya saka tumayo at niyakap siya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa likod ko. "Everything is going to be fine, bebs. Remember that I am always here for you." Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin saka sinilip ang mga mata ko. "Oh. Bawal umiyak. Baka masira ang make-up mo." Napailing-iling na lang naman ako sa sinabi niya. "You look good," komento niya saka pinasadahan ng tingin ang ayos ko. Suot ko ngayon ang biniling white dress ni Sean para sa akin.Maya-maya lang ay sabay na kaming lumabas ni bebs sa dressing room at bumaba sa ikalawang palapag ng hacienda. Kitang-kita ko ngayon ang pagiging abala ng mga maids dahil na rin sa dami ng bisita sa araw na ito. Abala sila sa dam
I'm busy looking on the couple outside. I can see their smiling faces. It feels like they are both excited for their wedding preparations. While I'm here, the last day of my pretending. I suddenly raised my hand and look at my engagement ring.Alam kong napagkasunduan na namin ito kahapon ni Sean na tanggalin. Ngunit sa huling pagkakataon ay pareho namin iyong isinuot para sa plano kong gagawin mamaya. "Miss Calderon." Kaagad akong napalingon sa babaeng nakatayo, hindi kalayuan sa akin. Sa tantiya ko ay siya ang babaeng wedding organizer na binabanggit sa akin ni Sean. "Do you want to consult about your wedding plans?" Kaagad akong napatayo saka nginitian siya at tumango. "I'm Cindy," pagpapakilala niya. I reached for her hand, then we both gave each other a handshake. "Let's talk about your wedding plans there. Come and I'll gu
Natulala naman siya sa mga sinabi ko. Ngunit bigla ay napaisip ako.. mahal pa nga kaya ako ni Josh gayong sinikreto ko mula sa kanya ang aking pagkatao? "By looking at you it seems that you are not really sure about his feelings for you. Hija, Sean is always there for you. He is your childhood friend, right? Even he does not tell us, I know that he is hurting. It pains him knowing that you love someone else, hija. Sean is a good guy. You two are suited for each other." Umiling-iling lang naman ako saka sumandal sa balikat niya. "Hindi ko kontrolado ang puso ko, dad. Hindi ko kayang diktahan ito sa kung sino ang dapat kong mahalin." Napangiti ako nang maalala ang childhood memories namin ni Sean. Ngunit nang maalala ko ang mga panahon na nakasama ko si Josh ay mas lalo akong napangiti at alam kong mas masaya ako sa mga panahon na nakasama ko siya. "At sa sitwasyon namin ni Sean, he is just my friend. Pl
Nagising ako sa aking mahimbing na pagkakatulog nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Hindi ko nga alam kung mahimbing na nga ba iyon. Baka nga ilang oras lang akong nakatulog dahil ramdam ko ang bigat ng aking ulo.Ilang araw na nga ba akong ganito?"Young lady, pinapasabi po ng inyong Lolo na kung ayaw niyo raw pong lumabas ng inyong silid ay mas mainam na kumain kayo kahit kaunti lang."Kahit mabigat ang aking pakiramdam ay mas pinili kong maupo saka sumandal sa headboard ng kama."Then tell him that I don't want to. Pakisabi na rin sa kanya na mas mainam na rin kamong mamatay ako kaysa sundin kung anong gusto niya," naghihinagpis kong sagot."B-but ma'am–""Just go! Huwag mo akong pilitin kung ayaw mong ikaw mismo ang mapagbuntungan ko ng galit."Nayakap ko na lang aking tuhod nang marinig ang yabag niyang papaalis na. Napabuntong-h