Share

CHAPTER 11

last update Last Updated: 2021-11-30 22:00:11

Nagmamadali na akong matapos ang resume na tinitipa ko sa laptop dahil kanina pa ako napi-pressure kay Jam. Ngayon kasi namin balak maghanap ng part time job tutal naman at half day kami. Kanina pa natapos ang klase. Mas nauna nga lang siya sa akin na umuwi kaya tapos na ang resume niya.

 

"Aalis na talaga ako."

 

Pinaikot ko naman ang dalawa kong mata. Wala na akong oras para makipag-asaran pa sa kanya. Kanina pa ako nahihirapan magtipa sa laptop na ito at hindi ako sanay. Wala naman kasi kaming dinalang mamahaling bagay bukod sa phone namin. Iniwan namin lahat ng mga luho namin sa dating bahay. Kaya heto, second hand lang na laptop ang gamit ko na ibinigay sa amin ni Kuya Al. Hindi naman na raw niya kasi ginagamit kaya ibinigay niya na lang sa amin.

 

Naiunat ko na lang ang braso ko nang sa wakas ay natapos ko na rin. I reread my resume then when I feel contented, tinanggal ko na ang OTJ ko sa laptop. Ipapa-print ko na lang ito kay Kuya Al at baka sakaling libre pa.

 

Pagkabaling ko ng tingin kay Jam ay hawak niya ang diary ko. Sinisipat-sipat niya iyon. Mukhang nangingialam na naman siya sa gamit ko. Kaya kaagad ko iyong inagaw mula sa kanya.

 

"Ang damot mo, bebs. Ano ba kasi iyan?" namamangha niyang tanong.

 

"Diary," simpleng sagot ko.

 

Mabuti na lang at may padlock itong diary ko at nakadikit sa page ang picture ni honeybunch sweetypie ko kung hindi ay nalaglag na iyon sa diary ko at baka makita pa ni bebs.

 

Itinulak ko siya palayo sa study table ko saka maingat ko ulit iyong ibinalik sa drawer. Saka na kami sabay na lumabas ng apartment namin at naglakad papuntang printing shop ni Kuya Al.

 

"Wala ka pa rin bang natatanggap na tawag mula sa capitol?" maya-maya ay tanong ni Jam.

 

"Wala pa eh. Hinihintay ko na nga lang na tawagan ako for the interview. Sayang din iyon. Five thousand din makukuha ko kung sakali," sagot ko pabalik.

 

"2.0 dapat ang makuha kong grades kung sakali. Pasado naman ang grades ko no'ng grade 12 tayo. Pero baka hindi ko kayanin this year," dagdag ko pa na tila pinagsakluban ng langit.

 

Ang hirap kayang mag-aral, noh!

 

Ang sakit sa ulo. Tamang kopya nga lang ako kay bebs noong higschool kami. Tapos ang lakas ng loob ko ngayon na mag-apply ng scholarship.

 

"Kaya mo 'yan!" Pagpapagaan niya sa loob ko.

 

Wala na akong isinagot pa dahil pareho na kaming pumasok sa printing shop nila Kuya Al. Kaagad bumaling sa amin ang nakangiting si Kuya Al, samantalang sinulyapan lang kami ni Kuya Jay pero binati naman niya kami. Sa kanila kasing dalawa, mas tahimik si Kuya Jay.

 

Nakipag-fist bomb naman si bebs kay Kuya Al at ganoon din ang huli rito. Hanggang sa bumaling ang gawi niya sa akin. Napansin ko pang umalis si Kuya Jay. Mukhang papunta sa ikalawang palapag netong printing shop. Ang alam ko kasi ay dito na rin sila nakatirang dalawa.

 

"Musta, Sia?"

 

Hindi ko alam pero napairap kaagad ako sa ngising nakapaskil sa labi ni Kuya Al. I have this feeling na iba ang ipinaparating niya sa pangangamusta niya.

 

"Okay lang, Kuya Al. Heto at mag-a-apply kami for part time job," wika ko sabay abot sa kanya ng OTJ. "Paprint ng resume, Kuya."

 

Lumipas ang ilang minuto bago niya ulit sa akin ibinalik ang OTJ ko kasama nong naka-print kong resume.

 

"What about the marriage certificate? Naibigay mo na ba sa kanya?"

 

Sabi ko na nga ba at iba talaga ang pakay niya sa pangangamusta niya. I was about to answer him pero naunahan na ako ni Jam.

 

"Marriage certificate? Para saan?"

 

Nagkibit-balikat lang si Kuya Al. Saglit niya lang binaling ang kanyang tingin kay bebs bago ulit sa akin bumaling. "Hindi mo sinabi sa pinsan mo?"

 

Mabilis akong napailing. Paniguradong makiki-chismis lang itong si Jam kapag sinabi ko pa sa kanya. Syempre gusto kong si honeybunch sweetypie ko ang unang makakita 'sana' ng marriage certificate na ginawa ko para sa aming dalawa.

 

Ngunit sadyang wala kaming printer kaya sila Kuya Al at Kuya Jay tuloy ang unang nakaalam.

Mabuti na lang pala at naka-seal na iyon sa diary ko. Hindi na mahahanap ni bebs sa apartment. Good thing at may padlock talaga ang diary ko.

 

Hanggang sa nagpaalam na kami kay Kuya Al at nakalabas na sa printing shop ay hindi pa rin ako tinantanan ni bebs sa kakatanong niya. Kulang na lang ay mabingi na ako nang dahil sa kanya. Para siyang sirang plaka na paulit-ulit sa kanyang tanong.

 

"Para saan nga kasi iyon, Euphrasia Lexus? Huwag mong sabihing para kay Josh? Nahihibang ka na talaga."

 

"Sige para matigil ka na." Huminto pa ako sa paglalakad saka siya hinarap. "Hindi ko sasabihing para sa kanya. O 'yan ha? Hindi ko sinabing para sa kanya. Kaya magtigil ka na, bebs. Mag-focus na lang tayo sa paghahanap ng part time job, okay?"

 

Halata sa mukha niya na hindi siya makapaniwala sa tinuran ko. Hinimas niya pa ang sariling noo na para bang sumasakit na ang ulo niya nang dahil sa akin. Ngunit pasalamat na lang rin ako at tumigil na siya kakatanong.

 

Hanggang sa nagsimula na nga kaming maghanap ng trabahong mapapasukan sa tulong ng mga applications sa phone. Ngunit katulad ko ay mukhang wala ring nagustuhan si Jam sa mga napagtanungan namin.

 

Hanggang sa tumigil kami sa isang 7-eleven. Hindi na ako nag-abalang pumasok pa sa loob. Abala ako sa hawak kong resume at pati na rin sa pagtingin ko sa phone ko kung saan pa ako pwedeng mag-apply, habang hinihintay ko si Jam.

 

Wala na akong pakialam sa mga taong dumadaan sa gilid ko papasok ng 7-eleven. Basta prente akong nakaupo sa isa sa mga upuan dito sa labas. Hindi naman kasi ganoon kainit. At kung mainit ang panahon ngayon tiyak kahit siksikan pa sa loob ng 7-eleven ay makikipag-agawan talaga ako ng puwesto para makapagpa-aircon lang sa loob.

 

Nagambala lang ako sa pagiging abala ko nang marinig ang hagikgikan sa may harapang bahagi ng kinauupuan ko. Mukhang mga high schooler pa sila at halos lahat sila ay may kani-kanilang hawak na cellphone habang kinukuhanan ng litrato ang kung sino man.

 

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang mapag-sino ang taong nasa counter. Walang iba kung hindi ang honeybunch sweetypie ko.

 

"Don't tell me.. don't tell me nagpa-part time job siya rito? Kung ganoon nga ang kaso ay kailangan kong makipag-agawan ng work kay bebs kung sakali man."

 

Mula sa pagtingin kay Josh ay nabaling ang tingin ko sa mga highschooler nang maghagikgikan nanaman sila.

 

"Who give them a permission to take a picture of my honeybunch? His handsomeness is only for my eyes!"

 

Kaya hindi na ako nag-dalawang isip pa na tumayo at humarang sa mismong harapan nila. Halatang nainis sila sa ginawa ko. Ngunit ang inis na nararamdaman nila ay mas doble pa ang nararamdaman ko.

 

"No one is allowed to take a picture of my boyfriend."

Related chapters

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 12

    Halos malalaglag naman ang mga panga nila dahil sa sinabi ko."Oh mga panga niyo, pakipulot," pagdugtong ko pa saka sila pinagtaasan ng kilay."A-ate, pasensiya na. Akala po kasi namin single pa si kuya," sabi ni chinita girl na may maikling buhok sa kanilang apat."Kaya maraming namamatay sa maling akala eh. Kahit single or taken man ang isang tao ay hindi niyo sila pwedeng kunan ng litrato lalo na kung wala namang permiso na galing sa kanila. Makakasuhan kayo."Pilit kong inisip kung anong republic act iyon pero hindi ko talaga maalala. Hindi pa nakakatulong na naghihintay sila sa sasabihin ko. Sabi na nga ba at maganda lang ako at hindi matalino, e."Ah basta. Bawal siyang kuhanan ng litrato."Mabilis naman silang nagsipagtanguan sa sinabi ko. Good girls!"Sige na at burahin niyo na ang mga pictures ng boyfriend ko riyan sa cellphone n

    Last Updated : 2021-12-01
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 13

    Tinanghali na ako ng gising at kung hindi pa ako magmamadali ay paniguradong mala-late na talaga ako.Mas maaga ang pasok sa akin ni bebs at ang bruha hindi man lang ako ginising o kahit man lang lutuan ako ng umagahan. Kaya ang ending, heto at nagtatakbo na ako papalabas ng apartment habang may tangay-tangay na tinapay sa bibig ko.Nang padaan na ako sa printing shop nila Kuya Al ay sandali akong tumigil. Napansin ko kasing nakatayo sa labas si Kuya Jay habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay. Saka ko lang napansin na mainit pala ngayon ang panahon. Kaya naman pala medyo tagaktak ang pawis ko sa noo kahit na kaliligo ko lang naman."Good morning, Kuya Jay."Mukha siyang nagulat sa presensiya ko. Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha, dala marahil ng init talaga ng panahon. Mestiso kasi si Kuya Jay. Habang si Kuya Al naman ay moreno."Good morning, Lexus. Late ka na ata."Naging que ko iyon

    Last Updated : 2021-12-01
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 14

    After class ay nakatambay nanaman kami ni Jam dito sa corridor na madalas daananan ni Josh. Mula kasi no'ng encounter namin kanina ay hindi niya man lang ako sinulyapan kahit na lantaran na ang pagtingin ko sa kanya.Ilang beses din akong dumaan kanina sa labas ng room nila ngunit tila wala talaga siyang pakialam sa akin. Tulad na lang nang wala akong pakialam kay Tamara kahit na binabato niya ako ng masamang tingin."Nandiyan na si Josh," bulong sa akin ni bebs.Hinigit ko talaga siya kanina papunta rito. May balak sana siyang mag-stay sa library after class pero syempre wala siyang magagawa dahil hinila, I mean hinatak ko talaga siya.Kaagad kong ibinaling ang atensiyon ko sa grupo ng mga architects na padaan na rito sa puwesto namin ni Jam. Masasabi kong walang maitatapon sa kanilang lima. Ngunit nakatutok talaga ang atensiyon ko sa lalaking nagmamay-ari ng kulay green na mga mata."Ang

    Last Updated : 2021-12-01
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 15

    Kaagad namutla ang mukha ko nang bumaba sa slacks niyang napunit ko ang tingin ko. Kaagad kong tinanggal ang kamay ko saka do'n ko pa lang nakitang nakasuot siya ng pink na boxer. Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ang tawanan at bulungan ng mga istudyante. Halos lahat sila inaasar si Josh kasi pink ang suot niyang boxer. Nakagat ko na lang ang labi ko nang maalalang pink nga pala ang favorite color niya. Ngunit bigla ay nakaramdam ako ng inis sa lalaking nasa gilid lang namin nang sabihin niya ang salitang 'bakla.' Mukhang senior namin siya pero wala na akong pakialam. "It doesn't make him less a guy just because he is wearing a pink boxer. Kaya huwag mo siyang tatawaging bakla. That's not the basis for a person to be called a real man. At hindi mo kina-cool ang pagtawa mo, kuya." Bawat salita ko ay may diin at halos isigaw ko iyon sa harapan niya. Natigilan naman lahat ng tawanan at bulungan na naririnig ko kanina. Wala na akong ibang marinig kung hind

    Last Updated : 2021-12-02
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 16

    Wala sa sariling sinipa-sipa ko ang bottled mineral water na pinag-inuman ko kanina.Katatapos lang ng part time job ko sa coffee shop ni Miss Chloe, pero magpa-hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa tamang huwisyo – kahit no'ng nagtatrabaho ako kanina. Iniisip ko pa rin kasi ang nangyari. Umuwi akong bagsak ang balikat kahapon dahil ni hindi ko man lang nakausap si Josh."Aray!"Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses na iyon. Halos manlaki ang mata ko nang mapagtanto na mukhang napalakas ata ang pagsipa ko sa bottled mineral water. Dali dali kong dinaluhan si Dwight na ngayon ay sapo sapo ang noo."Look! Mukhang nagkapasa ata ako," aniya na yumuko pa para mapantay sa mga mata ko ang noo niya.Nakagat ko na lang ang labi ko nang makitang namumula ang parteng tinamaan ko."Sorry. Hindi ko naman kasi alam na may matatamaan.""Paano pala kung ba

    Last Updated : 2021-12-02
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 17

    Taas ang noong lumabas ako ng comfort room at dumiretso sa gitna ng dance floor. Hanggang ngayon ay nagsasayaw pa rin silang dalawa. Napangisi ako at nagkunwaring naghi-head bang.Hindi pa siguro nila matukoy na ako ito dahil medyo naging dim ang ilaw ng bar. Napangisi ako nang tuluyan kong mapalayas si Tamara at ngayon nga ay ako na ang nakayakap kay Josh.Nagulat na lang kaming dalawa nang tutukan kami ng spotlight. Pero hindi na iyon mahalaga sa akin ngayon. Balak niya pa sana akong bitawan pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakakunyapit ko sa leeg niya.Ano 'yon? Pwede niyang isayaw si Tamara tapos ako hindi?"What do you need this time, Miss Avery?""Nothing. I just want to dance with you. And..." itinigil ko sa ere ang sinasabi ko saka inilapit ko ang labi ko sa tenga niya. Mabuti na lang at nakasuot ako ng heels kaya abot ko siya hangga

    Last Updated : 2021-12-03
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 18

    Napangiti ako nang makitang naglalaro ng soccer si Josh. Bawat pagsipa niya sa bola ay sumasabay ang buhok niya sa paghampas dala marahil ng hangin. Kahit pawisan na siya ay hindi ko maipagkakailang napaka-gwapo niya pa rin sa mata ko. Umupo ako sa pinakamalapit na bench kung saan mapapanuod ko siya nang malapitan. Medyo namumukhaan ko na ang mga kalaro niya. Naalala kong sila ang apat na architects din na kasama ni Josh no'ng hinihintay ko siya noon sa corridor. Nakita ko pang saglit silang tumigil para magpahinga. Maya-maya lang ay pinalibutan ng apat si Josh. May sinabi sila pero syempre hindi ko rinig dito sa puwesto ko. Kita ko na lang kung paanong kumunot ang noo ni Josh at nang bumaling siya sa gawi ko ay kaagad tumambol ang puso ko. Tila kilala neto kung sino ang totoong nagmamay-ari sa kanya. Only Josh can make my heart beat so fast. Nagsalubong ang kilay ko at sinundan ko ang paggalaw ng labi niya. Kung hindi ako nagkakamali ay ang salitang 'sige' a

    Last Updated : 2021-12-03
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 19

    Binayaran ko muna si manong driver bago ako sumilip sa loob. Abalang-abala si Josh sa pag-i-entertain ng mga nagbabayad sa counter.Pinili kong maupo sa pwesto na malabo niyang makita para magawa ko siyang pagmasdan. Tila kalkulado bawat galaw ng kamay at katawan niya. Sobrang focus niya mag-trabaho. Salubong ang kanyang kilay pero sobrang nakaka-attract talaga ang kulay berde niyang mga mata.Sabi nila napaka-rare na magkaroon ng ganoong kulay ng mga mata. Kanino niya naman kaya iyon namana?Nang makatitigan ko kasi si father-in-law ay itim na itim naman ang bilugan niyang mga mata. Hindi kaya kay mother-in-law? Pero hindi ko pa siya nakikita in person. Nagtatarabaho kaya si mommy sa abroad? Isa ba siyang OFW? Napahagikgik na lang ako nang mapagtanto na 'mommy' ang tawag ko sa mama ni Josh.Hindi bale, soon magiging mommy at daddy ko na rin sila.Maya-maya pa ay napagtanto kong w

    Last Updated : 2021-12-03

Latest chapter

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 60 (FINALE)

    JOSH SIDE STORYBakas ang inis sa mukha ko dahil sa ipinapagawa ni Kuya Lay."Sige na. Iaabot mo lang naman 'to kay Rosie."Si Rosie ang girlfriend ni Kuya Lay. Sa isang private school nag-aaral ang babae. Kumbaga, their relationship is between public and private school.Nag-away kasi ang dalawa kaya ako ang gustong maging tulay ng mokong na 'to. Kagaguhan ba naman kasi niya. Nalaman kasi ni Rosie na may iba siyang kasama kahapon. Kahapon pala dapat ang monthsary nila. Kaya tuloy ngayon ay ayaw makita ni Rosie maski ni anino niya.Sa huli ay wala rin naman na akong nagawa. Sakay ng sarili kong motor ay pinuntahan ko ang school ni Rosie. Maya-maya pa iyon lalabas kaya naghintay pa ako ng ilang oras. Para hindi mabagot ay inabala ko ang sarili sa paglalaro ng mobile games na kinaaadikan ng mga kaklase ko.Maya-maya lang ay tila may magnet na humihila sa mga mata ko

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 59

    Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo rito sa harapan ng Singapore Flyer. Matapos kasi nang naging usapan namin ni Dwight ay lumibot ako at napadpad sa Marina Bay. Dahil nga malapit lang ang Singapore Flyer mula ro'n ay dumiretso na rin ako papunta rito.Nahawakan ko na lang ang aking leeg dahil magkaka-stiff neck yata ako, matanaw lang ang tuktok neto. Nang magsawa sa pagtingin ay binaba ko na ang mata ko at nabaling iyon sa lalaking ilang layo lang ang pagitan mula sa akin. Kinailangan ko pang paliitan ang mga mata ko para makumpirma kung siya nga ba ang nakikita ko.Ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso nang unti-unti siyang maglakad papalapit sa akin. Tumama sa mukha niya ang ilaw na nagmumula sa Singapore Flyer kaya natutop ko na lang ang aking bibig nang makumpira kong siya na nga ito. Hindi ako nanaginip lang, totoo ko na talaga siyang nakikita.Huminto siya ilang layo lang ang hakbang mula sa akin. May hawak-hawak siyang cardboard.

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 58

    Hindi ko naman napigilang mapangiti. "Dwight," pagbanggit ko sa kanyang pangalan. Lumapit naman siya sa pwesto ko. Ngunit tumigil din ng ilang layo na lang ang pagitan namin para bigyang distansya ang isa't isa. Saka siya may kinuha sa bulsa ng kanyang trench coat. Nang ilabas niya iyon ay doon ko lang nakumpira na gloves pala iyon. Hindi siya nagdalawang-isip na kusa na iyong isuot sa mga kamay ko. "Thank you," aniko matapos niyang maisuot sa akin ang gloves. "Can I talk to you while we are sipping a coffee?" aniya at itinuro pa ang coffee shop na malapit lang mula sa pwesto namin. "Sure," pagtanggap ko sa imbitasyon niya. "Ladies first." Napailing-iling na lang ako nang paunahin niya ako sa paglalakad. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng staff doon saka kami binating dalawa ni Dwight. Nakaupo na kami ngayon sa loob netong coffee shop, malapit sa glass wall. Isa kasi ito sa mga spot na paborito ko dahil gustong

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 57

    Matapos kong magbihis ay inabala ko naman ang aking sarili sa paglagay ng make-up sa mukha ko. Pinili ko ang kulay pulang lipstick ko na ibinigay pa sa akin ni Cecil, ang kasamahan ko sa trabaho.Nang makuntento sa aking hitsura ay ang buhok ko naman ang pinasadahan ko ng suklay. Pinag-iisipin ko pa kung anong magiging ayos ng aking buhok, pero sa huli ay hinayaan ko na lamang na nakalugay iyon.Matapos kong makapag-ayos ay sandali akong dumapa sa aking kama saka binuksan ang aking laptop. Hinanap ko sa mga files ang ginawa kong resignation letter kanina. Nang mahanap ay mabilis ko iyong sinend sa gmail ni Mrs. Samaniego. Napagbigay alam ko na kasi sa kanya ang pagbabalak kong mag-resign sa trabaho. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya na bitawan ako, but she respected my decision.I was about to shut down my laptop when suddenly my phone vibrated. Nang tingnan ko iyon ay naka-receive ako ng tawag mula kay Jam. Kahapon niya

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 56

    Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay baka bigla akong magising sa isang magandang panaginip na ito. Mas lalo lang pinag-igting ng titig niya ang kagustuhan kong manatili sa ganitong posisyon. Na iyong tipong hindi namin maalis ang mata sa isa't isa. Na ngayon ay nasa iisang lugar na ulit kami. Ramdam ko ang init na hatid ng bawat tinging ibinibigay niya. Ginigising no'n ang bawat himaymay ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay binawi ko ang tingin ko sa kanya saka ako naglakad papalapit. Ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. "For the last time, I want to see you." Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa wakas ay marinig ko na ang boses niya. I miss him so bad. Kahit na nandito na siya sa harapan ko ay pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa kanya.

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 55

    I was busy putting make-up and fixing my hair when someone knocked at the door. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko ipihit ang katawan ko paharap sa pinto, saktong pagpasok ni Jam. Malapad akong ngumiti sa kanya saka tumayo at niyakap siya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa likod ko. "Everything is going to be fine, bebs. Remember that I am always here for you." Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin saka sinilip ang mga mata ko. "Oh. Bawal umiyak. Baka masira ang make-up mo." Napailing-iling na lang naman ako sa sinabi niya. "You look good," komento niya saka pinasadahan ng tingin ang ayos ko. Suot ko ngayon ang biniling white dress ni Sean para sa akin.Maya-maya lang ay sabay na kaming lumabas ni bebs sa dressing room at bumaba sa ikalawang palapag ng hacienda. Kitang-kita ko ngayon ang pagiging abala ng mga maids dahil na rin sa dami ng bisita sa araw na ito. Abala sila sa dam

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 54

    I'm busy looking on the couple outside. I can see their smiling faces. It feels like they are both excited for their wedding preparations. While I'm here, the last day of my pretending. I suddenly raised my hand and look at my engagement ring.Alam kong napagkasunduan na namin ito kahapon ni Sean na tanggalin. Ngunit sa huling pagkakataon ay pareho namin iyong isinuot para sa plano kong gagawin mamaya. "Miss Calderon." Kaagad akong napalingon sa babaeng nakatayo, hindi kalayuan sa akin. Sa tantiya ko ay siya ang babaeng wedding organizer na binabanggit sa akin ni Sean. "Do you want to consult about your wedding plans?" Kaagad akong napatayo saka nginitian siya at tumango. "I'm Cindy," pagpapakilala niya. I reached for her hand, then we both gave each other a handshake. "Let's talk about your wedding plans there. Come and I'll gu

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 53

    Natulala naman siya sa mga sinabi ko. Ngunit bigla ay napaisip ako.. mahal pa nga kaya ako ni Josh gayong sinikreto ko mula sa kanya ang aking pagkatao? "By looking at you it seems that you are not really sure about his feelings for you. Hija, Sean is always there for you. He is your childhood friend, right? Even he does not tell us, I know that he is hurting. It pains him knowing that you love someone else, hija. Sean is a good guy. You two are suited for each other." Umiling-iling lang naman ako saka sumandal sa balikat niya. "Hindi ko kontrolado ang puso ko, dad. Hindi ko kayang diktahan ito sa kung sino ang dapat kong mahalin." Napangiti ako nang maalala ang childhood memories namin ni Sean. Ngunit nang maalala ko ang mga panahon na nakasama ko si Josh ay mas lalo akong napangiti at alam kong mas masaya ako sa mga panahon na nakasama ko siya. "At sa sitwasyon namin ni Sean, he is just my friend. Pl

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 52

    Nagising ako sa aking mahimbing na pagkakatulog nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Hindi ko nga alam kung mahimbing na nga ba iyon. Baka nga ilang oras lang akong nakatulog dahil ramdam ko ang bigat ng aking ulo.Ilang araw na nga ba akong ganito?"Young lady, pinapasabi po ng inyong Lolo na kung ayaw niyo raw pong lumabas ng inyong silid ay mas mainam na kumain kayo kahit kaunti lang."Kahit mabigat ang aking pakiramdam ay mas pinili kong maupo saka sumandal sa headboard ng kama."Then tell him that I don't want to. Pakisabi na rin sa kanya na mas mainam na rin kamong mamatay ako kaysa sundin kung anong gusto niya," naghihinagpis kong sagot."B-but ma'am–""Just go! Huwag mo akong pilitin kung ayaw mong ikaw mismo ang mapagbuntungan ko ng galit."Nayakap ko na lang aking tuhod nang marinig ang yabag niyang papaalis na. Napabuntong-h

DMCA.com Protection Status