ALIYAH'S POV
Minsan ay tinatanong ko sa sarili ko kung maaari ko pa bang gawin ang mga gusto ko gayong alam kong nakatali na ang buhay ko sa isang tao.
Pinangarap kong magkaroon ng magandang buhay. Iyong may kalayaan at karera na maipagmamalaki ko. Pinangarap kong magkaroon ng buhay na hindi ko kailangang sumunod sa sinuman, maski sa mga magulang ko, at hindi maging takot sa pagkabigo.
Pinangarap kong magkaroon ng normal na buhay, iyong itatrato akong normal ng mga taong nakapaligid sa akin at hindi titingnan ang kaantasaan ko sa buhay.
Pinangarap ko noon na sana hindi na lamang ako si Aliyah Venice Monterde.
Sa murang isip ay binuksan na ng mga magulang ko ang mata ko. Itinuro nila sa akin ang tungkol sa layunin ko sa aming negosyo at iyon ay, ang maging asawa ng isang taong halos hindi ko kilala. Hindi ko ito pinansin noong una. Ang gusto ko lang ay mapasaya sila kaya gusto kong gawin ang sinabi sa akin.
"Nakausap ko ang mga Alvedo. Nagustuhan nila ang proposal natin. Kung maikakasal si Aliyah sa anak nilang lalaki, mas magiging matayog ang kumpanya," wika ni Papa nang kumakain kami ng hapunan sa hapag.
Tuwang-tuwa ang mga mata ng aking ama habang kinukwento ang naging usapan nila ng malapit niyang kaibigan. Gusto niya ang ideya ng pakikipag-merge ng negosyo, kaya naman gusto niya akong maging bahagi nito.
Malapad ang ngiting iginawad niya sa akin nang sulyapan niya ako.
“That’s great! Hayaan mo at kakausapin ko si Katerina para maipakilala itong si Aliyah sa panganay nilang anak," segunda ni Mama na halos magningning ang mga mata sa nabalitaan.
"Aliyah, isama mo sa schedule mo ang mga Alvedo,” ani Papa sa nagsusumamong tono.
"Of course, Papa." Ngumiti ako at tumango rito.
Siya ang ama ko. Wala akong makitang rason para kontrahin ang gusto niyang mangyari. Gusto ko silang mapasaya, at alam kong ito lang ang magagawa ko para matulungan sila. Naisip ko, hindi naman nila ako pababayaan.
Namuhay ako na hindi namo-mroblema sap era. Kahit anong gusto ko, naibibigay nila. Sa murang edad ay mamahalin na ang mga bag, damit at sapatos ko. Ultimo mamahaling gadgets ay nabibili ko ng isang pitik lang. Kaya naman naisip ko, kung may isang bagay man akong maisusukli sa kanila, iyon ay ang pagsunod ko sa kagustuhan nila.
I was trying to be fair at my young age. Walang problema sa akin ang pagsunod. I don't see anything wrong with it lalo na kung napapasaya ko naman ang mga magulang ko.
Nga lang, nang magkaisip ako at tumuntong sa tamang edad, doon ko na lang naramdaman ang pagkasabik sa kalayaan.
Gusto kong mabuhay ng walang nagdidikta, walang nagmamasid, at walang magsasabing hindi ko pwede gawin ang mga bagay dahil isa akong Monterde.
How I wish na ganun kadaling makatakas. Gusto kong maging ibang tao pero hindi pwede. Nakatatak sa pagkatao ko ang pagiging Monterde. Ang anak nina Pascual at Luz Monterde.
"No fucking way, Ali! Talagang pinagkasundo ka nila Tito? Kanino?" ani Sydney, nasapo niya ang noo dahil hindi makapaniwala sa balita ko.
"Yes, Syd. It's true. I don't know him yet but Papa wants to clear my sched so we can meet the Alvedos," sabi ko.
Nagbabike kami sa tahimik na parke noong araw na iyon. The sky is blue and the cold wind blew my curly hair. Kaunting oras na lang ay lulubog na ang araw. Hindi ako pwedeng gabihin dahil papagalitan ako ni Mama kung oo.
Laglag panga akong tinitigan ng matalik kong kaibigan. Ang singkit niyang mga mata ay naging mabilog. Natawa ako sa reaksyon niya pero hindi ko naman siya masisisi. Sa henerasyon namin ngayon, sino na lang ba ang sumusunod sa arranged marriage?
"And you agreed just like that? Are you frigging out of your mind?" aniya, hindi pa din makapaniwala.
Tumango ako at nag-angat ng tingin sa kalangitan. Pumikit ako at nilasap ang maginhawang ihip ng hangin. Pagkatapos ay pinidal ko ang bike at inikutan ang hindi na nakabawing si Sydney.
"Syd, are you worried? I'm going to be fine!" sabi ko sa kanya habang nagbabike.
"Sira ulo kang babae ka! Nagpapatali ka sa leeg! Wala ka ng kalayaan!" hasik niya sa akin.
Tumawa ako. Hindi naman mahalaga iyon. This is my purpose. Ito ang sukli ko sa mga magulang ko sa lahat ng ginawa at binigay nila sa akin.
Gusto ko man ng kalayaan ay hindi pupwede. Masasaktan ko ang Papa at Mama. Masisira ko ang pangarap nila. This is the only thing I can do for them.
"Isesearch ko sa internet iyang Alvedos na iyan! Mamaya ay pangit pa ang mapapangasawa mo!" hasik niya at nagsimula na ding magbike.
"Mabuti pa nga. Malay mo umatras ako kung pangit nga..."
"Dammit, you're still chillax, huh?"
"I already accepted my fate, Syd. Besides, masaya pa naman ako sa ngayon. Tsaka na ako mag-aalala."
Hindi talaga ako nag-alala. At my age, I can still do something that makes me happy. Iyon naman ang importante. Hindi nga lang pwede ang husto dahil magagalit ang mga magulang ko.
"Mama, inayos ko na po ang schedule ko kagaya ng gusto ni Papa. Free po ako ngayong weekend." pahayag ko kay Mama nang bisitahin ko siya sa office niya dito sa aming mansion.
Nasa likod ko ang mga kamay ko. Huminga ako ng malalim at dahan dahang lumapit sa kanyang mesa.
Nakaupo si Mama sa kanyang swivel chair habang may tinitignang dokumento. Ilang saglit pang pagtingin sa mga iyon ay tsaka lang niya ako binalingan ng tingin.
"Mabuti, anak. Nakausap ko na ang Tita Katerina mo. Pwede kaming magset ng dinner date para sa'yo at sa panganay niya," aniya.
I nodded and tried to put a smile on my face.
"Do I need to prepare anything for that dinner date, Ma?" maingat kong tanong.
Mama looked at the documents again. Huminga siya ng malalim at hinilot ang kanyang sintido. Naghintay ako sa sasabihin niya. Umiling ito matapos ang ilang segundo.
"You just have to be beautiful when you meet him, Aliyah. You need to be prim and proper. He needs to like you," wika ni Mama.
Marahan akong tumango, "Sure, Mama."
Iyon lang ang naging usapan namin ni Mama. Lumabas kaagad ako ng opisina niya dahil alam kong busy siya. Gayunpaman, tumatak ang sinabi niya sa akin.
He needs to like me...
I don't know how to do it but I'll try my best, dahil iyon ang gusto ni Mama.
"Nakita ko na iyong Alvedo na sinasabi mo!" bulalas ni Sydney nang magfacetime kami isang gabi.
Hating gabi na at hindi ako makatulog. Swerte ko na lang at gising pa ang kaibigan ko kaya may nakakausap pa ako ng ganitong oras. Pinanood ko kung paano siya mangisay sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko magets kung bakit ganoon na lang siya makareact.
"Para kang tanga, Syd," komento ko.
Humagalpak siya ng tawa at tinignan ako na may halong kahulugan.
"Boto na ako sa mapapangasawa mo. Ang pogi!" she said exaggeratedly.
Nagduda ako sa sinabi niya. Knowing Sydney who seems to have issues with her eyes when it comes to men, ang pogi sa kanya ay mediocre.
"Paano mo naman nasabing pogi?" kuryoso kong tanong.
I am not really interested to know him yet but since my bestfriend is telling an information about him, might as well hear it then.
"Grabe Ali, ang hot ng itsura! Maputi, tapos ang tangos ng ilong! Ang ganda ng mga mata tapos shit... iyong labi sarap papakin ng halik! Kapag ayaw mo sa kanya, ako na lang kamo ang magpapakasal!"
"Duda ako sa mga pinagsasabi mo," natatawa kong sabi dahil masyadong OA ang pagkakadescribe niya sa lalaking iyon. "Pero sige, sabihin ko sa kanya na ikaw na lang ang pakasalan kung hindi ko siya matitipuhan."
Biro lang. Kahit naman kasi hindi ko siya matipuhan, siya naman ang tipo ng parents ko para sa akin. Sydney laughed devilishly on the video. Tumawa ako dahil para siyang nababaliw.
Talaga bang pogi? Duda talaga ako sa taste ng kaibigan kong 'to. Ang plano ko ay isearch na din ang Alvedo na iyon sa internet pero nang sobrang tagal naming nag-usap ni Syd ay nawala na sa isip ko iyon dahil na rin sa antok.
Dumating ang araw ng Sabado. Excited ang Papa at Mama dahil ito ang araw na magdidinner date kami ng Alvedo na iyon. Talagang niready ako ni Mama. She hired some people to help me with it. May mga naglagay ng kung anu anong pampafresh sa aking mukha. Pinalitan din ang nail polish ng mga kamay at paa ko.
"I like this dress!" wika ni Mama at pinakita sa akin ang hawak na halter chiffon tiered champagne dress. It is simple but it screams of elegance.
"I like it too, Mama." pagsang-ayon ko.
Inayos ang natural na kulot kong buhok. Itinali ang kalahati paangat habang ang kalahati ay hinayaang nakalaylay sa aking likuran. Nilagyan din ako ng light make up sa mukha. Tuwang tuwa sa akin ang stylist dahil hindi na daw kailangan ng blush on ang mga pisngi ko dahil kusa itong namumula. Ganoon din ang aking labi. Nilagyan niya iyon ng kaunting tint at pagkatapos ay sinuot ko na ang dress pati na din ang nude na sandals.
Kabado ako nang sumakay ako sa aming limousine. Ang driver ni Papa ang maghahatid sa akin sa lugar kung saan kami magdidinner date ng panganay ng mga Alvedo.
Ilang mga paalala pa ang sinabi sa akin ni Mama bago kami tuluyang umalis. Hindi na sila sumama ni Papa dahil date nga naman iyon. Taimtim akong nakaupo sa sasakyan habang dinadama ang kaba sa dibdib ko.
I have never been this nervous before. Imimeet ko lang naman ang lalaking iyon pero bakit ganito ako kakabado? I swallowed hard and tried to compose myself. Hindi ako pwedeng magmukhang tanga sa harapan ng lalaking gusto ng mga magulang ko para sa akin.
Hindi ako pwedeng mapahiya.
ALIYAH'S POVSa kalagitnaan ng pag-iisip ay narandaman ko ang pagvibrate ng iPhone ko mula sa aking purse. Kinuha ko iyon at nakita ang text galing kay Sydney.Syd:Handa ka na bang maglaway?!Napailing ako. I smirked a bit when I saw her text. Hindi pa din talaga ako kumbinsido sa mga sinabi niya noong nakaraang gabi. Gusto ko pa sana isearch ang itsura ng Alvedo na iyon sa internet pero naisip ko na makikita ko naman ng personal, hindi iyong edited.Huminto ang limo sa Manila Peninsula Hotel. Riley, Papa's secretary assisted me in the place. Ang magarbong chandelier kaagad ang nakita ko nang pumasok kami sa lobby ng hotel. May iilang tao ang naroon at napapatingin sa akin. Dinadaga man ang dibdib ay nagawa ko pa ding maglakad ng maayos at sumunod kay Riley.Tumulak kami sa dining place na nireserve ng mga Alvedo. Nagsusumigaw ang karangyaan ng lugar ngunit tahimik ito. Iisang tao lang ang nakita doon.Nanatili ang mga mata ko sa kaisa-isang lalaking nakaupo sa table na nasa gitna ng
ALIYAH'S POV"Kamusta ang dinner date ninyo ni Reid?" kuryosong tanong sa akin ni Mama nang makauwi ako nang gabing iyon.Pinatawag nila ako ni Papa sa opisina nila sa mansion. Halata sa mga mata nila ang pagkaexcite sa pagsasabi ko ng bawat detalye. Ngumiti ako habang nasa likod ang dalawang kamay."It was good, Mama.""Nagustuhan ka ba niya, hija? Anong mga pinag-usapan ninyo?" si Papa naman ang nagtanong."We talked about the business, Papa. He knows everything about our company," sagot ko, habang pinagbubuhol ang mga dalawang daliri sa aking likuran."That's for sure. And do you think he likes you? I mean you'll know it at first sight, right?" maingat pa na tanong ni Papa.I breathed heavily and nodded as a response. Pumalakpak naman ang natutuwang si Mama."That's a great start, hija!" Lumapit si Mama at sa akin at niyakap ako. "You're such a good girl. I know you'll never disappoint us!""Of course, Mama." matipid akong ngumiti.Tsaka palang ako nakahiga ng maayos nang makalabas
ALIYAH'S POVHindi ako nag-aksaya ng panahon. I took a bath and make sure that I am presentable. Sinuot ko ang kulay champagne na crepe back satin midi dress at aking black heels. Humarap ako sa salamin at nilagyan ng kulay pulang lip tint ang aking labi at kaunting blush on sa aking mga pisngi. Hinayaan kong nakalugay ang ang aking kulay mais at kulot na buhok.Dinampot ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Syd.Ako:Puntahan ko si Reid sa work.Nang bumaba ako ng spiral stairs ay nakahanda na si Riley. Dala dala ang aking purse ay tumulak kami sa labas. Nakaabang na doon ang aming sasakyan. Sumakay ako roon, may halong kaba at excitement ang nararandaman.Nag-ingay ang cellphone ko. It is Sydney, calling me again probably because of the message I have sent her."Talagang seryoso ka na dadalawin mo siya sa trabaho?!" si Syd sa matining na boses nang sagutan ko ang tawag."Oo, nasa sasakyan na nga ako..."Umandar ang sasakyan. Pinagmasdan ko ang malaking fountain namin. U
ALIYAH'S POVNagpupuyos ang damdamin ko sa galit nang umuwi ako ng mansyon. Padabog kong sinarado ang pinto ng aking kwarto at doon nagsisigaw sa sobrang inis at galit.That Reid Alvedo is a proven arrogant and bastard!Nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang galit. Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay idineny ako, hindi ng magulang o kaibigan ko kung hindi ng fiancé ko sa harap pa ng ibang tao! Ayos lang naman sa akin kung ayaw niya makasal sa akin pero ang pagmukhain akong tanga ay hindi katanggap tanggap!I had a good motive, I wanted to know him so bad and see if things between us will work out. I wanted to try and see how it will go if I get to know him. I just wanted to at least learn more things about him so I can decide if I'll proceed with this agreement or will abandon the promise I made to my parents.Kaya lang sa ginawa niya sa akin kanina, parang umurong na ang lahat ng interes ko para kilalanin siya at sang-ayunan ang kasal na iyon!Natural ang pagiging arogante sa mga may
ALIYAH'S POV Panay ang tingin ko sa calling card na binigay sa 'kin ni Reid kagabi. Ilang beses ko ding inirapan 'yon, pilit tinatago ang interes na tawagan siya at yayaing mag-lunch. If I call him now, that would only show that I am just one of the girls who can't resist him. Baka isipin pa ng walang hiyang iyon na mabilis lumipas ang galit ko. Well, lipas na talaga ang galit ko. The fact that he visited me here last night and apologized to me, that's an enough reason for me to forgive him. I just didn't like it when he speaks with full of arrogance. I sighed heavily. Hinawakan ko ang sintido ko at bahagyang hinilot 'yon. I am just twenty-two, but this fixed marriage and my soon-to-be husband are both giving me headaches! Ni wala pa ngang detalye na binibigay sa akin ang mga magulang ko. Kung kailan ang official announcement ng engagement. Kung kailan ang kasal. Kung tuloy ba ang kasal na 'yon, o umatras na ba si Reid dahil nakapagtanto niyang hindi kami bagay? I cringed at my l
ALIYAH'S POV Hindi ako matahan nang lumabas kami ng police station. Pakirandam ko ay binagsakan ako ng malas ngayong araw na 'to. Natatakot din ako na baka malaman ng mga magulang ko ang nangyari. They will definitely punish me for this mess. "You're still crying," anang boses sa likod ko. Hindi ko siya nilingon. I don't even have the guts to face him right now. I just want to evacuate to Mars and kill myself there. Bumaba ako ng hagdan at patuloy ang pag-iyak. Randam ko ang pagkabasa ng panyo ko dahil sa walang katapusang pagluha. Narandaman ko ang pagsunod sa akin ni Reid. Mabuti na lang at nandyan siya para makipag-areglo sa naperwisyo ko. Baka tuluyan na akong hinuli ng mga pulis kung hindi siya dumating at hinayaan akong damputin na lang sa highway na 'yon. "Mag-ingat ka na sa susunod. Hindi ka na menor de edad. Reckless driving is punishable by law. That's a minimum of one year imprisonment, Aliyah." Reid added using his ruthless and cold tone. Tumigil ako sa paglalakad. K
ALIYAH'S POV"This is such a disgrace to our family, Aliyah! How did you become so reckless? Mabuti na lang at nariyan si Reid para tulungan ka! Ano na lang ang sasabihin ng pamilya nila? I can't believe you just caused an accident!" galit na galit na sabi ni Papa.Kinagat ko ang labi ko habang nakayuko. Pakiramdam ko ay kakainin ako ng kaba sa dibdib ko dahil sa galit ng mga magulang ko. Nalaman nila ang nangyari kaninang tanghali.Reid is just simply an asshole. He can't shut his mouth at all! Talagang sinabi niya sa mga magulang ko ang nangyari. I understand that he wanted to be honest with my parents but at least he should've let me handled them instead."I'm really sorry, Papa..." tanging nasabi ko.I don't have the right to defend myself because I admit that it was clearly my fault. I've never been into such a big mess like this. Ito ang una. Pinapangako ko sa sarili ko na ito na din ang huli.Why did I end up having that car accident, anyway? It was all because I let Reid Alved
ALIYAH'S POVHindi ko alam kung paano ko natagalan ang nakakailang na paninitig sa akin ni Reid. Ang tanging alam ko lang ay mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. He's too close and intense. My body can't seem to function well while he's holding me firmly. Ang mga tuhod ko ay nanghihina. Kaunti na lang ay mabubuwal na ako sa panghihina at takot..."I am here because my parents ordered me to apologize to you..." mariin ang naging boses ko at pagkatapos ay lakas loob siyang tinulak.Sa isang iglap ay nakawala ako sa kanya. Nag-init ang pakiramdam ko doon ah! Galit ko siyang tinitigan samantalang ngumisi ito na para bang basang basa niya ang mga galaw ko."As if you're really going to apologize, Aliyah." He said in a mocking way. "I am surprised to see you here though. You look good."My forehead creased. Is that a compliment or an insult? I pouted my lips and just looked away.That's okay, Aliyah. Ang mahalaga ay nagpunta ka dito kagaya na nga lang ng gustong mangyari ng m
REID'S POV"Please, Reid. Mahal ko si Skylus... I can't lose him like this... Palayain mo na ako... S-sa kanya ako sasama..." umiiyak niyang pakiusap sa akin.Tang-ina. Para akong pinipiga nang paulit-ulit. Sa bawat luha niya, nadudurog ako. Sa bawat pagmamakaawa niyang palayain ko siya, halos mamatay ako. Bakit? Ano'ng wala sa akin na mayroon ang lalaking 'yon? Bakit ako ang dapat na iwan?Ano ba ang kulang sa akin?"You're so heartless, Cassandra..." tanging nasabi ko at binitiwan ang kamay niya.Hirap na hirap akong huminga. Parang sasabog ang puso ko sa pagkabigo. Ano'ng ginawa kong mali para masaktan ng ganito?Nagmahal lang naman ako ng sobra."I'm sorry... I'm so sorry, Reid..." I heard her saying it repeatedly.Tinalikuran ko ang babaeng naging mundo ko. Kung alam lang niya kung paano ako nabuhay sa pangarap na kasama siya. Kung paano ko inasam ang gumising sa bawat araw na siya ang kasama. Kung paano ko ipinangako sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko hanggang sa huli ko
ALIYAH'S POVTanghali na nang magising ako kinabukasan. I shifted my position and noticed that Reid isn't on my bed. Aga naman nagising no'n! I inhaled heavily as I remembered the passionate kisses we've shared last night. Ni hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko. What happened last night was very intimate...Reid is truly righteous and gentleman. Alam kong bilang isang lalaki ay may pangangailangan rin siya pero nagagawa niyang magtiis at maghintay. I even tried seducing him last night so we can proceed with the most exciting part, kaya lang ay mission failed naman ako dahil nagpipigil siya ng sarili.Sana ako rin marunong magpigil... Umiling na lamang ako at tinabunan ng unan ang mukha. Why... why do I feel so lustful?I got off from bed and noticed a note on my side table. Dinampot ko iyon dahil sulat kamay ni Reid ang naroon.Good afternoon, love. We'll do island hopping and attend a colleague's beach party on a private island afterwards. Pack your bag. I'll wait for you in the yach
ALIYAH'S POVNaging busy kaming lahat kinabukasan. Birthday ni lola Helga at maraming mga bisita ang dumating- karamihan ay ang mga matalik niyang kaibigan, mga dating katrabaho, kaklase pati ang mga malalapit niyang kakilala sa Tagbilaran at Panglao.Ang selebrasyon ay dinaos sa mansyon. Bawat sulok ay may mga bisita at masayang binabati si lola Helga. Mas lalo pa itong natuwa nang tumawag sila Mama at Papa para batiin siya."Happy birthday, lola!" I greeted her happily and then hugged her tight."Thank you, hija!" aniya sa masayang tono at hinalikan ako sa pisngi."Nasa kwarto niyo po ang mga regalo ko." Saad ko nang kumalas ako sa kanya. "I hope magustuhan niyo.""Naku, nag-abala ka pa! Sapat nang nandito kayo ni Reid, apo. Masayang masaya talaga ako ngayon!""Happy birthday po, lola Helga." Bati rin sa kanya ni Reid at hinalikan ito sa noo. Inabot nito ang isang bouquet ng pulang roses kay lola.Halos maantig ang puso ni lola Helga dahil sa mga bulaklak na 'yon. Inamoy pa niya ang
ALIYAH'S POVMataas na ang sikat ng araw nang makarating kami ni Reid sa Tagbilaran airport. Sinuot ko ang aviator at nilingon ang boyfriend kong busy sa paghila ng mga maleta namin."Are you okay?" I asked him as he seems very annoyed.Namumula ang kutis nito at may kaunting pawis dahil sa init. Sa likod ng aviator nito ay alam kong nakakunot na ang kanyang noo."Do you have to bring your whole closet? Parang wala ka ng balak bumalik ng Maynila." Iritado nitong wika.Awtomatiko naman akong napatingin sa dalawang naglalakihang maleta na dala ko. I mean dala niya... Kaya siguro iritable dahil siya ang naghihila ng lahat ng maleta namin. I pouted my lips, pinipigilan ang pilyang ngiti dahil baka mas lalo siyang mairita sa akin."I brought so many things for Lola Helga. I'm sorry, love!" wika ko sa malambing na tono. Inangat ko ang kamay ko para hawiin ang haplusin ang kanyang buhok. "Don't worry, parating naman na ang sundo natin. Huwag ka na sumimangot!"Umismid lamang ito at hinila na
ALIYAH'S POVMadalas ang naging paglabas namin ni Reid. Simula nang ibigay ng mga magulang ko ang blessing nila, ginamit namin 'yon bilang pagkakataon para mapunan ang mga pagkukulang namin sa isa't-isa. We only hoped to be a normal couple just like the others, kaya naman iyon ang ginawa namin ni Reid.Watching movies, star gazing, going on a date in a broad daylight, shopping, going to amusement park for fun, joy ride at night, dancing at the bar, staying at home and watching old animes... That became our thing. Hindi ako makapaniwala na ang mga simpleng bagay na katulad ng mga 'yon ay masarap palang gawin lalo na't si Reid ang kasama ko.I feel so complete. Having Reid and fighting for him was the best decision I've ever made. Kung hindi ko ginawa 'yon at hinayaan ang sarili kong kainin ng kalungkot dahil sa nakaraan namin, sa tingin ko'y hindi ako magiging masaya ng ganito.It was all worth it."Masaya ako na maayos na ang lahat sa relasyon niyo, Ali. Natapos na rin ang kalbaryo ni
ALIYAH'S POVParang panaginip. Iyon lamang ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na tinanggap na ng mga magulang ko ang relasyon namin ni Reid. Dahil ba 'yon sa mga nasabi ko kagabi? O dahil napagtanto nila na malinis talaga ang intension sa akin ni Reid?Kahit ano pa man ang dahilan, masasabi ko na nakahinga na ako ng maluwag. My heart doesn't feel the thorns anymore and I can breathe properly knowing my parents just gave us the blessing we need. It made me happy. They surely made me the happiest."Are you okay, Al?" mahinahong tanong sa akin ni Reid nang maiwan kami sa kanyang opisina.He explained that he went to a meeting with his secretary around seven in the morning reason why he wasn't able to call me, and I already forgave him for that knowing the nature of this business. Meetings at the most unexpected times can be done without my knowledge.Naupo ako sa couch na nasa harapan ng malawak niyang office table. I licked my lips and breathed out as I am still t
ALIYAH'S POVMatayog ang sikat ng araw nang unti-unti kong imulat ang mga mata ko. My eyes are too heavy that opening them feels difficult. Ramdam ko ang mga munting mga sinag ng araw sa mga ito kaya't umikot ako ng posisyon."Ouch..." I groaned as I felt the throbbing pain in my head. Kumurap-kurap pa ako at saka hinawakan ang ulo ko.What the hell, Aliyah? Umayos ako ng higa at tulalang tinignan ang kulay asul na kisame. In just a few seconds, the vivid scenes of what happened last night rewinded in my memory.Napangiwi ako nang maalala ang mga salitang binitiwan ko kay Papa. Hanggang ngayon ay para bang naririnig ko ang madidiin at galit niyang panghahamak kay Reid. Naalala ko rin ang mukha ng lalaking mahal ko. I inhaled sharply and feel bad. He didn't deserve all the insults from my father. He wasn't the one at fault when his intention was only to keep me safe.Bumuntong hininga ako at pilit na bumangon mula sa pagkakahiga. I bet my parents are fuming mad because of how I acted l
ALIYAH'S POVParang papanawan ako ng ulirat sa kasalukuyang nangyayari. Halos mawala rin ang pagkalasing ko. Kahit ramdam ang hilo't kagustuhang dumuwal, pinilit kong gisingin ang sarili ko.Sino ba namang hindi mahihismasmasan kung nasa gitna ka ng dalawang lalaking importante sa buhay mo? Nakaupo ako sa gitnang sofa samantalang nasa kaliwa ko naman si Reid, habang si Papa ay nasa kanan.Silence engulfed us. I couldn't even utter a single word because of the intense fear inside my chest. Kumakalabog ang puso ko. My father is obviously angry. Malamang ay dahil sa pagkikita namin ni Reid taliwas sa gusto niya.He made a rule that Reid and I can only meet once a month. That absurd rule, really. Alam ko naman... Ginawa niya iyon para kami mismo ang sumuko sa isa't-isa."Papa, it's getting late. Reid needs to—""I am very disappointed," matabang na saad ni Papa. Bumaling ang malalamig niyang mga mata sa akin at pagkatapos ay lumipat ang mga ito kay Reid.Suminghap ako, hindi makapaniwala
ALIYAH'S POVStrube lights and an earhammer music embraced my senses as we entered the bar. Nagulat ako nang itaas ni Sydney ang dalawa niyang kamay at nagsimulang sumayaw habang nakikisalo sa indak ng mga tao sa dancefloor. She looks very wild and carefree. Nagningning ang kanyang spaghetti strap na fitted dress na halos yakapin ng husto ang katawan niya. Dahil pinaghalong neon green at pink ang kulay ng kanyang suot at sa husay niya sa pagsayaw ay nakuha agad niya ang atensyon ng mga tao roon."Hindi pa 'yan lasing, ah..." naiiling kong wika kay Kaira.She glared at me and smiled, "Hayaan natin siya. She needs to loosen up a bit. She's really pressured because of Seiji."I nodded. Kung ang ibang babae ay pangarap na makasal, si Sydney naman ay hindi. Yes, she joked about wanting to have a baby but she's more obsessed with her dreams. Alam ko kung gaano katayog ang pangarap niyang maging kilalang pintor. Perhaps she's confused as to what should be her top priority— to settle down whi