REID'S POV"Please, Reid. Mahal ko si Skylus... I can't lose him like this... Palayain mo na ako... S-sa kanya ako sasama..." umiiyak niyang pakiusap sa akin.Tang-ina. Para akong pinipiga nang paulit-ulit. Sa bawat luha niya, nadudurog ako. Sa bawat pagmamakaawa niyang palayain ko siya, halos mamatay ako. Bakit? Ano'ng wala sa akin na mayroon ang lalaking 'yon? Bakit ako ang dapat na iwan?Ano ba ang kulang sa akin?"You're so heartless, Cassandra..." tanging nasabi ko at binitiwan ang kamay niya.Hirap na hirap akong huminga. Parang sasabog ang puso ko sa pagkabigo. Ano'ng ginawa kong mali para masaktan ng ganito?Nagmahal lang naman ako ng sobra."I'm sorry... I'm so sorry, Reid..." I heard her saying it repeatedly.Tinalikuran ko ang babaeng naging mundo ko. Kung alam lang niya kung paano ako nabuhay sa pangarap na kasama siya. Kung paano ko inasam ang gumising sa bawat araw na siya ang kasama. Kung paano ko ipinangako sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko hanggang sa huli ko
ALIYAH'S POVMinsan ay tinatanong ko sa sarili ko kung maaari ko pa bang gawin ang mga gusto ko gayong alam kong nakatali na ang buhay ko sa isang tao. Pinangarap kong magkaroon ng magandang buhay. Iyong may kalayaan at karera na maipagmamalaki ko. Pinangarap kong magkaroon ng buhay na hindi ko kailangang sumunod sa sinuman, maski sa mga magulang ko, at hindi maging takot sa pagkabigo. Pinangarap kong magkaroon ng normal na buhay, iyong itatrato akong normal ng mga taong nakapaligid sa akin at hindi titingnan ang kaantasaan ko sa buhay.Pinangarap ko noon na sana hindi na lamang ako si Aliyah Venice Monterde.Sa murang isip ay binuksan na ng mga magulang ko ang mata ko. Itinuro nila sa akin ang tungkol sa layunin ko sa aming negosyo at iyon ay, ang maging asawa ng isang taong halos hindi ko kilala. Hindi ko ito pinansin noong una. Ang gusto ko lang ay mapasaya sila kaya gusto kong gawin ang sinabi sa akin."Nakausap ko ang mga Alvedo. Nagustuhan nila ang proposal natin. Kung maikaka
ALIYAH'S POVSa kalagitnaan ng pag-iisip ay narandaman ko ang pagvibrate ng iPhone ko mula sa aking purse. Kinuha ko iyon at nakita ang text galing kay Sydney.Syd:Handa ka na bang maglaway?!Napailing ako. I smirked a bit when I saw her text. Hindi pa din talaga ako kumbinsido sa mga sinabi niya noong nakaraang gabi. Gusto ko pa sana isearch ang itsura ng Alvedo na iyon sa internet pero naisip ko na makikita ko naman ng personal, hindi iyong edited.Huminto ang limo sa Manila Peninsula Hotel. Riley, Papa's secretary assisted me in the place. Ang magarbong chandelier kaagad ang nakita ko nang pumasok kami sa lobby ng hotel. May iilang tao ang naroon at napapatingin sa akin. Dinadaga man ang dibdib ay nagawa ko pa ding maglakad ng maayos at sumunod kay Riley.Tumulak kami sa dining place na nireserve ng mga Alvedo. Nagsusumigaw ang karangyaan ng lugar ngunit tahimik ito. Iisang tao lang ang nakita doon.Nanatili ang mga mata ko sa kaisa-isang lalaking nakaupo sa table na nasa gitna ng
ALIYAH'S POV"Kamusta ang dinner date ninyo ni Reid?" kuryosong tanong sa akin ni Mama nang makauwi ako nang gabing iyon.Pinatawag nila ako ni Papa sa opisina nila sa mansion. Halata sa mga mata nila ang pagkaexcite sa pagsasabi ko ng bawat detalye. Ngumiti ako habang nasa likod ang dalawang kamay."It was good, Mama.""Nagustuhan ka ba niya, hija? Anong mga pinag-usapan ninyo?" si Papa naman ang nagtanong."We talked about the business, Papa. He knows everything about our company," sagot ko, habang pinagbubuhol ang mga dalawang daliri sa aking likuran."That's for sure. And do you think he likes you? I mean you'll know it at first sight, right?" maingat pa na tanong ni Papa.I breathed heavily and nodded as a response. Pumalakpak naman ang natutuwang si Mama."That's a great start, hija!" Lumapit si Mama at sa akin at niyakap ako. "You're such a good girl. I know you'll never disappoint us!""Of course, Mama." matipid akong ngumiti.Tsaka palang ako nakahiga ng maayos nang makalabas
ALIYAH'S POVHindi ako nag-aksaya ng panahon. I took a bath and make sure that I am presentable. Sinuot ko ang kulay champagne na crepe back satin midi dress at aking black heels. Humarap ako sa salamin at nilagyan ng kulay pulang lip tint ang aking labi at kaunting blush on sa aking mga pisngi. Hinayaan kong nakalugay ang ang aking kulay mais at kulot na buhok.Dinampot ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Syd.Ako:Puntahan ko si Reid sa work.Nang bumaba ako ng spiral stairs ay nakahanda na si Riley. Dala dala ang aking purse ay tumulak kami sa labas. Nakaabang na doon ang aming sasakyan. Sumakay ako roon, may halong kaba at excitement ang nararandaman.Nag-ingay ang cellphone ko. It is Sydney, calling me again probably because of the message I have sent her."Talagang seryoso ka na dadalawin mo siya sa trabaho?!" si Syd sa matining na boses nang sagutan ko ang tawag."Oo, nasa sasakyan na nga ako..."Umandar ang sasakyan. Pinagmasdan ko ang malaking fountain namin. U
ALIYAH'S POVNagpupuyos ang damdamin ko sa galit nang umuwi ako ng mansyon. Padabog kong sinarado ang pinto ng aking kwarto at doon nagsisigaw sa sobrang inis at galit.That Reid Alvedo is a proven arrogant and bastard!Nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang galit. Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay idineny ako, hindi ng magulang o kaibigan ko kung hindi ng fiancé ko sa harap pa ng ibang tao! Ayos lang naman sa akin kung ayaw niya makasal sa akin pero ang pagmukhain akong tanga ay hindi katanggap tanggap!I had a good motive, I wanted to know him so bad and see if things between us will work out. I wanted to try and see how it will go if I get to know him. I just wanted to at least learn more things about him so I can decide if I'll proceed with this agreement or will abandon the promise I made to my parents.Kaya lang sa ginawa niya sa akin kanina, parang umurong na ang lahat ng interes ko para kilalanin siya at sang-ayunan ang kasal na iyon!Natural ang pagiging arogante sa mga may
ALIYAH'S POV Panay ang tingin ko sa calling card na binigay sa 'kin ni Reid kagabi. Ilang beses ko ding inirapan 'yon, pilit tinatago ang interes na tawagan siya at yayaing mag-lunch. If I call him now, that would only show that I am just one of the girls who can't resist him. Baka isipin pa ng walang hiyang iyon na mabilis lumipas ang galit ko. Well, lipas na talaga ang galit ko. The fact that he visited me here last night and apologized to me, that's an enough reason for me to forgive him. I just didn't like it when he speaks with full of arrogance. I sighed heavily. Hinawakan ko ang sintido ko at bahagyang hinilot 'yon. I am just twenty-two, but this fixed marriage and my soon-to-be husband are both giving me headaches! Ni wala pa ngang detalye na binibigay sa akin ang mga magulang ko. Kung kailan ang official announcement ng engagement. Kung kailan ang kasal. Kung tuloy ba ang kasal na 'yon, o umatras na ba si Reid dahil nakapagtanto niyang hindi kami bagay? I cringed at my l
ALIYAH'S POV Hindi ako matahan nang lumabas kami ng police station. Pakirandam ko ay binagsakan ako ng malas ngayong araw na 'to. Natatakot din ako na baka malaman ng mga magulang ko ang nangyari. They will definitely punish me for this mess. "You're still crying," anang boses sa likod ko. Hindi ko siya nilingon. I don't even have the guts to face him right now. I just want to evacuate to Mars and kill myself there. Bumaba ako ng hagdan at patuloy ang pag-iyak. Randam ko ang pagkabasa ng panyo ko dahil sa walang katapusang pagluha. Narandaman ko ang pagsunod sa akin ni Reid. Mabuti na lang at nandyan siya para makipag-areglo sa naperwisyo ko. Baka tuluyan na akong hinuli ng mga pulis kung hindi siya dumating at hinayaan akong damputin na lang sa highway na 'yon. "Mag-ingat ka na sa susunod. Hindi ka na menor de edad. Reckless driving is punishable by law. That's a minimum of one year imprisonment, Aliyah." Reid added using his ruthless and cold tone. Tumigil ako sa paglalakad. K
REID'S POV"Please, Reid. Mahal ko si Skylus... I can't lose him like this... Palayain mo na ako... S-sa kanya ako sasama..." umiiyak niyang pakiusap sa akin.Tang-ina. Para akong pinipiga nang paulit-ulit. Sa bawat luha niya, nadudurog ako. Sa bawat pagmamakaawa niyang palayain ko siya, halos mamatay ako. Bakit? Ano'ng wala sa akin na mayroon ang lalaking 'yon? Bakit ako ang dapat na iwan?Ano ba ang kulang sa akin?"You're so heartless, Cassandra..." tanging nasabi ko at binitiwan ang kamay niya.Hirap na hirap akong huminga. Parang sasabog ang puso ko sa pagkabigo. Ano'ng ginawa kong mali para masaktan ng ganito?Nagmahal lang naman ako ng sobra."I'm sorry... I'm so sorry, Reid..." I heard her saying it repeatedly.Tinalikuran ko ang babaeng naging mundo ko. Kung alam lang niya kung paano ako nabuhay sa pangarap na kasama siya. Kung paano ko inasam ang gumising sa bawat araw na siya ang kasama. Kung paano ko ipinangako sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko hanggang sa huli ko
ALIYAH'S POVTanghali na nang magising ako kinabukasan. I shifted my position and noticed that Reid isn't on my bed. Aga naman nagising no'n! I inhaled heavily as I remembered the passionate kisses we've shared last night. Ni hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko. What happened last night was very intimate...Reid is truly righteous and gentleman. Alam kong bilang isang lalaki ay may pangangailangan rin siya pero nagagawa niyang magtiis at maghintay. I even tried seducing him last night so we can proceed with the most exciting part, kaya lang ay mission failed naman ako dahil nagpipigil siya ng sarili.Sana ako rin marunong magpigil... Umiling na lamang ako at tinabunan ng unan ang mukha. Why... why do I feel so lustful?I got off from bed and noticed a note on my side table. Dinampot ko iyon dahil sulat kamay ni Reid ang naroon.Good afternoon, love. We'll do island hopping and attend a colleague's beach party on a private island afterwards. Pack your bag. I'll wait for you in the yach
ALIYAH'S POVNaging busy kaming lahat kinabukasan. Birthday ni lola Helga at maraming mga bisita ang dumating- karamihan ay ang mga matalik niyang kaibigan, mga dating katrabaho, kaklase pati ang mga malalapit niyang kakilala sa Tagbilaran at Panglao.Ang selebrasyon ay dinaos sa mansyon. Bawat sulok ay may mga bisita at masayang binabati si lola Helga. Mas lalo pa itong natuwa nang tumawag sila Mama at Papa para batiin siya."Happy birthday, lola!" I greeted her happily and then hugged her tight."Thank you, hija!" aniya sa masayang tono at hinalikan ako sa pisngi."Nasa kwarto niyo po ang mga regalo ko." Saad ko nang kumalas ako sa kanya. "I hope magustuhan niyo.""Naku, nag-abala ka pa! Sapat nang nandito kayo ni Reid, apo. Masayang masaya talaga ako ngayon!""Happy birthday po, lola Helga." Bati rin sa kanya ni Reid at hinalikan ito sa noo. Inabot nito ang isang bouquet ng pulang roses kay lola.Halos maantig ang puso ni lola Helga dahil sa mga bulaklak na 'yon. Inamoy pa niya ang
ALIYAH'S POVMataas na ang sikat ng araw nang makarating kami ni Reid sa Tagbilaran airport. Sinuot ko ang aviator at nilingon ang boyfriend kong busy sa paghila ng mga maleta namin."Are you okay?" I asked him as he seems very annoyed.Namumula ang kutis nito at may kaunting pawis dahil sa init. Sa likod ng aviator nito ay alam kong nakakunot na ang kanyang noo."Do you have to bring your whole closet? Parang wala ka ng balak bumalik ng Maynila." Iritado nitong wika.Awtomatiko naman akong napatingin sa dalawang naglalakihang maleta na dala ko. I mean dala niya... Kaya siguro iritable dahil siya ang naghihila ng lahat ng maleta namin. I pouted my lips, pinipigilan ang pilyang ngiti dahil baka mas lalo siyang mairita sa akin."I brought so many things for Lola Helga. I'm sorry, love!" wika ko sa malambing na tono. Inangat ko ang kamay ko para hawiin ang haplusin ang kanyang buhok. "Don't worry, parating naman na ang sundo natin. Huwag ka na sumimangot!"Umismid lamang ito at hinila na
ALIYAH'S POVMadalas ang naging paglabas namin ni Reid. Simula nang ibigay ng mga magulang ko ang blessing nila, ginamit namin 'yon bilang pagkakataon para mapunan ang mga pagkukulang namin sa isa't-isa. We only hoped to be a normal couple just like the others, kaya naman iyon ang ginawa namin ni Reid.Watching movies, star gazing, going on a date in a broad daylight, shopping, going to amusement park for fun, joy ride at night, dancing at the bar, staying at home and watching old animes... That became our thing. Hindi ako makapaniwala na ang mga simpleng bagay na katulad ng mga 'yon ay masarap palang gawin lalo na't si Reid ang kasama ko.I feel so complete. Having Reid and fighting for him was the best decision I've ever made. Kung hindi ko ginawa 'yon at hinayaan ang sarili kong kainin ng kalungkot dahil sa nakaraan namin, sa tingin ko'y hindi ako magiging masaya ng ganito.It was all worth it."Masaya ako na maayos na ang lahat sa relasyon niyo, Ali. Natapos na rin ang kalbaryo ni
ALIYAH'S POVParang panaginip. Iyon lamang ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na tinanggap na ng mga magulang ko ang relasyon namin ni Reid. Dahil ba 'yon sa mga nasabi ko kagabi? O dahil napagtanto nila na malinis talaga ang intension sa akin ni Reid?Kahit ano pa man ang dahilan, masasabi ko na nakahinga na ako ng maluwag. My heart doesn't feel the thorns anymore and I can breathe properly knowing my parents just gave us the blessing we need. It made me happy. They surely made me the happiest."Are you okay, Al?" mahinahong tanong sa akin ni Reid nang maiwan kami sa kanyang opisina.He explained that he went to a meeting with his secretary around seven in the morning reason why he wasn't able to call me, and I already forgave him for that knowing the nature of this business. Meetings at the most unexpected times can be done without my knowledge.Naupo ako sa couch na nasa harapan ng malawak niyang office table. I licked my lips and breathed out as I am still t
ALIYAH'S POVMatayog ang sikat ng araw nang unti-unti kong imulat ang mga mata ko. My eyes are too heavy that opening them feels difficult. Ramdam ko ang mga munting mga sinag ng araw sa mga ito kaya't umikot ako ng posisyon."Ouch..." I groaned as I felt the throbbing pain in my head. Kumurap-kurap pa ako at saka hinawakan ang ulo ko.What the hell, Aliyah? Umayos ako ng higa at tulalang tinignan ang kulay asul na kisame. In just a few seconds, the vivid scenes of what happened last night rewinded in my memory.Napangiwi ako nang maalala ang mga salitang binitiwan ko kay Papa. Hanggang ngayon ay para bang naririnig ko ang madidiin at galit niyang panghahamak kay Reid. Naalala ko rin ang mukha ng lalaking mahal ko. I inhaled sharply and feel bad. He didn't deserve all the insults from my father. He wasn't the one at fault when his intention was only to keep me safe.Bumuntong hininga ako at pilit na bumangon mula sa pagkakahiga. I bet my parents are fuming mad because of how I acted l
ALIYAH'S POVParang papanawan ako ng ulirat sa kasalukuyang nangyayari. Halos mawala rin ang pagkalasing ko. Kahit ramdam ang hilo't kagustuhang dumuwal, pinilit kong gisingin ang sarili ko.Sino ba namang hindi mahihismasmasan kung nasa gitna ka ng dalawang lalaking importante sa buhay mo? Nakaupo ako sa gitnang sofa samantalang nasa kaliwa ko naman si Reid, habang si Papa ay nasa kanan.Silence engulfed us. I couldn't even utter a single word because of the intense fear inside my chest. Kumakalabog ang puso ko. My father is obviously angry. Malamang ay dahil sa pagkikita namin ni Reid taliwas sa gusto niya.He made a rule that Reid and I can only meet once a month. That absurd rule, really. Alam ko naman... Ginawa niya iyon para kami mismo ang sumuko sa isa't-isa."Papa, it's getting late. Reid needs to—""I am very disappointed," matabang na saad ni Papa. Bumaling ang malalamig niyang mga mata sa akin at pagkatapos ay lumipat ang mga ito kay Reid.Suminghap ako, hindi makapaniwala
ALIYAH'S POVStrube lights and an earhammer music embraced my senses as we entered the bar. Nagulat ako nang itaas ni Sydney ang dalawa niyang kamay at nagsimulang sumayaw habang nakikisalo sa indak ng mga tao sa dancefloor. She looks very wild and carefree. Nagningning ang kanyang spaghetti strap na fitted dress na halos yakapin ng husto ang katawan niya. Dahil pinaghalong neon green at pink ang kulay ng kanyang suot at sa husay niya sa pagsayaw ay nakuha agad niya ang atensyon ng mga tao roon."Hindi pa 'yan lasing, ah..." naiiling kong wika kay Kaira.She glared at me and smiled, "Hayaan natin siya. She needs to loosen up a bit. She's really pressured because of Seiji."I nodded. Kung ang ibang babae ay pangarap na makasal, si Sydney naman ay hindi. Yes, she joked about wanting to have a baby but she's more obsessed with her dreams. Alam ko kung gaano katayog ang pangarap niyang maging kilalang pintor. Perhaps she's confused as to what should be her top priority— to settle down whi