ALIYAH'S POV
"Kamusta ang dinner date ninyo ni Reid?" kuryosong tanong sa akin ni Mama nang makauwi ako nang gabing iyon.
Pinatawag nila ako ni Papa sa opisina nila sa mansion. Halata sa mga mata nila ang pagkaexcite sa pagsasabi ko ng bawat detalye. Ngumiti ako habang nasa likod ang dalawang kamay.
"It was good, Mama."
"Nagustuhan ka ba niya, hija? Anong mga pinag-usapan ninyo?" si Papa naman ang nagtanong.
"We talked about the business, Papa. He knows everything about our company," sagot ko, habang pinagbubuhol ang mga dalawang daliri sa aking likuran.
"That's for sure. And do you think he likes you? I mean you'll know it at first sight, right?" maingat pa na tanong ni Papa.
I breathed heavily and nodded as a response. Pumalakpak naman ang natutuwang si Mama.
"That's a great start, hija!" Lumapit si Mama at sa akin at niyakap ako. "You're such a good girl. I know you'll never disappoint us!"
"Of course, Mama." matipid akong ngumiti.
Tsaka palang ako nakahiga ng maayos nang makalabas ako ng opisina ng mga magulang ko. He likes me? Umangat ang dulo ng labi ko. I shook my head as I recall how Reid acted during that freaking dinner date!
Binalingan ko si Riley na nasa gilid ng pinto. Tumungo ang ulo nito bilang paggalang.
"I hope you won't tell them what happened. It's embarrassing, Riley." sabi ko dito na may halong pagbabanta sa aking boses.
"Masusunod po, Miss Aliyah."
"Good. Thank you," huling sinabi ko at pagkatapos ay umakyat na ng aking kwarto.
Naupo ako sa kama at natulala na lang sa aking harapan. Tama si Syd. That guy is sinfully handsome... Alam ko sa una palang naming pagkikita ay gusto ko na siyang makilala ng lubos. Nga lang, malaanghel man ang mukha niya, hindi ko mapagkakaila ang pagiging marahas niya. He talked and looked at me with an overflowing cruelty.
Not to mention that he sort of insulted me and assumed that I am a minor? Napailing ako. It is a detractor... but I still have the urge to know him well.
"Magpapakasal ka sa akin kahit hindi mo pa ako ganoong kakilala?" naalala kong wika niya sa malamig na boses.
Tanda ko pa ang nakakatakot at marahas niyang paninitig sa akin kanina. Kung bakit pakirandam ko ay hindi niya gusto ang set up na ito ay hindi ko alam. If he's against it, then he doesn't need to meet me. He doesn't need to follow this set up. Dapat sa umpisa palang ay umatras na siya, 'di ba?
Nagkibit balikat ako. Anuman ang dahilan ay hindi na importante iyon. Tsaka kaya ko naman siyang kilalanin! Sisiguraduhin kong magiging close kami! Doon naman nagsisimula ang lahat... Pagkakakilala... Pagkakaibigan... Hanggang sa maging intimate na ang lahat.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil na rin sa paulit-ulit na pagtawag ni Sydney sa cellphone ko. Alas siete palang ng umaga ay gusto na niya magpakwento sa mga nangyari sa date ko kagabi. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang kasiglahan samantalang ako ay antok na antok pa.
"Ano? Sabi ko sa'yo gwapo talaga iyong Reid Alvedo na iyon! He's one of the famous bachelors in the Philippines! Balita ko wala siyang girlfriend dahil nabasted daw iyan noon ng first love niya! Naku, Ali! Dapat talaga mapaamo mo siya! Ang ganda ng lahi niyan! Ang gaganda ng mga kapatid niya!" Hindi matigil si Syd sa mga kwento niya patungkol sa nalaman niya patungkol kay Reid.
Kinusot ko ang kanang mata ko at pagkatapos ay humikab. Patuloy pa din si Syd sa pagsasalita ngunit hindi ko na masundan ang mga sinasabi niya. Pinikit ko ang mga mata ko habang nasa tenga ang aking cellphone.
"At saka alam mo ba, ang popogi din ng mga kaibigan niyan! Lalo na iyong Seiji! Hay, naku! Kailangan mo akong paipakilala kay Reid para makilala ko din circle of friends niya!"
"Syd, it's too early. Talaga bang pinag-uusapan na natin ito? Inaantok pa ako!" I groaned.
Humalakhak ang kaibigan ko sa kabilang linya at pagkatapos ay hindi natinag at nagpatuloy sa mga kwento niya. She mentioned Reid's friends that I don't even know. Mabuti pa siya't alam na niya ang lahat ng mga ito samantalang ako ay pangalan pa lang yata ang alam sa lalaking iyon.
"Maganda daw iyong first love no'n ni Reid Alvedo at kakaiba kaya hindi makamove on!"
Sa isang iglap ay nawala ang antok ko. Minulat ko ang mga mata ako at umikot ng posisyon habang hawak ang cellphone sa aking tainga.
"Anong hindi makamove on?"
She chuckled. "Well, nabalitaan ko lang naman iyon. Iyon nga siguro ang rason kung bakit walang sinasamang babae kahit saan si Reid. Mag-isa lang sa mga gatherings and parties. Madalas ang kapatid niyang babae ang kasama niya."
Iba din talaga ang pagkatsismosa ng kaibigan kong ito. Hindi ako makapaniwala na ang dami niyang impormasyon patungkol kay Reid. Parang siya ang irereto don, ah!
"Or maybe he's gay? What do you think? Makikita mo naman sa galaw niya, hindi ba?"
I cringed at the thought that Reid is gay. That's so impossible. Naalala ko ang marahas niyang pagkakatitig sa akin kagabi. Sa tindig at pananalita pa lang ay masasabi kong straight ito. Ano ba itong mga sinusuksok ni Syd sa isip ko!
"He's not gay, Syd. Lalaking lalaki naman siya sa paningin ko kagabi," tanging nasabi ko.
"Alright, kailan ulit kayo magkikita?"
Umirap ako.
"Hindi ko pa alam. But I'll try to see him again... Maybe today?"
Tumawa muli si Syd. "Galingan mo, Ali! Break a leg!"
Hindi na ako nakabalik sa pagtulog pagkatapos naming mag-usap ni Syd. Pakirandam ko ay madami pa akong dapat alamin patungkol kay Reid kaya naman maaga pa lang ay inutusan ko na si Riley na magreport sa akin ng lahat ng makukuha niyang information tungkol sa lalaking iyon.
Maagang umalis ang mga magulang ko para sa trabaho. Dahil doon ay nagagawa kong manduhan ang tauhan ni Daddy sa mga gusto kong impormasyon.
Ibinigay sa akin ni Riley ang iilang printed papers nang nasa library ako ng aming mansion. Binaba ko ang binabasang libro at tinignan ang mga papel na naglalaman ng impormasyon tungkol sa isang Reid Alvedo.
Based on the information I have, he's 28 years old and a graduate of Business Administration. He took over his family business at a young age and is currently the CEO of Alvedo Company. They are managing hundreds of hotels and restaurants in the Philippines. May dalawang kapatid na babae. May tatlong matalik na kaibigan na sa pagkakaalala ko ay nabanggit ni Syd.
"Cassandra Lim? Ito ang ex-girlfriend niya?" kuryoso kong tanong kay Riley.
Tumango ito. "Opo, Miss Aliyah. Nakatakda na po iyang ikasal sa tagapagmana ng mga Cerrano."
"Skylus Cerrano?"
"Opo, Miss."
Kung ganoon ay wala ng pag-asa para magkabalikan pa sila. Hindi ko napigilan ang pagngiti. Sa tingin ko nama'y hindi si Reid ang tipong sisirain ang kasal ng ex-lover niya.
Nalaman ko ang mga hobbies niya. Drifting. Surfing. Motorcycling. Pati ang schedules niya sa trabaho nakalagay sa papel na hawak ko.
"Kung ganoon ay may pasok siya ngayon sa trabaho?" tanong ko muli kay Riley.
"Mayroon po, Miss Aliyah..."
"Okay, I appreciate all these information, Riley. Maghanda ka. Aalis tayo ng alas diez. Pupuntahan natin siya sa kumpanya nila," saad ko at inilapag na ang mga papel sa desk ko.
Halata ang gulat sa mukha ni Riley pero mabilis din naman niyang naintindihan ang gusto kong mangyari. Agad itong lumabas ng library at iniwan ako.
Nangalumbaba ako't napapangiti. Naisip ko ang sinabi ni Reid sa akin kagabi. Kung akala niya ay papakasalan ko siya agad, nagkakamali siya. Alam ko din na hindi niya ako kayang pakasalan dahil hindi din naman niya ako kilala.
It's workable. I have all the time to know him. Gusto ko ding malaman kung talagang hindi pa siya nakamove on sa Cassandra Lim na iyon. I just want to know every details about him before we set up our possible marriage.
ALIYAH'S POVHindi ako nag-aksaya ng panahon. I took a bath and make sure that I am presentable. Sinuot ko ang kulay champagne na crepe back satin midi dress at aking black heels. Humarap ako sa salamin at nilagyan ng kulay pulang lip tint ang aking labi at kaunting blush on sa aking mga pisngi. Hinayaan kong nakalugay ang ang aking kulay mais at kulot na buhok.Dinampot ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Syd.Ako:Puntahan ko si Reid sa work.Nang bumaba ako ng spiral stairs ay nakahanda na si Riley. Dala dala ang aking purse ay tumulak kami sa labas. Nakaabang na doon ang aming sasakyan. Sumakay ako roon, may halong kaba at excitement ang nararandaman.Nag-ingay ang cellphone ko. It is Sydney, calling me again probably because of the message I have sent her."Talagang seryoso ka na dadalawin mo siya sa trabaho?!" si Syd sa matining na boses nang sagutan ko ang tawag."Oo, nasa sasakyan na nga ako..."Umandar ang sasakyan. Pinagmasdan ko ang malaking fountain namin. U
ALIYAH'S POVNagpupuyos ang damdamin ko sa galit nang umuwi ako ng mansyon. Padabog kong sinarado ang pinto ng aking kwarto at doon nagsisigaw sa sobrang inis at galit.That Reid Alvedo is a proven arrogant and bastard!Nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang galit. Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay idineny ako, hindi ng magulang o kaibigan ko kung hindi ng fiancé ko sa harap pa ng ibang tao! Ayos lang naman sa akin kung ayaw niya makasal sa akin pero ang pagmukhain akong tanga ay hindi katanggap tanggap!I had a good motive, I wanted to know him so bad and see if things between us will work out. I wanted to try and see how it will go if I get to know him. I just wanted to at least learn more things about him so I can decide if I'll proceed with this agreement or will abandon the promise I made to my parents.Kaya lang sa ginawa niya sa akin kanina, parang umurong na ang lahat ng interes ko para kilalanin siya at sang-ayunan ang kasal na iyon!Natural ang pagiging arogante sa mga may
ALIYAH'S POV Panay ang tingin ko sa calling card na binigay sa 'kin ni Reid kagabi. Ilang beses ko ding inirapan 'yon, pilit tinatago ang interes na tawagan siya at yayaing mag-lunch. If I call him now, that would only show that I am just one of the girls who can't resist him. Baka isipin pa ng walang hiyang iyon na mabilis lumipas ang galit ko. Well, lipas na talaga ang galit ko. The fact that he visited me here last night and apologized to me, that's an enough reason for me to forgive him. I just didn't like it when he speaks with full of arrogance. I sighed heavily. Hinawakan ko ang sintido ko at bahagyang hinilot 'yon. I am just twenty-two, but this fixed marriage and my soon-to-be husband are both giving me headaches! Ni wala pa ngang detalye na binibigay sa akin ang mga magulang ko. Kung kailan ang official announcement ng engagement. Kung kailan ang kasal. Kung tuloy ba ang kasal na 'yon, o umatras na ba si Reid dahil nakapagtanto niyang hindi kami bagay? I cringed at my l
ALIYAH'S POV Hindi ako matahan nang lumabas kami ng police station. Pakirandam ko ay binagsakan ako ng malas ngayong araw na 'to. Natatakot din ako na baka malaman ng mga magulang ko ang nangyari. They will definitely punish me for this mess. "You're still crying," anang boses sa likod ko. Hindi ko siya nilingon. I don't even have the guts to face him right now. I just want to evacuate to Mars and kill myself there. Bumaba ako ng hagdan at patuloy ang pag-iyak. Randam ko ang pagkabasa ng panyo ko dahil sa walang katapusang pagluha. Narandaman ko ang pagsunod sa akin ni Reid. Mabuti na lang at nandyan siya para makipag-areglo sa naperwisyo ko. Baka tuluyan na akong hinuli ng mga pulis kung hindi siya dumating at hinayaan akong damputin na lang sa highway na 'yon. "Mag-ingat ka na sa susunod. Hindi ka na menor de edad. Reckless driving is punishable by law. That's a minimum of one year imprisonment, Aliyah." Reid added using his ruthless and cold tone. Tumigil ako sa paglalakad. K
ALIYAH'S POV"This is such a disgrace to our family, Aliyah! How did you become so reckless? Mabuti na lang at nariyan si Reid para tulungan ka! Ano na lang ang sasabihin ng pamilya nila? I can't believe you just caused an accident!" galit na galit na sabi ni Papa.Kinagat ko ang labi ko habang nakayuko. Pakiramdam ko ay kakainin ako ng kaba sa dibdib ko dahil sa galit ng mga magulang ko. Nalaman nila ang nangyari kaninang tanghali.Reid is just simply an asshole. He can't shut his mouth at all! Talagang sinabi niya sa mga magulang ko ang nangyari. I understand that he wanted to be honest with my parents but at least he should've let me handled them instead."I'm really sorry, Papa..." tanging nasabi ko.I don't have the right to defend myself because I admit that it was clearly my fault. I've never been into such a big mess like this. Ito ang una. Pinapangako ko sa sarili ko na ito na din ang huli.Why did I end up having that car accident, anyway? It was all because I let Reid Alved
ALIYAH'S POVHindi ko alam kung paano ko natagalan ang nakakailang na paninitig sa akin ni Reid. Ang tanging alam ko lang ay mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. He's too close and intense. My body can't seem to function well while he's holding me firmly. Ang mga tuhod ko ay nanghihina. Kaunti na lang ay mabubuwal na ako sa panghihina at takot..."I am here because my parents ordered me to apologize to you..." mariin ang naging boses ko at pagkatapos ay lakas loob siyang tinulak.Sa isang iglap ay nakawala ako sa kanya. Nag-init ang pakiramdam ko doon ah! Galit ko siyang tinitigan samantalang ngumisi ito na para bang basang basa niya ang mga galaw ko."As if you're really going to apologize, Aliyah." He said in a mocking way. "I am surprised to see you here though. You look good."My forehead creased. Is that a compliment or an insult? I pouted my lips and just looked away.That's okay, Aliyah. Ang mahalaga ay nagpunta ka dito kagaya na nga lang ng gustong mangyari ng m
ALIYAH'S POVHinatid ako ni Reid sa labas ng kanilang mansyon. Hapon na at nagpasya na akong umuwi dahil baka may gagawin pang ibang bagay ang lalaking ito.Agad kong nakita si Riley na nakatayo sa gilid ng aming kotse. Nilingon ko si Reid at tipid itong nginitian."I gotta go," sabi ko.Tumango ito at nagpamulsa. "Thanks for visiting.""I needed to.""Alam ko," he smiled playfully.I rolled my eyes. Naglakad ako palapit sa aming kotse habang ramdam ko naman ang pagsunod niya. Binuksan ni Riley ang passenger's seat para sa akin.I turned to face Reid once again. Hindi pa din nawawala ang mapaglarong ngiti sa labi niya. Kunot noo ko itong pinagmasdan."I hope you enjoyed your visit." aniya.Tumaas ang kilay ko. Enjoy? Tinulugan niya ako pagkatapos naming mag-lunch! Halos mamatay ako sa pagkabored sa kwarto niya. Nang magising siya, ito na ang sunod na nangyari. Hindi naman din ako nag-eexpect ng kung ano.I had to come here, as per my parent's request and that's all what I needed to do
ALIYAH'S POVDinala ako ni Reid sa isang lugar kung saan kita ang kalakihan ng syudad— ang mga naggagandahang city lights ay kita mula dito, ang mga nangniningning na bituin at ang bilog at maliwanag na buwan. Umiihip ang malamig na hangin na hinihipan ang aking buhok. I gathered the strands of my hair and tucked it behind my ear.Nilingon ko si Reid na lumabas sa kotse dala ang plastik na may lamang beer . Binuksan niya ang isa at binigay 'yon sa akin."Thanks," I said and stared at the city view once again. Ininuman ko ang bote ng beer. Nagdala iyon ng init sa lalamunan ko pababa sa aking tyan. Kahit papaano ay naibsan ang lamig na nararamdaman ko."Is something bothering you?"I shook my head and smiled bitterly. Wala namang bumabagabag sa akin. Sa tingin ko'y napagod lang talaga ako sa trabaho."I am just tired from the case we've handled today," I shrugged and sighed in defeat. I looked at Reid who's also staring at me. "Legal Stenographer lang ako pero hindi ko maiwasang maapekt
REID'S POV"Please, Reid. Mahal ko si Skylus... I can't lose him like this... Palayain mo na ako... S-sa kanya ako sasama..." umiiyak niyang pakiusap sa akin.Tang-ina. Para akong pinipiga nang paulit-ulit. Sa bawat luha niya, nadudurog ako. Sa bawat pagmamakaawa niyang palayain ko siya, halos mamatay ako. Bakit? Ano'ng wala sa akin na mayroon ang lalaking 'yon? Bakit ako ang dapat na iwan?Ano ba ang kulang sa akin?"You're so heartless, Cassandra..." tanging nasabi ko at binitiwan ang kamay niya.Hirap na hirap akong huminga. Parang sasabog ang puso ko sa pagkabigo. Ano'ng ginawa kong mali para masaktan ng ganito?Nagmahal lang naman ako ng sobra."I'm sorry... I'm so sorry, Reid..." I heard her saying it repeatedly.Tinalikuran ko ang babaeng naging mundo ko. Kung alam lang niya kung paano ako nabuhay sa pangarap na kasama siya. Kung paano ko inasam ang gumising sa bawat araw na siya ang kasama. Kung paano ko ipinangako sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko hanggang sa huli ko
ALIYAH'S POVTanghali na nang magising ako kinabukasan. I shifted my position and noticed that Reid isn't on my bed. Aga naman nagising no'n! I inhaled heavily as I remembered the passionate kisses we've shared last night. Ni hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko. What happened last night was very intimate...Reid is truly righteous and gentleman. Alam kong bilang isang lalaki ay may pangangailangan rin siya pero nagagawa niyang magtiis at maghintay. I even tried seducing him last night so we can proceed with the most exciting part, kaya lang ay mission failed naman ako dahil nagpipigil siya ng sarili.Sana ako rin marunong magpigil... Umiling na lamang ako at tinabunan ng unan ang mukha. Why... why do I feel so lustful?I got off from bed and noticed a note on my side table. Dinampot ko iyon dahil sulat kamay ni Reid ang naroon.Good afternoon, love. We'll do island hopping and attend a colleague's beach party on a private island afterwards. Pack your bag. I'll wait for you in the yach
ALIYAH'S POVNaging busy kaming lahat kinabukasan. Birthday ni lola Helga at maraming mga bisita ang dumating- karamihan ay ang mga matalik niyang kaibigan, mga dating katrabaho, kaklase pati ang mga malalapit niyang kakilala sa Tagbilaran at Panglao.Ang selebrasyon ay dinaos sa mansyon. Bawat sulok ay may mga bisita at masayang binabati si lola Helga. Mas lalo pa itong natuwa nang tumawag sila Mama at Papa para batiin siya."Happy birthday, lola!" I greeted her happily and then hugged her tight."Thank you, hija!" aniya sa masayang tono at hinalikan ako sa pisngi."Nasa kwarto niyo po ang mga regalo ko." Saad ko nang kumalas ako sa kanya. "I hope magustuhan niyo.""Naku, nag-abala ka pa! Sapat nang nandito kayo ni Reid, apo. Masayang masaya talaga ako ngayon!""Happy birthday po, lola Helga." Bati rin sa kanya ni Reid at hinalikan ito sa noo. Inabot nito ang isang bouquet ng pulang roses kay lola.Halos maantig ang puso ni lola Helga dahil sa mga bulaklak na 'yon. Inamoy pa niya ang
ALIYAH'S POVMataas na ang sikat ng araw nang makarating kami ni Reid sa Tagbilaran airport. Sinuot ko ang aviator at nilingon ang boyfriend kong busy sa paghila ng mga maleta namin."Are you okay?" I asked him as he seems very annoyed.Namumula ang kutis nito at may kaunting pawis dahil sa init. Sa likod ng aviator nito ay alam kong nakakunot na ang kanyang noo."Do you have to bring your whole closet? Parang wala ka ng balak bumalik ng Maynila." Iritado nitong wika.Awtomatiko naman akong napatingin sa dalawang naglalakihang maleta na dala ko. I mean dala niya... Kaya siguro iritable dahil siya ang naghihila ng lahat ng maleta namin. I pouted my lips, pinipigilan ang pilyang ngiti dahil baka mas lalo siyang mairita sa akin."I brought so many things for Lola Helga. I'm sorry, love!" wika ko sa malambing na tono. Inangat ko ang kamay ko para hawiin ang haplusin ang kanyang buhok. "Don't worry, parating naman na ang sundo natin. Huwag ka na sumimangot!"Umismid lamang ito at hinila na
ALIYAH'S POVMadalas ang naging paglabas namin ni Reid. Simula nang ibigay ng mga magulang ko ang blessing nila, ginamit namin 'yon bilang pagkakataon para mapunan ang mga pagkukulang namin sa isa't-isa. We only hoped to be a normal couple just like the others, kaya naman iyon ang ginawa namin ni Reid.Watching movies, star gazing, going on a date in a broad daylight, shopping, going to amusement park for fun, joy ride at night, dancing at the bar, staying at home and watching old animes... That became our thing. Hindi ako makapaniwala na ang mga simpleng bagay na katulad ng mga 'yon ay masarap palang gawin lalo na't si Reid ang kasama ko.I feel so complete. Having Reid and fighting for him was the best decision I've ever made. Kung hindi ko ginawa 'yon at hinayaan ang sarili kong kainin ng kalungkot dahil sa nakaraan namin, sa tingin ko'y hindi ako magiging masaya ng ganito.It was all worth it."Masaya ako na maayos na ang lahat sa relasyon niyo, Ali. Natapos na rin ang kalbaryo ni
ALIYAH'S POVParang panaginip. Iyon lamang ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na tinanggap na ng mga magulang ko ang relasyon namin ni Reid. Dahil ba 'yon sa mga nasabi ko kagabi? O dahil napagtanto nila na malinis talaga ang intension sa akin ni Reid?Kahit ano pa man ang dahilan, masasabi ko na nakahinga na ako ng maluwag. My heart doesn't feel the thorns anymore and I can breathe properly knowing my parents just gave us the blessing we need. It made me happy. They surely made me the happiest."Are you okay, Al?" mahinahong tanong sa akin ni Reid nang maiwan kami sa kanyang opisina.He explained that he went to a meeting with his secretary around seven in the morning reason why he wasn't able to call me, and I already forgave him for that knowing the nature of this business. Meetings at the most unexpected times can be done without my knowledge.Naupo ako sa couch na nasa harapan ng malawak niyang office table. I licked my lips and breathed out as I am still t
ALIYAH'S POVMatayog ang sikat ng araw nang unti-unti kong imulat ang mga mata ko. My eyes are too heavy that opening them feels difficult. Ramdam ko ang mga munting mga sinag ng araw sa mga ito kaya't umikot ako ng posisyon."Ouch..." I groaned as I felt the throbbing pain in my head. Kumurap-kurap pa ako at saka hinawakan ang ulo ko.What the hell, Aliyah? Umayos ako ng higa at tulalang tinignan ang kulay asul na kisame. In just a few seconds, the vivid scenes of what happened last night rewinded in my memory.Napangiwi ako nang maalala ang mga salitang binitiwan ko kay Papa. Hanggang ngayon ay para bang naririnig ko ang madidiin at galit niyang panghahamak kay Reid. Naalala ko rin ang mukha ng lalaking mahal ko. I inhaled sharply and feel bad. He didn't deserve all the insults from my father. He wasn't the one at fault when his intention was only to keep me safe.Bumuntong hininga ako at pilit na bumangon mula sa pagkakahiga. I bet my parents are fuming mad because of how I acted l
ALIYAH'S POVParang papanawan ako ng ulirat sa kasalukuyang nangyayari. Halos mawala rin ang pagkalasing ko. Kahit ramdam ang hilo't kagustuhang dumuwal, pinilit kong gisingin ang sarili ko.Sino ba namang hindi mahihismasmasan kung nasa gitna ka ng dalawang lalaking importante sa buhay mo? Nakaupo ako sa gitnang sofa samantalang nasa kaliwa ko naman si Reid, habang si Papa ay nasa kanan.Silence engulfed us. I couldn't even utter a single word because of the intense fear inside my chest. Kumakalabog ang puso ko. My father is obviously angry. Malamang ay dahil sa pagkikita namin ni Reid taliwas sa gusto niya.He made a rule that Reid and I can only meet once a month. That absurd rule, really. Alam ko naman... Ginawa niya iyon para kami mismo ang sumuko sa isa't-isa."Papa, it's getting late. Reid needs to—""I am very disappointed," matabang na saad ni Papa. Bumaling ang malalamig niyang mga mata sa akin at pagkatapos ay lumipat ang mga ito kay Reid.Suminghap ako, hindi makapaniwala
ALIYAH'S POVStrube lights and an earhammer music embraced my senses as we entered the bar. Nagulat ako nang itaas ni Sydney ang dalawa niyang kamay at nagsimulang sumayaw habang nakikisalo sa indak ng mga tao sa dancefloor. She looks very wild and carefree. Nagningning ang kanyang spaghetti strap na fitted dress na halos yakapin ng husto ang katawan niya. Dahil pinaghalong neon green at pink ang kulay ng kanyang suot at sa husay niya sa pagsayaw ay nakuha agad niya ang atensyon ng mga tao roon."Hindi pa 'yan lasing, ah..." naiiling kong wika kay Kaira.She glared at me and smiled, "Hayaan natin siya. She needs to loosen up a bit. She's really pressured because of Seiji."I nodded. Kung ang ibang babae ay pangarap na makasal, si Sydney naman ay hindi. Yes, she joked about wanting to have a baby but she's more obsessed with her dreams. Alam ko kung gaano katayog ang pangarap niyang maging kilalang pintor. Perhaps she's confused as to what should be her top priority— to settle down whi