ALIYAH'S POV
Hindi ako nag-aksaya ng panahon. I took a bath and make sure that I am presentable. Sinuot ko ang kulay champagne na crepe back satin midi dress at aking black heels. Humarap ako sa salamin at nilagyan ng kulay pulang lip tint ang aking labi at kaunting blush on sa aking mga pisngi. Hinayaan kong nakalugay ang ang aking kulay mais at kulot na buhok.
Dinampot ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Syd.
Ako:
Puntahan ko si Reid sa work.Nang bumaba ako ng spiral stairs ay nakahanda na si Riley. Dala dala ang aking purse ay tumulak kami sa labas. Nakaabang na doon ang aming sasakyan. Sumakay ako roon, may halong kaba at excitement ang nararandaman.
Nag-ingay ang cellphone ko. It is Sydney, calling me again probably because of the message I have sent her.
"Talagang seryoso ka na dadalawin mo siya sa trabaho?!" si Syd sa matining na boses nang sagutan ko ang tawag.
"Oo, nasa sasakyan na nga ako..."
Umandar ang sasakyan. Pinagmasdan ko ang malaking fountain namin. Unti unti itong nawala sa paningin ko nang makalabas kami ng main gate.
"Ibang klase ka, Ali! Basta ipapakilala mo ako sa mga kaibigan niya kapag malapit na kayo sa isa't-isa, ha?"
Natawa ako doon. Hindi ko matandaan ang mga pangalan ng mga kaibigan ni Reid. Tanging ang tumatak sa isip ko ay iyong Seiji na sinabi ni Syd kanina. Para sa akin, hindi naman sila ang importante.
"I'll try and see. Let's hope Reid will cooperate."
"Kaya mo 'yan, Ali! Show him that you're different from the woman who broke his heart," bumungisngis pa ito.
Tumahimik lang nang matapos ang pakikipag-usap ko kay Sydney. Hindi ko talaga alam kung saan niya nakukuha ang lahat ng energy niya.
Tanaw ko ang naglalakihang building ng Makati. Naging depina ang kaba at excitement sa dibdib ko nang marating namin ang matayog na kumpanya ng Alvedo Co. Pinagbuksan ako ng pinto ni Riley at sinabayan ako sa pagpasok sa loob.
Napakaelegante. Kulay abong marmol na sahig at malaking chandelier na hitik sa diamante ang una kong napansin. The walls are in pure gray porcelain at mayroon ding mga matataas na halamang nagpabuhay sa kulay. Lumapit kami ni Riley sa front desk. I let him coordinate with them. Siya na ang nagtanong ng tamang daan at opisina ni Reid.
Nilibot ko ng tingin ang palapag kung nasaan kami. Their employees are wearing formal attires and I looked very different with my midi dress.
"This way, please..."
Sinundan namin ang babaeng galing front desk. Pagkasakay ng elevator ay hindi ko na napigilan ang magtanong.
"Saang floor ang opisina ni Reid Alvedo?"
Ngumiti sa akin ang babae. "Nasa 37th floor po."
Okay. I wanted to know so that the next time I pay a visit ay diretso na lang ako doon. Nang marating ang tamang palapag ay sinalubong agad kami ng pusta ko'y sekretariya ni Reid. Nawala na sa paningin ko ang babaeng naghatid sa amin.
"Good morning, Miss. Do you have an appointment with Mr. Reid Alvedo today?"
Napatingin ako kay Riley. Diretso lang ang tingin nito sa babae. Bumaling ako sa maputing sekretarya at ngumiti.
"I am his fiancée. My name is Aliyah Venice Monterde. I didn't make an appointment but I just... want to visit him if it's okay?"
Halata ang pagkakagulat sa mukha ng sekretarya dahil sa sinabi ko. Hilaw akong ngumiti sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba na sinabi kong fiancée ako ni Reid o mali...
"N-Nice to meet you po, Miss. I'll inform Mr. Alvedo that you are here po..." magalang na sabi nito.
"Thanks," tanging nasabi ko.
Pinanood ko ang pagkataranta ng sekretarya habang umikot para makausap ang kanyang boss sa intercom.
"Mr. Alvedo," panimula nito sa linya.
"Yes?" a familiar baritone answered.
Hindi nakatakas ang ngiti sa aking labi. To be honest, I am completely nervous right now but as soon as I heard his voice, I became too excited to see him again.
"Uhm... Your fiancée wants to see you, Mr. Alvedo." The lady informed him carefully.
"I don't have a fiancée. Who's that?"
Nalaglag ang panga ko sa narinig. Tila pinanawan ako ng buhay sa narinig. Nagtiim bagang ako at narandaman ang pag-ahon ng matinding galit. Nanginginig ang mga kamay ko habang galit na pinagmamasdan ang walang buhay na intercom na iyon.
"I-I'm s-sorry, Mr. Alvedo..." halatang hindi na alam ng sekretarya ang sasabihin. "Y-You have a visitor and s-she's claiming—"
Tila naputol ang pisi ng pasensya ko. Padabog akong lumapit sa intercom at agad namang gumilid ang babae.
"Jessica, you know that I am busy. I don't want to welcome any visitor right now." ani Reid sa matigas na boses.
Kumukulo ang dugo ko sa galit. Hindi ko na napigilan ang sarili at talagang handa na akong makipag-away sa kanya gamit ang intercom!
"Fucking bastard..." panimula ko. "I didn't realize you'll play this cheap game, Reid."
He chuckled on the line. Mas lalo tuloy tumindi ang galit na nararandaman ko. Ni hindi na malaman ni Riley at ng sekretarya ang gagawin sa akin. Napakamot na lang sa ulo ang bodyguard ko.
"Aliyah..." he called me seductively.
"Fuck you..." I breathed heavily. "I was just gonna ask you a little time for lunch and I am surprised that you denied me just like that..."
"Let's talk."
Talagang mag-uusap tayo!
"I'll kill you..." I said through my gritted teeth.
He chuckled again.
Nilingon ko ang kaisa-isang double door. Kulang na lang ay matunaw iyon sa galit na paninitig ko. Hindi ako nag-aksaya ng panahon at galit na martsa papuntang opisina ni Reid.
Tinulak ko ang pinto at lumantad sa akin ang malawak na opisina. Sa pinakagitna ay naroon siya at nakaupo sa kanyang desk. Arogante ang unang pumasok sa isip ko. Nakacoat na gray habang ang nasa loob ay puting V-neck shirt. Mayabang niya akong tinitigan nang ibaba niya ang hawak na papeles.
"Aliyah..."
I swallowed hard. Hindi na yata ako makakaahon sa pagkapahiya dahil sa ginawa niya. Sa galit ko ay nagmartsa ako palapit sa desk niya at walang anu-anong sinampal siya.
Gulat ang itsura niya ngunit agad ding nakabawi. His dark eyes looked at me. Nanginginig ang kamay kong pinangsampal sa kanya.
It's my first time to hurt someone. Hindi ko kaya ang narandamang galit na pakirandam ko ay kapag hindi ko inilabas ay papanawan ako ng ulirat.
"That's... for denying me." saad ko sa nanginginig na boses.
He smiled devilishly. Napaatras ako nang tumayo siya at umikot para malapitan ako. Namumungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin. I swallowed hard and tried to look away.
"Mawawala ba ang galit mo kung sasamahan kitang kumain?"
Nagtiim bagang ako. Marahas siya kapag lasing pero hindi ko inakalang mas masama ang ugali niya kapag nasa katinuan.
I scowled at him. Hindi ko yata siya mapapatawad sa ginawa niya!
He chuckled. Bahagya pa siyang lumapit at inangat ang kamay para haplusin ang pisngi ko. Pakirandam ko ay nanlamig ako sa ginawa niyang paghawak sa akin.
"Don't touch me!" singhal ko sa kanya at pagkatapos ay hinawi ang kanyang kamay.
Ngumisi ito at sumandal sa kanyang desk. He glanced my way with his dark and menacing eyes.
"How about if I go out with you? Mawawala na ba ang galit mo non?" mayabang niyang wika.
Naningkit ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya sa akin ngayon. A simple sorry is enough, you idiot!
"Or would you like me to sleep with you?"
Sarkastiko akong ngumiti. Ang kapal ng mukha niyang sabihin ang huli. Ano'ng tingin niya sa akin? Nangangati para sa kanya? Mas lalong kumukulo ang dugo ko sa mga naririnig ko galing sa kanya.
Isang mayaman at galing sa kilala na pamilya ngunit wala namang magandang asal. Hindi yata ito naturuan ng mabuti ng mga magulang niya!
"I can't believe I am hearing all these from you right now." I said with a disgust evident on my voice.
"I am giving you options, Aliyah..."
Madilim ko siyang tinitigan. "Kaya siguro iniwan ka ng Cassandra Lim na iyon. Magaspang pa sa lupa ang ugali mo."
Ang pagyayabang sa mukha niya ay nawala't napalitan ng madilim at galit na emosyon.
"You're a fucking loser and an ill-mannered man, Reid. Bagay lang sa'yo ang maiwan," wika ko sa malamig na boses.
Namayani ang poot sa mga mata niya. Mukhang tama nga si Syd. Hindi pa nakakamove on ang lalaking ito.
ALIYAH'S POVNagpupuyos ang damdamin ko sa galit nang umuwi ako ng mansyon. Padabog kong sinarado ang pinto ng aking kwarto at doon nagsisigaw sa sobrang inis at galit.That Reid Alvedo is a proven arrogant and bastard!Nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang galit. Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay idineny ako, hindi ng magulang o kaibigan ko kung hindi ng fiancé ko sa harap pa ng ibang tao! Ayos lang naman sa akin kung ayaw niya makasal sa akin pero ang pagmukhain akong tanga ay hindi katanggap tanggap!I had a good motive, I wanted to know him so bad and see if things between us will work out. I wanted to try and see how it will go if I get to know him. I just wanted to at least learn more things about him so I can decide if I'll proceed with this agreement or will abandon the promise I made to my parents.Kaya lang sa ginawa niya sa akin kanina, parang umurong na ang lahat ng interes ko para kilalanin siya at sang-ayunan ang kasal na iyon!Natural ang pagiging arogante sa mga may
ALIYAH'S POV Panay ang tingin ko sa calling card na binigay sa 'kin ni Reid kagabi. Ilang beses ko ding inirapan 'yon, pilit tinatago ang interes na tawagan siya at yayaing mag-lunch. If I call him now, that would only show that I am just one of the girls who can't resist him. Baka isipin pa ng walang hiyang iyon na mabilis lumipas ang galit ko. Well, lipas na talaga ang galit ko. The fact that he visited me here last night and apologized to me, that's an enough reason for me to forgive him. I just didn't like it when he speaks with full of arrogance. I sighed heavily. Hinawakan ko ang sintido ko at bahagyang hinilot 'yon. I am just twenty-two, but this fixed marriage and my soon-to-be husband are both giving me headaches! Ni wala pa ngang detalye na binibigay sa akin ang mga magulang ko. Kung kailan ang official announcement ng engagement. Kung kailan ang kasal. Kung tuloy ba ang kasal na 'yon, o umatras na ba si Reid dahil nakapagtanto niyang hindi kami bagay? I cringed at my l
ALIYAH'S POV Hindi ako matahan nang lumabas kami ng police station. Pakirandam ko ay binagsakan ako ng malas ngayong araw na 'to. Natatakot din ako na baka malaman ng mga magulang ko ang nangyari. They will definitely punish me for this mess. "You're still crying," anang boses sa likod ko. Hindi ko siya nilingon. I don't even have the guts to face him right now. I just want to evacuate to Mars and kill myself there. Bumaba ako ng hagdan at patuloy ang pag-iyak. Randam ko ang pagkabasa ng panyo ko dahil sa walang katapusang pagluha. Narandaman ko ang pagsunod sa akin ni Reid. Mabuti na lang at nandyan siya para makipag-areglo sa naperwisyo ko. Baka tuluyan na akong hinuli ng mga pulis kung hindi siya dumating at hinayaan akong damputin na lang sa highway na 'yon. "Mag-ingat ka na sa susunod. Hindi ka na menor de edad. Reckless driving is punishable by law. That's a minimum of one year imprisonment, Aliyah." Reid added using his ruthless and cold tone. Tumigil ako sa paglalakad. K
ALIYAH'S POV"This is such a disgrace to our family, Aliyah! How did you become so reckless? Mabuti na lang at nariyan si Reid para tulungan ka! Ano na lang ang sasabihin ng pamilya nila? I can't believe you just caused an accident!" galit na galit na sabi ni Papa.Kinagat ko ang labi ko habang nakayuko. Pakiramdam ko ay kakainin ako ng kaba sa dibdib ko dahil sa galit ng mga magulang ko. Nalaman nila ang nangyari kaninang tanghali.Reid is just simply an asshole. He can't shut his mouth at all! Talagang sinabi niya sa mga magulang ko ang nangyari. I understand that he wanted to be honest with my parents but at least he should've let me handled them instead."I'm really sorry, Papa..." tanging nasabi ko.I don't have the right to defend myself because I admit that it was clearly my fault. I've never been into such a big mess like this. Ito ang una. Pinapangako ko sa sarili ko na ito na din ang huli.Why did I end up having that car accident, anyway? It was all because I let Reid Alved
ALIYAH'S POVHindi ko alam kung paano ko natagalan ang nakakailang na paninitig sa akin ni Reid. Ang tanging alam ko lang ay mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. He's too close and intense. My body can't seem to function well while he's holding me firmly. Ang mga tuhod ko ay nanghihina. Kaunti na lang ay mabubuwal na ako sa panghihina at takot..."I am here because my parents ordered me to apologize to you..." mariin ang naging boses ko at pagkatapos ay lakas loob siyang tinulak.Sa isang iglap ay nakawala ako sa kanya. Nag-init ang pakiramdam ko doon ah! Galit ko siyang tinitigan samantalang ngumisi ito na para bang basang basa niya ang mga galaw ko."As if you're really going to apologize, Aliyah." He said in a mocking way. "I am surprised to see you here though. You look good."My forehead creased. Is that a compliment or an insult? I pouted my lips and just looked away.That's okay, Aliyah. Ang mahalaga ay nagpunta ka dito kagaya na nga lang ng gustong mangyari ng m
ALIYAH'S POVHinatid ako ni Reid sa labas ng kanilang mansyon. Hapon na at nagpasya na akong umuwi dahil baka may gagawin pang ibang bagay ang lalaking ito.Agad kong nakita si Riley na nakatayo sa gilid ng aming kotse. Nilingon ko si Reid at tipid itong nginitian."I gotta go," sabi ko.Tumango ito at nagpamulsa. "Thanks for visiting.""I needed to.""Alam ko," he smiled playfully.I rolled my eyes. Naglakad ako palapit sa aming kotse habang ramdam ko naman ang pagsunod niya. Binuksan ni Riley ang passenger's seat para sa akin.I turned to face Reid once again. Hindi pa din nawawala ang mapaglarong ngiti sa labi niya. Kunot noo ko itong pinagmasdan."I hope you enjoyed your visit." aniya.Tumaas ang kilay ko. Enjoy? Tinulugan niya ako pagkatapos naming mag-lunch! Halos mamatay ako sa pagkabored sa kwarto niya. Nang magising siya, ito na ang sunod na nangyari. Hindi naman din ako nag-eexpect ng kung ano.I had to come here, as per my parent's request and that's all what I needed to do
ALIYAH'S POVDinala ako ni Reid sa isang lugar kung saan kita ang kalakihan ng syudad— ang mga naggagandahang city lights ay kita mula dito, ang mga nangniningning na bituin at ang bilog at maliwanag na buwan. Umiihip ang malamig na hangin na hinihipan ang aking buhok. I gathered the strands of my hair and tucked it behind my ear.Nilingon ko si Reid na lumabas sa kotse dala ang plastik na may lamang beer . Binuksan niya ang isa at binigay 'yon sa akin."Thanks," I said and stared at the city view once again. Ininuman ko ang bote ng beer. Nagdala iyon ng init sa lalamunan ko pababa sa aking tyan. Kahit papaano ay naibsan ang lamig na nararamdaman ko."Is something bothering you?"I shook my head and smiled bitterly. Wala namang bumabagabag sa akin. Sa tingin ko'y napagod lang talaga ako sa trabaho."I am just tired from the case we've handled today," I shrugged and sighed in defeat. I looked at Reid who's also staring at me. "Legal Stenographer lang ako pero hindi ko maiwasang maapekt
ALIYAH'S POVBanayad na hampas ng mga alon sa naglalakihang mga bato, sariwa't malamig na ihip ng hanging dala ang amoy tubig alat na halimuyak na halos yumayakap sa buo kong katawan, ang mga naglalakihang kulay berdeng burol at mga bahay na gawa sa purong mga brickstone. Mga naunang halimbawa na nagpamangha sa akin nang makarating ako rito sa Batanes.Nilingon ko ang agaw atensyong Tayid Lighthouse mula sa burol kung saan ako nakatayo. Purong puti ito na nadagdagan ng kulay pula sa bandang tuktok. Bumaling ako sa kulay asul na karagatan sa harapan ko. Pakiramdam ko ay dinuduyan ako sa pagiging komportable ko sa lugar na ito.I arrived here yesterday but I didn't have a chance to roam around because my heart was filled with sorrow. I cried endlessly in my hotel room as my issues in life finally made me breakdown.No one knows that I escaped and traveled all the way from Manila to Batanes. I made sure that no one will be able to find me. Masyadong masakit para sa akin ang mga nagiging
REID'S POV"Please, Reid. Mahal ko si Skylus... I can't lose him like this... Palayain mo na ako... S-sa kanya ako sasama..." umiiyak niyang pakiusap sa akin.Tang-ina. Para akong pinipiga nang paulit-ulit. Sa bawat luha niya, nadudurog ako. Sa bawat pagmamakaawa niyang palayain ko siya, halos mamatay ako. Bakit? Ano'ng wala sa akin na mayroon ang lalaking 'yon? Bakit ako ang dapat na iwan?Ano ba ang kulang sa akin?"You're so heartless, Cassandra..." tanging nasabi ko at binitiwan ang kamay niya.Hirap na hirap akong huminga. Parang sasabog ang puso ko sa pagkabigo. Ano'ng ginawa kong mali para masaktan ng ganito?Nagmahal lang naman ako ng sobra."I'm sorry... I'm so sorry, Reid..." I heard her saying it repeatedly.Tinalikuran ko ang babaeng naging mundo ko. Kung alam lang niya kung paano ako nabuhay sa pangarap na kasama siya. Kung paano ko inasam ang gumising sa bawat araw na siya ang kasama. Kung paano ko ipinangako sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko hanggang sa huli ko
ALIYAH'S POVTanghali na nang magising ako kinabukasan. I shifted my position and noticed that Reid isn't on my bed. Aga naman nagising no'n! I inhaled heavily as I remembered the passionate kisses we've shared last night. Ni hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko. What happened last night was very intimate...Reid is truly righteous and gentleman. Alam kong bilang isang lalaki ay may pangangailangan rin siya pero nagagawa niyang magtiis at maghintay. I even tried seducing him last night so we can proceed with the most exciting part, kaya lang ay mission failed naman ako dahil nagpipigil siya ng sarili.Sana ako rin marunong magpigil... Umiling na lamang ako at tinabunan ng unan ang mukha. Why... why do I feel so lustful?I got off from bed and noticed a note on my side table. Dinampot ko iyon dahil sulat kamay ni Reid ang naroon.Good afternoon, love. We'll do island hopping and attend a colleague's beach party on a private island afterwards. Pack your bag. I'll wait for you in the yach
ALIYAH'S POVNaging busy kaming lahat kinabukasan. Birthday ni lola Helga at maraming mga bisita ang dumating- karamihan ay ang mga matalik niyang kaibigan, mga dating katrabaho, kaklase pati ang mga malalapit niyang kakilala sa Tagbilaran at Panglao.Ang selebrasyon ay dinaos sa mansyon. Bawat sulok ay may mga bisita at masayang binabati si lola Helga. Mas lalo pa itong natuwa nang tumawag sila Mama at Papa para batiin siya."Happy birthday, lola!" I greeted her happily and then hugged her tight."Thank you, hija!" aniya sa masayang tono at hinalikan ako sa pisngi."Nasa kwarto niyo po ang mga regalo ko." Saad ko nang kumalas ako sa kanya. "I hope magustuhan niyo.""Naku, nag-abala ka pa! Sapat nang nandito kayo ni Reid, apo. Masayang masaya talaga ako ngayon!""Happy birthday po, lola Helga." Bati rin sa kanya ni Reid at hinalikan ito sa noo. Inabot nito ang isang bouquet ng pulang roses kay lola.Halos maantig ang puso ni lola Helga dahil sa mga bulaklak na 'yon. Inamoy pa niya ang
ALIYAH'S POVMataas na ang sikat ng araw nang makarating kami ni Reid sa Tagbilaran airport. Sinuot ko ang aviator at nilingon ang boyfriend kong busy sa paghila ng mga maleta namin."Are you okay?" I asked him as he seems very annoyed.Namumula ang kutis nito at may kaunting pawis dahil sa init. Sa likod ng aviator nito ay alam kong nakakunot na ang kanyang noo."Do you have to bring your whole closet? Parang wala ka ng balak bumalik ng Maynila." Iritado nitong wika.Awtomatiko naman akong napatingin sa dalawang naglalakihang maleta na dala ko. I mean dala niya... Kaya siguro iritable dahil siya ang naghihila ng lahat ng maleta namin. I pouted my lips, pinipigilan ang pilyang ngiti dahil baka mas lalo siyang mairita sa akin."I brought so many things for Lola Helga. I'm sorry, love!" wika ko sa malambing na tono. Inangat ko ang kamay ko para hawiin ang haplusin ang kanyang buhok. "Don't worry, parating naman na ang sundo natin. Huwag ka na sumimangot!"Umismid lamang ito at hinila na
ALIYAH'S POVMadalas ang naging paglabas namin ni Reid. Simula nang ibigay ng mga magulang ko ang blessing nila, ginamit namin 'yon bilang pagkakataon para mapunan ang mga pagkukulang namin sa isa't-isa. We only hoped to be a normal couple just like the others, kaya naman iyon ang ginawa namin ni Reid.Watching movies, star gazing, going on a date in a broad daylight, shopping, going to amusement park for fun, joy ride at night, dancing at the bar, staying at home and watching old animes... That became our thing. Hindi ako makapaniwala na ang mga simpleng bagay na katulad ng mga 'yon ay masarap palang gawin lalo na't si Reid ang kasama ko.I feel so complete. Having Reid and fighting for him was the best decision I've ever made. Kung hindi ko ginawa 'yon at hinayaan ang sarili kong kainin ng kalungkot dahil sa nakaraan namin, sa tingin ko'y hindi ako magiging masaya ng ganito.It was all worth it."Masaya ako na maayos na ang lahat sa relasyon niyo, Ali. Natapos na rin ang kalbaryo ni
ALIYAH'S POVParang panaginip. Iyon lamang ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na tinanggap na ng mga magulang ko ang relasyon namin ni Reid. Dahil ba 'yon sa mga nasabi ko kagabi? O dahil napagtanto nila na malinis talaga ang intension sa akin ni Reid?Kahit ano pa man ang dahilan, masasabi ko na nakahinga na ako ng maluwag. My heart doesn't feel the thorns anymore and I can breathe properly knowing my parents just gave us the blessing we need. It made me happy. They surely made me the happiest."Are you okay, Al?" mahinahong tanong sa akin ni Reid nang maiwan kami sa kanyang opisina.He explained that he went to a meeting with his secretary around seven in the morning reason why he wasn't able to call me, and I already forgave him for that knowing the nature of this business. Meetings at the most unexpected times can be done without my knowledge.Naupo ako sa couch na nasa harapan ng malawak niyang office table. I licked my lips and breathed out as I am still t
ALIYAH'S POVMatayog ang sikat ng araw nang unti-unti kong imulat ang mga mata ko. My eyes are too heavy that opening them feels difficult. Ramdam ko ang mga munting mga sinag ng araw sa mga ito kaya't umikot ako ng posisyon."Ouch..." I groaned as I felt the throbbing pain in my head. Kumurap-kurap pa ako at saka hinawakan ang ulo ko.What the hell, Aliyah? Umayos ako ng higa at tulalang tinignan ang kulay asul na kisame. In just a few seconds, the vivid scenes of what happened last night rewinded in my memory.Napangiwi ako nang maalala ang mga salitang binitiwan ko kay Papa. Hanggang ngayon ay para bang naririnig ko ang madidiin at galit niyang panghahamak kay Reid. Naalala ko rin ang mukha ng lalaking mahal ko. I inhaled sharply and feel bad. He didn't deserve all the insults from my father. He wasn't the one at fault when his intention was only to keep me safe.Bumuntong hininga ako at pilit na bumangon mula sa pagkakahiga. I bet my parents are fuming mad because of how I acted l
ALIYAH'S POVParang papanawan ako ng ulirat sa kasalukuyang nangyayari. Halos mawala rin ang pagkalasing ko. Kahit ramdam ang hilo't kagustuhang dumuwal, pinilit kong gisingin ang sarili ko.Sino ba namang hindi mahihismasmasan kung nasa gitna ka ng dalawang lalaking importante sa buhay mo? Nakaupo ako sa gitnang sofa samantalang nasa kaliwa ko naman si Reid, habang si Papa ay nasa kanan.Silence engulfed us. I couldn't even utter a single word because of the intense fear inside my chest. Kumakalabog ang puso ko. My father is obviously angry. Malamang ay dahil sa pagkikita namin ni Reid taliwas sa gusto niya.He made a rule that Reid and I can only meet once a month. That absurd rule, really. Alam ko naman... Ginawa niya iyon para kami mismo ang sumuko sa isa't-isa."Papa, it's getting late. Reid needs to—""I am very disappointed," matabang na saad ni Papa. Bumaling ang malalamig niyang mga mata sa akin at pagkatapos ay lumipat ang mga ito kay Reid.Suminghap ako, hindi makapaniwala
ALIYAH'S POVStrube lights and an earhammer music embraced my senses as we entered the bar. Nagulat ako nang itaas ni Sydney ang dalawa niyang kamay at nagsimulang sumayaw habang nakikisalo sa indak ng mga tao sa dancefloor. She looks very wild and carefree. Nagningning ang kanyang spaghetti strap na fitted dress na halos yakapin ng husto ang katawan niya. Dahil pinaghalong neon green at pink ang kulay ng kanyang suot at sa husay niya sa pagsayaw ay nakuha agad niya ang atensyon ng mga tao roon."Hindi pa 'yan lasing, ah..." naiiling kong wika kay Kaira.She glared at me and smiled, "Hayaan natin siya. She needs to loosen up a bit. She's really pressured because of Seiji."I nodded. Kung ang ibang babae ay pangarap na makasal, si Sydney naman ay hindi. Yes, she joked about wanting to have a baby but she's more obsessed with her dreams. Alam ko kung gaano katayog ang pangarap niyang maging kilalang pintor. Perhaps she's confused as to what should be her top priority— to settle down whi