ALIYAH'S POV
Nagpupuyos ang damdamin ko sa galit nang umuwi ako ng mansyon. Padabog kong sinarado ang pinto ng aking kwarto at doon nagsisigaw sa sobrang inis at galit.
That Reid Alvedo is a proven arrogant and bastard!
Nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang galit. Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay idineny ako, hindi ng magulang o kaibigan ko kung hindi ng fiancé ko sa harap pa ng ibang tao! Ayos lang naman sa akin kung ayaw niya makasal sa akin pero ang pagmukhain akong tanga ay hindi katanggap tanggap!
I had a good motive, I wanted to know him so bad and see if things between us will work out. I wanted to try and see how it will go if I get to know him. I just wanted to at least learn more things about him so I can decide if I'll proceed with this agreement or will abandon the promise I made to my parents.
Kaya lang sa ginawa niya sa akin kanina, parang umurong na ang lahat ng interes ko para kilalanin siya at sang-ayunan ang kasal na iyon!
Natural ang pagiging arogante sa mga mayayamang katulad niya. He has everything. Kaya niyang makuha ang lahat ng gusto niya sa isang pitik. Nga lang, hindi ko inaasahan na abot impyerno ang pagkasama ng ugali niya.
Hindi ko gustong mag-isip ng masama sa kapwa ko kaya lang ay paano ko namang mapipigilan ang sarili kung harap harapan niya akong binastos? Not even once! He did it to me twice already and I know he will do it again the next time we see each other!
Buo na talaga ang loob ko! Hindi ko na siya papakasalan! Iyon nga ang magandang gawin, Ali! Matulog ka na lang kaysa isipin ang lalaking iyon!
Nga lang, nagising ako kinagabihan dahil sa paghihisterya ni Mama.
"Aliyah! Aliyah, wake up!"
"Mama?"
Napilitin akong idilat ang mga mata ko dahil sa pagkakayugyog sa akin ni Mama. Pansin ko ang suot niyang formal attire. Mukhang kakauwi niya lang galing sa trabaho. What time is it? Napatingin ako sa wall clock at nakitang alas siete na ng gabi.
"Oh, my goodness, sweety! Ano'ng ginawa mo? Bakit nandito si Reid?! He's waiting for you! What did you do?!" ani Mama sa nababaliw na boses.
Tila nilayasan ako ng antok sa narinig. Bumalikwas ako ng bangon at laglag pangang tinignan ang aking inang naghihisterya na.
"Wh-what did you say, Mama? S-sinong nandito?"
"Reid Alvedo is here, hija! Ano'ng ginawa mo? He told us something happened earlier between the two of you? What did you do?!"
Ngayon ay nang-aakusa ang mga titig sa akin ni Mama. Sumimangot ako. Wala nga akong ginagawa sa matandang iyon! Siya nga ang umaway sa akin!
"Ma, wala akong ginawa sa kanya!"
Nasapo ni Mama ang kanyang noo.
"Mama, I didn't do anything wrong! Siya nga itong may kasalanan sa akin!" giit ko pa.
"My goodness, Aliyah! Magbihis ka at harapin mo ang fiancé mo sa baba!"
Napairap ako nang iwan ako ni Mama sa kwarto ko. Bakit siya nandito? Ano'ng kailangan niya sa akin? Bumisita ba siya para sabihin sa pamilya ko na hindi niya ako papakasalan? Pwes, sige!
Akala niya siguro ay uurungan ko siya, ah! Hindi na ako nag-abalang magbihis ng maayos na damit. I put my hair in a bun and washed my face. Hinayaan ko na ang suot kong itim na racer back at faded shorts. Lumabas ako ng kwarto at huminga ng malalim.
Pababa palang ako sa spiral na hagdan ay rinig ko na ang pag-uusap ni Papa at ni Reid. Si Mama naman ay sumasali din sa kanila. Naabutan ko sila sa may tanggapan namin ng bisita sa malawak na sala.
Nasa huling baitang na ako ng hagdan nang bumaling ang mga mata sa akin ni Reid. Ang mga matang kanina ay nakaangil sa akin ay ngayo'y blangko na ang emosyon. Hindi galit pero hindi rin naman masaya. Tumayo ito dahil sa presensya ko.
My mother groaned a bit when she saw me wearing something informal in front of my visitor. Hinayaan ko iyon at simangot na tinapunan ng tingin si Reid.
Hindi ako lumapit sa kanila. I was standing at the edge of our stairs. Ni hindi ko kayang lumapit kay Reid dahil sumasama pa din ang loob ko.
"What are you doing here?" I asked him lazily. Kunwari'y hindi interesado na makita siya at nagpipigil ng pagtataray.
He licked his lowerlip. Saglit itong tumingan kay Papa at pagkatapos ay bumaling muli sa akin.
"Aliyah Venice..." bulong ni Mama, wari'y pinagbabantaan ako.
"I just want to check on you, Aliyah." ani Reid sa marahan na tono.
Hmmn, nasaan na ang aroganteng Reid Alvedo? Kumunot ang noo ko dahil hindi ko inaasahan ang pagiging maayos ng pananalita niya sa akin.
"I-I'm fine, as you can see."
"I also want to apologize," he said softly. "I didn't mean to be that insensitive earlier."
Hindi ko inaasahan iyon. Napakurap ako at pinroseso ang mga sinasabi niya.
He just apologized to me. This isn't a dream, right? Ano'ng nakain nitong lalaking ito? Bakit bigla siyang bumait?
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Papa, dahilan para makuha niya ang aking atensyon. Si Mama naman ay panay ang nguso sa akin at gusto yatang may sabihin ako kay Reid na kahit ano.
"A-anong kailangan mo sa akin ngayon?" tanong ko, naguguluhan sa nangyayari.
"Can we talk?"
Mabilis akong umiling. Dismayado niya akong tinitigan.
"Aliyah," si Papa.
"Don't be so rude, hija!" ani Mama sa muli'y nababaliw na tono. Lumapit ito sa akin at hinila ako palapit sa kung nasaan sila.
I pouted my lips. Alam kong nakatingin si Reid sa akin pero pinili kong yumuko. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang mangyari.
Okay na sa akin na nagsorry siya. Kaya ko siyang patawarin sa ginawa niya kanina. Kaya lang bakit gusto niya pa kaming mag-usap? Hindi ba dapat ay hinahayag na niya ngayon sa pamilya ko na hindi niya ako papakasalan?
"Pwede ko po ba makausap si Aliyah nang kami lang pong dalawa?"
Parehong tumikhim ang mga magulang ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Blangko pa din ang emosyon sa mga mata niya. Sa huli ay pumayag ang mga magulang ko na iwan kami dito sa sala. Sinundan ko sila ng tingin habang papasok ng office ni Papa.
Nang magsara ang pinto ng office ay bumaling ako kay Reid.
"What do you need?" kunot noo kong tanong sa kanya.
He smiled a bit. Nagpamulsa ito at lumapit sa akin.
"Galit ka pa din."
"Pake mo!"
Tinalikuran ko ito at humalukipkip.
Naku, Aliyah. Kaunting pasensya! Nandito ang mga magulang mo. You won't like what might happen next if they hear you yelling at this guy.
I heard him chuckle. Ano'ng nakakatawa? Kanina lang para siyang maamong tupa sa harap ni Mama't Papa, ah! Hindi makabasag pinggan!
"I'll make my employees aware that I have a fiancée," aniya sa marahan na boses.
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Talaga bang gagawin niya iyon? Teka, hindi siya aatras?!
Nilingon ko siya. He's looking at me with his amused eyes. Suminghap ako.
"Akala ko ay nandito ka dahil hindi mo na itutuloy ang gustong mangyari ng mga parents natin..." halos manliit ang boses ko.
Umangat ang dulo ng kanyang labi. Tila aliw na aliw siya habang tinititigan ako. Ngayon, nakikita ko na ang pagiging arogante ng mga mata niya.
"Sabi mo ay gusto mo akong makasama mag-lunch. I can make time for you, tomorrow."
"Huh?"
He shook his head while smiling, "Wala pa akong balak umatras sa gustong mangyari ng mga pamilya natin, kung iyon ang iniisip mo."
"B-bakit naman?"
"Makakatulong ang kumpanya niyo sa amin..." simple niyang sagot sa akin.
Napaisip ako. Sa isang tanyag na kumpanya na nagmamay-ari ng ilang daang hotel at restaurant, talagang kakailanganin nila ng kumpanyang nagpoproduce ng mga suavéng furnitures. Nga lang, sa dami ng woodwork companies ay bakit kami ang napili ng pamilya nila? Kahit na ba gusto ng Mama't Papa ko na maging kasosyo sa negosyo ang mga Alvedo, dahil mas angat sila ay may kakayahan silang pumili.
Baka talagang malapit ang mga magulang namin sa isa't-isa?
Kung ganoon ay hahabulin ako ni Reid dahil kailangan niya ang kumpanya namin? Wow, malaking kalokohan.
"Oo nga. Nakalimutan ko na pawang dahil sa negosyo ang lahat," tanging nasabi ko.
Tumango ito, "This is how we work for business, Aliyah Venice."
"Okay..."
He's right. And since I am the daughter of Pascual and Luz Monterde, I am obliged to help my parents achieve their goals. Alam mo na ito, noon pa man, Aliyah. This kind of set up has been introduced to you even before you didn't have any idea about it. Simula noong bata pa. Naging mas detalyado na nga lang ng magkaisip ka na.
"Galit ka pa din?"
Umiling ako, "Hindi na."
"Then I am waiting for your apology," marahan ang kanyang boses ngunit may diin sa huling salita.
I scowled at him. Hindi ako makapaniwala! Bakit ako hihingi ng tawad sa kanya? Naningkit ang mga mata niya. Naging buhay ang nakakainis niyang ngiti. Tila hinahamak na naman ako!
"Am I a fucking loser for you?"
I frowned. I suddenly felt ill... Aminado ako sa mga masasakit na sinabi ko dahil siya naman ang nauna! Kaya bakit ako hihingi ng tawad?
"You also slapped me."
Dapat lang iyon! Ikaw nga, dineny mo ako!
"Na dapat lang na iniiwan ako?"
Nahimigan ko ang pait sa huli niyang sinabi. I bit my lowerlip. Dalawang hakbang ang ginawa niya palapit sa akin. Para akong naestatwa dahil gustuhin ko mang umatras ay hindi ko magawa.
Pakirandam ko ay nasa panganib ako. Kung kanina ay magaan lang ang presensya niya, ngayon naman ay mabigat ito't naninindak. Nagsimulang kumalabog ang puso ko.
Magsosorry na ba ako?
Pero siya naman ang nauna!
"I didn't expect your guts because you're too young," halos ibulong niya iyon sa akin. "Iyon ang unang beses na sinampal ako."
Nagulat ako sa sinabi niya. Kung ganoon ay hindi pa siya nasasampal kahit kailan? Kahit ni Cassandra Lim? Umawang ang labi ko, magsasalita sana ngunit hindi ko naman alam ang sasabihin.
"You remind me of someone..." aniya sa matabang na tono.
Huminga ako ng malalim. Lakas loob ko siyang tinitigan. Ang mga madilim niyang mata ay nangungusap, nagbabanta. Para bang may kakalagyan ako kung uulitin ko ang ginawa ko sa kanya kanina.
"Ikaw ang nauna, Reid. Hindi ako hihingi ng tawad. Kung maayos mo akong hinarap, hindi tayo hahantong sa ganon..."
His jaw clenched. Halata ang pagtitimpi sa kanyang mukha. I stepped back, trying to save myself from the intensity of his dark aura. He smirked and shook his head once again.
Nilabas niya ang kanyang wallet at may kinuha doon. Lumapit siya sa akin ulit na halos ikataranta ng puso ko. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang itim na maliit na card.
"I owe you a lunch," wika niya sa malumanay na tono. "Kung hindi ka na galit, pwede mo akong tawagan. You can also visit my office. I'll make sure they are aware that you are my fiancée so you won't be embarrassed again." He chuckled, "I'll keep reminding myself that I have a young fiancée too. Hindi ko na kakalimutan, Aliyah..."
My jaw literally dropped on the floor. Halos napatid ang paghinga ko nang higitin niya ako at halikan sa pisngi.
"I have to go. I hope you have a good night," he said coolly.
Natulala ako. Isang ngiti pa ang binigay niya sa akin bago ako bitiwan. Hanggang sa makaalis siya ay tulala pa din ako, hindi makabawi sa mga sinabi't ginawa niya.
Clueless and feeling dumb, I whispered a cuss.
"Shit head, Reid Alvedo..."
ALIYAH'S POV Panay ang tingin ko sa calling card na binigay sa 'kin ni Reid kagabi. Ilang beses ko ding inirapan 'yon, pilit tinatago ang interes na tawagan siya at yayaing mag-lunch. If I call him now, that would only show that I am just one of the girls who can't resist him. Baka isipin pa ng walang hiyang iyon na mabilis lumipas ang galit ko. Well, lipas na talaga ang galit ko. The fact that he visited me here last night and apologized to me, that's an enough reason for me to forgive him. I just didn't like it when he speaks with full of arrogance. I sighed heavily. Hinawakan ko ang sintido ko at bahagyang hinilot 'yon. I am just twenty-two, but this fixed marriage and my soon-to-be husband are both giving me headaches! Ni wala pa ngang detalye na binibigay sa akin ang mga magulang ko. Kung kailan ang official announcement ng engagement. Kung kailan ang kasal. Kung tuloy ba ang kasal na 'yon, o umatras na ba si Reid dahil nakapagtanto niyang hindi kami bagay? I cringed at my l
ALIYAH'S POV Hindi ako matahan nang lumabas kami ng police station. Pakirandam ko ay binagsakan ako ng malas ngayong araw na 'to. Natatakot din ako na baka malaman ng mga magulang ko ang nangyari. They will definitely punish me for this mess. "You're still crying," anang boses sa likod ko. Hindi ko siya nilingon. I don't even have the guts to face him right now. I just want to evacuate to Mars and kill myself there. Bumaba ako ng hagdan at patuloy ang pag-iyak. Randam ko ang pagkabasa ng panyo ko dahil sa walang katapusang pagluha. Narandaman ko ang pagsunod sa akin ni Reid. Mabuti na lang at nandyan siya para makipag-areglo sa naperwisyo ko. Baka tuluyan na akong hinuli ng mga pulis kung hindi siya dumating at hinayaan akong damputin na lang sa highway na 'yon. "Mag-ingat ka na sa susunod. Hindi ka na menor de edad. Reckless driving is punishable by law. That's a minimum of one year imprisonment, Aliyah." Reid added using his ruthless and cold tone. Tumigil ako sa paglalakad. K
ALIYAH'S POV"This is such a disgrace to our family, Aliyah! How did you become so reckless? Mabuti na lang at nariyan si Reid para tulungan ka! Ano na lang ang sasabihin ng pamilya nila? I can't believe you just caused an accident!" galit na galit na sabi ni Papa.Kinagat ko ang labi ko habang nakayuko. Pakiramdam ko ay kakainin ako ng kaba sa dibdib ko dahil sa galit ng mga magulang ko. Nalaman nila ang nangyari kaninang tanghali.Reid is just simply an asshole. He can't shut his mouth at all! Talagang sinabi niya sa mga magulang ko ang nangyari. I understand that he wanted to be honest with my parents but at least he should've let me handled them instead."I'm really sorry, Papa..." tanging nasabi ko.I don't have the right to defend myself because I admit that it was clearly my fault. I've never been into such a big mess like this. Ito ang una. Pinapangako ko sa sarili ko na ito na din ang huli.Why did I end up having that car accident, anyway? It was all because I let Reid Alved
ALIYAH'S POVHindi ko alam kung paano ko natagalan ang nakakailang na paninitig sa akin ni Reid. Ang tanging alam ko lang ay mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. He's too close and intense. My body can't seem to function well while he's holding me firmly. Ang mga tuhod ko ay nanghihina. Kaunti na lang ay mabubuwal na ako sa panghihina at takot..."I am here because my parents ordered me to apologize to you..." mariin ang naging boses ko at pagkatapos ay lakas loob siyang tinulak.Sa isang iglap ay nakawala ako sa kanya. Nag-init ang pakiramdam ko doon ah! Galit ko siyang tinitigan samantalang ngumisi ito na para bang basang basa niya ang mga galaw ko."As if you're really going to apologize, Aliyah." He said in a mocking way. "I am surprised to see you here though. You look good."My forehead creased. Is that a compliment or an insult? I pouted my lips and just looked away.That's okay, Aliyah. Ang mahalaga ay nagpunta ka dito kagaya na nga lang ng gustong mangyari ng m
ALIYAH'S POVHinatid ako ni Reid sa labas ng kanilang mansyon. Hapon na at nagpasya na akong umuwi dahil baka may gagawin pang ibang bagay ang lalaking ito.Agad kong nakita si Riley na nakatayo sa gilid ng aming kotse. Nilingon ko si Reid at tipid itong nginitian."I gotta go," sabi ko.Tumango ito at nagpamulsa. "Thanks for visiting.""I needed to.""Alam ko," he smiled playfully.I rolled my eyes. Naglakad ako palapit sa aming kotse habang ramdam ko naman ang pagsunod niya. Binuksan ni Riley ang passenger's seat para sa akin.I turned to face Reid once again. Hindi pa din nawawala ang mapaglarong ngiti sa labi niya. Kunot noo ko itong pinagmasdan."I hope you enjoyed your visit." aniya.Tumaas ang kilay ko. Enjoy? Tinulugan niya ako pagkatapos naming mag-lunch! Halos mamatay ako sa pagkabored sa kwarto niya. Nang magising siya, ito na ang sunod na nangyari. Hindi naman din ako nag-eexpect ng kung ano.I had to come here, as per my parent's request and that's all what I needed to do
ALIYAH'S POVDinala ako ni Reid sa isang lugar kung saan kita ang kalakihan ng syudad— ang mga naggagandahang city lights ay kita mula dito, ang mga nangniningning na bituin at ang bilog at maliwanag na buwan. Umiihip ang malamig na hangin na hinihipan ang aking buhok. I gathered the strands of my hair and tucked it behind my ear.Nilingon ko si Reid na lumabas sa kotse dala ang plastik na may lamang beer . Binuksan niya ang isa at binigay 'yon sa akin."Thanks," I said and stared at the city view once again. Ininuman ko ang bote ng beer. Nagdala iyon ng init sa lalamunan ko pababa sa aking tyan. Kahit papaano ay naibsan ang lamig na nararamdaman ko."Is something bothering you?"I shook my head and smiled bitterly. Wala namang bumabagabag sa akin. Sa tingin ko'y napagod lang talaga ako sa trabaho."I am just tired from the case we've handled today," I shrugged and sighed in defeat. I looked at Reid who's also staring at me. "Legal Stenographer lang ako pero hindi ko maiwasang maapekt
ALIYAH'S POVBanayad na hampas ng mga alon sa naglalakihang mga bato, sariwa't malamig na ihip ng hanging dala ang amoy tubig alat na halimuyak na halos yumayakap sa buo kong katawan, ang mga naglalakihang kulay berdeng burol at mga bahay na gawa sa purong mga brickstone. Mga naunang halimbawa na nagpamangha sa akin nang makarating ako rito sa Batanes.Nilingon ko ang agaw atensyong Tayid Lighthouse mula sa burol kung saan ako nakatayo. Purong puti ito na nadagdagan ng kulay pula sa bandang tuktok. Bumaling ako sa kulay asul na karagatan sa harapan ko. Pakiramdam ko ay dinuduyan ako sa pagiging komportable ko sa lugar na ito.I arrived here yesterday but I didn't have a chance to roam around because my heart was filled with sorrow. I cried endlessly in my hotel room as my issues in life finally made me breakdown.No one knows that I escaped and traveled all the way from Manila to Batanes. I made sure that no one will be able to find me. Masyadong masakit para sa akin ang mga nagiging
ALIYAH'S POVSa sumunod na araw ay excited akong gumising. Mabilis akong naligo at nagbihis ng isang itim na wrap dress at itim na sandals. Dahil wala naman akong gagawin ngayong araw dito sa hotel ay napagkasunduan namin ni Bea na tutulong ako sa paggawa ng mga paso.Kumain muna ako ng breakfast sa buffet diner ng hotel at pagkatapos ay umalis na roon.Mabuti na lang at kaya namang lakarin ang village nila Bea mula sa hotel na tinutuluyan ko. Hindi gaanong maaraw ang umaga pero kahit ganoon ay nagsuot pa din ako ng puting hat."Good morning!" pagbati ko kay Bea nang makarating ako sa tindahan nila.Busy na ito sa pag-aayos ng mga paso samantalang ang Mama naman niya ay may inaasikasong mga customers."Magandang umaga po!" bati ko sa Mama ni Bea.Natutuwa itong lumapit sa akin nang makaalis ang customers niya at binati din ako."Naku, hija! Sigurado ka bang kaya mong maghulma ng clay? Ang ganda ng mga kamay mo! Madudumihan ka!" anang Mama ni Bea."Ma, marunong na 'yan si ate Ali!""Oo
REID'S POV"Please, Reid. Mahal ko si Skylus... I can't lose him like this... Palayain mo na ako... S-sa kanya ako sasama..." umiiyak niyang pakiusap sa akin.Tang-ina. Para akong pinipiga nang paulit-ulit. Sa bawat luha niya, nadudurog ako. Sa bawat pagmamakaawa niyang palayain ko siya, halos mamatay ako. Bakit? Ano'ng wala sa akin na mayroon ang lalaking 'yon? Bakit ako ang dapat na iwan?Ano ba ang kulang sa akin?"You're so heartless, Cassandra..." tanging nasabi ko at binitiwan ang kamay niya.Hirap na hirap akong huminga. Parang sasabog ang puso ko sa pagkabigo. Ano'ng ginawa kong mali para masaktan ng ganito?Nagmahal lang naman ako ng sobra."I'm sorry... I'm so sorry, Reid..." I heard her saying it repeatedly.Tinalikuran ko ang babaeng naging mundo ko. Kung alam lang niya kung paano ako nabuhay sa pangarap na kasama siya. Kung paano ko inasam ang gumising sa bawat araw na siya ang kasama. Kung paano ko ipinangako sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko hanggang sa huli ko
ALIYAH'S POVTanghali na nang magising ako kinabukasan. I shifted my position and noticed that Reid isn't on my bed. Aga naman nagising no'n! I inhaled heavily as I remembered the passionate kisses we've shared last night. Ni hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko. What happened last night was very intimate...Reid is truly righteous and gentleman. Alam kong bilang isang lalaki ay may pangangailangan rin siya pero nagagawa niyang magtiis at maghintay. I even tried seducing him last night so we can proceed with the most exciting part, kaya lang ay mission failed naman ako dahil nagpipigil siya ng sarili.Sana ako rin marunong magpigil... Umiling na lamang ako at tinabunan ng unan ang mukha. Why... why do I feel so lustful?I got off from bed and noticed a note on my side table. Dinampot ko iyon dahil sulat kamay ni Reid ang naroon.Good afternoon, love. We'll do island hopping and attend a colleague's beach party on a private island afterwards. Pack your bag. I'll wait for you in the yach
ALIYAH'S POVNaging busy kaming lahat kinabukasan. Birthday ni lola Helga at maraming mga bisita ang dumating- karamihan ay ang mga matalik niyang kaibigan, mga dating katrabaho, kaklase pati ang mga malalapit niyang kakilala sa Tagbilaran at Panglao.Ang selebrasyon ay dinaos sa mansyon. Bawat sulok ay may mga bisita at masayang binabati si lola Helga. Mas lalo pa itong natuwa nang tumawag sila Mama at Papa para batiin siya."Happy birthday, lola!" I greeted her happily and then hugged her tight."Thank you, hija!" aniya sa masayang tono at hinalikan ako sa pisngi."Nasa kwarto niyo po ang mga regalo ko." Saad ko nang kumalas ako sa kanya. "I hope magustuhan niyo.""Naku, nag-abala ka pa! Sapat nang nandito kayo ni Reid, apo. Masayang masaya talaga ako ngayon!""Happy birthday po, lola Helga." Bati rin sa kanya ni Reid at hinalikan ito sa noo. Inabot nito ang isang bouquet ng pulang roses kay lola.Halos maantig ang puso ni lola Helga dahil sa mga bulaklak na 'yon. Inamoy pa niya ang
ALIYAH'S POVMataas na ang sikat ng araw nang makarating kami ni Reid sa Tagbilaran airport. Sinuot ko ang aviator at nilingon ang boyfriend kong busy sa paghila ng mga maleta namin."Are you okay?" I asked him as he seems very annoyed.Namumula ang kutis nito at may kaunting pawis dahil sa init. Sa likod ng aviator nito ay alam kong nakakunot na ang kanyang noo."Do you have to bring your whole closet? Parang wala ka ng balak bumalik ng Maynila." Iritado nitong wika.Awtomatiko naman akong napatingin sa dalawang naglalakihang maleta na dala ko. I mean dala niya... Kaya siguro iritable dahil siya ang naghihila ng lahat ng maleta namin. I pouted my lips, pinipigilan ang pilyang ngiti dahil baka mas lalo siyang mairita sa akin."I brought so many things for Lola Helga. I'm sorry, love!" wika ko sa malambing na tono. Inangat ko ang kamay ko para hawiin ang haplusin ang kanyang buhok. "Don't worry, parating naman na ang sundo natin. Huwag ka na sumimangot!"Umismid lamang ito at hinila na
ALIYAH'S POVMadalas ang naging paglabas namin ni Reid. Simula nang ibigay ng mga magulang ko ang blessing nila, ginamit namin 'yon bilang pagkakataon para mapunan ang mga pagkukulang namin sa isa't-isa. We only hoped to be a normal couple just like the others, kaya naman iyon ang ginawa namin ni Reid.Watching movies, star gazing, going on a date in a broad daylight, shopping, going to amusement park for fun, joy ride at night, dancing at the bar, staying at home and watching old animes... That became our thing. Hindi ako makapaniwala na ang mga simpleng bagay na katulad ng mga 'yon ay masarap palang gawin lalo na't si Reid ang kasama ko.I feel so complete. Having Reid and fighting for him was the best decision I've ever made. Kung hindi ko ginawa 'yon at hinayaan ang sarili kong kainin ng kalungkot dahil sa nakaraan namin, sa tingin ko'y hindi ako magiging masaya ng ganito.It was all worth it."Masaya ako na maayos na ang lahat sa relasyon niyo, Ali. Natapos na rin ang kalbaryo ni
ALIYAH'S POVParang panaginip. Iyon lamang ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na tinanggap na ng mga magulang ko ang relasyon namin ni Reid. Dahil ba 'yon sa mga nasabi ko kagabi? O dahil napagtanto nila na malinis talaga ang intension sa akin ni Reid?Kahit ano pa man ang dahilan, masasabi ko na nakahinga na ako ng maluwag. My heart doesn't feel the thorns anymore and I can breathe properly knowing my parents just gave us the blessing we need. It made me happy. They surely made me the happiest."Are you okay, Al?" mahinahong tanong sa akin ni Reid nang maiwan kami sa kanyang opisina.He explained that he went to a meeting with his secretary around seven in the morning reason why he wasn't able to call me, and I already forgave him for that knowing the nature of this business. Meetings at the most unexpected times can be done without my knowledge.Naupo ako sa couch na nasa harapan ng malawak niyang office table. I licked my lips and breathed out as I am still t
ALIYAH'S POVMatayog ang sikat ng araw nang unti-unti kong imulat ang mga mata ko. My eyes are too heavy that opening them feels difficult. Ramdam ko ang mga munting mga sinag ng araw sa mga ito kaya't umikot ako ng posisyon."Ouch..." I groaned as I felt the throbbing pain in my head. Kumurap-kurap pa ako at saka hinawakan ang ulo ko.What the hell, Aliyah? Umayos ako ng higa at tulalang tinignan ang kulay asul na kisame. In just a few seconds, the vivid scenes of what happened last night rewinded in my memory.Napangiwi ako nang maalala ang mga salitang binitiwan ko kay Papa. Hanggang ngayon ay para bang naririnig ko ang madidiin at galit niyang panghahamak kay Reid. Naalala ko rin ang mukha ng lalaking mahal ko. I inhaled sharply and feel bad. He didn't deserve all the insults from my father. He wasn't the one at fault when his intention was only to keep me safe.Bumuntong hininga ako at pilit na bumangon mula sa pagkakahiga. I bet my parents are fuming mad because of how I acted l
ALIYAH'S POVParang papanawan ako ng ulirat sa kasalukuyang nangyayari. Halos mawala rin ang pagkalasing ko. Kahit ramdam ang hilo't kagustuhang dumuwal, pinilit kong gisingin ang sarili ko.Sino ba namang hindi mahihismasmasan kung nasa gitna ka ng dalawang lalaking importante sa buhay mo? Nakaupo ako sa gitnang sofa samantalang nasa kaliwa ko naman si Reid, habang si Papa ay nasa kanan.Silence engulfed us. I couldn't even utter a single word because of the intense fear inside my chest. Kumakalabog ang puso ko. My father is obviously angry. Malamang ay dahil sa pagkikita namin ni Reid taliwas sa gusto niya.He made a rule that Reid and I can only meet once a month. That absurd rule, really. Alam ko naman... Ginawa niya iyon para kami mismo ang sumuko sa isa't-isa."Papa, it's getting late. Reid needs to—""I am very disappointed," matabang na saad ni Papa. Bumaling ang malalamig niyang mga mata sa akin at pagkatapos ay lumipat ang mga ito kay Reid.Suminghap ako, hindi makapaniwala
ALIYAH'S POVStrube lights and an earhammer music embraced my senses as we entered the bar. Nagulat ako nang itaas ni Sydney ang dalawa niyang kamay at nagsimulang sumayaw habang nakikisalo sa indak ng mga tao sa dancefloor. She looks very wild and carefree. Nagningning ang kanyang spaghetti strap na fitted dress na halos yakapin ng husto ang katawan niya. Dahil pinaghalong neon green at pink ang kulay ng kanyang suot at sa husay niya sa pagsayaw ay nakuha agad niya ang atensyon ng mga tao roon."Hindi pa 'yan lasing, ah..." naiiling kong wika kay Kaira.She glared at me and smiled, "Hayaan natin siya. She needs to loosen up a bit. She's really pressured because of Seiji."I nodded. Kung ang ibang babae ay pangarap na makasal, si Sydney naman ay hindi. Yes, she joked about wanting to have a baby but she's more obsessed with her dreams. Alam ko kung gaano katayog ang pangarap niyang maging kilalang pintor. Perhaps she's confused as to what should be her top priority— to settle down whi