Malapit na sina Arwena at Archie sa Denovan Hotel, pero hindi pa rin tumigil si Arwena na talakan ng talakan ang kaibigang si Archie. Talagang naiinis siya sa kaibigan niyang hindi nag-iisip. Ang dami na niyang problemang kinakaharap, dumagdag pa ang ginawa nito. “Sorry na nga, Wena. Nawala lang talaga isip ko na maari palang magkita ang mag-ama sa hotel. Si mommy kasi ang laman ng utak ko. Gusto ko lang naman na mapasaya si mommy, at nangyari na nga ‘yon, Wena. Ang saya niya nang malaman niya na may Anak na palang napaka-cute ang panganay niyang halimaw," paliwanag ni Archie kay Arwena na gusto na yata siyang sapakin. Kanina pa kasi kuyom ang kamao nito. At alam ni Archie na nanggigigil ito sa kanya. Kung hindi nga lang siguro siya nagda-drive ngayon ay siguradong matinding sabunot at mga hampas na ang napala niya. “Naintindihan mo naman ang nararamdaman ni Mommy, hindi ba, Wena? Kasi isa ka ring ina. Alam mo kung gaano kasakit sa pakiramdam na hindi ka tanggap at hindi ka nirer
Napatitig na lang si Mr. Tan sa bata na ang lakas ng loob na sitahin siya dahil sa maling pakikitungo nito sa nanay niya na minsan ay hindi pinaramdam sa kanya ang pagmamahal ng isang ina, at ngayon ay ang lakas ng loob na magpakita sa territory niya. Galit na galit siya kanina nang makita ito na parang ang saya pa habang kumakain kasama ang bata, at kaya siya lumapit sa mga ito ay para paalisin sila—ang itaboy sila palabas sa hotel niya. Pero dahil sa batang nakatitig na rin sa kanya ay hindi na niya magawa na magsalita pa. Hindi niya alam kung bakit, pero natutuwa siya sa bata. Bata pa lang kasi ito, pero marunong nang ipagtanggol ang Lola nito laban sa kanya. Kinakapa-kapa rin nito ang baba niya na katulad ng ginagawa niya ngayon. Parang ginagaya ang mga galaw niya. Si Mr. Tan naman ay sinundan ng tingin ang bawat galaw ni Nathan, na ngayon nga ay kinakalabit na ang Lola niya at bumulong pa. Hindi tuloy mapigil ni Mr. Tan ang mapakunot-noo. Bakit kailangan pa nitong bumulong,
“What makes you think, na nahihirapan ako na magsabi ng totoo, Mr. Tan?" Mapaklang tumawa si Arwena. Tumigil na rin siya sa pagtulak kay Mr. Tan. Wala din naman kasing silbi ang ginagawa niya. Ang lakas nga kasi nito na parang mabangis na hayop na nakatingin sa kanya habang nasa pagitan siya ng mga braso nito. Kaya heto, nilakasan na lang niya ang loob na harapin ito, kahit ang mga paa niya ay parang bibigay na. “Ano ba talaga ang issue mo, Mr. Tan? Bakit ka ba galit ha? Ano naman sa’yo kung hindi ko sinabi na may anak ta—kami ni Archie?” Dahil sa tension, muntik pang madulas si Arwena sa sinasabi nito. Mabuti na lang at nakabawi siya. Mabuti na lang at parang walang naririnig si Mr. Tan dahil mula kanina, puro titig lang ang ginagawa nito sa kanya. “Porket ba magkaibigan tayo, obligasyon ko na sabihin sa’yo kung ano ang mga nangyayari sa buhay ko? Pati ba mga personal na bagay ay kailangan ko pa na e-kwento sa’yo?” madiin na tanong ni Arwena na sinabayan niya pa ng matalim na t
“Tara na nga, Archie. Tantanan mo na ang kapatid mo sa katitingin. Baka malusaw ‘yan," sabi ni Arwena sabay hila kay Archie na hindi pa rin tinigilan si Mr. Tan ng tingin. Kilala niya kasi ang mga kasama nito. Ang mag-asawang Muzenda, na siya ring ka meeting ng Mommy niya, kaya sila narito ngayon. “Archie, ihatid mo na sila Arwena at Nathan, balikan mo na lang ako mamaya," sabi ni Lucia na ngayon ay nakatingin na rin sa table ng mag-asawang Muzenda at Mr. Tan. “Are you sure, Mom? Pwede pa naman kaming mag-stay, at saka, hindi naman siguro kayo magtatagal sa meeting n’yo," sagot naman ni Archie. Ayaw nga niya kasing iwanan ang Mommy niya rito sa hotel na kasama ang kapatid. At saka, hindi alam ni Mr. Tan na kasama ang Mommy niya sa meeting nila ng mag-asawang Muzenda. Natatakot siya na baka, sumpungin na naman ito ng pagka-halimaw kapag may hindi nagustuhan sa meeting nila. "Archie, alam ko na nag-aalala ka na maiwan ako rito habang kasama ang kapatid mo, but I’ll be fine. I’m
“Archie, umayos ka nga!" sita ni Lucia kay Archie. Hinila pa niya ito palayo kay Arwena. “Alam mo namang maraming tao. Ang harot-harot mo!” Napakamot na naman sa ulo si Archie. Nawala nga kasi sa isip niya na nasa coffee shop sila at may mga customer na nakakakita sa kanila. “Nilalambing ko lang naman si Wena, Mom. Wala po kaming ginagawang masama," depensa ni Archie, pero ang tingin ay na sa mga staff nila na puro nakangiti habang nakatingin din sa kanya. Si Arwena naman, hindi mapigil ang sarili na mapatingin kay Mr. Tan na ngayon ay hawak na ang kamay ni Nathan. Akala nga kasi niya ay hindi na ito magpapakita. Iiwas na ito sa kanya sa kanya ng tuluyan matapos ang usapan nila kanina. “Kita mo ang tingin nila? Lahat na sa’yo!" pabulong na sikmat pa rin ni Lucia. “Mommy naman…mamaya mo na ako sermonan?” Na kay Tandre na rin ang tingin ni Archie. “Anong pumasok sa utak ng isang ‘yan at hinatid ka? Lumambot na ba ang puso ng halimaw?" Nguso ni Archie si Mr. Tan na ngayon ay h
“Praning ka pala talaga, Tandre. Sa sobrang ka praningan mo, kung ano-ano na ang pumasok sa utak mo!” Pahapyaw na tumawa si Archie. Hindi na kasi sumagot si Mr. Tan. “Does rejection hit you hard, kaya ka nagkaganyan?” dagdag pa nito. Mabuti na lang at matapos ang sandaling pagkabigla ni Archie ay nakabawi rin siya. Hindi man tuluyang nawala ang pagdududa ni Mr. Tan, at least may nasabi pa rin siya na nagpatahimik dito. Natiim naman ni Mr. Tan ang mga labi. Hindi siya makapaniwala na pati pala ang usapan nila Arwena ay alam din ni Archie. Naisip niya, mahal nga yata talaga nila ang isa’t-isa, kaya lahat ng mga pangyayari sa buhay ni Arwena ay alam ni Archie. “Mabuti pa umalis ka na Tandre, hindi ko kasi alam kung ano ang laman ng utak mo o kung ano ang ibig mong sabihin, pero sana ako o si Arwena na lang ang kinausap mo directly, at hindi ang anak namin. Bata lang siya, Tandre, wala siyang kinalaman sa mga isyu nating mga matatanda! Sana naisip mo ‘yon,” seryosong sabi ni Archi
Parang bumahag ang buntot ni Mr. Tan habang papasok sila ni Ted sa isang fine-dining restaurant, kung saan sila mag-meet ng dating girlfriend at manager nito. Hindi sa kinakabahan siya, o dahil may feelings pa siya kay Janica. Hindi lang siya komportable, at hindi maganda sa pakiramdam niya na makita ang babae na minahal niya, pero nagawa niyang saktan ng basta lang. Ang daming babae ang pinaiyak ni Mr. Tan noon, lalo na no’ng bata-bata pa siya, at si Janica ang huling pinaiyak niya—ang huling babae na alam niya na sobrang nasaktan at gumuho ang mundo dahil sa ginawa niya. “Mr. Tan, ayos ka lang po ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Masakit ang tiyan? Masakit ang ulo o natatae ka? Ang lamig naman dito, pero pinagpapawisan ka." Puna ni Ted sa boss niya. Pinahid niya pa ang pawis sa noo nito, pero tinampal lang ang kamay niya ng bugnutin na si Mr. Tan. Hindi pa ito kontento sa pagtampal sa kamay niya, ang sama-sama pa ng tingin nito sa kanya na parang ang laki-laki na naman kasalan
Napakamot sa ulo si Archie, hindi ito makapaniwala na sa edad na five ay alam na ni Nathan ang salitang girlfriend. Napalingon din siya kay Arwena na ewan at bakit hindi maalis-alis ang tingin nito sa kamay ng babaeng kasama ng kapatid niya. “Hi, handsome,” nakangiting sabi ni Janica, hinaplos-haplos pa nito ang braso ni Mr. Tan, na para bang sinasabi nito na girlfriend nga siya ng Uncle nito. “Hello, po," magalang na sagot naman ni Nathan habang nakatingala sa matangkad na babae na kasama ni Mr. Tan, saka naman niya nilingon ang Uncle Tan niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin sinagot ang tanong niya. “Uncle Tan?" patanong na tawag nito sa pangalan ng Tiyuhin niya. “Tandre, tinatanong ka ng bata," nakangiting sabi ni Janica. Na kay Mr. Tan na rin ang tingin nito na para bang naghihintay sa sagot nito. Pero wala. Hindi sumagot si Mr. Tan na ikinadismaya ni Janica. Maski ang sabihin nito na magkaibigan lang sila ay hindi pa magawa. Nanatili lang itong tahimik habang nakatingin
“My queen," yakap at halik sa batok ko ang kasabay ng malambing na boses na ‘yon. Antok na sana ako, kaya lang hindi ko naman matanggihan itong asawa ko na kararating lang mula sa trabaho ay ako naman ang gustong trabahuin. “Ang bango mo, my queen," pinahangin nitong sabi na sumabay sa pagharap ko sa kanya. Kagat-kagat na niya ang ibabang labi at may tingin na nang-aakit. Awtomatiko namang umangat ang mga kamay ko at kumapit sa batok niya. Mas kumislap pa ang mga mata na agad namang nagpangiti sa akin. Para naman kasi akong hinihigop sa klase ng tingin niya. Tingin na nagsasabing mahal na mahal niya ako. Tingin na nagsasabi na ako lang ang pinakamaganda sa paningin niya, at tingin na nagsasabing sabik na siyang angkinin na naman ako. “Nilalasing mo ako sa bango mo, my queen. Pinag-iinit mo ako lagi. Pinasasabik…” Ayon na nga at sininghot na nito ang leeg ko na parang inuubos ang lahat ng bango ko. May kasama na rin ‘yong himod sa nguso na nagpabungisngis sa akin. Naki
“My queen,” malambing na tawag ni Tandre sa asawang si Arwena na agad namang ngumiti nang makita ang matamis nitong ngiti. Kanina niya pa ito pinagmamasdan. Kanina pa siya naghihintay na matapos ito sa ginagawa. At ngayong tapos na, heto at hindi na niya naawat ang sarili at nilapitan na niya agad. Napailing-iling pa si Arwena. Alam niya kasi na kanina pa sabik ang asawa na lapitan siya. Kanina pa ito gustong yakapin at halikan siya, pero dahil sa banta niya, na kapag lumapit ito sa kanya ay hindi siya sasama sa gaganaping launching ng Denovan Jewelry. Kaya wala itong nagawa, kung hindi ang manatiling tahimik habang pinagmamasdan lang siya. Pero katulad ni Tandre, hindi rin maawat ni Arwena na sumulyap sa asawang gandang-ganda sa kanya. Pangiti-ngiti kasi habang titig na titig sa reflection niya sa salamin. “Tapos ka na?” malabing nitong tanong, sabay ang banayad na paghawak sa balikat ni Arwena, at banayad iyong hinaplos-haplos. Matamis na ngiti lang ang sagot ni Arwena na may
Matapos ang isang malakas na putok na nagpapikit ng matiim sa mga mata ni Arwena, sunod-sunod na pagsabog naman ang sumunod na umalingawngaw sa loob ng conference room na nagpahinto naman sa paghinga niya. Umiiyak siya pero walang boses na lumabas. Yumugyog lang ang balikat at awang ang labi. Si Tandre naman ay mahigpit na yumakap kay Arwena. Napigil din nito ang paghinga. Akala kasi niya ay katapusan na nila. Akala niya ay ito ang huling araw na makasama ang pinakamamahal niya. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos hanggang sa marinig nila ang mga sigaw, mga utos ng mga pulis at bomb squad na nasa loob ng conference room. Sa bilis ng pangyayari na hindi inasahan ni Farah, wala itong nagawa nang agawin sa kanya ang baril at detonator, at ngayon nga ay kasalukuyan nang dini-difuse ang mga bomb. “Tandre!” Matapos ang matinding takot at pagkagulat, sa wakas ay nagawa ring magsalita ni Arwena. Kaya lang, hindi pa rin siya makagalaw. Hindi pa rin niya kayang tumingin sa pa
“No, Wena! ‘Wag kang pumasok—” sigaw ni Tandre, pero agad natahimik dahil sa baril na tumutok sa kanya. “Tumahimik ka!” singhal ni Farah. Gigil na gigil ito na parang ano mang oras ay kalalabitin na ang gatilyo. “Kanina ka pa! Napupuno na ako sa’yo!” “Don’t do this, Farah, please! I’m begging you. I’m willing to do anything. Hayaan mo lang si Arwena,” buong puso na pakiusap ni Tandre. Ni kaunti ay hindi nakaramdam si Tandre ng takot para sa sarili niya. Natatakot siya para kay Arwena. Natatakot siya sa maaring gawin ni Farah sa asawa niya. Ang isipin pa lang ang maaring gawin nito kay Arwena, ang sikip-sikip na ng dibdib niya. Naikuyom naman sandali ni Janica ang kamao. Nasasaktan kasi siya na marinig ang pagmamakaawa ng lalaking mahal niya para sa ibang babae. “I said, shut up!” Nanlaki ang mga mata ni Farah. “Kahit anong pagmamakaawa ang gawin mo; kahit ibigay mo pa sa akin ang kayamanan mo, o kahit ibalik n’yo pa ang buhay ni Jake, hindi ko pa rin tatantanan si Arwena. Ala
“F-Farah!” Bulalas ni Janica. Parang na alimpungatan mula sa mahimbing na tulog dahil sa malakas na putok na narinig. Umawang pa ang labi at nanlaki ang mga mata na napatitig sa lalaking nakahandusay sa sahig at duguan. “What the...” Takip-takip na rin ang mga palad nito sa tainga niya, at saka, nilibot ang paningin sa paligid. Hindi niya alam kung paano umabot sa ganito ang gulo na ginawa niya kanina. Napalingon din siya kay Tandre na ngayon ay nakayuko at nakalapat ang mga kamao sa sahig. Bakat din ang mga ugat nito sa braso.Doon niya binuhos ang lahat ng galit kay Farah na walang awang binaril ang tauhan niya na wala namang kinalaman sa problema nila. “How?” Hindi magawang ibigkas ni Janica ang salitang gusto niyang sabihin. Paulit-ulit na lang siyang napapailing habang nangingilid ang mga luha. Kitang-kita niya kasi ang butas at dugo sa suit ni Tandre. Napatingin pa siya sa kamay niya na sumaksak sa likod nito. Hindi niya akalain na magagawa niyang sasakin si Tandre sa hairsti
Matapos marinig ang sinabi ng staff ay sunod-sunod naman na umalingaw ang serena ng mga police car, bombero, at mga sigawan ng mga tao na sapilitang pinalalayo sa gusali. Napatakip na lang sa bibig si Arwena, habang si Gomez at Fuentez ay kanina pa nakikiusap na umalis na sila dahil dilikado na rito sa loob. Kaya lang paulit-ulit siyang tumanggi. “Hindi ako lalabas, hanggat hindi ko kasama si Tandre,” pagmamatigas ni Arwena na sumabay sa pagpasok ng mga awtoridad at bomb squad sa gusali. Lahat ng lugar, lahat ng sulok ng hotel ay sinigurado nila na walang tao. Maliban sa conference na kinaroroonan nila ngayon. “Mrs. Denovan, kung maari lumabas na po kayo,” pakiusap ng officer in charge na kausap ni Gomez at Fuentez kanina. Ang mga medics naman ay lumabas na para mag-antabay sa maaring kahihinatnan ng gulo na nangyayari ngayon. “I said no! I’m not going anywhere without my husband,” madiin na sabi ni Arwena. Ayaw niya rin magpahawak sa mga bodyguard. Hilam sa luha ang mga
Kasabay ng halik ni Janica kay Mr. Tan ay flash ng mga camera at sabay-sabay na mga tanong ng press na hindi na halos maintindihan. Maririnig rin ang hiyawan sa labas ng hotel. Live nga kasing napapanood ang press conference, kaya sigurado si Mr. Tan na ang iniisip ng mga fans, ang halik sa kanya ni Janica, at ang yakap nito sa kanya ay confirmation ng relationship nila. Buo na sana ang desisyon ni Mr. Tan na sundin ang suggestion ni Ted. Kaya lang, nagbago ang isip niya dahil sa ginawa ni Janica ngayon. Iba umataki si Janica. Hindi sa salita, kung hindi sa gawa. Mapait na ngumiti si Mr. Tan, kasabay ang paghawak sa balikat ni Janica at bahagyang itinulak ito palayo. Makikita kaagad ang pagsimangot ni Janica. Matalim rin ang tingin nito na parang pinagbabantaan si Mr. Tan. “You know what, Janica, bibigyan pa sana kita ng pangalawang pagkakataon na ma-redeem ang sarili mo sa kahihiyang pinapasok mo.” Matalim na tingin ang kasabay ng sinabing iyon ni Mr. Tan, sabay senyas kay Ted. “
“Bakit nandito si Janica? Didn’t I tell you to heightened the security? " Paulit-ulit ko kayong pinaalalahanan, gawin n’yo ang lahat para hindi makapasok ang babae na ‘yon dito?!" gigil na tanong ni Tandre kay Ted.Kararating niya lang sa Hotel Denovan, at gusto na niya agad na palayasin si Janica. Ang laki nga ng mga hakbang niya, papunta sa conference room kung saan naghihintay ang press at ang babae na kinamumuhian niya. Halos patakbo namang sumunod si Ted, at ang ilang mga bodyguard niya. “I’m sorry, Mr. Tan, lahat ng utos n’yo po ay sinunod namin. We’ve done all the necessary actions, para hindi makapasok si Ms. Janica, but she disguised herself as one of the press, and it was too late for us to recognize her. Wala na kaming magawa. Press are taking pictures habang papunta siya sa harap, nakangiting umakyat sa platform, at prenteng umupo roon.” Tingin lang ang sagot ni Mr. Tan sa paliwanag ni Ted. Ni ang huminto sandali paglalakad ay hindi nito ginawa. Ayaw na niyang mag-aksaya
“Daddy, Archie!” Masiglang sigaw ni Nathan.“N-Nathan…” utal na sagot ni Archie at agad na hinarap ang pamangkin. Sinalubong niya rin ito, pero ang kamay ay sikretong sumenyas kay Tandre at Arwena na magtago muna. Agad namang sumunod ang mag-asawa. Pumasok sila sa walk-in closet habang inaaliw naman ni Archie ang bata. Pinipigilan niya itong pumasok sa kwarto para hindi makita ang ayos ng mga magulang nito. Siguro ay kinikilti na naman ni Archie ang bata. Rinig na rinig pa kasi ni Tandre at Arwena ang hagikhik ni Nathan, at maya maya ay unti-unting naglaho ang boses ng magtiyuhin.Nakapa naman ni Arwena ang dibdib, napabuga ng hangin at matalim ang tingin kay Tandre na pangiti-ngiti lang, pero halata namang kinabahan kanina.Alam nila na pereho na siguradong matutuwa si Nathan kapag nalaman nito na bati na sila. Kaya lang, nahihiya sila na makita ng Anak sa ganoong ayos. Kung malalaman o sasabihin man nila kay Nathan ang magandang balita, ‘yong nasa maayos naman silang pustura, hind