Share

Chapter 44: Unexpected Reunion

“I’m sorry for what happened earlier,” wika ni sir Zach.

Nandito pa rin ako sa opisina niya. Hindi ako umalis kasi may ipapagawa raw siya sa’kin. Hindi ko alam kung ano pero sa tingin ko aayusin na naman ang internet connection niya. Hays, walang katapusang ayusan.

“Okay lang po, naintindihan ko,” sagot ko nang makaupo ako sa sofa. Bumalik na siya ng upo sa table niya pero napansin ko na niluwagan niya ang pagkakabit ng necktie niya. Halatang na stress dahil sa nangyari kanina.

"You weren't supposed to hear that. I should have called you in once he left. You even witnessed that confrontation between us.”

Halatang nagsisi siya kung bakit pinapunta niya pa ‘ko rito kung kailan nandito ang kapatid niya. Pero kapag ‘di ako pumunta rito, hindi ko naman malalaman na si Zander pala ang kapatid niya.

“A-Ayos lang po, sir, naintindihan ko naman pero ‘di ko lang ini-expect na gano’n ang pag-uusapan ninyong dalawa. Hindi ko na dapat narinig ‘yon. I’m sorry—”

"You don't need to apologize. I
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status