“I’m sorry for what happened earlier,” wika ni sir Zach. Nandito pa rin ako sa opisina niya. Hindi ako umalis kasi may ipapagawa raw siya sa’kin. Hindi ko alam kung ano pero sa tingin ko aayusin na naman ang internet connection niya. Hays, walang katapusang ayusan. “Okay lang po, naintindihan ko,” sagot ko nang makaupo ako sa sofa. Bumalik na siya ng upo sa table niya pero napansin ko na niluwagan niya ang pagkakabit ng necktie niya. Halatang na stress dahil sa nangyari kanina. "You weren't supposed to hear that. I should have called you in once he left. You even witnessed that confrontation between us.” Halatang nagsisi siya kung bakit pinapunta niya pa ‘ko rito kung kailan nandito ang kapatid niya. Pero kapag ‘di ako pumunta rito, hindi ko naman malalaman na si Zander pala ang kapatid niya. “A-Ayos lang po, sir, naintindihan ko naman pero ‘di ko lang ini-expect na gano’n ang pag-uusapan ninyong dalawa. Hindi ko na dapat narinig ‘yon. I’m sorry—” "You don't need to apologize. I
"Now, tell me. Why you're crying earlier?"Hindi ako sumagot sa halip dumistansya ako sa kaniya ng kaunti. Pati ba naman dito sa elevator, kailangan pa niyang itanong 'yan."Miss Sandoval—”"Sir, okay lang ako. Hindi niyo na kailangang mag-worry. Wala namang ginawang masama sa'kin ang kapatid niyo," putol ko sa kaniya pero may bahid ng inis ang boses ko."That was the first time I saw you crying," aniya."And it's not for you to worry about," diretsong sagot ko na ikinatahimik niya.Biglang huminto at bumukas ang elevator pero 'yon pala may sasakay lang. Mga nasa limang katao ang pumasok. Halos silang lahat nag-uusap kaya hindi nila napansin ang presensya ni sir Zach dito sa loob."Nakita niyo 'yong nangyari kanina sa lobby?" Sabi ng isang babae na may kaiklian ang buhok.Dalawang babae at tatlong lalaki ang sumakay. At sa tingin ko empleyado sila ng Finance Department. Minsan ko ng nakasabay sa pagsakay ng elevator ang isang lalaki na kasama nila."Ah, 'yong nangyari between sa kapat
“I-I’m sorry, sorry sa istorbo,” sabi ko at kaagad na sinarado ang pinto. Umalis na rin ako at nagtungo sa rest room. Hindi ko inaasahan na gano’n ang madadatnan ko sa loob ng opisina niya. Hindi ko alam na nandito pala si Lauren sa kompanya niya. At ‘yong nangyari do’n ay hindi ko inaasahan. Alam ko namang fiancée niya si Lauren pero sa paraan kung paano niya ito tratuhin kahapon, hindi mo masasabing may relasyon silang dalawa. Nang makapasok ako sa restroom, kaagad akong pumasok sa bakanteng cubicle at marahas na sinarado ang pinto. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa’kin ngayon pero parang may naramdaman akong kirot sa puso ko. “Athena, kumalma ka. Hindi ka dapat nasasaktan sa nakita mo,” sabi ko sa sarili at napabuntong hininga ng malalim. Hindi ‘to pwede, hindi dapat ako nasasaktan kasi wala naman akong gusto sa kaniya at kailanman hindi ko magugustuhan ‘yong taong naging dahilan para masira ang buhay ko. Lumabas na ‘ko ng cubicle after 20 minutes. Yes, 20 minutes akong
Imposible, hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.Paanong si Alexander? B-Bakit? Ewan ang gulo, naguguluhan ako.“Sigurado ka ba anak na siya talaga ang nagbigay niyon?” Tanong ko habang nakatingin sa direksyon ni Alexander.“Opo, Mommy, tandang-tanda ko po siya. Siya po ‘yon, Mommy,” puno ng kasiguraduhan na sagot ni Aaron.Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo at sa tingin ko wala naman siyang dahilan para magsinungaling sa’kin.“Bakit Mommy? Kilala niyo po siya?” Tanong ni Aaron na ikinatahimik ko.Ano ang isasagot ko? Sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo?“H-Hindi anak, hindi ko siya kilala. Tara na,” sagot ko at muli na siyang hinawakan sa kamay.Naglakad na kami papuntang elevator pero todo iwas ako para hindi ako makita ni Alexander. Ayoko na magkita sila ng anak ko at ayoko na malaman niya na si Aaron ang anak ko. Gusto ko siyang kausapin at tanungin kung paano niya nakilala ang anak ko. Pero siguro hindi pa ito ang tamang oras at panahon para kausapin ko siya tungkol do’n lalo
“Mommy ..” sambit ng anak ko at bigla siyang tumakbo papunta sa direksyon ko. Kaagad naman akong umupo para magpantay ang tangkad naming dalawa.“Bakit ka nandito? ‘Di ba sabi ni mommy doon ka lang sa office?” Mahinang sabi ko pero ‘di siya sumagot dahil nakatingin siya kay sir Zach.“I’m sorry, Athena, and I’m sorry, sir Zach. Nagpumilit kasi siyang lumabas, hindi ko na siya napigilan,” wika ni Von pero ramdam ko ang kaba sa boses niya.“No need to apologize, it’s fine. He’s welcome here,” tugon ni sir Zach na ipinagtaka ni Von.Binalingan ko ng tingin si Aaron pero hindi pa rin maalis ang tingin niya kay sir Zach.“Hey there, buddy, how are you?” Nakangiting sambit ni sir Zach bago lumapit sa amin ng anak ko. Pero ‘di siya sinagot ni Aaron.“Anak, tinatanong ka niya,” mahinang sabi ko.“Ayoko siyang makausap, Mommy,” kunot-noong tugon ni Aaron na ikinagulat ko.“Aaron ...” sabi ko pero may pagbabanta na sa boses ko.“It’s fine, don’t force him to talk to me,” singit ni sir Zach.Nap
“Nak, wala ka na bang nakalimutan sa bahay?” Tanong ko kay Aaron habang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe papuntang school.“Wala na, mommy. I already packed my things po last night,” sagot niya. Napangiti naman ako, preparado na pala talaga ang anak ko kagabi pa. Halatang excited na para sa event mamaya.“Huwag ka ng mag-alala, Athena. Mas handa pa ‘yang anak mo kaysa sa ating dalawa,” wika ni tiya Rosa na ikinatawa ko.Ngayong araw na gaganapin ang family day. Med’yo na e-excite naman ako pero ‘yon nga lang kinakabahan para sa gagawin namin mamaya ni Aaron. Siguro dahil takot lang ako mapahiya, kami ng anak ko. Pero sa tingin ko naman kakayanin ko mag-perform mamaya sa harap ng maraming tao.Nang makarating kaming tatlo sa school, dumiretso na kaagad kami sa gym kung saan gaganapin ang event. Maraming tao na ang narito ngayon, naghahanda sa kani-kanilang mga puwesto. Halos lahat halatang excited na para mamaya, makikita mo talaga ang tuwa at excitement sa mga mukha at mata nila.“G
Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko kanina. Bakit niya tinawag na daddy si sir Zach? Hindi naman aabot sa gan’on kung wala silang pinag-usapan. Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako. Ayoko namang tanungin si sir Zach lalo na si Aaron dahil ayokong sirain ang pinakaespesyal na araw para sa kaniya.Natapos ng mag-perform ang lahat ng mga bata at ang sunod na magpe-perform ay ang mga magulang na kasama ang mga anak. At kaming dalawa ni Aaron ang unang magpe-perform sa stage.“Mommy, ayos ka lang po?” Nag-aalala na tanong ni Aaron.“Oo, ayos lang ako, kinakabahan lang si mommy,” sagot ko at napilitang ngumiti sa kaniya.“We can do this together, Mommy.” Aniya bago ngumiti sa akin.Nang tawagin na ang section ni Aaron, umakyat na kaming dalawa sa stage at inabot ang dalawang mic na inabot ng emcee. Agad akong napatingin sa gitna kung saan maraming tao ang nagpapalakpakan at nagche-cheer sa aming dalawa dahilan para mas lalo akong kabahan.“Mommy ...”Naramdaman ko ang paghawak ni
“Aaron, don’t forget to eat your lunch, hmm? Susunduin na lang kita after ng klase mo,” sabi ko nang makarating kami sa entrance ng school niya. Tumango naman siya bilang sagot at ngumiti sa akin. “Yes po, mommy.” Aniya bago yumakap sa akin. “Okay good, pakabait ka, ha? I love you.” “I love you, too, mommy.” At muli niya ‘kong niyakap at hinalikan sa pisnge bago siya pumasok. Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa nakapasok siya sa room niya. Si tiya Rosa kasi masama ang pakiramdam, siguro dahil sa nangyaring family day kahapon. Nababad ba naman kasi siya sa initan tapos ilang beses din sumali sa family games kaya ayun sumakit ang ulo niya at nagkasinat. Kaya pinagpahinga ko na lang muna siya sa bahay at ako na lang muna ang maghahatid-sundo kay Aaron. After 20 minutes na biyahe, nakarating na ‘ko sa kompanya pero dumaan muna ako sa pantry para bumili ng pagkain. Hindi kasi ako nakakain pagkaalis namin sa bahay kanina. “Ate, isang sandwich nga po tapos isang iced coffee
Akala ko noon wala ng lalaking magkakagusto sa akin, sa kadahilanang hindi naman ako kapansin-pansin, walang appeal sa mata ng mga lalaki, at hindi gaanong kagandahan pero hindi ko akalain na may isang lalaking palihim na nagmamahal sa akin. Ang lalaking kailanman hindi ko hiniling sa panginoon ngunit kusa niyang ibinigay sa akin. At ang lalaking sobra-sobrang nagmamahal sa akin.Marami mang mga pagsubok ang dumating sa mga buhay namin pero sa huli kami pa rin palang dalawa ang magkakataluyan, at magsasama habambuhay. At wala na 'kong ibang mahihiling pa kundi ang maging masaya kasama siya at maging mas matatag pa ang pagmamahalan namin sa isa't isa na walang sinuman ang makakasira."Mrs. Montero, pinapatawag na po kayo ni Mr. Montero sa baba," rinig kong sabi ng isang babaeng concierges sa likuran. Hindi ako sumagot sa halip napabuntong hininga ako ng malalim sabay inat ng dalawang braso ko sa ere."Sige, salamat, pakisabi na lang na pababa na 'ko," sagot ko bago lumingon at ngumiti
"So, kailan ang kasal niyo?" Tanong ni Vanessa matapos uminom ng kape.Nandito kami ngayong dalawa sa malapit na coffee shop mula sa kompanya. Oras ng lunch break at nakipagkita 'tong kaibigan ko kasi may itsi-tsismis daw siya sa'kin pero parang sa tingin ko makikitsismis lang siya sa kung ano na ang ganap sa relasyon namin ni Zach."Anong kasal? Hindi pa naman siya nag-propose," tugon ko habang humihigop ng kape."Eh, ano ang ibig sabihin niyan?" Aniya habang nakatingin sa suot kong singsing. Agad ko naman itong tinago sa ilalim ng mesa at nag-iwas ng tingin mula sa kaniya."Hindi ba, ang sabi mo sa'kin kahapon nilagay niya 'yan sa daliri mo? Tapos tinanong ka niya kung gusto mo siyang makasama habambuhay at sinagot mo naman ng oo. Oh, hindi pa ba 'yan nag-propose?" Nakahalukipkip na sambit niya at nakataas pa ang isang kilay nito."S-Sa tingin ko kasi hindi .. hindi naman kasi siya nagtanong kung gusto kong magpakasal sa kaniya," naiinis na sabi ko dahilan para mapabuntong hininga s
Napabuntong hininga ako ng malalim nang makapasok ako sa kompanya. Kagagaling ko lang mula sa school ni Aaron para samahan siyang kumain ng lunch. Hindi niya kasi kasama si tiya Rosa kaya kahit na hassle na sa akin ang pagpunta ro'n ay ginawa ko pa rin dahil ayoko rin naman na kakain ng mag-isa ang anak ko."Athena, mabuti na lang nandito ka na. Kanina ka pa hinahanap ni sir Zach," salubong sa akin ni Trixie nang makarating ako sa floor ng department namin.Nagulat ako sa kaniya at med'yo kinabahan dahil sa sinabi niya. Hindi kasi ako nakapagpaalam kay Zach na aalis ako pero alam naman nito na pupuntahan ko ang anak niya bago mag-lunch break."Galit ba siya?" Tanong ako at mahina siyang tumango bilang sagot.Diyos ko, lagot ako neto."Kanina ka pa raw kasi niya tinatawagan pero 'di mo sinasagot. Puntahan mo na lang siya sa opisina niya." At agad naman akong umalis matapos kong magpasalamat sa kaniya.Patakbo akong pumunta sa office ng CEO kahit na med'yo pagod ako mula sa pagmamaneho.
"Okay, anak, susunduin na lang kita mamaya," sabi ko habang nakatutok sa ginagawa kong report sa laptop.Kausap ko ngayon ang anak ko sa kabilang linya. Tumawag ito para magtanong kung susunduin ba namin siya mamaya nang daddy niya pagkatapos ng klase niya. Pero ako na lang ang susundo sa kaniya kasi balak mag-overtime ni Zach dahil may kailangan daw siyang tapusin. Hindi rin kasi siya masusundo ni tiya Rosa kasi umuwi ito sa dati naming tinutuluyan para kunin ang ibang mga gamit na naiwan namin doon."Makinig sa teacher, okay? At itago mo na ang phone sa loob ng bag mo. I love you."Pagkatapos kong magpaalam ay binaba ko na rin ang tawag at pinagpatuloy na ulit ang ginagawa ko. Pero bigla akong napangiti nang maalala ko ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Zach. Buong akala ko mananatili kaming walang label pero hindi naman pala. Ayaw rin nito na manatili kami sa ganoong sitwasyon."Athena, may lalaki raw na naghahanap sa'yo sa lobby," rinig kong sabi ni Trixie nang makaupo ito s
Ano'ng ginagawa niya rito? Bakit sila magkasama?Hindi naman sa nag-o-overthink ako, pero hindi ko napigilan ang magtaka at masaktan nang makita silang magkasama."Uh, h-hindi ko alam na may .. na may bisita ka pala," sabi ko habang nakatingin sa direksyon ni Lauren.Nakatingin din siya sa akin, pero nakapagtataka kasi malungkot siyang nakatingin sa akin at mugto rin ang mga mata nito na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Hindi 'yong masungit at kontrabidang Lauren ang nakikita ko ngayon, kundi ang malungkot at mahinang Lauren.Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit siya nandito?"It's okay, she will leave soon anyway," sagot ni Zach bago lumapit sa akin. Kaagad niya 'kong niyakap nang makarating siya sa direksyon ko at hinalikan ako sa noo na ipinagtaka ko.Ang weird niya, hindi dahil sa ka-sweet-an niya kundi dahil sa sinabi niya."Bakit siya nandito? Bakit kayo magkasama?" Mahinang tanong ko sa kaniya. Pero hindi niya 'ko sinagot sa halip ngin
"Kararating ko lang sa kompanya," sagot ko sa kaniya nang makapasok ako sa main entrance.Kausap ko sa kabilang linya si Vanessa. Ang aga niya 'kong binulabog para lang humingi ng update. Ang feeling na gusto ko pang matulog pero 'di ko na nagawa kasi kinukulit niya 'ko."Kasama mo ba siya? Sabay kayong pumasok?" Usisa nito dahilan para mapabuga ako ng hangin."Hindi ko siya kasama. Maaga siyang umalis ng bahay kasi may private meeting siya kaninang 7 am kaya hindi kami sabay pumasok," tugon ko habang naglalakad patungo sa elevator.Napapahikab pa 'ko habang naglalakad kasi inaantok pa talaga ako. Wala pang 7 am no'ng tumawag siya sa'kin kanina. Ewan ko ba sa kaniya. Ang aga tumawag para lang maki-tsismis sa akin.Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong kausap ko baka binabaan ko na siya ng tawag."Ang sipag naman ng future asawa mo. So, ano ng improvement sa relationship niyo? Nasa anong stage na kayo?" Aniya ngunit halatang kinikilig. Pero hindi ako nakasagot kasi hindi ko alam kun
"I've loved you for a long time." Aniya habang titig na titig sa mga mata ko. Ngunit bigla na lang pumatak ang mga luha niya dahilan para makaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko inaasahan na ganito ang sasabihin niya sa akin, pero naging daan 'yon para malaman ko na nagsasabi nga nang totoo si Yael. At ngayon, nabigyan na ng kasagutan ang mga sinabi niya sa akin.Mahal niya 'ko.Mahal ako ni Zach. Pero kailan pa? Kailan nagsimula?"I met you when I was in 3rd year high school, during the school fair. You were sitting alone on a bench. I was about to approach you, but I was too shy. I wanted to introduce myself to you at that time, but I was afraid you might avoid me. I don’t know if what I felt that time was love at first sight, but since that day, when I saw your sweetest and brightest smile, I didn’t want you out of my sight," pagkuwento niya dahilan para bigla akong mapaisip.Hindi ko na maalala ang mga sinabi niya. Noong high school ako
“Okay ka lang?” Tanong ni Vanessa nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe papunta sa penthouse. Tumango na lamang ako bilang sagot habang nakatingin sa labas ng sasakyan.“Sa tingin mo ba nagsasabi ng totoo si Yael?” Tanong ko bago tumingin sa kaniya.Ayokong maniwala sa sinabi nito pero may nag-uudyok sa’kin na maniwala sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ito, at kung bakit pero sa tingin ko daan ‘yon para malaman ko ang totoong kasagutan sa mga nangyari noon.“If I based it doon sa kinuwento mo, yes nagsasabi siya ng totoo. Because what's the point if he’s going to lie, right? ‘Tsaka halatang nagsisisi na siya sa ginawa niya sa’yo,” sagot ni Vanessa.Tama siya pero nang dahil sa galit ko ro’n sa tao, hindi ko hinayaan ang sarili ko na maniwala. Kasi mas pinandigan ko ang mga pinaniwalaan ko kaysa sa mga sinabi niya.“You should ask Zach about it, kung gusto mo talagang malaman kung totoo ba ang mga sinabi niya sa’yo. Pero paano kung totoo ‘yon, ano’ng gagawin mo?”“Hindi ko alam, hind
“Mommy, I missed you. Kailan ka po makakauwi rito sa bahay?” Malungkot na tanong ni Aaron, ngunit bakas sa mukha niya na kagagaling lang sa pag-iyak.“I missed you, too, anak. Bukas makakauwi na si mommy d’yan,” sagot ko at pilit na ngumiti sa kaniya.Kausap ko siya through video call kasi hindi ko siya pinayagan na bisitahin ako rito. Ayoko lang kasi na mag-alala siya sa’kin at baka masaktan ko lang siya kapag nalaman niya na hindi kami magkaayos nang daddy niya.Hindi pa niya alam ang nangyari, pero wala akong balak na sabihin ‘yon sa kaniya.“Mommy, nand’yan po ba si daddy sa ospital? Kasama niyo po ba siya?” Tanong nito na ipinagtaka ko.“W-Wala siya rito sa ospital. Alam mo ba kung anong oras siya umalis d’yan?” Sagot ko, at napatingin sa direksyon ni Vanessa. Mukhang alam na nito kung ano ang gusto kong iparating sa kaniya kaya agad siyang lumabas ng kwarto.“Hindi po, mommy, eh. Paggising ko po kaninang umaga, wala na siya rito sa bahay. Pero sabi po niya sa’kin kagabi bibisita