Share

Chased by Her
Chased by Her
Author: Anastasia Blanc

SIMULA

last update Huling Na-update: 2021-06-21 19:03:08

SIMULA

"How about siargao? Wanna go there?" Umirap ako sa kawalan nang mag banggit na naman si mommy ng lugar kung saan ako pwedeng mag bakasyon. Ilang beses ko nang sinabi na ayaw ko mag bakasyon dahil hindi naman 'yon ang ipinunta ko rito pero ilang beses din ata siyang hindi makikinig at patuloy pa rin sa pamimilit sa'kin.

"Mommy, how many times do I have to tell you na hindi nga bakasyon ang ipinunta ko rito? Wala po akong oras para sa ganyan. Alam naman nating dalawa na kaya ako bumalik ng Pilipinas ay para sa kumpanya lang." Patuloy ang paglalakad ko habang hila-hila ang isang maleta na naglalaman ng mga gamit ko. Kaunti lang ang dinala kong damit dahil saglit lang naman ako rito at meron pa akong damit na naiwan sa bahay namin dito sa Pilipinas.

"Emma, hindi mo man lang ba pagbibigyan ang sarili mo? You've been drowning yourself at work here in New York. Dear, it's your chance to freshen up. Go on a vacation. Spoil yourself. I-momonitor mo lang naman ang bagong branch ng kumpanya riyan kaya hindi ka masyadong magiging busy." Natawa ako nang marinig ang boses niyang parang nabubulol dahil sa pagtatagalog niya. I'm used to it though. Hindi ko lang mapigilan ang matawa sa tuwing nagsasalita siya ng tagalog dahil mas lalong nagiging halata ang pagiging foreigner niya.

My mom is pure american while my dad is pure filipino. And ofcourse, I'm half. FIL-AM daw sabi ni daddy.

"Whatever, mom. I think I should hang up now. I can already see my car outside the airport. Take care, mommy. I love you."

"Okay, okay. I won't bother you na. I love you, Emanuelle." Ngumiti ako sa kawalan bago pinatay ang tawag. Pagkalabas na pagkalabas ko ng airport ay sinalubong ako ng family driver namin. Si Mang Emilio.

"Welcome back, iha. Akin na 'yang gamit mo at ilalagay ko na sa compartment." Nginitian ko siya bago iabot ang maleta ko sa kanya. Mang Emilio's been working for our family for the past 27 years. Hindi pa ako pinapanganak sa mundong 'to ay siya na ang driver ng pamilya namin kaya naman itinuring na rin namin siyang kapamilya.

Tahimik ang naging byahe hanggang sa nakarating kami sa bahay namin. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan ay agad na humanga ang buong pagkatao ko. Malaki ang ipinagbago ng bahay namin. Nirenovate kase ito 2 years ago kaya ganon. Masasabi kong eksperto ang engineer na gumawa nito dahil unang sulyap pa lang, hahanga ka na talaga.

"EMANUELLE!" Agad naagaw ang atensyon ko ng babaeng sumigaw ng pangalan ko. Kahit na matanda na ay mabilis niya pa rin akong sinalubong ng yakap.

"Yaya Miranda. I missed you po." Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya sa'kin. Hindi ko naman siya pinigilan doon dahil na miss ko rin siya.

5 years din akong hindi umuwi.

"Nako, ang laki-laki mo na! Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang ay tinuturuan pa kita kung paano maglakad. Tingnan mo ngayon, ang tangkad-tangkad mo na!" naiiyak niyang sabi. Siya kase ang nag-alaga sa'kin simula bata pa ako tuwing umaalis sila mommy dahil sa business namin.

"Halika sa loob, tingnan mo kung gaano kaganda ang bahay niyo." Hinila niya ako papasok sa loob ng bahay at ganon na lang ang pagka-mangha ko nang makita ko ang bagong disenyo nito.

Ang galing naman ng engineer na gumawa nito.

Nag ikot-ikot muna ako sa loob bago umakyat sa kwarto ko. Katulad sa baba, maganda rin ang pagkaka-disenyo nito. Mas pina-simple lang 'to dahil ako mismo ang nag-request kay daddy na huwag masyadong galawin ang kwarto ko.

Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama. Doon ko lang naramdaman ang pagod sa buong katawan ko. 17 hours din akong nakaupo sa eroplano kaya ngalay na ngalay ang iba't ibang parte ng katawan ko. Hindi rin nagtagal ay dumilim ang paningin ko dahil sa antok. Dala na rin siguro ng pagod.

Maaga akong nagising kinabukasan kaya naman ay hindi pa pumuputok ang araw, pawis na pawis na ako dahil sa pagw-work out. Ang aga ko kasi nakatulog kahapon. 5pm pa lang ay tulog na ako at kinabukasan na rin ako nagising. Kaya naman pakiramdam ko ay sobrang lakas ng katawan ko dahil sa sobrang haba ng tulog ko.

"Iha? Hindi ka ba pupunta ngayon sa kumpanya ninyo?" Kinuha ko ang inabot ni yaya Miranda na orange juice habang pinupunasan ang tumatagaktak na pawis ko.

Sunod-sunod ang iling ko habang nilalagok ang iniinom na juice hanggang sa maubos 'to.

"Hindi po. Tumawag sa'kin 'yung secretary ni daddy, Yaya. Sa lunes pa raw po ang appointment ng engineer na kinuha ni daddy." Tumango-tango siya bago umupo sa tabi ko. Tinulungan niya akong mag-punas ng pawis sa mga parteng hindi naaabot ng kamay ko.

"Oh, e anong plano mo ngayon? Hindi mo man lang ba bibisitahin ang mga kaibigan mo?" Napatigil ako sa tanong niyang 'yon. Hindi naman siguro awkward kung bibisita na lang ako bigla 'di ba? Saka, nag-paaalam naman ako noong umalis ako kaya siguro naman ay hindi sila galit sa'kin.

"Sige po, tatawagan ko ho mamaya." Nagpaalam muna ako kay yaya Miranda bago umakyat papuntang kwarto ko. Naligo ako at naghintay muna ng ilang oras bago napag-desisyonang tawagan ang number ni Cloud. Masyado pa kasing maaga kanina kaya hindi ko muna tinawagan dahil baka natutulog pa. Baka masigawan pa ako ng mala-microphone na boses ni Cloud. Sana ito pa rin 'yung gamit niyang number.

Idadial ko na sana ang number niya nang tumunog ang cellphone ko, senyales na may tumatawag.

Unknown number calling...

I honestly don't pick a call from unknown numbers dahil baka nagkamali lang ang pag-tipa ng mga 'to pero dahil ilang beses na tumunog ang cellphone ko at parehong number pa rin ang lumalabas sa screen, sinagot ko 'to.

"Hello? Emanuelle Dizon, speaking."

"KYAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Mabilis kong nailayo ang cellphone ko sa tainga bago pinatay ang tawag. Ang lakas naman ng trip non, tumawag para tilian ako. Itinuloy ko ang planong pagtawag kay Cloud nang tumunog na naman ang cellphone ko, revealing the same unknown number again. Ano bang trip nitong caller na 'to? Inis kong pinindot ang answer button at itinapat uli sa tainga ko.

"Emma speaking. What do you want?" Ipinahalata ko ang taray sa boses ko para iparamdam sa kanya ang inis ko.

"OMG TOTOO? IKAW TALAGA? Hoy Emma gago ka ba si Cloud 'to! Anak ng kingina hindi mo ba natatandaan ang maganda kong boses?" Napaayos ako ng upo nang matandaan ko ang boses ni Cloud. Nagbago rin kase ang boses niya kaya siguro hindi ko nabosesan agad kanina. Tapos tumili pa siya nang pagkalakas-lakas.

"Uy, Cloud. Kamusta na? Tatawagan sana kita pero naunahan mo 'ko. Saan mo pala nakuha 'yung number ko?"

"Eto, okay lang naman HAHAHA! Maganda pa rin. Nakuha ko 'yung number mo kay Freya. Sinabi kase niya sa'kin kahapon na uuwi ka raw kaya 'yon, kinuha ko agad number mo. Kahapon sana kita tatawagan pero baka kase pagod ka kaya ngayon na lang." Sabi ko kay Freya 'wag munang sabihin na uuwi ako dahil gusto kong sa'kin manggaling. Baka kase sabihin nila na sa iba pa nila malalaman na uuwi ako at baka rin isipin nila na wala akong balak ipaalam sa kanila.

"I see. Bakit ka nga pala napatawag?"

"Nako te, dahil uuwi ka, kailangan natin mag celebrate! Antagal mo ring nawala, ah? Hindi na ako magugulat kung ginto na ang itinatae mo dahil balita ko ay maganda raw ang daloy ng negosyo niyo sa new york. Mamayang alas tres ng hapon, dito sa condo ko. Text ko na lang sayo address. Magpainom ka, ah? Uubusin namin pera sa banko mo HAHAHAHA! Sige, bye na dahil wala pa akong hilamos at nanakit na ang mata ko kakatanggal ng muta ko." Natatawa kong pinatay ang tawag. After 5 years, hindi pa rin nagbabago si Cloud. Madaldal pa rin at walang preno ang bibig.

Maya-maya ay nakatanggap ako ng text galing sa number ni Cloud. Address ng tinitirahan niyang condo ang nakalagay roon.

Isinave ko muna ang number ni Cloud bago pumasok sa walk in closet ko para mamili ng damit na susuotin mamaya. Alas diez pa lang ng umaga pero hinahanda ko na ang damit ko. Baka kase maliliit na ang damit ko na naiwan sa bahay kaya naman inumpisahan ko nang maghanap. Luckily, meron pa namang kasya sa'kin.

Napagdesisyonan kong iligpit lahat ng damit na nasa loob ng maleta ko habang naghihintay ng oras. Wala rin naman kase akong gagawin kaya why not arrange my stuffs, 'di ba?

Sumapit ang ala-una kaya naghanda na ako. Naligo ako ulit dahil napawisan ako sa kakalakad sa buong bahay kanina matapos kong ayusin 'yung mga gamit ko.

Suot ko ang prussian blue panel dress ko na pinartneran ng white boots. Nakalugay ang natural na kulot at blonde kong buhok na hanggang gitna ng likod ko. Light make-up lang ang inilagay ko sa mukha ko.

Hindi na ako nagsayang ng oras at nag-maneho na ako papunta sa condo na tinitirhan ni Cloud. Dumaan muna ako sa tabing grocery store para bumili ng san mig. Baka sermonan ako ni Cloud 'pag wala akong dala. Pagkarating ko roon ay agad akong dumiretso sa receptionist na agad naman akong binati.

"Good Afternoon, ma'am. Welcome to Victoria's Condominium. How may I help you?"

"Afternoon. What floor 'yung unit ni Bible Claudine Sanchez, miss?"

"Name mo po, ma'am?" tanong niya sa'kin bago ibaba ang tingin sa monitor na nasa harapan niya.

"Emanuelle Dizon. She's expecting me to come here today."

"Yes, ma'am. Nakalagay nga po rito. Unit 473, 88th floor po. Have a nice day, ma'am." Nginitian ko siya bago ako lumapit sa elevator. Pinindot ko ang button kung saang floor ako titigil. Maya-maya ay huminto ito at bumukas, senyales na nandito na nasa 88th floor na ako.

Lilinga-linga ako upang tingnan 'yung mga nakapaskil na number sa pinto. Ilang hakbang pa ang ginawa ko bago ko makita ang mga numerong 473. Naglabas ako ng malalim na buntong hininga bago kumatok. Ilang segundo ang lumipas pero wala pa ring nagbubukas.

Maling unit ba 'yung sinabi ng receptionist kanina?

Ilalabas ko na sana ang phone ko upang tawagan si Cloud nang bumukas ang pinto, revealing Kairus Atienza, one of our bestfriends.

"HALA! ANAK NG TINAPA! IKAW NA BA 'YAN, EMMA?" Natatawa akong tumango habang nakatingin sa nanlalaki niyang mata. Lalong tumangkad si Kai, lalo ring pumogi. Siguro ngayon ay may girlfriend na nga 'to.

Nilakihan niya ang bukas ng pinto at agad akong pinapasok. Nang makarating kami sa sala ay sabay-sabay na nagsi-tinginan ang mga tao roon. Sabay-sabay rin silang nagtaka muna bago nanlaki ang mga mata. Siguradong hindi sinabi ni Cloud at Freya na darating ako dahil halata naman sa mga itsura nila na wala silang mga alam.

"Oh my holy mother of shit! Emma?!" sabay-sabay silang tumayo at patakbong lumapit sa'kin. Si Freya ay nananatiling nakaupo sa couch at maarteng nakatingin sa'min. Araw-araw ko ba namang kausap 'yan sa facetime tapos taon-taon pang nabisita sa'kin sa new york, malamang hindi ako namiss niyan. Parang last month lang ay ginugulo niya pa ako sa opisina ko sa new york.

"Huy kamusta na?" puro ganon ang tanong nila sa'kin. Hindi naman ako napagod na sagutin lahat 'yon. Maya-maya ay lumapit sa'kin si Cloud na kakalabas lang ng sa tingin ko ay CR, may tunog kase ng flash kanina.

"NAKNAMPUTA! ANG GANDA MO, AH? Kamusta ka na? Hayop sa pa-boots natin, ah? Amoy imported! Ano bang klaseng hangin ang meron sa NYC at nangamoy imported ka? Hayop, pasampal nga!" Natawa ako nang mahina nang malakas niyang sinampal ang puwitan ko.

"Parehas lang naman ng hangin, HAHAHA! Kayo? Kamusta na kayo? Wala akong pasalubong kase biglaan pagdating ko. Don't worry, bumili naman ako ng ala--"

"Sorry, I'm late." Naestatwa ako sa pagkakatayo nang marinig ko ang baritonong boses na 'yon. Nag-matured ang boses niya pero alam kong siya 'yon. Paano ko makakalimutan ang boses niya e isa 'yon sa mga kinabaliwan ko sa kanya noon?

Halos kasabay ko lang ata sina Cloud na lumingon sa kakapasok lang na si Yael.

Halos mabali ang tuhod ko nang magtama ang paningin namin. Halata na nagulat siya nang makita ako pero agad ding nawala 'yon.

He matured

Patuloy ang pagtitig ko sa kabuoan niya. He looks so expensive.

His dagger looks towards me, parang hindi siya 'yung Yael na kilala ko noon.

Yael na minahal ko nang sobra na kahit na ikasira ko, keri lang.

Yael na kinabaliwan ko nang sobrang noon.

At Yael na patuloy na dumudurog sa'kin hanggang ngayon.

Kaugnay na kabanata

  • Chased by Her   KABANATA 1

    KABANATA 1"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you...""Ihipan mo na 'yan, Cloud!" Malakas na sigaw ni Kairus mula sa gilid. Natatawa namang nilapitan ni Cloud 'yung cake niya at tinitigan 'yon ng matagal."Anak ng, bakit hugis etits 'tong cake na 'to? Okay lang sana pero bakit jutay naman? Mga bobo kayo pumili ng size," dismayadong komento niya habang nakatitig pa rin sa cake."Si Kai pumili niyan, Cloud!" sigaw ni Freya mula sa gilid. Mabilis naman na inilipat ni Cloud ang paningin. Mula sa cake, papunta kay Kai na nagpipigil ng tawa."Kaya pala ang liit ng size, si Kai naman pala ang pumili," nang-aasar na sa

    Huling Na-update : 2021-06-22
  • Chased by Her   KABANATA 2

    KABANATA 2"Oh my, I heard sa isa kong friend na nasigawan ka raw ni Mr. Pineda. What did you do ba? That's so new. Never ka pang nasigawan ng kahit sinong professor, right?" Itinapon ko ang walang laman na bote ng mogu-mogu sa basurahan malapit sa kinauupuan naming bench dito sa third year quadrangle."Wala naman. I was spacing out kanina. Kulang kasi ang tulog ko kagabi," dahilan ko. Hindi kulang ang tulog ko pero ayon pa rin ang sinabi ko. Ayaw ko sabihin na si Yael ang dahilan kung bakit ako nasigawan kanina. Alam ni Freya na may gusto ako kay Yael pero dedma lang siya. Hindi siya 'yung tipo ng kaibigan na bigla-bigla na lang magsasalita. She's too maarte to open her mouth just to say "kalandian things" daw."Why? I was calling you yesterday. Hindi ka sumasagot kaya si tita ang tinawagan ko

    Huling Na-update : 2021-06-22
  • Chased by Her   KABANATA 3

    KABANATA 3"Are you sure you don't want to come with me?" Hindi ko inalis ang paningin ko sa textbook ko nang itanong 'yon ni mommy. Kanina pa siya nakatayo sa pinto ng kwarto ko at kanina pa rin siya paulit-ulit na nagtatanong kung gusto ko bang sumama sa kanya. "Mom, I told you our finals is on friday. I need to read all of these," sabi ko at itinuro ang mga libro sa harapan ko. Kaunti na lang ay bibigay na ako at sasama sa kanya dahil alam ko namang hindi siya aalis dyan sa pinto hanggang hindi ako napayag. Masasayang ang oras ko sa kakareview kung ganitong todo ang pagkausap niya sa'kin. "Emma, I know that you're gonna make it naman. It's just a dinner. Saglit lang 'yon. My close friend's welcome party. You know your tita Menggay right? My bestfriend slash your ninang? Kakabalik niya lang

    Huling Na-update : 2021-06-22
  • Chased by Her   KABANATA 4

    KABANATA 4"Emma, will you please stop hitting yourself? Ghad, you're so nakakainis na! What's your problem ba, ha? Is it Yael again?" Inis na bulyaw sa'kin ni Freya. Kanina ko pa kase paulit-ulit na hinahampas 'yung textbook ko sa ulo ko. Kanina pa ako nagbabasa at kahit anong gawin ko, hindi ko talaga maintindihan 'yung mga binabasa ko."Hindi ko maintindihan 'tong binabasa ko," naiiyak ko nang sabi. Malapit na 'yung finals pero simpleng topic lang, hindi ko maintindihan. Paano ako papasa nito? "Ano bang topic 'yan? Let me see it nga!" Asar niyang inagaw sa'kin at nang tiningnan niya ang topic na pinoproblema ko, agad niyang binalik sa'kin 'yon. "I can't help you with that, Emma. Bakit ka ba kase nag accountancy?" Tiningnan

    Huling Na-update : 2021-06-22
  • Chased by Her   KABANATA 5

    KABANATA 5"Anong gusto mong gawin ko, ha? Tumambay ako ron? Uluuuuuuul!" Kanina pa nagsisigawan sina Cloud at Kai sa harap namin. Todo gatong si Yael at todo support naman si Freya kay Cloud. Pag-iling na lang ang tanging ginagawa ko tuwing magsisigawan na naman sila. Ako na nga ang humihingi ng paumanhin tuwing may naiingayan na sa'min. "Bakit ba kase ayaw mong sumama, ha?" hamon na tanong ni Kai. Halata namang alam niya na ang rason kung bakit ayaw sumama ni Cloud pero gusto niya pa rin itong paaminin. "Bakit gusto mong malaman? Crush mo ako 'no?!" Parang may dumaan na anghel sa pagitan namin nang biglang tumahimik. Maya-maya ay malalakas na tawa ni Yael at Kai ang pumuno sa pwesto namin. "Grabe namang tigas ng

    Huling Na-update : 2021-07-02
  • Chased by Her   KABANATA 6

    KABANATA 6"15 minutes left." Huminga ako nang malalim bago tumayo at lumapit sa prof kong nasa harapan. Pinasa ko ang papel ko na laman ang sagot ko at bumalik sa upuan para kunin ang bag ko. Kaunti na lang ang tao sa room dahil malapit nang mag-time. Mabuti na lang at natapos ako nang mas maaga kesa sa inaahasahan ko.Ngayon ang last day ng finals namin kaya naman grabe na lang ang luwag ng dibdib ko ngayong alam kong tapos na 'to. Medyo confident ako sa mga sagot ko sa mga nagdaang test kaya naman kahit kakaunting kaba ay hindi ko maramdaman. Grabeng review kasi ang ginawa ko sa mga nagdaang araw kaya marami akong nasagutan na tanong na alam na alam ko talaga ang sagot. Laking pasasalamat ko nga at nandyan si Cade dahil grabe ang natulong niya sa'kin. Lahat ng lessons na hindi ko matandaan ay siy

    Huling Na-update : 2021-07-02
  • Chased by Her   KABANATA 7

    KABANATA 7Halos madapa ako dahil sa suot kong mataas na takong. Hindi magkamayaw ang kamay ko sa paghahanap kung nasaan ang susi ng sasakyan ko. Nang mahanap ko 'yon ay dali-dali akong bumaba at hindi na nag-abalang mag paalam kanila mommy. Alam naman nila na may lakad ako ngayon dahil nakapag-paalam na ako noong nakaraan.Magaalas-diez na ng gabi pero heto ako ngayon, pasakay pa lang sa kotse. Ang usapan namin ni Freya ay susunduin ko siya sa bahay nila ng 9:00 pm. Siguradong kung ano-ano nang ginamit niyang lenggwahe para lang mamura ako.Natulog kasi ako kaninang hapon and I overslept. Alas nuebe na ako nagising. Idagdag mo pa ang pag-aayos ko kaya mas lalo akong natagalan. Kung siguro ay may mga pulis lang sa mga dinaraanan ko ay nakasuhan na ako ng fast dri

    Huling Na-update : 2021-07-03
  • Chased by Her   KABANATA 8

    KABANATA 8Kahit marami akong alak na nainom ay gising na gising pa rin ako. Alas kuatro na ng umaga ngunit mulat na mulat pa rin ang mga mata ko, iniisip ang ginawa namin ni Yael sa bar kanina. Hindi ko mawala sa isip ko 'yon dahil pakiramdam ko ay nakadikit pa rin sa'kin ang labi ni Yael. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kahit na alam kong mali ang ginawa namin kanina ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti.'Yon 'yung first kiss namin ni Yael. Hindi na ako magpapahalik pa sa ibang lalaki.'Yan lang ang nasa isip ko magdamag. Kung pwede nga lang ay huwag na akong mag toothbrush ay ginawa ko na para lang hindi mawala ang pakiramdam ng halik niya sa labi ko.Dahil sa pag-iisip at puyat ay bangag na bangag ako kinabukasan. Sobrang sakit din ng ulo ko. Matinding ha

    Huling Na-update : 2021-07-04

Pinakabagong kabanata

  • Chased by Her   WAKAS

    WAKAS "Pwede ba, Yael? Bitiwan mo ako! Wala kang ginawang masama pero ayoko na! Pabayaan mo na ako, Yael. Oo, ayos tayo kahapon pero dahil 'yon sa tinitiis lang kitang makasama. Ayoko biglain ka kaya naman tiniis kong samahan kita kahapon pero Yael, ayoko na." I felt my body numb. Hindi ko alam kung anong ginawa ko at naisipan ni Anya na hiwalayan ako. I gave everything to her. I'm always by her side whenever her parents is having a fight. "Bastos ka, ah!" I was about to walk out in that club when I heard that shout. Mabilis akong napalingon kung saan nanggaling ang sigaw na 'yon. There, I saw a tall blonde woman, being harrased by a drunk man. Mabilis akong lumapit sa kanila at sinapak 'yung lalaki. Kita ko pang napatalsik 'yung babae dahil sinapak ko 'yung lasing. I punched the guy several times until Kai, a friend of mine restrained me from punching. "Yael, tigilan mo na. Andito na 'yung mga bouncer," sabi niya at inilayo ako roon sa lasing na lalaki. Pinunasan ko ang dugo

  • Chased by Her   KABANATA 40

    KABANATA 40 "Hey, mommy..." matamlay na tawag ko. "You look stressed, Emma. Why? Your father's secretary told me that you weren't working for 2 weeks. Is there any problem, hm? Care to share?" malambing na tanong niya. Ngumiwi ako. I'm not stressed, really. It's just a pregnancy thing. I'm tinatamad everyday. "Uh...no, it's nothing," hilaw na sabi ko. Gusto ko nang matulog. "Are you sure? Do you wanna go home?" tanong niya uli. Kita ko ang pagkuha niya ng copita at sinalinan 'yon ng wine. Ngumiwi uli ako. "I hate wines now," wala sa sarili kong sabi. Kita kong natigilan si mommy at gulat na napatingin sa'kin. "What? Impossible," sabi niya, nanlalaki pa ang mga mata. Nagkibit balikat ako at tiningnan si Yael na nasa harap ko. Nasa balkonahe kami ng penthouse niya. May lamesa kase rito na pang dal

  • Chased by Her   KABANATA 39

    KABANATA 39 "I'm sorry." "You think you're someone that I need?" "I can't love you back." Isa-isang tumulo 'yung mga luha ko. Those memories keep hunting me hanggang ngayon. Sa tuwing naalala ko 'yung mga 'yon ay agad kong kinikuwestiyon ang importansiya ng buong pagkatao ko. "Baby, wake up..." rinig kong boses ng isang pamilyar na lalaki. Mas lalo akong napahikbi. I don't want those memories. I want to forget all of them. "Hey, Emma. Wake up," sabi ulit ng lalaki. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Noong una ay hindi ko pa masyadong maaninag kung sino ang nasa harapan ko dahil basang-basa ang mga mata ko. Ilang segundo lang ang lumipas nang makita kong si Yael 'yon. "What's wrong? Bad dream?" nag-aalalang tanong niya sa'kin. Tinitigan ko siya

  • Chased by Her   KABANATA 38

    KABANATA 38 Mabilis akong napatakip ng mga mata nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Inis kong kinuha ang unan mula sa gilid ko at itinakip 'yon sa'kin. "Hmm..." Sandali akong natigilan. Who's that? Kinakabahan kong tinanggal ang takip sa mukha ko at tiningnan ang katabi ko. "Oh, shit," nanlalaki ang mga mata kong bulong nang makita si Yael na nasa tabi ko, mahigpit ang yakap sa'kin. "Oh my ghod," muli kong bulong at natakpan pa ang bibig nang maalala isa-isa 'yung ginawa namin kagabi. Marahan kong hinawakan ang kumot at itinaas ito para makita kung anong nasa ilalim nito. He's still naked! Damn, ako rin! "Baby, stop moving..." inaantok na sabi ni Yael at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa'kin. Asar ko siyang pinalo sa braso at pilit na inalis ang pagkakayakap sa'

  • Chased by Her   KABANATA 37

    KABANATA 37 "Hello, beautiful." "Isaac!" malaki ang ngiting bati ko. Binitawan ko ang gym bag ko at mabilis na tumakbo papalapit sa kanya. "Kumusta na?" tanong niya sa'kin bago ako yakapin. Siya rin ang kumalas non bago tingnan ang kabuoan ko. "Wow," manghang tingin niya sa'kin. Humalakhak ako at kunwaring hinawi ang buhok. "What?" natatawang tanong ko. "You've grown up. Mas lalo kang tumangkad, huh?" "Yup. Mana kay mommy." "Yeah, I can see that. So, what brought you here?" nakataas ang kilay na tanong niya. "Cardio," nakangising sabi ko bago hubarin ang jacket ko at hinagis 'yon sa gilid kung saan ko iniwan ang gym bag ko. Tumambad ang itim na suot kong sports bra at ang pinaghirapan kong katawan sa loob ng limang

  • Chased by Her   KABANATA 36

    KABANATA 36"Any update?" nakangising tanong ko kay Cade mula sa screen ng laptop ko. It's 3:00 pm here while sa New York ay 3:00 am. Kausap ko siya sa face time at kinukulit kung meron na bang update sa babae niya. Ewan ko kung bakit gising pa 'to sa ganitong oras eh laging pagod sa trabaho 'to kaya dapat nagpapahinga na siya ngayon."Well, she's single. Your curse on me last week didn't work," nakangisi ring sagot niya. Tumaas ang kilay ko bago umirap."What curse?" takang tanong ko sa kanya."Can't remember anything, eh? Isinumpa mo ako na sana taken na siya, remember?" naiiling na sabi niya."Psh. Malamang, hindi talaga magwo-work 'yon! Bakit? Kinabahan ka ba nung sinabi ko 'yon?" nang-aasar na sabi ko. Saglit kong kinuha ang tumbler sa gilid ko para uminom bago ibalik ang paningin ko sa screen."Sabagay, hindi talaga magwo-w

  • Chased by Her   KABANATA 35

    KABANATA 35"Oh, wow. It's good that hindi awkward sa inyo ni Yael na mag work together, 'ha?" manghang sabi ni Freya."Yeah. Hindi ko naman siya lagi nakikita kasi hindi naman ako nagpupunta sa site," sabi ko bago uminom sa copita. Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant around makati. Si Freya lang ang kasama ko dahil busy si Cloud sa trabaho. Same as Gavin, Bea, Kai, and of course, Yael."Huh? Why naman?" takang tanong niya. Humiwa siya ng waffles at isinubo ito bago ako nagtatakang tiningnan."I'm busy dahil sa kumpanya. I mean, not really busy since maaga naman talaga ako natatapos palagi. It's just uhm, maaraw. Ayokong mainitan." pagdadahilan ko. Tumaas ang kilay niya bago ako mapanuring tiningnan."What?" tanong ko. Kung makatingin kasi siya eh parang sinasabi niyang nagsisinungaling ako."Mainit ba talaga o..."

  • Chased by Her   KABANATA 34

    KABANATA 34"Good morning, Ms. Dizon. Ito na po 'yung pinagawa niyong report," nakangiting bati ng babaeng empleyado nang makapasok siya sa loob ng opisina. Nang tinanggap ko 'yon ay mabilis siyang tumango at naglakad paalis. Si Alec ang dapat gumagawa nito pero on leave siya ngayon. Ang alam ko ay family vacation ang dahilan kaya siya nagpaalam na mawawala ng ilang araw. 'Yung babaeng pumasok kanina ay basta ko na lang na tinawag kanina sa labas para maging kapalit ni Alec. Syempre, dinagdagan ko rin ang sahod.Matapos nang araw na 'yon ay hindi ko na ulit nakita si Yael. Si Alec ang pinapapunta ko sa site kung gusto kong makita ang mga nangyayari roon. Pinapavideohan ko o 'di kaya naman pinapakuhanan ko siya ng litrato. Tuwing sabado niya ginagawa 'yon pero dahil nga wala siya ngayon, hindi ko muna makikita kung ano-anong nangyayari sa site. Bukod kasi sa marami akong ginagawa ay mainit din sa labas kaya hangga't maaari ay hindi ako

  • Chased by Her   KABANATA 33

    KABANATA 33 "Goddammit..." asar na bulong ko. Marahas kong itinapon ang cellphone sa kama bago padabog na tumayo. First day of work, late. Yey. Mabilis kong kinuha ang tuwalya ko at nagmamadaling pumasok ng banyo. Mag-aalas nuebe na nang magising ako kaya naman ganito na lang ang pagmamadali ko. Ang usapan kasi ay kikitain ko ang secretary ni daddy ng alas nuebe ng umaga. Napahaba kasi 'yung call namin nina Cloud kagabi kaya late na rin ako nakatulog. Kamalas-malasan pang late rin ako nagising. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko alam kung maayos na pagligo pa ba 'yung ginawa ko. Hindi na ako nakapag-scrub dahil wala na akong oras. Nagsuot ako ng itim na tube na pinatungan ng blazer. I paired it with a wide leg pants at nagsuot ng takong na may taas na 5 inches. Binlower ko lang ang buhok ko at lumabas na. Sa opisina na lang siguro ako magsusuklay. Nang makasaka

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status