Share

KABANATA 6

last update Huling Na-update: 2021-07-02 13:13:51

KABANATA 6

"15 minutes left." Huminga ako nang malalim bago tumayo at lumapit sa prof kong nasa harapan. Pinasa ko ang papel ko na laman ang sagot ko at bumalik sa upuan para kunin ang bag ko. Kaunti na lang ang tao sa room dahil malapit nang mag-time. Mabuti na lang at natapos ako nang mas maaga kesa sa inaahasahan ko.

Ngayon ang last day ng finals namin kaya naman grabe na lang ang luwag ng dibdib ko ngayong alam kong tapos na 'to. Medyo confident ako sa mga sagot ko sa mga nagdaang test kaya naman kahit kakaunting kaba ay hindi ko maramdaman. Grabeng review kasi ang ginawa ko sa mga nagdaang araw kaya marami akong nasagutan na tanong na alam na alam ko talaga ang sagot. Laking pasasalamat ko nga at nandyan si Cade dahil grabe ang natulong niya sa'kin. Lahat ng lessons na hindi ko matandaan ay siya ang nagpaliwanag. 

Malapit nang magdilim kaya naman binilisan ko nang maglakad. Marami pa rin akong kasabay habang naglalakad papuntang carpark dahil gaya ko ay katatapos lang din nila mag exam.

Pagdating ko sa carpark ay agad kong natanaw ang sasakyan ni Cade na nag-aabang sa'kin. Nasa harap siya noon habang kausap si Freya. Pinagtitinginan silang dalawa ng mga taong dumaraan don. Iniisip siguro ng mga estudyante ay magkarelasyon ang dalawang 'to. Niyaya kase ako ni Cade na mag-mall after ng exam namin at sino ba naman ako para tumanggi? Galante si Cade kaya masarap siyang kasama 'pag nagm-mall. Sa sobrang galante niya ay pati si Freya ay inaya niya na sumama kahit alam niya namang sobrang gastador nito. Niyaya niya nga rin sina Cloud pero hindi makakapunta sila Cloud dahil may lakad daw sila ni Kai, last week pa nila plinano. Kilala niya si Freya dahil si Freya lang naman ang kasa-kasama ko noon sa school. Sina Cloud at Kai ay kilala niya rin. Si Yael lang ang hindi dahil noong nakilala ko si Yael ay nakalipad na siya papuntang new york. Madalas din kasing pumunta si Freya sa bahay namin hindi gaya nina Cloud na tuwing may event lang. Medyo takot sina Cloud kay mommy, eh.

"How's your test?" agad na tanong ni Cade nang makalapit ako sa kanila.

"It's just fine. Hindi ako masyadong nahirapan," nagmamalaking sabi ko.

"Good. Let's go?" yaya niya sa'min. Agad kaming pumasok sa sasakyan niya at umupo sa kanya-kanyang pwesto. Ako sa tabi ni Cade at si Freya naman ay nasa likod.

"Saan niyo ba gustong pumunta?" tanong ni Cade. Nag-umpisa siyang mag-maneho palabas ng ateneo.

"Kahit saan? I don't know. Ask Freya," suhestiyon ko. Si Freya kase ang magaling sa mga ganitong bagay. Tuwing nagm-mall kase kami ay nagpapahila lang ako kung saan niya gustong pumunta. Kahit na minsan ay bago ako sa mga pinupuntahan niya ay nae-enjoy ko rin 'yon. Si Freya 'yung tipo ng tao na sobrang arte pero hindi nakaka-bored kasama.

"I wanna buy new clothes. Are you gonna treat us, Cade?" maarteng tanong ni Freya. Sanay na kami sa tono ng pananalita niya. Hindi malanding tono kung hindi maarte. Parang ipaparamdam sayo na dapat ikaw ang pinakamalinis na tao kung gusto mong makipag-usap sa kanya.

"Yeah," maikling sagot ni Cade, hindi man lang inaalis ang tingin sa daan. Just like me, Freya's used of Cade's cold personality.

"Okay. Maybe let's go shopping first? Then let's go to spa to have a body massage. School's stressful these days kaya we need to relax na. After spa, we eat. Then go home after that." Tumango-tango ako at sumang-ayon kay Freya. We do really need a body massage. Siguro ay maraming buto ang maglalagatukan 'pag minasahe ako. Antagal ko ring hindi nagpamasahe.

"Okay, then." Tugtog lang ang bumubuhay sa byahe namin dahil walang nagtatangkang bumukas ng topic. I know Freya's tired of school kaya nananahimik. Ganon din naman ako kaya ayoko na lang magsalita, pagod din ang bibig ko. Siguro ay ramdam ni Cade ang pagod namin kaya hindi siya nagsasalita. O baka wala lang talaga siyang pake kung mag-ingay o manahimik kami rito.

Mabilis ang naging byahe namin dahil walang traffic. Ewan ko kung saan dumaan si Cade at nalusutan ang traffic sa edsa. Pagdating namin sa Makati ay doon lang bumalik ang sigla namin ni Freya. Siya, dahil sa pagka-excite mag-shopping at ako naman ay excited sa body massage. Greenbelt 5 ang pangalan ng mall na hinintuan namin.

"Let's go to Michael Kors. I want a new bag!" Kaunti na lang ay parang titili na si Freya sa sobrang saya. Dahil sa pagka-excite niya ay na-excite na rin ako. Mahilig din ako sa mga damit at bags pero hindi umaabot sa kinaaadikan ko na ito.

Nang makapasok kami sa store ng Michael Kors ay agad na nagningning ang mata ni Freya. Ako naman ay nag-umpisa nang magtingin-tingin ng mga bagay na gusto kong bilhin. Si Cade naman ay sunod lang nang sunod sa'min.

"What do you think about this, Emma? Does it look good on me?" tanong ni Freya habang suot ang isang handbag. Nag-pose pa siya sa harapan ko na parang isang modelo para lang malaman kung maganda ba ito sa kanya.

"Yep. Maganda." Nag-thumbs up ako sa kanya. Kahit dahon ng saging ang gawin mong bag Freya, babagay sayo. She's a fashionista, kahit pangit na damit ay napapaganda niya.

"Cade, do we have a limit ba? Or we can have anything we want?" tanong niya kay Cade. Kilala ko si Freya, hindi 'yan makukuntento sa isang bagay 'pag nags-shopping.

"Kunin niyo kung ano mang gusto niyo. I'll pay for it." Agad na napabulong si Freya ng "YES" nang marinig niya 'yon. Lumapit sa'kin si Cade na may dalang green long sleeve dress.

"Try this one, Emma. I think it'll look good on you." Kinuha ko ang hawak niyang dress at pumunta sa fitting room. Pagkalabas ko ay agad siyang nag-thumbs up kaya naman kinuha na namin. Lumipas ang minuto ay marami na rin kaming napamili. Mas marami ang kay Freya kesa sa'kin. And ofcourse, Cade paid for it.

Bigtime.

Pagtapos naming mamili ay huminto kami sa isang spa. Kami lang ni Freya ang magpapamasahe dahil hindi naman daw kailangan ni Cade. Sa labas lang tuloy siya naghihintay.

Halos hubo kami ni Freya habang nakadapa sa spa bed. Tahimik lang ang dalawang babaeng nagmamasahe sa'min kaya naman boses lang namin ni Freya ang maririnig sa kwartong inuukupahan namin.

"Emma? You like Yael 'di ba?" Freya asked out of the blue. Napahinto ako saglit bago sumagot. What's the point of denying it? Freya knew it almost three years ago. Saka marami namang Yael sa mundo at imposibleng kilala ng dalawang masahista ang Yael na pinag-uusapan namin.

"Yes. Why?"

"What are you gonna do about your feelings? I mean, anong plano mo? Are you still going to keep it? You like him for three years already, Emma. Hindi mo ba aaminin 'yan?"

"I don't know. He's still madly inlove with his ex, Frey. Irereject ako non."

"So? Just confess. Do not expect that he'll give you the same love you're willing to give to him. Love him unconditionally. Do not expect him to love you back. Just confess. Mas mahirap ang nagtatago, Emma. Patago kang nagseselos, patago ka ring nasasaktan."

"I-I don't know. Maybe I'll think of it some other time." Hindi na nagsalita si Freya matapos kong sabihin 'yon. Hanggang sa matapos na kaming masahihin ay 'yon ang naging laman ng isip ko.

Mas mabuti bang umamin na nga ako?

Totoo ang sinabi ni Freya, mahirap 'yung nagtatago ng nararamdaman. Patago rin kase akong nasasaktan. Pero paano kung matapos kong umamin ay wala siyang gawin?

Ofcourse, Emma. Wala siyang gagawin. Duh! Alam mo naman na inlove pa sa ex 'yung tao. Don't expect na lalayuan niya 'yung ex niya para hindi ka masaktan. Umamin ka lang, don't expect him to reciprocate. Para na rin mabawasan niya 'yung mga ginagawa niya na nalalagyan mo ng malisya.

"Where do you wanna eat?"

"I think sa Kimpura na lang? Karamihan sa mga resto ay sarado na," suhestiyon ko. Hindi masyadong engrandeng kainan ang kimpura gaya ng nakasanayan namin pero aarte pa ba kami? Masarap din naman ang mga pagkain sa Kimpura. Mag-gagabi na rin kase kaya maraming resto na ang sarado.

"Kimpura, then." Dala ang mga pinamili namin ay lumakad kami papuntang Kimpura. Pagdating namin doon ay kaunti na lang din ang tao kaya naman asikasong-asikaso kami.

Si Cade na ang umorder dahil wala naman kaming masyadong alam ni Freya sa mga japanese foods. Nang makarating ang order ay mabilis lang kaming kumain. Mag-gagabi na kaya kailangan naming magmadali. It's not like may mga curfew kami pero ihahatid pa kase namin si Freya sa bahay nila. Malayo pa naman ang bahay ni Freya sa bahay namin kaya baka gabihin kami nang husto sa daan.

Dala-dala ang mga pinamili namin ay naglakad kami papuntang carpark. Mas marami ang bitbit ni Cade kesa sa aming dalawa ni Freya kaya naman hindi kami nahirapan. Mabuti na lang at malapit lang ang pinag-parkan ni Cade ng kotse kaya narating namin agad 'yon.

"FREYA!" Agad kaming napahinto sa paglalagay ng mga paperbags sa compartment nang may tumawag kay Freya. Si Cade lang ata ang deadma sa kung sino mang tumawag sa'min.

"Oh, Kai? What are you doing here?" Tuluyan akong napalingon sa likod at doon ko nakita si Kai, Cloud, at Yael.

"Galing kami ni Cloud sa greenbelt 3. Puno ang carpark doon kaya dito kami pumarada. Nadaanan lang namin si Yael sa isang store kaya isinabay na namin. Kayo? Anong ginagawa niyo rito? AHA! Nagbo-boy hunting kayo 'no?"

"Boy hunting? Sa mall? Tss, you're stupid," maarteng sagot ni Freya. Magtatanong pa sana si Kai pero biglang bumaba si Cade ng sasakyan.

"OMAYGAS! CADEEE?!" agad na lumapit si Cloud kay Cade at hinawakan ang mukha nito. Tila ba sinisigurado kung si Cade nga ba 'yon.

I remember na crush na crush ni Cloud si Cade noong highschool pa lang kami pero natigil noong g-graduate na kami. Masyado kasing masungit si Cade kaya hindi kinaya ni Cloud. They became friends after that.

"Hey," bati sa kanya ni Cade.

"OMG! Ikaw nga! Antagal mo ring nawala, ah? Ambango mo, amoy imported. May pabango ba ang hangin sa New York?" biro ni Cloud. Mahina namang tumawa si Cade. Nagbatian din sila ni Kai at nagbiruan. Lumipat ang tingin ni Cade kay Yael bago tumingin sa'kin. Hinila ko si Cade papalapit kay Yael at ipinakilala ito.

"Cade, this is Yael, a friend. Yael, this is Cade, my brother," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Pormal ang naging usapan nila bago bumalik sa tabi ko si Cade. Ganyan talaga siya, 'pag kakakilala niya pa lang ay lalabas ang sungit effect niyang ugali.

"Oh, paano? Una na kami, ha? Ihahatid pa namin si Freya, eh," paalam ko.

"Kami rin." Tinanguan ko silang tatlo bago pumasok sa sasakyan. Agad na pinaandar 'yon ni Yael nang makapag-seat belt ako. Tahimik ang naging byahe at tanging tugtog lang sa radyo ang nagbibigay buhay sa loob ng kotse. Matapos naming mahatid si Freya ay nagmaneho na si Cade papuntang bahay. Mabuti na lang at walang masyadong traffic dahil gabi na rin, kaunti na lang ang sasakyan sa dinadaanan namin.

Alas diez na ng gabi nang makarating kami sa bahay. Tahimik na ang loob at patay na rin ang mga ilaw. Inihatid ako ni Cade sa kwarto ko dahil hindi ko kaya bitbitin ang mga ipinamili niya sa'kin.

"Thank you." Akala ko ay lalabas na siya matapos kong magpasalamat pero nanatili pa rin siya sa pinto ng kwarto ko, nakatitig sa'kin.

"What? Do you still need anything?" tanong ko. Hindi kase niya inaalis ang titig niya sa'kin na tila ba kinikilatis ang buong pagkatao ko.

"You lied to me." Agad akong napatitig sa kanya. Huh?

"Ano? Kailan?" tanong ko.

"You told me that you don't like someone." Agad bumilis ang tibok ng puso ko.

"Oo nga."

"You like that Yael, huh?" parang nang-aasar niyang tanong. Sumabog ang tanong sa utak ko. Paano niya nalaman? Kakakita lang nila kanina, ah? May nagsabi ba sa kanya? Mygad, tsismosa.

"P-Paano mo nalaman?"

"Tsk. I know you too well, Emanuelle. The way you look at him, halatang-halata. Tanga na lang ata ang hindi makakaalam na may gusto ka sa kanya. Anyway, inamin mo na ba?"

"Not yet."

"What? Why?"

"He's still inlove with his ex, Cade." 

"Ow. Mahirap 'yon pero kaya mo 'yan. I always got your back. Anyway, matutulog na ako. Goodnight, Emma."

"Goodnight. Thank you for today's treat." Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko bago lumabas. Napabuntong hininga ako, grabeng bilis niya naman malaman. Isang tingin lang ay alam niya agad na gusto ko 'yung tao.

Napahinto ako bigla. Sabi niya ay tanga na lang daw ang hindi makakakita na gusto ko si Yael dahil sa sobrang halata ko.

Does that mean na nahalata na rin ni Kai 'yon? O 'di kaya ni Yael? Pusang gala naman, oh. Hindi pa nga naamin ay mabubuko na.

To be continued...

Kaugnay na kabanata

  • Chased by Her   KABANATA 7

    KABANATA 7Halos madapa ako dahil sa suot kong mataas na takong. Hindi magkamayaw ang kamay ko sa paghahanap kung nasaan ang susi ng sasakyan ko. Nang mahanap ko 'yon ay dali-dali akong bumaba at hindi na nag-abalang mag paalam kanila mommy. Alam naman nila na may lakad ako ngayon dahil nakapag-paalam na ako noong nakaraan.Magaalas-diez na ng gabi pero heto ako ngayon, pasakay pa lang sa kotse. Ang usapan namin ni Freya ay susunduin ko siya sa bahay nila ng 9:00 pm. Siguradong kung ano-ano nang ginamit niyang lenggwahe para lang mamura ako.Natulog kasi ako kaninang hapon and I overslept. Alas nuebe na ako nagising. Idagdag mo pa ang pag-aayos ko kaya mas lalo akong natagalan. Kung siguro ay may mga pulis lang sa mga dinaraanan ko ay nakasuhan na ako ng fast dri

    Huling Na-update : 2021-07-03
  • Chased by Her   KABANATA 8

    KABANATA 8Kahit marami akong alak na nainom ay gising na gising pa rin ako. Alas kuatro na ng umaga ngunit mulat na mulat pa rin ang mga mata ko, iniisip ang ginawa namin ni Yael sa bar kanina. Hindi ko mawala sa isip ko 'yon dahil pakiramdam ko ay nakadikit pa rin sa'kin ang labi ni Yael. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kahit na alam kong mali ang ginawa namin kanina ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti.'Yon 'yung first kiss namin ni Yael. Hindi na ako magpapahalik pa sa ibang lalaki.'Yan lang ang nasa isip ko magdamag. Kung pwede nga lang ay huwag na akong mag toothbrush ay ginawa ko na para lang hindi mawala ang pakiramdam ng halik niya sa labi ko.Dahil sa pag-iisip at puyat ay bangag na bangag ako kinabukasan. Sobrang sakit din ng ulo ko. Matinding ha

    Huling Na-update : 2021-07-04
  • Chased by Her   KABANATA 9

    KABANATA 9"Did you include Claudine and your other friends in your invitation?" tanong ni mommy mula sa labas ng kwarto ko. "Yes po, makakapunta raw po sila," sagot ko. "Okay, get ready na anak." Iyon lamang ang huling sinabi ni mommy bago ko marinig ang papalayong yabag ng mga paa niya. Hapon na at papalubog na ang araw kaya bumangon na ako para maligo. It's Saturday at ngayon na ang anniversary nila mommy. Ininvite ko sina Cloud noong nakaraan at makakapunta silang lahat. Including Yael. Simula noong nangyari ang insidente sa starbucks ay ako na ang naging sandalan ni Yael. Ako lang kasi ang nakakaalam noong nangyari noong araw na iyon kaya sa mga sumunod na araw ay ako ang napagsasabihan ni Yael ng problema niy

    Huling Na-update : 2021-07-05
  • Chased by Her   KABANATA 10

    KABANATA 10"So I guess, we're done for today?" Halos sabay-sabay na tumayo ang mga estudyante sa classroom na pinapasukan ko nang sabihin 'yon ng professor. Nagmamadali akong lumabas dahil medyo malayo-layo sa classroom na 'yon ang meeting room ng mga miyembro ng student council. Halos lakad-takbo na ang ginawa ko, makarating lang doon.Pagkarating ko roon ay nagpapasalamat akong kakaumpisa lang nila. They're having a meeting because of interhigh kase. Malapit na 'yon kaya naman nagpatawag agad 'yung president namin ng meeting. Umupo ako sa tabi ni Rio, 'yung president namin. "Congratulations, Emma. First time mong ma-late," biro niya sa'kin. Kahit alam kong biro 'yon ay nag-paumanhin pa rin ako dahil late naman talaga ako.

    Huling Na-update : 2021-07-05
  • Chased by Her   KABANATA 11

    KABANATA 11"Water break!" sigaw ni coach. Agad na nagsitakbuhan ang mga co-players ko sa mga gamit nila. Ganon din ang ginawa ko. Marami pang minuto nang matapos akong uminom kaya sumilip ako kung nasaan sina Freya nagpa-practice. Sa BEG (Blue Eagle Gym) sila naglalagi ngayon dahil chants lang naman ang pinapractice nila."Sst!" tawag ko kay Freya. Mukhang water break din nila kaya naman lumapit siya sa'kin."What? Water break niyo rin?" tanong niya. Tumango ako. Mukhang masama ang timpla ni Freya dahil nakakunot ang dalawang kilay niya. "Ba't ganyan mukha mo? May nangyari ba?" tanong ko. Inayos ko ang isang takas ng buhok niya at inilagay 'yon sa tainga niya.

    Huling Na-update : 2021-07-05
  • Chased by Her   KABANATA 12

    KABANATA 12Lumipas ang mga araw na hindi kami nagkita ni Yael. Tuwing magyayaya si Cloud na mag bar ay hindi ako sumasama lalo na't alam kong nandoon si Yael. Hindi ko pa siya kayang harapin kaya kung ano ano ang idinadahilan ko para lang hindi makasama."Hey, let's talk nga." Humarap ako kay Freya. Kanina niya pa ako hinahabol sa hallway pero hindi ko siya pinapansin dahil alam kong mamimilit lang siya na sumama ako mamaya mag bar hopping sa BGC."Kung pipilitin mo pa rin ako na sumama sa lakad niyo mamaya nina Cloud, wala kang mapapala sa'kin, Freya. Hindi ako makakasama dahil busy ako." Nagsimula ulit akong maglakad. Kakatapos lang ng last subject ko ngayong araw pero hindi pa rin ako umuuwi dahil nagpatawag ng meeting 'yung President ng student council. Ewan ko kung para saan

    Huling Na-update : 2021-07-05
  • Chased by Her   KABANATA 13

    KABANATA 13"OUCH..." daing ko. Kanina ko pa sinasabunutan ang sarili ko, matigil lang 'yung sakit ng ulo. "Baliw ka kase. Bakit andami mong ininom? Broken ka ba, girl?" Lumapit sa'kin si Mia. Umupo siya sa kama ko bago ilagay ang palad niya sa noo ko. Tinitigan ko siya. Anong ginagawa niya?"Hoy Mia anong ginagawa mo? Hangover 'yan te, hindi lagnat. Ito oh, inumin mo." Lumapit sa'kin si Kiara at may ibinigay na gamot. Pang-hangover daw 'yon kaya naman ininom ko agad."Salamat." Pumikit ako nang mariin. Mamaya na kami uuwi at ayoko umuwi sa bahay na ganito kasakit ang ulo. Baka paulanan na naman ako ng sermon ni mommy. "Baba na kami, ah?" paalam ni Mia

    Huling Na-update : 2021-07-06
  • Chased by Her   KABANATA 14

    KABANATA 14Simula noong araw na 'yon ay nabawasan ang awkwardness sa'min ni Yael. Nakakapag-usap na kami kahit hindi katulad ng dati. Pero okay lang 'yon sa'kin dahil kahit papaano, bumabalik na kami sa dati. Nabawasan man 'yung dating closeness, atleast hindi niya ako tinataboy palayo. "YAEL!" malakas na tawag ko. Humabol ako sa kanya nang makita ko siyang papalabas na ng ateneo. Tumambay kase sila rito ni Kai. Hindi kasama si Cloud dahil hindi siya bakante ngayon. Nauna namang umalis si Kai dahil mas maaga ang pasok niya kesa kay Yael. "Bakit?" tanong niya nang makalapit ako sa kanya. Tipid akong ngumiti, ang pogi talaga ng lalaking 'to. "Date tayo." Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Noong isang araw ko pa pinag-i

    Huling Na-update : 2021-07-06

Pinakabagong kabanata

  • Chased by Her   WAKAS

    WAKAS "Pwede ba, Yael? Bitiwan mo ako! Wala kang ginawang masama pero ayoko na! Pabayaan mo na ako, Yael. Oo, ayos tayo kahapon pero dahil 'yon sa tinitiis lang kitang makasama. Ayoko biglain ka kaya naman tiniis kong samahan kita kahapon pero Yael, ayoko na." I felt my body numb. Hindi ko alam kung anong ginawa ko at naisipan ni Anya na hiwalayan ako. I gave everything to her. I'm always by her side whenever her parents is having a fight. "Bastos ka, ah!" I was about to walk out in that club when I heard that shout. Mabilis akong napalingon kung saan nanggaling ang sigaw na 'yon. There, I saw a tall blonde woman, being harrased by a drunk man. Mabilis akong lumapit sa kanila at sinapak 'yung lalaki. Kita ko pang napatalsik 'yung babae dahil sinapak ko 'yung lasing. I punched the guy several times until Kai, a friend of mine restrained me from punching. "Yael, tigilan mo na. Andito na 'yung mga bouncer," sabi niya at inilayo ako roon sa lasing na lalaki. Pinunasan ko ang dugo

  • Chased by Her   KABANATA 40

    KABANATA 40 "Hey, mommy..." matamlay na tawag ko. "You look stressed, Emma. Why? Your father's secretary told me that you weren't working for 2 weeks. Is there any problem, hm? Care to share?" malambing na tanong niya. Ngumiwi ako. I'm not stressed, really. It's just a pregnancy thing. I'm tinatamad everyday. "Uh...no, it's nothing," hilaw na sabi ko. Gusto ko nang matulog. "Are you sure? Do you wanna go home?" tanong niya uli. Kita ko ang pagkuha niya ng copita at sinalinan 'yon ng wine. Ngumiwi uli ako. "I hate wines now," wala sa sarili kong sabi. Kita kong natigilan si mommy at gulat na napatingin sa'kin. "What? Impossible," sabi niya, nanlalaki pa ang mga mata. Nagkibit balikat ako at tiningnan si Yael na nasa harap ko. Nasa balkonahe kami ng penthouse niya. May lamesa kase rito na pang dal

  • Chased by Her   KABANATA 39

    KABANATA 39 "I'm sorry." "You think you're someone that I need?" "I can't love you back." Isa-isang tumulo 'yung mga luha ko. Those memories keep hunting me hanggang ngayon. Sa tuwing naalala ko 'yung mga 'yon ay agad kong kinikuwestiyon ang importansiya ng buong pagkatao ko. "Baby, wake up..." rinig kong boses ng isang pamilyar na lalaki. Mas lalo akong napahikbi. I don't want those memories. I want to forget all of them. "Hey, Emma. Wake up," sabi ulit ng lalaki. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Noong una ay hindi ko pa masyadong maaninag kung sino ang nasa harapan ko dahil basang-basa ang mga mata ko. Ilang segundo lang ang lumipas nang makita kong si Yael 'yon. "What's wrong? Bad dream?" nag-aalalang tanong niya sa'kin. Tinitigan ko siya

  • Chased by Her   KABANATA 38

    KABANATA 38 Mabilis akong napatakip ng mga mata nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Inis kong kinuha ang unan mula sa gilid ko at itinakip 'yon sa'kin. "Hmm..." Sandali akong natigilan. Who's that? Kinakabahan kong tinanggal ang takip sa mukha ko at tiningnan ang katabi ko. "Oh, shit," nanlalaki ang mga mata kong bulong nang makita si Yael na nasa tabi ko, mahigpit ang yakap sa'kin. "Oh my ghod," muli kong bulong at natakpan pa ang bibig nang maalala isa-isa 'yung ginawa namin kagabi. Marahan kong hinawakan ang kumot at itinaas ito para makita kung anong nasa ilalim nito. He's still naked! Damn, ako rin! "Baby, stop moving..." inaantok na sabi ni Yael at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa'kin. Asar ko siyang pinalo sa braso at pilit na inalis ang pagkakayakap sa'

  • Chased by Her   KABANATA 37

    KABANATA 37 "Hello, beautiful." "Isaac!" malaki ang ngiting bati ko. Binitawan ko ang gym bag ko at mabilis na tumakbo papalapit sa kanya. "Kumusta na?" tanong niya sa'kin bago ako yakapin. Siya rin ang kumalas non bago tingnan ang kabuoan ko. "Wow," manghang tingin niya sa'kin. Humalakhak ako at kunwaring hinawi ang buhok. "What?" natatawang tanong ko. "You've grown up. Mas lalo kang tumangkad, huh?" "Yup. Mana kay mommy." "Yeah, I can see that. So, what brought you here?" nakataas ang kilay na tanong niya. "Cardio," nakangising sabi ko bago hubarin ang jacket ko at hinagis 'yon sa gilid kung saan ko iniwan ang gym bag ko. Tumambad ang itim na suot kong sports bra at ang pinaghirapan kong katawan sa loob ng limang

  • Chased by Her   KABANATA 36

    KABANATA 36"Any update?" nakangising tanong ko kay Cade mula sa screen ng laptop ko. It's 3:00 pm here while sa New York ay 3:00 am. Kausap ko siya sa face time at kinukulit kung meron na bang update sa babae niya. Ewan ko kung bakit gising pa 'to sa ganitong oras eh laging pagod sa trabaho 'to kaya dapat nagpapahinga na siya ngayon."Well, she's single. Your curse on me last week didn't work," nakangisi ring sagot niya. Tumaas ang kilay ko bago umirap."What curse?" takang tanong ko sa kanya."Can't remember anything, eh? Isinumpa mo ako na sana taken na siya, remember?" naiiling na sabi niya."Psh. Malamang, hindi talaga magwo-work 'yon! Bakit? Kinabahan ka ba nung sinabi ko 'yon?" nang-aasar na sabi ko. Saglit kong kinuha ang tumbler sa gilid ko para uminom bago ibalik ang paningin ko sa screen."Sabagay, hindi talaga magwo-w

  • Chased by Her   KABANATA 35

    KABANATA 35"Oh, wow. It's good that hindi awkward sa inyo ni Yael na mag work together, 'ha?" manghang sabi ni Freya."Yeah. Hindi ko naman siya lagi nakikita kasi hindi naman ako nagpupunta sa site," sabi ko bago uminom sa copita. Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant around makati. Si Freya lang ang kasama ko dahil busy si Cloud sa trabaho. Same as Gavin, Bea, Kai, and of course, Yael."Huh? Why naman?" takang tanong niya. Humiwa siya ng waffles at isinubo ito bago ako nagtatakang tiningnan."I'm busy dahil sa kumpanya. I mean, not really busy since maaga naman talaga ako natatapos palagi. It's just uhm, maaraw. Ayokong mainitan." pagdadahilan ko. Tumaas ang kilay niya bago ako mapanuring tiningnan."What?" tanong ko. Kung makatingin kasi siya eh parang sinasabi niyang nagsisinungaling ako."Mainit ba talaga o..."

  • Chased by Her   KABANATA 34

    KABANATA 34"Good morning, Ms. Dizon. Ito na po 'yung pinagawa niyong report," nakangiting bati ng babaeng empleyado nang makapasok siya sa loob ng opisina. Nang tinanggap ko 'yon ay mabilis siyang tumango at naglakad paalis. Si Alec ang dapat gumagawa nito pero on leave siya ngayon. Ang alam ko ay family vacation ang dahilan kaya siya nagpaalam na mawawala ng ilang araw. 'Yung babaeng pumasok kanina ay basta ko na lang na tinawag kanina sa labas para maging kapalit ni Alec. Syempre, dinagdagan ko rin ang sahod.Matapos nang araw na 'yon ay hindi ko na ulit nakita si Yael. Si Alec ang pinapapunta ko sa site kung gusto kong makita ang mga nangyayari roon. Pinapavideohan ko o 'di kaya naman pinapakuhanan ko siya ng litrato. Tuwing sabado niya ginagawa 'yon pero dahil nga wala siya ngayon, hindi ko muna makikita kung ano-anong nangyayari sa site. Bukod kasi sa marami akong ginagawa ay mainit din sa labas kaya hangga't maaari ay hindi ako

  • Chased by Her   KABANATA 33

    KABANATA 33 "Goddammit..." asar na bulong ko. Marahas kong itinapon ang cellphone sa kama bago padabog na tumayo. First day of work, late. Yey. Mabilis kong kinuha ang tuwalya ko at nagmamadaling pumasok ng banyo. Mag-aalas nuebe na nang magising ako kaya naman ganito na lang ang pagmamadali ko. Ang usapan kasi ay kikitain ko ang secretary ni daddy ng alas nuebe ng umaga. Napahaba kasi 'yung call namin nina Cloud kagabi kaya late na rin ako nakatulog. Kamalas-malasan pang late rin ako nagising. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko alam kung maayos na pagligo pa ba 'yung ginawa ko. Hindi na ako nakapag-scrub dahil wala na akong oras. Nagsuot ako ng itim na tube na pinatungan ng blazer. I paired it with a wide leg pants at nagsuot ng takong na may taas na 5 inches. Binlower ko lang ang buhok ko at lumabas na. Sa opisina na lang siguro ako magsusuklay. Nang makasaka

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status