KABANATA 8
Kahit marami akong alak na nainom ay gising na gising pa rin ako. Alas kuatro na ng umaga ngunit mulat na mulat pa rin ang mga mata ko, iniisip ang ginawa namin ni Yael sa bar kanina. Hindi ko mawala sa isip ko 'yon dahil pakiramdam ko ay nakadikit pa rin sa'kin ang labi ni Yael. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kahit na alam kong mali ang ginawa namin kanina ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti.
'Yon 'yung first kiss namin ni Yael. Hindi na ako magpapahalik pa sa ibang lalaki.
'Yan lang ang nasa isip ko magdamag. Kung pwede nga lang ay huwag na akong mag toothbrush ay ginawa ko na para lang hindi mawala ang pakiramdam ng halik niya sa labi ko.
Dahil sa pag-iisip at puyat ay bangag na bangag ako kinabukasan. Sobrang sakit din ng ulo ko. Matinding hangover ang nararamdaman ko kaya naman halos magising na ang buong subdivision dahil sa sermon ni mommy sa'kin. Hindi naman ako bawal uminom, 'wag lang ako aabot sa point na parang nakahithit na ng drugs dahil sa sobrang pagka-sabog.
"That's what I'm telling you, Emanuelle! I'm not prohibiting you from drinking alcohol pero please naman, anak! It looks like you drink all the alcohol on that bar. Mukha kang sabog! Mukhang naka-drugs!" bulyaw na naman sa'kin ni mommy. Grabe na lang ang sermon niya sa'kin lalo na kanina na halos maiyak na ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Idagdag mo pa na para akong ginahasa dahil sa sobrang gulo ng buhok ko. Nangitim ang ilalim ng mga mata ko dahil sa puyat.
"Ilan bang case ng Jack Daniels ang ininom mo kagabi, Emma? Nilaklak mo ba lahat ng alak doon?" nang-aasar na tanong sa'kin ni daddy. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagtitig sa pagkaing nasa harapan ko. Cade's eating silently, walang pake sa nangyayari sa harapan niya.
Mabuti na lang at tumigil na sa kakasermon si mommy at nagpatuloy na sa pagkain niya ng tanghalian. Yes, lunch na noong magising ako dahil sa sobrang puyat.
"Mommy what are your plans for your upcoming anniversary with dad?" biglang tanong ni Cade. Nakuha naman non ang atensyon ko. 'Pag nags-celeberate kasi ng anniversary sina mom and dad ay kadalasan sa ibang bansa. Minsan kasama kami, minsan naman hindi.
"Uh, we already talked about that last week. We're planning to celebrate our anniversary here sa house na lang. We won't make an effort to go out of the country since busy ang daddy mo sa company. You should invite your friends since I'm inviting mine, also. It's so sad naman if tayo lang 'di ba? Parang kumain lang tayo ng simpleng dinner." Tumango-tango ako. Maybe I should invite Cloud? Kai and Freya rin. And Yael? I'm not sure. Nahihiya pa rin ako sa ginawa namin kagabi.
"Why ask, Cade? Are you planning to stay here until our anniversary? I thought you will only stay here for a week?" si daddy. Napatingin naman ako kay Cade. It's been three years since his last anniversary celebration with us.
"I'm staying 'till your anniversary, dad. Three days more wont hurt naman," si Cade. Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi na sila pinansin. Nag dadalawang isip ako kung aayain ko si Yael. 'Pag niyaya ko si Cloud, Kai, and Freya, ang unfair naman non sa kanya since kasali rin naman siya sa circle of friends namin.
Siguro naman ay wala lang sa kanya 'yung paghahalikan namin kagabi 'di ba? Mahal niya pa 'yung ex niya kaya sigurado akong simpleng momol lang 'yon para sa kanya.
Sige, i-iinvite ko na lang rin since magmu-mukhang awkward kung hindi ko siya isasama. Baka pugpugin pa ako ng mga tanong nina Cloud kung nalaman nilang hindi ko ininvite si Yael. Baka batukan pa ako non kung sakaling sabihin ko na nakalimutan kong i-invite.
"Emma, mom's asking you something. Ano? Sabog ka pa rin?" Mabilis akong napaangat ng tingin kila mommy. Lahat sila ay nakatingin sa'kin at naghihintay ng sagot. Ano ba kasi 'yung tanong? Hindi ko narinig, eh. Busy ako makipag-talo sa isip ko.
"A-Ano po 'yun?" Lalong tumaas ang kilay ni mommy. Siguradong napansin niya na hindi ko siya pinapakinggan kanina pa.
Kasalanan mo 'to, Yael. Bakit mo kasi minukbang 'yung labi ko kagabi?
"I'm asking if you already bought a dress for the anniversary, Emma."
"Uh, Cade already bought me--"
"I think it won't suit sa theme ng event, Emma. Anniversary 'di ba? Para kang mamamasyal sa bukid o kaya sa hardin 'pag 'yon ang suot mo," putol sa'kin ni Cade. Napaisip naman ako bigla. 'Yung longsleeve dress nga na 'yon ay hindi babagay sa tema ng event. Parang mamimitas ako ng bulaklak kung 'yon ang susuotin ko.
"You should buy a new one, iha. I saw your closet, wala akong nagustuhan na damit na pwede mong suotin for the anniversary," suhestiyon ni mommy. Agad naman akong napatango. Nakita ko nga kahapon na nagsisimula nang maglumaan ang mga damit ko roon.
"Sige po, aalis po ako mamaya."
"Do you need a ride?" alok ni Cade sa'kin ngunit umiling lang ako. May sarili naman akong kotse at marunong naman akong magmaneho kaya bakit pa magpapahatid 'di ba?
Matapos ng tanghalian ay agad akong umakyat sa kwarto ko. Ngayon lang ako natauhan sa itsura ko na parang ginahasa. Ang pangit pangit ko na at ang lagkit pa ng katawan ko.
Nagsisisi ako kung bakit hindi ako nag half bath gayong ang haba naman ng oras ko kagabi.Matapos kong mag-ayos ay dumiretso na ako sa garage. Pinatunog ko ang kotse ko bago ako sumakay roon. Nagmaneho ako papuntang SM Aura dahil doon ako madalas namimili ng mga damit 'pag merong okasyong katulad na ganito.
Nang makarating ako roon ay maraming tao agad ang natanaw ko. Malamang, linggo eh. Nag ikot-ikot lang ako roon hanggang sa may madaanan ako roong boutique. Sa labas pa lang ay halatang mamahalin na ang mga benta roon sa loob.
Nang pumasok ako ay agad akong binati ng saleslady na nginitian ko naman. Maraming magagandang damit ang nakasuot sa mannequin na halatang nakakadugo ng bulsa ang presyo. Marami ring sapatos na naka-display pero wala akong balak na bumili dahil puro sapatos ang binili sa'kin ni Cade noong nasa greenbelt kami.
"Ma'am, meron po kaming fitting room doon if you want to try," nakangiting alok sa'kin nung saleslady nang makita niya akong huminto sa harap ng isang dress. Tinanguan ko siya kaya kumuha siya ng dress na kagaya non na pwede kong isukat.
Noong nasukat ko ito ay saktong-sakto lang sa katawan ko kaya kinuha ko na. Hindi na ako bumili ng kung ano-ano pa at dumiretso na palabas ng boutique. Wala naman akong planong magtagal sa mall dahil gusto kong mag pahinga sa bahay mag-hapon. Kulang na kulang pa kase ang tulog ko.
Habang nagmamaneho pauwi ay dumaan muna ako sa starbucks para bumili.
"Iced Americano, please." Agad na isinulat 'yon ng barista.
Umupo muna ako sa bakanteng upuan habang naghihintay. Maayos-ayos na naman ang itsura ko kaya hindi na ako nahihiya kung sino man ang tumingin sa'kin. Habang nagtitingin-tingin sa paligid, nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na bulto malapit sa lamesang kinauupuan ko.
It's Yael!
Pilit kong tinitingnan kung may kasama siya pero ganon na lang ang pag-bagsak ng balikat ko nang makita ko ang papalapit na bulto ni Anya sa lamesa niya. Umayos ako ng upo at nag-panggap na may dinudutdot sa cellphone. Hindi nila ako pwedeng makita. Fresh pa 'yung halikan namin ni Yael kagabi kaya hindi pa ready ang mukha kong humarap sa kanya.
Nang makuha ko ang order ko ay agad akong lumakad palabas ng starbucks, kung saan nandon banda ang lamesang kinauupuan nila. Gusto kong mag-madali pero baka mapansin ako ni Anya at ituro pa ako kay Yael kaya naman normal na lang ang lakad ko.
"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa'kin 'yang rason mo, ha? Kase hirap na hirap na ako sa kakaisip kung saan ako nagkulang. Araw-araw, parang ang bigat-bigat ng dinadala ko. Sabihin mo sa'kin, Anya. Saan ako nagkulang? Pupunan ko, balikan mo lang ako." Palabas na ako ng pinto nang marinig ko ang nag-mamakaawang boses na 'yon ni Yael. Parang pati damdamin ko, gustong umiyak nang marinig ko 'yon.
That kiss from yesterday... he's just drunk. Yeah, right, Emma. He's just drunk. No false hope, Emma. Please.
Nagpatuloy ako sa paglabas at nagmamadaling sumakay ng kotse. Hindi ko muna 'yon pinaandar at tiningnan muna ang pag-uusap nila Yael at Anya mula sa loob ng kotse.
Gusto kong sabunutan si Anya nang makita kong asar niyang inagaw ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Yael.
Bakit mo siya kailangan tratuhin ng ganyan?
Maya-maya ay nakita ko ang pag-labas ni Anya sa starbucks. Naiwan doon sa loob si Yael na tila ba problemadong-problemado na iniwan siya ni Anya.
Tatlong taon na ang nakakalipas, baliw na baliw ka pa rin sa kanya.
Nag-dadalawang isip ako kung pupuntahan ko ba siya sa loob o kung aalis na lang ako at huwag nang makialam. Huminga ako ng malalim bago mabilis na binuksan ang pintuan ng kotse ko at nagmamadaling pumasok uli sa loob ng starbucks, dala-dala pa rin 'yung Iced Americano na inorder ko.
Kailangan niya ng kausap ngayon, Emma.
Nang malapit na ako sa table niya ay dahan-dahan akong naglakad. Nang makalapit ako ay hindi niya pa ako napansin nung una pero ilang segundo rin ay nag-angat na siya ng tingin. Parang nadurog ang puso ko.
His eyes are red.
He looks like he's about to cry.
"Uupo na ako, ha?" paalam ko ngunit hindi siya sumagot. Umupo ako sa harapan niya kung saan nakaupo si Anya kanina bago ilapag ang Iced Americano sa lamesa. Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang sa'kin. Maya-maya ay ibinaba niya ang tingin sa Iced Americano ko at doon ibinaling ang titig niya.
"I saw you and Anya kanina while waiting for my order..." panimula ko. Hindi pa rin siya nagsasalita at patuloy pa ring nakatitig sa Iced Americano.
Oh, how I wished I was Iced Americano.
"Uh, you can tell me anything. K-kung nasasaktan ka na, pwede mo namang ibuhos lahat 'yan. I'm here to listen naman." Parang gatilyo ang mga sinabi ko nang biglang sunod-sunod na magbuhos ang mga luha niya.
"S-She's leaving me. Iiwan niya na ako nang tuluyan. Uuwi siya ng Canada kase nandoon 'yung bagong m-mahal niya..." wala sa sarili niyang kwento. Patuloy pa rin ang pag-buhos ng luha niya habang sinasabi niya 'yon.
"Hindi ko alam kung saan ako nag-kulang. Ang laking palaisipan pa rin sa'kin kung bakit niya ako iniwan three years ago. Wala naman akong ginawa kung hindi mahalin siya. Bakit ganito 'yung isusukli niya sa'kin?" Naalarma ako nang makita kong hindi na magkamayaw sa paglabas ang luha niya. Pati paghikbi niya ay pinipigilan niya dahilan ng mahirap niyang pag-hinga.
Agad akong tumayo at niyakap siya nang nagsimula siyang humagulgol. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao pero hindi sila 'yung iniisip ko. Ang higpit ng kapit ni Yael sa braso ko na tipong doon na lang siya kumakapit para hindi matumba.
Pati ako, naiiyak na rin dahil sa paghagulgol mo. Gaano mo ba kamahal si Anya para umiyak ka nang ganito? Hindi ko alam 'yung sasabihin ko kase kahit ako, nasasaktan dahil sa pinagdaraanan mo.
Hinimas ko ang likod niya at kinuha ang panyo ko sa bulsa. Kumalas ako sa yakap niya at pinunasan ang luha niya kahit parang walang planong tumigil ito.
Ilang minuto kaming ganon ang pwesto hanggang sa kumalma siya. Bumalik ako sa upuan ko at humarap uli sa kanya. Nahikbi pa rin siya pero wala nang nalabas na luha sa mga mata niya.
"D-Do you need a ride?" alok ko. Sa estado niya ngayon, alam kong hindi siya makakapag-maneho ng maayos. Baka maaksidente pa 'to.
"Okay lang ba?" parang nahihiya pang tanong niya. Agad akong napangiti. Hindi niya naman first time sumakay sa kotse ko, bakit kailangan niya pang magtanong niyan?
"Oo naman. Saan ba ang bahay mo? Ihahatid kita."
"Sa condo ko na lang. Ayokong umuwi sa bahay na ganito ang itsura, makikita ni mama." Lumaki ang ngiti ko. Alam kong mama's boy siya, 'yon ang laging pang-asar sa kanya ni Kai, e.
Nang makalabas kami sa starbucks ay agad kong itinuro kung nasaan ang kotse ko. Nang makasakay kami ay agad kong pinaandar 'yon papunta sa kung saan ang binigay niyang address. Tahimik lang ang byahe dahil ni-isa sa'min ay walang balak mag-salita.
"Here, inumin mo. Grabe ang iniyak mo kanina, baka ma-dehydrate ka." Inalok ko sa kanya ang Iced Americano na hindi ko nainom kanina. Mabuti na lang at hindi pa masyadong tunaw ang yelo non kaya alam kong hindi pa matabang. Tinaggap niya 'yon and he mouthed "thank you" sa'kin bago ininom.
Nang makarating sa condo niya ay agad siyang bumaba ng kotse. Naintindihan ko naman 'yon, kailangan niya ng alone time para sa sarili niya. Muli, nagpasalamat siya sa'kin at niyakap ako bago pumasok sa loob ng condominium.
Nang mawala ang bulto niya sa paningin ko ay ganon na lang mag-unahan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Grabe 'yung pagpipigil ko kanina kase baka magtanong siya kung anong iniiyak ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na aalis si Anya o masasaktan dahil si Yael 'yung pinaka-naaapektuhan.
Parang gusto kong 'wag na lang umalis si Anya at magbalikan na lang sila ni Yael kahit na masakit sa part ko, 'wag lang siyang makitang ganito.
Nasasaktan ako pero hindi ko masabi. Gustong-gusto kong agawin ang pwesto ni Anya pero alam kong malabong mangyari 'yon kasi kahit anong alo ko sa kanya, hinding hindi magbabago ang nararamdaman niya para kay Anya.
To be continued...
KABANATA 9"Did you include Claudine and your other friends in your invitation?" tanong ni mommy mula sa labas ng kwarto ko. "Yes po, makakapunta raw po sila," sagot ko. "Okay, get ready na anak." Iyon lamang ang huling sinabi ni mommy bago ko marinig ang papalayong yabag ng mga paa niya. Hapon na at papalubog na ang araw kaya bumangon na ako para maligo. It's Saturday at ngayon na ang anniversary nila mommy. Ininvite ko sina Cloud noong nakaraan at makakapunta silang lahat. Including Yael. Simula noong nangyari ang insidente sa starbucks ay ako na ang naging sandalan ni Yael. Ako lang kasi ang nakakaalam noong nangyari noong araw na iyon kaya sa mga sumunod na araw ay ako ang napagsasabihan ni Yael ng problema niy
KABANATA 10"So I guess, we're done for today?" Halos sabay-sabay na tumayo ang mga estudyante sa classroom na pinapasukan ko nang sabihin 'yon ng professor. Nagmamadali akong lumabas dahil medyo malayo-layo sa classroom na 'yon ang meeting room ng mga miyembro ng student council. Halos lakad-takbo na ang ginawa ko, makarating lang doon.Pagkarating ko roon ay nagpapasalamat akong kakaumpisa lang nila. They're having a meeting because of interhigh kase. Malapit na 'yon kaya naman nagpatawag agad 'yung president namin ng meeting. Umupo ako sa tabi ni Rio, 'yung president namin. "Congratulations, Emma. First time mong ma-late," biro niya sa'kin. Kahit alam kong biro 'yon ay nag-paumanhin pa rin ako dahil late naman talaga ako.
KABANATA 11"Water break!" sigaw ni coach. Agad na nagsitakbuhan ang mga co-players ko sa mga gamit nila. Ganon din ang ginawa ko. Marami pang minuto nang matapos akong uminom kaya sumilip ako kung nasaan sina Freya nagpa-practice. Sa BEG (Blue Eagle Gym) sila naglalagi ngayon dahil chants lang naman ang pinapractice nila."Sst!" tawag ko kay Freya. Mukhang water break din nila kaya naman lumapit siya sa'kin."What? Water break niyo rin?" tanong niya. Tumango ako. Mukhang masama ang timpla ni Freya dahil nakakunot ang dalawang kilay niya. "Ba't ganyan mukha mo? May nangyari ba?" tanong ko. Inayos ko ang isang takas ng buhok niya at inilagay 'yon sa tainga niya.
KABANATA 12Lumipas ang mga araw na hindi kami nagkita ni Yael. Tuwing magyayaya si Cloud na mag bar ay hindi ako sumasama lalo na't alam kong nandoon si Yael. Hindi ko pa siya kayang harapin kaya kung ano ano ang idinadahilan ko para lang hindi makasama."Hey, let's talk nga." Humarap ako kay Freya. Kanina niya pa ako hinahabol sa hallway pero hindi ko siya pinapansin dahil alam kong mamimilit lang siya na sumama ako mamaya mag bar hopping sa BGC."Kung pipilitin mo pa rin ako na sumama sa lakad niyo mamaya nina Cloud, wala kang mapapala sa'kin, Freya. Hindi ako makakasama dahil busy ako." Nagsimula ulit akong maglakad. Kakatapos lang ng last subject ko ngayong araw pero hindi pa rin ako umuuwi dahil nagpatawag ng meeting 'yung President ng student council. Ewan ko kung para saan
KABANATA 13"OUCH..." daing ko. Kanina ko pa sinasabunutan ang sarili ko, matigil lang 'yung sakit ng ulo. "Baliw ka kase. Bakit andami mong ininom? Broken ka ba, girl?" Lumapit sa'kin si Mia. Umupo siya sa kama ko bago ilagay ang palad niya sa noo ko. Tinitigan ko siya. Anong ginagawa niya?"Hoy Mia anong ginagawa mo? Hangover 'yan te, hindi lagnat. Ito oh, inumin mo." Lumapit sa'kin si Kiara at may ibinigay na gamot. Pang-hangover daw 'yon kaya naman ininom ko agad."Salamat." Pumikit ako nang mariin. Mamaya na kami uuwi at ayoko umuwi sa bahay na ganito kasakit ang ulo. Baka paulanan na naman ako ng sermon ni mommy. "Baba na kami, ah?" paalam ni Mia
KABANATA 14Simula noong araw na 'yon ay nabawasan ang awkwardness sa'min ni Yael. Nakakapag-usap na kami kahit hindi katulad ng dati. Pero okay lang 'yon sa'kin dahil kahit papaano, bumabalik na kami sa dati. Nabawasan man 'yung dating closeness, atleast hindi niya ako tinataboy palayo. "YAEL!" malakas na tawag ko. Humabol ako sa kanya nang makita ko siyang papalabas na ng ateneo. Tumambay kase sila rito ni Kai. Hindi kasama si Cloud dahil hindi siya bakante ngayon. Nauna namang umalis si Kai dahil mas maaga ang pasok niya kesa kay Yael. "Bakit?" tanong niya nang makalapit ako sa kanya. Tipid akong ngumiti, ang pogi talaga ng lalaking 'to. "Date tayo." Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Noong isang araw ko pa pinag-i
KABANATA 15After that day, hindi ko na nakita si Yael. I didn't asked Kai about him pero nang narinig kong hindi niya rin alam kung nasaan ito, roon na ako nagsimulang mag-alala. Kai even told me na pinuntahan niya sa bahay nila 'to at tiningnan kung naroon ba, ang sagot lang ng mama niya ay nagpaalam si Yael na sa condo niya muna siya tutuloy. Mawawala na sana ang pag-aalala ko until Kai told me that Yael's condo is empty. Kahit anino lang ni Yael ay hindi niya nakita roon. He even asked the receptionist kung tumuloy ba si Yael doon pero wala."Where do you think he is right now, Frey?" tanong ko kay Freya. Siguradong asar na asar na 'to sa'kin dahil kanina ko pa siya tinatanong tungkol kay Yael kahit alam ko namang mag kasama kami simula noong nakaraan. "Uh...maybe sa bar? I do
KABANATA 16Days had passed but still no sign of Yael. Sa bawat araw na lumilipas na wala kaming balita sa kanya, mas lalong lumalala ang pag-aalala ko. Minsan nga ay naiiyak na lang ako dahil sa mga pumapasok sa isipan ko. Saan siya natutulog? Pumapasok pa ba siya? May pera pa ba siya sa wallet niya? Paano kung magkasakit siya?God, please take care of him."EMMA!""HUY IWAS!""DIZON!"Huli na nang makita ko ang papalapit na bola papunta sa'kin. Saktong pagpikit ng mga mata ko ay siya namang pagtama ng bola sa'kin.Aray.
WAKAS "Pwede ba, Yael? Bitiwan mo ako! Wala kang ginawang masama pero ayoko na! Pabayaan mo na ako, Yael. Oo, ayos tayo kahapon pero dahil 'yon sa tinitiis lang kitang makasama. Ayoko biglain ka kaya naman tiniis kong samahan kita kahapon pero Yael, ayoko na." I felt my body numb. Hindi ko alam kung anong ginawa ko at naisipan ni Anya na hiwalayan ako. I gave everything to her. I'm always by her side whenever her parents is having a fight. "Bastos ka, ah!" I was about to walk out in that club when I heard that shout. Mabilis akong napalingon kung saan nanggaling ang sigaw na 'yon. There, I saw a tall blonde woman, being harrased by a drunk man. Mabilis akong lumapit sa kanila at sinapak 'yung lalaki. Kita ko pang napatalsik 'yung babae dahil sinapak ko 'yung lasing. I punched the guy several times until Kai, a friend of mine restrained me from punching. "Yael, tigilan mo na. Andito na 'yung mga bouncer," sabi niya at inilayo ako roon sa lasing na lalaki. Pinunasan ko ang dugo
KABANATA 40 "Hey, mommy..." matamlay na tawag ko. "You look stressed, Emma. Why? Your father's secretary told me that you weren't working for 2 weeks. Is there any problem, hm? Care to share?" malambing na tanong niya. Ngumiwi ako. I'm not stressed, really. It's just a pregnancy thing. I'm tinatamad everyday. "Uh...no, it's nothing," hilaw na sabi ko. Gusto ko nang matulog. "Are you sure? Do you wanna go home?" tanong niya uli. Kita ko ang pagkuha niya ng copita at sinalinan 'yon ng wine. Ngumiwi uli ako. "I hate wines now," wala sa sarili kong sabi. Kita kong natigilan si mommy at gulat na napatingin sa'kin. "What? Impossible," sabi niya, nanlalaki pa ang mga mata. Nagkibit balikat ako at tiningnan si Yael na nasa harap ko. Nasa balkonahe kami ng penthouse niya. May lamesa kase rito na pang dal
KABANATA 39 "I'm sorry." "You think you're someone that I need?" "I can't love you back." Isa-isang tumulo 'yung mga luha ko. Those memories keep hunting me hanggang ngayon. Sa tuwing naalala ko 'yung mga 'yon ay agad kong kinikuwestiyon ang importansiya ng buong pagkatao ko. "Baby, wake up..." rinig kong boses ng isang pamilyar na lalaki. Mas lalo akong napahikbi. I don't want those memories. I want to forget all of them. "Hey, Emma. Wake up," sabi ulit ng lalaki. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Noong una ay hindi ko pa masyadong maaninag kung sino ang nasa harapan ko dahil basang-basa ang mga mata ko. Ilang segundo lang ang lumipas nang makita kong si Yael 'yon. "What's wrong? Bad dream?" nag-aalalang tanong niya sa'kin. Tinitigan ko siya
KABANATA 38 Mabilis akong napatakip ng mga mata nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Inis kong kinuha ang unan mula sa gilid ko at itinakip 'yon sa'kin. "Hmm..." Sandali akong natigilan. Who's that? Kinakabahan kong tinanggal ang takip sa mukha ko at tiningnan ang katabi ko. "Oh, shit," nanlalaki ang mga mata kong bulong nang makita si Yael na nasa tabi ko, mahigpit ang yakap sa'kin. "Oh my ghod," muli kong bulong at natakpan pa ang bibig nang maalala isa-isa 'yung ginawa namin kagabi. Marahan kong hinawakan ang kumot at itinaas ito para makita kung anong nasa ilalim nito. He's still naked! Damn, ako rin! "Baby, stop moving..." inaantok na sabi ni Yael at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa'kin. Asar ko siyang pinalo sa braso at pilit na inalis ang pagkakayakap sa'
KABANATA 37 "Hello, beautiful." "Isaac!" malaki ang ngiting bati ko. Binitawan ko ang gym bag ko at mabilis na tumakbo papalapit sa kanya. "Kumusta na?" tanong niya sa'kin bago ako yakapin. Siya rin ang kumalas non bago tingnan ang kabuoan ko. "Wow," manghang tingin niya sa'kin. Humalakhak ako at kunwaring hinawi ang buhok. "What?" natatawang tanong ko. "You've grown up. Mas lalo kang tumangkad, huh?" "Yup. Mana kay mommy." "Yeah, I can see that. So, what brought you here?" nakataas ang kilay na tanong niya. "Cardio," nakangising sabi ko bago hubarin ang jacket ko at hinagis 'yon sa gilid kung saan ko iniwan ang gym bag ko. Tumambad ang itim na suot kong sports bra at ang pinaghirapan kong katawan sa loob ng limang
KABANATA 36"Any update?" nakangising tanong ko kay Cade mula sa screen ng laptop ko. It's 3:00 pm here while sa New York ay 3:00 am. Kausap ko siya sa face time at kinukulit kung meron na bang update sa babae niya. Ewan ko kung bakit gising pa 'to sa ganitong oras eh laging pagod sa trabaho 'to kaya dapat nagpapahinga na siya ngayon."Well, she's single. Your curse on me last week didn't work," nakangisi ring sagot niya. Tumaas ang kilay ko bago umirap."What curse?" takang tanong ko sa kanya."Can't remember anything, eh? Isinumpa mo ako na sana taken na siya, remember?" naiiling na sabi niya."Psh. Malamang, hindi talaga magwo-work 'yon! Bakit? Kinabahan ka ba nung sinabi ko 'yon?" nang-aasar na sabi ko. Saglit kong kinuha ang tumbler sa gilid ko para uminom bago ibalik ang paningin ko sa screen."Sabagay, hindi talaga magwo-w
KABANATA 35"Oh, wow. It's good that hindi awkward sa inyo ni Yael na mag work together, 'ha?" manghang sabi ni Freya."Yeah. Hindi ko naman siya lagi nakikita kasi hindi naman ako nagpupunta sa site," sabi ko bago uminom sa copita. Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant around makati. Si Freya lang ang kasama ko dahil busy si Cloud sa trabaho. Same as Gavin, Bea, Kai, and of course, Yael."Huh? Why naman?" takang tanong niya. Humiwa siya ng waffles at isinubo ito bago ako nagtatakang tiningnan."I'm busy dahil sa kumpanya. I mean, not really busy since maaga naman talaga ako natatapos palagi. It's just uhm, maaraw. Ayokong mainitan." pagdadahilan ko. Tumaas ang kilay niya bago ako mapanuring tiningnan."What?" tanong ko. Kung makatingin kasi siya eh parang sinasabi niyang nagsisinungaling ako."Mainit ba talaga o..."
KABANATA 34"Good morning, Ms. Dizon. Ito na po 'yung pinagawa niyong report," nakangiting bati ng babaeng empleyado nang makapasok siya sa loob ng opisina. Nang tinanggap ko 'yon ay mabilis siyang tumango at naglakad paalis. Si Alec ang dapat gumagawa nito pero on leave siya ngayon. Ang alam ko ay family vacation ang dahilan kaya siya nagpaalam na mawawala ng ilang araw. 'Yung babaeng pumasok kanina ay basta ko na lang na tinawag kanina sa labas para maging kapalit ni Alec. Syempre, dinagdagan ko rin ang sahod.Matapos nang araw na 'yon ay hindi ko na ulit nakita si Yael. Si Alec ang pinapapunta ko sa site kung gusto kong makita ang mga nangyayari roon. Pinapavideohan ko o 'di kaya naman pinapakuhanan ko siya ng litrato. Tuwing sabado niya ginagawa 'yon pero dahil nga wala siya ngayon, hindi ko muna makikita kung ano-anong nangyayari sa site. Bukod kasi sa marami akong ginagawa ay mainit din sa labas kaya hangga't maaari ay hindi ako
KABANATA 33 "Goddammit..." asar na bulong ko. Marahas kong itinapon ang cellphone sa kama bago padabog na tumayo. First day of work, late. Yey. Mabilis kong kinuha ang tuwalya ko at nagmamadaling pumasok ng banyo. Mag-aalas nuebe na nang magising ako kaya naman ganito na lang ang pagmamadali ko. Ang usapan kasi ay kikitain ko ang secretary ni daddy ng alas nuebe ng umaga. Napahaba kasi 'yung call namin nina Cloud kagabi kaya late na rin ako nakatulog. Kamalas-malasan pang late rin ako nagising. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko alam kung maayos na pagligo pa ba 'yung ginawa ko. Hindi na ako nakapag-scrub dahil wala na akong oras. Nagsuot ako ng itim na tube na pinatungan ng blazer. I paired it with a wide leg pants at nagsuot ng takong na may taas na 5 inches. Binlower ko lang ang buhok ko at lumabas na. Sa opisina na lang siguro ako magsusuklay. Nang makasaka