Share

KABANATA 3

last update Last Updated: 2021-06-22 06:48:25

KABANATA 3

"Are you sure you don't want to come with me?" Hindi ko inalis ang paningin ko sa textbook ko nang itanong 'yon ni mommy. Kanina pa siya nakatayo sa pinto ng kwarto ko at kanina pa rin siya paulit-ulit na nagtatanong kung gusto ko bang sumama sa kanya.

"Mom, I told you our finals is on friday. I need to read all of these," sabi ko at itinuro ang mga libro sa harapan ko. Kaunti na lang ay bibigay na ako at sasama sa kanya dahil alam ko namang hindi siya aalis dyan sa pinto hanggang hindi ako napayag. Masasayang ang oras ko sa kakareview kung ganitong todo ang pagkausap niya sa'kin.

"Emma, I know that you're gonna make it naman. It's just a dinner. Saglit lang 'yon. My close friend's welcome party. You know your tita Menggay right? My bestfriend slash your ninang? Kakabalik niya lang galing Los Angeles. I know that she will look for you. We talked via face time yesterday and she was looking for you. Please, anak, pagbigyan mo na si mommy." Nagpakawala ako ng buntong hininga bago umupo mula sa pagkakadapa. Isa-isa kong tiningnan ang mga librong nakakalat sa kama ko bago ko tingnan si mommy na nakatayo pa rin sa pintuan ng kwarto ko. Hawak niya ang doorknob habang nakasandal sa pinto at nakatitig sa'kin.

"Fine." Agad na nagliwanag ang mukha niya nang marinig niya ang sinabi ko. Hindi ko naman siya masisisi na ganon na lang ang excitement niya dahil alam kong ilang taon din silang hindi nagkita ni tita Menggay. Tita Menggay's my mom only bestfriend here in the Philippines. She's my only ninang na Pilipina na hindi kamag-anak ni daddy. Almost lahat ng ninang at ninong ko kase, kung hindi americano, Pilipino pero kamag-anak pa rin ni daddy.

"I'll give you an hour to prepare, huh? Wear your most marvelous outfit, okay? Wear light makeup only. Too much makeup might cause you breakout." Ayon lang ang sinabi niya at nagmamadaling umalis sa kwarto ko. Ilang minuto pa akong nakatitig sa nakasaradong pinto ng kwarto ko bago ko iniligpit lahat 'yung mga nakakalat na gamit sa kama ko.

Hindi naman siguro ako babagsak kung hindi ako mag-review ngayong gabi 'di ba?

Hindi ko hilig mag-aral pero kailangan dahil hindi naman ako nabiyayaan ng sobrang taba na utak. Matataas ang grado ko pero hindi ko makukuha 'yon kung hindi ko dadaanin sa puspusang review. Kaya naman ganon na lang ka-grabe ang pag-aaral ko dahil alam kong hindi ko basta-basta maisasalba ang grado ko sakaling may bumaba rito.

Matapos kong iligpit ang mga gamit na nakakakalat sa higaan ko ay agad akong nagpuntang banyo para maligo. Matagal akong maligo kaya hindi dapat ako mag-sayang ng oras. Idagdag mo pa ang pagkatulala ko kanina sa pinto kaya kailangan ko na talagang bilisan.

Ilang minuto ang nakalipas ay natapos na akong mag-ayos sa sarili ko. Itinali ko ang kulot kong buhok matapos kong mag-blower. Gaya ng sabi ni mommy kanina, nag-lagay lang ako ng light makeup. Dinner lang naman, eh. At 'pag sinabi ni mommy na dinner lang, dinner lang talaga. Walang extra event o kung party man lang na magaganap 'pag malalim na ang gabi.

Wearing a black A-line Sleeveless Flared Party Style Elegant dress, paired with a black slingback heels, I walked out of my room. Hindi ako mahilig magdala ng bags when it comes to kahit anong event kasi ayokong magbitbit ng kung ano-ano. Wala naman akong nilalagay roon kung hindi cellphone na inilalagay ko na lang sa bag ni mommy. Kung magrere-touch man, hinihiram ko na lang 'yung make up ni mommy. Basta umaalis ako sa bahay na walang dala kung hindi ang sarili ko lang.

Nang makababa ng bahay, nadatnan ko si mommy na inaayos ang mga nilalagay niya sa bag. Nang matapos niyang gawin 'yon ay nag-angat siya ng tingin sa'kin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Mommy's so maarte when it comes sa style ng pananamit. Nagtataka nga ako minsan kung ako ba talaga ang anak niya o si Freya. Parehas silang maraming arte sa katawan lalo na pagdating sa mga susuoting designer clothes. Ang pinag-kaiba lang nilang dalawa ni Freya, masyadong dramatic at problematic 'yung isang 'yon while mommy naman, so professional pagdating sa mga ganon. Maliban sa mukha, 'yon lang ata ang namana ko sa kanya.

"You look beautiful. Let's go?" Inabot ko ang inilahad niyang kamay at sabay kaming lumabas ng bahay. Nakakatuwang mas naging mas matangkad na ako kay mommy kahit mas mataas ang heels niya. Parang noong 16 pa lang ako ay lagi akong nanliliit 'pag siya ang katabi ko dahil sa tangkad niya.

"Where's daddy, mom? Hindi ba siya sasama?" tanong ko habang nasa kalagitnaan ng byahe. Most of the time kase ay kasama namin si daddy sa mga gantong event. Lalo na ngayong bestfriend ni mommy ang dahilan kung bakit may dinner.

"Sadly, he can't go. Maraming ginagawa sa kumpanya." Nanahimik na ako matapos kong marinig 'yon. Ilang minuto ang lumipas nang huminto ang sasakyan sa isang buffet restaurant.

Spiral.

Nakakain na ako rito dati noong may celebration ang mga pinsan ko sa side ni daddy. Ngayon na lang ata ako nakabalik dito since naging busy sina mommy pati na rin ako.

Naunang bumaba si mommy na inalayan naman ni Mang Emilio. Ganon din ang ginawa sa'kin nung bumaba ako. Pagkapasok namin sa loob ay sumalubong agad sa ilong ko ang amoy ng mababangong putahe.

"EMILYA!" Agad sinalubong ng yakap ni tita Menggay si mommy nang makita niya kami. Nagbeso-beso pa sila sa harap ko bago ako hilain ni mommy at dalhin sa harap ni tita Menggay.

"Oh? Ito na ba si Emma? Kagandang bata. Kamusta na?"

"Okay lang po." Nginitian ko siya at nagbeso sa kanya. Inalalayan niya kami palapit sa isang mahabang lamesa kung saan naroon ang mga kamag-anak niya at iba pa niyang kaibigan. Kakaunti lang ang namumukhaan ko roon dahil si tita Menggay lang naman ang kakilala ko sa kanila.

"Do you like something else anak? May gusto ka bang ipadagdag? Here, pili ka," tanong ni mommy at ibinigay sa'kin ang menu. Umiling naman ako at ibinalik sa iyon sa kanya. Nakaready na kase sa lamesa ang pagkain nung makarating kami. Lahat naman 'yon ay mukhang masarap at iced tea naman ang drinks kaya hindi na ako nagpadagdag.

Nagtaas ng kamay si mommy, senyas na tinatawag niya 'yung waiter.

"What's your name, sir?" tanong niya sa waiter. Lagi siyang ganyan. Ang turo niya sa'kin, 'wag ko raw tatawagin na ate, kuya, o waiter ang isang nagsisilbi sa restaurant. Sabi niya pa noon, kaya merong tag na nakaburda sa mga damit ng waiter ay dahil ganon ang dapat itawag sa kanila. Call them by their name. Kung hindi naman kita ang tag, call them "ma'am" or "sir" Saka lagi sa'king pinapaalala ni mommy na magbigay ng tip for them. Always say thank you before leaving the place. Kahit wala kang maibigay na tip, atleast, you treated them well.

"Toni po, ma'am," sagot nung tinanong ni mommy.

"Okay, Toni, I want a salmon ceviche and tuna poki."

"Is that all, ma'am?"

"Yes, Toni." Tumango si Toni bago nagpaalam. Ako naman ay nagsimula nang kumain. Tahimik lang ako dahil hindi ako maka-relate sa usapan nila. Parang mga tita's of manila kase kung magkwentuhan. May mga kasing edad ko rin naman na kasama 'yung mga kamag-anak ni tita Menggay but I don't know them kaya baka maging awkward lang kung makikipag-usap ako. Baka sabihan pa akong feeling close non.

"Nako, Emilya, hindi ka pa rin talaga nagbabago. No wonder kung pati si Emma ay namana sayo ang ugali mo. Tingnan mo, pati mukha ay halatang galing sayo. Kagandang bata. May boyfriend ka na ba, iha?" Agad akong napataas ng tingin kay tita Menggay. Halos lahat ng nasa table ay nasa akin ang tingin.

"I'm single po." Pero taken na po 'yung heart ko.

"Oh. Bakit naman? Ang ganda-ganda mo. Imposible naman na walang nanliligaw sayo niyan." Nginitian ko siya at hindi nakasagot. Gusto kong sabihin na maraming nanliligaw sa'kin pero may hinihintay ako.

Loyal po ako sa taong walang pake sa'kin.

"Meng, ewan ko ba riyan. She's too fond of studying. Kung hindi ko pa nga pinilit na sumama, maybe she'll study all night until she fell asleep," sagot ni mommy.

"That's good naman but, don't you find your teenage life boring, iha? Well, iba-iba naman tayo ng paraan kung paano sumaya. By the way, my nephew right here is single. Right, Leo?" Narinig ko ang mahinang tawa ni mommy. Sigurado akong sa loob-loob niya, tinatawanan niya na ako ng bonggang-bongga. Alam kase niya na ayaw kong ipinagkakanulo ako sa iba.

"Ah, yes tita," sagot nung lalaki. Gusto kong matawa sa reaksyon niya dahil halatang hindi niya rin inaasahan na bigla siyang babanggitin ni tita Menggay.

"Why don't you talk to each other? Sigurado akong magugustuhan niyo ang isa't isa. Sa ateneo rin siya nag-aaral." Gusto kong mabilaukan sa sinabi ni tita Menggay. Iniisip ko pa lang na hindi si Yael ang magugustuhan ko ay gusto ko nang mahimatay.

"I'm Leo." Kahit na awkward, tinanggap ko pa rin ang kamay na inilahad ni Leo. Hindi ko mapigilang mapangiti sa itsura ni Leo. Halatang napipilitan din siya.

"I'm Emma. Nice to meet you." Nginitian niya ako at tumango bago umupo uli sa silya niya. Medyo malayo kase ang pwesto niya sa'kin kaya kailangan pa naming tumayo para lang makamayan ang isa't isa.

"Ay nako, Meng. We shouldn't rush things especially love. They're young pa naman," sabi ni mommy at pinisil ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Thank you, mommy. I love you. Nagpatuloy sila sa pag-uusap ng mga bagay na hindi ako makarelate. Bawat tao sa lamesa ay may kanya-kanyang mundo. Ako lang ata 'yung walang kausap dito.

"Emma, is that Claudine over there?" Agad akong napataas ng tingin at sinundan ang tinitingnan ni mommy na lamesa. And there I saw Cloud, Kai, Yael and Anya. Nakatingin sa lamesa namin. Si Cloud ay kumaway sa'kin nung makita akong nakatingin sa kanya. Akala ko ba masakit ang ulo mong babae ka?

"You should go there, iha. Kesa naman dito na wala kang kausap." Tumango ako kay mommy at tumayo. Inayos ko ang dress ko na nagulo ng bahagya dahil sa pagkakaupo. Ipinaalam ako ni mommy kay tita Menggay kaya naman nginitian ko na lang sila bago umalis ng table na 'yon. Nang makarating ako roon ay agad akong inapiran ni Cloud bago paupuin.

"Naknamputa. Angas ng dating natin ngayon, ah? Hayop sa pa-heels, ha?" Inalukan ako ni Kai ng rum na agad ko namang tinanggihan. Kakakain ko lang kaya mabigat pa ang tyan ko. Ayoko muna.

"Akala ko ba masakit ang ulo mo?" tanong ko. Pasimple kong tiningnan si Yael at Anya na magkatabi. Halata sa mukha ni Yael ang saya habang nakatingin kay Anya habang si Anya naman ay inosente lang na kumakain. Hindi man lang napansin ang presensya ko. Napansin siguro ni Cloud ang pasimple kong pagtingin kina Yael kaya siniko niya ako at bumulong sa'kin.

"Masakit ba, 'te?" tanong niya. Agad ko naman siyang siniko dahil baka may makarinig sa kanya. Hindi pa naman alam ni Kai na may gusto ako kay Yael.

"Tinatanong ko kung masakit bang makita mo si Yael na masaya kahit katabi niya lang si Anya,shunga. Ay 'te, di ko alam na kasama nila si Anya, huh? Ang text lang kasi ni Kai ay kakain kase nanalo sila sa tournament kaya gumora na agad ako dahil alam ko namang may kasamang alak ang kain 'pag si Kai ang nagsabi. Promise te, 'di ko talaga alam na kasama siya." paliwanag ni Cloud. Tumango naman ako at sinenyasan ko siyang okay lang.

So, nanalo sila? Good for them.

"Hoy anong pinagbubulungan niyo diyan?" Napalayo sa'kin si Cloud nang batuhin kami ni Kai ng tissue. Pansin ko na napatingin din sina Yael sa amin ni Cloud.

"Ano? Kingina mo talaga may matrip ka lang na bwisit ka, eh no? Hampas ko sayo 'tong sandok, tamo," asar na sabi ni Cloud na kinuha pa ang serving spoon sa lamesa at itinutok 'yon kay Kai.

"Sabi ko anong pinagbubulungan niyo dyan? Share niyo naman akala ko ba kaibigan niyo kame?"

"Eh ano bang pakealam mo, ha? Pinaguusapan namin 'yung pogi na kinamayan ni Emma kanina. Ano ngang pangalan non, te? Ang igop non puta reto mo ako 'te!"

"He's Leo. Sa ateneo rin nag-aaral. Pamangkin ni tita Meng--"

"HAHAHAHAHA!" Naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang tawa ni Anya at ni Yael. Talagang may sarili silang mundo, huh?

"Ghad, Yael I can't forget your face while saying that before! It's funny HAHAHAHA!" Napangiwi ako nang tiningnan ko sina Yael na nagtatawanan.

"Shh. May nga nakakarinig HAHAHAHA!" Ano bang pinag-uusapan nila at grabe sila makatawa riyan? Gusto ko silang sungitan pero hindi ko magawa.

"Hoy Yael kingina mo hinaan mo nga 'yang pukinangina mong boses. Nag-uusap din kami rito, 'di ba? Edi sana nag-date na lang kayo ni Anya 'di ba? 'Te, single kaming tatlo dito kaya pwede ba? SHHHHHHHH!!!!" asar na saway ni Cloud.

"Sus, inggit ka lang, eh! Hanap ka na ng jowa mo, Cloud!" asar ni Yael sa kanya.

"Wow, makasabi ng jowa. Baket? Kayo ba ni Anya? Ha? Ha? Ha? Ulul wala kang maloloko rito!"

"Inggit ka lang, Cloud. Napakabitter mo kase ghinost ka na naman ng basketball player ng UST BWAHAHAHAHAHAHA!" asar ni Kai sa kanya. Kahit naasar ako kina Yael, hindi ko pa ring mapigilang matawa.

"Emma, time to go home." Agad naputol ang tawanan nang dumating ang mommy ko sa table namin, sinusundo na ako.

"Good evening po, tita Emilya!" maligalig na bati ni Cloud kay mommy. Ganon din naman si Kai at Yael. Maliban kay Anya na ngumiti lang. Hindi niya kase kilala ang mommy ko kaya ganon.

"Good evening. We need to go home. Enjoy your night. Let's go anak." Hindi na ako nagpaalam sa kanila at tumayo na. Nang papalabas kami ay nakita ko pa ang pagkaway ni Cloud at Kai sa'kin habang si Yael at Anya naman ay balik sa dati nilang mundo.

Psh. Tamaan sana ng asteroid 'yang mundo niyo.

Related chapters

  • Chased by Her   KABANATA 4

    KABANATA 4"Emma, will you please stop hitting yourself? Ghad, you're so nakakainis na! What's your problem ba, ha? Is it Yael again?" Inis na bulyaw sa'kin ni Freya. Kanina ko pa kase paulit-ulit na hinahampas 'yung textbook ko sa ulo ko. Kanina pa ako nagbabasa at kahit anong gawin ko, hindi ko talaga maintindihan 'yung mga binabasa ko."Hindi ko maintindihan 'tong binabasa ko," naiiyak ko nang sabi. Malapit na 'yung finals pero simpleng topic lang, hindi ko maintindihan. Paano ako papasa nito? "Ano bang topic 'yan? Let me see it nga!" Asar niyang inagaw sa'kin at nang tiningnan niya ang topic na pinoproblema ko, agad niyang binalik sa'kin 'yon. "I can't help you with that, Emma. Bakit ka ba kase nag accountancy?" Tiningnan

    Last Updated : 2021-06-22
  • Chased by Her   KABANATA 5

    KABANATA 5"Anong gusto mong gawin ko, ha? Tumambay ako ron? Uluuuuuuul!" Kanina pa nagsisigawan sina Cloud at Kai sa harap namin. Todo gatong si Yael at todo support naman si Freya kay Cloud. Pag-iling na lang ang tanging ginagawa ko tuwing magsisigawan na naman sila. Ako na nga ang humihingi ng paumanhin tuwing may naiingayan na sa'min. "Bakit ba kase ayaw mong sumama, ha?" hamon na tanong ni Kai. Halata namang alam niya na ang rason kung bakit ayaw sumama ni Cloud pero gusto niya pa rin itong paaminin. "Bakit gusto mong malaman? Crush mo ako 'no?!" Parang may dumaan na anghel sa pagitan namin nang biglang tumahimik. Maya-maya ay malalakas na tawa ni Yael at Kai ang pumuno sa pwesto namin. "Grabe namang tigas ng

    Last Updated : 2021-07-02
  • Chased by Her   KABANATA 6

    KABANATA 6"15 minutes left." Huminga ako nang malalim bago tumayo at lumapit sa prof kong nasa harapan. Pinasa ko ang papel ko na laman ang sagot ko at bumalik sa upuan para kunin ang bag ko. Kaunti na lang ang tao sa room dahil malapit nang mag-time. Mabuti na lang at natapos ako nang mas maaga kesa sa inaahasahan ko.Ngayon ang last day ng finals namin kaya naman grabe na lang ang luwag ng dibdib ko ngayong alam kong tapos na 'to. Medyo confident ako sa mga sagot ko sa mga nagdaang test kaya naman kahit kakaunting kaba ay hindi ko maramdaman. Grabeng review kasi ang ginawa ko sa mga nagdaang araw kaya marami akong nasagutan na tanong na alam na alam ko talaga ang sagot. Laking pasasalamat ko nga at nandyan si Cade dahil grabe ang natulong niya sa'kin. Lahat ng lessons na hindi ko matandaan ay siy

    Last Updated : 2021-07-02
  • Chased by Her   KABANATA 7

    KABANATA 7Halos madapa ako dahil sa suot kong mataas na takong. Hindi magkamayaw ang kamay ko sa paghahanap kung nasaan ang susi ng sasakyan ko. Nang mahanap ko 'yon ay dali-dali akong bumaba at hindi na nag-abalang mag paalam kanila mommy. Alam naman nila na may lakad ako ngayon dahil nakapag-paalam na ako noong nakaraan.Magaalas-diez na ng gabi pero heto ako ngayon, pasakay pa lang sa kotse. Ang usapan namin ni Freya ay susunduin ko siya sa bahay nila ng 9:00 pm. Siguradong kung ano-ano nang ginamit niyang lenggwahe para lang mamura ako.Natulog kasi ako kaninang hapon and I overslept. Alas nuebe na ako nagising. Idagdag mo pa ang pag-aayos ko kaya mas lalo akong natagalan. Kung siguro ay may mga pulis lang sa mga dinaraanan ko ay nakasuhan na ako ng fast dri

    Last Updated : 2021-07-03
  • Chased by Her   KABANATA 8

    KABANATA 8Kahit marami akong alak na nainom ay gising na gising pa rin ako. Alas kuatro na ng umaga ngunit mulat na mulat pa rin ang mga mata ko, iniisip ang ginawa namin ni Yael sa bar kanina. Hindi ko mawala sa isip ko 'yon dahil pakiramdam ko ay nakadikit pa rin sa'kin ang labi ni Yael. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kahit na alam kong mali ang ginawa namin kanina ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti.'Yon 'yung first kiss namin ni Yael. Hindi na ako magpapahalik pa sa ibang lalaki.'Yan lang ang nasa isip ko magdamag. Kung pwede nga lang ay huwag na akong mag toothbrush ay ginawa ko na para lang hindi mawala ang pakiramdam ng halik niya sa labi ko.Dahil sa pag-iisip at puyat ay bangag na bangag ako kinabukasan. Sobrang sakit din ng ulo ko. Matinding ha

    Last Updated : 2021-07-04
  • Chased by Her   KABANATA 9

    KABANATA 9"Did you include Claudine and your other friends in your invitation?" tanong ni mommy mula sa labas ng kwarto ko. "Yes po, makakapunta raw po sila," sagot ko. "Okay, get ready na anak." Iyon lamang ang huling sinabi ni mommy bago ko marinig ang papalayong yabag ng mga paa niya. Hapon na at papalubog na ang araw kaya bumangon na ako para maligo. It's Saturday at ngayon na ang anniversary nila mommy. Ininvite ko sina Cloud noong nakaraan at makakapunta silang lahat. Including Yael. Simula noong nangyari ang insidente sa starbucks ay ako na ang naging sandalan ni Yael. Ako lang kasi ang nakakaalam noong nangyari noong araw na iyon kaya sa mga sumunod na araw ay ako ang napagsasabihan ni Yael ng problema niy

    Last Updated : 2021-07-05
  • Chased by Her   KABANATA 10

    KABANATA 10"So I guess, we're done for today?" Halos sabay-sabay na tumayo ang mga estudyante sa classroom na pinapasukan ko nang sabihin 'yon ng professor. Nagmamadali akong lumabas dahil medyo malayo-layo sa classroom na 'yon ang meeting room ng mga miyembro ng student council. Halos lakad-takbo na ang ginawa ko, makarating lang doon.Pagkarating ko roon ay nagpapasalamat akong kakaumpisa lang nila. They're having a meeting because of interhigh kase. Malapit na 'yon kaya naman nagpatawag agad 'yung president namin ng meeting. Umupo ako sa tabi ni Rio, 'yung president namin. "Congratulations, Emma. First time mong ma-late," biro niya sa'kin. Kahit alam kong biro 'yon ay nag-paumanhin pa rin ako dahil late naman talaga ako.

    Last Updated : 2021-07-05
  • Chased by Her   KABANATA 11

    KABANATA 11"Water break!" sigaw ni coach. Agad na nagsitakbuhan ang mga co-players ko sa mga gamit nila. Ganon din ang ginawa ko. Marami pang minuto nang matapos akong uminom kaya sumilip ako kung nasaan sina Freya nagpa-practice. Sa BEG (Blue Eagle Gym) sila naglalagi ngayon dahil chants lang naman ang pinapractice nila."Sst!" tawag ko kay Freya. Mukhang water break din nila kaya naman lumapit siya sa'kin."What? Water break niyo rin?" tanong niya. Tumango ako. Mukhang masama ang timpla ni Freya dahil nakakunot ang dalawang kilay niya. "Ba't ganyan mukha mo? May nangyari ba?" tanong ko. Inayos ko ang isang takas ng buhok niya at inilagay 'yon sa tainga niya.

    Last Updated : 2021-07-05

Latest chapter

  • Chased by Her   WAKAS

    WAKAS "Pwede ba, Yael? Bitiwan mo ako! Wala kang ginawang masama pero ayoko na! Pabayaan mo na ako, Yael. Oo, ayos tayo kahapon pero dahil 'yon sa tinitiis lang kitang makasama. Ayoko biglain ka kaya naman tiniis kong samahan kita kahapon pero Yael, ayoko na." I felt my body numb. Hindi ko alam kung anong ginawa ko at naisipan ni Anya na hiwalayan ako. I gave everything to her. I'm always by her side whenever her parents is having a fight. "Bastos ka, ah!" I was about to walk out in that club when I heard that shout. Mabilis akong napalingon kung saan nanggaling ang sigaw na 'yon. There, I saw a tall blonde woman, being harrased by a drunk man. Mabilis akong lumapit sa kanila at sinapak 'yung lalaki. Kita ko pang napatalsik 'yung babae dahil sinapak ko 'yung lasing. I punched the guy several times until Kai, a friend of mine restrained me from punching. "Yael, tigilan mo na. Andito na 'yung mga bouncer," sabi niya at inilayo ako roon sa lasing na lalaki. Pinunasan ko ang dugo

  • Chased by Her   KABANATA 40

    KABANATA 40 "Hey, mommy..." matamlay na tawag ko. "You look stressed, Emma. Why? Your father's secretary told me that you weren't working for 2 weeks. Is there any problem, hm? Care to share?" malambing na tanong niya. Ngumiwi ako. I'm not stressed, really. It's just a pregnancy thing. I'm tinatamad everyday. "Uh...no, it's nothing," hilaw na sabi ko. Gusto ko nang matulog. "Are you sure? Do you wanna go home?" tanong niya uli. Kita ko ang pagkuha niya ng copita at sinalinan 'yon ng wine. Ngumiwi uli ako. "I hate wines now," wala sa sarili kong sabi. Kita kong natigilan si mommy at gulat na napatingin sa'kin. "What? Impossible," sabi niya, nanlalaki pa ang mga mata. Nagkibit balikat ako at tiningnan si Yael na nasa harap ko. Nasa balkonahe kami ng penthouse niya. May lamesa kase rito na pang dal

  • Chased by Her   KABANATA 39

    KABANATA 39 "I'm sorry." "You think you're someone that I need?" "I can't love you back." Isa-isang tumulo 'yung mga luha ko. Those memories keep hunting me hanggang ngayon. Sa tuwing naalala ko 'yung mga 'yon ay agad kong kinikuwestiyon ang importansiya ng buong pagkatao ko. "Baby, wake up..." rinig kong boses ng isang pamilyar na lalaki. Mas lalo akong napahikbi. I don't want those memories. I want to forget all of them. "Hey, Emma. Wake up," sabi ulit ng lalaki. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Noong una ay hindi ko pa masyadong maaninag kung sino ang nasa harapan ko dahil basang-basa ang mga mata ko. Ilang segundo lang ang lumipas nang makita kong si Yael 'yon. "What's wrong? Bad dream?" nag-aalalang tanong niya sa'kin. Tinitigan ko siya

  • Chased by Her   KABANATA 38

    KABANATA 38 Mabilis akong napatakip ng mga mata nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Inis kong kinuha ang unan mula sa gilid ko at itinakip 'yon sa'kin. "Hmm..." Sandali akong natigilan. Who's that? Kinakabahan kong tinanggal ang takip sa mukha ko at tiningnan ang katabi ko. "Oh, shit," nanlalaki ang mga mata kong bulong nang makita si Yael na nasa tabi ko, mahigpit ang yakap sa'kin. "Oh my ghod," muli kong bulong at natakpan pa ang bibig nang maalala isa-isa 'yung ginawa namin kagabi. Marahan kong hinawakan ang kumot at itinaas ito para makita kung anong nasa ilalim nito. He's still naked! Damn, ako rin! "Baby, stop moving..." inaantok na sabi ni Yael at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa'kin. Asar ko siyang pinalo sa braso at pilit na inalis ang pagkakayakap sa'

  • Chased by Her   KABANATA 37

    KABANATA 37 "Hello, beautiful." "Isaac!" malaki ang ngiting bati ko. Binitawan ko ang gym bag ko at mabilis na tumakbo papalapit sa kanya. "Kumusta na?" tanong niya sa'kin bago ako yakapin. Siya rin ang kumalas non bago tingnan ang kabuoan ko. "Wow," manghang tingin niya sa'kin. Humalakhak ako at kunwaring hinawi ang buhok. "What?" natatawang tanong ko. "You've grown up. Mas lalo kang tumangkad, huh?" "Yup. Mana kay mommy." "Yeah, I can see that. So, what brought you here?" nakataas ang kilay na tanong niya. "Cardio," nakangising sabi ko bago hubarin ang jacket ko at hinagis 'yon sa gilid kung saan ko iniwan ang gym bag ko. Tumambad ang itim na suot kong sports bra at ang pinaghirapan kong katawan sa loob ng limang

  • Chased by Her   KABANATA 36

    KABANATA 36"Any update?" nakangising tanong ko kay Cade mula sa screen ng laptop ko. It's 3:00 pm here while sa New York ay 3:00 am. Kausap ko siya sa face time at kinukulit kung meron na bang update sa babae niya. Ewan ko kung bakit gising pa 'to sa ganitong oras eh laging pagod sa trabaho 'to kaya dapat nagpapahinga na siya ngayon."Well, she's single. Your curse on me last week didn't work," nakangisi ring sagot niya. Tumaas ang kilay ko bago umirap."What curse?" takang tanong ko sa kanya."Can't remember anything, eh? Isinumpa mo ako na sana taken na siya, remember?" naiiling na sabi niya."Psh. Malamang, hindi talaga magwo-work 'yon! Bakit? Kinabahan ka ba nung sinabi ko 'yon?" nang-aasar na sabi ko. Saglit kong kinuha ang tumbler sa gilid ko para uminom bago ibalik ang paningin ko sa screen."Sabagay, hindi talaga magwo-w

  • Chased by Her   KABANATA 35

    KABANATA 35"Oh, wow. It's good that hindi awkward sa inyo ni Yael na mag work together, 'ha?" manghang sabi ni Freya."Yeah. Hindi ko naman siya lagi nakikita kasi hindi naman ako nagpupunta sa site," sabi ko bago uminom sa copita. Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant around makati. Si Freya lang ang kasama ko dahil busy si Cloud sa trabaho. Same as Gavin, Bea, Kai, and of course, Yael."Huh? Why naman?" takang tanong niya. Humiwa siya ng waffles at isinubo ito bago ako nagtatakang tiningnan."I'm busy dahil sa kumpanya. I mean, not really busy since maaga naman talaga ako natatapos palagi. It's just uhm, maaraw. Ayokong mainitan." pagdadahilan ko. Tumaas ang kilay niya bago ako mapanuring tiningnan."What?" tanong ko. Kung makatingin kasi siya eh parang sinasabi niyang nagsisinungaling ako."Mainit ba talaga o..."

  • Chased by Her   KABANATA 34

    KABANATA 34"Good morning, Ms. Dizon. Ito na po 'yung pinagawa niyong report," nakangiting bati ng babaeng empleyado nang makapasok siya sa loob ng opisina. Nang tinanggap ko 'yon ay mabilis siyang tumango at naglakad paalis. Si Alec ang dapat gumagawa nito pero on leave siya ngayon. Ang alam ko ay family vacation ang dahilan kaya siya nagpaalam na mawawala ng ilang araw. 'Yung babaeng pumasok kanina ay basta ko na lang na tinawag kanina sa labas para maging kapalit ni Alec. Syempre, dinagdagan ko rin ang sahod.Matapos nang araw na 'yon ay hindi ko na ulit nakita si Yael. Si Alec ang pinapapunta ko sa site kung gusto kong makita ang mga nangyayari roon. Pinapavideohan ko o 'di kaya naman pinapakuhanan ko siya ng litrato. Tuwing sabado niya ginagawa 'yon pero dahil nga wala siya ngayon, hindi ko muna makikita kung ano-anong nangyayari sa site. Bukod kasi sa marami akong ginagawa ay mainit din sa labas kaya hangga't maaari ay hindi ako

  • Chased by Her   KABANATA 33

    KABANATA 33 "Goddammit..." asar na bulong ko. Marahas kong itinapon ang cellphone sa kama bago padabog na tumayo. First day of work, late. Yey. Mabilis kong kinuha ang tuwalya ko at nagmamadaling pumasok ng banyo. Mag-aalas nuebe na nang magising ako kaya naman ganito na lang ang pagmamadali ko. Ang usapan kasi ay kikitain ko ang secretary ni daddy ng alas nuebe ng umaga. Napahaba kasi 'yung call namin nina Cloud kagabi kaya late na rin ako nakatulog. Kamalas-malasan pang late rin ako nagising. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko alam kung maayos na pagligo pa ba 'yung ginawa ko. Hindi na ako nakapag-scrub dahil wala na akong oras. Nagsuot ako ng itim na tube na pinatungan ng blazer. I paired it with a wide leg pants at nagsuot ng takong na may taas na 5 inches. Binlower ko lang ang buhok ko at lumabas na. Sa opisina na lang siguro ako magsusuklay. Nang makasaka

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status