CLAIRE Nakasakay kami dito ngayon sa isang malaking Van at ako lamang ang nakaupo sa pinakang gitna habang ang iba ay nasa harap at likod ko. Sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko hindi para saakin kundi para sa mga anak ko. Kung pupwede lang na lumipad kami papunta sa kinalalagyan ng kambal ay gagawin ko para lang makasama sila. Napatingin ako sa paligid. Hindi na familiar saakin ang dinaraanan namin at malay ko kung saang lupalop naglalagi ang amerikanong kalaban ko. Si Zekiel! Sigurado akong mag-aalala yun sa oras na malaman niyang hindi pa ako nauwi, kailangan ko siyang itext. Sumandal ako sa aking kinauupuan at pasimpleng tinignan ang mga kasama ko. Lahat sila ay tahimik at walang pakialam saakin. Ang cell phone ko ay nasa kanang bulsa nang suot kong dress ang kulang nalang ay timing kung kailan ko ito kukunin at kailan ako magtetext. Pinagpapawisan ako ng malamig dahil hindi ako pwedeng mahuli sa gagawin ko. Sa oras na malaman nila ay maaaring idamay din nang mga ito s
NAGPASYA na si Zekiel na huminto na sa pagtatrabaho at umuwi para makita na 'rin niya ang kaniyang pamilya, pamilya na pampalakas niya. Kinuha niya ang cell phone habang papalabas sa office at para na 'rin sabihan si Hero ngunit napahinto siya nang sunod-sunod na nagsidatingan ang notification niya. Nanlaki ang mata niya ng mabasa ang nakasulat sa huling message. 'Kiel hanggang ngayon di pa 'rin nauwi si Claire! Kanina pa siyang umaga sa mall!' Nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto at andoon ang nag-aalalang si Hero. "Claire is missing!" Agad na tumakbo palabas si Zekiel at sumunod naman agad si hero at mabilis silang nakasakay sa sasakyan. Habang nasa kotse at nagmamaneho si Hero ay tinawagan agad ni Zekiel si Dylan. "Mansion ASAP, Claire is missing." Binaba niya agad ang tawag at tinawagan ang iba niyang koneksyon na maaaring makahanap ng lokasyon nang kaniyang girlfriend. "Nagulat ako ng mabasa ko ang text ni Quinn, busy ako sa trabaho kaya hindi ko agad nalaman,"
"MOMMY!" Napatingin ako sa tumawag saakin kaya agad akong humiwalay kay Zekiel at tumakbo sa kambal. "Thank God safe kayong dalawa!" Mahinang sabi ko sa mga ito at nanggigilid na ang aking luha. "Mommy andito lang naman po kami sa bahay ano pong sinasabi mo?" Nagtatakang tanong nito na ikinailing ko at humiwalay sa yakap namin. "Na miss kayo ni Mommy kasi tumambay siya ng matagal sa mall," natatawang singit ni Zekiel saamin kaya napangiti nalang din ako. "What mommy? Dapat sinama mo kami para may kasama ka po!" "No, hindi kayo pwedeng lumabas naiintindihan niyo ba?" Seryoso kong sabi na ikinagulat ng mga ito at ikinataka. "Are you serious mommy?" Nakangiting sabi ni Zoey. "Dead serious." nawala ang ngiti sa labi ni Zoey dahil doon ngunit hindi ko iyon pinansin. "My life what are you saying?" Nakangiting tanong nito saakin. "Seryoso ako Zekiel," humarap ako sa mga body guards na ibinigay ni Louise. "Make sure na hindi sila makakalabas maliwanag?" Tumango sila saakin
"Sigurado ka ba na pupunta kayo?" Nag-aalala kong tanong kay Zekiel habang inaabot sa kaniya ang jacket na pinakuha nito saakin sa kwarto namin. "My life sigurado, hindi ba natatakot ka na baka may mangyari sa anak natin, na baka mapahamak sila? Tatapusin ko na para walang gulo," hinawakan niya ang pisnge ko at hinaplos iyon pagkatapos ay hinalikan ang aking noo. "Pero nag-aalala ako para sa inyo lalo na sayo, ayokong mawala ka saamin Zekiel," napangiti siya sa sinabi ko. "Ang sweet naman, after this I will make you the most happiest girl alive," bulong niya at hinalikan ang aking labi. Bakit ganon? Feeling ko may mangyayaring masama. "Dito ka lang okay? Bantayan mo ang kambal," sabi niya pagkahiwalay niya sa labi ko at hinalikan ako muli sa noo pagkatapos ay tuluyan na akong iniwan at pumunta sa gawi nila Dylan. "Ready na ba ang team?" nakatingin lamang ako sa kanila. Sobrang nag-aalala talaga ako kasi nararamdaman ko na mayroong hindi magandang mangyayari. "Ready na Kie
PAGKADATING nila Zekiel sa kinalalagyan ng taong gustong pumatay sa anak niya ay nagtago muna sila sumandali upang pagplanuhan ang pagpasok sa loob dahil nakita nila sa CCTV na maraming bantay doon maging sa labas. "I need you to act Hero," nagtaka ang dalawa dahil sa sinabi ni Zekiel. "I need you to act like you are shot by a gun para ma-distract ang mga tauhan sa unahan habang ang iba ay tahimik na papasok sa magkabilang gild na daanan," mayroon kasing tatalong daanan palabas at papasok. Sa pinakang main door at sa magkabilang gilid ng building. Naisip ni Zekiel na kunin ang attention nang ibang bantay habang ang iba ay patutulugin gamit ang pampatulog na gas. "Okay copy," sagot ni Hero na ikinatango ni Zekiel. "Nasa likod niyang upuan mo ang fake blood. Ikaw naman Dylan ikaw ang bahala sa kaliwang daanan habang ako sa kanan," lingong sabi niya dito na ikinatango din nang lalaki. "And then magkikita tayong tatlo sa pinakang gitna ng building bago pumasok sa itaas maliwanag?" "Co
Napasigaw ang lahat dahil doon habang si Zekiel ay pilit na iniinda sa sarili ang sakit at napakuyom ang kaniyang kamao at napadiin ang kaniyang dalawang ngipin. Hindi na kinaya ng iba ang koryente at sunod-sunod na hinimatay ang mga ito maging si Dylan at Hero na nag-aalala para sa kaligtasan nila. "Hahaha nasaan ang tapang niyo ngayon? Akala niyo ba hindi ko alam ang plano niyo? In your dreams!" sigaw na sabi ni Camille habang si Zekiel naman ay hindi narin kinaya ang kuryente at nakatulog dahil doon na minumura ang babae sa kaniyang isipan. Napansin ni Camille na tulog na ang mga ito kaya itinigil na niya ang ginagawang pangongoryente. "Kunin niyo na sila, ilagay niyo sa kulungan ang mga kasamahan nila habang sila Kiel naman ay ipasok niya sa isang silid at itali ng maigi," "Yes madam," Yumuko sa kaniya ang isang lalaki at naging mabilis ang kilos ng mga ito. "Anong akala niyo saakin mapapakulong niyo ako at mapapatahimik ng ganon-ganon lang, tsk." galit na sabi ni Camil
Hindi nagdalawang isip si Claire na bumaba ng kotse habang naka tali sa palibot nang kaniyang katawan ang mga baril na kinuha niya at ang dalawang granada na dala niya. Naglakad siya sa gitna papunta sa loob na hindi iniisip ang kalaban. "Sino ka?!" sigaw ng isa sa kaniya at mabilis na hinagis ni Claire ang granada sa gilid na parte ng building na ikinalikha niyon ng pagsabog kasabay nang pagbaril niya sa lalaking nakakita sa kaniya. "Ako ang uubos sa inyo," seryosong sabi ni Claire at nagpatuloy sa paglalakad. Napayuko si Camille dahil sa pagsabog na iyon na ikinayanig naman ng buong building sa sobrang lakas nang impact ng pagsabog. "What was that?!" galit na sigaw ni Camille habang si Zekiel ay nagtataka kung ano ang nangyayari. "Madam may sumusugod!" sigaw ng isang tauhan na napatigin sa may bintana. "Lumabas kayo at labanan niyo!" sigaw ni Camille na ikinasunod naman ng mga ito at iilan nalamang ang naiwan sa loob. "Sino naman ang magliligtas sa inyo?!" galit na sabi
CLAIRE NANDITO kami ngayon sa hospital kung saan ko dinala ang tatlo at andito na 'rin ang mga pamilya nila. Nakilala ko na ang asawa ni Hero at ang anak nitong mag-iisang taon na. Si Bea ay galit na galit dahil sa nangyari lalo na at wala siyang kaalalam-alam na mapapahamak na pala ang asawa niya. Ang magulang naman ni Zekiel at masaya dahil sa wakas ay natapos na namin ang maykasalanan sa muntik ng pagpatvay sa anak namin. Kung ako papipiliin ay papatavyin ko talaga yang Camille na yan dahil hindi manlang siya naawa sa anak ko gayong bata pa lamang ito. Sila kuya Timothy at nanay Lucing naman ay nasa bahay lamang dahil hindi ko na pinasama ang kambal, kahit na wala na si Camille ay meron pa 'ring tangka sa buhay namin o ako. Ang Mafia ng Spain, gustong-gusto kong sabihin kay Zekiel ang tungkol sa mga ito ngunit alam kong mag-aalala lamang siya gayong marami siyang natamong sugat sa buong katawan. "Bea, Quinn maiwan ko na muna kayo may bibilhin lang ako sa labas," Tulog kasi
Hi guys! Bakit wala pa rin akong update? Pakinggan niyo po ako, honestly takot po ako mag update. Pinakang kinakatakutan naming writers ay ang mag sulat ng hindi magandang daloy ng kwento. Aware naman po kayo na matagal bago ko masundan ang story, dahil po nawala ako sa daloy ng kwento. Hindi ko nga po alam kung okay ba ang naisulat ko last update ko? Comment naman po kayo if ever okay siya at nakaka-excite pa rin. Alam ko mayroon akong ibang kwento na isinusulat, yes po dahil need ko pa rin mag move forward besides itong pagsusulat na rin po ang source of income ko. Nag aaral din po ako at ito ang tumutulong sa pamilya ko kaya need ko talaga gumawa po ng bagong kwento para at the same time kumita din po ako. Now, may nag message po saakin, hello tukayo Nicole Tejadal! Maraming salamat sayo dahil nabuksan ang isip ko na wag matakot mag sulat. Or di kaya mag update kahit pa-konti konti basta ituloy ko ang story ni Zayn at Zoey. Story ni Zekiel at Claire ang isa sa paburito kong mga
“NASAAN si Ace?” Napalingon si Archer sa kaniyang ate Catherine ng pumasok ito sa kanilang kwarto. Kanina pa nito hinahanap ang kapatid dahil mayroon sana itong itatanong dito ngunit ang naabutan niya lang ay si Archer na naglalaro sa computer. “Umalis ate Cath, pumunta kay ate Zoey.” Napatango si Catherine dahil sa sinabing iyon ni Archer at tummalikod na upang umalis ngunit kusa siyang napahinto ng mayroon siyang maalala. Lahat ng plano nila ay si Ace ang may idea, iniisip niya kung paano iyon ng laman lahat ng kapatid gayong ang bata-bata pa ng mga ito. “Archer pwede ba kitang makausap sandali?” Napangiti si Archer dahil sa sinabi ng kaniyang ate at tumango dito. Inalis niya muna ang headphone na suot niya at hinarap ang kaniyang ate na nakaupo sa kanilang higaan. “Hindi ba maraming nangyari sa inyo ni Ace noong iniligtas niyo si ate Zoey?” tumango naman is Archer sa sinabi ng kaniyang ate. “Paano niyo nagawa lahat ng ‘yon? I mean ang bata niyo pa that time, three?” Napaisip
PAGKARATING ni Zoey sa kanilang hideout ay agad na nagtanong ito kay Georgia kung mayroon ba silang kasamang mga Filipino doon at mayroon nga. Kasama niya ‘daw iyon mula sa assassin world na siyang hindi sangayon sa pamamalakad ni Kathryn. Nang dahil doon ay nawala ang panghihinala ni Zoey sa lalaking iniligtas niya. Tinanong siya nito kung bakit niya naitanong kung kaya na-kwento niya ang tungkol sa iniligtas niya kanina. Matapos nilang mag-usap ay nagpasya si Zoey na mag training nalang muna. Ang tagal na ‘rin ng makapag training siya ng seryosohan kung kaya pakiramdam niya ay nabubuhay ang dugo niya sa pagsasanay. Marami siyang mga kasabayan sa training ground at dahil malaki naman iyon ay walang problema. Wala ‘ring pakialamanan sa mga nag tetraining. Pwede ‘ring magkaroon ng training partner dipende sa’yo. Karaniwan na mayroong training partner ay ‘yung mga gustong makipaglaban ng mano-mano. Sa ngayon ay ang gagamitin niya muna ay puting tela na ibinalot niya sa kaniyang kamay
NAKAUPO at binabasa ni Zoey ang mga papers na nasa kaniyang harapan. Naroroon na sila ngayon sa hide out ng kaniyang tito Phil at iniharap na sa kaniya nito ang mga information na nakalap nila tungkol kay Kathryn. Ayon sa mga nakalap nilang information ay nagkaroon ng trauma ang babae dahil sa kaniyang ginawang pagpatvy sa in ana si Kayla. Yes, si Kathryn talaga ang tunay na pumatvy sa kaniyang ina. Nung mga panahon na naglalaban silang dalawa ni Zoey dumating ang kaniyang ina para pigilan siya. Ngunit dahil nasa gitna ng labanan ang dalawa ay nadamay si Kayla at ito ang tinamaan ng anak. Sa gulat ni Kathryn ay napaatras siya palayo doon at nakatingin lang sa kamay niya na mayroong dugo. Habang nanginginig ang kamay at paulit-ulit na sinasabi sa sarili na hindi siya ang gumawa si Zoey naman ang sumubok na pigilan ang pagkawala ni Kayla. Kitang-kita iyon ni Georgia, hindi lang iyon nakuhaan pa niya ng video ang mga pangyayari hanggang sa sumigaw si Kathryn ba si Zoey ang pumatvy d
“KUNG ganon nalaman niyo lahat ng plano ko kasi narinig niyo ako?” tanong ni Zoey na sabay ikinatango ng kambal. Ayon sa mga ito, nang makita nilang binabalak ng tauhan ni Kathryn na putulin ang break ng kotse niya ay siya agad ang naisip nilang sabihan. Pero imbes na matuloy iyon ay narinig nila ang pakikipag-usap niya kay Phil. Doon nagsimula ang plano nilang kambal lalo na’t tumama ang ulo ng ate nila sa kahoy. Ang totoong plano ay susundan nila ito sa oras na ihatid sila ni Zoey sa isang tabi, susundan nila ito at hindi lalayo dito’t magmamasid lang ng palihim. Ngunit nagbago lang iyon dahil sa hindi inaasahang pagakakataon at ang ending sila ang nag-alaga sa kanilang ate. Hindi maiwasan ni Zoey na ma-teary eye dahil sa kaniyang naririnig. Kung tutuusin ay utang na loob niya sa kambal ang kaniyang buhay dahil kung hindi dahil sa mga ito ay baka wala na siya. Ano nalang ang mangyayari sa kaniya sa ilog na ‘yun? Sa bilis ba naman ng agos ng tubig. “Thank you twins!” nasabi ni
“HMP!” Pagpupumiglas ni Zoey dahil bigla nalamang mayroong tumakip sa kaniyang bibig at inilabas siya ng veranda. “Shhh! It’s me Zoey!” mahinang bulong sa kaniya ni Phil na siyang may kagagawan ng pagkuha sa kaniya. “T-tito Phil?” “Yes, we must get out of here as soon as possible!” Napaseryoso si Zoey dahil sa sinabi nito sa kaniya at binitawan na siya ng lalaki at tumingin sila sa paligid kung mayroon bang bantay. Nang masigurong wala ay walang alinlangan silang bumaba mula sa veranda na iyon at maayos na nag landing sa damuhan. “Follow me tito Phil,” mahinang sabi ni Zoey na ikinatango lang sa kaniya ng lalaki. Ang plano ay siya ang kukuha kay Zoey ngunit ang naging ending ay ito lang ‘din ang naglabas sa kanila sa lugar na iyon. Ano pa nga bang aasahan ni Phil? Silang kambal ni Zayne ang unang matatalinong batang nakilala niya, bakit una? Simple lang dahil mayroong mas matalino sa kanilang dalawa. Matapos ang ilang minutong pakikipagpatentero nilang dalawa sa mga banta
Hi Kimmie's! Alam ko marami ng galit sa inyo dahil wala akong update dito sobrang tagal na and yes kasalanan ko po. I'm really sorry, pero di ko na maibabalik ang mga nakalipas na buwan. Sadyang marami lang nangyari sa personal kong buhay to the point na di ako makasulat ng ayos. Yes, may bago akong story pero hindi ko mapagsabay ang dalawang story kaya mas pinili ko muna mag focus sa isa pero ngayon handa na akong pagsabayin sila at bumalik na ako sa dati yey! As of now binabasa ko ulit ito para as soon as matapos kong mabasa at makabalik ako sa kwento ni Zoey matutuloy ko na. Again, sorry sa matagal na paghihintay but be patient guys. Mag uupdate ako sooner or later. Gugulatin ko nalang po kayo para surprise. Sana ay nandito pa 'rin kayo nakasubaybay sa kwento ng Gray Family. Comment down sa matyagang nag hihintay ng update, mahal ko kayo! Thank you so much! Love lots!
KAHIT na hindi alam ni Zoey kung ano ang sasabihin niya kay Xavier ay nangingibabaw pa ‘rin ang kaniyang pagkamiss sa nobyo. Kahit na nakakasama niya ito ng madalas noong nagpapanggap siya bilang Fiona ay hindi naman niya ito maalala kaya ngayon na nakaka-alala na siya ay mas nangingibabaw ang kaniyang pagkamiss dito ngayon. Naupo si Xavier sa gilit ng kaniyang higaan habang siya naman ay sumandal sa headboard upang kahit papaano ay makapantay niya ito. Magkatitigan lamang silang dalawa at walang nagsasalita. Kapwa mayroong mga ngiti sa labi ngunit hindi mo mararamdaman ang ni-katiting na awkward sa kanilang pagitan. Hanggang sa hindi na nila napigilan at tila iisa ang kanilang nasa isip dahil pareho nilang niyakap ang isa’t-isa ng sobrang higpit. Hindi iyon inaasahan ni Zoey kung kaya naging emosyonal siya hanggang sa tuluyan ng tumulo ang luha niya at humagulhol na ito sa balikat ng lalaki. “My angel why? May masakit ba sa’yo?” alalang tanong ni Xavier dito ng maramdaman niya ang
“REPORT” Seryosong sabi ni King Clark ng pumasok sila ni Zekiel sa loob ng CCTV room kung saan naroroon ang mag kakaibigan kasama ang bunsong kambal. Agad na nagsitayuan ang mga ito at sa pangunguna ni Zayne ay siya ang sumagot sa kanilang titong Hari. “Nakita namin na ibinaba siya malapit dito sa palasyo. Ang ipinagtataka lang namin ay pagka-alis na pagka-alis ng van na iyon ay nawala na ‘din ang footage. Sinubukan na namin lahat ng alam namin para maibalik ang footage ngunit wala pa ‘rin.” Seryosong sabi ni Zayne na siyang ikinatango naman ng mga kasama niya. Samantalang sina Zekiel at King Clark naman ay nagkatinginan dahil doon. Pinasuyod ‘din kasi nila ang paligid para masiguro kung mayroon pa bang ibang kalaban sa paligid ngunit wala na naman silang nakita. “Kung ganon pinaghandaan nila ito. Ang tanong ay anong ginawa nila sa anak ko para nalang umiyak ito ng ganon?” naguguluhan na sabi ni Zekiel. “Ang mas nakakapagtaka pa po tito ay walang ibang sugat si Zoey bukod sa marka