Hindi nagdalawang isip si Claire na bumaba ng kotse habang naka tali sa palibot nang kaniyang katawan ang mga baril na kinuha niya at ang dalawang granada na dala niya. Naglakad siya sa gitna papunta sa loob na hindi iniisip ang kalaban. "Sino ka?!" sigaw ng isa sa kaniya at mabilis na hinagis ni Claire ang granada sa gilid na parte ng building na ikinalikha niyon ng pagsabog kasabay nang pagbaril niya sa lalaking nakakita sa kaniya. "Ako ang uubos sa inyo," seryosong sabi ni Claire at nagpatuloy sa paglalakad. Napayuko si Camille dahil sa pagsabog na iyon na ikinayanig naman ng buong building sa sobrang lakas nang impact ng pagsabog. "What was that?!" galit na sigaw ni Camille habang si Zekiel ay nagtataka kung ano ang nangyayari. "Madam may sumusugod!" sigaw ng isang tauhan na napatigin sa may bintana. "Lumabas kayo at labanan niyo!" sigaw ni Camille na ikinasunod naman ng mga ito at iilan nalamang ang naiwan sa loob. "Sino naman ang magliligtas sa inyo?!" galit na sabi
CLAIRE NANDITO kami ngayon sa hospital kung saan ko dinala ang tatlo at andito na 'rin ang mga pamilya nila. Nakilala ko na ang asawa ni Hero at ang anak nitong mag-iisang taon na. Si Bea ay galit na galit dahil sa nangyari lalo na at wala siyang kaalalam-alam na mapapahamak na pala ang asawa niya. Ang magulang naman ni Zekiel at masaya dahil sa wakas ay natapos na namin ang maykasalanan sa muntik ng pagpatvay sa anak namin. Kung ako papipiliin ay papatavyin ko talaga yang Camille na yan dahil hindi manlang siya naawa sa anak ko gayong bata pa lamang ito. Sila kuya Timothy at nanay Lucing naman ay nasa bahay lamang dahil hindi ko na pinasama ang kambal, kahit na wala na si Camille ay meron pa 'ring tangka sa buhay namin o ako. Ang Mafia ng Spain, gustong-gusto kong sabihin kay Zekiel ang tungkol sa mga ito ngunit alam kong mag-aalala lamang siya gayong marami siyang natamong sugat sa buong katawan. "Bea, Quinn maiwan ko na muna kayo may bibilhin lang ako sa labas," Tulog kasi
Tumango siya saakin at niyakap ako. "Alam kong mahirap para sayo ang bagay na ito but you have to face it. Hindi pwedeng dito ka makipaglaban. You're the Princess of Spain, Claire sa inyo nakasalalay ng kuya mo ang future ng bansa natin." napahigpit nalamang ang yakap ko sa kaniya at hindi napigilan ang aking luha. I really need to do this. *** Days have past at nakauwi na si Zekiel dito sa bahay, ilang araw na 'rin ang lumipas magmula ng makausap ko si kuya Timothy at ilang araw na 'rin magmula ng makita ko siya. Nang makapag-usap kami nung gabing yun ay bigla nalamang ito naglaho na parang bula, si Quinn nga ay alalang-alala kay kuya dahil doon sinabi ko nalang na nagtext saakin si kuya at mayroong importanteng gagawin kaya umuwi sa kanila dahil maging si tita Kaithy ay nawala din. Sa paglipas ng mga araw ay nag-aalala na 'rin ako. Magaling na si Zekiel at nangako si kuya Timothy na kasama ko siya sa oras na bumalik kami sa Spain pero hanggang ngayon ay wala pa 'rin siya at hind
Ilang minuto rin ang nilakad namin hanggang sa makarating na kami sa circle kung saan ang pinakang centro ng mall at maaari mong makita ang apat na palapag na nasa pinakang itaas ng cirlce. "Nasaan na ang daddy niyo? Hindi ba't ito na ang circle?" tanong ko sa kambal na ikinakibit balikat nila at bumitaw saakin. "Andito lang siguro yun mommy makikita naman agad natin sila eh," sabi ni Zoey at tumingin-tingin sa paligid at ganoon din ako ngunit ilang sandali ng pagala-gala ang mata ko ay hindi ko pa 'rin siya makita. "Wala naman—Zoey? Zayne?!" napasigaw ako ng hindi ko makita ang kambal sa aking likuran at nagtaka ako ng maging ang mga body guards namin ay wala. Mas lalong nakakapagtaka ay pati ang mga tao sa paligid ay nawala. "Ah!" napatili ako ng mayroong biglang pumutok at napatingin ako sa itaas ng mall at nagulat ako ng mayroong mga petal of roses ang bumabagsak doon na siyang ikinabango ng paligid. Anong nangyayari? Muling mayroong pumutok sa itaas na ikinagulat kong mul
"K-Kuya hindi ko pwedeng tanggapin kasi aalis na tayo diba? Kaya ka nandito ngayon ay dahil sinusundo mo na ako diba?" Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at tinignan ang mga mata niyang malungkot. "I-I'm sorry Claire," umiling ako sa kaniya. "You don't have to be sorry Kuya Timothy, alam ko ang tungkulin ako. Alam ko ang mga kailangan kong gawin," Pagkasabi ko niyon ay pumunta na ako sa kwarto ko at naglakad ako na parang walang buhay dahil sa sakit na nararamdaman ko. Gustuhin ko man na sumagot ng 'oo' kay Zekiel kanina pero may mga bagay pa ako na dapat tapusin. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay mayroon akong nakitang isang kahon doon kaya nilapitan ko ito at binuksan. "'Yan ang susuotin mo Claire. Sa pagbabalik mo sa palasyo ay dapat handa ka at ipakita mo sa kanilang lahat na ikaw ang princessa nila," Narinig ko na sabi ni kuya Timothy at nakita ko ang isang princess dress at isang cloack na pang royal princess na dati rati ay nakikita ko lamang sa palabas ngunit nga
"WHAT? A-Ano pa ba ang mga bagay na tinatago mo my life na hindi ko alam?" Napabuntong hininga si Claire dahil sa sinabi ng lalaki. "Guards!" Nagulat sila ng sumigaw ng malakas si Claire na siguradong ikakarinig ng mga body guards ng kambal. Maya-maya pa ay nagsipasukan na ang mga body guards mula sa labas at yumuko sa kaniya. "Yes your highness," magalang na sabi ng pinakang leader ng mga ito. "Kunin niyo ang mga anak ko at dalhin sa kwarto," "W-What? Mommy no! Please no!" sigaw ni Zayne ng makalapit na sa kaniya ang isang body guard at agad siya nitong binuhat paalis doon habang si Zoey naman ay doon lang natauhan ng buhatin siya ng isang tagabantay. "M-Mommy!" Pinilit ni Claire na wag pansinin ang mga tawag ng kaniyang mga anak dahil ginusto 'rin niya na wag iparinig sa mga ito ang katotohanan. "B-Bad guys..." mahinang sabi ni Zoey na wala ng ibang nakarinig dahil pasara na ang pintuan. "Bakit kailangan pang paalisin ang kambal?" tanong ni Quinn na ikinatingin ni
"M-May gusto lang akong malaman bago ka umalis," natigilan sila dahil sa sinabi ni Zekiel at napatingin dito. "K-Kailan mo kami babalikan ng mga anak mo?" parang pinana si Claire sa naging tanong ng lalaki at nakain niya ang kaniyang dila dahil sa hirap magsalita ng isasagot dito. "H-Hindi ko alam, n-nung oras na sinoot ko nag korona ay bawal na akong umatras sa tungkulin," mas lalong napaiyak ang mga babae dahil sa sinabi ni Claire at maging ang ina ni Zekiel ay naiyak na 'rin. Sa sumandaling nakasama nila ang dalaga ay nakikita nilang napakabait na bata nito at mahal na mahal nito ang kanilang anak kaya sa oras na kinilangan ng mga ito ng tulong ay hindi sila nagdalawang isip na tulungan sila. "T-Tama, sige salamat sa pagsagot," hindi na napigilan ni Zekiel ang pagtulo ng kaniyang luha at muntik na siyang matumba sa kaniyang kinatatayuan mabuti nalang at naging maagap ang papa niya at tinulungan ito. "I-I'm okay dad, ayos lang ako." sabi nito sa ama na kahit halata naman na
MATAPOS iutos ni Claire na dalhin sa kwarto ang kambal ay agad na tinakpan ng mga ito sa bibig ng kambal ng panyo na may pampatulog na ikinalaki ng mata ni Zayne at pilit na tinatawag ang ama at ina ngunit huli na dahil nakalanghap na sila pareho ng pampatulog. Mabilis ang naging kilos ng mga body guard at sa likod ng kusina dumaan at sumakay sa kotse na nakaabang sa labas. At dahil kilala sila bilang body guard ng mga Gray ay agad silang pinalabas. Madali lang ang kanilang naging byahe na ikinasalubong naman sa kanila ng amo nito. "Very good boys," nakangising sabi ng babae sa kanila. "Salamat madam, saan ho namin dadalhin ang kambal?" tanong ng mga ito sa babae na walang iba kundi si Camille. "Dalhin niyo sa kwarto ng Mahal ko, gagantimpalaan kayo nun dahil sa ginawa niyo," nakangising sabi ng babae na ikinangiti ng malaki ng mga ito at agad na umakyat sa itaas. Napasunod ang tingin ni Camille sa mga ito na buhat buhat ang kambal. "Makakaganti na 'rin ako sayong babae ka.