Hi guys! Bakit wala pa rin akong update? Pakinggan niyo po ako, honestly takot po ako mag update. Pinakang kinakatakutan naming writers ay ang mag sulat ng hindi magandang daloy ng kwento. Aware naman po kayo na matagal bago ko masundan ang story, dahil po nawala ako sa daloy ng kwento.
Hindi ko nga po alam kung okay ba ang naisulat ko last update ko? Comment naman po kayo if ever okay siya at nakaka-excite pa rin.
Alam ko mayroon akong ibang kwento na isinusulat, yes po dahil need ko pa rin mag move forward besides itong pagsusulat na rin po ang source of income ko. Nag aaral din po ako at ito ang tumutulong sa pamilya ko kaya need ko talaga gumawa po ng bagong kwento para at the same time kumita din po ako.
Now, may nag message po saakin, hello tukayo Nicole Tejadal! Maraming salamat sayo dahil nabuksan ang isip ko na wag matakot mag sulat. Or di kaya mag update kahit pa-konti konti basta ituloy ko ang story ni Zayn at Zoey.
Story ni Zekiel at Claire ang isa sa paburito kong mga characters kasi lahat nailagay ko sa characters nila lalo na sa mga anak nila. Sobrang lawak ng naisip ko pero yet again, nahinto dahil matagal akong di nakapag update. Yes, kasalanan ko rin po yun, I know po. Pero don't worry! Hindi na ako matatakot mag update at sasabay na ako sa agos ng kwento.
Basta for now po pag aaralan ko muli ang kwento nila. Kung sakali kay Zoey muna ang tatapusin ko and then after nun wait muna tayo sa kwento ni Zayn since babasahin ko muna ang ibang parts lalo na sa mga important details. Mayroon kasi akong clue na mga ibinibigay kada book nila, so sa book ni Zoey meron na doon para sa book ni Zayn, mag kakadugtonv lang po sila guys!
Sabay sabay po ulit tayo mag re-read for a while! Pero kay Zoey mag uupdate ako as soon as possible! Wala pong exact date pero pangako hangga't mabilis gagawin ko! Since pasukan ko na ulit next week please bear with me po. Hindi po biro mag isip ng scenes kaya hahanap ako ng mas maraming inpirations para maituloy ang kwento ng Gray Family!
Again, thank you so much sa pag hihintay guys! Sorry din po napahaba note ko hehe I know kasi na babash na ako pero please hear me out po. Tatapusin ko po ang story pangako ko yan sa sarili ko.
~BINIBINING NICOLAY/MS.ASH
CLAIRENAGISING ako nang makaramdam ako nang pagkaihi, tatayo na sana ako at nag-unat muna sa higaan nang biglang may masanggi ako at iyon ay gumalaw. Nakaramdam ako nang mayroong pumulupot sa tyan ko na kamay at ito ay mainit. Agad akong natauhan at napatingin sa katabi ko ngunit napapikit muli nang makaramdam ako ng sakit ng ulo. Ano bang nangyari? Pilit kong inaalala ang nangyari hanggang sa magulat ako nang bumalik iyon lahat. "Oh my God!"Mahina kong sabi at agad na napatingin sa aking tabi, doon ay nakita ko ang lalaking nakita ko kahapon at wala din itong soot na damit katulad ko. Muli akong napabalik sa pagkakahiga ko at kay bilis nang tibok nang aking puso. Hindi ko alam ang gagawin! I just had a one-night stand with some stranger! My God Claire anong ginawa mo?! Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako tuluyang naghatak nang lakas nang loob at hinawakan ang kamay nang lalaking tong nasa bewang ko. Maingat ko iyong ginawa hanggang sa naging tagumpay ako. Muntik pa akong mahu
NANG makapasok ako ay nakita ko agad si Bea ngunit wala na doon si Dylan. Agad akong lumapit dito. "Bea,"Agad siyang napatingin saakin at tumayo't niyakap ako. Naramdaman ko ang pagyugyog nanaman ng balikat niya. Muka siyang problemado kanina noong inaantay niya ako. "C-claire I'm sorry! I'm sorry!""Shhh... Tahan na Bea ano kaba ayos lang yun,"Sabi ko habang tinatapik ang likod niya, hinayaan ko nalang muna siya na umiyak sa aking bisig. Hanggang ilang minuto pa bago siya tuluyang kumalma mabuti naman. "Okay kana?" nakangiti kong tanong sa kaniya na ikinatango naman nito. Mugto na ang mata niya at pulang pula ang kaniyang ilong. Maganda si Bea mahaba ang buhok niya na color black na may brown, at makakapal ang kilay. Mahahaba din ang kaniyang pilikmata at manipis ang kaniyang labi in short perfect. "Upo na tayo Bea," sabi ko sa kaniya at naupo kami. "Teka nasaan si Dylan andito siya kanina diba?" nagtataka siyang napatingin saakin."Umalis siya gigisingin niya daw yung kaibigan
NANDITO na ako ngayon sa kotse ng hotel nila Bea, matapos naming mag-usap ay hindi ako nagdalawang isip na umalis doon.Hinayaan ko na ang ilang damit at gamit dahil hindi ko naman iyon magagamit sa bahay ang dami kong damit at isa pa kapag babalik ako, para may damit ako doon.Malapit narin kami sa bahay at sigurado akong masusurpresa sila mama at nanay Lucing dahil maaga ang uwi ko. Ang sabi ko kasi ay baka isang linggo ako doon para bakasyon na 'rin kahit umalis na sila Bea ang kaso may hindi inaasahang pangyayari e."Ms.Claire andito napo tayo," natauhan ako sa sinabi nang driver kaya napatingin ako sa labas at tama nga ito, hindi ko namalayan baka ganon ka-occupied ang utak ko para hindi mapansin ang nasa paligid."Marami pong salamat kuya, ito po pang-uwi niyo po sa inyo," nakangiti kong sabi at binigyan ito nang isang libo."Naku Ms.Claire ang laki naman po nito pinapasahod naman po ako," umiling ako sa kaniya."I don't take no as an answer ano kaba, sige napo para sa pamilya mo
“MA, Nay, mag-iingat kayo dito ah? Mabilis lang ang isang buwan babalik 'din po ako kaagad pangako,” sabi ko sa kanila habang niyayakap ko ang mga ito.Six na nang hapon ngayon at seven ang flight ko, kailangan ko nang umalis kasi baka ma late pa ako. “Mag-iingat ka din doon Claire mamimiss ka namin,” naiiyak na sabi ni nanay.“Wag na umiyak Nay baka maiyak 'din ako babalik din naman ako ano ho ba kayo,” naiiyak narin na sabi ko, hindi ko naman mapipigilan ang luha ko e kusa siyang tumutulo. “Lucing awat na naiiyak narin si Claire oh baka dipa umalis 'yan sayang bayad sa flight,” napailing ako sa sinabi ni mama.“Basta mag iingat kayo ah! Tatawag ako agad kapag nasa Paris na ako siguradong umaga na dito at doon gabi palang,” kung gabi kasi ngayon dito ay umaga naman sa kanila. Kaya gabi ako binook ni Bea alam niya yun. “Tama yan, lalo na kapag nagka problema ah tumawag ka agad,” sabi ni nanay kaya tumango naman ako. Sa kanilang dalawa si nanay ang pinakang maaalalahin kaya ganiyan n
“PAPATAYIN mo ako sa pag-aalala Claire! Muntik ka nang bumagsak sa sahig kanina! Hindi kaba nag-iingat alam mong buntis ka!”Napabuntong hininga ako dahil sa sermon saakin ni Bea. Nakauwi na ako dito sa unit ko dahil sinundo niya ako agad sa lobby. Sinabihan niya pala ang mga staff na wag akong palabasin kaya hindi ako nakatakas at isa pa anjan lang sa kabilang kwarto si Zekiel. Okay na ako kasi nakita kona siya, hindi man ayos yung pagkikita namin at least okay na hehe. “Nakikinig kaba saakin Claire?”Natauhan ako dahil sa sinabi nito, napatingin ako sa kaniya at ngumiti nang pagkatamis-tamis.“Napakakulit mo talaga Claire jusko anong gagawin ko sa'yo,” sabi nito habang naglalakad-lakad pabalik-balik sa aking harapan na tila bang problemadong problemado. “Wag mong stress-sin ang sarili mo Bea, buntis ka eh,” sabi ko dito na ikinatingin niya saakin.“Then don't do anything stupid!” sabi niya na ikinatahimik ko naman. Tama naman ito puro kakulitan nalamang ang nagagawa ko, eh hindi k
Naramdaman ko ang paghagod nila sa aking likod. “Tahan na anak, hindi bat sabi ko sayo bago ka umalis kahit anong problema ay sabihin mo lang saamin dahil handa kaming tulungan ka. Pero anong ginawa mo? Itinago mo at tumakas ka sa katotohanan,” napailing naman ako sa sinabi ni mama saakin. “M-ma ayoko eh, ayokong malaman niyo. Ang dami kong pangarap para saating tatlo at hindi pa ako nakakabawi sa inyo samantalang ako ito nagpabuntis. Ma, Nay, promise hindi kopo sinasadya,” “Shhh tahan na Claire hindi maganda sa bata ang pag-iyak mo. Kukuha ako nang tubig,” sabi ni nanay saakin at tumayo. Tumangin naman ako kay mama na hindi makapaniwalang nakatingin saakin. “Ma, I'm sorry po. Alam kong na dissapiont ko kayo. Sorry po talaga,” niyakap ko siya at hinagod naman niya ang likod ko. “Tinatanggap ko ang sorry mo Claire pero may plano ang dyos, alam kong may dahilan kung bakit merong bata jan sa tiyan mo. Hindi lang ako makapaniwala na magkakapamilya kana anak, hindi ako makapaniwala. N
-FOUR MONTHS LATER- Ilang buwan na ang limipas at anim na buwan narin ang anak ko sa aking tiyan, mabigat na sila. Minsan nga nahihirapan akong tumayo. Ikaw ba naman dalawa ang batang nasa tiyan diko lang alam kung dika mahirapan doon. “Wala kanang magagawa Bea, pupunta ako doon ngayon tapos,” Nakauwi na 'rin sila Bea isang linggo matapos kong malaman na may kambal sa aking tiyan. Nung una hindi pa alam ni Dylan na buntis ako pero ng magsimula ng lumaki ang aking tiyan ay doon niya nalaman at nagulat din siya na kambal ang dinadala ko. Hindi siya nagtanong kung sino ang ama, malamang ay nirerespeto niyang ayaw kong sabihin dahil wala naman akong nababanggit sa kaniya. Nagtatalo kami ngayon ni Bea dahil gusto kong puntahan si Zekiel, matagal narin nang huli kong nakita si Zekiel ng personal. Mas gusto ko siyang makita ng personal para akong mamamatay kapag hindi ko siya nakita. “Claire nasisiraan ka nanaman nang bait! Paano kapag napahamak ka nanaman?! Paano kung makilala ka
DYLANNANDITO ako ngayon sa office ni Kiel dahil kailangan naming mag meeting about sa babae matagal na niyang hinahanap.Ako ang pinagkatiwalaan niya na hanapin ang babaeng yun. Nang araw ng kasal namin ay mayroon siyang isang babaeng naka one-night stand and according to him, mag kakaanak sila. Yan ang sabi niya, pero hindi ako naniniwala kasi kung magkakaanak sila pupunta dapat ang babae dito para panagutin siya sa pagbuntis nito pero ilang buwan na ang lumilipas ay wala parin ito. “Why you can't all find her?! It's just a simple task!”Napangiwi ako sa pagwawala ni Kiel, ganiyan yan sa tuwing hindi namin nakikita ang babae.Simula ng mawala ito ay mas lalong uminit ang ulo niya, mas naging cold, mas naging harsh sa mga nakakasalamuha niya. Kahit saakin na kaibigan niya. “We need to find her! Kailangan natin siyang makita!” Frustrated na sabi nito at napasabunot pa sa kaniyang buhok. Ito ang unang pagkakataon na makita ko siya sa ganiyang sitwasyon, ang mabaliw sa kakahanap sa t