CLAIREAKO lang mag-isa ang nagbabantay ngayon sa anak kong si Zoey, it's been two days since ma-ospital ang anak ko. At dalawang araw na 'rin akong nananalangin na sana mayroon ng pusong compatible sa anak ko. Gabi-gabi akong pumupunta sa church dito umiiyak habang nagdarasal na sana dumating na ang mag-liligtas sa anak ko. Wala si Quinn dito dahil pinasundo ko sa kaniya sina nanay sa Paris, gusto ko personal na sabihin ni Quinn ang balita sa mga ito dahil ayoko silang mabigla. "Zoey? Pagaling ka ah? Hindi ko kaya na wala ka," naiiyak ko na sabi dito habang hawak ang kaniyang kamay. Palagi ko siyang kinakausap kasi alam kong naririnig niya ako. Wala akong ibang gustong mangyari kundi ang gumaling ang anak ko dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama dito. Nagulat ako ng biglang mag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko ito agad. "Hello Claire? Where are you, susunduin na kita," natigilan ako nang marinig ko ang boses ni kuya Clark naalala ko na sinabi k
“Kasama kita Venice, Claire o kung sino ka man! You have all the chances to tell me about the truth but you didn't!” napapikit ako dahil sa sinabi niya at tinanggap ang lahat ng masasakit na salitang manggagaling sa kaniya kasi kasalanan ko naman talaga. "I trusted you Venice..." napatingin ako sa kaniya dahil doon at nakita ko na unti-unti na siyang kumakalma habang ako ay iyak pa 'rin ng iyak. "I trusted you and give you all my love, my trust and everything! Ipinagtatanggol kita sa kanilang lahat pero bakit ganon?!" "S-Sa tingin mo ginusto ko to?" mahina kong sabi sapat na upang marinig niya. "Oo ginusto mo Venice! Hindi ba obvious?! Ginawa mo akong tang*!" “Satingin mo ba ginusto ko 'to?!” hindi ko na napigilan ang aking nararamdaman at nasagot siya. Napatigil siya habang nakatingin saakin. “Oo ibinigay ko sayo ang anak kong si Zayne at oo tinago ko si Zoey pero sa tingin mo ginusto ko yun?! Sa tingin mo ginusto kong mahiwalay sa anak ko?! Sa tingin mo ginusto kong marata
Napatingin ako kay kuya at nagkatitigan kaming dalawa. Pareho ang kulay ng mga mata namin parang kay papa. Gray na gray ito at mas maganda itong tignan sa liwanag. Ngunit maya-maya ay nagulat ako ng umiyak si kuya Clark. "Kuya anong nangyari?!" nag-aalala kong sabi sa kaniya na ikinailing lang nito saakin. "Ngayon ko nalang ulit nakita ang mata mo Claire. Hindi ko maiwasang maiyak dahil nararamdaman ko na talaga na babalik ka na saamin," hindi ako nakasagot dahil sa sinabi ni kuya. Hindi ko rin alam kung uuwi pa ba ako sa palasyo. Pero sabagay magulo na ang mundo ko dito at sigurado ako na aayaw na saakin si Zekiel. Lumapit saakin si kuya at naupo siya sa hinihigaan ni Zoey paharap saakin at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa dalawang mga mata niya. "Ang tagal kong inantay ang pag-kakataon na ito Claire, ang tagal kong hinintay ang oras para magpakita sayo. Alam mo bang gustong-gusto kitang puntahan nang mamatay si mama, gustong-gusto kitang lapitan at patahanin pero
HINDI makapaniwala ang magasawang Anderson na nakatingin sa kanilang kaibigan na si Claire. "That is true, I'm the princess of Spain. Bata pa ako ng malayo kami kila papa kasi inilayo ako ni mama. Nawalan din ako nang ala-ala kaya hindi ko alam ang tungkol sa kanila sa buong buhay ko. Nitong nawala ako naalala ko na ang nakaraan ko, kung sino talaga ako at sa tulong yun ni kuya Timothy," "Kuya Timothy?" kunong noong tanong ni Bea sa kaniya. "Kababata namin ni kuya," napatango ito dahil sa naging sagot ng dalaga. "I-Ibig sabihin si tita, a-ang mama mo ay ang Reyna?" nauutal na tanong ni Bea na ikinatango naman ni Claire. "Oh My God! May kasama akong maharlika sa buong buhay ko! Sabi ko na may something jan sa mata mo eh yun pala princessa ka my god Claire!" Natawa si Claire at Clark dahil sa sinabi ni Bea na hindi pa 'rin makamove on. "Sandali, kung princessa ka edi pwede pala talaga kayo ni Kiel," natigilan si Claire at nawala ang ngiti sa labi dahil sa sinabi ni Dylan. Habang s
(Scene bago magkita si Clark at Claire sa ospital)Mabilis ang hakbang ni Clark papasok ng makarating siya sa hospital na sinasabi ni Claire. Ngunit napahinto siya ng mayroon siya makasalubong na kilalang-kilala niya. "Zekiel," napakunot ang noo niya dahil doon lalo na at umiiyak ito. Agad na naproseso sa isip niya ang nangyari. Kung galing ito sa loob ay malamang na nanggaling ito sa kapatid at nalaman na niya ang katotohanan. Tumakbo siya papunta dito at iniharap niya sa kaniya si Zekiel at agad na sinuntok ito sa muka na ikinagulat ni Zekiel. "What the h!ll?!" gulat na bigkas ni Zekiel ng bumagsak siya sa sahig at nagdugo ang gilid ng kaniyang labi. "What's the matter with you?! Bat bigla bigla kang nananapak?!" galit na sabi ni Zekiel at pinunansan ang kaniyang mga luha. "You deserve it," plain na sabi ni Clark na ikinagalit lalo ni Zekiel kaya tumayo ito at hinarap ang lalaki. "Anong gusto mo away?! Sino ka para sapakin ako ng ganon?!" galit na sabi nito ngunit si Clark ay h
"Pinanood mo?!" nanlalaking matang tanong nito na ikinakamot ng bata sa kaniyang batok dahil sa kahihiyan. "I have no choice daddy," napahinga ng malalim si Zekiel dahil sa sinabi ng anak pero hindi parin niya maitatago ang katotohanan na humahanga siya sa kaniyang anak. "Forget it, by the way your so intelligent Zayne!" napangiti si Zayne dahil sa papuri nang kaniyang ama. "Hindi ko akalain na sa murang edad mo ay magagawa mo na ang bagay na ganito," "Internet helps me a lot daddy," ngiting sabi ng bata ngunit napansin niya ang biglang pagseryoso nang ama sa kaniyang harapan habang nakatingin sa mga gadget na ginawa niya. "Why daddy? Galit ka po ba?" napakurap si Zekiel dahil sa sinabi ng anak at agad na humarap dito at umiling. "No, never. It's just that, okay I need you to listen to me this is important," lumuhod si Zekiel sa harapan ng bata kaya nagtaka si Zayne doon at inantay ang sasabihin ng ama. "You are the next heir of Gray's company Zayne and I want to tell you
"Nasaan kaya si mommy?" tanong ni Zayne at binuksan ang kaniyang cel lphone upang makita kung nasaan ito. Lumabas doon na nasa ospital ang babae na ikinataka niya ngunit sa di malamang dahilan ay naalala niya ang kaniyang kapatid at nakaramdam siya sumandali ng pagsakit sa dibdib. "Si Zoey," kinakabahan niyang banggit sa pangalan ng kapatid hindi niya alam pero basta nalamang niyang naramdaman na kailangan siya nang kapatid. Agad niyang tinawagan ang kapatid gamit ang madalas nilang ginagamit na app, ang skyp*. Maya-maya pa matapos ang ilang segundo ay may sumagot na at sumalubong sa kaniya ang isang babae na mayroong kapareho niya ng kulay nang mata na ikinatigil pa niya sandali dahil mayroon agad namuong sagot sa isip niya ngunit hindi niya ito kilala. "Wait I know that voice, is that you mommy?!" Gulat na gulat si Zayne dahil doon at nakita niya sa likuran nito ang paglitaw ni Bea na lalong ikinagulat ng bata. "Tita Bea!" nagulat din si Bea dahil doon at agad na umalis sa
SAMANTALANG si Claire ay nagmamadali na umakyat sa itaas ng building upang makausap ang anak na si Zayne at hindi niya pinapansin ang naglalagkitang mga tingin ng mga taong nadadaanan niya lalo pa at iba ang kulay ng mga mata niya na hindi agad ikinakilala sa kaniya ng mga empleyado doon. "Zayne!" tawag niya dito pagkabukas niya nang pintuan ngunit nagulat siya nang hindi lang si Zayne ang andoon kundi pati si Camille. "Oh, hindi niyo naman sinabi saakin na reunion niyo 'to," natatawang sabi ni Camille na na gitna habang si Zayne ay nasa dulo sa likuran ng upuan ni Zekiel at umiiyak doon na siyang ikinaseryoso ni Claire. "Anong ginagawa mo sa anak ko?!" madiin na sabi ni Claire sa babae na ikinapalakpak nito. "Wow, totoo nga umamin ka na sa kanila Claire Sanchez," Naglakad palapit si Camille kay Zayne na ikinatakot ni Claire. "Wag kang lalapit sa anak ko!" Tatakbo na sana si Claire sa gawi nila ngunit nagulat siya ng humarap ang babae na mayroong patalim at tinutok sa kaniy
Hi guys! Bakit wala pa rin akong update? Pakinggan niyo po ako, honestly takot po ako mag update. Pinakang kinakatakutan naming writers ay ang mag sulat ng hindi magandang daloy ng kwento. Aware naman po kayo na matagal bago ko masundan ang story, dahil po nawala ako sa daloy ng kwento. Hindi ko nga po alam kung okay ba ang naisulat ko last update ko? Comment naman po kayo if ever okay siya at nakaka-excite pa rin. Alam ko mayroon akong ibang kwento na isinusulat, yes po dahil need ko pa rin mag move forward besides itong pagsusulat na rin po ang source of income ko. Nag aaral din po ako at ito ang tumutulong sa pamilya ko kaya need ko talaga gumawa po ng bagong kwento para at the same time kumita din po ako. Now, may nag message po saakin, hello tukayo Nicole Tejadal! Maraming salamat sayo dahil nabuksan ang isip ko na wag matakot mag sulat. Or di kaya mag update kahit pa-konti konti basta ituloy ko ang story ni Zayn at Zoey. Story ni Zekiel at Claire ang isa sa paburito kong mga
“NASAAN si Ace?” Napalingon si Archer sa kaniyang ate Catherine ng pumasok ito sa kanilang kwarto. Kanina pa nito hinahanap ang kapatid dahil mayroon sana itong itatanong dito ngunit ang naabutan niya lang ay si Archer na naglalaro sa computer. “Umalis ate Cath, pumunta kay ate Zoey.” Napatango si Catherine dahil sa sinabing iyon ni Archer at tummalikod na upang umalis ngunit kusa siyang napahinto ng mayroon siyang maalala. Lahat ng plano nila ay si Ace ang may idea, iniisip niya kung paano iyon ng laman lahat ng kapatid gayong ang bata-bata pa ng mga ito. “Archer pwede ba kitang makausap sandali?” Napangiti si Archer dahil sa sinabi ng kaniyang ate at tumango dito. Inalis niya muna ang headphone na suot niya at hinarap ang kaniyang ate na nakaupo sa kanilang higaan. “Hindi ba maraming nangyari sa inyo ni Ace noong iniligtas niyo si ate Zoey?” tumango naman is Archer sa sinabi ng kaniyang ate. “Paano niyo nagawa lahat ng ‘yon? I mean ang bata niyo pa that time, three?” Napaisip
PAGKARATING ni Zoey sa kanilang hideout ay agad na nagtanong ito kay Georgia kung mayroon ba silang kasamang mga Filipino doon at mayroon nga. Kasama niya ‘daw iyon mula sa assassin world na siyang hindi sangayon sa pamamalakad ni Kathryn. Nang dahil doon ay nawala ang panghihinala ni Zoey sa lalaking iniligtas niya. Tinanong siya nito kung bakit niya naitanong kung kaya na-kwento niya ang tungkol sa iniligtas niya kanina. Matapos nilang mag-usap ay nagpasya si Zoey na mag training nalang muna. Ang tagal na ‘rin ng makapag training siya ng seryosohan kung kaya pakiramdam niya ay nabubuhay ang dugo niya sa pagsasanay. Marami siyang mga kasabayan sa training ground at dahil malaki naman iyon ay walang problema. Wala ‘ring pakialamanan sa mga nag tetraining. Pwede ‘ring magkaroon ng training partner dipende sa’yo. Karaniwan na mayroong training partner ay ‘yung mga gustong makipaglaban ng mano-mano. Sa ngayon ay ang gagamitin niya muna ay puting tela na ibinalot niya sa kaniyang kamay
NAKAUPO at binabasa ni Zoey ang mga papers na nasa kaniyang harapan. Naroroon na sila ngayon sa hide out ng kaniyang tito Phil at iniharap na sa kaniya nito ang mga information na nakalap nila tungkol kay Kathryn. Ayon sa mga nakalap nilang information ay nagkaroon ng trauma ang babae dahil sa kaniyang ginawang pagpatvy sa in ana si Kayla. Yes, si Kathryn talaga ang tunay na pumatvy sa kaniyang ina. Nung mga panahon na naglalaban silang dalawa ni Zoey dumating ang kaniyang ina para pigilan siya. Ngunit dahil nasa gitna ng labanan ang dalawa ay nadamay si Kayla at ito ang tinamaan ng anak. Sa gulat ni Kathryn ay napaatras siya palayo doon at nakatingin lang sa kamay niya na mayroong dugo. Habang nanginginig ang kamay at paulit-ulit na sinasabi sa sarili na hindi siya ang gumawa si Zoey naman ang sumubok na pigilan ang pagkawala ni Kayla. Kitang-kita iyon ni Georgia, hindi lang iyon nakuhaan pa niya ng video ang mga pangyayari hanggang sa sumigaw si Kathryn ba si Zoey ang pumatvy d
“KUNG ganon nalaman niyo lahat ng plano ko kasi narinig niyo ako?” tanong ni Zoey na sabay ikinatango ng kambal. Ayon sa mga ito, nang makita nilang binabalak ng tauhan ni Kathryn na putulin ang break ng kotse niya ay siya agad ang naisip nilang sabihan. Pero imbes na matuloy iyon ay narinig nila ang pakikipag-usap niya kay Phil. Doon nagsimula ang plano nilang kambal lalo na’t tumama ang ulo ng ate nila sa kahoy. Ang totoong plano ay susundan nila ito sa oras na ihatid sila ni Zoey sa isang tabi, susundan nila ito at hindi lalayo dito’t magmamasid lang ng palihim. Ngunit nagbago lang iyon dahil sa hindi inaasahang pagakakataon at ang ending sila ang nag-alaga sa kanilang ate. Hindi maiwasan ni Zoey na ma-teary eye dahil sa kaniyang naririnig. Kung tutuusin ay utang na loob niya sa kambal ang kaniyang buhay dahil kung hindi dahil sa mga ito ay baka wala na siya. Ano nalang ang mangyayari sa kaniya sa ilog na ‘yun? Sa bilis ba naman ng agos ng tubig. “Thank you twins!” nasabi ni
“HMP!” Pagpupumiglas ni Zoey dahil bigla nalamang mayroong tumakip sa kaniyang bibig at inilabas siya ng veranda. “Shhh! It’s me Zoey!” mahinang bulong sa kaniya ni Phil na siyang may kagagawan ng pagkuha sa kaniya. “T-tito Phil?” “Yes, we must get out of here as soon as possible!” Napaseryoso si Zoey dahil sa sinabi nito sa kaniya at binitawan na siya ng lalaki at tumingin sila sa paligid kung mayroon bang bantay. Nang masigurong wala ay walang alinlangan silang bumaba mula sa veranda na iyon at maayos na nag landing sa damuhan. “Follow me tito Phil,” mahinang sabi ni Zoey na ikinatango lang sa kaniya ng lalaki. Ang plano ay siya ang kukuha kay Zoey ngunit ang naging ending ay ito lang ‘din ang naglabas sa kanila sa lugar na iyon. Ano pa nga bang aasahan ni Phil? Silang kambal ni Zayne ang unang matatalinong batang nakilala niya, bakit una? Simple lang dahil mayroong mas matalino sa kanilang dalawa. Matapos ang ilang minutong pakikipagpatentero nilang dalawa sa mga banta
Hi Kimmie's! Alam ko marami ng galit sa inyo dahil wala akong update dito sobrang tagal na and yes kasalanan ko po. I'm really sorry, pero di ko na maibabalik ang mga nakalipas na buwan. Sadyang marami lang nangyari sa personal kong buhay to the point na di ako makasulat ng ayos. Yes, may bago akong story pero hindi ko mapagsabay ang dalawang story kaya mas pinili ko muna mag focus sa isa pero ngayon handa na akong pagsabayin sila at bumalik na ako sa dati yey! As of now binabasa ko ulit ito para as soon as matapos kong mabasa at makabalik ako sa kwento ni Zoey matutuloy ko na. Again, sorry sa matagal na paghihintay but be patient guys. Mag uupdate ako sooner or later. Gugulatin ko nalang po kayo para surprise. Sana ay nandito pa 'rin kayo nakasubaybay sa kwento ng Gray Family. Comment down sa matyagang nag hihintay ng update, mahal ko kayo! Thank you so much! Love lots!
KAHIT na hindi alam ni Zoey kung ano ang sasabihin niya kay Xavier ay nangingibabaw pa ‘rin ang kaniyang pagkamiss sa nobyo. Kahit na nakakasama niya ito ng madalas noong nagpapanggap siya bilang Fiona ay hindi naman niya ito maalala kaya ngayon na nakaka-alala na siya ay mas nangingibabaw ang kaniyang pagkamiss dito ngayon. Naupo si Xavier sa gilit ng kaniyang higaan habang siya naman ay sumandal sa headboard upang kahit papaano ay makapantay niya ito. Magkatitigan lamang silang dalawa at walang nagsasalita. Kapwa mayroong mga ngiti sa labi ngunit hindi mo mararamdaman ang ni-katiting na awkward sa kanilang pagitan. Hanggang sa hindi na nila napigilan at tila iisa ang kanilang nasa isip dahil pareho nilang niyakap ang isa’t-isa ng sobrang higpit. Hindi iyon inaasahan ni Zoey kung kaya naging emosyonal siya hanggang sa tuluyan ng tumulo ang luha niya at humagulhol na ito sa balikat ng lalaki. “My angel why? May masakit ba sa’yo?” alalang tanong ni Xavier dito ng maramdaman niya ang
“REPORT” Seryosong sabi ni King Clark ng pumasok sila ni Zekiel sa loob ng CCTV room kung saan naroroon ang mag kakaibigan kasama ang bunsong kambal. Agad na nagsitayuan ang mga ito at sa pangunguna ni Zayne ay siya ang sumagot sa kanilang titong Hari. “Nakita namin na ibinaba siya malapit dito sa palasyo. Ang ipinagtataka lang namin ay pagka-alis na pagka-alis ng van na iyon ay nawala na ‘din ang footage. Sinubukan na namin lahat ng alam namin para maibalik ang footage ngunit wala pa ‘rin.” Seryosong sabi ni Zayne na siyang ikinatango naman ng mga kasama niya. Samantalang sina Zekiel at King Clark naman ay nagkatinginan dahil doon. Pinasuyod ‘din kasi nila ang paligid para masiguro kung mayroon pa bang ibang kalaban sa paligid ngunit wala na naman silang nakita. “Kung ganon pinaghandaan nila ito. Ang tanong ay anong ginawa nila sa anak ko para nalang umiyak ito ng ganon?” naguguluhan na sabi ni Zekiel. “Ang mas nakakapagtaka pa po tito ay walang ibang sugat si Zoey bukod sa marka