Share

Chapter Three

Magkahalong kaba, takot, at inis ang namutawi sa kaloob looban ni Vivien ngayon. Hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon habang kaharap ang ama at ina nina Lucas at Jake.

Gusto nalang niyang magpalamon sa lupa dahil sa tensyon na bumabalot sa kanila ngayon. She tried to compose herself para mabawasan ang pangamba niya kung sakaling negative thoughts ang sasabihin ng mga ito sa kanya.

She never met Lucas parents kahit ilang taon na silang nagsasama. Lucas always tell her to wait. Natatawa nga siya sa binata dati dahil kapag dumadating ang parents nito sa condo unit nito ay tinatago siya nito sa walk in closet ni Lucas.

Nagmumukha tuloy silang teenager na takot mahuli ng mga magulang nila.

"Ehem!" Isang tikhim mula sa matandang lalaki ang pumukaw sa atensyon nilang lahat.

"I need to clear some things. I mean, e cla-clarify ko ang nangyayari ngayon between you hija." Turo nito kay Vivien saka lumingon sa kinarorounan ni Lucas. "And you Lucas!"

Napalunok nalang ang dalaga sa sariling laway dahil sa takot at pagkakalito kung ano ba ang nangyayari sa paligid niya.

"Kahapon ko lang nalaman, mula kay Jake ang ginawa mo sa inosenteng babaeng iyan Lucas!"

Bumigat ng husto ang pakiramdam ni Vivien dahil sa narinig kay Don Crisanto na ama ni Lucas. Ang akala niya ay naliwanagan na ito noong nasa office ito ni Lucas at lulan ito.

Nang marinig ang pangalan ni Jake ay nagpalinga-linga naman si Vivien sa paligid baka sakaling makita niya ito pero bigo siya.

He's not here. Busy na naman ito sa trabaho.

Sh really wanted to see him. Si Jake lang kasi ang nakakapag-pagaan ng loob niya sa tuwing involve siya sa mga sitwasyong ganito. Jake was her pillow and her comforter when coldness attacking her. Ang binata ang nagsisilbing sandalan niya sa lahat.

"At hindi ko yun nagustuhan!"

Napalingon si Vivien sa tabi niya. Sinamaan siya ng tingin ni Lucas na tila ba'y ang laki ng kasalanan niya rito. Magkatabi kasi sila ngayon sa mahabang sofa kaharap ang mga magulang nito.

The tension between them is really weird.

Wala talagang kaide-ideya ang dalaga kung ano ang ginagawa nila rito at anong offer ba ang sinasabi ni Don Crisanto sa kanya.

Lucas just smirk. His perfect jaw move when hearing his father explaining.

" I thought she was your girlfriend! May balak ka pa ngang ipakilala siya samin Lucas, hindi ba?" Aniya ni Donya Bella. Sumabat narin ito sa usapan.

Doon ay nagulat ang dalaga kaya napatingin siya sa gawi ni Lucas. Seryoso lang ang mukha nito at mapaklang ngumiti.

Binalak niyang ipakilala ako sa parents niya? May parte sa puso ng dalaga ang natuwa pero may bahid parin iyon ng kuryusidad.

Kung ganon, bakit hindi iyon itinuloy ng binata?

Ano ba ang rason nito? Did she'd done something serious para kamuhian siya nito? Ngunit wala siyang natatandaan. Kahit ni minsan ay hindi siya sinaktan ng dalaga dahil mahal na mahal siya ni Vivien.

She need to know the reason for his coldness and for his anger to her. Gusto niyang malaman ang mga dahilan ni Lucas.

"Nah! Im just fooling around!" Sarkastikong sagot ni Lucas.

Vivien look at his eyes. He act bitterly.

Hindi na siya iyong lucas na nakilala niya Yung napaka-sweet at caring. Iyong tipo ng lalaki na gustong-gusto niya at minahal niya.

Iyong Lucas na mahal na mahal siya. Ngunit matapos nung gabing pinagsaluhan nila, ay bigla nalang itong nagbago. Tinatakwil na siya nito. Kaya't hanggang ngayon ay litong-lito parin ang dalaga.

Napabuntong-hininga naman si Vivien sa mga naisip.

"Ayusin mo nga ang sarili mo Lucas! Look at her! Binuntis mo tapos hindi mo pananagutan. Anong klaseng lalaki ka? You should accept the fact na magiging ama ka na!" Giit ni Don Crisanto. Tumataas na ang boses nito.

She sighed bago nagsalita.

"O-okay lang naman po. K-kung hindi niya ako pananagutan. Kaya ko naman pong buhayin ang anak ko ng mag-isa." She uttered innocently.

Kung ayaw ng binata sa kanya at sa magiging anak nila edi wag hindi ba? Forcing herself to him would literally gives her headache even more. Bahala na ang binata kung ayaw nito sa kanya. Hindi na siya mamimilit pa.

Napalingon si Lucas sa dating nobya. May sumibol na galit at poot sa mga mata nito.

"Kaya niya naman pala eh. So, I guess this meeting will end!" Tumayo ito at akmang aalis na pero bigla itong sinigawan ni Don Crisanto.

Napalunok pa ang dalaga nang makita ang galit na titig ni Don Crisanto sa anak. Hindi lang basta titig iyon ng isang galit na ama. Titig iyon ng isang ama na puno ng awtoridad.

"Lucas! Huwag mong hintayin na tanggalan kita ng mana at itakwil sa pamamahay na ito! Malaking kahihiyan ito sa kompanya natin kapag nabalitaan ng mga ito na tinakbuhan mo ang responsibilidad mo sa babaeng yan!"

Napapikit si Vivien. Anong gulo ba itong pinasok niya? Ganoon ba talaga ka komplikado ang lahat para sa ginawa ni Lucas sa kanya?

Kung sana'y nalaman niya nang maaga, hindi na sana siya pumasok sa buhay ni Lucas. Hindi na sana niya ito pinayagang manligaw noon at higit sa lahat, hindi na sana niya ito sinagot pa.

"Seriously dad?!"

"Don't argue with me, Son. I am fixing your mess! Papakasalan mo si Vivien, sa susunod na buwan!"

Bumilis ang tibok ng puso ni Vivien. Is this really happening to her? Medyo natuwa siya narinig. Napakabait ng ama nito, na kahit pagkakamali ng anak nito ay gusto nitong itama.

"P-pero dad-"

"No buts. You'll marry her. Wether you like it or not!" Pagkatapos nun ay umalis ito, paakyat sa ikalawang palapag ng mansyon. Naiwan naman si Lucas, si Donya Bella at si Vivien sa sala.

Napaka-awkward.

Siguro uuwi na muna siya. Mas lalo lang siyang mastre-stress kapag nakikita niyang dene-deny siya ni Lucas. Tumayo na ang dalaga at hinarap ang Donya.

"Pasensya na po kayo sa abala Donya Bella. Aalis na po ako." Tanging nasambit biya at akmang lalakad na sana ng pigilan siya nito.

"Hindi ka aalis hija. Simula ngayong araw na ito, dito ka na titira. Lahat ng gamit mo, pinakuha na namin sa apartment mo. Paid narin ang bayarin mo sa renta dahil binayaran na namin iyon." Malambing na turan kanya ng Donya.

Napa-awang ang labi niya. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig mula rito. Ito ba ang sinasabing offer ni Don Crisanto sa kanya?

"P-pero-" i hissed.

"Hija, apo namin yang dinadala mo. Kaya dapat naming e-secure ang kalagayan mo!"

"Napakaswerte niya naman yata!" Supladong giit ni Lucas na ngayon ay tinalikuran sila ng Donya at lumabas na sa mansyon.

Hindi man lang ito nagpaalam sa ina nito.

"Hayaan mo nalang siya Hija, siguro nagulat lang siya sa mga pangyayari." She just nodded.

Sana nga ay yun ang rason nito. Pero may kakaiba siyang nararamdaman. May kakaiba sa mga ikinikilos nito. Hinding-hindi siya nito basta-bastang tatalikuran kung wala itong sapat na dahilan. She knew Lucas, habol ito ng habol sa kanya noon. Imposibleng katawan lang niya ang habol nito sa kanya.

Nagkibit-balikat balikat nalang siya at nginitian ang Donya. "Salamat po sa pagtanggap sakin at ng magiging baby ko. Maraming-maraming salamat po!" Umiling lang ito at niyakap siya.

"No, salamat dahil binigyan mo kami ng apo. Matagal na naming hinihintay ito ni Crisanto, na isa sa magkakapatid ang bibigyan agad kami nito pero sobrang tigas ng dalawa. And now look. Ang bunso pa talaga namin ang unang nagbigay nun samin." Natatawang giit ng donya. Bakas sa mukha nito ang pagkatuwa. Vivien sighed in relief.

Buti at tanggap sila nito ng magiging baby niya. Kahit ganon ang trato sa kanya ni Lucas, masaya na siya dahil sa kabutihang loob na ipinukol ng ama at ina nito sa kanya. Siguro ay sapat na muna ito para sa kanya ngayon.

Talagang binayaran pa nito ang kulang niya sa renta at pinatira pa siya dito sa mansyon nila.

They truly care for her baby.

Hindi nila pinabayaan ang dalagang maghirap. Hindi tulad ng ginawa ni Lucas sa kanya. That cold man. Lucas Reign De Villa. That heartless CEO.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status