Share

Chapter Four

Inilibot ni Vivien ang tingin niya sa silid na kinarorounan niya ngayon. Ang sabi sa kanya ni Yaya Freda, ay kwarto ito ni Lucas. Tinanong na muna ng dalaga kung bakit siya nito dinala rito pero ang sabi nito, heto raw ang magiging kwarto niya.

     Paano kung magalit si Lucas? Sa isiping galit ang binata sa kanya ay hindi malabong ipagtabuyan siya nito o di kaya'y lumipat ito ng ibang silid para lang hindi siya makasama.

"Manang, paano kung magalit ho si Lucas?," Hindi niya mapigilang itanong iyon sa katulong na ngayon ay inaayos ang kamang tutulugan niya. Lumingon ito sa kanya at ngumiti.

"Naku hija! Kahit magalit pa siya, wala na rin naman siyang magagawa. Si donya Bella ang nag-utos sa akin na dito ka muna pamalagiin sa silid na ito. Kung magrereklamo man si Lucas. Doon siya sa ina niya makipagsagutan!"

Ipinilig nalang ni Vivien ang kanyang ulo dahil sa winika ng katulong. Nagmistula itong galit nang tanungin niya ito. Yaya Freda is already 58. Dalawampung taon rin itong nagserbisyo sa mga De Villa. Kung kaya't, hindi na nakakapagtataka kung bakit para na itong pamilya nina Lucas kung ituring nila.

"Oh siya, magpahinga ka na muna at susuriin ko na muna ang mga kasama ko roon na nagluluto." Anito bago tinahak ang pinto papalabas ng silid kung saan lulan siya.

Tumango siya at kinawayan ang katulong. Humugot muna siya ng malalim na hininga at pinagmasdan ang sarili sa salamin na kaharap niya. Napangiwi naman siya nang mapansin ang madungis niyang binti. Nakuha niya iyon kanina sa labas ng restaurant kung saan siya kumain.

     Hinayaan na muna ni Vivien ang galos niya sa binti at inayos niya na muna ang mga gamit niya. Habang nagtutupi ng mga damit niya ay napapangiti siya. She felt special. Hindi na siya nahirapang kunin ang mga gamit niya dahil ang mga ito na mismo ang nagpakuha nun para sa kanya. Kay bait naman talaga ng mga magulang ni Lucas. Kahit mahirap lang siya, ay nagawa siyang tanggapin ng mga ito. Kung tutuosin, hindi naman masama ang pagiging kapos sa buhay. As long as, may bilib ka sa sarili mong iangat ang sarili mo sa buhay, iyon ay assets na. Samahan mo lang ng pagpupursige, ang mga paghihirap mo ay mapapalitan rin ng kaginhawaan balang araw. Ngunit sa sitwasyon ni Vivien, mauudlot pa yata ang kaginhawaan na hinahangad niya. She is Lucas secretary. Tinanggal pa siya nito sa trabaho nang malamang buntis siya. Malapit na sana eh. Malapit na sana siya, ngunit dahil sa hindi niya malamang dahilan, all of her sacrifices turn back to zero. She had nothing left now but her baby.

Pagkatapos niyang malagay sa cabinet ang mga damit niya na kanina lang ay tinutupi niya, ay tumungo na siya sa banyo upang maligo na. Nagbabad na muna siya sa tub upang makapagrelax. Pinikit niya ang mga mata. Isang larawan ang gumuhit sa madilim na bahaging iyon. Ang dilim ay unti-unting lumiwanag. Sa maliwanag na bahaging iyon ay naroroon si Lucas. Masayang kasama siya. Naroroong hinahalikan siya nito sa labi at malambing na niyayakap mula sa kanyang likuran. Tanging magandang ala-ala ang bumabalot sa kanilang dalawa. Her forehead knot. Ang kanina'y masayang tagpo ay napalitan ng kulay pulang senaryo. Si Lucas ay bumitaw sa kanya. Ang mga kamay nito ay hila-hila ng pamilyar na pigura ng babae. Hindi maaninag ng dalaga kung sino ito, ang mukha nito ay natatakpan ng kadiliman. Napa-awang ang bibig niya at hindi makagalaw. Nawala si Lucas at ang babaeng kanina'y hila-hila si Lucas ay nawala rin. Ang buong kapaligiran ay biglang dumilim. Wala siyang makita. Unti-unti ang katawan niya ay hinihila pababa. Sa isang matayog na kawalan.

Napapitlag ang dalaga at nagmulat ng mga mata. Mabilis ang paghinga niya habang hinahaplos ang dibdib. Nanaginip siya. Kakaibang panaginip. Ilang minuto rin siyang nagbabad sa tub bago naisipang tumayo at iniabot ang towel na nakasabit sa glass wall ng banyo.

     Ipinulupot niya ang puting tuwalya sa katawan niya saka lumabas ng banyo.

     Para namang siyang napako sa kinatatayuan niya nang makita si Lucas sa kama. Naka-upo ito roon at nakatitig sa kanya.

     His eyes were widen, na para bang nakakita ng magandang tanawin.

Agad namang nataranta si Vivien. Hindi niya alam ang gagawin.

     Naninibago parin siya kahit alam niya namang nakita na nito ang lahat sa kanya. That feeling na napaka awkward kapag nasa sitwasyon kayong ganito tapos hindi kayo okay?

     Napalunok ang dalaga nang mapansin niya ang kakaibang titig ng binata. The way he look. It's full of lust. Nagdulot iyon ng kakaibang sensasyon sa sistema niya.

     Biglang nag-init ang mukha niya kasabay ng pamumula ng pisngi niya dahil sa hiya. Iniwas niya ang tingin sa binata saka dumiretso na sa closet at nagbihis.

     Ang akala niya nga ay wala na ito sa pwesto nito kanina pero nagkakamali siya. Naroroon parin ito pero ngayon ay may pinipindot na ito sa laptop nito. Inisip niya namang baka ay sa trabaho lang iyon ng binata. Hindi niya talaga alam ang pakay nito sa kanya.

     Tumungo siya sa salamin saka binlower ang buhok niya. Gusto niya itong kausapin ngunit pinili niya nalang na manahimik. Baka kapag kausapin niya ito ay magalit na naman ito sa kanya.

     Nakakabinging katahimikan ang namutawi sa kanilang dalawa ngayon. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita at iyon ang pinaka-ayaw ni Vivien. Sinubukan niyang kausapin ang binata ngunit ang kabilang parte naman ng isipan niya ay nakikipagtalo sa kanya. Paano kung hindi siya nito pansinin?

     "Hanggang kailan ka ba matatapos diyan?" Malamig nitong tanong habang busy parin sa pagtitipa sa laptop nito.

     Hindi naman makareact si Vivien sa naging tanong sa kanya ng binata. Mukhang may kailangan ito sa kanya kaya nandito ito.

    "A-am bakit?" She asked innocently. May kaba parin sa boses niya.

     "Kanina pa tayo hinihintay sa baba. Kakain na!"

     Agad namang natulala si Vivien. Nakakahiya!

Ano nalang ang sasabihin nina Don Crisanto at Donya Bella at pinaghintay niya ang mga ito?

     "Sumunod ka na sa baba pagkatapos mo dyan!"

     Hindi naman siya maka-imik kaya tumango nalang siya. Tumalikod ito sa kanya at humarap uli sa dalaga.

     "And don't forget to wear your bra! I can see your nipples here, magkaroon ka naman ng hiya!" Hindi pa man nakakasagot si Vivien, lumabas na ito sa silid nila. Naiwan naman siyang nakanganga at tila'y hindi niya malaman ang gagawin.

     Nakalimutan niya nga palang mag bra! Mas nanlumo siya dahil sa naisip niya. What the heck is she doing? Pati ang pagsuot ng bra ay nakalimutan niya pa talaga? Is she that stupid?

     Tumaas naman ang isang sulok ng labi niya. Wow ha! Kung maka-reklamo ito ay parang hindi nito nakita ang kanya dati pa.

     

     Tinungo niya muli ang closet at nagbihis ng bra. Buti nalang at sinabihan siya nito na wala siyang bra kung hindi wala siyang ka malay-malay na humarap sa parents nito habang walang suot na bra.

     Agad niyang sinuklay ang buhok niya at patakbong lumabas ng kwarto. Pagkababa niya ng hagdanan ay dumiretso na siya sa kusina ng mansyon.

      Doon ay naabutan niya ngang hindi pa nga kumakain ang mga ito at tila ay hinihintay siya.

     Nakakahiya ka Vivien! Pinag-antay mo sila!

    " Oh Vivien Hija. Upo kana. The dinner is ready!" Aniya ng Donya. Agad-agad niyang hinila ang upuan saka umupo. Panay ang sulyap niya kay Lucas na tahimik lang na kumakain.

     Hindi man lang siya nito binalingan ng tingin. Napakagat labi siya ng dumako ang tingin niya sa ina nito. Pinagsandukan siya nito ng kanin. Nakaramdam naman siya ng hiya. Hindi niya gustong tinratato siya ng ganon. Feeling niya ay hindi niya deserve ang ganoong treatment mula sa mga magulang nito. It's weird, nakaramdam tuloy siya ng kakaibang tensyon from her to Lucas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status