Panay ang sulyap ni Vivien sa bintana ng mansyon. Hinihintay niya kasi ang pagdating ni Lucas.
Matapos kasi ang hapunan nila kanina ay umalis ito nang hindi man lang nagpapaalam kung saan ito pupunta.
Alas nuebe na ng gabi at hindi parin ito umuuwi. Naghintay na muna siya nang ilang minuto bago nagkibit-balikat nalang saka tinungo na ang kama at nahiga.
Baka busy ito sa trabaho niya,aniya sa isipan niya.
Lagi naman itong nagtratrabaho. Ito yata ang kinabusyhan nito ngayon. Pinikit niya ang mga mata at bumuga ng malalim na hininga. Ano ba ang dapat niyang gawin sa pakikitungo ng dating nobyo sa kanya? Hindi nito sinasabi ang mga rason nito kung bakit ito nagkakaganito. Gustuhin niya man itong tanungin ngunit wala rin siyang mapapala dahil ito na mismo ang nagbibigay dahilan upang hindi sila makapag-usap ng masinsinan.
"Buti naman at naisipan mokong dalawin!" Kunwari ay nagtatampo niyang giit sa binata. Nasa kusina sila ngayon ng mansyon. Dumating kasi si Jake na may dalang mangga. Nag insist narin ito na pagbalatan siya dahil napansin nitong malalim ang iniisip ni Vivien.
Naka-upo lang ang dalaga habang si Jake naman ay nagbabalat ng mangga. Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis saka ibinaling ang tingin sa kanya.
Natakam naman siya ng makita ang manggang hawak nito. Gusto na niyang kumain pero hindi pa ito tapos balatan ng binata.
"Mas mabuti narin to, para mabawasan ang init ng ulo ni Lucas sakin. Alam mo na, iniisip niya parin na ako ang ama niyang dinadala mo. He's being paranoid!" Wala sa sarili nitong sagot.
Sumang-ayon naman siya sa sinabi nito.
May alitan pa si Jake at Lucas nang dahil sa kanya. Mas mabuti narin sigurong paminsan-minsan na munang mag-cross ang landas ng dalawa para maiwasan narin na magkagulo.
Mapakla siyang ngumiti at hindi na muna siya umimik.
"Akala niya talaga matatakasan niya ang responsibilidad niya sayo but his totally wrong. Mas matalino akong mag-isip sa kanya!" natatawang sabi ni Jake habang iniabot ang isang platong may mangga.
"Thank you...,"pagpapasalamat ni Vivien pagkakuha sa manggang iniabot ni Jake.
Maingat niyang tinitigan ang binata. Jake is a good man. Napakabait nito sa kanya dahil tinutulungan siya nito sa mga problema niya. He is 29 and Lucas were 26. Isa sa nagustuhan niya sa binata ay ang pagiging sweet at caring nito sa kanya. He treats her like her younger sister, naaalala niya kasi rito ang kapatid niyang namatay sa sakit na cancer. Ganoon narin yata ang dahilan ni Jake kung bakit ang gaan ng loob niya kay Vivien. Same to him, she's comfortable with him. Lumaki si Vivien na nag-iisa sa pangangalaga ng lola niya noon sa probinsya. Heto lang ang natira niyang kamag-anak na nagpalaki sa kanya kaya naman hindi niya naramdaman ang magkaroon ng kapatid na lalaki. And now, here's Jake treating her like she's it's sister. Nakaramdam siya ng pagmamahal ng isang kapatid. Though, minsan nga lang ay napagkakamalan na silang magkasintahan dahil sa closeness nila.
And because of Jake sweetness towards her. Iyon yata ang naging rason niya para magustuhan ito noon. His warmth personality.
"So, how's the first day of living-in with him?" mapanuya nitong tanong sa kanya ng mapansing hindi siya umiimik.
Kumuha muna si Vivien ng mangga na isinawsaw niya sa tuyo na may asukal saka iyon kinain.
"Okay lang!" Tipid niyang sagot.
"What do you mean by okay lang?"
Tila usyoso nitong tanong sa kanya.
May pagkachismoso rin pala ito.
Okay lang, the fact na hindi ito umuwi kagabi at magpahanggang-ngayon ay walang anino ni Lucas ang nagparamdam sa kanya.
" I think his angry!"
"Bakit naman?"
He took a deep breath at umiling.
"I don't know. Maybe ayaw niya talaga sakin?" Utas ni Vivien habang kagat-kagat ang manggang hilaw na ilang araw niya ring pinag-crave.
"And so?" Si jake.
"Kagabi pa siya hindi umuuwi. Siguro sa condo unit niya siya natulog!"
Biglang natahimik si Jake.
Napaka-pasaway talaga ng kapatid niyang iyon. Naaawa siya ngayon kay Vivien dahil malungkot ito. Ayaw niya pa namang nakikitang malungkot si Vivien.
He faced her saka hinawakan ang magkabila nitong pisngi.
"I'm sorry for what he did to you. Maski ako rin, hindi alam ang nangyayari sa kanya. Let's give him a space muna. Baka nga nagulat lang siya. You know him, takot iyon sa ganyang bagay..."
Hindi siya umimik nang sabihin iyon ni Jake. May kung ano na namang lumukob sa puso niya. At bago niya pa iyon maramdaman, nagsalita uli si Jake.
"So for now, manuod nalang tayo ng comedy movies!" masigla itong tumayo at hinila siya papuntang kwarto nito.
Doon kasi sila manonoud ng movies. May mga cd tapes kasi ang binata sa kwarto nito dahil ayaw nitong manuod sa sala. Ang rason ni Jake ay mag-aagawan lang sila ng ama niyang mahilig manoud ng balita sa telebisyon. Iisa lang kasi ang tv nila noon kay hindi talaga maiiwasang mag-agawan sila ng ama niya. Kaya ang ending, bumili siya ng sarili niyang tv at sa kwarto niya iyon ipinalagay.
Habang naka-upo sa kama si Vivien ay naka-isip siya ng magandang movie na panonourin. Si Jake naman ay busy'ng-busy sa paghahanap ng CD na papanourin nila.
"How about we watch horror movies?" Suhestiyon niya na nakapagpakunot ng noo nito. Nilingon siya ni Jake.
Takot ba ito sa multo? May kung anong tumunog sa utak niya. Ngumiti siya ng pagkapilya dahil sa naisip.
"Nope! We will watch comedy." Direktang tugon ni Jake. Tumalikod uli ito sa kanya at naghalungkat na naman sa mga CDs.
"Eh sige na, gusto ko manoud ng horror movie eh!" pagpipilit ni Vivien.
Kung papipiliin kasi siya sa comedy at horror movie. Doon talaga siya nakakapagpa-intense sa kanya.
"Baka makasama pa yan sayo!" He said in a concern tone.
Umiling si Vivien at ngumisi.
"I love horror movies. Gusto ko ngang napapanuod lagi si Vullock eh!"
Ang tinutukoy niya ay yung demonyong madre sa movie na 'The nun'. Sa lahat kasi ng horror movies na nakita niya, iyon ang naging favorite niya.
Tumawa pa si Jake sa sinabi niya. Hindi niya alam na ang inosenteng babaeng kagaya niya ay fan ang mga multo.
"Sigurado ka ba talaga?" Tumango lang siya bilang sagot.
"Sige, if you insist!" Napipilitan niyang sagot.
Ilang sandali itong naghalungkat ng mga horror CD's at nang maka kita ng isa ay sinalang agad ito ni Jake.
"May nakalimutan ako!"
Nagulantang siya nang magsalita si Jake sa tabi niya. Kakasimula na ng movie at excited na siyang manoud.
First time niya yatang manoud na kasama ang kaibigan niya. Dati kasi ay kapag yiniyaya niya sina Charlotte at Hailey ay nagrarason itong may phobia sa mga ganyan. Kaya ang ending, siya lang lagi ang nanunuod mag-isa.
Takot naman talaga siya sa mga multong nagpapakita sa screen ng telebisyon. Ngunit kapag iniisip niyang nagco-cosplay lang ito ay napapawi ang takot niya sa dibdib. Maaaring feminine nga siya. In terms of her actions. Ngunit kapag ang utak niya na ang pinag-uusapan, nagiging matapang ito.
"Ano?" Tanong ng dalaga habang naka-focus lang sa panonoud ng movie.
"Hindi ba dapat may popcorn tayong kinakain?"
"Yeah. Pero okay na ito! Wala naman tayo sa sinehan kaya mag relax ka lang diyan!" Sagot ni Vivien.
"Ang boring naman! Sandali lang gagawa muna ako ng popcorn sa baba. Babalik agad ako rito!"
Tumango nalang siya at hinayaan nalang si Jake na lumabas na ng kwarto nito.
Ilang minuto ang lumipas at nang hindi parin bumabalik si Jake. Kinuha niya nalang muna ang cellphone sa bulsa niya at tinawagan si Hailey.
"Hello? Hailey is speaking!"
"It's me Vivien!" Aniya sa kabilang linya.
"Alam ko..."
Narinig niya ang pagtawa nito na ikinanguso niya. Pinagtri-tripan na naman siya nito.
"Gaga ka ba?" Pabiro niyang giit sa kaibigan.
"Hmm, gaga in terms of Charlotte!"
Nagtaas siya ng kilay nang sabihin iyon ni Hailey. Parang may alam ito sa nangyayari kay Charlotte.
"What are you talking about?"
"Nothing! Nagtampo lang ako sa kanya. Hindi ko na makontak eh, nakausap mo pa?"
"Hindi narin eh. May nangyari bang hindi maganda sa kanya?" Vivien asked curiously.
Gusto niyang makita si Charlotte dahil namimiss niya na ito. Pa-iba-iba rin naman kasi ang address ng kaibigan kaya hindi niya mahagilap kung saan ito pumapalagi.
"W-wala naman siguro. Ah...Vivien. Can I talk to you later? Magsho-shoot na kami. See ya later!"
Hindi pa man siya nakakasagot ay pinatayan na siya
nito ng tawag.
Ano naman kaya ang nangyayari sa babaeng iyon?
Umiling nalang si Vivien at nanunuod nalang ng palabas.
"Is that so?" Malamig nitong turan sa nakatayong dalaga sa harapan niya. Hindi makapaniwala si Vivien sa narinig mula sa binata. Ang akala niya ay tatanggapin nito ang resulta at bagkus ay matutuwa pa ngunit heto't para siyang binuhusan ng tubig dahil sa tinding hiyang natamo. Her lips was trembling and her hands were shaking. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Ang sakit naman palang mag-expect sa taong mahal mo. Iyon ang nasa isipan niya nang mga oras na iyon. Yumuko siya at kinalma ang sarili. Kailangan niyang labanan ang bigat na nararamdaman niya. Ayaw niyang ipakita sa binata ang pagkadismaya . "Am i d-disturbing you?" Tanong niya. Iyon nalang ang tanging lumabas sa bibig niya. Pinaniwala niya nalang ang kanyang sarili na baka busy lang ito at nakadistorbo sya kaya nito nasasabi ang mga bagay na iyon. Tinitigan sya ng binata mula ulo hanggang paa. His checking and now he knows. She was scared. A rude smile form on his kissable lips. "What do you
Isang linggo. Isang linggo ring nagpabalik-balik si Vivien sa opisina ni Lucas. Pinuno niya ng pag-asa ang kanyang sarili. Pag-asa na baka ay tanggapin sila ni Lucas nang magiging anak nila. Ngunit sa isang linggong iyon, ang pakikitungo ni Lucas sa kanya ay malamig parin. Hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataong pakinggan siya. Lucas' mind was locked and the key of it was nowhere to be found. "Are you crazy?!" Galit na galit siyang hinarap ng binata. Ang boses nito ay may bahid ng galit. Ang pakikitungo rin ni Lucas sa kanya ay katulad lang ng dati. Kasing lamig ng yelo sa north pole. She was in Lucas'office, decided to confront him again, hoping he might accept her and their baby. Naroroon rin si Don Crisanto, ang ama nito. Nakikinig lang sa kanilang dalawa. "Bingi ka ba? Why are you keep on insisting, na ako ang ama niyang pinagbubuntis mo!,"bulalas ni Lucas nang hindi siya makasagot sa naging katanungan nito. She gasp in disbelief. Ang mga luha ng dal
"Jake!" Narinig niya ang pagtawag sa kanya ng ama kaya't sinulyapan niya ito sa lamesa. Nagbabasa lang ito ng newspaper na nakagawian na nito every morning. "May kailangan ka dad?" "Did you contact him already?" Tanong nito sa binata na kaka-upo lang sa harap niya. Ang tinutukoy nito ay ang half brother nito na nagmamay-ari ng isang publication company. "Yeah, kahapon pa. He said busy siya sa kompanya niya and they cannot make it now. Why?" Inilapag ni Crisanto ang hawak na newspaper sa mesa at humigop ng kape. "I'm a bit curious about her wife. Ilang taon na silang kasal but they didn't show up to us. Plus, the thought of they didn't invite us to their wedding, it's very suspicious!" "Dad! Civil wedding nga eh. Hayaan mo na siya. Napaka-secretive niya lang na tao." "Hindi ba siya proud sa asawa niya? Iisipin ko talagang nagpapanggap lang siyang may asawa na..." "Let's not talk about him. Aatakihin lang ako ng high blood kapag naiisip ko siya."
Magkahalong kaba, takot, at inis ang namutawi sa kaloob looban ni Vivien ngayon. Hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon habang kaharap ang ama at ina nina Lucas at Jake.Gusto nalang niyang magpalamon sa lupa dahil sa tensyon na bumabalot sa kanila ngayon. She tried to compose herself para mabawasan ang pangamba niya kung sakaling negative thoughts ang sasabihin ng mga ito sa kanya.She never met Lucas parents kahit ilang taon na silang nagsasama. Lucas always tell her to wait. Natatawa nga siya sa binata dati dahil kapag dumadating ang parents nito sa condo unit nito ay tinatago siya nito sa walk in closet ni Lucas. Nagmumukha tuloy silang teenager na takot mahuli ng mga magulang nila."Ehem!" Isang tikhim mula sa matandang lalaki ang pumukaw sa atensyon nilang lahat."I need to clear some things. I mean, e cla-clarify ko ang nangyayari ngayon between you hija." Turo nito kay Vivien saka lumingon sa kinarorounan ni Lucas. "And you Lucas!"Napalunok nalang ang dalaga sa
Inilibot ni Vivien ang tingin niya sa silid na kinarorounan niya ngayon. Ang sabi sa kanya ni Yaya Freda, ay kwarto ito ni Lucas. Tinanong na muna ng dalaga kung bakit siya nito dinala rito pero ang sabi nito, heto raw ang magiging kwarto niya. Paano kung magalit si Lucas? Sa isiping galit ang binata sa kanya ay hindi malabong ipagtabuyan siya nito o di kaya'y lumipat ito ng ibang silid para lang hindi siya makasama. "Manang, paano kung magalit ho si Lucas?," Hindi niya mapigilang itanong iyon sa katulong na ngayon ay inaayos ang kamang tutulugan niya. Lumingon ito sa kanya at ngumiti. "Naku hija! Kahit magalit pa siya, wala na rin naman siyang magagawa. Si donya Bella ang nag-utos sa akin na dito ka muna pamalagiin sa silid na ito. Kung magrereklamo man si Lucas. Doon siya sa ina niya makipagsagutan!" Ipinilig nalang ni Vivien ang kanyang ulo dahil sa winika ng katulong. Nagmistula itong galit nang tanungin niya ito. Yaya Freda is already 58. Dalawampung taon rin iton