Share

Chapter One

Isang linggo. Isang linggo ring nagpabalik-balik si Vivien sa opisina ni Lucas. Pinuno niya ng pag-asa ang kanyang sarili. Pag-asa na baka ay tanggapin sila ni Lucas nang magiging anak nila. Ngunit sa isang linggong iyon, ang pakikitungo ni Lucas sa kanya ay malamig parin.

Hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataong pakinggan siya. Lucas' mind was locked and the key of it was nowhere to be found.

"Are you crazy?!" Galit na galit siyang hinarap ng binata. Ang boses nito ay may bahid ng galit. Ang pakikitungo rin ni Lucas sa kanya ay katulad lang ng dati. Kasing lamig ng yelo sa north pole.

She was in Lucas'office, decided to confront him again, hoping he might accept her and their baby. Naroroon rin si Don Crisanto, ang ama nito. Nakikinig lang sa kanilang dalawa.

"Bingi ka ba? Why are you keep on insisting, na ako ang ama niyang pinagbubuntis mo!,"bulalas ni Lucas nang hindi siya makasagot sa naging katanungan nito.

She gasp in disbelief. Ang mga luha ng dalaga ay nagbabadya na naman upang pumatak. She's hurt. Nasasaktan siya sa mga binitawan nitong salita para sa kanya. Isang hikbi ang pinakawalan niya.

"Lucas...I'm not lying...It's yours—,"

"How come?!"

Agad niyang pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi niya.

"What's this ruckus!?" Hindi na nakapagpigil ang ama ng binata at sa wakas ay nagsalita na ito.

Kinabahan naman si Vivien sa posibleng masabi sa kanya ng ama nito. Knowing Lucas father is a business tycoon. He'll probably wanted to engage Lucas in a wealthy woman, unlike her na mahirap lang.

"She's just a girl from nowhere. A gold digger who wanted me to provide her needs for her baby. I encountered situations like this before!"

"Is it true?!,"tanong ng Don.

Napalunok naman si Vivien nang sa kanya naman ipukol ng Don ang naguguluhan nitong titig. Nakaramdam siya ng hiya.

"H-hindi po! Totoo po talagang anak ni Lucas ang dinadala ko. Hindi po ako nagsisinungaling..," sagot ni Vivien.

Hindi naman maipinta ang reaksyon nito. Napahagulhol nalang si Vivien. She tried her best na hindi maiyak ngunit hindi niya na talaga mapigilan ang sarili.

"Lucas? I think Vivien is saying the truth! Besides she's your girlfriend, tama ba ako?"

Inis na tumayo si Lucas sa kanina'y inuupuang swivel chair pagkatapos ay itinukod ang dalawang kamay sa lamesa niya.

"Look. I'm saying the truth dad! Bakit naman ako magkakaroon ng anak sa kanya? We are not on the same level. And yeah inaamin ko, girlfriend ko siya noon but we officially ended our relationship, matagal na. Kung bakit siya naririto at ipinapa-ako sa akin yang anak niya, well ano pa ba? Malamang dahil sa pera ko!"

"Lucas! Wag mo akong gagalitin!"

Lucas gritted his teeth. Naiinis na siya.

"Naniniwala ka talaga sa pinagsasabi ng babaeng yan?," he argued.

Vivien bit her lower lip. Sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi niya pinigilan ang sarili niya sa pagpunta sa opisina ni Lucas.

Look what you've done Vivien! Don Crisanto and Lucas were fighting because of you!, Aniya sa isipan niya.

"Let's talk about this at home!"

Tumayo si Don Crisanto para umalis. Nang tuluyan ng maka-alis ang ama nito, nagdecide rin siyang umalis narin. As she step her foot, palabas ng opisina nito, nahagilap niya ang galit nitong titig para sa kanya.

Maagang nakatanggap ng tawag si Vivien from his bestfriend, Jake. Kapatid ni Lucas. Kailangan raw siya nitong makausap dahil may importante raw itong sasabihin sa kanya.

"Ang aga mo namang mang-istorbo! It's only 7:00 am palang oh!," Giit ni Vivien. Kasalukuyan siyang nakasakay sa kotse ng binata. Sinundo siya nito matapos niya itong babaan ng tawag. Wala narin naman siyang magagawa kahit na antok na antok pa siya, binuhat ba naman siya at sapilitang ipinasok sa shutgon seat ng kotse nito. Nagmistula tuloy siyang sako ng bigas.

"Hayaan mo nalang ako. Isipin mo nalang farewell bonding nating dalawa ito," nakangiting utas ni Jake habang ang mga mata nito ay nakatuon sa pagda-drive.

"Anyway. Kailan pala ang alis mo? Sa tono ng pananalita mo parang hindi na tayo magkikita ah," wika pa ng dalaga.

"5 months from now!"

"Ang tagal pa naman pala!," Reklamo niya. Aalis kasi si Jake, magbabakasyon ito sa ibang bansa. Balak sana siyang isama nito dahil wala itong kasama ngunit tinanggihan niya dahil buntis siya sa anak nila ni Lucas.

"Kahit na. Para sakin ang lapit na nun,"

Hindi nalang niya pinansin ang pinagsasabi ni Jake at ipinikit niya nalang ang kanyang mga mata. Inaantok pa talaga siya kaya kailangan niyang makabawi sa pagtulog.

Pagkarating nila sa condo unit ng binata, ay naupo na agad siya sa sofa. Ihahanda na muna daw nito ang nilutong porridge para makapag-agahan na siya. Porridge lang pala ang niluto nito, akala niya naman ay kung ano na dahil hindi ito pumapayag na hindi siya makasama.

"Why aren't you eating?" Mahinahong tanong ni Jake sa dalaga. Napansin ng binata na may iniisip ito. Mukhang si Lucas na naman yata.

Bumuntong-hininga si Vivien at umiling. Ayos lang siya, iyon ang pilit na sinasabi niya sa kanyang sarili upang makalimutan ang mga ginawa sa kanya ni Lucas.

"Busog pa ako." Matabang niyang sagot. Nakita niya naman ang pagtaas ng kilay ni Jake. Hindi ito naniniwala sa sagot niya.

"Kahapon mo pa sinasabing busog ka kahit hindi naman."

Ang totoo ay hindi niya malaman ang nangyayari sa kanya. Sa tingin ni Vivien ay dahil iyon sa mga pinagdaanan niya kay Lucas. Exhausted parin ang isip niya dahil sa mga tanong niyang kailangan ng sagot.

At hindi siya mapapakali hanggang hindi niya nalalaman ang rason kung bakit siya itinatanggi ng nobyo.

"By the way byeb. Aalis na ako. Maaga pa ang appointment ko ngayon with my client." Tanging tango lang ang sagot ni Vivien sa binata. Binigyan niya rin ito ng kiming ngiti. As usual, maiiwan na naman siya sa condo unit nito tuwing aalis ito upang pumasok sa trabaho.

"Any request or foods craving?"

Doon sumigla ang ngiti ng dalaga. Kagabi pa kasi siya nagke-crave ng manggang hilaw. Sunubukan niyang bumili kahapon kaso wala siyang nakitang nagtitinda ng mangga malapit sa inuupahan niyang apartment. Mabuti naman at tinanong siya ng binata sa gusto niya.

" Pwede bang dalhan moko ng mangga mamaya?" Malambing nitong turan sa binata.

Ngumiti naman si Jake saka siya hinalikan sa noo. Timing namang bumukas ang pinto at iniluwa roon ang hindi maipintang awra ni Lucas. Mataman itong tinitigan sila kaya naman ay umayos ng upo ang dalawa.

"Lucas, what makes you bring here?" Tanong ni Jake kay Lucas na ngayon ay naka-upo na sa sofa ng sala. Nakasandal ito sa sofa habang ang mga binti nito ay naka dekwatro. Nagmistulang may-ari ito sa unit ni Jake.

"Binisita ko lang itong unit mo. Alam mo na, nababagot ako roon sa unit ko," Matabang niyang wika sa kapatid.

Magkatabi lang ang unit ni Jake at Lucas kaya hindi malabong dumadalaw ito rito kung minsan.

Napa-ismid pa si Lucas nang tumama ang tingin niya sa nobya. May iba na naman siyang naiisip.

"So, i see. Nagli-live in na pala kayo. No wonder, sa susunod baka e announce niyo ng magpapakasal na kayo," nanunuya nitong giit.

"And oh! Don't forget to invite me!," Dagdag ng binata.

Vivien and Jake both gasp. Lucas is unbelievable.

Baka naman nagseselos ka na, aniya ng dalaga sa kanyang isipan.

"Nagkakamali ka ng iniisip Lucas." Aniya ni Jake na ngayon ay umupo narin paharap sa kapatid.

"Bakit di mo nalang pakasalan iyang si Vivien. Total disperada na ang babaeng iyan na yumaman. At isa pa, ikaw naman ang ama ng dinadala niya."

Sa puntong iyon, pinipigilan na ng dalaga ang ang mga luha niyang maglandas pababa sa pisngi niya. Hindi na maatim ni Vivien na makinig pa sa mga masasakit na salitang lumalabas sa bibig ni Lucas. Nanginginig ang mga kamay niya at in the same time ay nanlalamig. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa nobyo.

Laman parin ng isip niya si Lucas. Kung ano ang nangyayari rito at kung bakit ito nagkakaganito. Dahil para sa dalaga, wala siyang ginawang mali upang kamuhian siya ni Lucas ng sobra.

"Are you out of your mind?!," Nagulat si Vivien sa pagtaas ng boses ni Jake. Galit na galit itong nakatingin kay Lucas habang ang kapatid niya naman ay taas noong sinalubong ang titig niya.

Vivien bit her lips to stop herself from sobbing. She wanted to held it back. She doesn't want him to see her crying. Para sa kanya, ay senyales iyon ng kahinaan.

" Iniisip mo talaga na may nangyari samin ni Vivien? Fuck Lucas para ko na syang kapatid!"

Doon napaluha ang dalaga. She cried because she's hurt. Kahit gaano mo pala talaga itago ang sakit na nararamdaman mo, kusa iyong magbubukas at sisirain ang buong sistema mo. Ganon ang hatid sa kanya ni Lucas. Her chest locked. She feel like her tears have stored in her eyes and suddenly exploded continuously.

"Yes. I am out of my mind. Then who cares?!"

Tumayo si Lucas at humakbang papunta sa pintuan. Bago siya umalis, lumingon muna siya sa gawi ng nobya. His brown eyes met hers.

"You know what?! Your a whore!"

Napa-awang ang bibig ng dalaga dahilan upang humikbi siyang muli. Those words stab her heart. And it kills her. Wala siyang masabi sa sakit na dulot nun.

As Jake heard those words from Lucas, he closed his fist. Akmang aambahan na niya ng suntok ang kapatid nang pigilan siya ni Vivien.

"W-wag Jake, hayaan mo sya..," as her voice broke, the hopeless she felt eating her slowly. Pinipiga ang puso niya. Gusto niya nalang matulog at naising hindi nalang magising. Looks like life hit her so hard.

"Kung ayaw mo sa baby, edi wag mokong panagutan. Kaya ko tong buhayin mag-isa. Without you! I can manage my self. I'm not a kid anymore."

"Really, huh? Fine! Just don't pester me anymore!" Tuluyan na itong lumabas ng unit ni Jake. Napanatag naman ang dalawa nang tuluyan na itong maka-alis.

Vivien felt Jake hugging her. His right hand was massaging his back. He comforted and calm her. Ganon niya pinahalagahan ang kaibigan.

"Don't listen to him! Stress lang siya sa trabaho kaya hindi niya matanggap na magiging ama na siya!" Paliwanag nito upang pagaanin ang nararamdaman niya.

"Uuwi na ako!" Tanging nasambit ng dalaga. Hindi ito makatingin ng maayos sa binata. Nahihiya siya. Nang dahil sa kanya nagka-alitan pa tuloy ang magkapatid. She hated herself dahil sa sitwasyon niya ngayon. Mas lalo pa siyang napahagulhol ng maalala ang mga katagang narinig mula kay Lucas kanina.

"You know what?! Your a wh*re!"

Ganon nalang ba talaga ang tingin nito sa kanya? A bitch? A flirt? And a whore?!

Bakit ba siya pinapahirapan ni Lucas ng ganito. She don't like it. Kinamumuhian siya nito ng sobra and she don't know the reasons. Iyon ang bumabagabag sa dalaga.

"Ihahatid kita!" Presenta ni Jake kay Vivien. Hihindi na sana siya pero nahawakan na nito ang kamay niya at tinungo ang kotse nito. Lutang na lutang naman si Vivien sa byahe nila. Napakaraming tanong sa isipan niya na hindi pa nasasagot.

Kung bakit nagkakaganon si Lucas. Ang alam niya lang ay hindi ito ganoon dati.

She's not used to it.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status