"Is that so?"
Malamig nitong turan sa nakatayong dalaga sa harapan niya. Hindi makapaniwala si Vivien sa narinig mula sa binata. Ang akala niya ay tatanggapin nito ang resulta at bagkus ay matutuwa pa ngunit heto't para siyang binuhusan ng tubig dahil sa tinding hiyang natamo. Her lips was trembling and her hands were shaking. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Ang sakit naman palang mag-expect sa taong mahal mo. Iyon ang nasa isipan niya nang mga oras na iyon. Yumuko siya at kinalma ang sarili. Kailangan niyang labanan ang bigat na nararamdaman niya. Ayaw niyang ipakita sa binata ang pagkadismaya . "Am i d-disturbing you?" Tanong niya. Iyon nalang ang tanging lumabas sa bibig niya. Pinaniwala niya nalang ang kanyang sarili na baka busy lang ito at nakadistorbo sya kaya nito nasasabi ang mga bagay na iyon. Tinitigan sya ng binata mula ulo hanggang paa. His checking and now he knows. She was scared. A rude smile form on his kissable lips. "What do you think?" Napalunok sya sa sariling laway dahil sa tinanong nito sa kanya. Pakiramdam nya'y pinagpapawisan siya sa mga sandaling iyon. "Siguro. Babalik nalang ako dito bukas mukhang m-marami kang ginagawa" she uttered softly habang kinuha sa office desk nito ang nilapag niya kaninang bag. Titig na titig sa kanya si Lucas at ang kanina'y ginagawang pagpipirma nito sa mga papeles sa mesa, ay hindi na nito binigyang pansin pa. "Magkano ba ang kailangan mo? 8 million, 10 million. Name the price and let's take this in the process!" Napa awang ang labi niya dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ni Lucas. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Ano sa tingin nito? Mukha siyang pera? Oo mahirap lang siya, but she has this attitude na hindi kailan man mang gamit ng iba para lang umangat sa buhay. Para siyang nabastos nang sabihin nito ang mga katagang iyon. "How dare you!" This time, ay nakahugot siya ng lakas ng loob para duruin ang binata. Muli, tumitig lang ito sa kanya. "Did you think pera lang ang habol ko sayo?!" May kung anong kumirot sa dibdib niya. How dare him para sabihing kailangan niya ng pera. Gusto niya itong sampalin. Ngunit dahil ay nobyo niya ito, ay nagawa niya pang pigilan ang sarili. "Hindi pera mo ang kailangan ko! I need you para panagutan ang dinadala ko!" Halos mamaos ang boses ng dalaga dahil sa sigaw niya. Bagkus si Lucas, ay pagak lang na tumawa habang nakatingin parin sa kanya. Those stares make her scares. Ang dating maaliwalas nitong awra ay napalitan ng galit at poot. May hindi ba siya alam na dapat niyang malaman? Kung tutuosin, ay naging maayos naman sila noong nakaraang linggo. Ngunit ngayon, ay tila ba nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. And it's killing her to the core. "May nangyari sa inyo ng kuya ko bago kita ginalaw. Then, how come na ipapa ako mo sa akin ang dapat responsibilidad niya! Did you think you can fool me?!," maawtoridad nitong sambit na ikinagulat niya ng sobra. Halos mawalan siya ng lakas sa sinabi nito. Her thoughts was occupied with questions, at sa dami nun, hindi niya alam kung alin sa mga iyon ang masasagot niya ng una. Ano bang pinagsasabi niya?, aniya sa isipan niya. Walang nangyari sa kanila ng kuya nito. "A-anong pinagsasabi mo! Ikaw ang ama nito. Atsaka walang nangyari samin ng kuya mo. For pete's sake!" Bulalas niya. Totoo naman talaga. Saang lupalop naman kaya ng mundo nito nakuha ang pinagsasabi nito. "Your tryin' to make a scene here Vivien. Get out! Your interrupting me!" Doon ay nagsipatakan ang mga luha niya. Paano nito nasasabi ang mga katagang iyon? He promised. He promised to her na pananagutan siya nito bago nila iyon ginawa and now his acting like there's nothing happen. " Ano bang nangyayari sayo?" At sa muli, malamig na titig ang ipinukol nito sa kanya. "I am not the father of that goddamn child!" Lumakas ang bugso ng kanyang damdamin at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay dumapo ang palad niya sa kaliwang pisngi nito. Nasampal niya ang binata. Hindi niya natiis ang pangmumura nito sa batang wala pang ka muwang-muwang sa mundo. Bakas sa mukha nito ang pagkagalit dahil sa ginawa niya kaya't napatayo ito. "Whatever you'll say. I admit that, that baby in your tummy isn't mine!" Ang kanina'y pinipigilan niyang luha ay hindi na niya nagawang ipunin pa. Kusa na iyong bumagsak mula sa mga mapupungay niyang mata. Isang hagulhol ang pinakawalan niya. Ang alam lang ni Vivien, ay nasaktan siya sa sinabi ng binata. Para bang pinapahiwatig nito na siya ang pinaka maling bagay na nakilala nito sa mundong ginagalawan nila. And it tearing her heart apart. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi niya at wala sa sariling hinarap si Lucas. "P-pero totoo ang sinasabi ko. I-ikaw ang ama nito" ngayon ay nagmamaka awa siya sa lalaking kaharap. Pinipigilan niya ulit na maiyak dahil masama iyon para sa baby nila but she couldn't. Para sa kanya ay walang kasing sakit ang pagtanggi ng binata sa dinadala niya. "One more time. Pananagutan mo ba ako o hindi?"aniya sa binata. Mabigat at mabilis ang naging paghinga niya. At kahit nasaktan siya ng sobra sa mga masasakit nitong salita, hindi parin siya nawalan ng lakas ng loob na harapin ang binata. Iyon na lang ang tanging magagawa niya bukod sa pag-iyak. "I don't love you! You're just my bed warmer!,"bulalas nito sa kanya. Parang bumagsak sa kanya ang mundo. Mas lalong bumigat ang nararamdaman niya. At sa huling pagkakataon, Lucas confidently rejected her. Gusto niyang magpalamon nalang sa lupa. His gaze didn't met her. Ang tingin ng binata ay hindi na sa kanya. At iyon, ang mas nagbigay sa kanya ng sapat na sagot sa mga iilan niyang tanong. How come? Lahat ba ng lalaki ganito? Mabuti lang sa umpisa tapos sa huli itatanggi ka?, aniya sa isipan niya.Kung sana alam niyang ganito ang mangyayari sa kanya ay di na sana siya nagpadalos-dalos sa mga desisyon niya.Isang linggo. Isang linggo ring nagpabalik-balik si Vivien sa opisina ni Lucas. Pinuno niya ng pag-asa ang kanyang sarili. Pag-asa na baka ay tanggapin sila ni Lucas nang magiging anak nila. Ngunit sa isang linggong iyon, ang pakikitungo ni Lucas sa kanya ay malamig parin. Hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataong pakinggan siya. Lucas' mind was locked and the key of it was nowhere to be found. "Are you crazy?!" Galit na galit siyang hinarap ng binata. Ang boses nito ay may bahid ng galit. Ang pakikitungo rin ni Lucas sa kanya ay katulad lang ng dati. Kasing lamig ng yelo sa north pole. She was in Lucas'office, decided to confront him again, hoping he might accept her and their baby. Naroroon rin si Don Crisanto, ang ama nito. Nakikinig lang sa kanilang dalawa. "Bingi ka ba? Why are you keep on insisting, na ako ang ama niyang pinagbubuntis mo!,"bulalas ni Lucas nang hindi siya makasagot sa naging katanungan nito. She gasp in disbelief. Ang mga luha ng dal
"Jake!" Narinig niya ang pagtawag sa kanya ng ama kaya't sinulyapan niya ito sa lamesa. Nagbabasa lang ito ng newspaper na nakagawian na nito every morning. "May kailangan ka dad?" "Did you contact him already?" Tanong nito sa binata na kaka-upo lang sa harap niya. Ang tinutukoy nito ay ang half brother nito na nagmamay-ari ng isang publication company. "Yeah, kahapon pa. He said busy siya sa kompanya niya and they cannot make it now. Why?" Inilapag ni Crisanto ang hawak na newspaper sa mesa at humigop ng kape. "I'm a bit curious about her wife. Ilang taon na silang kasal but they didn't show up to us. Plus, the thought of they didn't invite us to their wedding, it's very suspicious!" "Dad! Civil wedding nga eh. Hayaan mo na siya. Napaka-secretive niya lang na tao." "Hindi ba siya proud sa asawa niya? Iisipin ko talagang nagpapanggap lang siyang may asawa na..." "Let's not talk about him. Aatakihin lang ako ng high blood kapag naiisip ko siya."
Magkahalong kaba, takot, at inis ang namutawi sa kaloob looban ni Vivien ngayon. Hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon habang kaharap ang ama at ina nina Lucas at Jake.Gusto nalang niyang magpalamon sa lupa dahil sa tensyon na bumabalot sa kanila ngayon. She tried to compose herself para mabawasan ang pangamba niya kung sakaling negative thoughts ang sasabihin ng mga ito sa kanya.She never met Lucas parents kahit ilang taon na silang nagsasama. Lucas always tell her to wait. Natatawa nga siya sa binata dati dahil kapag dumadating ang parents nito sa condo unit nito ay tinatago siya nito sa walk in closet ni Lucas. Nagmumukha tuloy silang teenager na takot mahuli ng mga magulang nila."Ehem!" Isang tikhim mula sa matandang lalaki ang pumukaw sa atensyon nilang lahat."I need to clear some things. I mean, e cla-clarify ko ang nangyayari ngayon between you hija." Turo nito kay Vivien saka lumingon sa kinarorounan ni Lucas. "And you Lucas!"Napalunok nalang ang dalaga sa
Inilibot ni Vivien ang tingin niya sa silid na kinarorounan niya ngayon. Ang sabi sa kanya ni Yaya Freda, ay kwarto ito ni Lucas. Tinanong na muna ng dalaga kung bakit siya nito dinala rito pero ang sabi nito, heto raw ang magiging kwarto niya. Paano kung magalit si Lucas? Sa isiping galit ang binata sa kanya ay hindi malabong ipagtabuyan siya nito o di kaya'y lumipat ito ng ibang silid para lang hindi siya makasama. "Manang, paano kung magalit ho si Lucas?," Hindi niya mapigilang itanong iyon sa katulong na ngayon ay inaayos ang kamang tutulugan niya. Lumingon ito sa kanya at ngumiti. "Naku hija! Kahit magalit pa siya, wala na rin naman siyang magagawa. Si donya Bella ang nag-utos sa akin na dito ka muna pamalagiin sa silid na ito. Kung magrereklamo man si Lucas. Doon siya sa ina niya makipagsagutan!" Ipinilig nalang ni Vivien ang kanyang ulo dahil sa winika ng katulong. Nagmistula itong galit nang tanungin niya ito. Yaya Freda is already 58. Dalawampung taon rin iton
Panay ang sulyap ni Vivien sa bintana ng mansyon. Hinihintay niya kasi ang pagdating ni Lucas. Matapos kasi ang hapunan nila kanina ay umalis ito nang hindi man lang nagpapaalam kung saan ito pupunta. Alas nuebe na ng gabi at hindi parin ito umuuwi. Naghintay na muna siya nang ilang minuto bago nagkibit-balikat nalang saka tinungo na ang kama at nahiga. Baka busy ito sa trabaho niya,aniya sa isipan niya. Lagi naman itong nagtratrabaho. Ito yata ang kinabusyhan nito ngayon. Pinikit niya ang mga mata at bumuga ng malalim na hininga. Ano ba ang dapat niyang gawin sa pakikitungo ng dating nobyo sa kanya? Hindi nito sinasabi ang mga rason nito kung bakit ito nagkakaganito. Gustuhin niya man itong tanungin ngunit wala rin siyang mapapala dahil ito na mismo ang nagbibigay dahilan upang hindi sila makapag-usap ng masinsinan. "Buti naman at naisipan mokong dalawin!" Kunwari ay nagtatampo niyang giit sa binata. Nasa kusina sila ngayon ng mansyon. Dumating kasi si Jake