Share

Kabanata 0002

Author: Queen_Sienna
last update Huling Na-update: 2024-08-05 23:07:14

~Sienna~

Isang buwan ang nakalipas...

“B-Buntis ako.” 

Hawak-hawak ko ang pregnancy test nang lumabas sa banyo. Naghihintay sa labas ang kaibigan kong si Sabrina na nag-aabang sa resulta ng test na ginawa namin. Ilang araw na akong nahihilo at nasusuka. Hindi rin ako dinatnan ng kabuwanang dalaw ko kaya't kinutuban na ako nang masama.

Sinabi ko ito sa kaibigan kaya't siya na mismo ang nagdala ng mga pregnancy test at lahat ay sinubukan namin para makasigurado. Iisa lang ang pinapakita nito. Buntis nga talaga ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin.

Nanginginig ang mga tuhod ko kaya naman ay naupo ako sa sofa. Binigyan ako ng tubig ni Sabrina saka pinainom sa akin.

“Paano nangyari 'yon, bes? Isang beses lang nangyari 'yon...” takang tanong niya kaya napahilot ako sa ulo nang sumakit ito.

“H-Hindi ko alam. Lasing ako no'n kaya wala akong ideya kung ipinasok ba niya.”

Bakas na sa mukha ko ang pagka-stress dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Mas lalong magagalit ang pamilya ko kapag nalaman nilang buntis ako.

Ang mas masaklap ay hindi ko kilala ang lalaking iyon. Wala akong alam tungkol sa pagkatao niya dahil one-night stand lang naman ang nangyari sa amin.

“Paano ka na niyan, Sienna? Paano mo sasabihin sa mga magulang mo ang tungkol sa pagbubuntis mo?” tanong sa akin ni Sabrina na ngayon ay bakas ang pag-aalala.

Tumayo ako sa kinauupuan saka huminga nang malalim. 

“Nangyari na ang nangyari. Ibinigay ko ang sarili sa lalaking hindi ko kilala kaya kailangan kong harapin ito. Hindi pwedeng malaman ng pamilya ko dahil papatayin nila ako, Sab.”

Mangiyak-ngiyak na ako sa mga oras na ito sa harap ng kaibigan ko. Hindi ko naisip ang gulong pinasok ko. Siguradong malalagot ako kapag nalaman ng pamilya ko ang ginawa ko. Ayaw nilang dungisan ang kompanya kaya natatakot na ako. 

“You need to accept this, Sien. Kailangan mong alagaan ang bata na nasa sinapupunan mo. Wala siyang kasalanan. Huwag mo na isipin ang pamilya mo. Umalis ka na sa inyo kaya't walang mangyayari sa 'yo. Ang kailangan mo lang ay ang tanggapin iyan.”

Hinaplos ko ang tiyan dahil sa sinabi sa akin ni Sabrina. Alam ko na walang kasalanan ang batang ito. Aksidente ang nangyari kaya kailangan ko siyang tanggapin. Nabuo siya dahil sa mga maling desisyon na ginawa ko.

Wala akong dalang kahit na ano. Lahat ng mga cards ko at banks ay ipinasara ng mga magulang ko dahil sa paglayas ko. Ngayon isang problema ang kailangan kong kaharapin. Buntis ako at kailangan ko ng pera para sa darating kong anak.

“Kailangan ko ng trabaho, Sab. Wala akong pera at ngayong buntis ako mas kailangan ko ito.” Napatango naman si Sabrina bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

Tumayo ito saka naglakad sa harapan ko. Bigla naman itong nagtaas ng kamay na tila ba ay may naiisip ito.

“Tamang-tama dahil naghahanap ng bagong sekretarya ang tinatrabahuhan kong kompanya, Sien. May bago ng may-ari at kailangan niya ng bagong sekretarya. Bagay ka roon lalo na at may background ka.”

Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi dahil sa sinabi ni Sabrina.

”Kailangan ko na kaagad mag-apply dahil baka maunahan ako!” sambit ko kaya naman natawa ito nang bahagya.

“Total maaga pa naman. May oras ka pa para mag-apply ngayon kaya't halika na. Pero sigurado ka ba sa desisyon mo?” tanong ng kaibigan sa akin at kaagad naman akong tumango. 

Wala na akong pagpipilian pang iba. Kailangan kong buhayin ang na sa sinapupunan ko. Isang buwan pa lang ito pero kailangan kong paghandaan. Hindi ako papayag na malaman ng pamilya ko ang nangyari sa akin.

Ginusto ko ito kaya paninindigan ko ang nagawa ko.

“Kaya ko na ang sarili ko, Sab. Buo na rin ang desisyon ko. Ngayong araw ding ito ay mag-aapply ako,” sabi ko at tumango naman si Sabrina.

Pagkatapos ng aming pag-uusap ay dali-dali akong naghanda para makaalis na kami. Masama pa rin ang pakiramdam ko pero kailangan kong makahanap kaagad ng trabaho. Sana lang talaga ay matanggap ako sa trabahong gusto kong pasukin.

Lahat nang ito ay para sa dinadala ko. Wala akong hihingin na tulong mula sa pamilya ko. Magsisikap ako na buhayin ang anak ko. Mas mabuti na ito kaysa makulong ako sa kasal na hindi ko naman gusto.

****

Isang oras ang lumipas ay nakarating na kami kaagad ni Sabrina sa pinagtatrabahuhan niya. Halos sumakit ang leeg ko kakatingin sa mataas na gusaling na sa harapan namin ngayon. 

Hindi ko maipaliwanag ay biglang tumibok ng malakas ang puso ko nang matitigan ang kompanyang ito. Pakiramdam ko ay may kung anong naghihintay sa akin sa loob.

“Ayos ka lang ba?”

Napalingon ako sa gawi ni Sabrina ng magtanong siya. Ngumiti lang ako para ipaalam sa kaniya na maayos lang ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang naramdaman ko dahil mag-aalala lang ito.

“Wala ka ba talagang ideya kung sino ang bagong may-ari ng kompanya?” tanong ko sa kaniya at umiling lang ito.

“Wala talaga, e. Pero may nagsabi sa akin na ibang-iba raw siya. Hindi ko naman alam anong tinutukoy nila.”

Napatango na lang ako sa sinabi ni Sabrina at nagtuloy-tuloy na kami. Halos lumuwa naman ang mata ko nang makita ang pila na gustong mag-apply bilang sekretarya. Si Sabrina naman ay pumuta na sa kaniyang trabaho kaya naiwan ako mag-isa at matiyagang naghihintay na matawag.

Ang pakiramdam ko sa labas kanina ay mas lalong lumakas nang makapasok ako sa loob. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako kinakabahan ng ganito.

“Ayoko na! Ang sama ng ugali niya!”

Nag-angat ako ng ulo nang marinig ko ang mga salitang iyon. Isang babae ang lumabas mula sa opisina ng may-ari na umiiyak. Tumatakbo pa ito paalis kaya naman ay bigla akong kinabahan.

Nagsimula na magbulong-bulungan ang ibang nag-aapply habang ako ay nakatulala at nag-iisip tungkol sa magiging amo ko. Marami na ang pumasok at lumabas sa loob ng opisina. Lahat sila ay bagsak ang balikat at ang iba naman ay umiiyak. Kaonti na lang ang naiwan at isa na ako doon. 

“Sienna Montemayor, ikaw na.”

Napatayo ako nang mabilis pagkarinig sa pangalan ko. Isang masungit na babae ang nagdala sa akin papuntang opisina ng may-ari. Pakiramdam ko ay bumibigat ang mga hakbang ko habang papalapit sa pinto ng opisina. Mas lalong kumabog nang malakas ang dibdib ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit. 

Pakiramdam ko ay tumigil sa pag-ikot ang oras nang biglang bumukas ang pinto. Isang lalaki ang nakaupo sa isang mamahaling upuan at ito ay nakaharap sa bintana. Tuluyan na nga akong pumasok at narinig na lang ang paglagabog ng pinto sa likuran ko.

Dahan-dahan ay humarap sa akin ang may-ari ng kompanya at halos nanlamig ang buong katawan ko sa nakita.

Pasimple akong nagdarasal na sana lamunin na lang ako ng lupa dahil ang na sa harapan ko ngayon ay kilalang-kilala ko. Hindi ko makalimutan ang mukhang ito. Ang mukha ng lalaking nakakuha sa akin isang gabi.

“L-Liam Del Fierro.”

Kaugnay na kabanata

  • Carrying the Billionaire's Twin Babies   Kabanata 0003

    ~Sienna~Lasing na lasing ako nang may mangyari sa amin pero hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Ngayon na hindi ako lasing ay mas lalo ko siyang nakilala at ang mas nakakagulat pa ay matagal ko na pala siyang kilala. Kaya pala sobrang pamilyar sa akin ang mukha niya.Si Liam Del Fierro pala ang lalaking iyon. Pakiramdam ko ay gusto ko na tumakbo palabas dahil sa aking mga nalaman. Siya ang ama ng dinadala ko, ang lalaking naka-one night stand ko at siya rin pala ang lalaking mortal na kaaway ng pamilya ko.Tadhana ba ito? Pero bakit siya pa?Masamang tao si Liam. Lahat ay takot sa kaniya at tinuturing niyang kaaway lahat ng mga business tycoons. Isa na ang pamilya Montemayor na kaniyang kaaway.“You might be, Sienna Montemayor...” aniya sa kalmadong tono. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa direksyon ko.Inihakbang ko ang aking mga paa papalayo dahil natatakot akong maglapit kami. Pinagdarasal ko rin na sana hindi niya ako matandaan. Kailangan magpanggap ako na hi

    Huling Na-update : 2024-08-05
  • Carrying the Billionaire's Twin Babies   Kabanata 0004

    ~Sienna~Pakiramdam ko ay nanigas na naman ang katawan ko sa sobrang gulat dahil sa sinabi ni Liam. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa pinagbubuntis ko. Tanging si Sabrina lang ang nakakaalam. Malakas ang kutob ko na baka pinilit niyang paaminin si Sabrina. Ngayon na alam na ni Liam na buntis ako ay mas lalo lamang magiging komplekado ang lahat. Alam ko na gagamitin niya lang ako laban sa pamilya ko at ang anak namin. Hindi ako makakapayag. “Wala kang pakialam kung buntis ako, Liam. Hindi ko kailangan ng tulong mo at kaya kong buhayin ang anak ko. Pasensya na pero hindi ko hahayaan na gamitin mo kami para sa personal mong pakay.”Hindi ko na hinintay pa na makasagot si Liam sa sinabi ko dahil tuluyan na akong tumakbo palabas ng opisina niya. Rinig na rinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi na ako huminto. Nagtataka ang mga tao nang makasulubong ko sila habang tumatakbo. Binilisan ko ang kilos dahil baka abutan ako ni Liam. Kailangan kong makalayo sa kaniy

    Huling Na-update : 2024-08-05
  • Carrying the Billionaire's Twin Babies   Kabanata 0005

    ~Sienna~“Akala mo ba ay hindi ko malalaman kung nasaan ka?”Napalunok pa ako nang marinig ko iyon mula kay Liam. Hindi ko inaasahan na pati dito sa probinsya ay susundan ako ni Liam. Napatingin ako sa direksyon ni Miguel at nagliwanag ang mukha ko nang makita siya. Subalit nawala ang tuwa sa mukha ko dahil bigla na lamang itong yumuko. Alam ko na kung ano ang nangyari. Maaaring tinakot ni Liam si Miguel kaya wala itong magagawa para ipagtanggol ako. Nawawalan na rin ako ng pag-asa na makakatakas subalit kailangan ko pa rin subukan.Humarap ako sa likuran at akmang tatakbo nang damputin ako bigla ni Liam. Binuhat niya ako at ginawa ko lahat ang magagawa ko para makatakas pero walang nangyari. Pwersahan akong dinala ni Liam sa sasakyan kaya wala akong nagawa.“Hindi ako papayag na ilayo mo sa akin ang magiging anak ko. Gagawin ko lahat para makuha ka at wala kang magagawa, Sienna.”Ramdam ko ang galit sa boses ni Liam pero tinawanan ko lang siya.“Bakit ba kailangan mo pa akong sundan

    Huling Na-update : 2024-08-05
  • Carrying the Billionaire's Twin Babies   Kabanata 0001

    ~Sienna~“Darating ngayong araw ang mapapangasawa mo.” Halos malaglag ako sa inuupuan nang marinig iyon mula sa ina ko.Napatayo ako bigla habang ang mga tuhod ko ay nanginginig na dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman ko sa mga oras na ito. Napatitig ako sa mukha ng mama ko at wala itong pakialam sa naramdaman ko. Hindi na ako magugulat pa dahil bata pa lang ay ito na ang binabalak nila sa akin.Gusto nila akong makasal sa lalaking hindi ko naman gusto at hindi ko pa nakikilala.“Hindi niyo pwedeng ipilit sa akin ang mga bagay na hindi ko gusto, 'ma. Patawarin niyo ako pero hindi ako papayag na ipakasal niyo ako sa lalaking hindi ko gusto.” Tumalikod na ako pagkatapos ko sabihin ang salitang iyon.Sumisigaw ang mama ko pero nagpanggap ako na parang walang naririnig. Hindi ko pwedeng hayaan na lang silang diktahan ako sa mga bagay na gusto at ayaw ko. Walang kasal na mangyayari dahil ngayon pa lang ay tatakas na ako.Bago pa man ako pinahabol sa mga gwardya ay dali-dali kong kinu

    Huling Na-update : 2024-08-05

Pinakabagong kabanata

  • Carrying the Billionaire's Twin Babies   Kabanata 0002

    ~Sienna~Isang buwan ang nakalipas...“B-Buntis ako.” Hawak-hawak ko ang pregnancy test nang lumabas sa banyo. Naghihintay sa labas ang kaibigan kong si Sabrina na nag-aabang sa resulta ng test na ginawa namin. Ilang araw na akong nahihilo at nasusuka. Hindi rin ako dinatnan ng kabuwanang dalaw ko kaya't kinutuban na ako nang masama.Sinabi ko ito sa kaibigan kaya't siya na mismo ang nagdala ng mga pregnancy test at lahat ay sinubukan namin para makasigurado. Iisa lang ang pinapakita nito. Buntis nga talaga ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin.Nanginginig ang mga tuhod ko kaya naman ay naupo ako sa sofa. Binigyan ako ng tubig ni Sabrina saka pinainom sa akin.“Paano nangyari 'yon, bes? Isang beses lang nangyari 'yon...” takang tanong niya kaya napahilot ako sa ulo nang sumakit ito.“H-Hindi ko alam. Lasing ako no'n kaya wala akong ideya kung ipinasok ba niya.”Bakas na sa mukha ko ang pagka-stress dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Mas lalong magagalit ang pamilya ko

  • Carrying the Billionaire's Twin Babies   Kabanata 0001

    ~Sienna~“Darating ngayong araw ang mapapangasawa mo.” Halos malaglag ako sa inuupuan nang marinig iyon mula sa ina ko.Napatayo ako bigla habang ang mga tuhod ko ay nanginginig na dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman ko sa mga oras na ito. Napatitig ako sa mukha ng mama ko at wala itong pakialam sa naramdaman ko. Hindi na ako magugulat pa dahil bata pa lang ay ito na ang binabalak nila sa akin.Gusto nila akong makasal sa lalaking hindi ko naman gusto at hindi ko pa nakikilala.“Hindi niyo pwedeng ipilit sa akin ang mga bagay na hindi ko gusto, 'ma. Patawarin niyo ako pero hindi ako papayag na ipakasal niyo ako sa lalaking hindi ko gusto.” Tumalikod na ako pagkatapos ko sabihin ang salitang iyon.Sumisigaw ang mama ko pero nagpanggap ako na parang walang naririnig. Hindi ko pwedeng hayaan na lang silang diktahan ako sa mga bagay na gusto at ayaw ko. Walang kasal na mangyayari dahil ngayon pa lang ay tatakas na ako.Bago pa man ako pinahabol sa mga gwardya ay dali-dali kong kinu

DMCA.com Protection Status