Share

Carrying the Billionaire's Twin Babies
Carrying the Billionaire's Twin Babies
Author: Queen_Sienna

Kabanata 0001

~Sienna~

“Darating ngayong araw ang mapapangasawa mo.” Halos malaglag ako sa inuupuan nang marinig iyon mula sa ina ko.

Napatayo ako bigla habang ang mga tuhod ko ay nanginginig na dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman ko sa mga oras na ito. Napatitig ako sa mukha ng mama ko at wala itong pakialam sa naramdaman ko. Hindi na ako magugulat pa dahil bata pa lang ay ito na ang binabalak nila sa akin.

Gusto nila akong makasal sa lalaking hindi ko naman gusto at hindi ko pa nakikilala.

“Hindi niyo pwedeng ipilit sa akin ang mga bagay na hindi ko gusto, 'ma. Patawarin niyo ako pero hindi ako papayag na ipakasal niyo ako sa lalaking hindi ko gusto.” Tumalikod na ako pagkatapos ko sabihin ang salitang iyon.

Sumisigaw ang mama ko pero nagpanggap ako na parang walang naririnig. Hindi ko pwedeng hayaan na lang silang diktahan ako sa mga bagay na gusto at ayaw ko. Walang kasal na mangyayari dahil ngayon pa lang ay tatakas na ako.

Bago pa man ako pinahabol sa mga gwardya ay dali-dali kong kinuha ang sasakyan saka ito pinaharurot palayo. Alas nuebe na ng gabi at hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang na sa isip ko ay lalayas ako. 

Hindi na ako babalik dahil alam kong ipipilit pa rin nila na ipakasal ako kahit pa man magmakaawa ako sa kanila.

Dala ang sasakyan na bigay sa akin ni daddy, tinahak ko ang daan palabas sa lugar namin. Hindi ko alam kung nasaan na ako basta ang alam ko ay inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng isang bar. 

Pagkatapos kong maiparada ito, kaagad akong pumasok sa loob. Nag-order kaagad ako nang maiinom dahil ito ang kailangan ko ngayon. Kailangan ko ng mapaglalabasan.

Hindi ko alam kung pang-ilang bote na itong iniinom kong beer. Ramdam ko na rin ang pagkahilo subalit hindi ako tumigil hanggang sa may lumapit sa akin.

“Can I join you?” tanong ng isang lalaki at hinawakan pa talaga ang paa ko. Napapikit ako ng mata sa ginawa niya at hinablot ang kamay nito saka hinawakan nang malakas.

“Nagkakamali ka ng binangga.”

Napangiwi ito dahil sa lakas ng pagkakahawak ko. Hindi na siya nakapagsalita kaya naman nagdesisyon akong tumayo para lumabas. Napaigik pa ako nang akmang matutumba ako dahil sa kalasingan. Pinilit ko pa ring tumayo at maglakad kahit matutumba na ako. 

Hindi pwedeng manatili ako sa loob dahil alam kong maraming manyak rito. Mas mabuti pa na sa kotse ako matulog kaya't nagpatuloy ako sa paglalakad subalit hindi ko inaasahang may nabunggo ako.

“Oops, sorry.” Tinitigan ko ang nakabunggo at bigla na lang may gumuhit na ngiti sa labi ko. Hindi ko aakalain na isang gwapo pala ang makakabunggo ko.

“You're so clumsy,” aniya kaya napangisi ako. 

Bigla kong itinaas ang kamay at hinaplos bigla ang mukha ng lalaki. Hindi ito pumalag at inalalayan pa talaga ako.

“Can you bring me out of here?” tanong ko kaya nagtaas ito ng kilay.

“What?” tanong niya pero bago ko siya sagutin ay sinunggaban ko siya ng halik. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya't napahawak siya nang mahigpit sa bewang ko.

“Do whatever you want with me. Just bring me out of here, handsome.” Nakangising tugon ko sa lalaki at napatili pa ako nang bigla niya akong buhatin.

Hindi na ako pumalag at hinayaan ang lalaking ito na buhatin ako. Pamilyar sa akin ang mukha niya pero hindi ko masabi saan ko siya nakita pero wala na akong pakialam. Mas mabuti pang ibigay ko ang sarili ko sa isang estranghero kaysa naman ipakasal ako sa lalaking hindi ko gusto.

Wala na akong pakialam pa kung saan man ako gustong dalhin ng gwapong estrangherong ito. Naramdaman ko na lang na isinakay niya ako sa isang kotse at pinaharurot ito paalis.

Ilang minuto lang ay narinig ko na lang ang biglang pagbukas ng isang pinto. Hindi pa man ito tuluyang nasasara ay kaagad na akong sinunggaban ng halik ng lalaki habang tinatanggal ang mga saplot sa katawan ko.

“I will not let you go, princess. You push me to do this with you. I'm just doing you a favor.” Mahinang usal niya sa tainga ko. Nakiliti pa ako at hindi na nagawang magsalita dahil nagsisimula nang lumiyab ang katawan ko. 

Lahat ng mga naranasan ko ngayon ay bago lamang sa akin. Walang lalaki ang nakagawa sa akin nito kung hindi itong estranghero pa lamang pero wala na akong pakialam pa. Hindi ko na kayang pigilan ang tawag ng katawan ngayon. Saka ko na lang iisipin ang magiging kabayaran nito basta ngayon gusto ko lang sumaya, malayo sa pamilya kong manipulator.

Isang matamis na ngiti ang kumawala sa mga labi ko nang biglang ihiga ako ng lalaki. Wala na kaming mga saplot at hindi ko maiwasang tumitig sa kaniyang matitipunong katawan.

Napakagat ako sa ibabang labi. “F*ck me, please.” 

Ngumisi ito at sinunggaban na naman ako ng halik. 

“Oh...” 

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko nang magsimula itong ilapat ang kaniyang mga labi sa leeg ko pababa sa aking mga mauumbok na dibdib. Ang dalawang kamay ko naman ay nakahawak sa kaniyang mga buhok. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa kaniyang ginagawa. Ang alam ko lang ay nasasarapan ako sa ginawa niyang paglalaro sa katawan ko.

Ang bawat pagdampi ng kaniyang malalambot na mga labi sa aking katawan ay nagdulot iyon ng isang hindi ko maipaliwanag na sensasyon at tila ba ayaw kong matapos kaagad. Gusto ko ang kaniyang ginagawa lalo na no'ng laruin niya ang pinakaiingatan ko sa lahat.

Naramdaman ko na lang na pumatong siya sa ibabaw ko at dahan-dahang ipinasok ang kaniyang matigas na pag-aari.

“Ugh...” Isang ungol na may kasamang ngiwi ang gumuhit sa aking mga labi nang bigla niyang ipasok ang kaniyang pag-aari sa akin.

Banayad ang kaniyang mga galaw noong una ngunit nang matiyak niyang hindi na ako nasasaktan ay bigla itong bumilis at naging agresibo. Ang kwartong kinalalagyan namin ay napuno ng aming mga ungol na tila ba ay wala ng pakialam kung may makarinig man sa amin.

Bawat paghampas ng kaniyang katawan sa akin siyang dahilan para mas lalo pa akong ganahan. Pagkatapos ng walang humpay na bakbakan ay tuluyan na nga naming narating ang kaibuturan. Sa sobrang pagod at kalasingan ay nakatulog na ako sa tabi ng estrangherong lalaking ito.

Kinaumagahan ay bigla na lang akong napabangon ng may biglang gumalaw sa hita ko. Nanlaki ang aking mga mata ng mapagtanto kong isang lalaki ang aking katabi at kami ay kapwa wala ng mga suot. Hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil siya ay nakadapa at tulog na tulog.

Dahan-dahan ay bumangon ako at kaagad na isinuot ang mga damit para umalis. Habang naglalakad palabas ng hotel na iyon ay pasimple kong pinapagalitan ang sarili sa katangahang ginawa ko kagabi.

Ngayon isang malaking problema ang kakaharapin ko. Naibigay ko ang sarili sa isang lalaking hindi ko kilala at sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang akong kinutuban ng napakalakas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status