Share

Chapter 3

Author: GreenRian22
last update Last Updated: 2023-07-11 07:19:44

Nadia's Point Of View.

"Nadia, ito ang trabahong gagawin mo," sabi ng mayordonang si ma'am Ruby, pandak siyang babae at mataba. Mukha rin siyang masungit, nakapila kami at nasa likod ko si Jala at ng iba pang bagong katulong. Nakasuot ako ng uniform ng katulong, gano'n din ang iba. Nagagandahan ako sa aming uniform.

Sinenyasan niya akong lumapit kaya sumunod ako, kinakabahan ako, Bawat katulong daw kasi ay may naka assign na gagawin at hindi nauubusan ng gagawin dito sa Mansiyon dahil ang laki laki nga nito. Kaya din sila kumuha ng mga dagdag na katulong.

"Mag didilig ka ng halaman, hinay hinay lang sa pag dilig ha?" Tumango ako sakanya. Pag katapos ay tinuro niya sa akin ang mga lugar na may halaman na kailangan kong diligan. Agad akong binigyan ng isang katulong ng gunting, pandilig at iba pang gamit sa pag hahalalaman. Hindi ako pamilyar sa ibang bagay dahil ngayon ko lang ito nakita.

Sinamahan niya pa ako sa garden ng Mansiyon bago ako iwan ilang minuto din bago kami naka punta sa garden dahil may layuan at labas din ito ng Mansiyon, ang pangalan pala ng Mansiyon na ito ay Mansiyon De Rion. Narinig ko lang 'yon sa isang bagong katulong.

Binuksan ko ang gate bago pumasok nakapusod ang hanggang baba ng dibdib kong buhok para hindi ako mahirapan sa pag tra-trabaho. Hindi lang naman pag didilig ang gagawin ko dito, guguntingin ko rin ang mga patay na dahon at mag tatanggal ng insekto. Mag sspray din ako ng pataba sa halaman.

Naka day off daw kasi ang gardinero na dapat gagawa nito kaya ako na lang pansamantala ang gagawa ngayong araw. Nag umpisa akong mag dilig dahan dahan ang ginagawa ko tulad ng sabi ng Mayordona. Paburitong lugar din daw ito ng aming amo, ayon kay Ethel.

Pero hindi ko pa nakikita ang aming amo, wala akong ideya kung ano ang kanyang mukha at ugali. Pero sa tingin ko ito ay strikto.

Ginupit ko ng dahan dahan ang bulok na dahon at itinapon 'to sa plastic na binigay din sa akin ng katulong na nag hatid sa akin. Naging seryoso na ako at inayos, lininis na lahat ng kailangan gawin, tanggalin at diligan sa garden. Hindi ko alam ang pangalan ng ibang mga bulaklak dahil ngayon ko lang ito nakita pero sigurado akong mahal ito.

May napansin din akong dalawang bench sa gilid. Marumi 'yon at puno ng alikabok, may lumot din akong nakita. Ang pinagtataka ko ay sinabi sa akin ng katulong na nag hatid sa akin dito ay huwag ko 'yan papakialaman. Hindi naman na ako nag tanong pa dahil hindi naman 'yon ang ipinunta ko dito.

Tanghali na ng matapos ako sa inutos sa akin dahil sa pag iingat na rin binagalan ko ang pag dilig at iba pang dapat gawin. Masyado ding maraming halaman at mga bulaklak dito.

Tagaktak ang pawis ko ng makalabas, kinabisado ko ang dereksyon kanina kaya hindi na ako nahirapan bumalik sa Mansiyon De Rion. Sa likod ako ng Mansiyon dumaan, sa kusina pag pasok ko nakita kong kanya kanyang hawak ang mga katulong, agad lumapit sa akin si Jala.

"Pupuntahan sana kita sa garden, kaso hindi ko alam kung paano," aniya, binigay niya sa akin ang isang plato may kanin at ulam. Sabi ko ay mag huhugas muna ako ng kamay. Binuksan ko ang gripo at nag hugas na ako ng kamay, sinabon ko din ito. Hindi ako sanay na sa gripo ako nag huhugas ng kamay sa amin kasi ay sa balde o tabo lang ako.

Binagay ko  sa isang lalaki na siyang nakakaalam kung saan nilalagay ang mga gamit sa pag tatanim. Sabi ko ay ituro na lang niya kung saan ilalagay pero sabi niya siya na lang daw ang mag babalik at kumain na lang ako dahil tapos na naman siyang kumain. Nag pakilala siya sa akin bilang si George mas matanda siya sa akin 46 year's old na siya.

"Salamat po, ako nga po pala si Nadia." Pakilala ko sa sarili.

"Nagagalak kitang makilala, Nadia."

"Gano'n din po ako mr. George."

Bumalik na ako kay Jala at tumabi sakanya. Nag hila ako ng upuan, kumakain kami sa isang malaking lamesa.

Para kaming pamilya. Bigla kong na alala si Niel, kamusta na kaya siya? Tatawagan ko nga siya mamaya.

Hindi parin ako pamilyar sa kinakain namin pero masasabi ko namang masarap at masustansiya. Habang patuloy parin ang pag pasok ng ibang mga katulong na kakatapos lang sa mga kanya kanyang gawain, ang ibang kakatapos lang kumain ay hindi muna siya pinapaalis ng Mayordona dahil may iaanunsiyo daw ito.

Nang matapos kaming lahat tinanong muna ng Mayordona kung kompleto na daw kami at sumagot naman kami ng oo.

"Bukas, uuwi na galing sa business trip ang ating amo. Si sir Cax." Nag bulung bulungan naman ang ibang katulong kaya sinuway ng mayordona ang mga 'yon. "Sa mga bagong katulong, kung hindi niyo pa kilala ang ating amo siya ay si sir Carrion Xavien Tadio o mas kilala bilang sir Cax."

Sir Cax...

"Gumising kayo ng maaga dahil babatiin natin siya sa kanyang pag uwi. Panatilihin din na malinis ang mga gamit lalo na ang koleksyon niya ng sapatos, vase at mga paintings. Ilang buwan din nawala si Sir Cax kaya bibigyan natin siya ng pahinga pag uwi niya dito." Pag pa patuloy ng Mayordona. "Sinabi niya rin sa akin na gusto niyang makilala ang mga bagong katulong, kaya sa mga bagong katulong mag handa kayo."

Nakaramdam ako ng kaba sa huli niyang sinabi, wala naman akong dapat ikabahala pero ayaw tumigil sa pag tibok ng puso ko.

"Ayos ka lang?" bulong sa akin ni Jala, tumango ako at ngumiti. Normal naman siguro na kabahan ako.

"Sige na, bumalik na kayo sa trabaho." huling sinabi ng mayordona. Binigyan niya ako ulit ng gagawin, ang samahan siya bumili ng mga ingredients para sa pag kain na lulutuin sa aming amo bukas, sa palengke ang kami bibili pero ang tawag nila dito ay supermarket.

"Unang beses mo pa lang ba makakapunta sa supermarket hija?" tanong ni mayordona Ruby, nakasakay kami ngayon sa isang sasakyan na pag mamay-ari ng aming amo, hindi ko alam kung ano ang sinasakyan namin pero alam ko sasakyan ito. Marami daw itong sasakyan. Si mr. George ang aming driver. Isa pala siyang driver.

Tumango ako sa mayordona.

"Opo, wala po kasing ganito sa aming bayan at kung meron naman po ay malayo," saad ko habang pinapanood ang mga sasakyan na halos mag kadikit dikit dahil sa traffic.

"Kung hindi ako nag kakamali ay galing kang probinsiya?" tanong niya, muli akong tumango.

"Kaya pala likas sa iyo ang gumawa ng gawaing bahay. Sanay na sanay ka na." Napangiti ako, pero agad din 'yon nawala nang may bigla akong na alala.

"Opo, medyo nahihirapan lang po ako kumilala ng mga bagay dahil ngayon ko lang ito nakita. Tulad ng oven, hindi ko alam na do'n na luluto ang mga tinapay." Pag amin ko. Nakita ko sa aking gilid ng aking mata na tumango tango siya.

"Hayaan mo, matututo kang gumamit ng mga bagay na katulad no'n." Nilingon ko siya at ngumiti ako.

"Katulad din po ba ito ng palengke kung saan makakabili ka ng mga sariwang isda, baboy o manok?" tanong ko kay mayordona Ruby tulak tulak ko ang isang cart na nag lalaman ng mga gulay. Si Mayordona Ruby ang kumukuha ng mga dapat bilhin at nilalagay sa tulak tulak kong cart.

Habang si mr. George ay naiwan sa loob ng sasakyan dahil walang mag babantay ng sasakyan.

Narinig kong nag salita si mayordona,

"Oo, Nadia pero ang supermarket ay mas maraming paninda at marami kang pwedeng bilhin, ang iba ay mahal ang presyo pero ang iba naman ay hindi."

Tumango tango ako, huminto siya sa pag lalakad at may kinuhang naka plastic na bagay. Kumuha siya ng limang gano'n at inilagay sa cart. Napatingin ako sa bagay na 'yon at tumingin sakanya.

"Ano po 'yan?" tanong ko.

"Manok 'yan."

Manok ito? tanong ko sa sarili, sinubukan kong tusukin ang plastic gamit ang isang daliri ko.

"Patay pong manok?"

"Oo, maiba tayo. Nadia marunong ka bang mag luto?"

"Opo, pero hindi ko po alam ang mga recipe ng mga mayayamang pagkain. Pero kaya ko naman po kung matututunan ko."

"Ah gano'n ba. Madali ka naman sigurong turuan."

"Opo," sabi ko na may ngiti pero nawala 'yon ng muli siyang nag salita.

"Nasaan pala ang mga magulang mo?"

"A-ah si Mama ko po ay wala na.. At si Papa ko ay..." hindi ko alam kung paano ko itutuloy ang sasabihin.

Tumingin siya sa akin at ngumiti pero hindi lumabas ang ngipin.

"Ayos lang, huwag mo ng sabihin kung hindi ka komportable." Tumango ako sakanya.

Nag patuloy na kami sa pag bili ng mga ingredients. Mag gagabi na ng makauwi kami.

"Ito na po ang huli," sabi ko at nilapag sa kusina ang pang huling supot ng mga pinamili namin, hindi lang ako ang nag buhat tumulong din si mr. George.

Nang bigla akong may na alala.

"Mayordona," pag tawag ko, nilalagay niya ang mga manok na nakabalot sa plastic sa refrigerator, nagulat ako kung ano ang pwedeng magawa ng isang ref, maari nitong hindi mapanis ang isang pag kain, maari din itong makapag patigas ng tubig.

"Ano 'yon, hija?"

"Ahm." Bigla akong nahiya sa itatanong ko. Lumingon siya sa akin.

"Ano 'yon?"

"Ano pong ugali ng ating amo?" tanong ko, gusto kong tumakbo na lang dahil nahihiya talaga akong mag tanong. Nagulat ako ng isara niya ang pinto ng ref at hinarap ako na may ngiti sa labi.

"Nakuha ba ni sir. Cax ang 'yong atensiyon?"

Agad akong namula sa tanong niya!

"Hindi po sa gano'n gusto ko lang pong—." pero pinutol niya ang sasabihin ko.

"Nag bibiro lang ako," aniya, nakahinga naman ako ng maluwag. "Ano ang ugali ni sir Cax?" tumango ako. "Hindi siya nag papakita ng emosyon sa mga tao, lagi niyang tinatago kung masaya ba siya o malungkot. Kaya nahihirapan ang ibang taong basahin siya, strict si sir. Cax kung ano ang sinabi niya dapat 'yon ang mangyari pero kahit gaano pa kalamig si sir. Cax nandoon pa rin ang kabutihan sa kanyang puso. . ."

Kinagabihan, pag katapos kumain tulog na si Jala dahil sa pagod. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang numero ni Niel.

Sana lang gising pa siya. Inabot ng tatlong ring bago niya sinagot ang tawag.

"Hello, Ate?"

"Hello Niel? Kamusta ka riyan? Kumakain ka ba? Kapag nalaman kong hindi ka kumakain ng tama—"

"Hahaha oo ate kumain na ako, saka huwag ka ng mag alala. Ako nga dapat ang mag alala rito eh, ikaw kamusta ka? Masungit ba ang amo niyo?"

"Ayos lang naman ako, hindi ko pa nakikita ang amo namin dahil daw may business trip pero bukas makikita ko na."

"Sabihin mo sa akin kung masama ang ugali niyan ha. At sabihin mo rin kung may ginawa sayong masama."

"Sa tingin ko naman hindi niya magagawa 'yon," halos pabulong kong sabi.

"Ano 'yon may tiwala ka na kaagad hindi mo pa nakikita?"

"At bakit ka ganyan makapagsalita? Sino ba ang mas matanda sa atin?" Pag iiba ko ng usapan. Narinig ko naman siyang tumawa kaya natawa na lang din ako, kinuwento ko sakanya na nakapunta ako sa supermarket sabi niya gusto niya ring makapunta doon kaya mag sisikap siyang mag aral para sabay kaming dalawang makapunto roon. Inabot din ng isang oras ang tawagan namin bago ko binaba ang tawag at nahiga sa kama.

"Hindi naman masama ang naging unang araw ko sa trabaho," bulong ko bago tuluyang dalawin ng antok dahil sa pagod

Related chapters

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 4

    Nadia's Point Of View."Nadia? gising na Nadia. " Nakaramdam ko ang tumatapik sa balikat ko, isang tapik pa ang naramdaman ko bago ako tuluyang nagising.Nag panic agad ako kaya agad agad kong tinanong kung anong oras na."Relax Nadia, 5:30 AM pa lang, mamayang 9:00 pa ang dating ni Sir. Cax." Nakahinga naman ako ng maluwag. Napahilamos ako ng aking mukha gamit ang palad ko. Magulo din ang buhok ko. Napakamot ako ro'n."May inutos na ba sa ating gawin?" tanong ko, inaantok pa rin ako. Hindi parin siguro sapat ang pag papahinga ko pero hindi na ako pwedeng bumalik muli sa pag tulog.Mukhang dito na mag uumpisa ang totoong trabaho ko.Umilang naman si Jala, bakit parang gising na gising siya?"Wala pa naman, kumatok lang si Ethel kanina sinabing gisingin ka. At saka hindi lamang hindi ang gising ngayon 'no, halos lahat ng katulong busy ngayon. Ang sabi tatawagin na lang tayo kung may iuutos sa atin. Kaya mag handa na tayo."Tumango ako at muling humikab, lalo tuloy akong iaantok dahil s

    Last Updated : 2023-07-11
  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 5

    Nadia's Point Of View.Ang bilis parin ng tibok ng puso ko habang nasa gilid lang kaming mga katulong habang kumakain sina Sir. Cax kasama ang isang babae at dalawang lalaki. Ang dalawang lalaki ay nag uusap at nag tatawanan habang ang babae at si Sir. Cax ay tahimik kang na kumakain.Napatingin ako kay Sir. Cax kung paano niya hiwain ang laman ng baboy bago 'to isubo sa kanyang bibig. Kita ko ang mga ugat sa mga kamay, malalaki rin ang kamay niya hindi tulad sa kamay ko.Nararamdaman ko ang mahahaling aura niya kapag tinitignan ko siya.Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa gawi namin kaya mabilis akong umiwas ng tingin at nag kunwaring tintignan ang aking mga kuko.Nang maramdaman kong bumalik na ang kanyang atensiyon sa pag kain ay muli akong tumingin sakanya, napatingin ako sa kaliwang kamay niya, napaka maskulado nang pangangatawan niya halatang nag e-exercise. Napatingin ako sa mamahalin niyang relo, ginto ito. Mabilis akong umiwas nang tingin dahil baka may makakita pa sa aki

    Last Updated : 2023-07-11
  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 6

    Nadia's Point Of View.Sa mga sumunod na araw ko sa trabaho ay nakaka sabay na ako sa mga gawain at sa buhay dito sa Mansion De Rion. Palagi kaming nag tatawagan ni Niel tuwing gabi, natutuwa naman ako dahil sa pag aaral niya ng mabuti. Nag kukwento din siya ng mga nangyayari sakanya doon, minsan daw ay pumupunta sina Vanessa at Janice sa bahay para kamustahin siya.Nag pasalamat naman ako doon.Sinabi ko din sakanya na kapag may prolema sa bahay ay sabihin niya lang sa akin at gagawan ko ng paraan. Next month pa ang sahod ko at kapag nakuha ko ang pera ay uuwi muna kami ni Jala. Plinano na namin iyon.Ngayon ay araw ng pamimili ng mga kulang dito sa mansiyon. Naeexcite ulit ako dahil makakapunta ulit ako sa supermarket. Pero ngayon ay kasama namin ni Mayordona Ruby si Jela.Tuwang tuwa naman siya nang malaman na kasama siya, naikwento ko kasi sakanya kung ano ang supermarket. Kaya gustong gusto niya makapunta doon."Ito lang po ba sir ang mga bibilhin?" tanong ni Mayordona kay sir Ca

    Last Updated : 2023-07-11
  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 7

    Nadia's Point Of View.“Nadia, bakit namumutla ka diyan?” tanong ni Jala, katabi niya si Karen na nag aalala namang nakatingin sa akin. “Namumutla ka ba kasi kinakabahan ka?”“Kamusta ang interview sa'yo ni sir Cax?” tanong naman ni Karen. “May sinabi ba siya sa'yong hindi maganda?”Umilang naman ako.“Oh wala naman palang sinasabi sa'yong hindi maganda, bakit ka kinakabahan? Wait a minute. Sinaktan ka ba niya ng pisikal?” Napairap naman ako sa mga pinag sasasabi ni Jala.“Wala siyang ibang ginawa sa akin kundi kausapin ako," sabi ko."Eh bakit mukhang kinakabahan ka?" tanong ni Jala.“Bakit bawal bang kabahan? Saka siyempre kakabahan talaga ako, malay mo kapag may sinabi akong hindi maganda. Tanggalan niya pa 'ko ng trabaho, paano na pag aaral ni Niel?” sunod sunod kong sabi.“Ay kinakabahan ka kasi takot kang matanggal sa trabaho? ako kasi kinakabahan kanina baka kasi itanong niya kung single ako at bigla akong mahimatay,” sabi ni Jala.Agad naman silang nag katinginan ni Karen at n

    Last Updated : 2023-07-13
  • Cannot Afford That Expensive Love   Chaper 8

    Nadia's Point Of View.Talaga? Tuturuan nila kami? Gulat parin ako, alam kong sinabi ko ang bagay na ito kay sir Cax. Hindi kaya siya ang nag utos nila? Hindi impossible, alam kong lahat ng mga bagong maids ay tinanong niya kung saan ito nahihirapan. "Bakit kaya tayo biglang tuturuan?" bulong ni Jala. Napalingon ako sakanya."Tinanong ba kayo kung saan kayo nahihirapan?" tanong ko at mabilis naman siyang umilang. Tinago ko ang pag kagulat ako aking mukha at muling nakinig sa sinasabi ni ma'am Ruby.Hindi sila tinanong?Pero bakit ako ay tinanong niya? Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari pero alam kong dapat ay hindi ako mag isip ng kung anu-ano. "Sumunod na kayo sa iba pang maids at tuturuan nila kayo."Nang sabihin 'yon ni ma'am Ruby ay dumiretso kaming lahat sa kusina, isa-isa kaming tinuturuan. Si Ethel ang nag tuturo sa akin. Pinagana niya ang oven at nakita kong may lumabas na number doon.Pinaliwanag niya sa akin kung paano iyon gamitin at kung ano lang dapat ang mga ilal

    Last Updated : 2023-07-13
  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 9

    Nadia's Point Of View"Opo sir, salamat."Halos pabulong ko na lang iyong sagot at hindi ko alam kung narinig niya iyon pero pag katapos kong sabihin iyon ay mabilis na akong umalis habang hawak ang dibdib.Wala naman siyang sanabing iba pero nag kakarera ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. Bakit ako nag kakaganito? Natatakot ako sa kanya!Noong gabing iyon ay hindi ako nakatulog dahil sa kanyang sinabi, hindi nga rin ako nakapag pahinga nang maayos dahil iniisip ko parin ang kanyang sinabi.Napaka babaw ko!Pagka gising ko kinabukasan habang nag wawalis ako ng mga dahon ay panay ang hikab ko. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Pakiramdam ko sa tuwing sinasabi niya ang pangalan ko ay nag kakaroon ako ng mini heart attack.At hindi ako natutuwa.Mas maraming dahon ang winawalis ko ngayon kaysa kahapon, grabe. Sa isang gabi lang ay ang dami na agad na dahon na nahulog mula sa mga puno.Pinipigilan kong pumikit ang aking mga mata habang nag wawalis ako, bakit ba

    Last Updated : 2023-07-13
  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 10

    Nadia's Point Of ViewNang tawagin kami ay mas lalo akong kinakabahan. 5:40 na at malapit nang mag umpisa ang party. Hindi ko parin nakikita si sir Cax simula kaninang umaga.Naka sunod lang kaming dalawa ni Jala kay Ethel, natatawa ako dahil naka suot ng black na suit ang mga lalaki. Hindi nga rin natutuwa si Jala dahil ito ang kailangan niyang suotin ngayon. Habang kaming mga babae ay baka suit din na itim. Ngayon lang ako nakasuot ng ganito ngunit comfortable naman akong gumalaw."Okay so alam niyo na kung anong mga gagawin niyo, diba? Gusto kong gawin niyo 'yan habang nakangiti kayo," seryosong sabi ni ma'am Ruby. "Okay, pumunta na kayo sa mga pwesto niyo."At nang sabihin iyon ni ma'am Ruby ay nag katinginan kami ni Karen, basa ko sa mukha niya na kinakabahan siya ngunit nang ngumiti ako ay ngumiti rin siya at tumango. Kahit kinakabahan ay sabay kaming pumunta sa may pintuan ng mansyon, nakasara pa ito. At sinabi sa amin ni ma'am Ruby na kapag nag 6:00 pm na ay bubuksan namin ito

    Last Updated : 2023-07-13
  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 11

    Nadia's Point Of View."Don't ever hurt my maid, Andrea." Dagdag ni sir Cax. Napakagat ako sa labi dahil sa labis na hiya, biglang nawala ang music at lahat ng tao ay nasa akin ang atensyon."What? Whatever, fuck. You ruined my my dress!" sigaw ni Andrea habang nakatingin sa akin, napayuko na lang ako. Basang basa ang mukha ko dahil sa wine na binuhos niya."Hindi niya nga sinasadya, Andrea. Shut your mouth or you will leave this party?" Nararamdaman ko ang seryosong tono ni sir Cax. Nang mag angat ako ng tingin ay wala siyang emosyon habang nakatingin kay Andrea.Umirap naman si Andrea bago mag walk out. Bigla namang dumating si ma'am Ruby at hinatak ako papunta sa serving area.Tinignan ni ma'am Ruby ang kabuoan ko saka malalim na bumuntong hininga. "Ayos ka lang ba?" tanong niya.Parang gusto kong umiyak ngunit tumango lang ako."Dito ka na lang, hayaan mo na ang ibang maids na umasikaso sa mga tao," aniya.Umilang naman ako. "Kaya ko pa naman po mag trabaho—""Okay lang, Nadia. R

    Last Updated : 2023-07-13

Latest chapter

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 32

    Nadia's Point Of View."Nice to meet you too po sir R-russel," sabi ko at tinanggap ang kaniyang kamay."Erase the sir you can call me just Russel," sagot niya at ngumiti. Tumango naman ako."I heard Cax went on a vacation, that's why I'm here. Gusto ko siyang guluhin," natatawa niyang sabi."Kaibigan ka po ba ni sir Cax?" tanong ko."Yes, he's my cousin," sagot niya at muling binalik ang kaniyang shades. "Madalas lang na mainit ang ulo niya sa akin dahil hindi niya matnaggap na mas gwapo ako kaysa sa kaniya," dagdag niya at hindi ko mapigilang matawa."Dapat lang palang uminit ang ulo niya," sabi ko at mahinang tumawa dahilan para mawala ang ngisi niya."Malabo rin siguro ang mata mo kagaya niya kaya hindi niya makitang mas gwapo ako kaysa sa kaniya," bagot niyang sabi. "Osige, mauuna na ako. See you around, Nadia."Tumango ako at hinayaan siyang umalis sa aking harapan, nang mawala siya ay saka ako nag patuloy na mag lakad palabas. Kalmado na ang aking pag lalakad, at hindi na rin a

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 31

    Nadia's Point Of View."Why didn't you tell me that you don't know how to swim?!" galit na sigaw ni sir Cax at nanatiling nakayuko ang ulo ko dahil sa kahihiyan.Hindi ako makapaniwalang muntik na akong mamatay kanina! Paano na si Niel kung namatay nga talaga ako?!"Muntik ka ng mamatay, Nadia!" patuloy na sigaw ni sir Cax. Ngayon ko pa lang siya nakitang galit at parang ayokong tignan ang mukha niya dahil natatakot ako."Daddy! You're the one who carried her and put her in the water! It's also your fault!" seryosong sigaw ni Vivy at pumagitna pa sa amin, nakaupo ako sa hindi ko alam kung kaninong kama at nakatayo sa harapan ko si sir Cax habang ako ay nakayuko. "You should apologize!" masungit na dagdag ni Vivy na na-iimagine ko na ang mukha niya kapag nag susungit."I know, Vivy. But she could have told me right away that she can't swim," kalmado ng sabi ni sir Cax.Malakas akong bumuntong hininga bago dahan dahang nag taas ng ulo, tumikhim ako at nag salita. "P-pasensya na po, sir,

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 30

    Nadia's Point Of View.Kinabukasan ay mabilis kaming niyaya na kumain ng almusal sa dalampasigan. At parang gusto ko na lang mag kulong dito sa kwarto namin ni Jala dahil sa mga nasabi ko kay sir Cax kagabi.Bakit ko nga ba nasabi iyon? Dahil ba sa nararamdaman ko para sa kaniya at sa mag kaiba naming estado sa buhay?"Nadia, ayos ka lang ba?"Napatingin ako kay Karen dahil sa kaniyang binulong. "Kanina ka pa nakatingin sa plato mo, wala ka bang balak kumain?" dagdag niya.Tumikhim ako bago pilit na ngumiti sa kaniya. "Puyat lang ako," sagot ko at kinuha na ang tinidor at kutsra, bago mag umpisang kumain.Wala namang imik sa gilid ko si Jala na tahimik lang kumakain."Consider this as your rest day so just rest and enjoy this vacation," narinig kong sabi ni sir Cax at nag pasalamat naman sila Karen habang ako ay pinag patuloy ang pag kain at hindi siya tinignan.Nahihiya ako, saan ba ako nakahanap ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya iyon? Naiinis tuloy ako sa sarili ko tuloy. Naka

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 29

    Nadia's Point Of ViewMabilis ang pag hinga ko habang nag lalakad pabalik ng hotel, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Madali niya lang sabihin 'yon dahil siya ay mayroong pera at kapangyarihan! Madali lang para sa kaniya na gawin ang gusto niya dahil siya ay mayaman. Labis na pang gagalaiti ang aking nararamdaman ng bumalik ako sa kwarto namin ni Jala. "Saan ka galing? Bakit nakakunot ang noo mo?" tanong ni Jala ng makita ako at ang tanging naging sagot ko lang ay malakas na pag buntong hininga."May nangyari ba?" tanong niya at tumaas ng bahagya ang kaniyang kilay.Umilang ako at umupo sa aking kama. "Galing ako sa labas," sagot ko at wala na naman akong narinig na salita mula kay Jala, nakita ko siyang humaga sa kaniyang kama at tinalikuran ako.Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa kawalan... Ngayon mas lalo kong napapatunayan sa sarili ko na isang kahibangan ang pag kakaroon ng nararamdaman para kay sir Cax.Isang pag kakamali, isang napakalaking pag kakamali na hi

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 28

    Nadia's Point Of View Ilang beses kong hinawakan ang mukha ko, namumula ba ako? Buti na lang talaga at hindi na nag tanong pa si Vivy, dahil kung hindi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.Hindi ko nga napansin na namumula na ako!"Hoy, anong nangyari sa'yo?" Napatingin ako kay Jala nang lumapit siya sa akin, hawak niya parin ang kanyang camera."Wala naman," sabi ko. "Tara na, sumunod na tayo sa ibang maids."Tinanguan niya lang ako at sabay kaming nag lakad, natatapakan ko ang puting bungain at ang sarap nito sa pakiramdam. Napatingin ako sa asul na karagatan, ang ganda nito sa mata.Ang totoo niyan ay ito ang unang beses na makapunta ako sa dagat, pero nakikita ko naman ang itsura nito sa tv. Hindi nga ako nabigo dahil ang ganda nito ngayong nakikita ko na ito ng personal."Sa hotel daw tayo matutulog," rinig kong sabi ni Jala habang abala parin sa pag kuha ng picture sa paligid. Gusto ko rin sanang gawin ang ginagawa niya pero hindi naman maganda ang quality ng camera

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 27

    Nadia's Point Of View.Umiwas ako ng tingin at mabilis kong narinig ang mahinang pag tawa ni Jala. Lumingon ako sa kanya at inis ko siyang tinignan. Nag tataka naman siyang tumingin sa akin."Bakit?" tanong niya.Inis ko siyang inirapan. Hindi na ako muling tumingin kay sir Cax at wala rin akong balak. Tinignan ko si Vivy at busy lang siya sa kanyang cellphone kaya hindi ko na ginulo.Nag umpisa nang umandar ang van at tahimik lang kami, naririnig ko ang pag uusap ni sir Cax at ng driver na si July. Bakit siya pa ang naging driver namin? Pakiramdam ko ay aasarin na naman niya ako.Tumingin ako kay Jala at nakita ko siyang busy din sa pag cecellphone, halos lahat sila ay nag cecellphone! Napa buntong hininga naman ako bago tumingin sa bintana ng van.Hindi ako pamilyar kung nasaan na kami ngayon pero sa tingin ko ay nasa manila parin kami. Narinig ko na dalawang van ang ginamit, lahat ng iyon ay van ni sir Cax. Ang ibang mga maids ay nasa pangalawang van."Ate Nadia, look at this."Na

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 26

    Nadia's Point Of ViewUmilang ako sa aking sarili at inalis iyon sa aking isipan. Isang kalokohan na hindi ko kayang tumigil sa pag tratrabaho rito dahil lang sa nararamdaman ko para kay sir Cax.Pag katapos kong pakainin si Vivy ay nilinis ko ang kama niya. "Ate Karen is so nice like you," sabi niya habang pinapanood akong ayusin ang kanyang unan. Lumingon naman ako sa kanya at ngumiti."Mabait talaga siya.""Yeah, she told me na wala pa siyang experience sa pag aalaga ng bata, noong una ay nagulat ako kasi hindi halata. Akala ko ay nag bibiro lang siya."Tumawa ako. "Kapag hindi na ako nag tratrabaho rito, pwedeng siya na ang pumalit sa akin sa pag aalaga sa'yo."Halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil hindi siya makapag salita. "Titigil ka sa pag tratrabaho rito?" tanong niya at bakas sa kanyang boses ang gulat at kalungkutan.Napakagat naman ako sa labi dahil sa kakaibang nararamdaman ko."O-oo, siyempre. Saka sigurado ako hindi lang ako ang titigil din sa pag tratrabaho rito,

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 25

    Nadia's Point Of View.Nang huminto ang taxi ay mabilis akong bumaba pag katapos kong mag bayad. Mukhang may mga kasabay akong dadalaw din kaya sumabay ako sa kanila. Sa dami ng mga taong dadalaw din ay kailangan pa naming pumili, habang nasa pila pa lamang ako ay nararamdaman ko na ang panginginig ng kamay ko.Hindi tulad ng mga ibang nakapila, napansin ko na ang iba sa kanila ay may dalang mga pag kain mayroon din namang wala katulad ko. Sa susunod na dadalawin ko si papa ay mag dadala na ako ng pag kain. Hindi ko na kasi naisip mag dala dahil ang nasa isip ko lang ang makita siya.Maraming nag lalarong mga tanong sa isip ko, katulad ng paano kung hindi niya na ako kilala? Bata pa lang ako noong huli niya akong nakita. Lumipas ang ilang oras ay ako na ang kasunod na papasok."Anong pangalan ng dadalawin mo?" tanong ng isang lalaki sa akin."Nero Helquino," sabi ko at tinignan naman ako ng lalaki na parang gulat siya. Bakit?"Anak ka ba niya? Ikaw pa lang ang unang dumalaw sa kanya

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 24

    Nadia's Point Of ViewNapasinghap ako ng marinig ang boses ni sir Cax. Muntikan ko pang mabitawan ang cellphone, akala ko na nanaginip lang ako pero narinig ko siyang tumawa."Hey, it's me." Tumawa siya.Siya nga talaga 'to!"S-sir Cax, paano mo po nalaman ang number ko?" tanong ko, hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil halo-halo ito. No hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko sa isang salita. "Kay Jala, he gave your number to me.""Ah bakit po kayo napatawag?" tanong ko. Napapikit ako dahil na alala ko ang pag halik niya sa pisngi ko, mas lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba.Ano ba 'tong nangyayari sa akin?"I just want to ask how are you, sinabi sa akin ni ma'am Ruby ang nangyari. Kamusta ka and your brother?" Napagakat ako ng labi sa tono ng boses niya, nag aalala ba siya?"Yung kapatid ko kailangan pang mag pahinga. Marami kasi siyang itamong sugat sa aksidente.""What accident?"Napalunok ako."Yung tricycle po kasi na sinasakyan niya, binangga ng tricycle. Buti nga po mga su

DMCA.com Protection Status