Nadia's Point Of View.
"Kinakabahan ako, Nadia." rinig kong sabi ni Jala. Nakatingin lang ako sa bintana habang sinasagot siya. Nakikita ko ang mga sasakyan, puro sasakyan ang mga nakikita ko. Malayo na kami sa aming bayan, malayo na kami kay Niel, Vanessa, Janice pati na rin sa iba."Ako rin naman, malay mo masama ugali ng amo natin?Uuwi talaga ako," ani ko. Ayoko ng gano'n. Baka makapagsalita pa ako ng masama."Hindi 'yan! Balita ko gwapo ang amo natin." Ito talagang si Jala mahilig sa gwapo ako, mahilig sa lalaki."Hindi naman lahat ng gwapo ay mababait ang ugali." Pangangatwiran ko, nilingon ko siya at nakasimangot na siya ngayon. Bakit? Masyado ba akong judgmental?"Gusto mo ba talagang mag trabaho? At kumita? Kung ayaw mo uuwi tayo," sabi niya agad naman akong umilang. Siyempre gusto ko. "Gusto syempre. Sayang 30 thousands," Mabilis kong sabi. Hindi naman 'to para sa akin, para kay Niel 'tong mga ginagawa ko.Para tuloy akong magulang na mawawalay sa kanyang anak, sabagay simula ng mawala ang mga magulang namin ako na nag tumayong magulang niya.Pero kapalit no'n marami akong sinakripisyo."Sana maging ligtas tayo ro'n. Kahit malayo tayo sa mga mahal natin sa buhay," ani ko bigla. Sana rjn maging ligtas si Niel kahit wala ako."Magiging ligtas tayo!" siguradong sabi niya. "Kahit baliko ako kaya kong manapak at manabunot kapag may nanakit saiyo." tumawa siya kaya natawa na rin ako."Kaya natin 'to," sabi ko.Muli akong tumingin sa bintana,"Ito pala ang manila," bulong ko, dahil puro building na ang aking nakikita. Ito lang ang alam ko sa manila, puro buildings. Matataas, mabababa ang mga building na nakita ko. Siguro kung nakabukas ang binata naamoy ko ang mga usok galing sa mga sasakyan. Ilang oras din ang biyahe, si Jala ay natuloy samantalang ako ay hindi makatulog sa hindi ko malamang dahilan. Ilang oras din ang biyahe tulad ng sabi bago nakarating sa pupuntahan. Hininto kami ng taxi driver sa isang malaking gate."Wow. . ." bulong ni Jala ng makita ang puting gate. Ito na ba 'yon? Ang sabi sa amin ng mama ni Vanessa kapag nandoon na kami may kakausap sa amin na babae at sabihin daw namin na kami ang pinadala niya."Tara na, mamaya ka na mamangha 'yon yata 'yong babaeng susundo sa atin," sabi ko at mabilis naman siyang sumunod sa akin, na ninibago parin ako sa paligid kanina kasi puro tunog ng mga sasakyan ko pero pag karating namin dito wala na kaming naririnig.Nasa exclusive subdivision kasi kami. Ito ang sinabi ng nag hatid sa amin. Minsan ko na rin pinangarap na makatira sa isang subdivision noong nag aaral ako."Hello po, kami po ang pinadala ni Mrs. Delius," sabi ko sa babae, naka suot siya ng itim na bistida. Habang nasa likod ko lang si Jala. Lumapit sa amin ang babae. May katangkaran ito. At nakasuot nang kanyanh uniform. "Pangalan?" tanong nito."Nadia Zariyah Helquino." Pakilala ko sa aking sarili."Jack Larvin Geol." Pakilala naman ni Jala.Nilista niya sa papel ang mga pangalan namin at kinausap ang guard, pagkatapos ay bumukas ang gate napa atras pa ako sa gulat gano'n din ang naging reaskyon ni Jala.Naunang pumasok ang babaeng hindi man lang sinabi ang pangalan. O hindi man lang nag pakilala sa amin."Sumunod kayo sa akin," aniya.Agad naman kaming sumunod sakanya naka sabit sa likod ko ang isang bag habang ang dalawang kamay ko na may ay may hawak din na bag. Pag kapasok pa lang namin ay ramdam ko na yayamanin talaga ang may ari nito.Puro puno ang paligid, isang daan lang ang nilalakaran namin kaya hindi kami maliligaw. Ilang minuto rin kami nag lakad bago ko tuluyang nasilayan ang isang mansiyon. Napaawang ang labi ko sa gulat ng makita kung gaano ito kalaki.Isang malaking puting mansiyon. Ang ganda ng pagkadisenyo ng mansiyon na sa sobrang pag ka gulat na hihirapan na akong i explain ang nakikita ko.Diyan ako mag tra-trabaho?! Nalulula ako at na nakakaexcite din dahil sa ganda ng Mansiyon na pag tratrabahuan namin. Sana ay mababait ang mga tao sa loob."Shit. . ." dinig kong sabi ni Jala mukhang gulat din sa nakita. Kahit naman ako, pero hindi ko naman naisip na ganito kalaki ito lalo na sa malapitan. Parang nakakahiyang hawakan o makihalubilo sa mayayamang tao kapag ikaw ay mahirap. Nararamdaman ko kasing mababa ang tingin ng mga mayayaman sa mahihirap.Ang judgmental ko talaga.Para na akong mahihimatay ng tuluyang pumasok ang babae at sinenyasan kaming sumunod dahil tangang nakatayo lang kaming dalawa dito.Nagulat parin kami na ganito pala kayaman ang pag tratrabahuan namin. Paano kapag nakasira kami ng mamahaling bagay diyan? Baka ikaltas sa sahod namin o kaya naman tanggalin sa trabaho ang mas malala pang pwedeng mangyari sa amin kapag nakasira kami ng gamit ay baka ipakulong kami. Sana hindi mangyari 'yon.Nag dadalawang isip pa ako kung susunod pero hinatak ko na si Jala at sumunod na, hindi ko alam kung iiwan ko ang sandals ko sa labas o hindi at dahil hindi na ako nakapag isip na itapak ko na ang sandals ko.INawala sa sandals ko ang aking atensyon ng nakapasok na kami, nanlaki at napaawang ang labi ko sa mga nakikita. Kumikinang lahat lalo na ang tiles na tinatapakan ko. Napatingin ako sa hangdan dahil may red carmet do'n.Ganyan ba talaga kapag mayaman?Nilibot ko pa ang aking paningin habang sumusunod parin sa babae, hindi ako makahinga ng maayos dahil natatakot ako na baka may masagi akong vase, mamahalin pa naman baka mapaalis agad ako dito.Nag tataka ako dahil wala pa rin ako nakikitang tao simula ng makapasok kami sa loob ng mansion. Nasaan ang mga katulong?Nasaan ang may ari ng bahay na 'to? May pamilya na ba siya?"Dito ang inyong pahingahan at matutuluyan habang nag tratrabaho kayo dito." Binuksan niya ang isang pinto at sinenyasan muli kaming pumasok agad naman kaming sumunod. May nakita akong dalawang kama. May kalakihan din ang kwarto dahil nandito sa loob ang bathroom."Papadalhan kayo ng inyong makakakain mamaya. Mag ayos muna kayo ng mga gamit niyo dahil bukas pa naman mag sisimula ang inyong trabaho," aniya at akmang aalis ng tawagin ko siya, si Jala ay nag aayos na ng gamit kaya hindi kami napansin."Bakit? May iba ka pa bang kailangan?" Umilang ako."Ano pa lang pangalan mo?" tanong ko, natigilan naman siya bago sagutin."Jasmine, Jasmine ang aking pangalan." pag katapos niya akong sagutin ay umalis na siya, siya na rin ang nag sarado ng pinto. Bumuntong hininga ako bago nilibot ang tingin sa kwarto.Ang isang kama ay nasa kaliwa, na siyang matutulugan ni Jala dahil ang lalagay na siya doon ng unan at kumot. Kaya sa may isang kama ako pumunta at naupo ro'n.Malambot ang kama na hindi ko naramdaman no'ng nasa bahay pa ako. Tumingin ako kay Jala ng mag salita siya,"Parang hotel 'no? Kahit dito na lang ako tumira ayos lang," sabi niya. "Pero basta may pag kain.""Trabaho ang ipinunta natin dito Jala, saka normal lang naman na ganito kagaganda ang mga kwarto dito. Billionaire ang may ari eh." Pag papaalala ko sakanya. "Saka dapat mag ingat din tayo sa pag gamit ng kwartong ito, halatang mahal ang mga gamit kapag nakasira tayo baka ikaltas pa sa sahod natin."Tumawa siya kapag nilalabas ang mga gamit sa dala niyang itim na backpack."Chill ka lang Nadia, 'wag kang mag paka stress. Mag ayos muna tayo bukas pa naman mag sisimula ang trabaho natin at na eexcite na rin akong makita ang amo natin."Pag aayos ng gamit ang ginawa namin hanggang sa gumabi, may sari-sarili riin kaming mga cabinet na lagayan ng damit. Hindi naman gano'n kalaki ang cabinet pero nag kasya naman lahat ng damit ko sa loob. Napalingon ako sa pinto ng may kumatok doon, ako na ang nag kusang mag bukas dahil natutulog si Jala, napagod sa pag aayos.Dahan dahan at maingat kong binuksan ang pinto, natatakot ako na baka maling galaw ko lang masira ko itong pinto. Hindi ko alam kung mag kano ang halaga nito."Ano 'yon?" tanong ko sa isang babae, ngumiti siya sa akin."Ako po si Ethel, ito po ang pag kain niyo." Napatingin ako sa hawak niyang cart may kinuha siya roon at inabot sa akin ang dalawang plato, agad kong kinuha 'yon pati na rin ang mga inumin. At agad pinasok sa kwarto, nilagay ko ang pag kain sa lamesa."Salamat, ako nga pala si Nadia." Pakilala ko sa sarili. Napansin kong naka suot siya ng apron, sa tingin ko ay mas matanda ako sakanya ng dalawang taon. Maliit lang siya at kulot ang buhok, hindi din siya gaanong maputi pero hindi din naman siya maitim, sakto lang.Muli siyang ngumiti."Welcome po, sana ma enjoy niyo ang pag kain. Nagagalak din po akong makatrabaho kayo," ani niya ng nakangiti. Tumango siya sa akin bilang paalam bago muling tinulak ang cart at kumatok sa katabi naming kwarto. Sinara ko na ang pinto ng maka alis na siya.Mukhang mababait naman pala ang mga tao rito.Nag lakad ako papalapit sa higaan ni Jala at mahinang tinapik ang kanyang balikat para gisingin, isang beses ko pa siyang tinapik at tinawag bago siya tuluyang magising."Kakain na," sabi ko sa kanya. Tumango siya at tumayo na, nag hikab pa siya bago lumapit sa lamesa at nag hila ng upuan, sumunod naman ako at umupo na rin sa upuan."Wow anong klasing ulam to?" tanong niya habang naka tingin sa plato."Hindi ko alam, hindi ko na natanong eh, ganyan ata pag kain ng mayayaman," ani ko at nag simula ng kumain, tinikman ko ang isda ta ninamnam ito. Masarap naman ang lasa kahit hindi ko alam kung anong isda ito. Ang kanin, mansanas lang ang alam kong putahi sa aking plato."Hahaha anong isda kaya ito? Sa bayan natin ang mga isa ro'n ay bangus, tilapya. Ang mamahal pa," sabi ni Jala habang magandang kumakain. "Tignan mo nga ang kutsara at tinidor? Ginto ang kulay! Ako nga eh nag kakamay lang kapag kumakain," dagdag niya.Natawa naman ako."Para tayong mga ignorante rito," Tawa ko.Pinakita niya bigla ang dalawang baso, ang isa ay tubig ang laman habang ang isa naman ay orange juice."Tignan mo, dalawang klaseng inumin pa ang iinumin natin." Tumawa ako bago nag patuloy sa pag kain ng matapos ay may kumatok sa aming pinto at si Jala ang nag bukas si Ethel 'yon, kinukuha na ang mga plato at baso pati narin ang kutsara at tinidor.Nag volunteer akong ako na lang mag hugas pero tinanggihan niya ako, 'yon daw ay trabaho niya."Nagustuhan niyo ba ang pag kain?" tanong ni Ethel. Si Jala ang sumagot."Oo sis ang sarap sarap, ngayon lang ako nakatikim ng gano'n," sabi ni Jala, natawa naman si Ethel sa kakulitan ni Jala."Mabuti naman kung gano'n, ano pala ang pangalan mo?" mukhang ramdam na agad ni Ethel na bakla si Jala. Halatang halata naman sa kilos at pananalita ni Jala."Jala, may mairereto ka ba diyan?" Natatawang sabi ni Jala pero agad din niyang binawi. "Nagbibiro lang.""Hahaha pala biro ka pala Jala, ako nga pala si Ethel." Tumingin siya sa amin. "Nagagalak akong makilala kayo, matutuwa din akong makatrabaho kayo." Muli siyang ngumiti bago nag paalam."Gusto ko 'yong uniform ni Ethel, pink ang kulay," ani ni Jala pag kasara ng pinto. Tumawa ako."Pwede mo naman hiramin,kung payagan ka," sabi ko. Humikab ako kaya pumunta na ako sa kama at nahiga."Matulog na tayo, may trabaho pa tayo bukas," ani ko, hindi ko naman siya narinig sumagot pero nakita ko siyang nahiga na sa kama.Bago ko matulog ay nag chat ako kay Niel, Vanessa at Janice kung ano ang kalagayan namin ngayon. Hindi naman ako nahirapan i send ang message dahil malakas ang signal dito hindi katulad sa bayan namin na kailangan pang umakyat ng bubong o kaya naman sa bundok para makasagap ng signal, pag katapos no'n ay natulog na ako.Unang araw na ng trabaho ko bukas…Nadia's Point Of View."Nadia, ito ang trabahong gagawin mo," sabi ng mayordonang si ma'am Ruby, pandak siyang babae at mataba. Mukha rin siyang masungit, nakapila kami at nasa likod ko si Jala at ng iba pang bagong katulong. Nakasuot ako ng uniform ng katulong, gano'n din ang iba. Nagagandahan ako sa aming uniform.Sinenyasan niya akong lumapit kaya sumunod ako, kinakabahan ako, Bawat katulong daw kasi ay may naka assign na gagawin at hindi nauubusan ng gagawin dito sa Mansiyon dahil ang laki laki nga nito. Kaya din sila kumuha ng mga dagdag na katulong."Mag didilig ka ng halaman, hinay hinay lang sa pag dilig ha?" Tumango ako sakanya. Pag katapos ay tinuro niya sa akin ang mga lugar na may halaman na kailangan kong diligan. Agad akong binigyan ng isang katulong ng gunting, pandilig at iba pang gamit sa pag hahalalaman. Hindi ako pamilyar sa ibang bagay dahil ngayon ko lang ito nakita.Sinamahan niya pa ako sa garden ng Mansiyon bago ako iwan ilang minuto din bago kami naka punta sa
Nadia's Point Of View."Nadia? gising na Nadia. " Nakaramdam ko ang tumatapik sa balikat ko, isang tapik pa ang naramdaman ko bago ako tuluyang nagising.Nag panic agad ako kaya agad agad kong tinanong kung anong oras na."Relax Nadia, 5:30 AM pa lang, mamayang 9:00 pa ang dating ni Sir. Cax." Nakahinga naman ako ng maluwag. Napahilamos ako ng aking mukha gamit ang palad ko. Magulo din ang buhok ko. Napakamot ako ro'n."May inutos na ba sa ating gawin?" tanong ko, inaantok pa rin ako. Hindi parin siguro sapat ang pag papahinga ko pero hindi na ako pwedeng bumalik muli sa pag tulog.Mukhang dito na mag uumpisa ang totoong trabaho ko.Umilang naman si Jala, bakit parang gising na gising siya?"Wala pa naman, kumatok lang si Ethel kanina sinabing gisingin ka. At saka hindi lamang hindi ang gising ngayon 'no, halos lahat ng katulong busy ngayon. Ang sabi tatawagin na lang tayo kung may iuutos sa atin. Kaya mag handa na tayo."Tumango ako at muling humikab, lalo tuloy akong iaantok dahil s
Nadia's Point Of View.Ang bilis parin ng tibok ng puso ko habang nasa gilid lang kaming mga katulong habang kumakain sina Sir. Cax kasama ang isang babae at dalawang lalaki. Ang dalawang lalaki ay nag uusap at nag tatawanan habang ang babae at si Sir. Cax ay tahimik kang na kumakain.Napatingin ako kay Sir. Cax kung paano niya hiwain ang laman ng baboy bago 'to isubo sa kanyang bibig. Kita ko ang mga ugat sa mga kamay, malalaki rin ang kamay niya hindi tulad sa kamay ko.Nararamdaman ko ang mahahaling aura niya kapag tinitignan ko siya.Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa gawi namin kaya mabilis akong umiwas ng tingin at nag kunwaring tintignan ang aking mga kuko.Nang maramdaman kong bumalik na ang kanyang atensiyon sa pag kain ay muli akong tumingin sakanya, napatingin ako sa kaliwang kamay niya, napaka maskulado nang pangangatawan niya halatang nag e-exercise. Napatingin ako sa mamahalin niyang relo, ginto ito. Mabilis akong umiwas nang tingin dahil baka may makakita pa sa aki
Nadia's Point Of View.Sa mga sumunod na araw ko sa trabaho ay nakaka sabay na ako sa mga gawain at sa buhay dito sa Mansion De Rion. Palagi kaming nag tatawagan ni Niel tuwing gabi, natutuwa naman ako dahil sa pag aaral niya ng mabuti. Nag kukwento din siya ng mga nangyayari sakanya doon, minsan daw ay pumupunta sina Vanessa at Janice sa bahay para kamustahin siya.Nag pasalamat naman ako doon.Sinabi ko din sakanya na kapag may prolema sa bahay ay sabihin niya lang sa akin at gagawan ko ng paraan. Next month pa ang sahod ko at kapag nakuha ko ang pera ay uuwi muna kami ni Jala. Plinano na namin iyon.Ngayon ay araw ng pamimili ng mga kulang dito sa mansiyon. Naeexcite ulit ako dahil makakapunta ulit ako sa supermarket. Pero ngayon ay kasama namin ni Mayordona Ruby si Jela.Tuwang tuwa naman siya nang malaman na kasama siya, naikwento ko kasi sakanya kung ano ang supermarket. Kaya gustong gusto niya makapunta doon."Ito lang po ba sir ang mga bibilhin?" tanong ni Mayordona kay sir Ca
Nadia's Point Of View.“Nadia, bakit namumutla ka diyan?” tanong ni Jala, katabi niya si Karen na nag aalala namang nakatingin sa akin. “Namumutla ka ba kasi kinakabahan ka?”“Kamusta ang interview sa'yo ni sir Cax?” tanong naman ni Karen. “May sinabi ba siya sa'yong hindi maganda?”Umilang naman ako.“Oh wala naman palang sinasabi sa'yong hindi maganda, bakit ka kinakabahan? Wait a minute. Sinaktan ka ba niya ng pisikal?” Napairap naman ako sa mga pinag sasasabi ni Jala.“Wala siyang ibang ginawa sa akin kundi kausapin ako," sabi ko."Eh bakit mukhang kinakabahan ka?" tanong ni Jala.“Bakit bawal bang kabahan? Saka siyempre kakabahan talaga ako, malay mo kapag may sinabi akong hindi maganda. Tanggalan niya pa 'ko ng trabaho, paano na pag aaral ni Niel?” sunod sunod kong sabi.“Ay kinakabahan ka kasi takot kang matanggal sa trabaho? ako kasi kinakabahan kanina baka kasi itanong niya kung single ako at bigla akong mahimatay,” sabi ni Jala.Agad naman silang nag katinginan ni Karen at n
Nadia's Point Of View.Talaga? Tuturuan nila kami? Gulat parin ako, alam kong sinabi ko ang bagay na ito kay sir Cax. Hindi kaya siya ang nag utos nila? Hindi impossible, alam kong lahat ng mga bagong maids ay tinanong niya kung saan ito nahihirapan. "Bakit kaya tayo biglang tuturuan?" bulong ni Jala. Napalingon ako sakanya."Tinanong ba kayo kung saan kayo nahihirapan?" tanong ko at mabilis naman siyang umilang. Tinago ko ang pag kagulat ako aking mukha at muling nakinig sa sinasabi ni ma'am Ruby.Hindi sila tinanong?Pero bakit ako ay tinanong niya? Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari pero alam kong dapat ay hindi ako mag isip ng kung anu-ano. "Sumunod na kayo sa iba pang maids at tuturuan nila kayo."Nang sabihin 'yon ni ma'am Ruby ay dumiretso kaming lahat sa kusina, isa-isa kaming tinuturuan. Si Ethel ang nag tuturo sa akin. Pinagana niya ang oven at nakita kong may lumabas na number doon.Pinaliwanag niya sa akin kung paano iyon gamitin at kung ano lang dapat ang mga ilal
Nadia's Point Of View"Opo sir, salamat."Halos pabulong ko na lang iyong sagot at hindi ko alam kung narinig niya iyon pero pag katapos kong sabihin iyon ay mabilis na akong umalis habang hawak ang dibdib.Wala naman siyang sanabing iba pero nag kakarera ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. Bakit ako nag kakaganito? Natatakot ako sa kanya!Noong gabing iyon ay hindi ako nakatulog dahil sa kanyang sinabi, hindi nga rin ako nakapag pahinga nang maayos dahil iniisip ko parin ang kanyang sinabi.Napaka babaw ko!Pagka gising ko kinabukasan habang nag wawalis ako ng mga dahon ay panay ang hikab ko. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Pakiramdam ko sa tuwing sinasabi niya ang pangalan ko ay nag kakaroon ako ng mini heart attack.At hindi ako natutuwa.Mas maraming dahon ang winawalis ko ngayon kaysa kahapon, grabe. Sa isang gabi lang ay ang dami na agad na dahon na nahulog mula sa mga puno.Pinipigilan kong pumikit ang aking mga mata habang nag wawalis ako, bakit ba
Nadia's Point Of ViewNang tawagin kami ay mas lalo akong kinakabahan. 5:40 na at malapit nang mag umpisa ang party. Hindi ko parin nakikita si sir Cax simula kaninang umaga.Naka sunod lang kaming dalawa ni Jala kay Ethel, natatawa ako dahil naka suot ng black na suit ang mga lalaki. Hindi nga rin natutuwa si Jala dahil ito ang kailangan niyang suotin ngayon. Habang kaming mga babae ay baka suit din na itim. Ngayon lang ako nakasuot ng ganito ngunit comfortable naman akong gumalaw."Okay so alam niyo na kung anong mga gagawin niyo, diba? Gusto kong gawin niyo 'yan habang nakangiti kayo," seryosong sabi ni ma'am Ruby. "Okay, pumunta na kayo sa mga pwesto niyo."At nang sabihin iyon ni ma'am Ruby ay nag katinginan kami ni Karen, basa ko sa mukha niya na kinakabahan siya ngunit nang ngumiti ako ay ngumiti rin siya at tumango. Kahit kinakabahan ay sabay kaming pumunta sa may pintuan ng mansyon, nakasara pa ito. At sinabi sa amin ni ma'am Ruby na kapag nag 6:00 pm na ay bubuksan namin ito
Nadia's Point Of View."Nice to meet you too po sir R-russel," sabi ko at tinanggap ang kaniyang kamay."Erase the sir you can call me just Russel," sagot niya at ngumiti. Tumango naman ako."I heard Cax went on a vacation, that's why I'm here. Gusto ko siyang guluhin," natatawa niyang sabi."Kaibigan ka po ba ni sir Cax?" tanong ko."Yes, he's my cousin," sagot niya at muling binalik ang kaniyang shades. "Madalas lang na mainit ang ulo niya sa akin dahil hindi niya matnaggap na mas gwapo ako kaysa sa kaniya," dagdag niya at hindi ko mapigilang matawa."Dapat lang palang uminit ang ulo niya," sabi ko at mahinang tumawa dahilan para mawala ang ngisi niya."Malabo rin siguro ang mata mo kagaya niya kaya hindi niya makitang mas gwapo ako kaysa sa kaniya," bagot niyang sabi. "Osige, mauuna na ako. See you around, Nadia."Tumango ako at hinayaan siyang umalis sa aking harapan, nang mawala siya ay saka ako nag patuloy na mag lakad palabas. Kalmado na ang aking pag lalakad, at hindi na rin a
Nadia's Point Of View."Why didn't you tell me that you don't know how to swim?!" galit na sigaw ni sir Cax at nanatiling nakayuko ang ulo ko dahil sa kahihiyan.Hindi ako makapaniwalang muntik na akong mamatay kanina! Paano na si Niel kung namatay nga talaga ako?!"Muntik ka ng mamatay, Nadia!" patuloy na sigaw ni sir Cax. Ngayon ko pa lang siya nakitang galit at parang ayokong tignan ang mukha niya dahil natatakot ako."Daddy! You're the one who carried her and put her in the water! It's also your fault!" seryosong sigaw ni Vivy at pumagitna pa sa amin, nakaupo ako sa hindi ko alam kung kaninong kama at nakatayo sa harapan ko si sir Cax habang ako ay nakayuko. "You should apologize!" masungit na dagdag ni Vivy na na-iimagine ko na ang mukha niya kapag nag susungit."I know, Vivy. But she could have told me right away that she can't swim," kalmado ng sabi ni sir Cax.Malakas akong bumuntong hininga bago dahan dahang nag taas ng ulo, tumikhim ako at nag salita. "P-pasensya na po, sir,
Nadia's Point Of View.Kinabukasan ay mabilis kaming niyaya na kumain ng almusal sa dalampasigan. At parang gusto ko na lang mag kulong dito sa kwarto namin ni Jala dahil sa mga nasabi ko kay sir Cax kagabi.Bakit ko nga ba nasabi iyon? Dahil ba sa nararamdaman ko para sa kaniya at sa mag kaiba naming estado sa buhay?"Nadia, ayos ka lang ba?"Napatingin ako kay Karen dahil sa kaniyang binulong. "Kanina ka pa nakatingin sa plato mo, wala ka bang balak kumain?" dagdag niya.Tumikhim ako bago pilit na ngumiti sa kaniya. "Puyat lang ako," sagot ko at kinuha na ang tinidor at kutsra, bago mag umpisang kumain.Wala namang imik sa gilid ko si Jala na tahimik lang kumakain."Consider this as your rest day so just rest and enjoy this vacation," narinig kong sabi ni sir Cax at nag pasalamat naman sila Karen habang ako ay pinag patuloy ang pag kain at hindi siya tinignan.Nahihiya ako, saan ba ako nakahanap ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya iyon? Naiinis tuloy ako sa sarili ko tuloy. Naka
Nadia's Point Of ViewMabilis ang pag hinga ko habang nag lalakad pabalik ng hotel, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Madali niya lang sabihin 'yon dahil siya ay mayroong pera at kapangyarihan! Madali lang para sa kaniya na gawin ang gusto niya dahil siya ay mayaman. Labis na pang gagalaiti ang aking nararamdaman ng bumalik ako sa kwarto namin ni Jala. "Saan ka galing? Bakit nakakunot ang noo mo?" tanong ni Jala ng makita ako at ang tanging naging sagot ko lang ay malakas na pag buntong hininga."May nangyari ba?" tanong niya at tumaas ng bahagya ang kaniyang kilay.Umilang ako at umupo sa aking kama. "Galing ako sa labas," sagot ko at wala na naman akong narinig na salita mula kay Jala, nakita ko siyang humaga sa kaniyang kama at tinalikuran ako.Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa kawalan... Ngayon mas lalo kong napapatunayan sa sarili ko na isang kahibangan ang pag kakaroon ng nararamdaman para kay sir Cax.Isang pag kakamali, isang napakalaking pag kakamali na hi
Nadia's Point Of View Ilang beses kong hinawakan ang mukha ko, namumula ba ako? Buti na lang talaga at hindi na nag tanong pa si Vivy, dahil kung hindi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.Hindi ko nga napansin na namumula na ako!"Hoy, anong nangyari sa'yo?" Napatingin ako kay Jala nang lumapit siya sa akin, hawak niya parin ang kanyang camera."Wala naman," sabi ko. "Tara na, sumunod na tayo sa ibang maids."Tinanguan niya lang ako at sabay kaming nag lakad, natatapakan ko ang puting bungain at ang sarap nito sa pakiramdam. Napatingin ako sa asul na karagatan, ang ganda nito sa mata.Ang totoo niyan ay ito ang unang beses na makapunta ako sa dagat, pero nakikita ko naman ang itsura nito sa tv. Hindi nga ako nabigo dahil ang ganda nito ngayong nakikita ko na ito ng personal."Sa hotel daw tayo matutulog," rinig kong sabi ni Jala habang abala parin sa pag kuha ng picture sa paligid. Gusto ko rin sanang gawin ang ginagawa niya pero hindi naman maganda ang quality ng camera
Nadia's Point Of View.Umiwas ako ng tingin at mabilis kong narinig ang mahinang pag tawa ni Jala. Lumingon ako sa kanya at inis ko siyang tinignan. Nag tataka naman siyang tumingin sa akin."Bakit?" tanong niya.Inis ko siyang inirapan. Hindi na ako muling tumingin kay sir Cax at wala rin akong balak. Tinignan ko si Vivy at busy lang siya sa kanyang cellphone kaya hindi ko na ginulo.Nag umpisa nang umandar ang van at tahimik lang kami, naririnig ko ang pag uusap ni sir Cax at ng driver na si July. Bakit siya pa ang naging driver namin? Pakiramdam ko ay aasarin na naman niya ako.Tumingin ako kay Jala at nakita ko siyang busy din sa pag cecellphone, halos lahat sila ay nag cecellphone! Napa buntong hininga naman ako bago tumingin sa bintana ng van.Hindi ako pamilyar kung nasaan na kami ngayon pero sa tingin ko ay nasa manila parin kami. Narinig ko na dalawang van ang ginamit, lahat ng iyon ay van ni sir Cax. Ang ibang mga maids ay nasa pangalawang van."Ate Nadia, look at this."Na
Nadia's Point Of ViewUmilang ako sa aking sarili at inalis iyon sa aking isipan. Isang kalokohan na hindi ko kayang tumigil sa pag tratrabaho rito dahil lang sa nararamdaman ko para kay sir Cax.Pag katapos kong pakainin si Vivy ay nilinis ko ang kama niya. "Ate Karen is so nice like you," sabi niya habang pinapanood akong ayusin ang kanyang unan. Lumingon naman ako sa kanya at ngumiti."Mabait talaga siya.""Yeah, she told me na wala pa siyang experience sa pag aalaga ng bata, noong una ay nagulat ako kasi hindi halata. Akala ko ay nag bibiro lang siya."Tumawa ako. "Kapag hindi na ako nag tratrabaho rito, pwedeng siya na ang pumalit sa akin sa pag aalaga sa'yo."Halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil hindi siya makapag salita. "Titigil ka sa pag tratrabaho rito?" tanong niya at bakas sa kanyang boses ang gulat at kalungkutan.Napakagat naman ako sa labi dahil sa kakaibang nararamdaman ko."O-oo, siyempre. Saka sigurado ako hindi lang ako ang titigil din sa pag tratrabaho rito,
Nadia's Point Of View.Nang huminto ang taxi ay mabilis akong bumaba pag katapos kong mag bayad. Mukhang may mga kasabay akong dadalaw din kaya sumabay ako sa kanila. Sa dami ng mga taong dadalaw din ay kailangan pa naming pumili, habang nasa pila pa lamang ako ay nararamdaman ko na ang panginginig ng kamay ko.Hindi tulad ng mga ibang nakapila, napansin ko na ang iba sa kanila ay may dalang mga pag kain mayroon din namang wala katulad ko. Sa susunod na dadalawin ko si papa ay mag dadala na ako ng pag kain. Hindi ko na kasi naisip mag dala dahil ang nasa isip ko lang ang makita siya.Maraming nag lalarong mga tanong sa isip ko, katulad ng paano kung hindi niya na ako kilala? Bata pa lang ako noong huli niya akong nakita. Lumipas ang ilang oras ay ako na ang kasunod na papasok."Anong pangalan ng dadalawin mo?" tanong ng isang lalaki sa akin."Nero Helquino," sabi ko at tinignan naman ako ng lalaki na parang gulat siya. Bakit?"Anak ka ba niya? Ikaw pa lang ang unang dumalaw sa kanya
Nadia's Point Of ViewNapasinghap ako ng marinig ang boses ni sir Cax. Muntikan ko pang mabitawan ang cellphone, akala ko na nanaginip lang ako pero narinig ko siyang tumawa."Hey, it's me." Tumawa siya.Siya nga talaga 'to!"S-sir Cax, paano mo po nalaman ang number ko?" tanong ko, hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil halo-halo ito. No hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko sa isang salita. "Kay Jala, he gave your number to me.""Ah bakit po kayo napatawag?" tanong ko. Napapikit ako dahil na alala ko ang pag halik niya sa pisngi ko, mas lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba.Ano ba 'tong nangyayari sa akin?"I just want to ask how are you, sinabi sa akin ni ma'am Ruby ang nangyari. Kamusta ka and your brother?" Napagakat ako ng labi sa tono ng boses niya, nag aalala ba siya?"Yung kapatid ko kailangan pang mag pahinga. Marami kasi siyang itamong sugat sa aksidente.""What accident?"Napalunok ako."Yung tricycle po kasi na sinasakyan niya, binangga ng tricycle. Buti nga po mga su