Share

Chapter 5

Author: GreenRian22
last update Last Updated: 2023-07-11 19:06:16

Nadia's Point Of View.

Ang bilis parin ng tibok ng puso ko habang nasa gilid lang kaming mga katulong habang kumakain sina Sir. Cax kasama ang isang babae at dalawang lalaki. Ang dalawang lalaki ay nag uusap at nag tatawanan habang ang babae at si Sir. Cax ay tahimik kang na kumakain.

Napatingin ako kay Sir. Cax kung paano niya hiwain ang laman ng baboy bago 'to isubo sa kanyang bibig. Kita ko ang mga ugat sa mga kamay, malalaki rin ang kamay niya hindi tulad sa kamay ko.

Nararamdaman ko ang mahahaling aura niya kapag tinitignan ko siya.

Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa gawi namin kaya mabilis akong umiwas ng tingin at nag kunwaring tintignan ang aking mga kuko.

Nang maramdaman kong bumalik na ang kanyang atensiyon sa pag kain ay muli akong tumingin sakanya, napatingin ako sa kaliwang kamay niya, napaka maskulado nang pangangatawan niya halatang nag e-exercise. Napatingin ako sa mamahalin niyang relo, ginto ito. Mabilis akong umiwas nang tingin dahil baka may makakita pa sa aking katulong na nakatingin sa relo ni Sir. Cax, baka pag isipan pa ako ng masama na baka balak ko 'yong nakawin.

Hindi ko alam kung bakit ko 'yon naisip, hindi ko pa naman kilala ang mga tao dito.

Napatingin ako kay Mayordona nang tawagin niya kami, agad kaming lumapit sakanya.

"Limang katulong lang ang maiiwan dito para tumulong kapag may kailangan sina sir. Cax," ani ni Mayordona. "Ikaw Nadia, labahan mo muna ang mga basahan, dumaan ka sa kusina kumuha ka ng brush at sabon at sa labas ka na lang mag laba. May makikita kang mga hanger do'n at may isang puno do'n, doon mo sa puno isasampay ang mga basahan."

Tumango ako at nag paalam sa kanila lumingon pa ako sakanila Karen at Jala nginitian lang nila ako.

Agad akong sumunod sa pinautos sa akin, marami din akong nilabhan, madali na lang para sa akin ang pinapagawa ni Mayordona Ruby dahil dati din akong nag lalaba sa aming bayan.

Kumukuha ako ng mga damit na na suot na at lalabhan ko pag katapos ay babayaran nila ako. Madalas din akong napapa away dahil may ilang mga hindi nag babayad, katulad na lang ni Melanie. Kapag iniisip ko talaga ang babaeng 'yon kumukulo na agad ang dugo ko.

Nag patuloy ako sa pag linis, maraming inutos sa amin si Mayordona Ruby. Pansin ko din na hindi pa rin bumababa si Sir. Cax, ang sabi ng ibang mga katulong nasa kwarto lang daw ito.

"Paakyat nito sa storage room, nasa may third floor ang storage room, hindi ka na rin mahihirapan hanapin 'yon dahil kulay grey ang pinto ng kwartong 'yon. Pwede mo rin gamitin ang elevator kung gusto mo," sabi sa akin ni Mayordona Ruby habang inabot ang dalawang box sa akin. May kabigatan ito pero kaya ko naman.

"Ano po bang laman nito?" tanong ko ng may pag galang, ang mata ko ay nakatutok pa rin sa dalawang kahon. Lumingon sa akin si Mayordona.

"Ang mamahaling plato iyan, galing sa ibang bansa dala ni Sir. Cax kaya paki-ingatan Nadia," aniya at bumalik sa ginagawa, tumango naman ako at nag lakad na.

Gusto ko sanang gumamit ng elevator kaso mas pinili kong gumamit ng hagdan, hindi kasi ako marunong mag elevator kaya baka masira ko pa. Tatlong palapag lang naman ang pupuntahan ko kaya kayang kaya ko 'yon.

Habang humahakbang ako sa mga baitang ng hagdan, ramdam ko talaga ang kamahalan ng tiles at riles ng hagdan. Na alala ko gumawa kami ni Papa ng hagdan namin sa bahay pero gawa lang 'yon sa kahoy, kaya ng bumaha sa bayan namin agad 'yong nasira.

Nang makalampas sa pangalawang palapag agad kong hinanap ang sumunod na palapag, nag lalakad akong muli sa hagdan papunta sa pangatlong palapah, hinihingal na rin ako. Hindi na ako nag karoon ng pag kakataon na tumingin pa kung anong mayroon sa pangalawang palapag dahil may kailangan pa akong gawin sa pangatlong palapag.

Nang makarating sa pangatlong palapag, hindi na ako nag taka na tiles ang tinatapakan ko. Wala yata akong matatapakang lupa o semento kapag nandito ako sa Mansion De Rion.

Nag lakad lakad ako at hinanap ang kulay grey na pinto dahil ang dami kong kwartong nakikita, hanggang sa mapahihto ako sa tapat ng isang puting pintuan dahil sa hindi ko malamang dahilan. Gagamitin ko sana ang isang kong kamay para hawakan ang pinto pero biglang itong bumukas kaya napa atras ako sa gulat. Muntikan pang mahulog ang mga kahon na lalong nag pa kaba sa akin, umayos ako ng tayo habang nanginginig na binabalik ang mga kahon sa pag hawak ko.

"What are you doing here? And who are you?"

Napalunok ako sa narinig at sa lalim at lamig ng boses na 'yon, agad akong nag angat ng tingin at halos lumuwa ang mata ko ng makitang nakatingin sa akin si Sir. Cax.

"Sir, b-bago po akong katulong—" hindi ko na natapos ang sasabihin ng inunahan niya ako.

"Yeah, I know that." Natahimik ako sa lamig ng boses niya. Lalo akong kinabahan at halos hindi na makagalaw. Tinignan niya ako sa mga mata. "What's your name, woman?"

Hinanap ko ang boses ko bago muling nag salita.

"A-ako si Nadia," sagot ko sa tanong niya.

"What are—"

"Bro Cax, sinong kausap mo?" Naputol ang dapat sanay sasabihin ni Sir. Cax ng lumabas ang isang lalaking may katangkaran, agad din may isa pang lalaking lumabas galing sa puting pintuan na tinitignan ko kanina. Ang dalawang lalaking 'yon ay ang kasaman ni Sir. Cax sa pag kain kaninang umaga.

"Who's this beautiful Lady?" tanong ng naunang lalaking lumabas, amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango, may accent din siya. "A new maid?" tanong ng pangalawang lalaking lumabas, naka itim na t-shirt. Tumango naman si Sir Cax.

At dahil hindi sinagot ni Sir. Cax ang kaibigan niya kusang lumapit ang unang lalaking lumabas sa puting pintuan. "What's your name miss?"

"N-nadia po Sir," ani ko sa maliit na boses, kinakabahan.

"Nadia? What a beautiful name, I'm Clark. And that guy wearing black t-shirt is Jion." Nakangiti niyang sabi. Tinanungan naman ako ng lalaking sinasabi niyang si Sir Jion, habang si Sir. Cax naman ay walang emosyong nakatingin lang.

"Saan ka pupunta?" biglang tanong ni Sir. Cax kaya bahagya akong napaiktad, narinig ko ang tawa ni Sir Jion.

"Ilalagay ko po itong mga kahon sa storage room, 'yon po ang inutos sa akin ni Mayordona Ruby." magalang na sabi ko.

"At hindi mo alam kung nasaan ng storage room?" tanong ni Sir Clark at napatango na lang ako. Bigla niyang tinuro ang dulo ng pasilyo, natanaw ko mula dito ang isang grey na pinto. "That's the storage room."

"Thank you," sabi ko sakanya, ngumiti lang siya sa akin. "Mauna na po ako," ani ko sakanila, tumingin din ako kay Sir. Cax pero wala naman itong naging reaksyon kaya mabilis akong nag lakad papunta sa storage room.

Dahan dahan ko munang binuksan ang pinto gamit ang susi na binigay sa akin ni Mayordona, pag katapos ay pumasok na ako. Kinapa ko ang ilaw sa gilid na agad ko na mang nakapa kaya mabilis na bumukas ang ilaw, tumambad sa akin ang mga gamit na nakabalot sa puting plastic, may nakita pa akong isang Reff na nakatiwangwang lang doon at hindi nagagalaw. Muli kong itinuon ang atensyon sa pag lalagay ng mga kahon, kumuha ako ng isang plastic at pinatungan ito pag katapos ay pinatay ko na ang ilay at sinarado ang pinto, ni-lock ko na rin ito. Wala man lang akong nakitang alikabok.

Nang muli kong tignan ang pwesto kung saan nakita ko si Sir Cax at ang mga kasama niya ay wala na sila. Nakahinga naman ako ng maluwag, ibang kaba kasi ang nararamdaman ko tuwing nasa paligid ang aking amo.

Kaba na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko.

Dere-deretso akong nag lakad hanggang sa makalagpas ako sa pwestong iyon. Hindi ko na din ito nilingon pa. Itatapak ko na sana ang isang paa ko sa baitang ng may marinig akong nag salita sa likod ko.

"Why do you use stairs?" Napahawak ako sa railings at nilingon si Sir Cax.

Nakatingin siya sa akin habang ang dalawang kamay niya ay nasa loob ng bulsa niya. Nasan may taas siya habang ako ay nakatingin sakanya habang nakahawak sa railings ng hagdan.

"H-hindi po kasi ako m-marunong gumamit ng elevator." Napalunok ako ng hindi niya inalis ang tingin sa akin.

Hinintay ko pa siya mag salita at ng masiguradong wala na siyang sasabihin ay muli akong nag salita.

"Mauna na po ako. Magandang hapon." magalang kong pag paalam at mabilis ng tumalikod at pinagpatuloy ang pag hakbang sa baiting at hindi na nilingon pa ang aking amo.

Tuluyan na akong nakahinga ng maayos ng makabalik ako sa unang palapag, parang hinihigop ang aking hininga kanina.

Binigyan kami ng pahinga ni Mayordona Ruby at babalik sa trabaho kapag 5:30 na. Nandito kami ni Jala sa may Maids Room. Marami kaming mga maids dito, ang iba ay nag kukuwentuhan, ang iba ay nag lalagay ng make up sa mukha.

"Ano sa tingin mo masukit ang ating amo? Nakausap mo siya ng harap harap diba." tanong ni Karen sa akin sa mahinang boses dahil kinuwento ko sakanila ni Jala ang nangyari kanina. Tumingin ako sa paligid takot na baka may makarinig sa sagot ko. May kalayuan naman sa amin ang ibang mga maid habang kami ay nakaupo sa mono block na nakapabilog.

"Oo?" pa tanong kong sagot. Hindi ko alam kung tama ba ako. "Pero ang sabi ni Mayordona Ruby strict daw si Sir." dagdag ko.

Bigla namang napahagikgik si Jala, parang kinikilig.

"Kung ako 'yon baka ma inspire ako mag trabaho, malayo pa lang ang gwapo niya na. Paano kayang malapitan na?" Natatawa niyang sabi.

Nagkatinginan naman kami ni Karen at sabay na lang na natawa.

"Eh 'yong mga kaibigan niya? Ano palang pangalan? Inutusan ako ng isa doon eh." tanong naman ni Karen bigla, tumigil na din siya sa pag tawa.

Tumingin ako sakanya. "Sino roon? Si Sir Clark o si Sir Jion?"

"Naka itim na T-shirt."

"Ah, si Sir Jion iyon," sagot ko, tumango tango naman si Karen. Bigla namang napangisi si Jala.

"May gusto ka ata kay Sir Jion, Karen." Natatawang pang aasar ni Jala. Bigla namang namula si Karen at sunod sunod na umilang.

"Tulad niyo trabaho lang din ang pinunta ko dito. . ." aniya.

Related chapters

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 6

    Nadia's Point Of View.Sa mga sumunod na araw ko sa trabaho ay nakaka sabay na ako sa mga gawain at sa buhay dito sa Mansion De Rion. Palagi kaming nag tatawagan ni Niel tuwing gabi, natutuwa naman ako dahil sa pag aaral niya ng mabuti. Nag kukwento din siya ng mga nangyayari sakanya doon, minsan daw ay pumupunta sina Vanessa at Janice sa bahay para kamustahin siya.Nag pasalamat naman ako doon.Sinabi ko din sakanya na kapag may prolema sa bahay ay sabihin niya lang sa akin at gagawan ko ng paraan. Next month pa ang sahod ko at kapag nakuha ko ang pera ay uuwi muna kami ni Jala. Plinano na namin iyon.Ngayon ay araw ng pamimili ng mga kulang dito sa mansiyon. Naeexcite ulit ako dahil makakapunta ulit ako sa supermarket. Pero ngayon ay kasama namin ni Mayordona Ruby si Jela.Tuwang tuwa naman siya nang malaman na kasama siya, naikwento ko kasi sakanya kung ano ang supermarket. Kaya gustong gusto niya makapunta doon."Ito lang po ba sir ang mga bibilhin?" tanong ni Mayordona kay sir Ca

    Last Updated : 2023-07-11
  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 7

    Nadia's Point Of View.“Nadia, bakit namumutla ka diyan?” tanong ni Jala, katabi niya si Karen na nag aalala namang nakatingin sa akin. “Namumutla ka ba kasi kinakabahan ka?”“Kamusta ang interview sa'yo ni sir Cax?” tanong naman ni Karen. “May sinabi ba siya sa'yong hindi maganda?”Umilang naman ako.“Oh wala naman palang sinasabi sa'yong hindi maganda, bakit ka kinakabahan? Wait a minute. Sinaktan ka ba niya ng pisikal?” Napairap naman ako sa mga pinag sasasabi ni Jala.“Wala siyang ibang ginawa sa akin kundi kausapin ako," sabi ko."Eh bakit mukhang kinakabahan ka?" tanong ni Jala.“Bakit bawal bang kabahan? Saka siyempre kakabahan talaga ako, malay mo kapag may sinabi akong hindi maganda. Tanggalan niya pa 'ko ng trabaho, paano na pag aaral ni Niel?” sunod sunod kong sabi.“Ay kinakabahan ka kasi takot kang matanggal sa trabaho? ako kasi kinakabahan kanina baka kasi itanong niya kung single ako at bigla akong mahimatay,” sabi ni Jala.Agad naman silang nag katinginan ni Karen at n

    Last Updated : 2023-07-13
  • Cannot Afford That Expensive Love   Chaper 8

    Nadia's Point Of View.Talaga? Tuturuan nila kami? Gulat parin ako, alam kong sinabi ko ang bagay na ito kay sir Cax. Hindi kaya siya ang nag utos nila? Hindi impossible, alam kong lahat ng mga bagong maids ay tinanong niya kung saan ito nahihirapan. "Bakit kaya tayo biglang tuturuan?" bulong ni Jala. Napalingon ako sakanya."Tinanong ba kayo kung saan kayo nahihirapan?" tanong ko at mabilis naman siyang umilang. Tinago ko ang pag kagulat ako aking mukha at muling nakinig sa sinasabi ni ma'am Ruby.Hindi sila tinanong?Pero bakit ako ay tinanong niya? Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari pero alam kong dapat ay hindi ako mag isip ng kung anu-ano. "Sumunod na kayo sa iba pang maids at tuturuan nila kayo."Nang sabihin 'yon ni ma'am Ruby ay dumiretso kaming lahat sa kusina, isa-isa kaming tinuturuan. Si Ethel ang nag tuturo sa akin. Pinagana niya ang oven at nakita kong may lumabas na number doon.Pinaliwanag niya sa akin kung paano iyon gamitin at kung ano lang dapat ang mga ilal

    Last Updated : 2023-07-13
  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 9

    Nadia's Point Of View"Opo sir, salamat."Halos pabulong ko na lang iyong sagot at hindi ko alam kung narinig niya iyon pero pag katapos kong sabihin iyon ay mabilis na akong umalis habang hawak ang dibdib.Wala naman siyang sanabing iba pero nag kakarera ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. Bakit ako nag kakaganito? Natatakot ako sa kanya!Noong gabing iyon ay hindi ako nakatulog dahil sa kanyang sinabi, hindi nga rin ako nakapag pahinga nang maayos dahil iniisip ko parin ang kanyang sinabi.Napaka babaw ko!Pagka gising ko kinabukasan habang nag wawalis ako ng mga dahon ay panay ang hikab ko. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Pakiramdam ko sa tuwing sinasabi niya ang pangalan ko ay nag kakaroon ako ng mini heart attack.At hindi ako natutuwa.Mas maraming dahon ang winawalis ko ngayon kaysa kahapon, grabe. Sa isang gabi lang ay ang dami na agad na dahon na nahulog mula sa mga puno.Pinipigilan kong pumikit ang aking mga mata habang nag wawalis ako, bakit ba

    Last Updated : 2023-07-13
  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 10

    Nadia's Point Of ViewNang tawagin kami ay mas lalo akong kinakabahan. 5:40 na at malapit nang mag umpisa ang party. Hindi ko parin nakikita si sir Cax simula kaninang umaga.Naka sunod lang kaming dalawa ni Jala kay Ethel, natatawa ako dahil naka suot ng black na suit ang mga lalaki. Hindi nga rin natutuwa si Jala dahil ito ang kailangan niyang suotin ngayon. Habang kaming mga babae ay baka suit din na itim. Ngayon lang ako nakasuot ng ganito ngunit comfortable naman akong gumalaw."Okay so alam niyo na kung anong mga gagawin niyo, diba? Gusto kong gawin niyo 'yan habang nakangiti kayo," seryosong sabi ni ma'am Ruby. "Okay, pumunta na kayo sa mga pwesto niyo."At nang sabihin iyon ni ma'am Ruby ay nag katinginan kami ni Karen, basa ko sa mukha niya na kinakabahan siya ngunit nang ngumiti ako ay ngumiti rin siya at tumango. Kahit kinakabahan ay sabay kaming pumunta sa may pintuan ng mansyon, nakasara pa ito. At sinabi sa amin ni ma'am Ruby na kapag nag 6:00 pm na ay bubuksan namin ito

    Last Updated : 2023-07-13
  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 11

    Nadia's Point Of View."Don't ever hurt my maid, Andrea." Dagdag ni sir Cax. Napakagat ako sa labi dahil sa labis na hiya, biglang nawala ang music at lahat ng tao ay nasa akin ang atensyon."What? Whatever, fuck. You ruined my my dress!" sigaw ni Andrea habang nakatingin sa akin, napayuko na lang ako. Basang basa ang mukha ko dahil sa wine na binuhos niya."Hindi niya nga sinasadya, Andrea. Shut your mouth or you will leave this party?" Nararamdaman ko ang seryosong tono ni sir Cax. Nang mag angat ako ng tingin ay wala siyang emosyon habang nakatingin kay Andrea.Umirap naman si Andrea bago mag walk out. Bigla namang dumating si ma'am Ruby at hinatak ako papunta sa serving area.Tinignan ni ma'am Ruby ang kabuoan ko saka malalim na bumuntong hininga. "Ayos ka lang ba?" tanong niya.Parang gusto kong umiyak ngunit tumango lang ako."Dito ka na lang, hayaan mo na ang ibang maids na umasikaso sa mga tao," aniya.Umilang naman ako. "Kaya ko pa naman po mag trabaho—""Okay lang, Nadia. R

    Last Updated : 2023-07-13
  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 12

    Nadia's Point Of View."Ano po?" Gulat kong tanong. "Sir, wala akong alam sa mga bagay sa opisina," dagdag ko.Tumawa naman siya kaya napakurap ako. Bakit palagi na lang siyang tumatawa? Nagugulat na ako sa mga ginagawa niya."Hindi naman mahirap ang mga gagawin mo," aniya.Umilang parin ako. "Hindi ko yata kaya 'yan sir Cax. Kontento na ako sa pag lilinis sa mansyon mo."Bigla namang sumeryoso ang mukha ni sir Cax. "May dagdag na sahod kapag naging secretary kita. 20 thousands. So you will receive 50 thousands kapag araw na ng sahod."Nanlaki ang mga mata ko. Ang laking halaga noon! At sigurado akong malaking tulong 'yon para sa pag aaral ni Niel. "Pero sir, kung tatanggapin ko 'yang alok mo. Baka hindi ko magawa ng maayos ang mga pinapagawa mo. Hindi ako college graduate sir, baka nakakalimutan mo.""That's why hindi mabibigat na trabaho ang ibibigay ko sa'yo," sabi niya. "Kinausap ko si ma'am Ruby kung ma rerecommend siyang pwedeng pumalit sa secretary ko if wala siya. And you know

    Last Updated : 2023-07-14
  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 13

    Nadia's Point Of View."Kayo po ang ang secretary ni sir Cax?" tanong ng guard at tumango ako. "Anong pangalan mo?""Nadia Zariyah Helquino," sagot ko. Nakita kong nilista niya ang pangalan sa isang notebook bago ako pag buksan ng salamin na pinto. Pag pasok ko pa lang ay napatingin na agad sa akin ang mga tao, napapatingin sila sa suot kong heels at nag bubulungan. Anong nangyayari? Iniisip ba nila na ninakaw ko itong suot kong heels?Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang floor ng opisina ni sir Cax. Buti na lang natatandaan ko parin kung ano ang pinindot ni ma'am Ruby noong pumunta kami rito. Kinakabahan ako dahil ito ang unang pag gamit ko ng elevator, paano kung masira? Anong mangyayari?Nang tumunog ang elevator at nang bumukas ito ay may dalawang babae na nag hihintay ang bumungad sa akin, napatigil sila sa pag uusap at saka napatingin sa akin. Mabilis kong napansin na umawang ang kanilang mga labi noong nakita nila ang suot kong heels. Mabilis akong lumabas ng elevator at

    Last Updated : 2023-07-16

Latest chapter

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 32

    Nadia's Point Of View."Nice to meet you too po sir R-russel," sabi ko at tinanggap ang kaniyang kamay."Erase the sir you can call me just Russel," sagot niya at ngumiti. Tumango naman ako."I heard Cax went on a vacation, that's why I'm here. Gusto ko siyang guluhin," natatawa niyang sabi."Kaibigan ka po ba ni sir Cax?" tanong ko."Yes, he's my cousin," sagot niya at muling binalik ang kaniyang shades. "Madalas lang na mainit ang ulo niya sa akin dahil hindi niya matnaggap na mas gwapo ako kaysa sa kaniya," dagdag niya at hindi ko mapigilang matawa."Dapat lang palang uminit ang ulo niya," sabi ko at mahinang tumawa dahilan para mawala ang ngisi niya."Malabo rin siguro ang mata mo kagaya niya kaya hindi niya makitang mas gwapo ako kaysa sa kaniya," bagot niyang sabi. "Osige, mauuna na ako. See you around, Nadia."Tumango ako at hinayaan siyang umalis sa aking harapan, nang mawala siya ay saka ako nag patuloy na mag lakad palabas. Kalmado na ang aking pag lalakad, at hindi na rin a

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 31

    Nadia's Point Of View."Why didn't you tell me that you don't know how to swim?!" galit na sigaw ni sir Cax at nanatiling nakayuko ang ulo ko dahil sa kahihiyan.Hindi ako makapaniwalang muntik na akong mamatay kanina! Paano na si Niel kung namatay nga talaga ako?!"Muntik ka ng mamatay, Nadia!" patuloy na sigaw ni sir Cax. Ngayon ko pa lang siya nakitang galit at parang ayokong tignan ang mukha niya dahil natatakot ako."Daddy! You're the one who carried her and put her in the water! It's also your fault!" seryosong sigaw ni Vivy at pumagitna pa sa amin, nakaupo ako sa hindi ko alam kung kaninong kama at nakatayo sa harapan ko si sir Cax habang ako ay nakayuko. "You should apologize!" masungit na dagdag ni Vivy na na-iimagine ko na ang mukha niya kapag nag susungit."I know, Vivy. But she could have told me right away that she can't swim," kalmado ng sabi ni sir Cax.Malakas akong bumuntong hininga bago dahan dahang nag taas ng ulo, tumikhim ako at nag salita. "P-pasensya na po, sir,

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 30

    Nadia's Point Of View.Kinabukasan ay mabilis kaming niyaya na kumain ng almusal sa dalampasigan. At parang gusto ko na lang mag kulong dito sa kwarto namin ni Jala dahil sa mga nasabi ko kay sir Cax kagabi.Bakit ko nga ba nasabi iyon? Dahil ba sa nararamdaman ko para sa kaniya at sa mag kaiba naming estado sa buhay?"Nadia, ayos ka lang ba?"Napatingin ako kay Karen dahil sa kaniyang binulong. "Kanina ka pa nakatingin sa plato mo, wala ka bang balak kumain?" dagdag niya.Tumikhim ako bago pilit na ngumiti sa kaniya. "Puyat lang ako," sagot ko at kinuha na ang tinidor at kutsra, bago mag umpisang kumain.Wala namang imik sa gilid ko si Jala na tahimik lang kumakain."Consider this as your rest day so just rest and enjoy this vacation," narinig kong sabi ni sir Cax at nag pasalamat naman sila Karen habang ako ay pinag patuloy ang pag kain at hindi siya tinignan.Nahihiya ako, saan ba ako nakahanap ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya iyon? Naiinis tuloy ako sa sarili ko tuloy. Naka

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 29

    Nadia's Point Of ViewMabilis ang pag hinga ko habang nag lalakad pabalik ng hotel, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Madali niya lang sabihin 'yon dahil siya ay mayroong pera at kapangyarihan! Madali lang para sa kaniya na gawin ang gusto niya dahil siya ay mayaman. Labis na pang gagalaiti ang aking nararamdaman ng bumalik ako sa kwarto namin ni Jala. "Saan ka galing? Bakit nakakunot ang noo mo?" tanong ni Jala ng makita ako at ang tanging naging sagot ko lang ay malakas na pag buntong hininga."May nangyari ba?" tanong niya at tumaas ng bahagya ang kaniyang kilay.Umilang ako at umupo sa aking kama. "Galing ako sa labas," sagot ko at wala na naman akong narinig na salita mula kay Jala, nakita ko siyang humaga sa kaniyang kama at tinalikuran ako.Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa kawalan... Ngayon mas lalo kong napapatunayan sa sarili ko na isang kahibangan ang pag kakaroon ng nararamdaman para kay sir Cax.Isang pag kakamali, isang napakalaking pag kakamali na hi

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 28

    Nadia's Point Of View Ilang beses kong hinawakan ang mukha ko, namumula ba ako? Buti na lang talaga at hindi na nag tanong pa si Vivy, dahil kung hindi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.Hindi ko nga napansin na namumula na ako!"Hoy, anong nangyari sa'yo?" Napatingin ako kay Jala nang lumapit siya sa akin, hawak niya parin ang kanyang camera."Wala naman," sabi ko. "Tara na, sumunod na tayo sa ibang maids."Tinanguan niya lang ako at sabay kaming nag lakad, natatapakan ko ang puting bungain at ang sarap nito sa pakiramdam. Napatingin ako sa asul na karagatan, ang ganda nito sa mata.Ang totoo niyan ay ito ang unang beses na makapunta ako sa dagat, pero nakikita ko naman ang itsura nito sa tv. Hindi nga ako nabigo dahil ang ganda nito ngayong nakikita ko na ito ng personal."Sa hotel daw tayo matutulog," rinig kong sabi ni Jala habang abala parin sa pag kuha ng picture sa paligid. Gusto ko rin sanang gawin ang ginagawa niya pero hindi naman maganda ang quality ng camera

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 27

    Nadia's Point Of View.Umiwas ako ng tingin at mabilis kong narinig ang mahinang pag tawa ni Jala. Lumingon ako sa kanya at inis ko siyang tinignan. Nag tataka naman siyang tumingin sa akin."Bakit?" tanong niya.Inis ko siyang inirapan. Hindi na ako muling tumingin kay sir Cax at wala rin akong balak. Tinignan ko si Vivy at busy lang siya sa kanyang cellphone kaya hindi ko na ginulo.Nag umpisa nang umandar ang van at tahimik lang kami, naririnig ko ang pag uusap ni sir Cax at ng driver na si July. Bakit siya pa ang naging driver namin? Pakiramdam ko ay aasarin na naman niya ako.Tumingin ako kay Jala at nakita ko siyang busy din sa pag cecellphone, halos lahat sila ay nag cecellphone! Napa buntong hininga naman ako bago tumingin sa bintana ng van.Hindi ako pamilyar kung nasaan na kami ngayon pero sa tingin ko ay nasa manila parin kami. Narinig ko na dalawang van ang ginamit, lahat ng iyon ay van ni sir Cax. Ang ibang mga maids ay nasa pangalawang van."Ate Nadia, look at this."Na

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 26

    Nadia's Point Of ViewUmilang ako sa aking sarili at inalis iyon sa aking isipan. Isang kalokohan na hindi ko kayang tumigil sa pag tratrabaho rito dahil lang sa nararamdaman ko para kay sir Cax.Pag katapos kong pakainin si Vivy ay nilinis ko ang kama niya. "Ate Karen is so nice like you," sabi niya habang pinapanood akong ayusin ang kanyang unan. Lumingon naman ako sa kanya at ngumiti."Mabait talaga siya.""Yeah, she told me na wala pa siyang experience sa pag aalaga ng bata, noong una ay nagulat ako kasi hindi halata. Akala ko ay nag bibiro lang siya."Tumawa ako. "Kapag hindi na ako nag tratrabaho rito, pwedeng siya na ang pumalit sa akin sa pag aalaga sa'yo."Halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil hindi siya makapag salita. "Titigil ka sa pag tratrabaho rito?" tanong niya at bakas sa kanyang boses ang gulat at kalungkutan.Napakagat naman ako sa labi dahil sa kakaibang nararamdaman ko."O-oo, siyempre. Saka sigurado ako hindi lang ako ang titigil din sa pag tratrabaho rito,

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 25

    Nadia's Point Of View.Nang huminto ang taxi ay mabilis akong bumaba pag katapos kong mag bayad. Mukhang may mga kasabay akong dadalaw din kaya sumabay ako sa kanila. Sa dami ng mga taong dadalaw din ay kailangan pa naming pumili, habang nasa pila pa lamang ako ay nararamdaman ko na ang panginginig ng kamay ko.Hindi tulad ng mga ibang nakapila, napansin ko na ang iba sa kanila ay may dalang mga pag kain mayroon din namang wala katulad ko. Sa susunod na dadalawin ko si papa ay mag dadala na ako ng pag kain. Hindi ko na kasi naisip mag dala dahil ang nasa isip ko lang ang makita siya.Maraming nag lalarong mga tanong sa isip ko, katulad ng paano kung hindi niya na ako kilala? Bata pa lang ako noong huli niya akong nakita. Lumipas ang ilang oras ay ako na ang kasunod na papasok."Anong pangalan ng dadalawin mo?" tanong ng isang lalaki sa akin."Nero Helquino," sabi ko at tinignan naman ako ng lalaki na parang gulat siya. Bakit?"Anak ka ba niya? Ikaw pa lang ang unang dumalaw sa kanya

  • Cannot Afford That Expensive Love   Chapter 24

    Nadia's Point Of ViewNapasinghap ako ng marinig ang boses ni sir Cax. Muntikan ko pang mabitawan ang cellphone, akala ko na nanaginip lang ako pero narinig ko siyang tumawa."Hey, it's me." Tumawa siya.Siya nga talaga 'to!"S-sir Cax, paano mo po nalaman ang number ko?" tanong ko, hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil halo-halo ito. No hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko sa isang salita. "Kay Jala, he gave your number to me.""Ah bakit po kayo napatawag?" tanong ko. Napapikit ako dahil na alala ko ang pag halik niya sa pisngi ko, mas lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba.Ano ba 'tong nangyayari sa akin?"I just want to ask how are you, sinabi sa akin ni ma'am Ruby ang nangyari. Kamusta ka and your brother?" Napagakat ako ng labi sa tono ng boses niya, nag aalala ba siya?"Yung kapatid ko kailangan pang mag pahinga. Marami kasi siyang itamong sugat sa aksidente.""What accident?"Napalunok ako."Yung tricycle po kasi na sinasakyan niya, binangga ng tricycle. Buti nga po mga su

DMCA.com Protection Status