Millow's POVPinili kong sa maid's quarter matulog pero panay ang punta ni Sophia sa kwarto ko para utusan ako. Hindi ko rin sinunod ang utos ng asawa kong sa kwarto nila ako mamalagi dahil may oras talagang hindi ko na masikmura ang harap-harapan niyang panloloko."Ano ba, Millow, nagpapahatid ng meryenda si Lake." Inis na pumasok si Sophia sa kwarto ko para mag-request ng kakainin ng mga ito. Alas diyes na ng gabi pero may pahabol pang midnight snack ang dalawa. "Pakibilisan lang dahil naiinip na ang nobyo ko."Parang tumalon ang puso ko nang isara ng babae ang pinto sa maid's quarter. Malakas ang pagkakabagsak niya kaya parang natulig din ako. Inis akong tumayo. Kayang-kaya naman ni Sophia na maghanda ng meryrenda nila pero nagfe-feeling amo ito at ako na legal ang nagsisilbi sa kanila. Gusto ko nang sumuko.Akala ko kakayanin ko pero hindi pala. Ito ang pinakamahirap na napagdaanan ko nang pasukin ko ang kwarto ni Lake. Bitbit ko ang isang tray na naglalaman ng cake at ilang canne
Millow's POV"Millow!"Agad kong hinanap ang boses na iyon at laking tuwa ko nang makita ko ang kapatid ko. Nakontak ko siya kanina nang nasa barko ako. Galit ito nang malaman ang lahat at kahit ang mga magulang ko'y 'di rin mapigilan ang magmura nang gawin iyon sa'kin ni Lake. Tama raw ang ginawa ko; ang layasan ang babaero kong asawa. "Kuya!" balik sigaw ko sabay kaway ng kamay ko.Umiiyak ako sa byahe kanina pero alam kong ito ang nakakabuti para sa'kin kaysa naman magtiis ako sa mansyon na iyon na puro lang pasakit ang ibibigay sa'kin. "Walanghiyang Lake na 'yon, kung makikita ko lang ang lalaking 'yon, makakatikim talaga siya sa'kin." Agad kinuha ng kapatid ko ang maliit kong travelling bag. Naawa ako kay kuya nang makita ko kung ga'no siya kapayat. "Ang payat mo naman, Kuya.""Makakaahon din tayo sa hirap," tanging nasabi nito sabay hila sa kamay ko. Isang bus naman ang sinakyan namin papunta sa Quezon City. Nang makababa na sa destinasyon namin, sumakay ulit kami ng jeep.
Millow's POVNanlalaki ang mata ko nang sundan ko si Lake Monteverde, ang lalaking magiging dahilan ng pagiging homeless namin. Panay ang tago ko sa katawan ng niyog o kahit anong malagong halaman para hindi ako mahuli sa pagsunod ko sa kanila. Nasa loob na ng isang kubo ang lalake kasama ang isang babae na kasama rin nitong bumaba ng isang malaking bangka kanina. Dinaig ko pa ang bihasang stalker nang mapag-alaman kong pinapaalis na kami ng lalaking ito sa isla kung saan ako ipinanganak. Ang lupang akala ko'y amin pero pag-aari pala ito ng isang Monteverde. Simula noon, nang ituro ito ng kakilala ko na ito ang may-ari ng lupang kinatitirikan ng bahay namin, hindi ko na ito tinigilan ng kakasunod."L-Lake, ba't hindi ka makapaghintay, ha? Baka may makakita sa'tin dito? A-ano ba!""Ssh, shut up, Selene." Salag ng lalake. "Mahuhuli tayo kung mag-iingay ka pa. Mabilis lang 'to, don't worry."Napalunok ako nang makita ko kung ano'ng ginagawa ng dalawa sa loob ng kubo. Unang naghubad si La
Millow's POV"Naririnig mo ba 'ko?" sita ni Aling Zenya nang puntahan ako nito bandang ala-siyete ng gabi sa bahay. "Pumayag na 'yong tatay mo na mag-part time ka sa mga Monteverde para makadagdag sa allowance mo sa pagkokolehiyo kaya sumama ka na sa'kin ngayon sa mansyon dahil maraming bisita na darating. May engagement party kasing magaganap. Pumayag na rin ang mayordoma ro'n kaya ano pang tinatanga mo riyan, Millow?"Engagement party? Ikakasal na siguro ang Lake Monteverde na 'yon. Nanghinayang ako bigla at kagyat na ninerbyos dahil nang takbuhan ko ito isang linggo na ang nakakalipas, galit na galit ang supladong iyon. Hindi na kami muling nagtagpo. Patamad akong tumayo para magbihis. Maong na kupasin at T-shirt na luma ang suot ko. Kahit ang mga ganitong bagay, hirap akong bilhan ng magulang ko dahil nga sa private school ako nag-aaral. Ultimo underwear nila hindi na sila makabili dahil sa laki ng gastos sa'kin pero nagpapasalamat akong sa kabila ng kahirapan namin, mataas naman
Millow's POVHindi na kami magkandaugaga nang dumami pa lalo ang mga tao. Nawala na rin sa isip ko ang sinabi ng Lake na 'yon pero nang tawagin lahat ng mga bisita sa napakalaking bulwagan ng bahay, natutok ang mata ko kay Lake."Everyone, listen." Nakatingin ang matandang Monteverde sa mga trabahante sabay ngiti. "Salamat. Kung 'di dahil sa inyo, this won't be a success and of course," napatingin naman ang matandang lalake sa dalawang taong nakatayo sa gilid nito."My son, Leighton, was supposed to be in seminary before meeting you, Selene, but you changed his mind. We are grateful to have you as a new member of our family and you son." Napatikhim pa ang matanda nang nakangiti nitong titigan ang anak na si Leighton, ito ang panganay. "You make me very happy to think about seeing you with my grandchildren someday. I didn't ask for this, yet I'm excited. No offense to God; perhaps this is His will."Siya iyon! Si Selene, ang kahalikan ni Lake sa kubo. Pero bakit ito hawak sa kamay ni Le
Millow's POV "Millow..." Napatingin ako kay Aling Zenya nang inguso nito ang kinaroroonan ng mga bisita. Halos isang buwan na'kong naninilbihan sa pamilyang ito kaya nakaka-adjust na'ko kahit papa'no maliban na lang sa pag-uugali ng isa kong amo—kay Lake. Hindi na naulit ang pagbisita nito sa bahay namin pero parang sirang plaka ito sa paulit-ulit nitong pananakot sa'kin. Wag ko raw isumbong kay Sir Lambert ang sekreto niya. "Mag-serve ka na sa mga bisita, ano ka ba. Tulala ka na naman diyan." May kasama na itong siko mula sa matanda. "Puntahan mo rin si Sir Lake sa unit na inokupa niya pagkatapos ng paghatid mo ng pagkain sa mesa." "B-bakit daw po?" Pero nakatalikod na ang matanda nang lingunin ko. "Kainis ah," naibulong ko na lang. "Bakit ba palagi na lang kami may session ng Lake na 'yon?" Ano na naman kaya ang kasalanan ko at pinapatawag ako ng lalaking iyon? Nasa resort kami ng mga Monteverde at ngayong araw nga, espesyal ito para sa lahat dahil nagsidatingan na ang dadalo sa
Millow's POV"Ano, ginawa niya 'yon sa'yo?" Napasigaw na tanong ni Mae sa'kin nang malaman nito ang paghalik ng amo ko. "May gusto siya sa'yo, 'te, for sure!" Agad itong umusog palapit sa'kin nang may pagdududa pa sa mukha. "Ikaw, ha, umamin ka nga."Kumunot ang noo ko nang magkatitigan kami pero kalaunan, napayuko na lang ako."See?" Inis akong binatukan ng bestfriend ko sa ulo. "Hindi mo maipagkakaila riyan sa mata mong naghugis puso na may gusto ka sa Lake na 'yon."Buti na lang dapithapon na't wala nang masyadong tao sa dalampasigan. May paparating kasing bagyo kaya walang naglayag. Ang lakas nga ng hangin at may kasama nang ambon pero dahil sa katsismisan, magtatyaga itong kaibigan ko para lang malaman nito ang lahat. Hindi ko kasi kayang itago sa dibdib ko ang sakit lalo na't bestfriend ko pa si Mae."Kailangan ko ng tulong mo, bestfriend." May pagmamakaawa sa mga mata ko nang titigan ko siya lalo. Napatikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. "B-balak ko k-kasing—a-akitin
Lake's POV"What a mess," gigil kong anas.Hindi ako naging maingat kaya malaking problema itong kinakaharap ko. Wala akong tiwala sa Millow na iyon at bata pa ito pero tuturuan ko ng leksyon ang babaeng iyon. Kung hindi lang ako naging mabilis ng araw na iyon sa harap ni Dad, baka naisiwalat na ng babae ang lihim namin ni Selene. Si Selene..."Oh, yeah," muli kong anas. "Damn that woman."Hindi ko mapapayagang maging parte siya ng pamilya ko. Alam ko na ang karakas ng mga babaeng gold digger at hindi ko hahayaan ang Selene na iyon na makihati sa yaman ng mga Monteverde. Tanging sa'ming magkakapatid lang ang pera ni Daddy. Nang sabihin sa'kin ni Leighton na magpapakasal na ito sa nobya, agad akong nag-hire ng detective para alamin ang katauhan ni Selene.Nainis ako nang umabot sa 30 minuto ang paghihintay ko kay Millow. Ang kupad talaga ng paslit na 'yon at nang maalala ko ang paghalik ko sa kanya, gusto kong mandiri pero lahat ng babaeng nagkakagusto sa'kin, napapasunod ko sa nais ko.