Millow's POVSa ilang buwan kong pag-attend sa mga work shops, napabili ako ng isang maliit na abandoned building. Dalawang palapag lamang ito at 'di naman kalawakan ang area pero nang matapos ang renovation, napa-wow ako. Napakaganda nito para sa'kin. Magsisimula nang tumanggap ng guest ang hostel na ito sa abot kayang halaga lamang. Ilang milyon din ang nawala sa'kin pero ito ang gusto ko. Matapos ko ring makabili ng 500 square meter na lupa, pinatayuan ko naman ng apartment na may walong pintuan. "Alam kong kakayanin mo, Millow." Tuwang pahayag ng abogado na dumalo sa imbitasyon ko pero malungkot ako dahil hindi nakarating ang inaasahan ko, si Daddy Lambert. "Anyways, naibigay ko na sa'yo ang contact ng ilang tao na pwedeng makatulong sa'yo para mai-promote ang hostel mo."Sa ground floor ginanap ang party na dinaluhan ng mga bago kong kaibigan kasama na ang pamilya ko. Mga businesswoman din sila kagaya ko pero ang kaibahan ko lang sa kanila, college undergrad ako kaya pursigido
Millow's POVLumipas ang isang linggo na lagi kong inaaway si Lake pero labis ang pagtataka ko dahil napakamahinahon nito kapag kaharap ako. Lagi itong nagpapasensiya kapag tinatarayan ko siya."Asawa pa rin kita." Pahabol nitong salita nang talikuran ko siya. Panay ang iwas ko sa lalaki pero lagi naman kaming nagkikita dahil wala na'kong mapuntahan. Napakaliit nitong isla na pinagdalhan niya sa'kin. "Babalik ka rin sa'kin, Millow." Paninigurong sigaw nito nang inis akong lumabas para bumaba. Nasa taas kasi ang bahay kaya kung pupunta ako sa baba para tanawin ang dagat, pwede pa'kong makatampisaw sa tubig pero ang napansin ko, malalim ang area ng dagat kung sa'n kami. Hindi ako marunong lumangoy kaya ilang araw na'kong umiiyak. Sa ngayon, natanggap ko nang nandiyan lang si Lake at siguradong masisira lang ang araw ko. Lagi nga akong naglo-lock ng pinto tuwing matutulog ako. Dalawang kwarto lang ang meron sa bahay habang sa kabila naman natutulog ang lalaki."Millow..."Napalingon ak
Millow's POV Ilang buwan na ba 'ko rito? Hindi ko alam... Parang taon na ang binuno ko sa lugar na 'to kasama ang asawang kinamumuhian ko at gusto ko pang hiwalayan ang lalaki pero iba na ang nakikita ko sa kanya. Lagi itong concern lalo na ngayon. "God, Millow! Hindi ka marunong lumangoy pero ba't ka tumalon sa dagat? Damn it!" Punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito matapos bumalik ang malay ko. "I told you, hindi ka makakaalis sa lugar na ito kung walang chopper! Papunta na ang doktor." Kay bigat ng pakiramdam ko nang titigan ko si Lake. Binalak ko kasing tumakas pero nang mawalan ako ng pag-asa dahil hindi ako makaalis, tumalon na lang ako sa dagat. Tuliro na'ko at pilit kong sinisiksik sa utak ko na hindi karapat-dapat si Lake. Todo asikaso kasi lagi ang lalaki sa'kin at asawang-asawa ang pakiramdam ko dahil napakalambing nito. Ito ang hindi ko matanggap sa bigla niyang pagbabago. Iniisip kong may binabalak na naman siyang masama kaya sinadya kong magpakalunod. "Don't you
Millow's POVNanlalaki ang mata ko nang sundan ko si Lake Monteverde, ang lalaking magiging dahilan ng pagiging homeless namin. Panay ang tago ko sa katawan ng niyog o kahit anong malagong halaman para hindi ako mahuli sa pagsunod ko sa kanila. Nasa loob na ng isang kubo ang lalake kasama ang isang babae na kasama rin nitong bumaba ng isang malaking bangka kanina. Dinaig ko pa ang bihasang stalker nang mapag-alaman kong pinapaalis na kami ng lalaking ito sa isla kung saan ako ipinanganak. Ang lupang akala ko'y amin pero pag-aari pala ito ng isang Monteverde. Simula noon, nang ituro ito ng kakilala ko na ito ang may-ari ng lupang kinatitirikan ng bahay namin, hindi ko na ito tinigilan ng kakasunod."L-Lake, ba't hindi ka makapaghintay, ha? Baka may makakita sa'tin dito? A-ano ba!""Ssh, shut up, Selene." Salag ng lalake. "Mahuhuli tayo kung mag-iingay ka pa. Mabilis lang 'to, don't worry."Napalunok ako nang makita ko kung ano'ng ginagawa ng dalawa sa loob ng kubo. Unang naghubad si La
Millow's POV"Naririnig mo ba 'ko?" sita ni Aling Zenya nang puntahan ako nito bandang ala-siyete ng gabi sa bahay. "Pumayag na 'yong tatay mo na mag-part time ka sa mga Monteverde para makadagdag sa allowance mo sa pagkokolehiyo kaya sumama ka na sa'kin ngayon sa mansyon dahil maraming bisita na darating. May engagement party kasing magaganap. Pumayag na rin ang mayordoma ro'n kaya ano pang tinatanga mo riyan, Millow?"Engagement party? Ikakasal na siguro ang Lake Monteverde na 'yon. Nanghinayang ako bigla at kagyat na ninerbyos dahil nang takbuhan ko ito isang linggo na ang nakakalipas, galit na galit ang supladong iyon. Hindi na kami muling nagtagpo. Patamad akong tumayo para magbihis. Maong na kupasin at T-shirt na luma ang suot ko. Kahit ang mga ganitong bagay, hirap akong bilhan ng magulang ko dahil nga sa private school ako nag-aaral. Ultimo underwear nila hindi na sila makabili dahil sa laki ng gastos sa'kin pero nagpapasalamat akong sa kabila ng kahirapan namin, mataas naman
Millow's POVHindi na kami magkandaugaga nang dumami pa lalo ang mga tao. Nawala na rin sa isip ko ang sinabi ng Lake na 'yon pero nang tawagin lahat ng mga bisita sa napakalaking bulwagan ng bahay, natutok ang mata ko kay Lake."Everyone, listen." Nakatingin ang matandang Monteverde sa mga trabahante sabay ngiti. "Salamat. Kung 'di dahil sa inyo, this won't be a success and of course," napatingin naman ang matandang lalake sa dalawang taong nakatayo sa gilid nito."My son, Leighton, was supposed to be in seminary before meeting you, Selene, but you changed his mind. We are grateful to have you as a new member of our family and you son." Napatikhim pa ang matanda nang nakangiti nitong titigan ang anak na si Leighton, ito ang panganay. "You make me very happy to think about seeing you with my grandchildren someday. I didn't ask for this, yet I'm excited. No offense to God; perhaps this is His will."Siya iyon! Si Selene, ang kahalikan ni Lake sa kubo. Pero bakit ito hawak sa kamay ni Le
Millow's POV "Millow..." Napatingin ako kay Aling Zenya nang inguso nito ang kinaroroonan ng mga bisita. Halos isang buwan na'kong naninilbihan sa pamilyang ito kaya nakaka-adjust na'ko kahit papa'no maliban na lang sa pag-uugali ng isa kong amo—kay Lake. Hindi na naulit ang pagbisita nito sa bahay namin pero parang sirang plaka ito sa paulit-ulit nitong pananakot sa'kin. Wag ko raw isumbong kay Sir Lambert ang sekreto niya. "Mag-serve ka na sa mga bisita, ano ka ba. Tulala ka na naman diyan." May kasama na itong siko mula sa matanda. "Puntahan mo rin si Sir Lake sa unit na inokupa niya pagkatapos ng paghatid mo ng pagkain sa mesa." "B-bakit daw po?" Pero nakatalikod na ang matanda nang lingunin ko. "Kainis ah," naibulong ko na lang. "Bakit ba palagi na lang kami may session ng Lake na 'yon?" Ano na naman kaya ang kasalanan ko at pinapatawag ako ng lalaking iyon? Nasa resort kami ng mga Monteverde at ngayong araw nga, espesyal ito para sa lahat dahil nagsidatingan na ang dadalo sa
Millow's POV"Ano, ginawa niya 'yon sa'yo?" Napasigaw na tanong ni Mae sa'kin nang malaman nito ang paghalik ng amo ko. "May gusto siya sa'yo, 'te, for sure!" Agad itong umusog palapit sa'kin nang may pagdududa pa sa mukha. "Ikaw, ha, umamin ka nga."Kumunot ang noo ko nang magkatitigan kami pero kalaunan, napayuko na lang ako."See?" Inis akong binatukan ng bestfriend ko sa ulo. "Hindi mo maipagkakaila riyan sa mata mong naghugis puso na may gusto ka sa Lake na 'yon."Buti na lang dapithapon na't wala nang masyadong tao sa dalampasigan. May paparating kasing bagyo kaya walang naglayag. Ang lakas nga ng hangin at may kasama nang ambon pero dahil sa katsismisan, magtatyaga itong kaibigan ko para lang malaman nito ang lahat. Hindi ko kasi kayang itago sa dibdib ko ang sakit lalo na't bestfriend ko pa si Mae."Kailangan ko ng tulong mo, bestfriend." May pagmamakaawa sa mga mata ko nang titigan ko siya lalo. Napatikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. "B-balak ko k-kasing—a-akitin
Millow's POV Ilang buwan na ba 'ko rito? Hindi ko alam... Parang taon na ang binuno ko sa lugar na 'to kasama ang asawang kinamumuhian ko at gusto ko pang hiwalayan ang lalaki pero iba na ang nakikita ko sa kanya. Lagi itong concern lalo na ngayon. "God, Millow! Hindi ka marunong lumangoy pero ba't ka tumalon sa dagat? Damn it!" Punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito matapos bumalik ang malay ko. "I told you, hindi ka makakaalis sa lugar na ito kung walang chopper! Papunta na ang doktor." Kay bigat ng pakiramdam ko nang titigan ko si Lake. Binalak ko kasing tumakas pero nang mawalan ako ng pag-asa dahil hindi ako makaalis, tumalon na lang ako sa dagat. Tuliro na'ko at pilit kong sinisiksik sa utak ko na hindi karapat-dapat si Lake. Todo asikaso kasi lagi ang lalaki sa'kin at asawang-asawa ang pakiramdam ko dahil napakalambing nito. Ito ang hindi ko matanggap sa bigla niyang pagbabago. Iniisip kong may binabalak na naman siyang masama kaya sinadya kong magpakalunod. "Don't you
Millow's POVLumipas ang isang linggo na lagi kong inaaway si Lake pero labis ang pagtataka ko dahil napakamahinahon nito kapag kaharap ako. Lagi itong nagpapasensiya kapag tinatarayan ko siya."Asawa pa rin kita." Pahabol nitong salita nang talikuran ko siya. Panay ang iwas ko sa lalaki pero lagi naman kaming nagkikita dahil wala na'kong mapuntahan. Napakaliit nitong isla na pinagdalhan niya sa'kin. "Babalik ka rin sa'kin, Millow." Paninigurong sigaw nito nang inis akong lumabas para bumaba. Nasa taas kasi ang bahay kaya kung pupunta ako sa baba para tanawin ang dagat, pwede pa'kong makatampisaw sa tubig pero ang napansin ko, malalim ang area ng dagat kung sa'n kami. Hindi ako marunong lumangoy kaya ilang araw na'kong umiiyak. Sa ngayon, natanggap ko nang nandiyan lang si Lake at siguradong masisira lang ang araw ko. Lagi nga akong naglo-lock ng pinto tuwing matutulog ako. Dalawang kwarto lang ang meron sa bahay habang sa kabila naman natutulog ang lalaki."Millow..."Napalingon ak
Millow's POVSa ilang buwan kong pag-attend sa mga work shops, napabili ako ng isang maliit na abandoned building. Dalawang palapag lamang ito at 'di naman kalawakan ang area pero nang matapos ang renovation, napa-wow ako. Napakaganda nito para sa'kin. Magsisimula nang tumanggap ng guest ang hostel na ito sa abot kayang halaga lamang. Ilang milyon din ang nawala sa'kin pero ito ang gusto ko. Matapos ko ring makabili ng 500 square meter na lupa, pinatayuan ko naman ng apartment na may walong pintuan. "Alam kong kakayanin mo, Millow." Tuwang pahayag ng abogado na dumalo sa imbitasyon ko pero malungkot ako dahil hindi nakarating ang inaasahan ko, si Daddy Lambert. "Anyways, naibigay ko na sa'yo ang contact ng ilang tao na pwedeng makatulong sa'yo para mai-promote ang hostel mo."Sa ground floor ginanap ang party na dinaluhan ng mga bago kong kaibigan kasama na ang pamilya ko. Mga businesswoman din sila kagaya ko pero ang kaibahan ko lang sa kanila, college undergrad ako kaya pursigido
Millow's POV"Congratulations!" Hindi ko napigil ang pagngiti dahil—panalo ako! Panalo ako sa kaso ko laban kay Lake na maangkin ang kalahati ng yaman nito. Napatingala ako sa kisame habang magkasiklop ang mga kamay ko."Thank you, Lord." Bumalik ang tingin ko sa abogado nang pahirin ko ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala! Mayaman na'ko. "Maraming-maraming salamat din, Attorney. Sa lahat ng naitulong mo lalo na kay Daddy Lambert.""Siguradong masaya ang matanda pero—dumadaan siya ngayon sa matinding pagsubok." May lungkot sa boses ng abogado nang ibalita ito. "Ilang linggo na siya sa ospital."At kahit gustuhin ko mang puntahan ito, limited lamang ang taong pwedeng makapasok. Gusto ko sanang pasalamatan ang matanda dahil ito ang naging susi para makuha ko ang nararapat para sa'kin. Ito rin ang parusa ko kay Lake kaya nilaban ko ang lahat. Sa rami ng naranasan kong pasakit sa asawa kong iyon, ito ang ganti ko sa kanya. Halos tumigil ang tibok ng puso ko nang magtama ang tingin na
Lakes's POVNapabuga ako ng hangin nang bigla ko siyang hawakan. Ang babaeng ito ang magpapabagsak sa'kin kaya hindi ako papayag na maungusan niya 'ko. What a fucking gold digger! Kailangan kong paamuin ang isang 'to para hindi siya magtagumpay sa pagkamkam ng yaman ko. "Ibibigay ko ang nais mo, my dear wife at kahit ang annulment or divorce, pipirma ako in just one condition, pumirma ka sa papel na'to para matapos na tayo."Nanlaki ang mata ni Millow nang makita nito ang dokumento na inabot ko, "Ano yan?" kabadong tanong nito. "Pwede bang tawagan ko si Attorney para mapa-check 'yan?"Pigil ko ang nang-uuyam kong ngiti nang paningkitan ko siya ng mga mata. Akala ko walang binatbat ang babaeng 'to pero mukhang natututo na ito. "Hindi na natin kailangang magkorte dahil ako na ang kusang magbibigay ng pera sa'yo." Isang mungkahi ito para wala nang hearing sa pagitan namin about sa hatian na ipinamana sa'kin. Sa ganitong paraan, hindi mapapasakamay ng babae ang kalahati ng yaman ko. Ni
Millow's POVNapuno ako ng takot habang sakay ng sasakyan na maghahatid sa'kin sa mansyon. Oo. Nandito na ulit ako sa lugar kung sa'n ako ipinanganak para muling makita ang asawa kong si Lake. Nilakasan ko ang loob ko para may mukha akong ihaharap sa kanya. Hindi ako dapat matakot!"Nandito na tayo, Millow," untag ng abogadong kasama ko, ito ang kasama kong haharap kay Lake para mapag-usapan ang divorce namin sa tulong na rin ni Daddy Lambert. Napatango ako, "Attorney...""May laban ka, Millow, kaya 'wag kang matakot. May mga pulis na rin akong tinawagan sakali mang hindi tayo harapin ni Lake." Pinalakas lalo ng abogado ang loob ko sa sinabi niya. "Let's go, iha. Bumaba ka na."Naiiyak ako nang makababa na. Nanariwa ang alaalang pinagsaluhan namin ni Lake sa mansyong ito pero lamang ang mga pasakit na binigay niya sa'kin. Hindi na sumama ang mga magulang ko dahil ayoko na ng gulo. Naitawag na rin naman ni Daddy Lambert kay Lake ang lahat kaya alam kong handa na rin si Lake na harapin
Millow's POV"Ano?" hindi makapaniwalang saad ng matanda. "Why naman, iha? Bakit walang nababanggit sa'kin si Lake nang maglagi siya rito?"Hindi ako naglihim nang sabihin ang lahat ng mga kalokohan ni Lake kaya nag-iba bigla ang anyo ng matanda. Ikinabahala ko ito. "Daddy Lambert, kalma lang po." Nasa dining area pa rin ang mga magulang ko pero ayoko silang istorbohin. Minsan lang sila makakain ng masarap, ba't ko pa ipagkakait?"Kalmado ako, Millow. Ang batang 'yon!" frustrated na dagdag nito. "Anyway, tuturuan natin ng leksyon ang lalaking iyon. Kung 'yan ang gusto mo, gagastusan ko ang divorce niyo dahil kapag hindi ka niya pinakawalan, babawiin ko ang lahat ng namana niya sa'kin."Kaybilis ng pintig ng puso ko! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Talagang hindi sasantuhin ng matandang Monteverde ang kagaguhan na ginawa ng asawa ko. Sinabi ko lang na dalawa ang ibinabahay ng asawa ko pero hindi ako nagbanggit kung sinong mga babae. Naiiyak ako nang hawakan ko sa kamay ang lalaki. Det
Millow's POVIyak ako nang iyak nang nasa bahay na. Galit din si Kuya nang malaman ang lahat pero nang balikan nito ang pinangyarihan ng snatching, wala rin itong nahita. Reaksyon ni Tatay, "Dapat hindi mo nilabas, anak, alam mo namang maraming nakawan sa lugar na ito."Wala pa naman akong kakayahan na bumili pa ng cellphone tapos nanakawin lang din? Mabuti na lang naisulat ko sa isang maliit na notebook ang mga numero sa cellphone ko pero dismayado pa rin ako. Ba't kasi hindi ako nag-iingat?Sumingit sa usapan ang kapatid ko, para itong maiiyak, "Problema pa kung sa'n tayo titira, Nay, Tay. Kanina ko nga lang din nalaman nang umuwi kami ng asawa ko. Ibinalita sa'kin ng isang kaibigan ko na taga-rito rin.""Bakit ba hindi matapos-tapos ang mga problema natin dito?" Namamasa na ang mga mata ni Tatay nang sumalampak ito ng upo. "Lahat ng tao rito, pinapaalis na ng may-ari dahil ito'y naibenta na raw sa iba. Dalawang araw lang ang ibinigay sa mga tao rito para makapag-empake ng gamit. S
Millow's POV Tuwang-tuwa ako dahil sa pangatlong apply ko sa isang 'di kalakihang karinderya na walking distance lang mula main road, natanggap ako. Nasa 500 kada araw ang sahod pero reliever lang muna ako kapag maraming tao o may magbabakasyon. "Ang swerte mo ah, Millow," tuwang saad ni Ate Luna nang ibalita ko ito sa kanya. "Pwede na 'yan dahil malapit lang. Ngayon, sa isang pampublikong paaralan naman tayo pumunta. Sana matanggap ka rin do'n para maderetso mo na 'yang kolehiyo mo." Sa isang public college lang ako mag-e-enroll pero may matatanggap akong scholarship na every school year ang bigayan ng 10 thousand pesos. Hindi na masama. Mas okay pa nga ito kumpara sa probinsya. Bago raw itong programa sa gobyerno para makatulong sa mga estudyanteng magkokolehiyo na. May benefits pa'kong makukuha kung i-a-apply ko rin ang pamilya ko sa isa pang programa na nagbibigay ng allowance sa mga maralitang pamilya pero kailangan ko pa itong i-confirm sa munisipyo. Magpapalista kami. "