Millow's POVNapuno ako ng takot habang sakay ng sasakyan na maghahatid sa'kin sa mansyon. Oo. Nandito na ulit ako sa lugar kung sa'n ako ipinanganak para muling makita ang asawa kong si Lake. Nilakasan ko ang loob ko para may mukha akong ihaharap sa kanya. Hindi ako dapat matakot!"Nandito na tayo, Millow," untag ng abogadong kasama ko, ito ang kasama kong haharap kay Lake para mapag-usapan ang divorce namin sa tulong na rin ni Daddy Lambert. Napatango ako, "Attorney...""May laban ka, Millow, kaya 'wag kang matakot. May mga pulis na rin akong tinawagan sakali mang hindi tayo harapin ni Lake." Pinalakas lalo ng abogado ang loob ko sa sinabi niya. "Let's go, iha. Bumaba ka na."Naiiyak ako nang makababa na. Nanariwa ang alaalang pinagsaluhan namin ni Lake sa mansyong ito pero lamang ang mga pasakit na binigay niya sa'kin. Hindi na sumama ang mga magulang ko dahil ayoko na ng gulo. Naitawag na rin naman ni Daddy Lambert kay Lake ang lahat kaya alam kong handa na rin si Lake na harapin
Lakes's POVNapabuga ako ng hangin nang bigla ko siyang hawakan. Ang babaeng ito ang magpapabagsak sa'kin kaya hindi ako papayag na maungusan niya 'ko. What a fucking gold digger! Kailangan kong paamuin ang isang 'to para hindi siya magtagumpay sa pagkamkam ng yaman ko. "Ibibigay ko ang nais mo, my dear wife at kahit ang annulment or divorce, pipirma ako in just one condition, pumirma ka sa papel na'to para matapos na tayo."Nanlaki ang mata ni Millow nang makita nito ang dokumento na inabot ko, "Ano yan?" kabadong tanong nito. "Pwede bang tawagan ko si Attorney para mapa-check 'yan?"Pigil ko ang nang-uuyam kong ngiti nang paningkitan ko siya ng mga mata. Akala ko walang binatbat ang babaeng 'to pero mukhang natututo na ito. "Hindi na natin kailangang magkorte dahil ako na ang kusang magbibigay ng pera sa'yo." Isang mungkahi ito para wala nang hearing sa pagitan namin about sa hatian na ipinamana sa'kin. Sa ganitong paraan, hindi mapapasakamay ng babae ang kalahati ng yaman ko. Ni
Millow's POV"Congratulations!" Hindi ko napigil ang pagngiti dahil—panalo ako! Panalo ako sa kaso ko laban kay Lake na maangkin ang kalahati ng yaman nito. Napatingala ako sa kisame habang magkasiklop ang mga kamay ko."Thank you, Lord." Bumalik ang tingin ko sa abogado nang pahirin ko ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala! Mayaman na'ko. "Maraming-maraming salamat din, Attorney. Sa lahat ng naitulong mo lalo na kay Daddy Lambert.""Siguradong masaya ang matanda pero—dumadaan siya ngayon sa matinding pagsubok." May lungkot sa boses ng abogado nang ibalita ito. "Ilang linggo na siya sa ospital."At kahit gustuhin ko mang puntahan ito, limited lamang ang taong pwedeng makapasok. Gusto ko sanang pasalamatan ang matanda dahil ito ang naging susi para makuha ko ang nararapat para sa'kin. Ito rin ang parusa ko kay Lake kaya nilaban ko ang lahat. Sa rami ng naranasan kong pasakit sa asawa kong iyon, ito ang ganti ko sa kanya. Halos tumigil ang tibok ng puso ko nang magtama ang tingin na
Millow's POVSa ilang buwan kong pag-attend sa mga work shops, napabili ako ng isang maliit na abandoned building. Dalawang palapag lamang ito at 'di naman kalawakan ang area pero nang matapos ang renovation, napa-wow ako. Napakaganda nito para sa'kin. Magsisimula nang tumanggap ng guest ang hostel na ito sa abot kayang halaga lamang. Ilang milyon din ang nawala sa'kin pero ito ang gusto ko. Matapos ko ring makabili ng 500 square meter na lupa, pinatayuan ko naman ng apartment na may walong pintuan. "Alam kong kakayanin mo, Millow." Tuwang pahayag ng abogado na dumalo sa imbitasyon ko pero malungkot ako dahil hindi nakarating ang inaasahan ko, si Daddy Lambert. "Anyways, naibigay ko na sa'yo ang contact ng ilang tao na pwedeng makatulong sa'yo para mai-promote ang hostel mo."Sa ground floor ginanap ang party na dinaluhan ng mga bago kong kaibigan kasama na ang pamilya ko. Mga businesswoman din sila kagaya ko pero ang kaibahan ko lang sa kanila, college undergrad ako kaya pursigido
Millow's POVLumipas ang isang linggo na lagi kong inaaway si Lake pero labis ang pagtataka ko dahil napakamahinahon nito kapag kaharap ako. Lagi itong nagpapasensiya kapag tinatarayan ko siya."Asawa pa rin kita." Pahabol nitong salita nang talikuran ko siya. Panay ang iwas ko sa lalaki pero lagi naman kaming nagkikita dahil wala na'kong mapuntahan. Napakaliit nitong isla na pinagdalhan niya sa'kin. "Babalik ka rin sa'kin, Millow." Paninigurong sigaw nito nang inis akong lumabas para bumaba. Nasa taas kasi ang bahay kaya kung pupunta ako sa baba para tanawin ang dagat, pwede pa'kong makatampisaw sa tubig pero ang napansin ko, malalim ang area ng dagat kung sa'n kami. Hindi ako marunong lumangoy kaya ilang araw na'kong umiiyak. Sa ngayon, natanggap ko nang nandiyan lang si Lake at siguradong masisira lang ang araw ko. Lagi nga akong naglo-lock ng pinto tuwing matutulog ako. Dalawang kwarto lang ang meron sa bahay habang sa kabila naman natutulog ang lalaki."Millow..."Napalingon ak
Millow's POV Ilang buwan na ba 'ko rito? Hindi ko alam... Parang taon na ang binuno ko sa lugar na 'to kasama ang asawang kinamumuhian ko at gusto ko pang hiwalayan ang lalaki pero iba na ang nakikita ko sa kanya. Lagi itong concern lalo na ngayon. "God, Millow! Hindi ka marunong lumangoy pero ba't ka tumalon sa dagat? Damn it!" Punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito matapos bumalik ang malay ko. "I told you, hindi ka makakaalis sa lugar na ito kung walang chopper! Papunta na ang doktor." Kay bigat ng pakiramdam ko nang titigan ko si Lake. Binalak ko kasing tumakas pero nang mawalan ako ng pag-asa dahil hindi ako makaalis, tumalon na lang ako sa dagat. Tuliro na'ko at pilit kong sinisiksik sa utak ko na hindi karapat-dapat si Lake. Todo asikaso kasi lagi ang lalaki sa'kin at asawang-asawa ang pakiramdam ko dahil napakalambing nito. Ito ang hindi ko matanggap sa bigla niyang pagbabago. Iniisip kong may binabalak na naman siyang masama kaya sinadya kong magpakalunod. "Don't you
Millow's POVIlang araw ang lumipas pero walang Lake na sumulpot sa bahay kaya lalo akong na-depress. Kami lamang ng katiwala ang naiwan at kahit ito'y hindi alam kung kailan ang balik ng asawa ko."Huwag kang mag-alala, iha, babalik din 'yon. Alam mo namang may mga negosyo rin 'yon kaya siguro natagalan at paminsan-minsan ding umuulan." Napatingala pa ito sa langit nang sabihin iyon. "Kapag hindi maganda ang panahon, hindi pwedeng gamitin ang chopper niya. Sanay na'ko sa batang iyan."Para akong preso sa lugar na ito. Walang TV at cellphone pero maganda ang paligid dahil ngayon ko lamang naikot ang maliit na islang ito. Man-made ito ayon sa matanda at 20,000 square meters ang lawak. Kita ko ang buong paligid nang dalhin ako ni Tay Fernan sa roof top ng bahay. May natatanaw akong isa pang isla pero malayo ito at animo nakapaikot ito sa man-made island na ito. Kay lawak ng dagat kaya imposibleng makaalis ako sa lugar na ito kung walang bangka o chopper. Napadpad ako sa pinakaibabang b
Lake's POV Pagkatapos ng nangyari kagabi, muli kong tinudyo ang asawa ko nang magising ako kinaumagahan. Napangisi ako nang lingunin ko siya habang himbing itong natutulog sa tabi ko. Walang magagawa ang babae sa nais ko dahil hindi ako tumatanggap ng pagkatalo. Siyang-siya ako habang pinagmamasdan ang mukha niya. Simple pero cute naman si Millow at sariwang-sariwa pa. Muli ko siyang hinalikan sa leeg para gisingin dahil magtatanghali na, "Wake up, wife." Wala itong kasuot-suot kaya bumaba ang halik ko sa bandang dibdib niya at do'n ako nagtagal. "Hmm, I still can't get over you, wifey. Wake up. Nagugutom na'ko." Umungol lang ang babae pero hindi ako huminto sa pagkubkob sa mayamang dibdib niya. Nagtagal ako roon para paglaruan ang bahaging iyon. Dahan-dahan itong nagmulat ng mata at nang makita ako, nagulat ito. "Ano ba, Lake!" taranta nitong tinakpan ang katawan matapos nitong itulak ang ulo ko pero tinawanan ko lang siya. "Come on," yamot kong anas sa tainga niya bago ko
Millow's POV "Ma'am, bilisan mo! Habang hindi pa nakakalabas si Emily..." Sumulpot si Fred sa harap ko na karga ang bata. Apat na araw na akong nagmamanman sa bahay ni Emily. Tinawagan ko kanina si Lander para malaman nito ang plano ko. Kumusta na kaya si Lake? Sinabi nitong hindi pa nagigising si Lake pagkatapos nitong maoperahan. Naiyak nga ako at dinasalan ko nang todo na sana'y sa pagbabalik ko, magising na ito. Hindi rin ako mapakali kung ba't hindi pa nagigising ang asawa ko at si George, parang gusto ko na namang umiyak. Sana'y mapatawad niya 'ko. Hindi ko sinasadyang saktan siya."Tulong! Ang anak ko, may kumuha sa anak ko!" hiyaw ni Emily na nasa loob pa ng bahay nito. Kinakalampag nito ang pinto. "Walanghiya ka, Fred! Kaibigan ka pa naman ni Mario. Ba't hindi ko mabuksan ang mga pinto? Mga kapitbahay, tulungan niyo 'ko!!"Nagulantang ako sa sigaw na iyon!"Ma'am," pukaw ni Fred. "Kailangan na nating umalis, 'yong kaibigan ko ang maghahatid sa'tin sa kabila. Sundan niyo
Millow's POV Napakaraming test ang ginawa kay Lake kaya labis-labis ang pag-aalala namin pero sinamahan ko ito ng dasal. Isa lang ang gusto ko: ang bumalik ang alaala ni Lake para mapatunayan nito sa lahat kung sino ang tunay nitong mahal. Ako iyon, hindi si Selene... hindi rin si Emily. "It's time for DNA," pukaw ni Lander sa'kin dahil nakapikit ako at umuusal ng panalangin. Napasunod lang ang tingin ko kay Lander. Ibang-iba na siya, parang ito na ang matanda sa lahat ng magkakapatid dahil ito na ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay. Isang linggo na kami rito sa ospital para magamot si Lake. Ngayon babasahin ang mga naiwang test na huling ginawa kay Lake. Hindi ko alam kung ilang oras akong naghintay sa labas ng tanggapan ng doktor. Kinuhaan ng DNA sample si Lake kung magma-match ito kay Sadiya. Napatayo ako nang makita ko ang paglabas ni Lander, "Lander, ano'ng balita?" Kuno't noo si Lander nang mapabuntong-hininga ito, "Tapos na ang pagkuha for DNA. But it seems like a bad
Millow's POV "Yes, siya nga si Lake. Geez." Nagpalakad-lakad si Lander sa harap namin nang sabihin ito. Kaharap na rin namin ang tatay-tatayan ni Mario at ito mismo ang nagkumpirmang natagpuan lang nito si Mario na palutang-lutang sa dagat kasama ang isang sanggol. Naiyak na'ko nang maisip kong baka nalunod ang babae kong anak dahil isa na lang ang natira at iyon ay posibleng si Marthy. "Nasa'n ang isa ko pang anak?" hysterikal kong tanong. "It's confirmed, that Mario is Lake." Singit ni Leighton. "May malay pa siya nang matagpuan ko sa dagat at nakiusap sa'kin si Mario na tulungan ko ang anak niya." Pagpapatuloy ng matanda nang sariwain nito ang nangyari. "Nangisda ako noon pero lumakas ang ulan at hangin. Nakita kong nakalagay ang bata sa isang lagayan na lumulutang. Duguan 'yang si Mario nang makita ko kaso lang nang madala ko na siya sa bahay, nawalan ulit siya ng malay. Dahil may bagyo noon at wala naman kaming pera, sa health center lang kami humingi ng gamot pero habang tu
Millow's POV Nang makabalik ulit ako ng Boracay... Naiiyak ako nang lapitan ako ng bata, "Hey... cutie. May candy ako, you want?" Atubili ito kung lalapit o hindi pero napangiti rin ito kalaunan nang may ipakita pa akong maraming laruan. Nahihiya itong tumingin pero niyakap ko lang siya nang makalapit na ito. Iba ang pakiramdam ko nang yakapin ko ang batang 'to. "Ano'ng pangalan mo?" pigil ang emosyong tanong ko. "M-Marthy p-po," nahihiyang tugon nito. "Marthy, papasok tayo sa loob ng bahay dahil may ibibigay pa'ko sa'yo, okay?" Nang tumango ito, nasiyahan ako. "Good boy." Inakay ko siya papasok sa bahay-kubo na nirentahan ko matapos kong siguraduhin na walang taong makakakita sa'min. "Fred, magbantay ka rito sa labas." Ito na ang bahala para hindi mabuko ni Mario ang ginagawa namin. Hindi ko napigilang pugpugin ng halik ang bata na ikinaasiwa nito pero wala akong pakialam. Alam kong siya ang nawawala kong kambal lalo na't kamukha ito ni Lake. Napakalakas ng dugo ni Lak
Millow's POV "Ikaw na naman?" pigil ang galit ni Mario nang makita ako matapos ko siyang puntahan sa opisina. "Tigilan mo na ang kakatawag sa cellphone ko dahil hindi kita kilala. Maghanap ka ng ibang instructor sa scuba diving, ayokong mag-away kami ng asawa ko." Nasaktan ako pero inintindi ko na lang ang sinabi niya at muli, inulit ko ang mga nangyari noon. "Makinig ka naman sa'kin L-Lake I mean Mario, papatunayan kong ikaw ang asawa ko kapag nakabalik ako rito." Kahit picture, wala man lang ako kaya pa'no ko ipapakita ang ebidensya ko? Hindi ko kasi inaasahan na buhay pa si Lake pero pa'no 'to? Mukhang may amnesia ang lalaki. "Hayaan mong patunayan ko sa'yo pero kung mali man ako, ngayon pa lang humihingi na'ko ng sorry. Baka nga kamukha mo lang." Kandahaba ang leeg ko sa paghahanap sa anak nito pero wala ang bata rito. Nakita kong akay ito ng lalaki kanina. "Pagbibigyan kita pero 'wag kang panay punta sa bahay dahil nakakagulo ka sa'min. Nagseselos na ang asawa ko, iniisip
Millow's POV "Magtago ka nga, Kuya." Inis kong bulong dahil parang susugurin nito ang bahay ni Mario nang sundan namin ang lalaki. Nakatago kami sa likod ng isang bahay-kubo na katabi lang ng bahay ni Mario. Sinalubong ng isang babae si Mario na sinundan ng isang bata. Nang makita ko ang bata, binundol ng kaba ang dibdib ko. Hindi maipagkakailang hawig ito ni Mario. Siya na kaya ang isa sa kambal? "Millow!" Pigil ang boses ni Kuya nang makita akong lumabas sa pinagtataguan namin. Dere-deretso akong lumabas nang makita ko ang bata. Napatingin na rin sina Mario at ang asawa kuno nito sa'kin. Nagkatitigan kami ng batang lalaki at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bigla ko na lang niyakap ang bata na tantya ko'y apat na taong gulang na; na ipinagtaka ng mag-asawa. Naguluhan naman ang bata nang titigan ako pero tahimik lang ako. "Ma'am Millow?" gulat si Mario nang makita ako lalo na nang yakapin ko ang anak niya. Hindi ko maintindihan pero iyak ako nang iyak. Ilang ta
Millow's POVHindi ko alam na may binook palang island hopping activity si George para sa'ming dalawa lang. Mas piniling mag-swimming ng pamilya ko sa pool nang umalis kami. "I'd want to try these activities if they're worth including in my tour packages. Either way, we'll try it first and then let me know, darling, whether you like it. I already spoke with someone; he'll take us to their office." Hawak ako ng lalaki nang may tawagan ito sa phone. "Yeah, we're already here."Naka-proper swimming attire kami ni George para sa activities na gagawin namin. Bukas naman namin ito ipapasubok sa pamilya ko. Ilang minuto pa kaming naghintay hanggang may isang lalaking lumapit sa'min. "Sir George?" nakangiting tanong nito na tinanguan agad ni George. "Hi, ma'am." Sa'kin na ito nakatingin ngayon. "I will be the tour guide. Deretso na po tayo sa bangka, kanina pa namin naayos sa office ang package na kinuha ni Sir George." Tumingin ito kay George nang magpatiuna itong maglakad. "Sir, follow
Millow's POV "Tay Fernan!" Nakaabang na ang matanda sa pagdaong namin. Halos maiyak ito nang tuluyan nang makalapit matapos naming makababa ng yate. "Kumusta na ho kayo?" Halos maiyak ako nang yakapin ko siya; emosyonal din kasi ito nang makita ako. "Nakabalik ho ba si Lake rito?" Hininaan ko ang boses ko para walang makarinig sa'kin. Napailing ito, "Matagal nang patay ang mag-ama mo, Millow." Malungkot ang boses nito nang sagutin ako. Mabilis ako nitong inalalayan para makababa ng tulay. Naging moderno na at na-improve ang daungan ng yate. May mga tao ring nakaabang sa'min bitbit ang inumin. Isa-isang nagsipagbati ang mga ito nang makalapit na kami. Mabilis akong naglakad para ikutin ang isla. Namangha ako dahil halos apat na taon akong nawala pero marami nang nabago sa isla. Nag-mukhang resort ito sa paningin ko. Private island resort. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Lander. "This island is yours, Millow. Sa'yo na namin ito ibibigay dahil alam naming may sentiment
Millow's POV Sinundan ako ng katulong para maihatid ako sa labas ng gate. Nang makasakay na'ko sa kotse, doon pumatak ang luha ko. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan palabas ng subdivision para makalayo sa kanila. Second hand lamang itong sasakyan ko pero malaking tulong ito sa'kin. Hindi na yata ako sanay mag-commute kagaya noon. Bago pa man ako pumunta ng France, nag-enroll na'ko sa driving school hanggang sa magkaro'n ako ng driver's license. "Yes, Kuya." Pinigil ko ang pagsinok nang sagutin ko ang tawag ng kapatid ko. "I'm on my way na po. May dinaanan lang ako. Okay, no problem." Napabuga ako ng hangin para pakalmahin ang sarili ko. Marami akong katanungan kay Kuya Leighton pero nawala ako sa sarili nang makita ko si Selene. May kung ano'ng sakit sa dibdib ko ang muling nanumbalik. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nagmamaneho papunta sa slum area noon kung sa'n kami nakatira dati. Alam kong nabili iyon ni Lake kaya na-curious ako. "Lake," bulalas ko nang makita ko