Share

Episode 28: The Slum

Millow's POV

"Millow!"

Agad kong hinanap ang boses na iyon at laking tuwa ko nang makita ko ang kapatid ko. Nakontak ko siya kanina nang nasa barko ako. Galit ito nang malaman ang lahat at kahit ang mga magulang ko'y 'di rin mapigilan ang magmura nang gawin iyon sa'kin ni Lake. Tama raw ang ginawa ko; ang layasan ang babaero kong asawa.

"Kuya!" balik sigaw ko sabay kaway ng kamay ko.

Umiiyak ako sa byahe kanina pero alam kong ito ang nakakabuti para sa'kin kaysa naman magtiis ako sa mansyon na iyon na puro lang pasakit ang ibibigay sa'kin.

"Walanghiyang Lake na 'yon, kung makikita ko lang ang lalaking 'yon, makakatikim talaga siya sa'kin." Agad kinuha ng kapatid ko ang maliit kong travelling bag.

Naawa ako kay kuya nang makita ko kung ga'no siya kapayat. "Ang payat mo naman, Kuya."

"Makakaahon din tayo sa hirap," tanging nasabi nito sabay hila sa kamay ko.

Isang bus naman ang sinakyan namin papunta sa Quezon City. Nang makababa na sa destinasyon namin, sumakay ulit kami ng jeep.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status