Share

Episode 29: Starting Over

Millow's POV

Tuwang-tuwa ako dahil sa pangatlong apply ko sa isang 'di kalakihang karinderya na walking distance lang mula main road, natanggap ako. Nasa 500 kada araw ang sahod pero reliever lang muna ako kapag maraming tao o may magbabakasyon.

"Ang swerte mo ah, Millow," tuwang saad ni Ate Luna nang ibalita ko ito sa kanya. "Pwede na 'yan dahil malapit lang. Ngayon, sa isang pampublikong paaralan naman tayo pumunta. Sana matanggap ka rin do'n para maderetso mo na 'yang kolehiyo mo."

Sa isang public college lang ako mag-e-enroll pero may matatanggap akong scholarship na every school year ang bigayan ng 10 thousand pesos. Hindi na masama. Mas okay pa nga ito kumpara sa probinsya. Bago raw itong programa sa gobyerno para makatulong sa mga estudyanteng magkokolehiyo na. May benefits pa'kong makukuha kung i-a-apply ko rin ang pamilya ko sa isa pang programa na nagbibigay ng allowance sa mga maralitang pamilya pero kailangan ko pa itong i-confirm sa munisipyo. Magpapalista kami.

"Bumalik
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status